Monday, June 25, 2012

Best of Both Worlds: Chapter I


Best of Both Worlds: Chapter I

Written By : Nataniel








"Ano bang gusto mo?" mahinahon at malumanay nitong sabi habang ako ay nakahiga sa aking kama at

nag-iisip saang parte ng buhay ko ako nalihis at umabot sa ganito. "Break o Cool-off?" dadag nito. Batid

ko sa boses nito ang lungkot ngunit sa likod nito ay ang pag-intindi sa akin kahit alam kong wala naman

akong sinasabi at alam kong wala siyang alam sa dahilan ko. Kahit ako may naguguluhan at nalilito kung

bakit ganito ang nararamdaman ko. Ang "ganito" ay hindi ko din mawari kung ano.

"Break." Mahina ngunit walang pagdadalawang-isip kong sabi. Kahit ako may ‘di din alam sa sarili ko

kung bakit ito ang naibulalas ng mga labi ko.

"Okay." Yun lamang ang nasabi niya. Alam kong walang kahit ano mang bahid ng galit o kahit inis man

lang ang natunugan ko sa maikli niyang sabi. Tumayo siya bigla at kinuha ang bag niya at ang mga laman

nito na nakakalat sa aking higaan. Napaupo na rin ako marahil dala ng gulat ko na wala man lang itong

ginawa na kahit ano. Inaasahan kong may sampal na aabot sa aking mukha o kahit pagmumura man lang

kahit alam kong di niya naman ugali ang magmura sa isang tao.

Natahimik lang ako habang pinagmamasdan siyang nililigpit ang gamit niya at ipanasok ang mga ito sa

kanyang bag. May kirot akong naramdaman sa puso ko dahil kahit sa ginawa kong pakikipaghiwalay sa

kanya ay wagas pa rin ang pagmamahal nito sa akin dahil wala siyang ibang ginawa kundi ang intindihin

at respetuhin ang naging desisyon ko.

Nagsimula na siyang maglakad papunta sa pintuan upang lumabas ng kwarto ko habang ako ay

nakatulala pa rin sa ginagawa niyang pagtalikod at paglakad palabas ng kwarto ko at marahil palabas

na rin ng buhay ko. Aaminin kong masakit ito para sa akin pero para rin siguro ito sa ikabubuti naming

dalawa. Hindi patas para sa kanya ang paasahin siya gayong kahit ako ay hindi pa sigurado sa sarili ko;

kung ano ang gusto ko at kung sino ba talaga ako.

Nang akmang makakalabas na siya ng kwarto ay bigla itong tumigil. Nagulat ako at baka ito ang

hinihintay kong sampal na sa totoo lang ay nararapat lang naman niyang gawin sa lalaking nagwasak

sa kanyang puso at pagmamahal. Nabigla ako nang bigla itong mabilis na naglakad papunta sa

akin. Napapikit ako dahil akala ko ay sampal nga talaga ang aabot sa akin ngunit wala, wala akong

naramdaman kundi ang mga labi niya na nakalapat sa mga labi ko. Isang halik at isang mahigpit na

mahigpit na yakap. Yakap na punung-puno ng pagmamahal at isang halik na puno ng pag-intindi. Isang

"goodbye kiss at hug" ? Ito lang ang tanging interpretasyon na naisip ko. Doon ko na din naramdaman

ang pagpatak ng luha niya sa pisngi ko na para bang bawat butil ng luha niya ay parang kumukulong-

putik. Bawat patak nito ay nagdadala ng ibayong hapdi at hindi matawarang sakit sa aking puso na

animo'y pumipiga dito.

"I love you, pangit." Yun lang ang maluluha-luha niyang sabi sa akin pagkatapos niya akong

yakapin. "Pangit" ang tawagan namin ni Jane sa loob ng dalawang taon naming pagiging magkasintahan.

Tuluyan na nga itong umalis at naglaho na sa paningin ko. Ako naman ay naiwang nakaupo pa rin

sa aking kama, durog ang puso sa ganap ang pagsisi sa sarili kung bakit ko nagawa ito sa babaeng

pinakamamahal ko. Napaiyak ako, isang bagay na akala ko’y matagal ko nang nakalimutan kung papaano

gawin dahil sa tagal na nang panahon.

One Month Ago

"May sasabihin ako sa iyo tungkol sa bespren mo." sabi ni Anne, ang aking pinakamalapit na kaibigan

mula nang tumungtong ako ng kolehiyo at kumuha ng kursong Nursing sa isa sa pinakaprestihiyosong

unibersidad dito sa aming syudad. Alam kong isang tao lang naman ang ibig sabihin nito sa tawag

na "bespren", lalung-lalo na sa sarkastiko niyang diin nang banggitin nito ang katagang yun, si Nathan -

ang pinakakaaway ko simula nang maging magkaklase kaming tatlo noong first year.

"Ano na naman yon?" wika ko. Alam kong ngayon ay close na sila nito dahil sila nalang dalawa ang

magkaklase. Nalipat kasi ako ng block dahil sa hindi ko na naabot ang grade requirement sa first and

second block, pero konti lang naman ang kinulang ko. Third year college na kami ngayon.

"Ay, ayaw ko sabihin, nakokonsenya ako." sabi naman nito. Kahit kailan talaga di maasahan sa balitaan

ang babaeng to.

"Okay ikaw bahala." sabi ko na lang at pinagpatuloy ang pag-i-FB ko. Pinigilan kong sarili ko na alamin

ang tinatago niya dahil, para saan naman? Tungkol naman ito sa nemesis ko, ba't naman ako magiging

interesado. Pero sa loob-loob ko, naintriga naman ko pero konting-konti lang naman.

Binabalingan ko alng ito ng tangin every once an a while at halatang gustung-gusto nitong sabihin ang

alam niya pero pinipigilan niya lang ito. Pero alam ko na nasa akin ang simpatya nito at alam kong aamin

din to. Hindi nga ako nagkamali dahil hindi ako natiis nito.

"rararamama, roma romama, gaga ulala, want your bad romance." Pakanta-kanta nito, paulit-ulit.

Ngayon alam ko na ang ibig nitong sabihin kahit hindi pa man ito tuwirang inamin ang alam niya.

"Ah si Nathan may boyfriend?" sabi ko sa kanya nang mapagtanto kong ito nga ang ibig niyang sabihin.

Napatulala lang naman ito sa sinabi ko at halata sa mukha nito na natumbok ko nga ang kanyang alam

na sikreto. Bumalik lang ulit ako sa aking pag-i-FB.

"O? Ba't di ka nabigla?" tanong nito sa akin ng buong gulat.

"Kasi matagal ko nang alam na lalaki din ang hanap nun. First year pa. Di ba nga sabi ko sayo nun

magpapatuli ako ulit kung di siya bading or kahit silahis man lang." paliwanag ko. Napanganga pa rin ito

ngunit ngayon ay ibang nganga na ang nakapintura sa mukha nito. Yung nganga na tipong may naiisip na

pilya at di talaga kanais-nais.

"Eh, kung landiin mo kaya?" sabi niya na ikinagulat ko naman. Oo, siguro malandi ako nang konti pero sa

mga babae lang yun at tsaka noon yun nung wala pa akong kasintahan.

"Ano? Landiin ko? At landiin din daw talaga ang term ah. Hanep ka no? Lakas ng tama!" pabiro kung sabi

nito pero sa loob-loob ko ay hindi ko alam kung bakit ko kinukunsidera ang suhestyon nito. Sabagay,

kung magawa kong mahulog ang loob at puso nang isang 'to ay makakaganti din ako sa mga ginawa nito

lalung-lalo na sa mga naging bangayan namin noon. Di din kasi ako nakaganti noong first year pa lang

kami dahil zero tolerance ang Catholic University na pinapasukan namin at iba siya makipag-away. Yung

tipong babaeng babae, back-stabbing dito, patamang group message gabi-gabi at ang higit sa lahat na

kinakagalit ko ay ang paghihingi niya ng simpatya sa buong klase at sa halos buong batch nito noong

high school. Wala naman akong laban, kasi ako ay hamak na dayo lang naman sa University at siya ay

full-blooded at University - molded ng pinapasukan naming paaralan.

"Oo, magaling ka naman dun diba?" wika nito na para bang pinapalaki ang ulo ko nang sa gayon ay

mapapayag ako. Hindi naman siya nabigo, dahil pumayag din ako. Pa-iinlabin ko si Nathan at papipiliin

ko sa aming dalawa ng boyfriend niya pagkatapos ay iiwan. "Fool -proof na plano" sa isip ko.

"Okay, akin na ang number." Parang walang gana kung sabi. Marahil umaasta lang akong walang

pakialam dahil baka matunugan nitong may ulterior motives ako sa pagsakay sa suhestyon nito.

Binigay nga niya ang number ni Nathan sa akin nang nakangiti at halatang excited. Ewan ko ba sa

babaeng to, parang ang laki ng sayad. Ano kaya ang nakakatuwa sa gagawin ko kay Nathan na enjoy-

enjoy siyang isipin.

That very same night, I texted Nathan, pagkatapos naming mag-usap ng girlfriend kong si Jane. Gabi-

gabi din kasi si Jane tumawag sa akin at araw-araw niya rin akong niloload dahil sa busy ako sa maraming

bagay --- pag-aaral, American Series, ang under-development ko pang talent na painting at ang

matatawag kong "hinog na" na talent ko sa pagkanta.

"Hu's dis po." reply ni Nathan sa akin after ko mag-"hi". Ang baitat galang ng mokong sa text ah.Nasabi

ko sa aking sarili.

"Hi Nathan, c Niel to. :)" bait-baitan kong reply. Di ko maintindihan, and frankly, di ko alam paano

sisimulan 'tong pinaplano namin ni Anne.

"Ahw. Ba't napatext ka?"

Paano to?! Panic ng isipan ko. Oo, pinanganak akong may angking kalandian pero ewan ko ba ba't sa

mga oras na yun ay parang naging baguhan ako sa larangan ng flirting.

"Kasi gusto ko maayos na gusot natin. : I mean it's been 3 years na din diba? And malay mo

magkarotation tayo sa RLE soon. :) Ayaw ko naman na magka-ilangan tayo dba?" mahaba kong reply.

Kung alam lang niya ang ulterior motive ko. Hahaha

"Ah yun lang ba? Matagal ko na kinalimutan yun." text niya. Ayos ah, kunwari kinalimutan niya, if I

knowmay galit pa rin 'to sa akin.

"Oo nga noh? 3 years na din yun dba?" Pagsakay ko sa drama ni Nathan.

"Sabi ko nga. Sige, matutulog na ako ah? :)" reply niya agad. Na-alarma naman ako sa pagpapaalam

niyang matutulog na dahil kung ganito ay wala na akong rason para itext siya sa susunod at di ko na

maisasakatuparan ang mga plano ko.

"Wait muna. For what it's worth, mag-sosorry lang ako about that misunderstanding. :)" madalian kong

reply. Shit! Did I just swallow my precious pride? At ang labas ay ako pa ang may kasalanan ng lahat.

Freshmen Year

First day of school, magkahalong emosyon ng anxiety at excitement ang bumalot sa puso’t isipan ko.

I took up Nursing dahil na rin sa pagpupumilit ng Mom ko dahil sa bango ng propesyon na ito at sa ito

ang isa sa mga matatawag na “selling” course noong panahon na yun. Pumayag na din ako even though

I know I will never ever want to work as a nurse in the future kasi sa lahat ng ayaw ko ay ang inuutus-

utusan ako at nakakapagod din ito. Gawing “pre-med course” ang Nursing, yan ang plano ko.

“Tell me what your favorite element of the periodic table is and say something about it.” wika ng

Biochem teacher namin, first period class ko sa araw na yon.” I know the elements by heart, since I

was forced to memorize each one and at least its attributes and basic information, thanks to our terror

Chemistry teacher noong high school. Dahil na rin sa valedictorian ako nung grumaduate, I expect a lot

from myself. Nagtaas ako ng kamay.

“Yes, Mr?” si teacher.

“Niel Muñoz III po ma’am. About your question, my favorite element is Carbon. Its atomic number is 6

with the symbol of C and has an atomic weight of 12.02. Since this is a Biochem class, we’ll all be seeing

a lot of Carbon’s throughout the sem. It is also the 4th most abundant element in the universe by mass;

it also plays a very important role in all life because it is the element that is considered to be the basis

of all life forms. Blah blah blah…” ang dami kong nasabi about Carbon na napanganga mostly ng mga

classmates ko, di naman siya yung tipong thorough talaga na explaination dahil basic information lang

naman yun especially its uses and importance, malaking bagay na rin ata yun para sa iba dahil stock

knowledge lang lahat yun, walang kodigo. Pati guro naming ay namangha dahil nakita kong nanlaki

ang kanyang mata katulad ng mga mata ng iba ko pang kaklase, maliban nga lang sa isang lalake na

nakatingin sa akin na base sa expression niya nababasa ko lang na “Shet! Pakitang-gilas.” and “I’m not

convince.”

Nagpalakpakan sila at ginantihan ko lang din ng ngiti at agad-agad na umupo. Napasobra ata ang tirada

ko.

Bigla namang nagtaas ng kamay ang lalaking nakatingin sa akin ng masama kanina. “Uy, magpapakitang-

gilas din.” Sa isip ko.

“Yes of course Mr.Nathan Alvarez.” wika ng guro namin. At alam niya ang pangalan ng mokong ah,

malamang dito sa University din na ‘to siya naggraduate.

“Oxygen.” wika niya. “In line of what Mr. M… of what he said.” Abay may attitude ang adik na ‘to ah,

sarap upakan. “Oxygen, I believe is more important than Carbon because, yes every life form has form

but without Oxygen nothing will actually wield life. Blah blah blah…” ani ya habang binabalingan ako ng

tingin every once in a while na para bang may gustong patunayan.

“that’s it!” sa isip ko. Being competitive that I am, nagraise ulit ako ng kamay pagkatapos niya ng

magsalita at pinaunlakan naman ng guro ang paghingi ko ng pahintulot upang magsalita.

“I really don’t believe that Oxygen is more important than Carbon. I mean, in order for life in Earth to

be possible, five basic elements that should work together; not literally at the same time but in pairs of

trios, are needed to sustain life. They are Carbon, Oxygen, Sulfur, Hydrogen and Nitrogen. And having a

debate as to what element is the most important among the five mentioned is like having an argument

about which comes first; the chicken or the egg, or which is more important among the two. And by the

way, Mr. Alvarez, it’s Mr. Muñoz.” litanya ko. Inismiran lang ako ng loko.

“That’s a valid point Mr. Muñoz.” Wika ng teacher sabay simula ng kanyang lecture sa araw na yun.

After that subject is a free period. Dahil sa freshmen pa lang kami ay marami pa kaming free times.

Nagulat nga ako nang makita kong may two periods lang ang block ko tuwing Friday – the first and the

last subjects. Ano naman kaya ang gagawin ko sa napakahabang free periods na yun?

Naupo ako sa isang for-four table sa cafeteria and being the promdi that I am, wala akong kaibigan o

kahit kilala man lang to share the table with. Emo daw ako ngayon. Umorder ako ng Lomi and nestea

at sinimulan kong lantakan ang mga yun nang nag-iisa. Sa una ay nag-eenjoy pa ako ngunit habang

nangangalahati na ako ay mas nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Kung sana ay di nalang ako nag-

aral ng ganito kalayo mula sa amin, sana kasama ko pa rin mga high school friends ko ngayon sa isang

University malapit sa amin.

“Hi.” Bati ng isang babae na di ko kilala ang boses. Inilahad nito ang kanyang mumunting palad sa harap

ko. Medyo bastos nga ang dating because the way she held out her hand covers my sight for my food. I

looked up and was greeted by a very friendly and assuring smile. Medyo may kaliitan ang babaeng ito na

kung tatayo ako marahil hanggang leeg ko lang siya. Morena pero maganda.

“I’m Anne. Can I sit with you?” tanong niya.

“Ok lang. Wala naman akong kasama eh.” Walang gana kong sabi pero pinilit ko pa ring suklian siya ng

ngiti kahit batid ko kung gaano ito ka-pilit. Tinangap ko ang kamay niya.

“Ahm. Nakita ko yung ginawa mo kanina sa Biochem Class and I was pretty impressed. Taga-san ka pala?

Mukha ka kasing hindi taga-dito.” Simula niya ng usapan. At bakit nasabi nito na mukha akong di taga-

dito? Ganoon na ba talaga ako ka promdi umasta? Should I be offended by that comment? Wala ako sa

mood punain ang maliliit na bagay katulad neto.

“Yeah, I’m from one of the provinces around here… actually a bit far from here. 8 hours din yung bus

ride.” Sabi ko. “By the way, I’m Niel Muñoz.”

“I know. Kinlaro mo pa nga sa mayabang na classmate natin kanina.” Thank God di lang ako ang may

impression na mayabang nga ang isang yun.

“Kilala mo yung maangas na yun?” tanong ko.

“Hindi eh. Di din kasi ako taga-dito. Transferee ako from Ateneo de Davao. Pero balita ko valedictorian

din daw yun ng high school nila rito.” Kwento ni Anne. Madaldal pala ang babaeng to. Nagvibrate ang

phone ko, binuksan ko at binasa ang message. Nasa condo pala ang Mom at pinapauwi ako saglit dahil

uuwi na din siya today at gusto niya mag-usap muna before siya makauwi.

“Anne, sorry ah. I need to go. Kaylangan ako ni Mommy sa condo. Mauna na ako.” Paalam ko sabay

hablot ng mga gamit ko na nakalatag sa isang bakanteng upuan sa gawing kanan ko.

“Okay. Friends?” Sabay lahad ulit ng kamay niya. Mahilig sa shakehands ‘to si Anne ah. Di yan sanitary.

“Friends.” Sabay kamay sa kanya at tumalikod para umalis. Nagmadali akong lumabas ng Cafeteria.

Napayuko ako ng akmang mahuhulog na ang isang libro na hawak ko sa kaliwa kong kamay.

“Ay Sorry.” dagling sambit ko ng maramdaman kong may nabangga pa ako sa ibayong pagmamadali.

Nahulog na tuloy ang bitbit ko.

“Fuck….!” Sambit ng lalaking nakabangga ko sa may pintuan ng Cafeteria. Kung bakit ba kasi pareho

lang ang entrance pati exit dito. Tiningnan ko kung sino ang nakabangga ko kasi kung makapagmura eh

parang walang kasalanan sa nangyari. Eh kung di naman tatanga-tanga di ko naman siya mababangga.

“You?”

“Ikaw?”

It’s starting to rain today. I hope if it actually rains it, won’t pour that hard.

Itutuloy…..





6 comments:

Anonymous said...

Nice chapter..i'll surely follow this:)

Riley

vp said...

ang gulo ng storya. nakakahilo.

Christian Jayson Agero said...

ganda ah.. :p nurses ulet ang bida.. :p i wish i could go back to nursing school.. tsk!

nathaniel said...

heheh di ko kasalanan na ganyan ang structure ng story... sinubmit ko naman ng maayos... kung sa story naman ay maayos din yan sa susunod na mga chapters... :0




--Nathaniel

MARK13 said...

Nice start, keep it up:)
for sure I will follow this story....

JM MJ said...

love story again of nurses... :]
ako kaya? hahaha... maghahanap muna ako ng OR case para complete na bago ako maghanap ng lovelife ko [hehehe] joke

Post a Comment