Ang Matalik na Magkaibigan Chapter 12
By: dranski/dranieM
draniem_08@yahoo.com
Nadatnan kong masayang kumakain sila Glen, Mom at Sy. Umupo ako sa kabilang side ng table katapat si Sy, mas gusto ko kasing katapat siya para nakikita ko ang gwapong mukha niya. Agad naman nitong inipit ang paa ko gamit ang mga paa niya. Tahimik lang akong kumakain kasama sila, aaminin kong nagtataka ako bakit ganon ang text ni Ralph kay Sy, magkasama pala sila ni Sy kabagi? Kasama niya sa inuman? Bakit hindi ito sinabi ni Sy? Kahit maingay ang kwentuhan nila ay parang wala akong naririnig at nakatingin nanaman ako sa kawalan. Kung ano ano na ang pumapasok sa isip kong hindi magagandang bagay pero ayoko isipin na ginawa ito ni Sy dahil alam ko sarili ko na tapat ito sakin. Pakiramdam ko tuloy nagiging paranoid lang ako kaya kung ano anong naiisip ko, alam kong kung paguusapan namin ito ay magiging okay din ang lahat at magiging tahimik din ang isip ko. Napatingin ako kay Sy at kitang kita ko naman sa mukha niyang masaya siya at parang wala naman siyang tinatago, napansin nito na nakatingin ako kaya binigyan ako nito ng matamis na ngiti at nagpakyut pa at pataas taas ng kilay.
“Oh Mahal are you ok? Kanina kapa tahimik dyan.” sabi nito na may tono ng pagaalala
“Baka naman pagod?” sabat ni Glen, at halatang nangiinis ito dahil natatawa pa siya
“Oh bakit ka naman pagod anak?” Si Mom
“Ah eh..” hindi agad ako nakasagot dahil sunod sunod silang nagsasalita
“Tanungin nyo si Sy Tita baka alam niya?” sabay bigay ng nakakalokong ngiti kay Sy
“Glen!” saway ni Sy
“Ah okay lang po ako Mom, may naisip lang po ako.” palusot ko
“Ano naman yun?” usisa pa ni Mom, napatingin naman ako kay Sy, naisip ko tuloy kung ioopen up ko ang nasa isip ko
“Ah wala po yun hindi naman po importante, kain napo ulit tayo nagutom pu ako eah” sabay subo ng pagkain, naramdaman ko namang medyo humigpit ang pagkakaipit ni Sy sa mga paa ko, sa mga simpleng bagay na yon alam kong concern siya sakin.
Matapos kumain ay nagprisinta na ako ang maghuhugas ng pinagkainan dahil wala naman ako gagawin, pero tulad ng dati pinigilan ako ni Sy dahil may mga katulong naman daw na gagawa noon at isa pa ay sayang daw ang oras na pwede kame magbonding, pero hindi ako papatalo nagisip ako ng paraan na yayain siya maghugas ng pinggan, dinahilan ko na para makapagbonding kame at para matuto siya ng gawaing bahay dahil hindi pwedeng ako lahat ang gagawa ng gawin kapag nagsasama na kame kaya napilitan din siyang maghugas ng pinggan siya sa sabon ako naman mag sa banlaw at si Glen audience impact. Nung una pa ay tawa kami ng tawa ni Glen dahil diring diri si Sy sa paghawak ng sponge pati sa paglilinis ng mga maduming pinggan at kubyertos, pero dahil sa tulong ko nagawa din ito ng maayos ni Sy. Pagkatapos maghugas ay umakyat kaming tatlo sa kwarto ang akala ni Sy ay magpapahinga na kami.
“Hoi Glen magpapahinga kami ng asawa ko dun kana sa garden magpahinga kausapin mo Mom.” asar ni Sy
“Heto!” sabay abot ng vacuum at brush
“Anu gagawin natin?” tanong ni Sy
“Maglalaro! Anu pa ba edi maglilinis sobrang dume nanaman ng kwarto mo.”
“Yun naman pala eah dun na lang ako sa Garden.” sabay talikod
“Glenery! San ka pupunta!? Tutulungan mo kame!” habang hawak ang balikat niya.
“Bakit pati ako?” sagot niya
“Syempre kaybigan kita eah, ang magkakaibigan nagtutulungan!” pangaasar ni Sy, habang nakaakbay kay Glen
Nagumpisa na kami maglinis ng kwarto ni Sy, si Glen ang nagvacuum ng sahig habang kami ni Sy ang angpupunas ng mga dapat punasan. Nagtupi din ako ng mga damit ni Sy sa cabinet at tinabi ko rin ang maduduming damit para malabhan na, bumaba muna ko dala ko ang mga maduming damit para maasikaso agad. Pagbalik ko ng kwarto ay nakita kong pareho ng nakabulagta ang dalawa sa kama at mahimbing ang tulog, ang ganda nila pagmasdan para silang mga anghel, hindi ko na sila inabala at hinayaan ko nang matulog ang dalawa at ako naman at naglinis pa ng banyo ni Sy. Brush doon, brush dito, punas doon punas dito, sabon sa gilid sabon sa ibabaw, habang naglilinis ako ay pumasok sa isip ko na ginagawa ko lang ito para madivert ang atensyon ko sa nabasa ko kanina. Gusto ko magalit, gusto ko siya komprontahin para maliwanagan na ako, pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magalit sa kanya pakiramdam ko ay wala pa kong karapatan magalit pero hindi ko alam kung bakit.
"Magpahinga ka muna." bulong ng tao salikuran ko, habang dahan dahan akong niyayakap mula sa likuran, alam kong si Sy ito.
"I'll just finish this." maikling sagot ko
"Hindi ako bibitaw hanggat nandito ka." lambing niya, pansin kong dahan dahan niyang sinara nag pinto gamit ang paa niya.
"Hoi katatapos nyo lang mappahinga nga kayo!" Sigaw ni Glen
"Oo na lalabas nako, tara na"
Lumabas na kami ng banyo para makapagpahinga nakahiga kaming tatlo sa kama ni Sy si Glen sa kaliwa, si Sy sa gitna at si Glen sa kanan. Nakayakap sakin si Sy at si Glen naman ay nakatalikod sa amin, tahimik kaming lahat at ako ay nakatingin lang sa kisame dahil kahit anong gawin ko ay may kung anong gumugulo sa isip ko. Ganito lang ako hanggang sa makatulog sila hanggang magising,.Nang magising ang dalawa ay inaya ko agad si Sy na ihatid ako pauwi sa condo para doon na makapagpahinga kaya naman nagayos na kami, nauna ng umuwi si Glen sa kanila para makapagpahinga din ng maayos. Habang nasa byahe kami ay tahimik nanaman ako at deretso lang ang tingin ko sa kalsada.
"Mahal kanina kapa tahimik ah."
"Pagod lang siguro to." sagot ko sa kanya
"Gusto mo ba pa massage muna tayo para mawala yan?" suhestyon niya
"Wag na, itutulog ko lang to para pag gising ko wala na." dahilan ko sa kanya
"Sure ka ha? nagaalala kasi ako sayo eah." paglalambing nito sabay haplos sa hita ko
"Salamat Sy." at hinawakan ko din ang kamay nito
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa condo, nagdesisyon si Sy na dito na din matulog para daw mabantayan niya ko ng mabuti nung una ay tumanggi ako pero dahil makulit itong kumag ay napapayag na din ako. Pagapsok ko ay dumeretso agad ako sa kwarto, si Sy naman ay kasunod ko. Pakiramdam ko ay sobrang tagal na panahon na ang lumipas ng huling pumasok ako dito kaya naman humiga agad ako ng kama si Sy naman ay sa banyo dumiretso. Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa sandaling iyon habang nakahiga sa kama ko at nagpapahinga iba talaga ng pakiramdam kapag nasa sarili kang kwarto. Ilang sandali pa ay naramdam na ako ng antok......
* * * * * * * * * * * * *
Nakita ko si Sy na papalapit sa akin na may lungkot sa mukha, nagtaka naman ako kung bakit ganoon na lang ang reaksyon sa mukha niya. Nang makalapit ito sa akin ay isang malambot na labi ang dumapo sa aking noo, hindi ko alam pero lungkot ang naramdama ko sa halik na iyon.
"Kaylangan ko ng magpaalam." bulong nito
"Anong sinasabi mo?" buong taka kong tanong
"Alam ko na ang lahat, masakit pero tapos na tayo." bulong nito sabay talikod saakin at akmang aalis na
"Wag kang umalis..." malungkot na sabi ko, sabay abot sa kamay niya
"Gagawin ko lang to para maging malaya ka." seryosong sagot ni Sy
"Ayoko! please nagmamakaawa ako hindi ko ginusto yung nangyari, wala akong magawa." habang humahagulgol
"Minahal kita ng totoo pero hindi ko alam bkit mo nagawa sakin yon, masyadong masakit..." umiiyak na din siya
"Nagmamakaawa ako Sy. Mahal na Mahal kita!" niyakap ko siya habang patuloy padin ang pagiyak ko
"Im Sorry..." at inalis niya ng kamay ko sa pagkakayakap at tuluyang umalis
"Sy!" pagpigil ko sa kanya pero hindi man lang ito lumingon
"Malaya kana." sambit nito
"Sy! Please!"
"Mahal kita..... Zach..."
"Wag moko iwan!"
"Paalam..."
"SY!!!!!!!!"
Napatayo ako sa kama ng marinig ko ang malakas na pagsara ng pinto sa condo, inilibot ko ang mga mata ko sa kwarto at napansin kong wala doon si Sy sa sandaling iyon naging sobrang bigat ng nararamdaman ko parang sasabog na ang puso ko. Ramdam na ramdam ko ang pagtulo ng aking mga luha sa aking pisngi. Mabilis akong tumakbo palabas ng kwarto para habulin si Sy pero bigo dahil wala siya sa sala, pumunta din ako sa banyo para hanapin siya ngunit hindi ko din siya nakita doon. Lalong bumilis ang tibok ng aking puso natatakot akong mawala si Sy asa buhay ko. Mabilis kong tinungo ang labas ng condo para hanapin siya, pero bigo padin ako. Pumunta din ako sa parking lot kung nasaan ang kotse pero wala na ito doon. Sa sandaling ito ay nanghihina na ako, wala ng luhang pumapatak sa aking mga mata muli akong umakyat patungo sa unit ko habang ang isip ko ay nasa kawalan.
Tahimik pa din ng bumalik ako sa unit ko umupo lang ako sa sofa at nanlulumo, ilan beses ko siyang sinubukan tawagan ngunit walang sumasagot ng cellphone niya maging sa mga text ko ay wala siyang reply.
"Nasaan ka Sy..." bulong ko sa sarili ko habang nakupo sa sofa at nakatulala sa kawalan hindi ko na rin pinansin kahit nabitawan ko na ang cellphone ko. Pumikit na lamang ako at patuloy na nanalangin na SANA isang panaginip lang ito.
"Oh bakit nandito?" isang malambing na boses ang nagsasalita sa tabi ko
Bigla akong nagising ng marinig ko ang malambing na boses na ito, alam kong si Sy ito kaya dali dali kong idinilat ang mga mata ko, kitang kita ko si Sy na nakatayo sa my dining area at may dalang mga plastik bag. Kumaripas ako ng takbo patungo sa kanya hindi ko na napigilan ang sarili kong umuyak habang papalapit sa kanya. Niyakap ko siya ng mhigpit mula sa likod, yakap na para bang hindi ko na siya papakawalan, yakap na parang hindi na bibitaw. Gusto kong maramdaman mabuti ang katawan niya para makumbinsi akong totoo ang taong nasa harap ko. Hindi ko mapigilan ang pagagos ng luha sa aking mga mata. Hinawakan ni Sy ang aking mga kamay na nakayakap sa kanya.
"Zach whats wrong?" ramdam ko sa tono ng boses nito ang pagaalala
"Akala ko wala ka, akala ko iniwan mo nako." humahagulgol kong sagot
"Ha? anong sinasabi mo?" litong tanong niya
"Wag mo ako iiwan, hindi ko kaya Sy." sa pagkakataong ito ay humarap si Sy sa akin at hinawakan ako sa aking mukha, tinitigan niya ang aking mukha na para bang kinikilatis ang bawat parte ng mukha ko
"Hindi kita iiwan. magkamatayan man." seryosong sabi nito
"Nakakainis ka! Bakit ka umaalis ng walang paalam! Hindi mo pa sinasagot cellphone mo! Akala ko Iniwan mo nako! Akala ko totoo na yun." para akong bata na sinusuntok pa ang sikmura niya
"Bakit naman kita iiwan?" natahimik naman ako sa tanong niya, kaya niyakap ko nlang ulit ito at pinatong ang baba ko sa balikat niya
"Pasensiya kana ang himbing ksi ng tulog mo kaya di na kita ginising, eah nagutom ako kaya naisipan ko muna bumili ng pagkain.. Saka yung cellphone iniwan ko sa bahay" mahinahong paliwanag nito, sumandal na ito sa mesa para suportahan ang bigat ko
"Wag mo na uulitin yon ha! wag kang aalis ng hindi ko alam!" bulyaw ko sa kanya
"Opo mahal sorry po.. teka anu ung sinabi mong akala mo totoo na yun?" usisa nito
"Iniwan mo daw ako,naguluhan din ako kasi akala ko totoo na kasi pag gising ko wala ka."
"Bakit naman daw kita iniwan?" Sa tanong na iyon ni Sy ay hindi ko alam ang isasagot ko, muli akong natahimik dahil wala akong maisip na siagot s kanya
"Ewan ko, hindi ko maalala mabuti." palusot ko
"Wag ka magalala hinding hindi kita iiwan kahit anu pa mangyari, kahit ipagtabuyan mo pa ako.hinding hindi ako bibitaw hanggat alam kong kahit konte ay mahal mo pa ako. Pero kung hindi mo na talaga ako mahal, sabihin mo lang papalayain kita." sertoso si Sy sa sandaling iyon pero hindi ako kumibo
"Alam kong magiging masakit sakin pag duamting ang panahon na yon, pero kakayanin ko para sa ikaliligaya mo.." dugtong pa niya
"Pano kung ako ang nagkamali? pano kung masaktan kita? yung masasaktan ka talaga?" tanong ko sa kanya
"Alam kong hindi mo magagawa yon kasi may tiwala ako sayo, pero kung sasaktan mo man ako... gusto ko malaman kung bakit nagawa yon gusto nagkakaintindihan tayo para matitmbang ko kung anong next step ang gagawin ko." makahulugang paliwanag niya
"Salamat..." maikli kong sagot sabay hinga ng malalim
"Tara na kain na tayo lalamig tong pagkain." si Sy bago ako bumitaw sa kanya ay hinalikan niya ako sa labi
Pinagsaluhan namin ang mga pagkaing binili ni Sy tahimik man ako at masaya pa din ako dahil kasama ko padin si Sy. Pagkatapos kumain ay nagtungo na agad kami sa sala para magpahinga, magkayakap kami sa sofa habang nanonood ng kung ano anong movie. Ramdam ko ang bawat haplos ng kamay ni Sy sa balikat ko, ang init ng mga palad niya kaya amsarap sa pakiramdam.
*Kinaumagahan*
Nagising ako kinaumagahan na nasa loob na ako ng kwarto, agad hinanap ng mga mata ko si Sy at hindi naman ako bgo na makita siya sa tabi ko na mahimbing pa ang tulo. Malamang ay binuhat ako nito papasok sa kwarto, napakasweet talaga niya dahil kahit halos magkasinglaki lang kami ay nagawa niya akong buhatin. Biglang gumalaw itong si Sy habang natutulog at bigla akong niyakap kay naman ganoon na din ang ginawa ko. Niyakap ko siya habang tinititigan ang mukha niya na sobrang amo. Ilang minuto din akong nakatingin lamang sa mukha niya, hindi kasi ito nakasawang pagmasdan. Nagulat ako ng bigla akong kiniliti ni Sy sa tigiliran kung saan malakas ang kiliti ko, kaya naman napabalikwas ako sa pagkakahiga. BInalikan ko ito ng tingin pero ang loko ayun nagpapanggap paring tulog, obvious namang naglalambing lang ito. Pero hindi pwedeng siya lang kaya namn gumanti ako ng kiliti sa kanya, pinuntirya ko ang batok niya kung saan malakas ang kiliti niya. Tanging malalakas na tawa namin ang tanging maririnig sa loob ng kwarto ko.
"Tama na suko na ko!" sigaw ko habang tumatawa, kahit kelan hindi ko talaga matatalo sa palakasan si Sy.
"Hindi ako titigil! lagot ka sakin!" habang kinikiliti ako
"Tama na kasi masakit na eah." naiirita kong sigaw pero si Sy tuloy padin
"Sy!"
"Stephano ano ba!" sa sobrang inis ko ay tinulak ko siya ng malakas
Mabilis akong lumabas ng kwarto para makaiwas sa pangungulit ni Sy, dumeretso na agad sa banyo para makapaligo. Naghubad na ako at nagumpisang magshower. Kumakatok pa ito at sasabay daw maligo pero hindi ko ito pinagbuksan dahil naiinis pa rin ako. Nang matapos ako ay dederesto na sana ak osa kwarto pero hinarang ako nito iiwas sana ako perong palayo na ako ay hinawakan ako nito sa braso kaya napatigil ako. Nagkatinginan kami at halata sa aming mga mukha ang pagiging seryoso.
"Ano bang problema?" tanong nito
"Wala lang to.. maligo ka na.. may pasok pa tayo" aalisin ko na sana ang pagkakahawak niya sa braso ko pero lalong humigpit ito
"May tinatago ka ba?"
"Ha? ano naman itatago ko sayo?"
"Mula ng bumalik ka kahapon pabago bago na nag mood mo."
"Hindi naman ah..." kontra ko
"Hindi ako manhid Zach, kilala na kita mula ulo hanggang paa, at isang tingin ko palang sayo alam ko na kung anung narramdaman mo." paliwanag niya kaya natahimik naman ako
"May nangyari ba sa inyu ni JM sa resthouse??"
Sa mga salitang bunitiwan ni Sy ay natahimik ako hindi ko alm kung anong gagawin ko. Sasabihin ko ba sa kanya ang tunay na nangyari? Nanghihina na ang tuhod ko sa nangyayari. Ngayon lang ako natakot kay Sy, kitang kita sa mukha niya ang pagiging seryoso. Pano kung alam na pala niya at hinihintay niya lang ako.
"Sumagot ka Zacharia.." seryosong sagot nito
(Itutuloy)
Disclaimer for: "Ang Matalik na Magkaibigan Chapter 13"
Kalahating oras na ang nakakalipas ng pumasok si Sy sa banyo para maligo pero hanggang ngayon ay hindi padin ito lumalabas hindi naman kasi ito ganon katagal maligo. Nagumpisa na akong kabahan kaya naman kinatok ko na ito, pero naririnig ko naman ang shower na nakabukas. Hindi ito sumasagot sa katok ko.
"Sy?"
"Sy? pwede magusap tayo? let me explain..." pero wala padin itong sagot
Hindi pa din ito sumasagot kaya natakot na ako at kinuha ko na ang susi ng banyo sa aking drawer sa kwarto. Nang buksan ko na ang banyo ay nagulantang ako sa nasaksihan ng mga mata ko. Parang sinaksak ang puso ko. Para akong sinampal ng napakalakas.
"SY!!!!!"
Itutuloy:
27 comments:
Pasabog yung abangan! Nakakapagtaka lang kasi wala namang nabanggit kung may nangyari nga sa kanila ni JM diba? Weird din kasi dapat si Sy yung iiwan ni Zach dahil kay Ralph? Ewan haha medyo naguluhan ako. Pero 5 stars pa rin! Lagi ka namang 5 stars sakin e :D
OMG, anu ngyari @_@
hala! may kanya-kanyang tinatago.. tsk tsk
Hays buhay nga naman ng parehong
lalaki tsk tsk....
Sana simpleng prob lang ang dumarating
para happy lahat at masarap ang feeling ng
may minamahal. Kaya nagkakaroon ng
alinlangan sa pag ibig ;(
Parang may idea na ko kung anu nangyari kay sy..hay sana naman hindi..nakakabitin..
Riley
pls pa txt aman ako kung meron ng next pls ... ang ganda nakikita ko kami ng kaibigan ko ... pls author gawa kna ng next pls:-( :'( ganda po tlaga .... e2 po pla # ko 09359303468 pa txt po ako kung meron pls thank you !!!!
kelan ang chapter 13?
Next chapter please? Wala na ba to sa BOL.NET?
next chap po ? pls . and tnx :)
Kelan po update nito?? Sana meron na....
Awts. Update please.
WALA NA PO BANG UPDATE... HUHUHUHU.. ANG TAGAL NMAN PO NG UPDATE..
PLS UPDATE NA PLS.
wawa nman c sy.. :(
paasa
kelan po update neto???
-ruki
Anong petsa na? Wala pa bang update? Na-miss kong mag-iwan ng comments. Hi sa author. Hi din kay Z!!
-icy-
Hala! Parang hindi ko gus2 to. Bakit wala paring update. Kainis nman po. Huhuhu! Sana maupdate na to. Author please paupdate na to. Huhuhu! Thank you.
Hala, nabitin ako...sa Author: ahmm..napaka ganda talaga ng likha mo, hindi ko tuloy hindi maisip na isa ka talagang writer...hope na meron ng update sa kwento mo....Thanks and more power.
wow ang galing ng storya kaso nabitin ako....olease update nman oh...thanks and more power.
hindi na pla ito na update, sayang naman..inaabangan ko pa naman ito...
.'mag wa 0ne year na wala p dng update. ' na cucurious n aku kay SY ! Update please. . Ung author buhay ka pa ba? Aha
nkkasar another work left in the air!!
one but wala pa ring update? kabitin
kung wla ng update, pakisabi nlng samin para dina kami mag intay pa sa wala. salamat po.
0309
Author are u acting professional? Tsk-tsk, sana hinde mo na lang ito pinahaba. Mostly writers kahit sa ang sites maganda ang mga umpisa tapos mawawala. Buti pa wag nalang magsulat. Constrctve critcsm po ito.
The author died of AIDS. He passed away. RIP, mr aurhor
FYI - the author passed away ... in real life. May he rest in peace.
Post a Comment