Best of Both Worlds: Chapter II
Written By : Nataniel
“Ikaw?” wika ni maangas
kong classmate.
“Oo, ako.” Nag-angas na
rin ako. May tension sa pagitan naming dalawa na pinili na lang ng mga kasama
niya na wag indahin. Yung iba naman ay nagulat lang din sa nag-aangasan sa
harap nila. Buti na lang wala gaanong tao sa cafeteria ng mga panahon nayun
dahil maaga pa.
“Okay.” Maikli niyang
sambit. Aba’y anong nangyari dun?
Naduwag?
“Anak, uuwi na ako ng
province ah. Ingatan mong sarili mo at please wag na wag makikipag-away. Iwas
sa gulo ah?” paalala ni Mommy nang maihatid ko siya sa terminal ng bus. Habang
pinagmamasdan ko ang nakahelerang bus sa terminal ay naisipan kong sumama na
lang sa kanya. I’m starting to feel homesick. Pero di dapat, kakasimula ko pa lang sa college diba? And matatag ako.
That incident earlier is just a bump in the road. Malalampasan ko din yun.
Magde-detour na lang ako.
Adjusting to a new
life…
Tagal
naman ni Mommy nagpadala ng kasambahay. Mamatay ako kakakain sa mga fastfood chains
dito sa paligid eh!
3 days na din ang
nakakalipas nang magsimula ang klase at nang simulant ko ang bagong setting ng
pamumuhay ko. Mag-isa wala pang katulong, isa pa lang ang kaibigan, at di ko pa
kabisado ang lugar.
I got confused pagpasok
ko ng first class that day kasi balisa lahat ng tao, kinabahan tuloy ako. Sa
pagkakatanda ko wala naming nabangit na may exam or what. Inikot ko ang aking
tingin sa paligid pati na din sa labas ng classroom, normal naman ang lahat; wala naman atang artista sa campus ah.
Nilapitan ko si Anne at
sinalubong ako ng ngiti. Binigyan ko siya ng nagtatanong na ekspresyon habang
tinuturo ang paligid. Na-gets naman niya ang ibig kong sabihin.
“Ah yan? Plano for the
Acquaintance Night.” Sabi niya na nakangiti pa rin.
“Acquaintance night?”
balik tanong ko.
“Yeah. Yung party to
welcome the freshmen.” tumango naman ako sa kanya.
“So ba’t sila parang
balisa at di mapakali?”
Nagsmile na naman ang
may sayad kong bagong kaibigan, yung tipong ngiting-aso na borderline ngiting
adik. “Marunong ka bang sumayaw?”
“Medyo.” Hesitant kong
sagot. Kinabahan tuloy ako sa kung anong isusunod niyang itatanong.
“Oh, thank goodness!”
tinaasan ko lang siya ng kilay. “Sinali kita. Hehe” Sabi ko na nga ba may kalokohang ginawa ang babaeng to. Wala naman
akong problema sa pagsasayaw eh, sakatunayan ay active ako sa extracurricular
nung high school, dancing , singing and even oration and declamation, nasalihan
ko na rin. Hyper-active ako kumbaga noong high school.
“Okay. Kaylan ang
practice?” sabi ko sabay labas ng book and notes ko for Biochem Class at
nilapag ang mga ito sa armrest ng upuan ko.
“Sa Friday after ng
first period?” mahina niyang tugon na wari’y nahihiya o nagdadalawang-isip.
“Okay… ba’t parang may
kick ‘tong usapan na to?” wika ko nang nakataas ang kilay sa kanya. Ngiting
sobrang hilaw lang ang gumuhit sa mga labi niya.
“Kasi, si Nathan ang
leader at mag-oorganize eh.” Sabi ko na nga ba at may issue ang usapan na to.
Pero napagtanto ko na okay lang kahit siya ang leader, di ko aatrasan ang hamon
na ‘to. Sabagay, wala naman siyang magagawa kasi free for all student naman na
nanggaling sa respective block nila ang sumali eh.
“Tapos?” ipinakita ko
kay Anne na wala sa akin kung si Nathan ang makakasama ko kahit dapat ay nainis
na ako bagkus ay na-excite pa ako. Para nga talagang natural sa akin ang
maghanap ng gulo.
“Okay lang ba yun
sa’yo? Diba may iringan na kayo first day pa lang?” nag-aalala niyang wika.
Naiintindihan ko din naman ang sabi ibig niyang sabihin.
“Professionalism, yan
lang Anne. Yan lang ang sagot sa issue naming dalawa.” Proud kong sabi sa
kanya. “I can hold off my sleeve if he can do the same. Anyway, I’m not dancing
for him. I’m dancing for our block and for the audience, right?” tumango lang siya na para bang “tingnan na
lang natin kung ano ang mangyayari.” Kahit ako man din ay ganun ang nasa isip
ko.
Nagsimula na nga ang
practice nang Friday after the first class. Masaya naman ang practice. I get to
know a lot of my classmates na karamihan ay galing din sa eskwelahan na to.
Nakakausap ko naman sila ng matino at lahat sila ay medaling kausap, sila kasi
yung tipong go-with-the-flow lang sa kung ano ang sabihin ni Nathan.
Napansin kong may
sinuggest na dance step and sequence si Mitch, isa sa classmate ko nab ago ko
lang nakilala. Bagama’t di ito tahasang dinecline ang suhestyon ni Mitch, ay
ganoon pa rin ang ending. Declined. Lahat nang napag-ensayuhan naming ay pawang
idea ni Nathan. He had this way of declining suggestions that does not offend
other people yet would make one person feel like their idea is of no good. Eto
yung ginagawa niya, tatango siya at magssmile, kunwari susubukan ang idea tapos
poof! Sasabihin niya sayo na hindi
kaya or hindi bagay then back to his plan. Natapos naming ang final rehearsal
at masasabi kong maganda naman ang kinahinatnan ng pagiging manipulative and
controlling ni Nathan. Masasabi kong alam niya nga kung ano ang ginagawa niya.
Sa katunayan, magaling magsayaw si Nathan, he has this grace na makikita mo
lang sa mga taong may talent talaga sa pagsasayaw, even the most bizarre steps,
kaya niyang gawing kaaya-aya at ka-nais-nais sa mata. For one moment there,
nakalimutan kong asungot ang isang ‘to. Masakit mang aminin, mas magaling siya
sa akin sa larangan ng sayawan.
Ayun at dumating na nga
ang araw ng Acquaintance Party. Dumating ako nang bandang 5 pm kasi ang sabi ay
6pm magsisimula at kumuha pa ako ng room. Alam ko naman na di peak season ngayon
dahil July pa lang kaya, di na kailangan magreserve. Andun lahat ng mga Clinical at Class
instructors pati na din ang Dean namin na sa katanda-tanda ay nakuha pang
magboots at mag-backless. It was a really disturbing view kaya umiling na lang
ako at ibinaling ang tingin sa entrance kung sino ang mga standout na papasok
at least dun man lang mag-enjoy ako.
Pumasok ang isang medyo
may kaliitang babae na napaka-pamilyar sa akin, di ko agad nawari kung sino
siya hanggang sa makalapit ito sa akin at nagsalita. Classy yet sexy ang dating
niya sa suot niyang alanganin gown at alanganin stripper-club outfit.
“Ganda ko noh?” wika
niya sa akin. Di ko agad nakilala na si Anne pala yun dahil naka-glasses ito at
kulot na ang buhok. Halatang buong araw nag-ayos.
“Ilang oras mo naman
yan pinaghandaan?” isik ko dito. Ayaw ko lang aminin na maganda siya sa gabing
iyon.
“Wala ka talagang bayag
nuh? Sabihin mo na lang kasi na nagagandahan ka sa akin.” Pabiro nitong sabi.
If I know, kahit pabiro ang pagkasabi niya ay damang-dama niya ang pagyayabang
niya. Feeler talaga.
“Ewan ko sa ‘yo. Nga
pala san na ang iba?” tanong ko nang mapansin kong kami palang ni Anne ang
nandoon. Bale sampu kaming sasayaw sa competition tonight.
“Nagtext naman sila na
papunta na. Mostly sa kanila. Nga pala, saan mo nilagay gamit mo? Yung susuotin
mo mamaya?” tanong niya pertaining to the outfit na napagkasunduan ng grupo.
Halata namang itinanong niya lang iyon para makilagay na rin ng gamit kung saan
ko nilagay ang mga gamit ko.
“Nagrent ako ng room. 612.
Lagay mo na lang din dun. Matagal pa naman din magstart ang competition, after
pa ng dinner.” Sa isang five-star hotel kasi idinadaos ang mga ganitong okasyon
lalung-lalo na kung party ng Nursing Department. Expected dahil ang Nursing ang
pinakamayamang department ng University; ang dami kaya namin and ang mahal ng
tuition.
“Yaman ah? Sige, dito
ka lang ah? ‘Wag na wag kang aalis!” banta niya at tuluyan nang naglakad
palabas ng Convention hall. Nababagot na ako kakaupo sa isa sa mga table na
nakalaan para sa block namin.
“Saan na ang iba?”
tanong ng isang lalaki na kakarating pa lang at nakatayo sa kabilang bahagi ng
table, nakaharap sa aking kinauupuan. Di ko siya nilingon, busy ako kakakalikot
ng cellphone ko. Malamang isa lang siya sa mga classmates ko.
“Si Anne pa lang at ako
ang nandito.” Maikli kong sagot, busy pa rin kakalaro ng Temple Run.
“Hi Nathan.” Wika ng
isang babae. Malamang si Anne. It grabbed my attention nang marinig ko ang
pangalang Nathan. I looked up and saw him smiling to Anne. He’s on his navy
blue tuxedo and his hair is well-kept, malayung-malayo sa kadalasan kong
nakikita sa school. And his eyes are deep blue. Di ko din maalala kung blue ba
talaga ang mata niya dahil di naman kami nagkakatinginan kahit sa practice,
dahil alam niyo na, mag-iinit lang ulo namin sa isa’t isa. Gusto ko sanang
itanong kung totoo yun o contact lens pero naalala kong di pala kami close. Haha.
Though there’s something na iba sa aura niya tonight. It felt gloomy and sad?
“Niel?” naalimpungatan
ako nang marinig kong sambitin ni Nathan ang pangalan ko. Nakatulog ba ako? O sadyang natulala lang? Anong nanyari? Bigla
kong tanong sa aking sarili.
“hah?” sagot ko na
parang ewan.
“Sabi ko, di pa ba
dapat magbihis?” pag-ulit niya sa kanyang itinanong noong nasa ibang planeta
ako. Na-distract ba ako sa presence ni
Nathan? Shet! Ganoon na ba talaga ako kaaffected sa inis ko sa taong to? At ba’t ako kinakausap neto?
“Ah, di pa. Mga before
dinner na siguro. After pa naman ng dinner ang dance.” Sabi ko. Nabigla ako
dahil medyo neutral ang nagging sagot ko sa kanya. Sabagay, no point in acting hostile kung mabait naman ang approach
niya.
“Saan niyo nilagay ang
mga gamit niyo?” tanong nito.
“Room 612. Lagay mo na
lang dun. Sabay na tayo akyat mamaya para magbihis.” Masayahing sabi ni Anne.
Tumango lang ito at tinanggap ang keycard kay Anne. Umalis na din ito.
Makalipas ang ilang
oras ay dumating na din ang iba pa naming kasamahan, dumating na din yung iba
naming ka-block na di sumali sa sayaw. Sa mga kasamahan ko naman sa sayaw eh,
puro “Room 612” lang ang sinasagot ko sa tanong nila kung saan na ang mga gamit
namin, sabay abot ng keycard. Kung alam ko lang na ganito, nakihati nalang sana
sila sa room. Not that I’m complaining about the payment.
Ang daming kung anu-ano
pang ginagawa, production number dito na kinain naman ng sandamakmak na
speeches; from the Dean, Batch President, President ng school at mga piling
Instructors. Kulang na nga lang pati janitor ay magsalita sa taas ng stage.
Maya-maya pa ay
matatapos na rin ang mahahabang litanya ng mga tao. At magdi-dinner na din kaya
napagpasyahan namin na umakyat na sa kwarto upang magbihis. Kahit medyo gutom
na ay napagpasyahan namin na pagkatapos na naming magperform kakain.
“Kinuha mo lang talaga
‘tong room na ‘to para lagyan ng gamit para sa party tonight?” tanong ni Enzo,
isa sa kasama namin.
“Partly, dito na din
ako mag-oovernight. Sayang din kasi eh.” sagot ko. Tunog-loner nga ang
statement nay un, pero sa katunayan, totoo naman din.
“Dito na din tayo
mag-sleepover! May after party pa diba?” si Anne.
“Kung okay lang kay
Niel, game lang ako. Pero magpapaalam muna ako sa parents ko.” Sabi ni Mitch.
Tumango lang ang iba
tanda na open sila sa idea pero yun nga lang kailangan pa nila magpaalam.
Nagbihis na ang apat na mga babae sa CR. Habang kami naman ay naiwan sa labas
para makapagbihis na rin.
“Nathan di ka pa ba
magbibihis?” tanong ni Mark na busy sa pagbibihis nang mapansin nitong nakaupo
lang sa malaking kama si Nathan.
“Mamaya na lang
siguro.” Kinuha neto ang cellphone niya mula sa bulsa niya at nagpaalam na
lalabas muna ng kwarto.
Natapos na din kami
lahat na magbihis, simpleng dark maong pants lang at personalized shirt na neon
colors ang print, nakasulat rito ang block name naming pati mga kung anu-ano
pang mga artistic and sometimes weird shapes and strokes.
Hindi pa rin bumababa
si Nathan na ang sabi kanina ay susunod din agad after magbihis nung
nakasalubong naming ito pababa ng Hotel. Habang busy pa ang lahat sa dinner,
minabuti kong umakyat muna upang tingnan kung buhay pa ba ang isang yun at para
na rin kunin ang tie na nakalimutan ko. Ewan ko ba kaninong idea ang
magneck-tie gayong nakashirt lang naman kami.
Pagbukas na pagbukas ko
ng pinto ay inabutan kong nakaupo si Nathan sa kama, di pa din nagbibihis at
para bang humihikbi. Tama bang nakikita
ko? Si Nathan umiiyak? Swerte ko nga naman. Pero imbes na matuwa ako dahil
nakita ko si Nathan sa isa sa mga panahon kung kailan siya vulnerable at down
ay iba ang nararamdaman ko. Awa? Di
ko matatanto kung ano, ang alam ko lang ay di ko kaya ang maging masaya sa
nasaksihan ko.
“Okay ka lang Nate?”
kapagkwanay wika ko. Nate? Saan galing
yun?
5 comments:
check out my blog.. nathanielgarcia121.blogspot.com
FC si Niel kay Nathan. Hahaha! Nice chapter boss. :D Keep it up. :D
nice one sir nate. next na po :))
sir nate di ko po makita blog mu.
wow nice one nate..nice name..next na kagad otor and congrats...
CANt find ur blog.
Post a Comment