The
story contains male to male love and some male to male sex scenes.
You've found this blog like the rest of the readers so the assumption
is that material of this nature does not offend you. If it does, or
it is illegal for you to view this content for whatever the reason,
please leave the page or continue your blog walking or blog passing
or whatever it is called.
Nagtatalo
kami ni Nate, pinipilit ko kasing bayaran ang dalawang piraso ng
shawarma pero tumanggi ito. Pilit sinasabing treat niya iyon. Nang
mapuno ako ay agad kong iniwan ang pera sa lamesa at tumayo na sabay
labas ng restaurant, agad naman akong hinatak ni Nate pabalik.
“Sabi ko sayo ihahatid kita sa office ng boyfriend mo
diba?” sabi nito sakin, seryoso na ang mukha nito habang pinipindot
ang susi ng kotse para magbukas ang lock nito.
“Bakit mo ba ginagawa ito?“ tanong ko sa kaniya.
Mahina na ang boses ko.
“Bumabawi lang ako sa loob ng ilang taong di ko
nakasama ang pinakamamahal kong boyfriend.” sabi nito,
natameme nanaman ako at itinulak na ako nito papasok ng sasakyan.
“Di mo na kailangang bumawi. Nakalimutan na kita.”
sabi ko dito, nagbuntong hininga ito at parang walang narinig na
inistart ang sasakyan.
0000oooo0000
“Alam mo ba ang ginawa ko abroad? Nagaral ako sa
culinary school pati narin ng business management, kaya nung makauwi
ako dito nagtayo agad ako ng business.” tuloy tuloy na sabi nito
habang trapik at tanging katahimikan ang bumabalot saming dalawa sa
loob ng sasakyan.
Sa totoo lang wala ni isa sa sinasabi nito ang
pumapasok sa aking isip. Siguro dahil wala narin akong pakielam sa
kaniya.
“Tapos naisip ko, pag mayaman na ako, pwedeng di ka na
magbooking at yung kikitain ko sa restaurant ang ipagpapaaral ko sayo
sa medschool. Kaso nagkasakit si Dad, mahal ang chemo niya kaya di
ako agad nakauwi at sinamahan sila dun para sa session ng chemo.”
tuloy tuloy na sabi nito.
Para bang kahit anong sabihin nitong dahilan sa
pagkawala niya ng ilang taon ay di ko ito matatanggap. Kahit gaano pa
mang katotoo ng sinasabi niya.
“Sana maniwala ka sakin, Aaron.” sabi nito na may
halong pagmamakaawa ang tono. Di ko na napigilan ang sarili ko at
sinampal ko na ito.
“Di mo ba napapansin?! Wala na akong pakielam, Nate.
Kahit ano pa ang dahilan mo?! You could've talked to me about your
plans, pero hindi mas pinili mong paginatayin ako sa ulan hanggang sa
mawalan ako ng malay! Nakipagusap ka manlang sakin about sa
pagaabroad mo pero hindi, umalis ka ng walang paalam! Your
explanations are six years too late! Wala na akong pakielam pa!”
sabi ko dito sabay kalas ng seatbelt na hindi ko naman makalas dahil
nanginginig na ang aking mga kamay.
“Alam kong hindi ka papayag, Aaron...” simula nito.
“Kaya mas pinili mong gawin akong tanga?!” sigaw ko
dito at ng sa wakas ay matanggal ko na ang seatbelt ay agad na akong
lumabas ng sasakyan at naglakad na lang papunta sa opisina ni Jase.
At iniwan si Nate sa magara nitong sasakyan. Alam kong hindi nito
maiiwan ang sasakyan sa gitna ng trapik kaya hindi na ako nag-abala
pa na lingunin ito para tignan kung sinusundan ako nito.
Habang naglalakad papalapit sa opisina ni Jase ay di ko
mapigilang isipin ang mga sinabi ni Nathan, para sakin pala lahat ng
ginawa niya. Pero naisip ko na tama naman ako, sana sinabi niya sakin
para di ako nagmukhang tanga. Nang makasakay ng elevator ay agad kong
inayos ang sarili ko, para di naman mahalata ni Jase na katatapos
lang ng dramahan namin ni Nate.
Alam ko kasing makita lang nito ang mga bakas ng
pagiyak ko, alam kong kukulitin ako nito hanggang sa umamin kung ako
ang bumabagabag sakin.
0000oooo0000
Naglagay ako ng isang pekeng ngiti sa aking mukha
habang dala dala ang aking duffel bag at ang dalawang shawarma. Dahan
dahan akong sumilip sa pinto ng opisina ni Jase.
Agad akong nanghina sa aking nakita, si Jase at ang
kaniyang sekretarya, masuyong naghahalikan sa loob ng opisina nito.
Parang may kung anong tumarak sa aking puso, daig ko pa ang
kinuryente at tinamaan ng kidlat. Parang nawala ang lakas mula sa
aking mga paa pero pinilit ko paring tumayo.
Dahandahan akong naglakad papunta sa isang babae na
nakaupo katapat ng lamesa ng sekretarya ni Jase. Agad ko itong
nginitian kahit na may mga luhang nagbabadyang bumagsak mula sa aking
mga mata at dahandahang tutulo sa aking mga pisngi.
“Ah, excuse me... uhmmm... Irma...” bati ko dito
nang mabasa ang pangalan sa kaniyang lamesa.
“Pwede bang pakiabot ito kay Jase Perea. Busy kasi
siya ngayon kasama ng kaniyang sekretarya eh.” sabi ko dito sabay
abot ng plastic ng dalawang shawarma.
“I know right?! Tell me about it! Laging ganyan ang
dalawang yan! Ayaw kumuwa ng kwarto sa isang motel at dun
magjugjugan.” walang breeding na sabi nito sakin.
“Th-thank you ah.” sabi ko dito ng maiabot ang
shawarma sa kaniya, pagharap ko pabalik sa mga elevator ay nakita ko
si Nate, nakasilip ito sa pinto ng opisina ni Jase, malamang nakita
niya ang ginagawang pagtataksil sakin ni Jase.
Umiling ito.
0000oooo0000
Agad agad akong naglakad palapit sa elevator. Sumunod
naman sakin si Nate. Ilang beses kong pinindot ang down button pero
di parin bumukas ang mga lift.
“Tsk tsk tsk. Buti na lang may Nathan Cruz ka pa.”
mahanging sabi ni Nathan sa aking tabi.
“Pwede ba Nathan, wala ako sa mood.” sabi ko dito
sabay lakad papuntang fire exit, gusto ko na kasing makaalis sa lugar
na iyon. Sumunod naman si Nate.
“Bakit di mo siya kumprontahin?” tanong nito sakin
habang nasa likod ko siya at habang nababa kami pareho ng hagdan.
“Di ko alam!” sigaw ko dito.
“Ginagawa ka ng tanga ayaw mo pang kumpronatahin?!”
sigaw nito sakin, di ko napansin ang isa pang step at nadulas ako,
muntik na akong mahulog, buti na lang andun si Nate at nasalo ako
nito bago pa ako mahulog.
Dahan dahan ako nitong iniupo sa isang baitang ng
hagdan at niyakp ng mahigpit habang patuloy parin ang pagbaha ng luha
sa aking mga mata.
“Shhh.. wag ka ng umiyak, andito na ako.” sabi niya,
isinampay niya ang aking baba sa kaniyang balikat at hinagod ang
aking likod.
“Ayaw ko siyang kumprontahin dahil ayaw ko siyang
mawala---” pabulong kong simula habang hinahagod parin ni Nate ang
aking likod. “---siya ang nandyan nung mga panahong lugmok na
lugmok ako, hindi niya ako pinandirian, nakiayon siya sa trip ng
pride ko kahit na ang kapalit nun ay pagapak at pagdurog ko sa ego
niya. Di ko siya pwedeng saktan, Nate. Masyado ko na siyang nasaktan,
kaya para sakin ok na, di ko na kukumprontahin si Jase, alam mo kung
bakit? Kasi itong putanginang sakit na nararamdaman ko ay wala pa sa
kalingkingan ng sakit na naramdaman niya sakin.” sabi ko kay Nate
sa pagitan ng mga hikbi.
“Naiintindihan ko, pero sa tingin mo ba kakayanin mong
tiisin lahat? Sa tingin ko kasi mukhang masaya sila at hindi nila
basta basta mabibitawan ang isa't isa.” tanong sakin ni Nate.
Natigilan ako nang mareakize kong tama ito sa kaniyang mga sinabi.
“Kaya ko nga ba?” tanong ko sa sarili ko
habang mataman na tinitignan si Nate.
0000oooo0000
Inalok ako ni Nate na ihahatid niya raw ako sa aking
boarding house, wala narin akong nagawa, alam ko namang mangungulit
parin ito.
“Dito ka parin pala nakatira?” tanong sakin ni Nate.
“Eto na ang pinakamura at napalapit narin ako kay
aling Babs, binibigyan na niya ako ng discount. Mura ngayon ng 25%
ang upa ko kumpara sa ibang boarders.” sabi ko kay Nate habang
ipinagtitimpla siya ng kape.
“ahmm Aaron, may itatanong ako, wag ka sanang
magagalit.” simula ni Nate.
“Sa tingin mo ba may masasabi ka pa na ikagagalit ko
matapos lahat ng malaman ko ngayong araw na ito?” tanong ko.
Napatawa siya.
“Good point.” sabi nito.
“Ano ba yung itatanong mo?” tanong ko dito, agad
naman niyang nilinaw ang kaniyang lalamunan at mukhang pinaghahandaan
pa ang sasabihin niya.
“Itatanong ko sana kung di ka pa titigil sa
pagbu-bu...”
“Pagbu-booking?” tanong ko dito, napangiti naman
siya. Nagbuntong hininga ako.
“Iniisip ko na actually yan, napagasyahan na namin ni
Jase na itigil ko na nga at tumira na ako kasama siya.” malungkot
kong sabi.
“Ahhh... edi maganda, kaya lang pano na yan, may
girlfriend atang iba si Jase?” tanong sakin nito, kinilatis ko ang
tanong na yun kung kinukutya ba ako nito o may himig ng sarkasmo ba
ang tanong na iyon, pero hindi, gusto niya lang talaga siguro
malaman.
“Magbubulagbulagan ka na lang ba?” tanong sakin ni
Nate. Napatigil ako.
“Mukhang ganun na nga.” sagot ko dito.
Inayos ko na lahat ng gamit ko at nagpaalam narin ako
kay Aling Babs tungkol sa pagalis ko, niyakap lang ako nito. Di na
katulad ng nararamdaman ko kaninang umaga ang aking nararamdaman
ngayon, wala na ang excitement na sa wakas magkakasama na kami ni
Jase. Ngayon ay para na akong isang salamin ng kotse na nilagyan ng
tint. Isang malaking palabas nanaman ang gagawin ko habang kinakasama
ko si Jase, ang palabas na kunwari ay di ko alam ang tungkol sa
kanila ni Sandra.
Nagpaalam ako kay Nate na maliligo lang ako at kung
gusto na niyang umalis ay pwede na siyang umalis maski di magpaalam.
Tumapat ako sa dutsa at hinayaang tumulo sa aking katawan ang
maligamgam na tubig.
Iniisip ko na sana makayanan ko ang maging bato. Sana
matagalan ko ang magbulagbulagan sana ay di mabago ang pagtingin ko
kay Jase sa nalaman.
“Masyado ko siyang nasaktan noon. Nararapat lang
sakin ang masaktan ngayon.” pangungumbinsi ko sa sarili ko
habang tumutulo nanaman ang mga luha sa aking mga mata.
Bago ako lumabas ng banyo ay tumapat muna ako sa
salamin. Tinignan ko ang mga nangyari sa loob lamang ng ilang araw.
“Bakit
kailangan pang bumalik ni Nate?” wala
akong maisagot sa sarili kong tanong na ito.
“Bakit
kailangang malaman ko pa ang tungkol kay Sandra?”
tanong ko ulit sa sarili ko at muli wala nanaman akong maisagot.
Lumabas na ako maski nakatapis lang, inaasahang wala na
doon si Nate, pero nagkamali ako, nakaupo parin ito sa may sala, nang
lapitan ko ito ay nagulat ako ng makitang natutulog na ito. Tinignan
ko ang mukha nito, napaka gwapo parin nito. Pinigilan ko ang sarili
ko na huwag ilapat ang labi sa kaniyang mga labi.
Nakarinig ako ng pagsara ng pinto ng sasakyan, agad
kong tinanaw ang dulo ng eskenita. Nakita ko doon si Jase, balisa
pero nakangiting naglalakad papunta sa aking boarding house.
Nagbuntong hininga ako.
“Ready ka na Hon..ey?” tanong nito ng maabutan akong
nakatapis lang saka itinuon ang tingin sa natutulog na si Nate.
Nagbuntong hininga ako. Alam ko kung ano ang iniisip
nito.
“Ano ginagawa niyan dito?!” nanlilisik ang mata na
tanong ni Jase. Halata kong pinipigilan nito ang magwala.
“Si Nate yan kaibiga..” pero hinatak ako ni Jase
papunta sa aking kwarto.
“Magbihis ka na bilis!” at nakita kong biglang
bumangon si Nate, nakatingin lang ito saming dalawa ni Jase.
“Teka lang aayusin ko...” simula ko.
“Saka mo na ayusin! Magbihis ka muna!” sigaw nito
sakin, nagsimula na akong magtaka.
Napansin kong nagsisimula nang magpanic si Jase.
“Hon, may problema ba?” tanong ko dito habang
nagbibihis at habang nagpapalitan ng masamang tingin si Nate at Jase.
“Hon, pano yung mga gamit ko?” tanong ko kay Jase
nang bigla ako nitong hatakin palabas ng boarding house.
“Saka na.” sabi nito.
“Tama na! Nasasaktan na si, Aaron!” sigaw ni Nate.
Pero hindi nagpatinag si Jase.
“Get the fuck out of this house and don't you fucking
show your face again! I swear di ko alam ang pwede kong gawin pag
nakita pa ulit kita!” sabi nito kay Nathan at dinuroduro pa ito.
Natameme si Nathan. Kinaladkad na ako ni Jase papunta sa kaniyang
sasakyan.
“Hon? Ano bang problema?!” sigaw ko dito,
nangingilid na ang luha ko. Tinignan ako nito, hindi na galit ang
nasa mata nito, hindi na ito nanlilisik at tila natunaw ang aking
resolba nang makita ko ang takot sa mga mata ni Jase.
“I will never lose you. Not with Nate, not with my
brother...”
Itutuloy...
________________________
Against All Odds 7
by: Migs
11 comments:
Maraming Salamat ulit kay Zekie at sa mga nagbabasa. Kung meron man. hehe! :-)
aist..nuh ba yan...ang tanga naman ni aaron...alam na nga nyang may karelasyon si jase...martyr tlga...hahhaha...kung komprontahin nalang nya si jase para malaman ni jase na alam na nya ang relasyon nila ni sandra ang malandi nyang secretary...wahahaha...
next na hehehe
ang ganda migs! more more more!
woah! another interesting chapter...
can't wait for the next one...
galing mo migs!!!
oooh my author...what a big revelation....grabe para akong nawindang sa pasabog ng last lines...and i still want jase than nate...thanks for the post author...
magkapatid pala sila? kaya pala.. next chapter na
ja
Kailan po next chapter?
next chapter na poh please...2 months na ako ng hihintay ng update ng story na to...hehhe please please please...
waaahhh .ngayun ko lang to nabasa.. Nice.. san na yung next??
To the author- its a shame na nag august 2012 nlng ay wla pang kasunod ang chapter na ito. Sa totoo lng. Hinalunkat ko tlga ang mga blogs na kunektado sayo kaso sa kasamaang palad ay wala akong nakuha. Sana naman po ay sundan nyo na ang chapter na ito. Magaling po kau. I Believe na may talent po kayo kaya kung di nyo mamasamain, gusto ko po sana kayong e encourage na e share ito. Salamat.
http://miguelsshortbisexualstories.blogspot.com/2011/08/against-all-odds-8.html?m=1
Eto ang kasunod.
Post a Comment