Monday, June 25, 2012

Lipstick Part 08


Lipstick

By: Marsh








Reminiscing the past



Nagising akong masaya kinabukasan. Niraramdam ko muna ang feeling ng paggising sa kwarto ng boyfriend ko. I can’t believe it parang ang dali lang nangyari nang lahat. Gosh! Parang panaginip lang pero katabi ko ngayon ang lalaking nagpakita ng kakaibang sensasyon sa buhay ko. Mahimbing ang kanyang tulog, he looks very innocent, naaalala ko na naman si Frank. Herald mentioned last night that Frank always talks about me everytime and nagdadala pa siya ng picture ko with him. God knows how much i miss my bestfriend. Naputol lang ang pag-iisip ko nang nagising si Herald at nakangiti sa akin. Natulala na naman ako, look at him, he has such an angelic face. Gusto kong tinitigan siya. Nabigla na naman ako nang bigla niya akong hinalikan, matagal na halik.



“ Good morning Baby Marshy, masarap ba ang kiss?”, sweet na sabi ni Herald



“Nyeekz.. Di pa tayo nakapagtoothbrush noh!, ang bilis mo..”, sumbat ko kay Herald.



“Baby Marshy, you are so lovely, i wanna marry you.”, sabay yakap sa akin



“I cant breathe! Oa mo naman, tara na ligo tayo, gusto ko na talaga maligo”, nauna na akong pumunta ng bathroom



Nabigla ako nang nagshower ako ay bumukas ang pintuan.



“Gosh! What are you doing, bakit ka nakahubad?”, sigaw ko kay Herald.



“Maliligo kaya tayo let me hug you para sabay tayong mabasa nang shower”, si Herald



“Oi,careful, yung ano mo, don’t let it touch my skin”, paarte kong sabi.



“Bakit naman baby?, don’t you like it?, magtatampo na ako sa iyo niyan”, si Herald na may sad face.



Ang cute talaga ng kumag na ito. Naghinay2x akong lumapit sa kanya nang hindi ko matamaan ang junior niya, I slowly kiss his lips and when they touched, it really gave me a wonderful sensation. Malapit na sanang magtama ang juniors namin nang matauhan ako,agad akong lumayo at tinapos ko agad ang pagliligo ko para mawala na ang consciousness ko. Palabas na ako ng



“ Another round na naman paglabas ko baby, i love it”, sabi ni Herald.



Natawa na naman ako at hindi ko na siya pinansin. Nakapgbihis na ako then I decided to go down. Inimbitahan ako ni tita na kumain at bahala na daw akong magpakain sa anak nila because they will be going to the city at bukas pa daw uwi nila, they even called my parents na sa bahay na nila ako magpalipas ng weekend para masamahan ko raw ang anak nila. Naku, planado ba lahat nang ito? Napag-isipan ko na lamang.



Kumakain ako nang biglang dumating sa kusina si Herald.



“Halika na Herald, kain na”, anyaya ko sa kanya. Nakakunot noo ang kumag.



“Wala ka lang bang tawag sa akin? Ayaw ko nang Herald lang, dapat maging sweet ka.”, pagtatampo ni Herald.



“Ang drama mo! Bleeeeh.. kain ka na”, anyaya ko ulit.



“Hindi ako kakain kapag di ka maging sweet sa akin”, sabi ni Hearld.



“Gosh! Dinaig mo pa ako sa pagiging childish ha, sa iyo na ang korona”, sabi ko.



“May gana ka pang magbiro”, paupo siyang nakasimangot.



Natuwa ako sa kanyang inasal kaya nilapita ko si Herald at saka pinaharap ko siya sa akin at agad kong hinalikan ang kanyang lips. That’s the moment that I started to be addict of kissing (Until now, gusto ko everyday ako may kakiss, hehe.. landi ba?) .  I think I’m starting to like this boy, he makes me smile. Sana nandito si Frank.



Tinigil ko ang paghalik kay Herald nang sumimangot na naman siya



“Bakit mo tinigil, I’m still enjoying your full lips”,si Herald.



“Kumain ka muna babe, inaadik mo talaga ako sa kiss baka di na kita mapakawalan pa, sige ka”, pabiro kong sabi.



“oi, sweet na si baby! Last kiss na lang bago ako kakain”, request niya.



Sadya yatang marupok ako na pagkatao kaya nagparaya na ako, isang halik lang naman ito. Masaya ako at naging kami ni Herald. He really is something that I can’t forget and wants to kiss forever.



Sumali ako sa isang gay beauty contest at ako yata ang pinkabatang candidat noon. Masaya ako suportado ako ng boyfriend ko, he was there for me. Gusto ko na sanang magback out kasi bigatin ang mga contestants, they were from the city, talbog ang beauty ko, I admit. Pinapagaan ni Herald ang loob ko, he even scolded me when I felt small to myself. Nung rumampa na ako sa stage, cheer nang cheer si Herald sa akin and napaiyak ako. Madali kasi akong maiyak so ganun. I was touched. I can see that he really love me. I want to give back the love he gave to me. Hindi ako nasali sa top 5 but that was fine with me, I’m not aiming for the title as long as I have a boyfriend who loves me, that’s great already.



After nang pageant, hinanap ko si Herald and to my surprise, he was surrounded by other gays, maraming nagpapakilala sa kanya. Naawa ako sa boyfriend ko, I wanted to go on their direction at paalisin ang mga bruha pero wala akong lakas ng loob. Nakita ako ni Herald kaya sapilitan siyang umalis sa lugar na kinatatayuan ng mga bakla at lumapit sa akin. Napaiyak ako at yinakap ko siya.



“I’m sorry babe, I know that you love me pero hindi kita naprotektahan sa kanila.”, sabi ko.



“Tahan na Baby Marshy, Oa mo naman, wala naman silang ginawa sa akin, nakipagkilala lang, nalito lang ako. Para ka talagang baby, ang sarap mong halikan”, nakanigising sabi ni Herald.



“Babe Prankoi, I love you”, sabi ko na nagpabigla kay Herald.



Ako man din ay nabigla sa sinabi ko. Gosh! I did not expect that masasabi ko ang pangalan ni Frank kay Herald at doon pa sa puntong nagsabi akong mahal ko siya. First time kong magsabi ng I love you kay Herald at mali-mali pa ako. Natigilan siya at tumalikod sa akin, naglakad siya at hindi ako hinintay.



“Babe, wait for me, I really dont know why I mentioned a different name but my love is really intended for you”, paliwanag ko at hindi siya nakinig or nagsalita.



“Babe?”, hahalikan ko sana siya nang umiwas siya, nakita ko sa mukha niya ang galit.



Nakatingin si Herald na galit sa akin. Hindi siya nagsasalita hanggang sa hinatid niya ako sa amin. Napakalaking tanga ko talaga. Ako na yata ang pinkatangang tao samundo. Hindi ko mapigilang umiyak. I don’t want na mag-away kami ni Herald. Hindi ko hahayaang mawala rin siya sa buhay ko. Naisip ko si Frank, buti na lang at may internet na kami, nag-open ako ng friendster at sinearch ko si frank. Gosh! I found his profile pero private siya kaya hindi ko makita ang mga photos niya. Inadd ko si Frank.



Kinabukasan sa school, maaga akong pumunta sa aming classroom at hinintay si Herald. Dumating siya pero yung galit sa face niya ay the same pa rin. Linapitan ko siya pero hindi niya ako pinansin sa halip ay umalis siya at pinuntahan si Johnry para makig-usap. Sa lahat ng pwede niyang lapitan, bakit si Johnry pa? I know Johnry is discreet gay and I know that he likes Herald as well. Pinagseselos ba niya ako. Pumunta na lang ako sa aking table at nagrush review sa para sa aming exam. Gosh! Wala akong maintindihan sa review ko.



Recess na at lumapit na sa wakas sa akin si Herald at inanyaya ako nang isang masinsinang usapan. Pumayag ako at pumunta kami under the mango tree kung saan kaminagkausap noon.



“Mahal mo pa ba si frank?”, tanong niya.



Hindi ko alam ang isasagot ko, I know may kakaiba akong nararamdaman sa bestfriend ko but Im not sure about it, it’s just a brotherly love for Frank.



“I love him as a friend. About last night, I really don’t mean to say his name, it is really intended for you.”, sabi ko.



“Huwag kang magsinungaling, I know that you still love him, tell me the truth, I will do my best para mahalin mo ako gaya ng pagmamahal mo kay Frank, Kalimutan mo na siya, hindi na siya babalik.”, paiyak na sabi ni Herald.



“I told you, I love him as friend, as a brother, there’s nothing more, you are the one who showed me a different kind of love, ikaw lang mahal ko ng ganito, huwag mo akong pahirapan,”,naiyak kong sabi.



“No, ako ang hindi mo naiintindihan, ako ang pinapahirapan mo,sa tuwing naaalala mo si Frank, sinasaktan mo ako, gusto ko wala kang ibang iniintindi na lalaki, dapat ako lang, ako lang”, sumbat niya sa akin.



Hindi ko kayang kalimutan si Frank pero para ma-saveang relationship namin ni Herald ay nagsinungaling ako.



“You’re right, hindi na siya babalik pa, i think nakalimutan na rin niya ako, dont worry babe, ill forget about Frank already, ikaw lang ang mamahalin ko, promise”. Sabi ko.



“Oh baby marshy, god knows how much i love you”, hinalikan niya ako, isang mainit na halik.



I really don’t want to lie but I don’t want Herald to go out of my life. I know mali itong desisyon ko but I have to control this emotion.



(itutuloy)

2 comments:

mncantila said...

gosh!! a lot of grammatical and typo error... huhuhu

Unknown said...

Haist ang sweet naman ni Herald kay baby marshy :3 , i love Herald haha :D , si frank kase nawala e ..

Good Job Marshy ! Keep it up ! Lagi kase tong updated di tulad sa iba tagal magrelease hehe :)

Post a Comment