Friday, June 15, 2012

Lipstick Part 03


Lipstick


By: Marsh






Reminiscing the past


Nag-enjoy talaga akong makasama uli ang bestfriend ko sa Jolibee, he is still the same Frank that I have known before. Akala ko galit siya sa akin dahil doon sa aksidente na naganap noong highschool at isa pa, hindi pa ako nakapagsorry for what happend back then. Masaya kong binalikan ang mga alaala namin noong bata pa kami hanggang sa akoy makatulog.



Elementary Days



First day of School, I was Grade 5 that time and I’m very excited to go to school and meet my classmates and new teachers. Noon, ako yung klase nang tao na dapat ako ang magstand out, dapat lahat nang suot at damit ko ay bago at lahat ng mga lumang uniform at other schools supplies, dapat isantabi na. I went to school early and I bragged my new school supplies to my classmates. Sila rin ay hindi papatalo so if that happend, we will start to compare the prices. Nakakaloka, hindi ko na sana dapat inalala ang mga iyon pero anyways this is the reason why I knew Frank. Section 2 kami nun and to my surprise may bago kaming classmate na galing si Section 1, his name is Frank Cardosa, he is cute , has white complexion at tsinito. Insecure ako sa mga mapuputi that time because I’m morena so I stared at him with something. Nainis ako sa skin niya, bakit ba hindi ako nabiyayaan ng white skin peroin fairness I love my skin because it’s makinis kahit di maputi. I was staring at him nang nilingon niya ako at nag-smile siya nang nakakaloko. Nahiya ako at umiwas ako nang tingin. Buti na lang dumating ang adviser namin at ang tingin niya’y bumaling sa aming adviser.



Recess! Nagring ang bell at gumaan na ang aking feeling. Hahahha.. Di ko kasi gustong makinig ng mga lectures ( buti na lang at nagbago na ako noon). Ang pagiging tamad ko ay nagsimula from birth, hahahaha.. Let’s go back to the story, pumunta ako ng canteen, umorder ako ng favorite meatroll ko and Funchum, hehehe.. Naupo ako sa table kasama ang bestfriend ko na si Jennifer na taga Section 1. Si Jennifer pala aya isang linalaki, gusto niya nang girls, she is morena also, pretty so sayang at naging yobmotch siya. Nagsimula na kaming kumain ni Jennifer at nagchikaan kami ng light lang until dumating na si Frank sa canteen, nilingon niya ang direksyion namin ni Jennifer at ngumiti. Umorder siya at pagkakuha niya ng order ay lumapit siya sa table namin at umupo ng walang pasabi.



“Nakita ko na kumakain kayo ng meatroll at Funchum so umorder na rin akong pareho sa inyo”, masayang sabi ni Frank.



“Oi classmate, kumusta? Akala ko pareho pa rin tayo nang section dahil honor student ka naman. Nagtataka nga ako kung bakit hindi ka napunta sa section 1”, si Jennifer.



“Oo nga, hehe. Na.late kasi ako nang enroll, akala kasi ni Mommy na lilipat na kami sa Maynila so yun. Masaya rin naman ako sa section 2 kasi classmate ko ang bestfriend mo na si Marshy..” sabay tawa. “I’m sure na magiging bestfriend kami.”, dagdag ni Frank.



Na-shock ako sa sinabi niya, gusto niyang maging magbestfriends kami, WOW naman. Pero that time, insecure pa rin ako sa kanya dahil sa kaputian niya so parang balewala lang sa akin ang sinabi niya that time. Hindi namin napansin ang oras at bigla na lang nagring ang bell hudyat nang pagtatapos ng recess. Nainis na naman ako kasi bitin ang recess ko, no choice, back to class again.



Back to classroom na with our TLE teacher, boring na naman ang discussion for sure, nakatanga akong nakatitig sa teacher namin, wala akong maintindihan sa mga sinasabo niya, inaantok ako. After a few minutes, nakaramdam akong may tumitingin sa akin. Paglingon ko kay Frank, nahuli ko siyang tumitingin sa akin. Napakunot ang noo ko dahil nakangisi siyang tumitingin sa akin. Napaisip ako na baliw yata ang batang ito so binawi ko ang aking tingin at nakatanga na namang tumingin sa teacher namin.



Natapos ang 1st day of school namin at uwian na, bumili pala ng Playstation ang papa ko so dapat magmadali akong umuwi para matesting ito at malaro ko yung Bloody Roar noon(nakalimutan ko yung title ng Bloody roar, yung first release). Palabas na sana ako nang school nang tinawag ako ni Frank para sabay daw kaming umuwi dahil malapit lang naman ang bahay nila sa amin so umoo na lang ako. Habang pauwi kami, tinanong niya ako kung gay ba daw ako. Nainis ako dahil obvious naman talaga, patanong tanong pa siya. Sinagot ko na lang siya ng



“ Grrr, di obvious? Hindi ako bakla, babae ako” pagalit kong sabi



“ Sorry na bestfriend, hehe.. tinanong lang naman kita, wag kang highblood.hehehe.. You know what, I like your personality, you are so funny”, sabi ni Frank



“Kailan pa tayo naging bestfriend? And please I dont want to be funny on your eyes” sumbat ko sa kanya.



“ Ngayon! Bestfriends na tayo ngayon at dapat everyday na tayo magkasama sa recess at umuwi, funny ka kasing tingnan pag nababagot ka, ang ganda tingnan ng lips mo at saka gusto kong nakikita kang nakakunot noo”, tawa niyang sabi



“Whatever, okay go, we’re bestfriends besides Im getting bored at school naman so let’s give it a try”, sagot ko.



Natuwa siya at sinabihan akong pumunta muna kami nang park kahit saglit lang, gusto niya lang daw ng kausap kasi matagal pang uuwi ang parents niya by that time. Naku, gusto ko pa naman sanang matesting ang playstation so inimbita ko siya sa amin pero tumanggi siya, next time na lang daw, mas gusto niya daw sa park. Nainis ako nang light kasi gusto ko nang umuwi pero umuo na lang ako at sasamahan ko na lang siya sa park. Marami siyang ikinuwento, paborito daw niya ang basketball, idol niya si Michael Jordan that time. Gusto rin daw niya nang tinolang bangus , spaghetti,etc. Nakinig lang ako sa kanya at ako ay tahimik lang. After a few minutes, dumaan yung nagtitinda nga buko. Bumili siya nang 4 na buko kasi nakita niya daw ako noon na uminom nang dalawang buko so bumili siya nang apat baka kulangin. Nahiya ako sa kanya, nagpademure mode ako that time, at first pahinay2x lang ang pag.inom ko.



“Oh, bakit ang kunti lang nang ininom mo? May dalawang buko pa oh, ubusin mo na, hindi ko kasi ito maiinom eh”, sabi ni Frank



Mukhang sayang nga ang binili niya so ininom ko na lang. Pagkatapos kung uminom, tumawa siya nang malakas kasi pa-ayaw ayaw pa raw ako sa pag-inom pero naubos ko naman.



“Sayang naman, wala namang nagsabi sayo na bumili ng marami, sabi sa tv, maraming bata ang hindi nakakakain at nakakainom ng ganito so dapat ubusin at dapat walang matira”, sumbat ko sa kanya.



“Sige na nga, saludo na ako sayo bestfriend, tara! Nagdilim na, umuwi na tayo, I’m sure nasa bahay na sina Mom and Dad, why not pumunta ka na lang sa amin”, si Frank.



Napaoo ako that time, hindi ko napansin ang oras that time so nagpakatangatanga akong umoo sa kanya. Dumating kami sa bahay nila by 6PM. Naabutan namin mon and dad niyang magbukas ng door at nagmano kami sa kanila. Dinala niya ako sa room niya at napa.WOW ako kasi marami siyang cute stuffed toys, fluffy pa iyong iba, so cute. Feel at home talaga ako sa bahay nila at agad kong kinuha ang stuffed toy na bunny, sabi niya sa akin na lang daw iyon at tinanggap ko naman sa sobrang kakapalan ng face ko. After a few minutes, may sinabi siya



“You know what, my Mom has a lot of dresses, why not try to fit them, I’m sure bagay sa iyo ang mga iyon because you are pretty”, sabi ni Frank



“Naku, I’m not ready for that, police kaya tatay ko, baka pag nalaman niyang nagsusuot ako nang ganyan, baka paluin ako, okay na nga sa kanyang ganito ako tapos gagalitin ko lang siya dahil sa pagsuot ng mga dresses” , sabi ko



“Kalma lang, hehe.. I’m not forcing you to wear it naman”, tawa niyang sabi



Tinawag kami nang mommy niya dahil nasa baba daw ang mama ko at hinahanap ako, di pa rin daw ako umuuwi at nagsumbong daw si Jennifer na kasama ko si Frank. So hayun, bumaba na kami sa silong at saka sumama kay mama. Nagtaka si mama dahil dala ko ang stuffed toy na bunny. Sabi naman ni Frank, sa akin na lang daw iyon, gift niya at nag second the motion ang mommy niya. Si mama naman ay nagpasalamat at inimbitahan sila sa bahay sa weekend para naman daw makapag-bonding sila. Umoo na man ang mommy ni Frank.



Doon nagsimula ang pagkabestfriend namin ni Frank, palagi na kaming magkasama everyday, magkaclassmate kasi kami so parang at all hours, siya ang kasama ko. Palagi nga kaming tinutukso na magkasintahan pero di ko na sila pinapansin. Lalo pa kaming naging close nang madestino ang papa niya as a policeman sa town namin at kasama sila ng papa ko so palaging nagbabonding parents namin sa house at kami, laging naglalaro.



One time, may group of bullies na gusto akong sapakin kasi hate daw nila ang mga bakla. I’m not that strong, hindi ko alam ang gagawin ko buti na lang dumating si bestfriend at lumapit siya sa amin at pinagsabihan niya ang mga bullies na itigil na ang pangbu.bully sa akin or else lalabanan niya sila. Nabigla ako nang sinuntok si bestfriend ng bully at tumakbo sila palayo. Naiyak ako kasi hindi ko alam gagawin ko at walang kataotao ang lugar na iyon by that time, umiyak ako nang husto nang makita ko ang dugo sa ilong niya at parang pumutok labi niya. Natigil na lang ako sa kaiiyak nang magsabi siya ng



“Cool ka lang! Hehehe.. di naman ikaw ang natamaan, no problem, ill just tell mom na nahulog ako sa stairs”, sabi ni Frank



Grabe, that time parang nagustuhan ko na bestfriend ko, siya na talaga ang protector ko at parang ayaw ko nang magkahiwalay kami kasi wala nang magtatanggol sa akin. Naging masaya ang aming pagkakaibigan kasama si Jennifer pero si Jennifer adik sa klase at kakaaral so minsan lang namin siya makasama maglaro. Nagtapos ang elementary ay kami pa rin ni Frank ang palaging magkasama. Natry ko na ring matulog sa kanila at siya ay sa amin pero walang malisya sa akin yun, friends lang talaga ang turing ko sa kanya. Nagpromise kami sa isa’t isa na hindi kami maghihiwalay at bestfriends forever pa rin kami hanggang sa lumaki kami. Ang saya ko talaga that time , sobrang saya.



(itutuloy)

11 comments:

Anonymous said...

bitin ang bilis matapos ng story!
nakakaloka nman sayang ,, heheh!

ive waited for this story pa nman
kakakilig hahah!

I LOVE THIS STORY <3

<---- demure

mncantila said...

Wow thank you so much pero nahiya ako while reading back the story, ang raming typo errors at grammar errors, di kasi ako ganun kafluent magtagalog but thanks anyway..

Makki said...

sabi ng mayor doma mag linis daw.. ayun nilinis ko! naks! hahaha

Makki said...

uu nga eh bwahahahaha

Siako said...

Makki: LOL ang galing neto sana magustohan nila.

Markus Kaine said...

Nice :D

Makki said...

janitor <<<LOL

Makki said...

Ayan! Nice!

SiAko said...

Gusyo kong subukan niyong gamitin itong new comment field ko, hehe

Wafu said...

bakit ganito ang nangyayari? HAHA

Makki said...

ngayon ko lng na realize maganda naman pala.. hahahaha

Post a Comment