Wednesday, June 6, 2012

Minahal ni Bestfriend: Ryan part 2




Kamusta po muli sa lahat? ^_^

Unang una ay gusto ko humingi ng sorry. Alam ko po na nagsabi ako na dapat kahapon ko ito ipopost, ngunit something came up kaya po hindi ako nakapagpost. Pagpasensyahan nyo na po.

Gusto ko po din pasalamatan unang una ang Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay Jojie na syang gumawa ng cover, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous 19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, MM, Jhaycie at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :)

Hindi ko na po patatagalin pa! Enjoy na lang po!

COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED!!




“Ayoko lang isang araw, sa sobrang wili mo sakanila, malayo ka sakin.”, mahina nyang sabi. Bigla naman parang nawala lahat ng galit ko sa sinabi nya. Natahimik lang ako.

“Larc, look. Bestfriend kita. At mahalaga ka sa akin. Sabi mo nga parang kapatid mo na ako. Kaya di ako mawawala sayo.”

“Pasensya na. Alam mo naman ang naging buhay ko noon. Ayoko lang na…”

“I understand. Pero pakiusap ko lang, kalimutan mo na yung nangyari sayo noon. Wala namang madudulot na maganda sayo yun. At subukan mo din sanang kaibiganin man lang si Alex. Please?”

“I won’t promise. But I’ll try.”, sabay ngiti sa akin. Ngumiti din lang ako.



Nagdaan ang mga araw at naging ganun na ang sistema namin. Sa twing may training sya ay naghihintay naman ako sa shop kasama nila Alex. Pagkatapos naman nya ay susunduin nya ako sa shop at sabay kaming umuuwi. Kung hindi mo kami kaibigan simula noon ay iisipin mong magjowa kaming dalawa talaga. Kung iisipin mo, napakasaya ko siguro kasi nga inlove na ako sa bestfriend ko at ganto ang aming tratuhan, pero ang totoo, araw araw mas masakit, dahil alam kong hanggang dito lang kami. Ang inaakala nilang masaya ay napakasakit sakin. 

 “Dre, andito na si Larc.”, pagtawag sakin ni Alex.

“Oh bes, musta training?”, pagtatanong ko.

“Okay naman. Uy Alex, kamusta?”, bati ni Larc kay Alex. Halata namang kinagulat ni Alex.

“Okay na okay, dre! Inalagaan ko yang bestfriend mo, ah! Huwag ka magalala. Safe yan dito!”, ngiti ngiting sabi ni Alex. Napatingin naman ako kay Alex at ngumiti. Nagpaalam na rin ako.

Habang nasa daan naman kami ay biglang may nagtext sakin. Agad kong kinuha ang cellphone ko at binasa ang message. Galing kay Alex.

“Ano nakain nun? Ambaet ata ngaun ah?”, natawa lang ako.

At simula nga nung araw na yun ay sinubukan ng makipagkaibigan ni Larc kay Alex. Though minsan may iringan pa rin sila at di napagkakasunduan ay naging magkaibigan naman silang dalawa.

Naging maayos ang mga sumunod na araw, linggo at bwan. Actually, ang buong 4th year ko ay naging maayos. Hanggang sa dumating ang graduation at ako nga ang naging batch valedictorian namin. Lahat ng plano ko para sa taon ay natupad. Ano pa ba mahihiling ko? I have my bestfriend and a wonderful set of friends. Perfect story, noh? Akala ko din eh. Pero after graduation, dun nagsimula ang mga problema. Sa totoo lang, pinlano namin ni Larc na mag aral sa iisang University sa Manila. Ngunit kahit nakakuha man ako ng scholarship ay hindi ako makakapag aral dun dahil na rin biglang nagkasakit ang ama ko at kinapos kami sa pera. At isa pa ay nag-iisa lamang akong anak kaya hindi ako pwede umalis. Kaya ang ending, pumasok na lamang ako sa isang malapit na college at si Larc naman ay pumasok sa isang pribadong university na pinagplanuhan namin.

Kahit pa magkaiba na kami ng pinapasukan ay hindi naman dun natigil ang pagkakaibigan namin ni Larc. Madalas pa rin akong dinadalaw ni Larc sa bahay. Doon na kasi sya tumira sa condo unit nila na malapit sa pinapasukan nya.

Dumaan ang dalawang taon at unti unting naging okay ang aking ama. Sinubukan ko ulit kumuha ng scholarship sa pinapasukan ni Larc at naapprove din naman agad. Excited kami parehas ni Larc dahil sa wakas, magkakasama kami ulit. Wala na rin akong problema sa uuwian dahil nagpresenta sya na dun na ako sa condo nya total mag-isa lang naman sya dun.

            Mahirap para sa akin para umalis ng bahay namin dahil na rin hindi ako sanay na hindi kasama ang aking mga magulang, pero sa kabilang dako ay excited din ako dahil makakasama ko si Larc.

            “Ryan! Welcome! Grabe! Namiss kita ng sobra!”, excited na sabi ni Larc habang papasok ng bahay namin.

“Ito naman, halos linggo linggo ka nga andito sa bahay, namis pa rin?”, pangiinis ko.

“Alam mo, kahit kelan ka talaga, noh. Panira ka. Syempre, makakasama nanaman kita araw araw!”

“Yun nga kinakatakot ko , eh.”, pangiinis ko lalo.

“Ah ganon?!”

“Oh, sige. Pikon! Di na nasanay sakin.”

“Hahaha. Oo na. Ikaw naman kasi, excited lang ako.”, medyo seryoso nyang sabi. Lagot, konti pa magtatampo na talaga to. Kahit kalian talaga.

“Ikaw naman, syempre excited din ako!”, sabay akbay at ngiti sakanya.

Pagtapos masakay lahat ng gamit ko sa sasakyan ni Larc ay nagpaalam na rin kami sa aking mga magulang. Medyo naging emotional ang pag alis ko dahil ito ang unang beses na mapapalayo ako sa aking pamilya ng matagal.

Ilang oras din ang naging byahe namin bago nakarating sa condo nya. Maganda ito, May dalawang kwarto, sala, at kusina. Kung tutuusin ay malaki ito para sakanya lang. Pero halatang sosyal at pangyaman ang condo nya.

“Wow. Ang ganda naman ng condo mo.”, pagkamangha kong sinabi.

“Nako. Feel at home!”, ngiti nyang sabi sabay baba ng bag ko.

Bubuksan ko na sana ang isang kwarto upang ayusin ang mga gamit ko ng bigla nya akong pigilin.

“Oh, bat dyan ka? Dito tayo sa kwarto ko. Ang tagal ko na ngang mag-isa dito, dito ka na.”, pagpipilit nya.

“Ano ba! Nasa kabilang kwarto lang naman ako. Pader lang ang pagitan, oh.”

“Ang arte naman nito. Eh pag natutulog nga tayo sa inyo, iisang kama lang!”

“Eh kasi naman maliit lang yung bahay namin. Wala kang choice kungdi matulog sa tabi ko.”

“Sige na, hiwalay naman yung kama natiin eh. Sige na. Please.”, pangungulit nya na parang bata. Ang ending, napapayag din nya ako.

Pumasok ako sa kwarto ni Larc, maganda ito kaso ang kalat. Si Larc talaga, halata mong mayaman eh. Palibhasa may taga linis. Napansin ko din na kumpleto sa gamit ang kwarto nya, tv, dvd, computer, ps3 at mga gadget na pangmayaman.

“Nakakapanibago, ngayon lang ako titira sa ganto karangyang bahay.”, sabi ko sa sarili ko.

Tinulungan ako ni Larc na mag ayos ng gamit ko. Sa totoo lang, napakasaya ko. Una, dahil nakasama ko ang bestfriend kong muli. At syempre, inlove nga ako sakanya, diba? At ngayon eto, magkasama kami sa iisang bubong. Nakakakilig!

Pagtapos naming mag ayos ay agad rin kaming nakatulog dahil na rin sa pagod.

Nagising ako kinaumagahan na. Naabutan kong tulog pa din si Larc kaya nagpasya akong lumabas at pumunta sa kusina para magluto. Ngunit pagbukas ko ng ref, ay puro inumin ang laman. Hala! Anong lulutuin ko?! Paano kami kakain?!!

Bitbit ang kaunting pera na pinabaon sa akin ng magulang ay lumabas ako upang humanap ng palengke. Ngunit paglabas ko ay wala akong nakita kundi isang grocery store.

“Ang mahal naman ng bilihin dito. Hindi pa ganun ka-sariwa. Buti pa sa probinsya, mura at sariwa pa kahit palengke lang.”, sabi ko sa sarili.

Dahil walang choice ay bumili na rin ako kahit mahal. Pagkabili naman ay agad akong umuwi. Ngunit pagpasok na pagpasok ko ng condo…

“Saan ka ba galing! Pambihira naman, oh! Pinagalala mo ko!!”, galit na bungad sakin ni Larc.

“Edi lumabas. Kaya nga di mo ko nakita, diba?”, pamimilosopo kong biro sakanya. Ngunit hindi nya ito kinatuwa.

“Umayos ka nga ng sagot mo! Hindi ako nagbibiro! Alam mo namang kargo kita! Eh pano kung may nangyari sayo?! Ni hindi ko alam kung san ka hahanapin. Hindi mo pa dinala yung cellphone mo!”, galit nyang tugon. Nakaramdam naman ako bigla ng hiya. Oo nga naman. Dapat man lang ay nagsabi ako o nagiwan man lang note para ipalam na lumabas ako ng di sya mag alala.

“Sorry na. Huwag ka na magalit. Lumabas lang naman ako para humanap ng palengke kasi wala tayong kakainin. Kaso wala akong nahanap kaya sa grocery na lang ako bumili.”

Hindi sya sumagot. Bumalik lang sya sa kwarto namin at nanood ng tv. Nakaramdam naman ako bigla ng guilt. Kaso kilala ko si larc, kaya pinalipas ko na lang muna ang init ng ulo nya at dumirecho ako sa kusina upang magluto.

Pinagigihan at talagang pinasarap ko ang niluluto ko upang makabawi kay Larc. Malamang namiss nya ang luto ko at mukhang namiss nya kumain ng lutong bahay dahil sa ichura ng ref at kalan nya, halatang matagal na walang nagluto sa bahay na yun.

Nang matapos ako magluto ay kinatok ko sya at pumasok sa kwarto para sabihing kakain na. Ngunit hindi pa rin ako pinansin nito.

“Hihintayin na lang kita sa lamesa, ha.”, sabi ko sakanya sabay labas ng kwarto.

Hinanda ko ang plato at mga kubyertos na gagamitin namin. Nagtimpla din ako ng juice para mas masarap ang kain namin. Pagtapos magset ng table ay umupo na ako at hinintay na lumabas si Larc.

Tumingin ako sa orasan at lampas ala una ng tanghali. Dalawampung minuto na rin ako naghihintay sa hapag kainan pero hindi pa rin lumalabas si Larc. Hindi ako sumuko at naghintay lamang ako. Si Larc pa?! Basta pagkain, hindi makakatiis yun! Mamaya maya nga ay lumabas sya sa kanyang kwarto.

“Kain na tayo La…”, ngunit hindi ako nito pinansin at nag cr lang at pagkalabas ay bumalik lang muli sa kwarto nya. Pero hindi ako nagpadala at naghintay na lamang ulit.

Lumipas ang isang oras pero walang Larc na lumabas. Hindi ko makuhang magalit dahil kasalanan ko naman bakit sya nagalit. Kaya kahit nagugutom na rin ay naghintay pa rin ako. Kaya hiniga ko nalang muna ang ulo ko sa lamesa para maghintay. Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako.

Nagising na lang ako sa ingay ng pagbukas ng pintuan. Agad akong napatayo at napatingin sa orasan. Lampas alas quarto na ng hapon. Nakita ko syang pumunta sa ref at uminom ng tubig. Nararamdaman ko na naman ang panlalambot ng tuhod dahil sa gutom. Malamang gutom na rin si Larc kaya agad akong tumayo upang maghanda ng kakainin. Ngunit pagtayo ko ay akma nanaman syang babalik ng kwarto. Kaya naglakas loob na kong magsalita.

“Hindi ka pa ba nagugutom? Nagluto ako. Kain na muna tayo. P-please?”, pakikiusap ko.

Hindi sya sumagot at umupo lang sa hapag kainan. Agad ko naman ininit ang ulam at kumuha ng kanin mula sa rice cooker. Nang uminit na ang ulam ay dinala ko na ito sa lamesa.

Kumain kami na walang naguusap. Hindi nya talaga ako pinansin.

“Larc. Sorry na kasi. Alam ko namang nagalala ka. Sorry, di na ulit mauulit.”, pero di nya lang ako pinansin at nagpatuloy lang sya sa pagkain. Napangiwi ako ng bahagya. Patuloy pa din syang kumain. Pagtapos nyang kumain ay sinabihan ko na iwan na lang nya at ako na ang maghuhugas.

Dumaan ang maghapon na hindi nya talaga ako kinausap. Hanggang sa maghapunan na lang ulit ay di pa rin nya ako kinausap. Niyaya ko syang muling kumain pero sabi nya ay di na daw sya kakain dahil busog pa sya sa kinain nya.

Pumasok ako sa kwarto namin at kumuha ng libro. Pagkakuha ko ay lumabas akong muli at naupo sa sala at doon nagbasa. Hays, ano ba yan, unang araw pa lang naming magkasama, away na agad.

Hindi ko namalayan ang oras dahil na rin sa pagbabasa ko. Pagtingin ko sa orasan ay mag aalas dyes na ng gabi. Hindi na talaga kumain si Larc. Kumatok sabay pasok ako sa kwarto ngunit naabutan ko syang tulog na. Lumabas na lang ako ulit at umupo sa sala. Nawalan na rin ako ng gana kumain dahil sa lungkot kaya humiga na lang ako sa sala. Ayaw ko muna matulog sa kwarto dahil baka mas lalong uminit ang ulo ni Larc. Pinatay ko na lang ang ilaw at doon natulog sa sofa.

Nagising ako ng may tumapik sakin. Si Larc.

“Bakit dyan ka natutulog?”, sarkastiko nyang sabi.

“Ha. Nakatulugan ko kasi yung pagbabasa ko. Gutom ka na ba? Iinitin ko yung ulam kung gusto mo ng kumain.”, sagot ko na medyo pupungas pungas pa.

“Hindi na.”, sabay tayo nyang muli at naglakad pabalik sa kanyang kwarto. Nakaramdam ako ng pagkalungkot. Galit pa rin sya.

“Galit ka pa rin ba?”, malungkot kong tanong.

I saw him stop walking at narinig ko ang pagkawala nya ng isang malalim na hininga. Naglakad sya pabalik at umupo sa tabi ko. Binigyan ko sya ng isang mabilisang tingin, napansin kong nakatingin sya sakin.

“I’m sorry.”, mahinahong sabi nya.

“Hindi. Ako dapat ang mag sorry. I left without saying anything, eh. Pero hindi na mauulit.”

“I know.”, pagngiti nya. Narinig kong kumalam ang sikmura nya.

“So kinausap mo ako kasi gutom ka na?”, pagbibiro ko.

“Aba! Hindi ah! What made you think na gutom na ko?!”, inis na pagdedepensa sa sarili. Sabay kalam nanaman ng sikmura nya. Natawa ako.

“Ah, ok. If you say so. So pano, tulugan na ulit?”, sabay tingin sa kanya na tipong nangaasar.

“Hindi. Nagising ako kasi baka di ka pa kumakain. Baka sabihin ni tita, ginugutom kita dito.”

“Yeah, right.”, pagtawa ko. Ngumiti na rin sya. He was never good in admitting na talo sya. Pero alam ko naman kasing basang basa ko sya kaya alam nya na agad na kuha ko ang mensahe nya.

Sumimangot sya at tumalikod at naglakad nanaman pabalik sa kwarto.

“Oo, eto na. Iinitin ko na ang ulam. Wag na maginarte.”, sabay tayo at akbay sakanya at inupo ko sya sa lamesa.

Habang kumakain kami ay napansin kong ang dami nyang nakain. Hindi rin kasi sya kumain ng maayos kanina dahil nagiinarte mode pa sya. Napapatitig lang ako habang kumakain sya at natatawa tawa.

“Oh, bakit?”, takang tanong nya.

“Hindi ka gutom noh?”, nakangiti kong tanong. Ngumiti lang sya kahit na may laman ang bibig. Animo’y bata na nahuli sa kalokohan.

“Ikaw kasi, eh. Ginutom mo ko.”, pagbibiro nyang sagot.

“Hala, ako pa ngayon. Sino ba naman kasi may sabi sayo na magkulong ka dyan sa kwarto?”

“Sino ba naman kasi may sabi sayo na huwag akong katukin?”

“Aba! Ako pa ngayon! Eh sino naman kasi may sabi sayo na maginarte ka?”, pagtawa ko. Tumawa din sya. Sa isang iglap, parang okay na ang lahat.

“Huwag mo na uulitin yun, ha.”, seryosong sambit nya habang nakatingin sa plato nya. Ganyan si Larc pag seryoso na. I know di na sya nagbibiro. Nasense ko din sa boses nya ang pag-aalala.

“Hindi naman ako mararape sa labas, noh.”, pagbibiro ko pa rin.

“I’m serious.”, bigla syang tumingin sakin ng diretso at mata sa mata. I panicked. Bumilis ang tibok ng puso ko. Natataranta ko pag dumarating ang gantong sitwasyon.

“Yeah.”, simpleng tugon ko. Ngumiti nanaman sya ulit.

Pagtapos naming kumain ay nagligpit sya ng pinagkainan namin. Ako naman ay kinuha at inayos ang pinaghigaan ko sa sofa. Pagtapos ay sabay kaming pumasok sa kwarto. Hay sa wakas! Nakapasok ako uli dito!

Binuksan ni Larc ang tv sakto, isang comedy movie ang pinapalabas, paborito ko. Ngunit bigla nyang nilipat ito. Isang horror movie naman ang pinapalabas.

“Oh, teka, maganda dun sa isa. Ilipat mo ulit!”, pagdemand ko.

“Ok na yan! Maganda yan!”

Hindi naman talaga ako matatakutin, ehem! Actually, medyo. O sige na nga, OO! Ang lakas kasi ng imahinasyon ko. Dinadala ko ito ng ilang araw kaya ayaw ko nanonood ng ganoon.

“Eh! Wag na dyan! Maganda yung isa, comedy!”, sagot ko.

“Oh sige, bato bato pik tayo. Pag nanalo ka, yung comedy ang panonorin natin. Pero pag nanalo ako, horror. Game.”, pagsusggest nya.

“Eto parang bata! May bato bato pik pang nalalaman! Dun na lang sa comedy. Larc naman eh.”

Pero tumitig nanaman sya.

“Nako, wag mo ko simulan sa ganyan Larc ha!”

Wala pa rin syang reaksyon.

“Nako Larc! MAGTIGIL!”

Pero blanko pa din ang tingin nya. Bwiset. Hindi titigil to.

“OK! OK! Bato bato pik na.”, agad naman sya nagpakawala ng malakas na tawa. Yung tipong nagaasar pa.

“Bato – Bato – Pik!”, sabay naming sinabi at nagpakawala ng tira. Gunting ako, bato sya.

“Yes! Well! Well! Well!! Talo ka!!! Hahahaa!!”, pangaasar nya pa.

“Oo na! Panalo ka na.”, inis kong sabi.

Hindi ako mapakali sa pinapanood namin. Andyan yung itago ko sarili ko sa mga unan, kagatin ko yung kumot, o takpan ng mga kamay ko ang mata ko. Pambihira naman kasi tong palabas na to! Nakakatakot. At sat wing ginagawa ko yun ay tumatawa naman si Larc at nangiinis mula sa kama nya.

Natapos na ang palabas at nagkayayaan na magtulugan. Nag cr sandal si Larc at ako naman ay naiwan sa kama na mag-isa. Patingin tingin ako sa paligid. Akala mo ay baliw ako na napaparanoid sa bawat kaluskos at tunog na marinig ko. Kasi naman, bat pa kami nanonood. Dapat natulogg na lang eh!

Bumalik na si Larc at pinatay na nya ang mga ilaw. Ako naman ay nagtakip ng unan sa mukha ko sabay kappa ng cellphone ko at inilawan ito. Hindi ko mapatay patay ng dahil sa takot.

“Huy! Sino ba yang katext mo?”, tanong ni Larc. Pero narinig ko ang mahinang tawa nito.

“Wala akong katext! Gusto ko lang may ilaw kahit kaunti.”, inis kong sabi.

“Patayin mo nga yan! Hindi ako makatulog kapag may ilaw.”

“Eh ikaw naman kasi, e! Alam mo naman ayoko nun,eh! Takpan mo na lang ng unan yang mata mo parade ka masilaw.”, inis kong sabi. Narinig ko nanaman ang pagtawa nya kahit pigil na pigil ito.

Nakahiga lang ako habang pinapailaw ang cellphone ko. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Naiimagine ko sa utak ko yung pinanood naming kanina lang. Napapikit ako ng maigi. Sana makatulog na ako para mag-umaga na.

Halos mapalundag ako sa takot ng biglang may naramdaman akong tumabi sakin. Nanginig ang buong katawan ko sa gulat at bigla kong inilawn kung ano man yung tumabi sakin. Laking gulat ko naman ng makita na si larc lang pala yun. Magagalit n asana ako ng…

“Oh, ayan. Para hindi ka na matakot.”







38 comments:

Anonymous said...

kilig to death! Tangina bro haha next chapter agad author sige na bukas huh! Pinilit eh' haha

Kyle

James Chill said...

Ahaha... Mahaharot! Haha... Nxt please! Haha..

kapitansino said...

first

Unknown said...

I lurv it!!! SWEET!!!

--makki-- said...

hala tinbihan xa. hmmm.. ayiiiee! :))

Anonymous said...

sweet naman nila...nest na ken...ahahahah

-iamronald

Anonymous said...

i want more selosan at away bati pa haha... tinabihan pagkatapos niyakap? =dereck=

Anonymous said...

AYIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII. Kilig to the maxxxxxxxxxxxxxxx. Haha. Next na.

-J

Tommy said...

Ang ganda talaga ng story <3 kinikilig ako HAHAHA.

Anonymous said...

Ikaw na ryan!!wagas na wagas!! :D

Riley

Chris said...

naks. nakakakilig nmn! hahaha! pero masyado nmn ata kung magalit ah. hehe.

Anonymous said...

wwooohh.. sweetness naman tong dalawang to oh.. hehe

nice one..

God bless.. -- Roan ^^,

youcancallmeJM said...

interesting flow.... update na! hehehe
habang wala pang thesis na iniisip :]

Anonymous said...

hayst grabe sobrang cute ng stories kakakilig...next chapt. na agad kaibigan...

Anonymous said...

The moves!!! Lakas maka pbbteens hahaha... Kya pala horror gus2... Lol! -curious19

Anonymous said...

KINIKILIG AKO MY GOD!
ANG SWEETTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTT..

kaso ang grabeh magtampo LARC
grabeh din siguro yan magSELOS,

I LOVE THIS STORY!

<---- demure

Anonymous said...

Wiiih ganda talaga.. Parang maiistress nanaman ako pag magkakagulo sila, itong ganitong plot ang nagpapaistress sa akin pag may misunderstanding! Ahaha keep it up po! Lovet!

Ivan d.

Anonymous said...

hindi pa nga sila KILIG to the bones agad ako, pano nalang kung naging sila pa............ ayyyyyyiiiieeeeee!!!!!!!!!!!


-Lei

dark_ken said...

naku pasensya na kng d po ako makapagpost agad ha.. bukas po ang next :)

dark_ken said...

ahahaha!! may naalala ako sa "maharot"! nickname yan ni Jenny in real life

dark_ken said...

hi po kapitansino :)

dark_ken said...

salamat po ng marami!! :)

dark_ken said...

hi po makki.. ikaw po ba yung nagadd sakin sa fb? same po kasi ng avatar pic m..

anyways, salamat po :)

dark_ken said...

hi ronald! naku anu kaya mangyayari sa next chaps? bwahahahaha

dark_ken said...

ahehehehe.. magandang ideya po yan!! salamat po!! :)

dark_ken said...

bukas po sir!! :)

dark_ken said...

hi ulit tommy :) bukas ah :)

dark_ken said...

ahahahaha!! natawa ko sa "ikaw na ryan!" hahahaha

dark_ken said...

grabe po ba? baka naman selos lang po? abngan! heheheh

dark_ken said...

ahahahaha!!! bukas na po ang next!! :)

dark_ken said...

naku naku.. susubukan ko po bilisan!!! sorry po :(

dark_ken said...

bukas na po :)

dark_ken said...

hahahahah!! pbb teens? madalas ko nakikita sa post ng fb yun.. ano ba meron sa season ngaun?

dark_ken said...

ahahahha!! uu nga.. kng iisipin m nga.. grabe sya magselos noh? hahahaha!! bukas na po ang next!! :)

dark_ken said...

ahahahaha!! as a reader ng ibang stories, nasstress dn ako sa mga stories na ganto ang plot!! hahahha!! agree!!

dark_ken said...

nako!! abangan ang next po!! ahehehheh!! :)

Ryge Stan said...

hehehe this one is great can't help but smile habang binabasa tong story.

slushe.love said...

exciting! ito siguro sa Larc kaya nanuod ng Horror para i PBBTeens nya si Ryan after. haha kasi alam nyang matatakutin. haha

Post a Comment