Story Cover by: MakkiPotPot
Written by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com
Blog: ZildjianStories
Author's Note:Heto na naman ako at ang kwento ko. Una sa lahat, gusto kong sabihin na ang kwentong ito ay IMPRINT mga paps. Yeah, pwedi siyang i-connect sa series ko at p’wedi ring hindi. But what is more special about this story ay dahil ito ang magiging Anniversary tribute ko. Hehe Isang taon na ako sa pagsusulat sa darating na August. Kaya naman, napagpagpasyahan ko na i-timing ang ending ng kwentong ito sa mismong araw kung saan ako nagsimulang mag-post. Kung papaano ko gagawin iyon, hindi ko pa alam. HAHAHA
Naway tulad ng ibang estoryang nagawa ko. Ma-enjoy, kiligin,
maiyak, matawa at syempre sana may matutunan kayo sa kwentong ito. Maraming
Thanks sa lahat dahil sa walang sawa niyong pagsuporta sa akin. ^__^
Si Andrew Miguel
Mijares o mas kilala bilang Andy. Mula pagkabata ay nakahiligan na ang
paghahalo nang kung anu-anong inumin na naging malaking tulong sa kanya para
maging isang sikat na barista sa lugar kung saan siya napadpad para magsimula
ng buhay mag-isa.
He is the easy go lucky type. Kahit anong problema ay hindi
niya iniinda o binibigyan ng pagkakataon para maapektuhan siya hanggang sa
makilala niya ang unang lalaking kumuha ng kanyang pansin. Ang gwapitong
singkitin na si Nhad. Naging costumer ito sa bar na pinagtratrabahuan niya at
sa unang tingin palamang niya sa masayahing aura nito ay agad na siyang
nakaramdam ng kakaiba.
Gustong-gusto niya ang mga papuring nakukuha niya kay Nhad,
sa tuwing dumadayo ito sa bar nila. Lalo tuloy siyang ginanahang gumawa pa ng
mga bagong inumin para lalo itong ma-impress.
Hindi siya likas na mahiyain. Sa katunayan, sa kanilang magkakaibigan ay
siya ang pinakawalang hiya at pinakamagulo subalit pagdating kay Nhad,
natatameme siya. Nawawalan siya ng lakas ng loob at kumpyansa sa sarili.
Habang tumatalgal ay lalo lamang tumitindi ang kanyang
paghanga sa taong panay papuri ang natatanggap niya. Subalit, dala ng hiya ay
hindi niya masabi-sabi rito ang kanyang tunay na nararamdaman hanggang may makakuha na sa puso nito.
Nakadama siya ng panghihinayang ngunit nakontento na lamang siya na ang
lalaking unang umagaw ng kanyang pansin ay masaya na sa piling ng taong
minamahal nito.
Andy started to move on hanggang sa makapag let go na siya.
Gano’n naman siya, kapag alam niyang wala na siyang magagawa sa isang bagay ay
hindi na siya magpupumilit pa. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana sa kanya.
Kung kailan nagawa niya ng kalimutan ang kanyang nararamdaman sa taong pumukaw
ng kanyang puso ay siya namang muling pagbabalik nito. Ngunit ibang-iba na ito
sa dati. Wala na ang ningning sa singkitin nitong mga mata bagkus ay napalitan
iyon ng pait at sakit na siya namang ikinataka niya ng husto.
Sinubukan niyang kausapin ito, ngunit palagi lamang siyang
nauunahan ng hiya. Hanggang sa ang tadhana na mismo ang gumawa ng paraan na
hindi naging paborable sa kanya. Dahil doon niya nakita kung papaano magalit
ang isang Leonard Say na dahilan para ang pagtingin na meron siya para dito ay
mapalitan ng matinding inis.
Papaano babaguhin ng tadhan ang kapalaran nilang dalawa?
Abangan si Andy At Nhad sa kwentong magpapakita sa atin na minsan hindi porket
nabigo ka sa una mong subok ay susuko kana. Malay mo, sa bagong taong mamahalin
mo, naroon pala ang kaligayahang inaasam-asam mo.