by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com
Blog: ZildjianStories
Author's Note:
Fresh from the cave pa ito mga paps! LOL Sumasakit na talaga ang ulo ko sa kwentong ito though medyo nag-eenjoy din naman ako sa kaalamang marami akong pweding ma-impluwensyahan sa kwentong ito. Hindi naman siguro lingid sa ating lahat na halos 80% ata nang mga readers ng kwentong ito ay naranasan ang ma-in love sa kanilang mga bestfriends.
Alam ko rin na medyo over used na ang kwento ng mga
magkakaibigan na nagkakaibigan kaya naman ginagawa ko talaga ang lahat ng
makakaya ko para lang maging iba ang dating at atake nito sa ibang mga kwento. (Di nga lang ako sigurado kung iba nga ang
dating) hehehe Basta yun na yon! Pagpasensyahan niyo na ako kung maraming
paligoy-ligoy sa kwento ko ngayon basta rest assured na gagawin ko ang lahat
para ma-satisfy ko kayo sa nalalapit na pagtatapos nito.
TOMAS! – Ako’y
talagang tuwang-tuwa sa bagong pangalan mo hahaha. From Phanton ngayon ay ikaw
na si Tomas ang dakilang sawsawan ng bayan LOL. PEACE!!
Hans – Isa ring
rason kung bakit medyo naging colorful ang araw ko ngayon hahaha. Kakaiba ang
kakulitan mo’t pagiging persistent. Keep it up!! Bwahahaha
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
“Siguradong masaya ang beach party
na naisipan ng mga kaibigan mo Ken.” Ang wika ni Nhad habang binabagtas namin
ang daan pauwi. Muli itong nagpumilit na ihatid ako sa kabila ng pagtanggi ko
sa kanya.
“Ayon nga. Sobrang bilis magpasya ng mga sira-ulong ‘yon.”
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko. Kahit kailan talaga pahamak sa
katahimikan ko ang mga sira-ulo kong kaibigan na kasamahan ko rin sa trabaho.
“Nakakatuwa nga sila eh, magulo sila pero kakaiba ang kaguluhan
nila, hindi nakaka-asar.” Ngingiti-ngiting wika nito.
“Mukha ngang tuwang-tuwa ka.”
“S’yempre naman! Kasama ako sa inimbihatan nila, ibig
sabihin no’n makakasama kita ng matagal.”
Hindi talaga ako makapaniwala sa kagiliwan nito. At mukhang
ikinatutuwa nito ang nakuhang pagkakataon para makasama ako. Somehow nakaramdam
din ako ng tuwa na malaman na may isang sumasayang tao dahil lang sa makakasama
ako. Masarap sa pakiramdam na may isang taong nangangailangan at nagpapahalaga
sa ‘yo.
“Pero ‘di ba may trabaho ka? Huwag mong sabihing gagayahin
mo ang mga kasama kong wala nang ibang ginawa kong hindi ang um-absent sa
trabaho.”
Pansamantalang ibinaling nito ang tingin sa akin, mula sa
binabaybay naming kalsada, bago sumagot.
“I wouldn’t mind na um-absent kung ang kapalit naman no’n ay
makakasama kita ng matagal.”
Tinablan ako sa sinabi nito. Nakaramdam ako ng pag-iinit ng
aking mukha kaya naman ako na agad ang bumawi ng tingin sa kanya. Kakaiba
talagang bumanat ang isang ito, walang kupas kung manggulat.
“Adik ka talaga.” Ang nasabi ko na lang at narinig itong
napahagikhik.
Ako man ay nagugustuhan ko na rin ang presensiya ni Nhad.
Hindi lang dahil sa natutulungan nitong
makalimutan ko kahit papaano ang mga
problema ko sa buhay kung hindi pati na rin ang kagiliwan nitong nakakahawa.
With him, nagagawa kong makaramdam ng saya at kapanatagan sa aking dibdib.
Nhad had this ability na mapasaya ang sinumang taong
madidikit dito at iyon ang isang bagay kung bakit hindi ko rin magawang itaboy
siya, kahit na sumasalungat minsan ang isip at utak ko. I needed him dahil kung
wala ito, baka tuluyan na akong nawala sa katinuan sa gitna ng mga problemang
ako rin mismo ang may gawa.
Hindi ko tuloy minsan maiwasang isipin kung bakit hindi pa
sa kanya tumibok ang puso ko. Alam ko namang kahit ilang araw pa lang kaming
magkakilala ay totoo at sinsero ang mga ipinapakita nito sa akin. Sadya nga
atang hindi gano’n kadaling turuan ang puso. Madaling sabihing kaya mong
bumitaw pero ang totoo napakahirap gawin niyon. Pero sabi nga nila, moving on
is a process, walang mangyayari kung hindi mo sisimulan ang prosesong iyon.
“Nhad, t-tungkol pala roon sa sinabi mo––”
“`Wag mong masyadong isipin iyon Ken, sabi ko nga sa iyo
hindi na importante kung may pag-asa ba ako o wala. Ang importante sa akin ay
hindi mo tinanggihan ang panliligaw ko. Sarili ko nang diskarte kong papaano
ako makakapasok sa puso mo.” Seryoso at puno ng kasiguraduhan nitong wika.
“A-Ayaw ko lang naman na umasa ka.”
“Kung hindi ako aasa, paano ko maipapakita sa iyo ang
sincerity ng intention ko? I need to hold on to hope, that I may get the things
that will make me happy in the end. Nasa pag-asa ang pagkamit ng mga bagay na
makabuluhan para sa atin. Ganyan ang buhay Ken, `yan ang paniniwala ko.”
May point naman ito ngunit hindi ko pa rin magawang hindi
mag-aalala kung sakaling hindi nito makuha ang bagay na magpapasaya sa kanya.
Alam ko ang pakiramdam kung papaano ma-disappoint, at iyon ang dahilan kung
bakit hindi ko masyadong matanggap ang sagot nito.
“P-Paano kung mabigo ka? Ano ang gagawin mo?”
“Kung mabigo man akong makuha ang gusto ko, then I will
start moving on. Risk-taker ako Ken, but I know how to handle my disappointments
in life. Life has many things to offer, ang importante you were brave enough to
take some risks para wala kang what regrets sa huli.”
Tinamaan ako sa mga sinabi nito. Kahit saan kasing anggulo
tingnan tama ito. Ako lang talaga ang nagpapahirap sa sitwasyon ko. I may not
be as brave like him pero sa tingin ko kaya ko naman gawing simple ang buhay ko
tulad nito.
“You’re right.” Kapag kuwan ay wika ko. Sa tingin ko
naibigay ko na rin ang lahat para makuha ang pagmamahal ni Matt, at ngayong alam
ko nang kahit ano pang gawin ko ay hindi nito kayang matugunan ang
narararamdaman ko, I might as well let go of my feelings for him and start to
move on. Hindi lang para sa akin kung hindi para na rin maisalba ang
pagkakaibigan namin.
Ilang minuto pa ang nakalipas at narating din namin ang
apartment na tinutuluyan ko. Bukas pa ang mga ilaw sa loob, ibig sabihin ay
gising pa si Martin.
“Salamat ulit Nhad.” Wika ko sa kanya nang makababa ako sa
sasakyan nito. “Hindi nalang muna kita iimbitahan sa loob sa susunod nalang.
“Ayos lang.” Nakangiti naman nitong wika.
Akmang tatalikod na ako para tunguhin ang pintuan ng
apartment namin nang tawagin ulit ako nito.
“Ayos lang ba kung tawagan kita kapag nakarating na ako sa
bahay?”
Hindi ko napigilang mapangiti sa pagkailang na nakikita ko
sa mga mata nito. Kahit pala ang tulad nitong agresibo kung pumorma ay
nakakaramdam din ng kahit konting hiya.
“Kapag tumanggi ba ako, ‘di ka magpupumilit?” May bahid ng
pagbibiro kong sabi.
Doon lang muling gumuhit ang mapang-akit nitong ngiti.
“Magpupumilit pa rin.”
“Ayon naman pala eh. Ingat ka sa pag-uwi, hihintayin ko na lang
ang tawag mo.”
“Great! Later then!” Ang magiliw nitong wika at
nagmamadaling pinaharurot na ang sasakyan nito.
Ang weird talaga
minsan ng isang iyon. Napapailing
kong sabi sa aking sarili habang hindi pa rin nawawala ang ngiting nakaguhit sa
aking mukha.
Pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay ay nakita ko si Martin
na naka-upo sa sofa. Walang ekspresyon ang mukha nito habang nanunuod ng TV, ni
hindi man lang ito nag-abalang tumingin sa akin kahit pa man alam nitong naroon
ako.
I want to make things right for both of us. Iyon ang
ipinangako ko sa aking sarili nang mabigyan ako ng pagkakataong makapag-isip
kaninang matapos kaming makapag-usap.
Alam kong hindi pa huli ang lahat para maayos ko ang gusot sa pagkakaibigan
namin.
“Kumain ka na ba?” Pagsisimula ko ng usapan. “Bumili ako ng
ulam para sa atin. Maghahanda na ba ako?”
“Hindi pa ako nagugutom.” The coldness of his voice really
pains me, pero hindi ako susuko. Gusto kong maibalik sa dati ang pagkakaibigan
namin. Kahit iyon na lang masaya na ako.
“Pero hindi ka pa ‘ata kumakain buong araw Matt, sabayan mo
na ako. Masarap pa naman itong binili kong ulam tsaka––”
“Hindi ka ba marunong umintindi? Hindi pa ako nagugutom,
kung gusto mong kumain, kumain kang mag-isa mo!”
Nagulat ako sa naging reaksyon nito. Bakas ang galit sa mga
mata niya na kahit kailan ay hindi ko pa nakita. May mga tampuhan kami ni
Martin noon, pero hindi ako nito nagagawang singhalan ng tulad ngayon. Sa unang
pagkakataon nakaramdam ako ng takot sa kanya. Oo, natakot ako dahil hindi ko na
kilala ang taong kaharap ko sa mga oras na iyon.
Mukhang napansin naman nito ang takot na rumihestro sa mukha
ko. Agad na nawala ang galit sa mukha nito at napalitan iyon ng pagsisisi.
“A-Ano bang nangyayari sa iyo Matt?” Hindi ko maiwasang
maitanong sa kanya. Ramdam ko na kasi ang pagbabago rito na lalong ikinasasama
ng loob ko dahil alam kong ako ang rason sa mga pagbabago nito.
Napayuko ito, marahil para maitago sa akin ang kung anumang
p’wede kong makita sa mga mata niya. Ganito naman lagi si Martin noon pa. Ayaw
nitong nakikita ng ibang tao ang kung anumang emosyon na meron siya; para sa
kanya ang pagpapakita ng emosyon ay isang kahinaan.
“Hindi ko alam.” Ang halos pabulong nitong sabi. “Ano bang
nangyayari sa atin Ken? Bakit tayo umabot sa puntong ganito?” Lalo akong
nahabag nang makita ko ang pagdaloy ng luha sa pisngi nito.
What have I done?
“Matt…”
“Pareho tayo ng gusto sa buhay –ang may mapatunayan sa mga
sarili natin. Kaya nga tayo agad na nagkasundo at naging matalik na
magkaibigan. Simula no’ng una tayong magkakilala tayong dalawa na ang laging
nagtutulungan. Kinaiinggitan tayo nang mga kaibigan natin dahil hindi tayo
mapaghiwalay. Pero bakit naging ganito? Bakit tayo umabot sa puntong
magkakasakitan tayo?”
Ramdam ko ang bigat at sakit sa bawat mga salitang
binibitawan nito. Mas masakit pala na makita mo ang taong pinahahalagahan mo na
nasasaktan at nahihirapan. Doble pa sa sakit na naramdaman ko no’ng malaman ko
sa sarili ko na hindi niya ako magagawang mahalin ng higit pa sa isang kaibigan.
Dahil kung noon ay parang sinasaksak ang puso ko sa katutuhanang iyon ngayon,
parang dinurog ang puso ko sa nakikita ko sa kanya.
“Nahihirapan na ako Ken, hindi ko na alam kung ano ang
gagawin ko. Natatakot akong tuluyang mauwi sa wala ang mahabang pinagsamahan
natin.”
“Matt..” Tuluyan nang kumawala ang mga luhang kanina pa
nagbabadyang pumatak sa aking mga mata. Wala nang ibang dapat sisihin kung
hindi ang sarili ko. Imbes na makuntento na lang ako sa kung ano ang meron kami,
ay naghangad pa ako ng higit pa roon. At dahil sa sobrang paghahangad kong
makuha ang pagmamahal nito para sa pansarili kong kaligayahan ay hindi ko na
napansin na unti-unti ko na palang sinisira ang pagkakaibigan namin.
“Ikaw lang ang nag-iisang taong umintindi sa akin. Ikaw lang ang tanging taong pinahalagahan ako at ipinaramdam sa akin na hindi ako nag-iisa.”
“Kaya pa naman nating ayusin ito Matt. Itatama ko ang mga pagkakamali
ko. Aminado naman ako na kasalanan ko ang lahat ng ito.” May bahid ng
pagsusumamo kong wika. Ayaw kong mawala na lang ng basta-basta ang pinagsamahan
namin.
“Hindi mo naiintindihan Ken. Hindi lang ikaw ang may
kasalanan kung bakit tayo nagkakaganito. Hindi mo ba napapansin, pareho na
nating nasasaktan ang isa’t isa. Nasasaktan na kita at nasasaktan mo na rin
ako.”
Napakagat-labi ako sa mga huling salitang binitiwan nito.
Siya na mismo ang nagsabing nasasaktan ko na siya at dahil iyon sa nararamdaman
ko sa kanya.
Ganito ba talaga ka kumplikado
ang magmahal?
“Kapag nagpatuloy pa tayo sa ganito, tuluyan na nating
masisira ang pinagsamahan natin.”
Hindi ko nagugustuhan ang itinatakbo ng usapan namin. May
pakiramdam akong may hindi tamang mangyayari.
“Maaayos natin ‘to Matt, tulad ng mga problemang hinarap natin noon. `Wag lang tayong bumitaw sa isa’t isa. Kung nagawa natin no’n, magagawa pa rin natin ngayon.”
Sunod-sunod ang ginawa nitong pag-iling. Unti-unti na akong nawawalan
ng lakas sa nakikinita kong kahahantungan ng lahat.
“Matt..” Ang nagsusumamo kong sambit sa pangalan nito. Ayaw
kong isipin na isusuko na nito ang pagkakaibigan namin dahil hindi ko alam kung
papaano ko iyon matatanggap. Lalo pa’t alam ko sa sarili ko na ako ang dahilan
ng lahat.
“Magkanya-kanya na lang muna tayo Ken. Habang hindi pa natin
tuluyang nasisira ang respeto natin sa isa’t isa.” May bahid ng lungkot nitong
sabi pero naroon din sa boses nito ang determinasyon sa kanyang sinabi.
Bigla akong nawalan ng kakayahang makapagsalita sa mga
narinig sa kanya. Alam ko sa isip ko, na gusto kong tumutol sa gusto nitong
mangyari, pero hindi ko magawang maisaboses ang pagtutol na iyon. Ang mga
luhang masaganang dumadaloy sa aking pisngi ang siyang tanging nagsasabi kung
gaano ako nasasaktan sa naging desisyon nito.
“Mas makakabuti sa ating dalawa ang bigyan ang isa’t isa ng space
at panahon para makapag-isip. Ayaw kitang saktan Ken, alam mo ‘yan. Pero hangga’t
hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin, kailangan ko munang lumayo para
hindi kita tuluyang masaktan ng lubusan.”
Tumayo ito sa pagkakaupo sa sofa at lumapit sa akin. Pinahid
ng mga kamay nito ang mga luhang wala pa ring humpay na dumadaloy sa aking
pisngi. Ngumiti ito – isang ngiti na
puno ng sakit at pagsisisi.
“`Wag mong isisi ang lahat sa sarili mo Kenotz, dahil ako
rin, alam ko’t aminado ako na may mga naging kasalanan din ako sa ‘yo.”
“Sigurado ka bang ayaw mong samahan ang mga kaibigan mo?”
Ang wika ni Nhad.
Natuloy ang beach party sa pangunguna ni Jay na sinuportahan
naman ng iba pa naming kasamahan. Sa isang beach resort hindi kalayuan sa
lungsod kami nagpunta na pag-aari ng Ninong ni Lantis. Ayon sa apat na
magkakaibigan, naging malaking parte na sa kanilang lima ang lugar na iyon. Sa
resort daw sila palaging nagpupunta kapag gusto nilang makapagrelax at
makapagbonding no’ng high school pa lang sila.
Maganda ang beach resort kahit pa man artificial white sand
lang iyon. Alagang-alaga ang dagat kaya naman napakaganda nitong pagmasdan sa
natural na kulay nitong asul at ang mga buhay na corals do’n. A best place for
scuba-diving sabi pa nga ni Lantis.
“Dito na lang muna ako Nhad.” Walang gana kong wika habang
pinapanuod ang mga kasamahan namin na naghahanda nang mag-boating.
“May problema ba Ken? Napansin ko, no’ng tinawagan kita
matapos kitang maihatid sa apartment niyo naging malamig at matamlay ka na.
Kanina sa kotse habang papunta tayo rito hindi ka rin umiimik. May nagawa ba
akong hindi mo nagustuhan?” Bakas ang pag-aalala sa boses nito.
Umiling lang ako bilang pagtugon sa kanya. Hanggang ngayon
ay hindi ko pa rin matanggap na tuluyan nang lumayo si Martin. Matapos ang
gabing makapag-usap kami nito ay hindi ko na siya naabutan pa kinabukasan.
Nakapanlulumong makita kong wala na rin ang mga gamit nito
sa kanyang k’warto. Hindi ko akalain na aabot kami sa puntong kailangan naming
maghiwalay ng landas dahil lang sa isang problema na hindi ko agad nagawan ng
paraan para maisaayos ito.
Narinig ko itong napabuntong-hininga.
“I know something is bothering you Ken, you can’t hide it
from me, pero kung hindi ka pa handang pag-usapan ang kung anuman `yang
gumugulo sa ‘yo hindi kita pipilitin.”
Hindi ito umalis sa aking tabi. Tahimik naming pinanood ang
mga kasama naming masayang naghaharutan at nagkukulitan mula sa Cottage na
kinauupuan namin. Habang ang iba naman ay nagkanya-kanya na ng ginagawa. Tulad
na lang ni Jay na nag-scuba diving na. Nagpapasalamat ako kahit papaano kay
Nhad dahil sa pinapakita nitong pag-intindi sa sitwasyon ko at hindi paglisan
sa aking tabi.
Ilang minuto pa ang lumipas nang lumapit sa amin sina Lantis
at Maki.
“Pambihira talaga si Nicollo! Nagpunta lang dito sa beach
para matulog!” Napapalatak nitong wika. “Oh, kayong dalawa, bakit dito kayo
nagmumukmok? May LQ na agad kayo?” Pagpansin nito sa amin.
“Huwag mo nga silang pakialaman Maki.” Saway ni Lantis dito
bitbit ang kuting na laging pinagtatalunan nila ni Nicollo.
“Masama na bang magtanong? I just wanted to extend my help
you know.” Tugon naman nito sa kaibigan na abalang kinakalikot ang mga baon
naming pagkain.
Pinukol ni Lantis ito ng masamang tingin na tinugon lang ng
kaibigan nito ng pagkikibit ng balikat.
“Nhad pare, p’wede mo ba akong samahan sa kotse ni Nico?
Naroon pa ‘ata ang mga cooler na may laman ng inumin natin. Ang ulupong kasing
yon, hayon at natulog na agad. Si Jay naman busy sa pakikipagtitigan sa mga
isda sa ilalim ng dagat.”
Napatingin naman sa akin si Nhad na para bang humihingi ito
sa akin ng permiso. Kaya talaga nitong iparamdam sa akin kung gaano ako
kahalaga sa kanya. Tumango naman ako bilang pagtugon.
“Sige, tara”
Nang makaalis ang dalawa ay naiwan kami Lantis sa Cottage.
Tahimik nitong pinapakain ang kanyang alagang pusa habang ako naman ay tahimik
ring pinagmamasdan ang masayang pag-bo-boating ng mga kasamahan ko sa trabaho.
“Hindi mo dapat hinahayaang maapektuan ng problema mo ang
mga taong nakapaligid sa ‘yo.” Kapag kuwan ay wika ni Lantis.
“Hah?” Medyo naguluhan ako kung sino ang tinutukoy nito. Nasa
pusa kasi ang tingin nito na para bang iyon ang kanyang kinakausap.
Bumaling ang tingin nito sa akin. Seryoso ang mukha nito at
walang mababakas ng anumang pag-aalinlangan.
“Don’t you think it’s kinda unfair on his side? He only
wanted to enjoy his time with you. Pero dahil sa nagmumukmok ka, pati siya ay
hindi na rin magawang makapagsaya. Kung may problema ka, mas magandang
kalimutan mo na lang muna nang hindi mo maapektuhan ang mga taong malapit sa ‘yo.
Besides, nagpunta tayo rito para aliwin ang mga sarili natin.”
Literal akong napanganga sa kaprangkahan nito. Pero hindi
ako nakaramdam na na-offend ako sa sinabi niya dahil totoo naman iyon. Sadyang
hindi lang ito marunong magpaligoy-ligoy at sasabihin nito ang kung anumang
nakikita nitong mali ng walang pag-aalingan.
“Sometimes, you have to hide your pain for the sake of those
who care for you. You may be facing a tough time right now pero hindi ibig
sabihin no’n na kailangan mong idamay ang mga taong nagmamalasakit sa iyo.”
Nakaramdam ako ng hiya hindi lang sa kanya kung hindi pati
na rin sa sarili ko. Hindi nga naman tama na idamay ko sa kamiserablehan ko ang
mga taong wala namang ginusto kung hindi ang pasayahin ako. Nasanay kasi ako
noon na laging may Martin na laging nariyan para tulungan ako at ngayong
tuluyan nang nawala ito ay hindi ko na alam kung papaano ko patatakbuhin ng
tama ang buhay ko. Hindi lang ang pagkakaibigan namin ni Matt ang nasira kung
hindi pati na rin ang pagkatao kong nakadepende sa kanya at nasanay na nasa tabi
ko lang siya lagi.
Aaminin ko, malaking kawalan sa akin ang paghihiwalay ng
landas namin ni Martin. Masyado kong idenepende ang buhay ko sa kanya, to the
point na lahat ng naging kilos at desisyon ko ay palaging kasama siya.
Eveything now is new to me para akong isang bagong tao na walang
kamuwang-muwang sa mundo.
Ngayon ko lang napagtanto na sumobra na ang pagmamahal ko sa
bestfriend ko. Dahil ngayong wala na ito ramdam kong hindi na kompleto ang
pagkatao ko. Because Matt was everything for me.
“Don’t let your problem ruin the whole you. Sinasayang mo
lang ang pagkakataon at pagmamalasakit ng ibang tao para sa’yo.” Then he walked
away.
Naiwan akong nakayuko. I guess I have to start a new life –a
life without Martin. Kailangan kong magpakakatatag para sa mga taong nagmamahal
sa akin lalo na sa pamilya ko na umaasa sa akin at patuloy na sumusuporta sa
lahat ng aking mga ginagawa.
Itutuloy:
56 comments:
hai, nalungkot ako bigla para kay Matt at Kennotz, pero feeling ko, mali lang ng pag-intindi si Kennots sa mga sinabi ni Matt eh, feeling ko, mahal na din ni Matt si Kennotz, pero ang nakikita lang kasing side ni kennotz ay ang side niya na AKALA NIYA AY MALI....
Kennotz Matt pa din ako. hihihi. Parang ayaw ko kay nhad. Masyado kasi siyang PERFECT. hihhi
thanks daddy zeke, next na agad...
...eusethadeus...
sa wakas meron na din chap 17... hehehe..
keep up the good work author... basa muna...
I just want to comment on this part. Hahaha..
Masokista masyado si Ken. Siya na mismo ang nagsabi na hangga't maaga ay kailangang maisalba ang pagkakaibigan nila. hindi ba niya naiisip na hangga't nagkikita silang dalawa lalo lang nilang sinasaktan ang isa't isa. Masokista na manhid pa. May tao pala talaga ganito. Naiinis lang ako sa character niya. Bakit kasi hinayaan niyang si Matt ang magsabi na magkanya kanya muna sila. Bakit hindi na lang siya yung magkusa noon. Eh di dumoble ngaun ang sakit na nararamdaman niya. Hay buhay nga naman!!!
Ngayon para siya tanga...tingnan ko ngaun ung transformation niya. Siguro naman yung mga pasaring sa kanya ni Nhad at Lantis dapat maisabuhay niya.
Zildjian:Naiininis ako kasi patulog na ako ng maisipan kung bisitahin ito tapos ito pa bubungad sa akin..hahahaha..baka hindi ako makatulog sa bigat ng dibdib...hehehe..peace bro!!
Sori ngaun lang nakapagkomento busy pero updated naman ako kahit papaano.Abangan ko next episode! Goodluck and Goodnyt!
Wow ngayon lng me nakahabol sa bgong story na i2 paspasang basa for 2 days hehe busy kc eh may semplang sa skul kaya kelangan ayusin(anung connect hehehe)
Anubayun gantong scene yung naabutan ko kakatapos ko pa lng basahin yung "will you wait for me" na para daw akong tangeng iniiyakan yung phone ko sbi ng kapatid ko tapos nagkahiwalay naman si kenotz at matt...Haist grabeh bumigat yung feeling ko -_-
anyways gudluck and keep it up kuya, wala na talaga ikaw na da best ka!!! ^_^
darwin19<3
ang ganda ganda po nya kuya zeke.. thank u po for the update.. ngaun lng po ako nagcomment!! si jordan po ng middle east..hehehe
jjeeesssshhh// martins a jerk. sana minahal na lang ni ken si nhad. though sabi nga di kayang turuan ang puso. haiiii... so comnplicated...
ivan d. :)
pa-comment muna zeke bago magbasa.
Yehey! Meron na! LOL!
Btw, hindi ako kasama sa 80%. Hahaha!
Basa mode.
--ANDY
kagigising q lng tol...
Tpos na icpan qng magsurf dahil d aq mka2log ulit. ^^,
Tpos binasa q na update mu...
Panigurado tol...
Malungkot ng buong araw...
Ang lungkot ng sumalubong ng araw q ehh... Huhuhuh.... T.T
- lance
+_+
nice,more more more! XD love all ur stories btw,kip it up. :)
Pacnxa naman lance hahahaha babawi naman tayo sa mga susunod na chapter.. :D
Sulit ang hindi mo pagpaparamdam idol! Bumawi ka nang mahabang comment at talagang galit ka kay Ken lol. HAHAHAHA
Well, partly di natin masisisi si Ken. He was used na nasa tabi niya lagi ang bestfriend niya. Kung baga sanay siyang may nakabuntot sa kanyang Martin at ngayon heto nga't nagiba na ang takbo ng buhay nila LMAO :D
Nice to have you back IDOL!!!!!!!!! INGATS!!!
This chapter was somehow shoot & really moved me to the bottom. Was so affected with your characters.Been hoping they could patch it up soon coz I don't wanna see them both sad.I could sence that the next chapter would be a big bang of realization for Martin that he cannot stay long away from Ken. thanx Mr.Z for another much awaited chapter by chapter story.
From Burj ur #1 reader here in Abu Dhabi UAE
Mr. Z I was so touched by this chapter...when will gonna be the total realization happen? Hope at the soonest...Ur D Best!
From Burj ur #1 reader here in Abu Dhabi
wew, napatulala ako dito sa chapter na to, buong araw ko ata iisipin to..hehe..
Thanks z.. Keep it up..
nakakaiyak naman..
PANGZ
Yes! Nagkahiwalay na sila! Wahahaha!
Thanks! Thanks!
Pansin ko sa mga charcters ni zeke, like alex, ken, yung sa 9 mornings, etc. (yung mga bottom) LOL. Tahimik sila at parang pasan lagi ang mundo.
Office mode na.
Thanks zeke, kumpleto na araw ko.
ROME-ACE loveteam parin ang pinaka fave ko sa mga stories mo zeke. Haha! Plan ko nga ulit basahin yun eh.
Mr. Z I was really moved w/ this chapter...
Burj here of Abu Dhabi
galing galing..author xnxa na huh nagmamadali na ako sa work malelate na ako heheeh..
hayyyyy friends or lover.ano ba yung kinagagalit ni matt? na nalaman nya na gusto sya ni ken? eh ano ba mas preferred nya?hahaha ay buhay
Saklap nmn ng nangyari (ouch)
Mahal dn ni matt c ken more than a friend
Kaso naguguluan tong matt na to ee..
pain an endless pain that i felt for ken nakikita ko ang sarili ko sa kanya zild..
angsama mo! :((
sbi q isama mq sa beach kht extra lng, d m tlaga aq cnama :(
but anyway anyhow anywho! kht anu man ang ibg sbhn ni matt, ky nhad pa dn aq... jst look at how he cared for ken, npakasweet nia and he always draws a smile on ken’s face, unlike matt whom he loved yet gives nothing but tears and deep, incomparable agony...angsarap batukan! that’s exactly how someone i knew made me feel b4 and i hate it, i must say it’s... it’s... it’s completely unforgivable!!
san sa huli c ken at martin parin.. sayang naman yung friendship nila ee./.or kung hindi man maayos nila..sayang ung nakapatagl nilang pinagsamahan.. naayos nga ni ken ung problema sa mama ni matt ee tas sila pa yung nagka gulo..why oh why :(
Shetnessss...........how sad ?tskkkkkknakakainis na nakakalungkot na naiiyak ako ah...ang ganda nakakdala sa damdamin
weh? LOL
nakayanan nga nilang magpanggap na magkasintahan sila.. bat di nila makayanang mag panggap na di nila mahal ang isa't-isa? LOL.. wala lang.. #walangbasaganngcomment :D
.. huhhuhuhuhuuhhh.. super kalungkot.
naiiyak ako ng bonggang bongga kawawa nman si kenotz
.. sana nman bigyan nya ng pagkakataon mahalin sya ni nhad
umft,!
.. sana lumabas agad ung next chapter ang gondo gondo tlga
<--- demure
nalulungkot ako sa kinalabasan ng pagkakaibigan ni matt at ken..pero go NHAD...pasayahin mo na si ken...go ako sa inyong dalawa..
RGEE
author ano ba yung nangyari kay matt before sya naabutan ni ken na nkikipag inuman at nakikipagharutan with his officemates..? cant wait to see the next chapters..
RGEE
Everything was turning all right
for the the both of them until the day Kenots
went out with Nhad. Martin is kinda confused
wether he would reciprocate the feelings Kenn
has for him or he would ignore it for he wants
to be a real man for himself and for his parents as
well. He's been to identity crisis I think..
I know,sooner and later Martin would realize how important
Kenn was for him and he couldn't face life without him..
Sana nga bumawi ka aman sa next chaps Ziljian and
would u mind to reply back sa comment q,? Biased ka
aman eh hhiihihi.. joke lang idol.
Keep it up ^^
~.~
paslangin si MATT!!!! walang kwnetang nilalang, puro xa pabitin effect, kala mo kung sino.. kakairita
YUME
kahit sa bandang huli alam ko sina matt at ken pa rin ang magkakatuluyan pero mas gusto ko si nhad para kay ken. mas sincere at mas caring kasi siya compare kay matt
Ang ganda kuya kahit naiiyak ako. Hahaha! Great job kuya!
this is it.. naghiwalay na sila, hehe.. tapos magiging miserable ang buhay ni ken, maaawa at magsisisi si matt tas babalikan nya c ken, pero wla na syang babalikan dahil ken starting to love nhad..
sna umalis na c ken sa apartment nila at dun na sya tumira kay nhad..
more twist pa po author! more kilig moments nila ken at nhad ...
ganda ganda..
<07>
dear loves ko,
this chapter is very very sad. Nkarelate ako pre.... YOU KNOW ANG HIRAP HIRAP itago na nasasaktan ka lalo na at nasasaktan ka tlaga! it happened to me pre... masakit kalimutan ang matagal na pinagsamahan pero sabi nga, dapat mg move on! hahaha
now ko lng nabasa loves ko kasi galing pa ng work...
miss u pre...
-hans
this was my first time na magcomment sa mga stories mo po :) simula umpisa bnasa ko lahat....
naisipn kng mag comment kasi super dami kong napulot sa chapter na to.... saktong parehas kasi kami ng problem ni kennotz ngaun... feeling ko mejo naliwanagan ako sa mga sinabi ni nhad and lantis...
super thank u po kuya for writing dis story :)
sna po super daming story pa magwa mo :)
msaokista ni Ken. sobra.
ang tanga mo kac ken...................nandyan nmn c nhad.....dmi mong arte............move on kna kc...........eepal rin yan c sey..............sa susunod nyong pagkikita.................at ska.........lumayo lng yan c sey.....to make sure na my nararamdamn din xia sau bgo uli xia eepal sa lyf nyo ni nhad....................AGREE............................/////?????????............................................RAS
What I'm afraid of is since many are awaiting for the last chapters for sure posting will be delayed for suspense effect. -_-
Sino siya? Tao ba siya? HAHAHAHAHA :D
hello Brent,
Syempre i wouldn't mind hehehe :D Pasensiya na kung hindi ko magawang mareplayan ang mga comments niyo palagi. Marami lang talagang iniisip si author na kabastusan kaya ganito. :)) Sorry and Ingatz :D
kasama talaga sa scene ang dear loves ko? HAHAHAHA anyway ayos lang iyon hans :) salamat sa comment mo :)
Mr. Anonymous,
Hinding-hindi ko magagawang i-delay ang chapter para lang bitinin ang mga readers ko. :D Mabait po akong tao. Kung mapapansin mo, pinipilit ko po'ng makapagpost every other day which happened to be my schedule for posting para di kayo matagalan sa paghihintay. Ang kaso nga lang po, minsan marami akong ginagawa sa buhay ko kaya na-de-delayed.
But worry not. Rest assured na hindi ko kayo paghihintayin ng matagal na ma-post ang next chapter :))
Ingatz!!!
Ramdam ko yun ah... Ahaha..
Ang tanging naging kasalanan ni ken ay ang mahalin niya si matt, sana si nhads na lang kasi... Hindi naman hiningi ni ken na mahalin din siya ni matt... Kung makareact si matt sobra... Kung nasaktan siya dapat naisip niya na mas masakit aminin para kay ken na mahal niya si matt kung ang kapalit nun ang pagkakaibigan nila... Hmp...
Kawawa naman si ken...
Wow.. andami namang galit kay matt.. pero mas boto ako sa matt-kenotz tandem.. lahat naman ata tayo dumaan sa stage na naguguluhan tayo.. iba iba lang yung way natin ng paghandle ng emotions... im sure maliliwanagan din si matt.. I have nothing against nhad.. its just masyadong "fantasy" yung character nya yung tipong flawless and masyadong perpekto.. :) silent_al
ndi, ipis xa >_>
Ang Sana ni Matt,, ;(
Ds s d 5 th tym n binasa q chapter n to.. I'm so depressed the whole day...
I can feel the pain n Meron c kenotz.. Un bang nasanay k n may kasama k lagi.. Den all of a sudden maggcng k n LNG n initan k n..
But tnx to Lantis' advice... Sapul dn aq...!!!
Heart warming chapter... '!!!
Randy
kuya naman..bitin na naman ang eksenang ken at matt..
-Jay
galing naman nakakarelate naman ako dyan hehehe
parang ung sinabi ko sa bestfrend ko nun "Lonliness has thought me everything in this world but still i cannot forget the one who made me LONELY". (di nya alam sya ung tinutukoy ko manhid kasi palibhasa bz sa gurlfriend nya)
Hope to see a happy ending for the matt and kennotz tandem.
Same pa sila ng name bestfrend ko. damn hehehe :(
amazing!!...
ikaw nah tLga kuya Z!!...
ang daming tagos sah puso nah quotes!!..
pwde nang i.status sah FB...
hahaha!!...
you cn do it kenotz!!...
mkaka.move on kah rin...
- edrich
dito na po yata umiinog ang mundo ko sa kakaisipwaht will happen next to tandem of matt kenotz..good work po mr writer..
kawawa si kenotz. he was just honest and hopeful. pero bakit di siya naiintindihan ni matt? bakit kelangan niyang saktan si kenotz sa mga pinapakita niyang kilos? may nagrasp lang ako sa sinabi ni matt. nasabi niya na nasasaktan na siya ni ken. paano? sa pagsasama ni ken kay nhad? kung ganun may feeling din siya kay kenotz.... yeheeeey.. gusto ko ito. kaso lang di siya sure. kaya kelangan niya ng space para pagisipan at tantuhing mabuti ang nararamdaman niya para sa best friend niya. pero baka magiging late na. alalahanin niya na may nhad na nagaabang... naghihintay lang kay kenotz. martin at ken pa rin ako.
KUDOS zildjian.... galing.
next chapter na please. hehehe. can't wait...
walking toot! :P
hay,,me mga bagay lang cguro talaga na minsang magkalamat ay mahirap ng ibalik sa dati like friendship...pero sana magkaayos prn cla...i agree sa desisyon ni matt na maghiwalay muna ng landas bago pa 2luyang mcra ung friendship nila ni ken...who knows,bka me feelings nrn sya ke ken but since bago lang un sa knya e gulung-gulo at nalilito pa siya...
Infairness, gs2 q ung advise ni lantis.^^
Post a Comment