Lipstick
Reminiscing the Past
Highscool Days
First day of highschool at masaya ako dahil it will be a new
challenge for Frank and I because napili naming mag-enroll sa highschool sa
karratig bayan so we will be expecting to meet new faces and personalities. Ang
plano namin that day is dadaraanan ako ni Frank sa amin at sabay kaming sasakay
ng bus patungo sa susunod na bayan.
“Hello tita, nasaan na po si Baby Marshy, akala ko nakaready na siya
pagdating ko”, si Frank.
“Naku nak, hindi pa pala gising ang batang iyon, hindi ko namalayan
sa kaluluto ng almusal, gisingin mo nga para makaligo na at dito ka na lang
kumain”, sabi ni mama.
Natutulog ako nang mahimbing nang may kumurot sa aking tagiliran.
Nabigla ako ng mabungaran ko ang mukha ni Frank na nakangiti.
“Ouch! Ano bang problema mo? Inaantok pa ako at bakit naka-uniform
ka na?”, tanong ko.
“Baliw ka talaga Baby Marshy,hindi mo ba alam na ngayon ang first
day of school? Tange, hehehe, ayaw sana kitang gisingin dahil nag-eenjoy akong
makita kang natulog pero kailangan na nating pumunta ng school, hindi pa natin
alam natin section eh”, sabi ni Frank.
“Oo na po kuya, babangon na ako, maghintay ka lang sa sala ha kasi
maliligo pa ang prinsesa”, sabi ko kay Frank na ikinangisi naman niya.
1 hour na ang nakalipas, at hindi pa rin ako nakalabas nang bathroom
kaya pinuntahan ako ni Frank at Gosh hindi ko nalock ang bathroom. Nabigla na
lang ako nang may tumawag sa name ko, nakaidlip ako habang nakatayo, 4am na
kasi ako nakatulog sa kalalaro ng playstation. Nabigla ako at sinigawan si
Frank na lumabas ng bathroom. Gosh! Nahiya ako that time because nakahubad lang
ako at yun yung first time na na.conscious akong makita man lang ni bestfriend
ang hubad kong katawan. Nakonsensya rin ako sa ginawa ng bestfriend ko so agad
kong tinapos ang pagliligo ko at nagtapis ng tuwalya. Paglabas ko ay nakita ko
si Frank na nakasimangot sa akin. Tumawa na lang ako at dali-daling nagbihis ng
uniform. Pagkabihis ko ay tinungo namin ang kusina at para makakain na.
“Oh, mga anak, kumain na kayo diyan, ihahatid ko lang si bunso kasi
nursery na ito”, si mama.
“Sige tita, ingat po kayo ni Clint (bunsong kapatid ko), ako na pong
bahala magpakain kay Baby Marshy”, si Frank.
“Pasensiya ka na ha at ang bagal kong kumilos, madaling-araw na kasi
ako natulog, sorry talaga Prankoi”, paumanhin ko sa kanya.
Hidi umiimik si bestfriend at susubuan na sana niya ako nang
sinabihan ko na siyang kaya kong kumain
ng hindi sinusubuan. Naiilang na talaga ako sa bestfriend ko that time,
tinatrato ba akong baby kahit malaki na ako lalo na yung pagpasok niya sa bathroom,
parang nahihiya na akong makita niya akong nakhubad kahit palagi kaming
magkasabay na maligo noon, baka epekto ito ng puberty period.
9:30am na kaming nakapunta ng school at pumunta kami sa lobby para
icheck ang section namin and to my shock, napabilang ako sa section 1 kasama si
bestfriend, I’m very happy kasi classmate pa rin kami ni Frank, buti na lang at
hindi pasang.awa ang aking grades sa elementary at napasok pa ako sa section 1.
Nakita ko rin na masaya si bestfriend. Pumunta na kami sa room namin at binati
kami ng aming adviser na parang gumagawa ng introduction sa mga classmates
namin. Pagpasok namin ay nagtanong siya
“Oh hi, good morning, we are getting to know each other here with
your fellow classmates, and you two are?”, tanong ng adviser namin.
“ Hi, My name is Frank Cardosa and this lady este boy with me is my
bestfriend Mark Cantila but you can call him Marsh and we do apologize that we
are late, we really don’t know the way here”, sagot ni Frank.
Nailang na naman ako sa tingin ng aming mga classmates na makahulugan
ang mga titig buti na lang at binasag ni Mrs. Brookshaw ang pansin nila.
“Oh hi Frank and Marsh, welcome to section Rizal, I’m hoping that
you will enjoy your stay here in our school, you may find your seats and I
think the only available seats are at the back.”, sabi ni Mrs. Brookshaw.
Gosh, hindi ko pa naman gustong umupo sa likod because 20/20 vision
ko pero no choice, it’s my fault, pabagal-bagal kasi ako, opposite talaga kami
ni Frank, buti na lang at hindi nagka-clash personality namin.
Masaya naman ang school, I have found a lot of new friends, sila
sina Icon, Apple, Faith, Liezel and Caryl. Si Icon ay isa ring gay, we’re on
the same age at morena. Apple is bubbly and easy to get with. Faith is serious,
she is very poetic. Liezel is pretty and has a strong personality. Caryl is a
shy girl and loves to draw and read books. It’s really funny kasi kahit iba-iba
kami ng personalities ay magkasundo kaming lahat, kasundo rin nila si Frank at
masaya akong mga friends ko ay happy.
Nagkaroon rin ng new friends si Frank pero hindi ko sila close. Si
Arnold ay athletic, he loves basketball
also. Si Herald naman ay parang nerd, matalino rin at hilig magbasketball at si
Johnry, bisexual rin, matalino at siya ang taga-gawa ng assignments nila.
Pinilit kong makipagsundo sa kanila pero hindi ko kaya eh pero hindi naman sila
naging hadlang sa pagkakaibigan namin ni frank.
Natapos ang 1st year namin nang masaya, everyday kami
magkasama ni Frank pumasok ng school, magrecess, lunch at pag-uwi. Matampuhin
rin si Frank noon dahil kapag hindi ako nakapanood ng practice nila ay palaging
nakasimangot ang mukha niya.
“Marami namang nag-chicheer doon eh so huwag ka nang sumimangot
diyan Prankoi”, sabi ko tapos sabay kiliti sa kanya.
Ang kiliti ni Prankoi ay nasa batok niya, sayang-saya talaga ako pag
kinikiliti ko batok niya. Para talaga siyang anghel pag nakatawa.
“Oh sige na nga! Tigilan mo na ang pagkiliti sa akin basta make it
sure to go watch my practice after class ha, hahaha”, natatawa pa rin niyang
sabi.
“OO Prankoi, Promise”, sabi ko.
“Thank you Baby Marshy, love you”, sabay lambing niya.
Naku, para talaga akong matutunaw kapag nag I love you si Frank, ang
swerte ko talaga that time kasi may bestfriend akong may pagkalambing-lambing
at mabait pa. Kapag tinamad ako, siya na nga gumagawa ng assignments ko,
nakokonsensiya rin ako sa kanya, palagi rin niya akong pinpakopya sa mga exams
namin. Ako na yata ang pinakamasalanang tao sa school.
2nd year highschool nang matutunan kong mag-make up with
the influence of my friends. Nag-away nga kami minsan ni Frank nang dumaan siya
sa bahay para sunduin ako, nainis siya dahil ang tagal ko raw at malelate na
kami, yun pala, natgalan ako sa pagmi-make up. Nakasimangot kaming sumakay nang
bus hanggang sa makapasok na kami sa room, nakasimangot pa rin siya. Recess na
nun at sinbihan niyang sumama ako sa kanya sa washroom, umuo naman ako.
Pagpasok namin sa washroom, pinagalitan ako ni frank
“Nahihibang ka na ba? Bakit mo napiling mag-make up, maganda naman
mukha mo, para kang clown pag magmi-make up ka, lumapit ka, tatanggalin ko yang
mga kolorete sa mukha mo.”, galit niyang sabi
“WTH!, bakit mo ba pinakikialaman ang pgmi-make up ko? This is who I
am, I’m happy doing these things, anong klaseng kaibigan ka at hindi mo ako
sinusupurtahan sa mga gusto ko? Aalis na ako, aawayin mo lang pala ako”,
pagalit kong sagot
“Halika nga sabi!, sigaw niya. Sisirain lang nang make up na yan ang
mukha mo, kung ayaw mong makinig, pwewersahin kong burahin yan sa mukha mo”, si
Frank
“How dare you say that to me, I hate you”, sigaw ko sa kanya sabay
takbo palayo sa washroom.
I know maraming nakarinig sa pag-aaway namin pero balewala na sa
akin yun, first time ko kasing makaaway
ang bestfriend ko nang dahil lang sa simpleng bagay. Natapos ang recess at
bumalik ako sa room. Nakatingin mga classmates and friends ko sa akin at
nagtanong kung bakit ako umiiyak. Sinabi ko na lang na hindi ako nakakain at
nagugutom ako. Natawa naman friends ko at si Caryl ay nag-offer ng sandwich sa
akin. I love my friends, nakakatuwa talaga sila, napatawa na lang ako kasi
naniwala sila sa excuse ko. Habang kumakain ako ng sandwich while waiting for
our teacher ay napansin kong nakatitig si Frank sa akin pero balewala lang ako.
Lunch na at nasa canteen na kami ng mga friends ko at ready na
sanang umorder nang hinatak ako ni Frank softly palayo sa canteen at sa labas
na lang daw kami mag-lunch, trat daw niya. Nabigla ang mga friends ko at
sumenyas ako na okay lang. Umuo naman ako, mayroong restaurant malapit sa
church so doon kami pumunta para kumain, buti na lang at ready to eat mga foods
doon kasi 1 hour lang ang lunch namin. Kumakain na ako nang magsalita si Frank
“Sorry pala sa nangyari kanina, first time ko kasing makitang
nag-make up ka Baby Marshy, alam mo maganda ka naman kahit walang make-up pero
i admit gumanda ka sa mga kolorete na iyon, Hindi mo na kailangan ng sobrang
make up, ok lang magpowder ka at lipstick pero mas gusto ko ang simple na
ikaw.” , sabi ni Frank.
Nagustuhan ko ang mga sinabi ni Frank at gumaan na ang feeling ko at
nginitian ko siya.
“Ang drama mo naman bestfriend, okay hindi na ako mag-oover make up,
sige na kumain na tayo.”, sabi ko
“Oh ayan! Ngiti na siya, love you Baby Marshy.” , si Frank
“Love you too friend.”, sagot ko.
May mga simpleng tampuhan kaming magbestfriends nung highschool pero
agad din namang nasusulosyonan. I really love my friend and I dont want to lose
him.
(itutuloy)
2 comments:
Hays next chapter na po haha :D .. Ang sweet naman ng magbestfriend super cute .
thanks mark jayson pineola.. hehehe.. sobrang thanks talaga.. magkapareho pa tau ng name.. hehe
Post a Comment