Tuesday, June 12, 2012

Lipstick Part 01


Lipstick
Written by: Marsh














My name is Marsh , im 20 years old, from the Queen city of the south, Cebu. I’m a femminate gay, im 5'8" and loves to wear dresses. Well, I would like to share a story about my bestfriend and I. My bestfriend is a bisexual. Bestfriend ko siya since we are elementary. Noon pa lang, alam na niya na bakla ako. Nakakatuwa talaga dahil nung nalaman niyang gay ako, na.amuse siya at palagi na siyang dumidikit sa akin. He even told me when I was 10 to dress like a girl gaya ng mga older gays sa amin pero that time, di ko pa kayang mag.crossdress. Years had passed and we've been very close to each other, he's been my protector ( until now). We like to tambay to each other's houses and our parents even thought that we have something more than friends pero we've explained it to them na friends lang talaga kami. One time sa school, a group of bullies were trying to hit my face because they hate gays, ( by the way, lets just call my bestfriend Frank). Frank saw me together with the boys who were trying to spank me. He immediately ran towards our direction and confronted the bullies. The bullies just laughed at him and they punched Frank on the face. I cried after that and they ran away. I was touched with my bestfriend protecting me. His nose was bleeding at may pasa ang upper lip nya, maybe he bit it when he was punched. I really dont know what to do to him so I cried but he told me to stop crying because I’m not the one who have been hit and he laughed at me. Sinabi na lang niyang magagamot raw ang pasa at sasabihin na lang daw niya sa parents niya na natamaan siya ng bola ng basketball. During that incident, I started to fall in love with my bestfriend.





I was very happy everytime magkasama kami ng bestfriend ko hanggang sa highschool, kami pa rin ang magkasangga. I admit, Im not the type of person na magaling pagdating sa school compared to him na matalino, matapang at ang hilig sa basketball. After our classes, di nya ako pinapauwi nang hindi siya kasama, dapat talagang nanduon ako sa practice niya at dapat akong magcheer everyday kung hindi simangot ang sukli niya sa hindi ko pagcheer. One time, nanunuod ako ng practice nila, lumapit yung kasamahan niya sa basketball at nakipagkilala sa aki. I know that pinagkakatuwaan lang ako nang kumag so di ko siya pinansin hangang sa mapikon siya at sinabihan ako nang



" Pakipot ka pang bakla ka, nota lang naman ang habol mo, grasya na lumalapit sayo puta ka". Ang sabi ng lalaki



Di ako matapang na tao so napaiyak ako sa sinabi niya, nagulat na lang ako nang natumba ang kumag, grabe ang bestfriend ko parang demonyo ang mukha at binugbog ang lalaki, kung hindi pa siya inawat ng temates niya ay baka patay na ang kumag na yon. Imbes na magpasalamat ay inaway ko si Frank. Nagalit siya at sinabihan niya akong dapat akong magpasalamat sa kanya. Di ko nagustuhan ang pagiging violent nya kaya kahit natuwa ako sa kanyang pagtatanggol ay inaway ko siya nang husto. Sabay pa rin kaming umuwi nang araw na iyon pero di kami nagpansinan.



Kinabukasan, hindi ko nakita si Frank sa klase, sabi ng teacher namin, nasa guidance office daw si Frank dahil nagreklamo ang parents ng binugbog nya. Nagiguilty ako kasi ako ang dahilan nang lahat. Recess na at nakita ko si Frank na nakaupo sa may canteen, palapit na sana ako sa kanyang direksyon nang bigla siyang umalis patakbo. Nalungkot ako bigla, "baka galit siya" sabi ko sa isip ko. Nagdaan ang mga araw ay hindi pa rin ako pinapansin ni Frank at nahihiya rin akong igreet siya. Nagpatuloy ang di pagpansinan namin hanggan magtapos ang 2nd year highschool. Bakasyon na at pupuntahan ko sana siya sa kanila pero ang lola niya ang naabutan ko at sinabing lumipat na sila sa Manila at dun magtatapos ng highschool. Hindi man lang siya nagpasabi na aalis siya at kasalanan ko rin naman dahil hindi ko siya pinapansin pero sana man lang nakipag-usap siya pero hindi niya ginawa. I admit may kasalan rin ako. Nalungkot ako at umiyak dahil hindi ako nakapagsorry sa kanya at pahiya-hiya pa akong pansinin siya. Grabe ang separation anxiety ko nuon, halos di ako makakain dahil wala na ang bestfriend ko, wala man lang kaming communication. Nagdaan ang ilang taon ko sa highschool at nakatagpo ako ng mga new set of friends pero naaalala ko pa rin si Frank dahil iba ang samahan namin compared to my new friends. Minsan ay nagfriendster ako at sinubukang hanapin siya. Inadd ko siya as a frienday pero hindi niya ako inaccept. Nalungkot na naman ako kasi gusto ko talagang malaman that time kung ano na ang nangyari sa kanya at para makahingi rin ako ng tawad pero para yatang hindi na niya ako gustong makita so tinanggap ko na lang na hindi ko na siya makakausap pang muli.



College nang pinili kong kunin ang BS Accountancy sa isang sikat na catholic school sa cebu. Masaya ako dahil college na ako kahit di ko gusto ang kurso ko malamang makakakilala na naman ako ng new set of friends. Blocked section kami nun at ako ay napunta sa Block L, ang layo.. haha.. AC501 yung subject namin nun at dahil boring ang klase nagexcuse ako at ok rin naman c Ms. Lapuz, 15 minutes na akong nasa canteen at nakatanga lang kesa naman makinig sa lecture nya. after ilang minutong lumipas, napansin ko na lang na may lalaking umupo sa table ko paharap sa akin at nakangisi. He looks familiar, gosh! si bestfriend Frank pala ang kaharap ko, ang gwapo na niya sobra at ang ganda nang katawan. Mas mataas ako sa kanya, he is 5’6”, athletic ang body, maputi at tsinito, all in one package na yata siya dahil matalino pa siya. Nakatulala ako habang nakatingin sa kanya nang magtry siyang hubarin ang wig kong suot na pantago sa long hair ko. Hahawakan ko sana kamay niya pero nag.iba ito ng direksyon at kinurot face ko. Gosh!! Im chubby kasi that time.



"Naku, tumaba si bestfriend, ang cute cute" sabi ni Frank.



 Nahiya naman ako at natulala na naman at mayroon siyang sinasabi that time na di ko maintindihan. Napatingin ako sa relo ko at 10 minutes na lang at matatapos na ang klase namin, nasa loob pa ng room namin sa Ac501 ang bag ko. Nagpaalam ako na pupunta na sa klase at dalidaling tumakbo, nilingon ko siya saglit bago umalis nang canteen at napansin ko ang kalungkutan sa mukha niya. Gosh! napakatanga ko talaga, sana dinala ko na lang bag ko para di na ako bumalik sa room pero sadya talaga akong umalis that time coz naiilang ako sa kagwapohan ng bestfriend ko. Naku, hindi man lang ako nakahingi ng number, malaki
ang campus namin so mahihirapan akong hanapin siya. hahay..
Nakagawian ko nang pumunta nang basketball court kasama ang aking new found friend na si Abel, isa ring femminate gay na palaging nakikipag.away sa guard dahil sa long hair niya, ayaw kasi niyang mag.wig dahil daw sa Human rights churba. One time, pumunta kami sa court, nakaupo kami sa may pinakaharap para makita namin ang mga boys nang malapitan. Try out pala for the new members nung araw na iyon at masaya si Abel dahil magtatry out daw ang crush niya. Na.shock ako nang tumili si Abel dahil pasok ang crush niya sa try out. Pagtingin ko sa crush niya, nagulat ako. Si Frank pala ang tinutukoy niyang crush niya. Napatitig ako kay Frank at nahuli niya ako at nginitian niya ako. Namula naman ako at umiwas nang tingin. Nahuli ni Abel ang pag.ngiti ni Frank sa akin at inismiran ako nang bruha at sinabihanpa akong mang.aagaw (bruha talaga). Nakagawian na naming magretouch sa harap ng boys. Nagretouch kami ni Abel nang nahulog ang lipstick ko Nichido Pink Flush, pumasok sa may butas at napasigaw ako ng



"Oh no! my lipstick", sigaw ko .



 Naagaw ko ang atensiyon ng mga boys at tumawa sila at sinabihan akong bibilhan daw nila ako nang Avon lipstick. Napahiya ako at kinaladkad ko si Abel palabas ng court pero bago ako makalabas, nilingon ko si Frank at nginitian nita ako nang may pagkalambing-lambing.



(itutuloy)

4 comments:

Anonymous said...

I luv it !!!! Bonggang bongga sya, may future rin ang author nito.... Suggest ko lang po i 1.5 spacing nyu po kasi nakakahilo basahin.. may talent rin po kayo .. hihintayin ko po next chapter.. at more power to you.. -tony

mncantila said...

hi Tony, i appreciate it, yes, nakakalito nga iyong formatting at ang pagkasulat ng story, i admit, im not really good in writing,nafufrustate nga ako dahil may idea na ako in mind at hindi ko masulat-sulat but i will still do my best to improve this kind of skill.. hehe.. by the way, this is a true story , some of the scenes are modified.. thanks again tony

Marshy :*

--Keantoot said...

Hey!. Newbie here. Hehe. Nice start. :D Pwede magsuggest, pdy palitan yung font color, mahirap po kasing basahin. :D Thanks :D Kung pdy lang po. Peace, pasensya po kung demanding. :P

Anonymous said...

sir, mejo masakit sa mata ung color page mo... halos di na mabasa ung paragraphs... pde po b papalit ng color ng letters o color page..? thanks!

Post a Comment