Lipstick
Written by: Marsh
Author's Note:
Hi zildjian, thank you so much for taking your time in reading my post. This is the continuation of the first part of Lipstick.
Nakalabas na kami nang basketball court at ang bruhang si Abel ay panay ang simangot sa akin at sinabihan pa akong pakipot sa mga boy.
"Bibilhan ka nga ng Avon Lip Stick,
paarte arte ka pa jan" sabi ni abel sa akin.
Tiningnan ko si Abel (nang Maldita look) at alam ni Abel na pag ganun ang
mukha ko, malamang talo siya sa akin kaya tumahimik ang bruha. Pumunta na lang
kami ng wrocklage yard para mag sight seeing nang mga boys habang hinihintay
naming magdilim, ayaw ko kasing umuuwi ng maaga kasi boring sa apartment nun,
walang internet (Bookworm Adventures palaging bestfriend ko sa apartment at
nagiging boring na siya). 30 minutes na kaming nakatambay at wala pa ring
nakapukaw sa aming atensyon nang biglang lumapit si Frank sa kabilang table,
yun yung table nang Block A, mga matatalino. Gosh! Block A pala si Frank at ako
ay L, nakakahiya. Nakatitig ako sa table nila nang napansin ako nang echoserang
classmate niya at silang lahat ay tumingin sa akin. Huling tumingin si Frank na
may napakalokong ngiti, may sinabi siya sa kanyang mga kasama na hindi ko alam
at ang mga kasama niya’y tumingin uli sa amin ni Abel na may excitement. Sinabi
kona lang kay Abel na uuwi na ako at sasama na lang din daw siya kasi nabobore
na rin ang bruha. Paalis na sana kami nang ang echoserang palaka na classmate
ni Frank ay lumapit sa akin at humingi ng number, binigay ko 3 numbers ko sun
smart at globe nang walang emosyo at di pinapansin si Frank at mga classmates
niya.Umalis na kami ni Abel sa wrocklage yard palabas ng campus. Pumunta kami
sa parking lot sa labas ng campus dahil may car si Abel at makikihitch ako
kahit walking distance lang ang apartment namin from school. hahaha.. Pagkauwi
ko, nanuod ako ng 50 first dates sa Dvd, napapaiyak talaga ako ng movie na iyan
so halos everyday ko na itong pinapanuod. Naalala ko bigla ang nawala kong
lipstick. Waaaah.. wala akong extra lipstick and i love the pink flush Nichido,
bibili na lang ako bukas. After 10 minutes nagring ang sun ko, di ko kilala ang
number so di ko sinagot. Nagready na akong matulog at linagay ko phones ko sa
table near my bed. 3am nagising ako (everyday talaga, nagigising ako ng 3am, di
ko alam kung bakit). Chineck ko ang sun phone ko at may 6 missed calls galing
sa di kilalang number. May 10 messages rin, isa lang ang nabasa ko dahil sa
antok " Ang arte mo na, para namang wala tayong pinagsamahan". Dahil
sa antok, nasabi ko na lang na "Ulol" dahil di ko kilala ang sender
at natulog akong muli. 9am at di ko napansin ang alarm clock. Gosh! absent ako
sa Filipino1 7:30-8:30 yung sched ko tapos 8:30-9:30 is Reed10. Naisipan ko
nalang na di pumasok whole day at nagcheck ako ng sun phone ko at mayroon akong
12 missed calls at 20 messages, napamura ako sa rami ng text dahil ayaw ko
talagang magflood messages sa phone ko.
1st message " Bakit absent ka? sabi ni
Abel di ka pumasok, ano bang binabalak mo sa buhay mo?" , nainis ako dahil
parang si mama lang ang nagtext.
2nd
message " Hoooy Baliw, absent ka?? si Frank to".
Gosh! duon ko naalala si echoserang frog na
humingi nang number ko.. abah!! na.touch ako sa text ni bestfriend.
3rd
message "Block L ka?? hehe., alam ko room number niyo, puntahan kita"
.
Gosh!! kinilig ako.. hindi ko na binasa ang
iba pa kasi tinamad ako, mark as read lahat at dinelete ko inbox ko.. sumaya
ako bigla at nagpindot2x ako ng fon ko, after 3 minutes, nagcheck ako ng phone
at ang nakalagay sa screen is in call 2 minutes na.
Gosh! may tawag pala ako, kinakabahan akong sumagot ng Hello. Naiinis naman ang nasa kabilang linya dahil 2 minutes nang hindi ako sumasagot at tinanong ako kung may sakit ba ako,, napanganga ako, natulala na naman ako hanggang sa nakarinig ako nang nakakabinging
"Hoooooooooy Marsha", sinagot ko
siya nang "hindi ako bingi, Stop yelling". Natawa naman siya,
"Si Frank to oi, ang arte mo na ha",
sabi nya.
Naglowbat fon ko at nacancel ang tawag. Nag.isip2
ako na lumabas muna ng apartment at kumain sa Jolibee kasi kinilig ako at baka
gutom lang to kasi di ako nakapagdinner. Naiwan ko pala ang phones ko pero okay
lang, sarap talaga ng burger steak at masaya akong kumakain nang biglang may
umupo sa kabilang table at nagulat ako, si Frank at may kasama siyang gwapong
lalaki. Nakita ako ni Frank at kinawayan ako at sinabihan akong lumipat daw ako
sa table nila. Sumenyas naman ako na okay lang ako dito, (nakakahiya sa gwapong
kasama niya). After a minute, bumulong si Frank sa kasama niya at binuhat nila ang
tray nila at lumapit sa aking table at umupo nang walang pasabi.
"Miss you bestfriend" , yun ang
mga katagang nagpakilig nang husto sa akin.
Sinagot ko siya ng "I miss you
too". Ngumiti na naman siya nang pagkalambing2.
"Ahem" pagpukaw ng kasama nya sa
aming atensyon. Pinakilala nya ako sa kasama niya .
"Ito pala ang bestfriend ko si Marsh yung
kinukwento ko sayo palagi sa Manila." sabi ni Frank.
"Oh i see, so u are Marsh, ure pretty and
why is your hair so long? its not allowed in the school" tanong ni gwapo.
"Actually , I always wear my wig
everytime Im at school and thanks for the conpliment, and you are? "
tanong ko sa kanya.
"Sorry, i wasnt able to introduce myself,
Im Angelo, Frank's boyfriend. " pagkasabi niya na nagpaguho ng kinikilig
na mundo ko
Angelo is 5’8”, ka-height ko lang, moreno,
we’re on the same ageat may cute dimples at ang gwapo niya sobra.
"Wow bestfriend, he's a good catch and
bagay kayo, ang tatalino niyo tingnan, perfect combination. I need to go na
pala bestfriend coz magpapagawa pa ako ng medical certificate for my absence,
see you around and nice meeting you Angelo at nakipagbeso ako sa kanila".
"Lets hang out Marshy nang tayong dalawa
lang, ill text you at nagbye2x xa sa akin. Nagna-bye rin si Angelo sa akin. Ako naman tumalikod coz hindi ako mahilig
bumigkas nang salitang Bye eh.
Umuwi ako nang apartment at kumuha ng freshmilk para narefresh ang feeling ko. Narealize ko, marami pala akong di na alam sa buhay ng hestfriend ko. Naalala ko ang panahon nang hindi niya inaccept ang request ko sa Friendster na nagpalungkot nang husto sa akin. Bigla ko rin naalala kanina ang sinabi ni Frank na ako raw ang palaging kinukwento nya kay Angelo sa Manila. Napangiti ako sa sinabi ni Frank so meaning di niya ako nakalimutan. Nakatulog ako sa kaiisip, ako na yata ang pinakatamad na tao sa lugar lang namin ha. ;). Nagising ako ng 4pm at naalala ko ang phone na chinarge ko.. Ang tanga ko talaga!! buti na lang hindi sumabog, hahay pero malamang sira na ang battery nang sun phone ko, napansin ko
na lang ang 2 missed call at 3 messages.
1st message " Hoooi Marsha, hehe..
miss talaga kita, pumunta ka sa school mamayang 5pm, practice namin, nasali ako
sa varsity. ". text ni Frank.
Masaya ako para kay Frank pero malapit na
ang 5pm, sumakit ang ulo ko so nagdecide akong di pumunta, nandun naman si
Angelo for him so okay lang, tinamad na naman akong magreply, 5:10pm na at may
nagtext
" Nasan ka?? bakit di mo na ako
pinapansin??" . text ni Frank
Waaahh!! I really hate myself, im too lazy
that even my own bestfriend di ko na mabigyan ng time.
Nagreply ako,” just text me if tapos ka na
sa practice, kita na lang tayo sa Jolibee”.
Nagreply
siya after 2 minutes " Yehey! di na snob si Marshy, cge kita tayo after,
love you" . si Frank
Pagkabasa ko ng message niya, parang wala na
naman ako sa sarili at linagyan ng malisya ang "love you" , ang lakas
na siguro ng tama ko kay bestfriend at napatawa na lang ako na parang baliw.
Nauna na ako sa jolibee at nagtext siyang magshower muna siya at pupunta na siya ng Jolibee afterwards. After 5 minutes nagtext siya na tapos na siyang magshower.. natawa ako kasi ang bilis niyang magshower pero di na ako nagreply, di yata ako mahilig magreply nuon. hahaha.. after 15 minutes dumating na siya, ang bilis parang si Flash.
"hello Marshy Doll, miss na talaga
kita" , sabi nya sabay kurot ng pisngi ko.
" Ouch, lalaki nang husto
yan,huhuhu" drama ko pero tumawa ako after.
"Marshy, nawala ba lipstick mo?? heto may
lipstick akong dala para sayo.. Avon lipstick luscious red, sana magustuhan mo
bestfriend" sabay bigay nya sa lipstick.
Napaluha ako kasi siya pa rin ang bestfriend
na nakilala ko, hindi pa rin siya nagbabago.
"oh drama actress ka pa rin marshy,
walang pinagbago, treat na lang kita para di ka na umiyak, babaha siguro ang
jolibee pag iiyak ka" patawang sabi niya sabay puntang counter.
Masaya ang kwentohan namin ni Frank , puro
reminiscing the past lahat ang topic at wala man lang siyang binanggit na bago
about himself. masaya talaga ako sobra dahil nagbalik na ang bestfriend ko pero
sana gaya ng dati pa rin ang aming turingan. Pag.uwi ko sa apartment,
nakatanggap ako ng message galing sa kanya
"Magkita tayo bukas sa Ayala Terraces,
tawagan kita by 10am okay?? good night marshikoi". Natuwa ako kasi iba-iba
ang tawag niya sa akin..
Nnagreply ako nang " cge bestfriend,
thank you.. good night rin Prankoi.. :*"
itutuloy
8 comments:
Hi Marsh, I already read your story, at first natatwa ako ksi on the first part super konyo lang :P, pero while I'm reading your story, natatwa ako ksi ang cute ng kwento mo at kulit nyo mag away ng mag bestfriend, HAHAHA. sana may bestfriend din akong ganyan :P. Your story was very interesting. Aabangan ko ang mga chapters mo :) Good Job :)
testing o.o
potek tlagang blogger to, ayaw mgpost ng coment q >_>
*like* nlang
@Tommy: thank you Tommy.. ;), im really conyo in person.. hehe.. by the way, pasensya na ha, hindi maganda pagkasulat, sana nagworkshop na lang ako for content writing but i promise, i will make it sure
na matatapos ko yung chapters as much as i can,thanks again..
@lawfer, hi and thank you for reading, i appreciate it so much..
naku update lagi ...na excite naman ako.....
Walang problema un marsh :) ang cute nga eh. keep up the good work :)
thanks so much..
ha ha ha cute aman story mo. sana plage may upd8t.
Post a Comment