Lipstick
By: Marsh
Reminiscing the
Past
After graduation, nagplanong magbakasyon ang family
nina Frank sa Negros Oriental at inaya ako ng Mom and Dad niya na sumama so
na-excite ako. At first, hindi pumayag si mama dahil she knows that I’m very
careless at baka kung ano ang mangyari sa akin doon but Frank was really
awesome and he assured my mama that everything will be fine since kasama sina
tita at tito (yung Mom and Dad ni Frank) sa vacation. Hindi siguro makatiis si
mama sa cuteness ng bestfriend ko so she agreed.
I was so excited and I just can’t hide it, sa biyahe
magkatabi kami ni Frank sa bus at nag-agawan pa nga kami ng seat position sa
bus, gusto ko kasing maupo malapit sa window para maenjoy ko ang tanawin na
madadaanan namin. Buti na lang at nagwagi ang reyna at nakuha ko ang inaasam
kong position. While on the way, inantok ako at nakatulog, namalayan ko na lang
may yumakap sa akin.
Click! Nagising ako sa flash ng camera, nagpicture2x
pala si Frank gamit ang Kodak camera na may film.
“Ano ka ba bestfriend? Nagsasayang ka naman ng film,
dapat sa mga magagandang tanawin lang tayo papicture hindi dito sa bus”, sumbat
ko kay Frank
Tumawa naman si Frank nang malakas, nahiya ako kasi
ang mga tao sa bus ay nakatingin sa amin at to think na nasa probinsya kami,
mga tao talaga, mga echosero’t echosera.
“Don’t worry Baby MarK este Baby Marshy, bumili si
Dad nang maraming film so marami pa tayong pictures na makukuha pagrating sa
Negros at ang cute mo kasing matulog parang wala kang pakialam sa mundo like a
baby”, si Frank.
Gumaan ang feeling ko nang sinabihan niya akong baby,
yun naman talaga trato ng mga tao sa akin na para akong batang dapat alagaan
pero pag kay Frank galing ang salitang baby, iba talaga ang feeling ko. ( By
the way I forgot to mention, my real name is Mark J ) Nakasandal
pa rin ako sa shoulders ni Frank kahit hindi na ako inaantok, parang gusto ko
na forever na lang akong nakasandal kay bestfriend pero hindi naman always na
nandiyan si bestfriend para sa akin, I need to stand on my own.
Nakarating kami ng Northern Junob sa Dumaguete, doon
kami mag-istay sa bahay ng tita ni Frank. Na-amaze talaga ako sa mga puno ng
mangga doon at maraming pinyang tanim ang tita ni Frank. Napasigaw na lang ako
ng
“Wow, tataba na naman ako sa kakakain ng mangga at
pinya”, sigaw ko.
Nabigla na lang ako dahil humagikhik ng tawa sina
Frank, tito at tita sa sinabi ko.
“Don’t worry nak, I’ll make it sure na makakain mo
lahat ng gusto mo rito. Di ka namin gugutumin.”, tuwang sabi ni tito.
“Nakakatuwa talaga kayo, sige pasok na tayo, wala
pala sila ate (yung kapatid ni tita) for the whole month, nagbakasyon sila sa
Manila so tayu-tayo na lang magtutulungan dito at ienjoy natin ang bakasyon”,
sabi ni tita.
“Sige tita, aasahan niyo at hindi ako tatamarin dito,
ang ganda kasi nang lugar”, sabi ko.
Nakapasok na kami nang bahay at pareho kami ng kwarto
ni Frank, as usual tabi na naman kami sa higaan. Mga bata pa talaga kami that
time kasi walang malisya yung pagtatabi namin at ang yakapan namin. Napagod
yata kami sa byahe kaya after namin magdinner pumunta na kami ng kwarto at
natulog. Mga 3am na yata ng nagising ako , di ko rin alam eh kung bakit
nagigising na lang ako bigla sa oras na iyan, tatayo sana ako para uminom ng
tubig nang nakayakap si Frank sa akin, naisipan kong hindi gumalaw para hindi
maistorbo ang kanyang tulog, hindi ko rin magawang humarap sa kanya kasi baka
magalaw ko yung shoulders niya. Naghintay na lang akong magising siya nang
“Baby Marshy, gising ka ba? , di ako makatulog.”,
sabi ni Frank.
“Yes Prankoi, gising ako, bakit hindi ka makatulog?”,
takang tanong ko sa kanya. Di ko kasi akalain na gising siya sa higpit ng yakap
niya sa akin.
“Hanggang kailan kaya tayo magiging magbestfriend,
sana forever na lang, ayaw kong magkahiwalay tayo Baby Marshy”, sabi ni Frank.
“Hindi ko alam Prankoi, ayaw ko ring mawala ka sa
akin, matulog ka na Prankoi para makapaglaro tayo bukas”, sabi ko kay frank.
“Sige Baby Marshy, dapat mag.enjoy tayo sa paglalaro
bukas”, sabi ni Frank at nakatulog siya.
Akala ko makakababa na ako sa silong para uminom ng
tubig pero nagkamali ako, ang higpit kasi ng yakap ni bestfriend at hindi ko
kayang gumalaw at baka magising siya so pinilit ko na lang patulugin ang sarili
ko at thank God, nakatulog ako nun.
“Oi Baby Marshy gising na, sina mama o nagpicture2x
sa atin habng natutulog”, gising sa akin ni Frank na kinagulat ko.
“Ang cute niyo kasi, para kayong magkasintahan, so si
Marsh na pala ang manugang ko?”, pabirong sabi ni tita.
“Hindi po tita, bestfriends lang po talaga kami”,
inosente kong sabi.
“Sige na nga, hala magsiligo na kayo at para makakain
na, nagluto ako ng paksiw na bangus, alam kong favorite ni Marsh ang bangus
kaya niluto ko na ang binili namin kanina”, sabi ni tita.
“Wow tita, tataba na naman ako nito, thank you tita”,
masaya kong sabi
“Hahahaha, dapat nguyain mo kinakain mo Baby Marshy
para hindi ka mabilaukan, para kang matador eh”, biro ni Frank.
“Hmmmf.. maligo na lang tayo Prankoi at huwag mo
akong iniisin”, inis kong sabi na ikinatuwa ni tita.
Sabay kaming maligo ni Frank noon ng hubot hubad,
palagi ko ngang nakikita ang (censored) niya pero wala talagang malisya sa akin
yun noon, ngayon lang, hahaha. After namin maligo ay nilantakan ko na ang
bangus at ang sarap talaga lalo na yung fats ng bangus. Hindi ko makontrol ang
self ko at naging matador na naman ang style ko sa pagkain na ikinatuwa ni
Frank. Naku, ito talagang si bestfriend, lahat na yata ng imperfections ko ay
nagustuhan na niya na ikinagalak ko na rin. Sa isip ko that time, sana hindi
magbago si bestfriend.
Pagkatapos namin kumain ay dinala kami nina tito at
tita sa park sa Dumaguete, yung ginagawa nilang boulevard na ngayon. Gusto sana
niyang mag one on one kami sa basketball pero hindi talaga ako magaling so
laru-laro na lang kami ng takbuhan at kung anu-ano pa. Pagkatapos noon ay
pumunta kami ng Jollibee, favorite na talaga naming pumunta ng Jolibee since
bata pa kami hanggang ngayon. Ang saya ng stay namin sa Dumaguete at parang
ayaw ko nang umuwi sa amin. Sa tuwwing nakikita ko rin si bestfriend na masaya,
parang gusto kong mag-pause ang earth.
(itutuloy)
8 comments:
I really love this story, tsaka ang cute lang :))) keep up the good work marshy! :D
Ituloy mo lang.. Ang ganda.. hehehe
thanks po.. nakakaiyak naman mga comment niyo
so nice to read ang mga nkakaaliw na story. tnx for sharing.
thank you po ng marami...
kuya, salamat po sa pagsuporta...
thanks Tommy.. :) appreciate it
Cute talaga ng story na to :)
Post a Comment