Sunday, June 17, 2012

Lipstick Part 04



Lipstick

By: Marsh







Reminiscing the Past



After graduation, nagplanong magbakasyon ang family nina Frank sa Negros Oriental at inaya ako ng Mom and Dad niya na sumama so na-excite ako. At first, hindi pumayag si mama dahil she knows that I’m very careless at baka kung ano ang mangyari sa akin doon but Frank was really awesome and he assured my mama that everything will be fine since kasama sina tita at tito (yung Mom and Dad ni Frank) sa vacation. Hindi siguro makatiis si mama sa cuteness ng bestfriend ko so she agreed.



I was so excited and I just can’t hide it, sa biyahe magkatabi kami ni Frank sa bus at nag-agawan pa nga kami ng seat position sa bus, gusto ko kasing maupo malapit sa window para maenjoy ko ang tanawin na madadaanan namin. Buti na lang at nagwagi ang reyna at nakuha ko ang inaasam kong position. While on the way, inantok ako at nakatulog, namalayan ko na lang may yumakap sa akin.



Click! Nagising ako sa flash ng camera, nagpicture2x pala si Frank gamit ang Kodak camera na may film.



“Ano ka ba bestfriend? Nagsasayang ka naman ng film, dapat sa mga magagandang tanawin lang tayo papicture hindi dito sa bus”, sumbat ko kay Frank



Tumawa naman si Frank nang malakas, nahiya ako kasi ang mga tao sa bus ay nakatingin sa amin at to think na nasa probinsya kami, mga tao talaga, mga echosero’t echosera.



“Don’t worry Baby MarK este Baby Marshy, bumili si Dad nang maraming film so marami pa tayong pictures na makukuha pagrating sa Negros at ang cute mo kasing matulog parang wala kang pakialam sa mundo like a baby”, si Frank.



Gumaan ang feeling ko nang sinabihan niya akong baby, yun naman talaga trato ng mga tao sa akin na para akong batang dapat alagaan pero pag kay Frank galing ang salitang baby, iba talaga ang feeling ko. ( By the way I forgot to mention, my real name is Mark J ) Nakasandal pa rin ako sa shoulders ni Frank kahit hindi na ako inaantok, parang gusto ko na forever na lang akong nakasandal kay bestfriend pero hindi naman always na nandiyan si bestfriend para sa akin, I need to stand on my own.



Nakarating kami ng Northern Junob sa Dumaguete, doon kami mag-istay sa bahay ng tita ni Frank. Na-amaze talaga ako sa mga puno ng mangga doon at maraming pinyang tanim ang tita ni Frank. Napasigaw na lang ako ng



“Wow, tataba na naman ako sa kakakain ng mangga at pinya”, sigaw ko.



Nabigla na lang ako dahil humagikhik ng tawa sina Frank, tito at tita sa sinabi ko.



“Don’t worry nak, I’ll make it sure na makakain mo lahat ng gusto mo rito. Di ka namin gugutumin.”, tuwang sabi ni tito.



“Nakakatuwa talaga kayo, sige pasok na tayo, wala pala sila ate (yung kapatid ni tita) for the whole month, nagbakasyon sila sa Manila so tayu-tayo na lang magtutulungan dito at ienjoy natin ang bakasyon”, sabi ni tita.



“Sige tita, aasahan niyo at hindi ako tatamarin dito, ang ganda kasi nang lugar”, sabi ko.



Nakapasok na kami nang bahay at pareho kami ng kwarto ni Frank, as usual tabi na naman kami sa higaan. Mga bata pa talaga kami that time kasi walang malisya yung pagtatabi namin at ang yakapan namin. Napagod yata kami sa byahe kaya after namin magdinner pumunta na kami ng kwarto at natulog. Mga 3am na yata ng nagising ako , di ko rin alam eh kung bakit nagigising na lang ako bigla sa oras na iyan, tatayo sana ako para uminom ng tubig nang nakayakap si Frank sa akin, naisipan kong hindi gumalaw para hindi maistorbo ang kanyang tulog, hindi ko rin magawang humarap sa kanya kasi baka magalaw ko yung shoulders niya. Naghintay na lang akong magising siya nang



“Baby Marshy, gising ka ba? , di ako makatulog.”, sabi ni Frank.



“Yes Prankoi, gising ako, bakit hindi ka makatulog?”, takang tanong ko sa kanya. Di ko kasi akalain na gising siya sa higpit ng yakap niya sa akin.



“Hanggang kailan kaya tayo magiging magbestfriend, sana forever na lang, ayaw kong magkahiwalay tayo Baby Marshy”, sabi ni Frank.



“Hindi ko alam Prankoi, ayaw ko ring mawala ka sa akin, matulog ka na Prankoi para makapaglaro tayo bukas”, sabi ko kay frank.



“Sige Baby Marshy, dapat mag.enjoy tayo sa paglalaro bukas”, sabi ni Frank at nakatulog siya.



Akala ko makakababa na ako sa silong para uminom ng tubig pero nagkamali ako, ang higpit kasi ng yakap ni bestfriend at hindi ko kayang gumalaw at baka magising siya so pinilit ko na lang patulugin ang sarili ko at thank God, nakatulog ako nun.



“Oi Baby Marshy gising na, sina mama o nagpicture2x sa atin habng natutulog”, gising sa akin ni Frank na kinagulat ko.



“Ang cute niyo kasi, para kayong magkasintahan, so si Marsh na pala ang manugang ko?”, pabirong sabi ni tita.



“Hindi po tita, bestfriends lang po talaga kami”, inosente kong sabi.



“Sige na nga, hala magsiligo na kayo at para makakain na, nagluto ako ng paksiw na bangus, alam kong favorite ni Marsh ang bangus kaya niluto ko na ang binili namin kanina”, sabi ni tita.



“Wow tita, tataba na naman ako nito, thank you tita”, masaya kong sabi



“Hahahaha, dapat nguyain mo kinakain mo Baby Marshy para hindi ka mabilaukan, para kang matador eh”, biro ni Frank.



“Hmmmf.. maligo na lang tayo Prankoi at huwag mo akong iniisin”, inis kong sabi na ikinatuwa ni tita.



Sabay kaming maligo ni Frank noon ng hubot hubad, palagi ko ngang nakikita ang (censored) niya pero wala talagang malisya sa akin yun noon, ngayon lang, hahaha. After namin maligo ay nilantakan ko na ang bangus at ang sarap talaga lalo na yung fats ng bangus. Hindi ko makontrol ang self ko at naging matador na naman ang style ko sa pagkain na ikinatuwa ni Frank. Naku, ito talagang si bestfriend, lahat na yata ng imperfections ko ay nagustuhan na niya na ikinagalak ko na rin. Sa isip ko that time, sana hindi magbago si bestfriend.



Pagkatapos namin kumain ay dinala kami nina tito at tita sa park sa Dumaguete, yung ginagawa nilang boulevard na ngayon. Gusto sana niyang mag one on one kami sa basketball pero hindi talaga ako magaling so laru-laro na lang kami ng takbuhan at kung anu-ano pa. Pagkatapos noon ay pumunta kami ng Jollibee, favorite na talaga naming pumunta ng Jolibee since bata pa kami hanggang ngayon. Ang saya ng stay namin sa Dumaguete at parang ayaw ko nang umuwi sa amin. Sa tuwwing nakikita ko rin si bestfriend na masaya, parang gusto kong mag-pause ang earth.



(itutuloy)

8 comments:

Tommy said...

I really love this story, tsaka ang cute lang :))) keep up the good work marshy! :D

ZildjianStories said...

Ituloy mo lang.. Ang ganda.. hehehe

Marshy Doodle Nuique Cantila said...

thanks po.. nakakaiyak naman mga comment niyo

robert_mendoza said...

so nice to read ang mga nkakaaliw na story. tnx for sharing.

Marshy Doodle Nuique Cantila said...

thank you po ng marami...

Marshy Doodle Nuique Cantila said...

kuya, salamat po sa pagsuporta...

Marshy Doodle Nuique Cantila said...

thanks Tommy.. :) appreciate it

Unknown said...

Cute talaga ng story na to :)

Post a Comment