Story cover created by: Winwintowtz
Written by: Zildjian
email: zildianace@gmail.com
URL: ZildjianStories
Author's Note:Tulad ng pangako ko sa inyo, heto na po ang Finale ng aking akdang Complicated Cupid. Maraming kabaliwan, kaabnormalan ang ipinakita sa atin ng kwentong ito. But despite sa mga kalokohan na meron dito sigurado naman akong kahit papapano may naibigay akong aral para sa mga mambabasa ko.
Maraming salamat sa inyong lahat sa halos isang buwang
pagsubaybay sa kwentong ito. Oo, ito nga ang unang pagkakataon na gumawa ako ng
ganito ka ikling kwento pero natutuwa naman ako na kahit papapano nagawa ko
kayong pasayahin, pakiligin at higit sa lahat ang umasang, may LIWANAG ANG
BUHAY. LMAO Biro lang. Ang drama ko na kasi.
Ang susunod na Kwento ko ay ang kwento ni Nhad at Andy. Yep,
Andy ang pinili kong pangalan para sa bartender na isa ring sakit ng ulo. Bakit
Andy? Dahil sa taga comment ko na si Andy.
LOL! Siya rin ang nag-request sa akin noon na gawan ko ng kwento si Renzell
Dave na ikinatutuwa ko naman dahil marami ang nagkagusto sa kwentong iyon.
Hanggang dito na lamang mga paps! Huwag niyo sanang
kalilimutang mag-comment para naman sumaya ako ng todo. Hehehe Ingat tayo lagi
at kita-kits tayo sa susunod na pagbubukas ng series na ito! Babay!
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
“Hindi
ka ba mag-aalmusal anak? Nagluto ako ng paborito mong agahan.” Ang bungad sa
kanya ng kanyang ina nang pagbuksan niya ito ng pintuan.
“Hindi pa po ako nagugutom. Bababa na lang ako mamaya.”
Walang gana naman niyang tugon rito.
Mataman siya nitong pinagmasdan, bakas ang pag-aalala sa mga
mata ng kanyang ina para sa kanya.
“I’m fine ma, huwag
kayong masyadong mag-alala sa akin.” Kahit siya ay hindi kumbinsido sa kanyang
sinabi. How can he be okey after what happened?
“I know you’re not fine anak, I’m your mom, alam ko kung
kailan ka okey at kung kailan hindi. Care to tell me what happened?” Bakas ang
pag-aalala nito para sa kanya.
“I’m okey ma. Bababa rin ako mamaya.” Ang tila tinatamad niyang tugon.
Sa pangalawang pagkakataon sa buhay niya ay muli siyang
nakaramdam ng matinding lungkot at disappointment. Pero ngayon, mas matindi pa sa una ang nararamdaman niya, kasi
umasa siya. Umasa siyang magiging okey na ang lahat sa kanila ng taong pinili
ng puso niyang ibigin.
Ilang araw na ang nagdaan simula ng umalis si Lantis na
hindi man lang nagpapaalam sa kanya. Sa ilang araw na iyon ay wala siyang ibang
ginawa kung hindi ang hanapin ito. Bumalik pa siya sa probinsiya ng yaya nito nagbabakasakaling
naroon ulit ito ngunit nabigo lamang siya.
Maski sa bahay nito na nasa tapat lamang nila ay hindi niya
pinalampas, nagbabakasakaling baka umuwi ito roon. But again, nabigo lamang
ulit siya. Ayon sa katulong na nakausap niya, ilang buwan na raw na hindi
umuuwi si Lantis doon at ang mga magulang naman nito ay lumuwas ng Manila.
Hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng matinding
pagtatampo para rito. Oo, nagtatampo siya kay Lantis ngunit hindi lamang iyon
simpleng pagtatampo sapagkat pakiramdam niya ay pinaasa lamang siya nito.
“Nicollo ––.”
“I said I’m fine right? Please, huwag niyo na lang muna
akong isturbohin. Bababa ako kapag nagutom ako.”
Nakita niya kung papaano gumuhit ang sakit sa mata nito
dahilan para makadama siya ng konsensiya. Hindi tamang idamay niya ang kanyang
mga magulang sa pagkabigong nararamdaman.
“I’m sorry.” Mahina niyang tugon dala ng magkahalong hiya at
pagsisisi. His mom only wanted to help him, to comfort him sa kung anumang
dinadala niya ngayon pero hayon at pati ito ay pinagsungitan pa niya.
“Ano’ng nangyayari sa ’yo anak? Bakit biglaan ulit ang
pagbalik mo sa dati? Bakit, inilalayo mo na naman ang sarili mo sa amin?” Ang
sunod-sunod nitong tanong.
Lalo lamang siyang nakadama ng matinging kirot sa kanyang
puso sa nakitang sakit sa mga mata ng kanyang ina. Hindi niya sinasadyang
saktan ito. Siya man, hindi niya gusto ang nararamdaman niya sa mga oras na
iyon sapagkat muli na naman siyang kinakain ng kanyang damdamin.
“Hayaan niyo na lang po muna ako. Maayos ko rin ulit ito.”
Tugon niya at agad itong pinagsarhan ng pinto sapagkat ayaw na niyang makita pa
itong nasasaktan.
Sa loob ng kanyang silid hindi niya mapigilan ang
magpakawala ng isang malakas na mura dala ng matinding paghihinagpis kasabay ng
pagpakawala ng kanyang mga luha.
“Bakit ka umalis ng walang paalam? Tingnan mo ang nangyayari
sa akin ngayon. Ito ba ang gusto mo? Ito ba ang parusa mo sa akin sa mga nagawa
kong pagkakamali noon sa ’yo?” Ang hindi niya maiwasang maisatinig.
Nagising si Nicollo nang marinig niya ang pag-iingay ng
pusang isa sa mga dahilan ng pagkatuklas niya sa kanyang tunay na damdamin sa
dati niyang kaaway.
Sa sobrang pagmumukmok ay hindi na niya napansin na
nakatulog na pala ulit siya. Ilang araw na ba siyang hindi nakakatulog ng tama?
Ilang araw na ba na halos wala siyang ibang ginawa kung hindi hanapin ang taong
iniwan siya ng walang paalam? At ilang araw na ba niyang napabayaan ang kanyang
negosyo?
Inabot niya ang kanyang alarm clock na nasa side table
malapit sa kanyang higaan. Pasado alas-dose na pala ng tanghali.Nagpasya siyang
bumangon kahit mabigat ang kanyang katawan. Pinulot niya ang pusang walang
patid pa rin sa pag-iingay.
“Nagugutom ka na siguro, noh?” Pagkakausap niya rito.
“Pasensiya ka na pati ikaw na walang kasalanan ay nadamay pa.”
Muli na naman niyang naramdaman ang kakaibang kirot sa
kanyang puso when memories of him and Lantis flooded in his mind habang
nakatingin sa pusang laging sanhi ng kanilang pagbabangayan noon.
“Kung alam ko lang Karupin na ang kapalit pala ng pagbabalik
niya sa ’yo sa akin ay ang pagkawala niya, sana pala hindi na lang kita
tinanggap. Baka sakaling hindi siya umalis kung iyon ang ginawa ko.”
Oo, ngayon naiintindihan na niya kung ano ang ibig sabihin
ng mga pinakitang kabaitan sa kanya ni Lantis no’ng huli silang magkita. Iyon
ang paraan nito para magpaalam sa kanya na lalo lamang nagpapasama ng kanyang
loob.
“That monster.” Wala sa sariling wika niya. “Ni hindi man lang
niya ako binigyan ng pagkakataong pigilan siya. Napaka-unfair niyang gumanti.”
Nagpasya na siyang bumaba para pakainin ang nagugutom na
pusa. Hindi niya ito p’wedeng pabayaan dahil ang pusang ito ang nagpapaalala sa
kanya sa taong halos mabaliw siya sa sobrang pangungulila.
“Nico, p’wede ba tayong mag-usap, anak?” Biglang wika ng
kanyang ama na kapapasok lang sa kusina. “As your father?”
Hindi na siya nakaiwas
pa nang lumapit ito sa kanya.
“Nasabi na sa akin ng mama mo ang tungkol sa inyo ni Lantis
at tanggap ko iyon. Wala sa akin kung sino ang pinili mong mamahalin, ang
importante masaya ka. Dahil tulad ng mama mo, hangad ko lamang na makitang
nakangiti ang anak ko.”
Kung tutuusin ay dapat makadama siyang tuwa sa narinig mula
rito pero sa halip, nag-iwas siya ng tingin sapagkat nakaramdam siya ng hiya sa
ipinakita niyang muling pangbabalewala sa mga ito sa mga nagdaang araw. His
parents truly love him. They already proved that to him ngunit dala ng kanyang
nararamdaman sa biglaang pagkawala ni Lantis ay hindi niya sinasadyang masaktan
ang mga ito.
“Alam kong may kinalaman si Lantis sa nangyayari sa ’yo
ngayon. But son, narito na kami. Hindi ka na nag-iisa tulad noon. We’re your
parents Nicollo, hindi man namin naipadama sa ’yo ang pagiging magulang namin
noon, handa naman kaming bumawi ngayon. Huwag mo sana kaming itaboy ulit anak.”
Dama niya ang pagmamahal ng isang magulang sa bawat salitang
binitawan nito. At tama ito, hindi niya dapat sinasarili ang problema niya
dahil hindi na tulad noon ang buhay niya. Hindi na siya ang Nicollo na
nag-iisa. He now have his parents who are willing to comfort him tuwing masama
ang loob niya sa isang bagay.
“Hindi ko na talaga
alam kung ano ang gagawin ko Pa.” He said helplessly. “I thought we’re fine. I
thought nagkakaintindihan na kami. Pero iniwan niya ako bigla.”
Yes, he knew he had to share his burden. Kailangan niyang
may mapagkuwentuhan para kahit papaano mailabas niya ang hinanakit na meron sa
kanyang puso.
“Ikuwento mo sa akin ang lahat anak, baka sakaling
makatulong ako.” Puno ng pang-uunawa namang turan ng kanyang ama.
Ikinuwento niya nga rito ang lahat ng nangyari sa kanila ni
Lantis. Mula sa pagbabangayan nila hanggang sa matuklasan niya ang damdamin
niya para rito. Wala siyang itinira, wala siyang itinago dahil gusto niyang
mailabas lahat. Gusto niyang mabawasan ang bigat na nararamdaman niya at ang
kanyang ama ang naging outlet niya.
“He loves you.” Kapagkuwan ay wika nito nang matapos niyang
maisalaysay ang lahat.
“Then why did he leave me hanging like this?” Punong-puno ng
pait niyang naitanong.
“He left for some reason anak, and I’m sure that he will be
back. Di ba siya pa ang nagsabi sa ’yong babalik siya para kunin sa ’yo si
Karupin? You just have to wait for him, para masagot niya lahat ng katanungan
mo ngayon.”
“Hanggang kailan ako maghihintay Pa? Ang hindi niya maiwasang maitanong sa sobrang pangungulila.
“Hanggang balikan ka niya.” Nakangiti nitong tugon.
Malaki ang naitulong sa kanya sa nangyaring pagsisiwalat
niya ng kanyang tunay na nararamdaman sa kanyang ama. Kahit papaano ay
nabawasan ang kanyang nararamdaman sa biglaang pagkawala ni Lantis.
He decided to continue his life while waiting for Lantis to
return. Naisip niya, kung ito nga ay nagawang maghintay ng ilang taon para mapansin
niya, siya pa kaya? Lalo pa’t sa mga ilang araw na pagkawala nito doon niya
nasiguro sa kanyang sarili that he’s really madly in love with the person who
he once used to hate.
“Welcome back.” Ang
bati sa kanya ng isa sa mga kaibigan niya, si Alex at s’yempre nakabuntot na
naman dito ang dakila nitong kasintahan.
“Yeah, pasensiya ka na kung napabayaan ko pansamantala itong
negosyo natin.” Hinging paumanhin naman niyang tugon rito.
“Wala iyon, naiintindihan ko naman ang pinagdaanan mo. So,
kamusta? Nagsawa ka na bang halughugin ang buong mundo kakahanap kay Lantis?”
“Ang hirap maghanap ng nawawala, noh? Ganyan din ang sinapit ko noon dito kay Maldita.” Nakangisi naman wika ni Dave.
“Kasalanan mo iyon kung bakit ka nahirapan kaya huwag kang rerekla-reklamo diyan.”
“Sabi ko nga, kasalanan ko.”
Natawa na lamang siya sa kulitan ng dalawa. Pinagpapasalamat
niya ang pag-intinding ipinakita sa kanya ng kanyang mga kaibigan ng pansamantala
siyang mapariwara. He was very lucky indeed to have them as his friends.
“Hindi mo ba hahanapin ngayon si Lantis?” Pagbabalik ni Alex
sa usapan.
Nginitian niya ito.
“I’ve decided to just wait for him. If he needs some space,
then I’m willing to give that space to him. Dito lang ako, hihintayin ko siya.”
Seryoso niyang sabi.
Kita niya ang pagpapalitan ng makahulugang tingin ng
magkasintahan bago muling bumaling sa kanya si Alex.
“You really did change a lot Nicollo.” Ang napapatango
nitong wika habang nakaguhit ang ngiti sa mukha nito.
“Yeah, because I have to. Para sa mga taong nagmamahal at
nagmamalasakit sa akin.”
“Kasama ba kami diyan?” Ang biglang singit naman ng
kapapasok lang na si Jay kasama si Maki. “Mahal ka rin kaya namin.”
“Sang-ayon ako riyan.” Dagdag naman ni Maki. “Teka, ano pala
ang topic?”
Natawa na lang siya. Hindi na talaga yata magbabago ang
pagiging abnormal ng mga kaibigan niyang ito at iyon ang isa sa mga rason kung
bakit pinili niyang mapabilang sa mga ito. Because when he’s with them,
nababawasan kahit papaano ang mga dinadala niya sa buhay at ang matinding
pangungulila niya kay Lantis.
Bandang alas-singko ng hapon nang isa-isang magpaalam ang
kanyang mga kaibigan dahil may importante pa raw na gagawin ang mga ito. Siya
at ang kanyang mga tauhan ang naiwan sa coffee shop. Pasado alas-syete-y-media nang
makatanggap siya ng tawag mula sa kanyang ina at sinabing hihintayin siya ng
mga ito para sabay-sabay silang maghapunan.
Habang binabagtas ang daan ay may kung ano siyang kakaibang
naramdaman. Excitement? Hindi siya sigurado pero kakaiba ang bilis ng tibok ng
kanyang puso. Ilang minuto pa ang nakalipas nang dumating siya sa harapan ng
bahay nila at hindi nakatakas sa kanya ang mga sasakyan ng kanyang mga kaibigan
na nakapark sa labas ng bahay nila.
Bakit sila narito? Ang
hindi niya maiwasang maitanong sa kanyang sarili dala ng pagtataka.
Rinig niya ang malalakas na tawanan ng kanyang mga kaibigan mula
sa loob ng kanilang bahay nang makababa siya ng kanyang sasakyan. Napakaiskandaloso
talaga ng mga ito. Ang ipinagtataka pa niya ay wala naman siyang maalalang
okasyon sa araw na iyon.
Para masagot ang mga katanungan niya ay minabuti na lamang
niyang pumasok at napakunot na lang ang kanyang noo nang makita ang mga
kaibigan niya na masayang nagkukuwentuhan sa kanilang sala.
“What the hell are you all doing here? Akala ko ba may mga
importante kayong lakad?” Bungad niya sa mga ito.
“Mabuti naman at dumating ka na.” Nakangising wika ni Maki.
“Akala namin malilipasan na lang kami ng gutom ‘di ka pa darating.”
Napataas ang kanyang kilay. Bakit parang pakiramdam niya ay
napagkaisahan na naman siya?
“Narito ka na pala.” Ang pagsabat ng kanyang ina. “Mabuti
naman at parating na rin ang iba pa nating bisita.”
“Bisita?” Hindi niya maiwasang maitanong dala ng pagtataka. “Anong
okasyon?”
Nakita niyang napabungisngis ang kanyang magagaling na
kaibigan kaya binalingan niya ang mga ito.
“At kayo, bakit hindi niyo sinabi sa akin kanina, na dito
pala ang IMPORTANTENG lakad ninyo? Iniwan pa ninyo akong mag-isa roon sa shop.”
Pagbibigay diin niya sa salitang importante.
“Hindi ba namin sinabi?” Maang-mangan namang wika ni Dave
saka binalingan ang iba pa niyang kaibigan. “Hindi ba natin nasabi sa kanya?”
“Hindi.” Ang nagkakaisang tugon naman ng mga ito.
“Naku, pasensiya ka na. Mukhang sobra ‘ata kaming na-excite
kaya hindi na namin naalalang sabihin sa ’yo na dito kami papunta.”
Ngingisi-ngising wika ni Dave.
Napapalatak siya sa tinuran nito na maski ang kanyang ina ay
hindi napigilang matawa. Walang kupas talaga itong mga kaibigan niya pagdating
sa kalokohan at nasisiguro niyang sinadya ng mga itong hindi siya sabihan.
Biglang may kumatok sa kanilang pintuan at dahil hindi pa siya gaanong nakakalayo rito ay siya na ang nagbukas.
Hindi niya alam kung ano ang kanyang magiging reaksyon nang
mapagbuksan niya ang mga magulang ni Lantis at ang dati nitong yaya kasama si
Popoy. Ngunit ang talagang kumuha ng pansin at naging dahilan ng pagrigudon ng
kanyang puso ay ang taong nasa likod ng mga ito na nakangiti sa kanya.
“Kamusta bastard?” Ang wika nito sa kanya. “At kamusta si
Karupin ko?”
“L-Lantis!” Halos nauutal niyang sabi.
“Mabuti naman at dumating na kayo.” Wika ng kanyang ina mula
sa kanyang likuran na sa sobrang pagkagulat niya ay hindi niya napansin na
nakalapit na pala sa kanya. “Nakahanda na ang hapag, tuloy kayo.”
Hindi pa rin siya natinag sa pagkakatayo sa harap ng pintuan
dala ng sobrang pagkabigla na ang taong ilang araw niyang pinaghirapang hanapin
ay ngayon nasa harapan na niya.
“Nico, anak, hindi mo ba sila padadaanin?” Ang wika ng
kanyang ina. Doon lamang siya biglang natauhan.
“P-Pasensiya na po. P-Pasok ho kayo.” At dali-dali siyang
nagpasingtabi.
Sa unang pagkakataon ay napuno ang upuan ng mahaba nilang
mesa dahil sa isang sorpresa na hindi niya alam kung sino ang may pakana.
Hanggang sa hapag ay hindi pa rin niya maiwasan ang maguluhan sa mga nangyayari.
Mataman lamang niyang sinusundan ang bawat galaw ni Lantis.
Mula kanina sa pagpasok nito sa loob ng kanilang bahay hanggang sa makaupo ito
sa hapag-kainan.
“Mabuti na lang at naihanda ko ang mga pagkain sa oras.
Salamat sa inyo mga, iho.” Ang nakangiting wika ng kanyang ina na ang tinutukoy
ay ang kanyang mga kaibigan.
“Wala ho iyon Tita.” Ang magkakasabay namang wika ng mga ito.
Napakunot-noo siya dala ng pagtataka. Hindi niya
maintindihan o mas tamang sabihin na hindi niya masakyan ang mga nangyayari.
“Gusto kong magpasalamat sa inyo.” Ang biglang sabat naman
ng papa ni Lantis. “Lalo na sa ’yo Nicollo. Kami ng asawa ko ay lubos na
nagpapasalamat sa iyo.”
“H-Hindi ko po kayo maintindihan.” Ang pagsasabi niya ng
totoo dahil talaga namang naguguluhan siya sa mga nangyayari.
“Ako na ho ang bahalang magpaliwanag sa kanya.” Ang
nakangiting sabat naman ni Lantis saka ito tumayo at lumapit sa kinauupuan
niya. “Mauna na ho muna kayong kumain at mag-uusap lang kami ni Nico.”
Sa duyang gawa sa kahoy sa labas
ng bahay nila siya dinala ni Lantis.
“What is happening?” Hindi niya
maiwasang maitanong rito. “Ano ang ibig sabihin ng papa mo? Saan ka galing?
Bakit mo ako biglang iniwan na hindi ka nagpapaalam? At bakit pati sina Aling
Melissa at Popoy narito?”
“Ang dami namang tanong.”
Nakangiti nitong sabi na ikinataas ng kanyang kilay.
“Isa-isahin natin para klaro.
Maupo ka rito sa tabi ko.” At hinila siya nito paupo sa duyan.
“Galing ako ng Manila, pinuntahan
ko ang totoo kong ama doon kasama sina Mommy at Daddy. Nang matanggap ko sa
sarili ko ang mga pagbabagong nangyari sa’yo, inisip ko na siguro ako rin dapat
ko na ring simulang ayusin ang buhay ko. Kaya tinawagan ko si mama no’ng
mismong gabing maihatid mo ako matapos nating magdinner.”
“Bakit hindi ka nagpaalam sa
akin?” Ang nagtatampo niyang wika.
Nabigla siya ng i-gap nito ang
kanyang kamay.
“Dahil alam kong magpupumilit kang
sumama. Kilala kita, eh. Kailangan kong ayusin ang mga problemang ako mismo ang
gumawa noon ng mag-isa dahil sabi ko sa sarili ko, kapag hindi ko iyon nagawa,
hindi ako karapat-dapat na mahalin mo.”
Nagtatanong na tingin ang ibinigay
niya rito sa mga narinig.
“Yep, mahal ko pa rin ang taong
akala kong kinamumuhian ko na nang husto. No’ng una, akala ko nakalimutan ko na
ang damdamin ko sa ’yo. Ikaw ba naman ang maghintay na mapansin ng taong gusto
mo simula 1st year high school pa lang kung hindi ka mapagod.”
Nakangiti nitong dagdag.
“Simula 1st year high
school?” Ang hindi niya maiwasang maitanong dahil mas matagal pa pala iyon kesa
sa inaakala niya.
“Yeah, since first year crush na
kita pero mailap ka, eh. At sinimangutan mo pa ako ng unang araw pa lang natin
sa school.”
Naalala niya iyon. That was the
time nang muli silang mag-krus ng landas. Ang batang tinanggihan siyang maging
kaibigan at mas pinili pang pakainin ang aso niya kesa sa kanya.
“Kung crush mo ako since high
school years natin, bakit mo ako laging inaaway?”
Sinimangutan siya nito.
“Dahil iyon lang ang paraan para
pansinin mo ako. Kung hindi kita sinusugod at inaaway, may mangyayari bang
usapan sa atin? ‘Di ba wala?”
Napangiti siya sa isiniwalat nito.
Kung gano’n kaya pala siya nito inaaway noon at inaakusahan ng kung anu-ano ay
para makuha nito ang pansin niya at hindi niya maikakailang nakaramdam siya ng
kiliti sa mga narinig.
“Kung gano’n pati ang
pakikipag-agawan mo sa akin kay Karupin ay paraan mo rin para makuha ang pansin
ko?” Nakangiti niyang tanong.
“Oo, at dahil nagseselos ako sa
kanya. Dahil mabuti pa siya pinapakitaan mo ng maganda samantalang kapag ako
ang kaharap mo ni batiin ako ay hindi mo magawa.”
Unti-unti na niyang naiintindihan
ngayon ang lahat.
“So, kaya mo dinala rito ang Daddy at Mommy mo kasama sina Aling Melissa at Popoy para ipakita sa akin na handa ka nang tanggapin ang pagmamahal ko?” Nakangiti niyang tugon.
“’Wag kang praning Nico, kaya ko
sila dinala rito kasi gusto nilang pasalamatan ka.”
“Eh, bakit parang gano’n ang
dating sa akin ngayon ng lahat?” Ngingisi-ngisi niyang sabi lalo pa’t nakikita
niya ang pamumula ng pisngi nito. Kahit kailan talaga ang hirap nitong
paaminin.
“Pakiramdam mo lang iyon!” Ang
nagsusungit na naman nitong tugon, saka binitiwan ang kanyang kamay na hawak
nito.
Hinawakan niya ang magkabilang
pisngi nito at nang magtama ang kanilang mga mata ay kinantilan niya ito ng
halik sa labi.
“Minsan, hindi ko na alam ang gagawin
ko sa ‘yo. Masyado kang masungit, palagi kang aburido. Pero gayon pa man ikaw
pa rin ang hinahanap-hanap ng puso ko.”
“Did you just kiss me?” Ang tila
wala sa sarili nitong wika.
“Yep. Bakit, gusto mo pa?” Nakangisi niyang tanong.
“First kiss ko ‘yon.”
“Ako rin. Ang sarap pala, noh?”
“Di ko alam, ang bilis eh.”
Nakangisi nitong tugon.
“Kung gano’n patagalin natin.”
Tugon naman niya at saka muli niyang inangkin ang mga labi nito.
Sa bawat galaw at pagtugon nito sa
mga halik niya ay dama niya ang tunay nitong nararamdaman para sa kanya. His
father was right, mahal siya nito at napatunayan na nito iyon sa ginawa nitong
pagsasaayos sa buhay nito para lamang maging karapat-dapat ito sa kanya.
Hindi niya pinagsisihan ang ilang
araw na nagulo ang mundo niya at lalong hindi niya pinagsisihan ang mahalin ito
sapagkat sa mga oras na iyon dama niya sa kanyang sarili ang kasiyahan na
tanging ito lamang ang may kakayahang magbigay sa kanya.
“I love you.” Ang wika niya nang
maghiwalay ang kanilang mga labi. “Kahit ikaw pa ang pinakamasungit at pinakaaburidong
tao sa mundo hindi pa rin magbabago iyon.”
“I love you too. Kahit ilang araw,
buwan at taon mo pa akong pinaghintay hindi magbabago iyon dahil ikaw lang ang
kaisa-isang taong nagbigay sa akin ng bulaklak na tirik na tirik pa ang araw.”
At sabay silang nagkatawanan.
Sa gabing tuluyan ng nagkasundo ang kanilang mga puso ay
magkahawak-kamay silang humarap sa mga taong malaki ang naitulong sa kanilang
dalawa. Lahat ng mga ito ay masayang tinanggap ang kanilang bagong relasyon
kasama na roon ang kanilang mga kaibigan na siya palang naging kasabwat ng
kanyang magaling na kasintahan.
Magkasama rin nilang kinausap si Popoy upang pareho nilang
pasalamatan ito sa malaking tulong na ibinigay nito sa kanilang dalawa. Nalaman
din niya na isang dahilan kung bakit ito naroon ay dahil sa naghahanap ito ng
trabaho, na kanya naman agad inalok ng walang pag-aalinlangan.
“Hmmm. Ano ‘yang niluluto mo?” Ang
wika niya habang nakayakap mula sa likuran ng kanyang kasintahan.
Kinabukasan, pagkatapos nilang
magkaintindihan ay agad niyang ipinagpaalam ito sa mga magulang nito para
dalhin sa kanilang beach resort upang mabigyan sila ng panahong dalawa na
makapagsolo. Hindi naman tumutol ang mga ito, sa halip ang mama pa nito ang
naghanda ng mga babaunin nila sa ilang araw na pananatili roon.
“Beef steak, sabi ni Tita ito daw
ang paborito mong ulam, eh.”
Lalo lamang niyang hinigpitan ang
pagkakayakap dito. Walang pagsidlan ang kanyang saya na ngayon, malaya na
nilang naipapakita sa isa’t isa ang mga damdaming dati nilang ikinukubli.
“Pagkatapos nating mananghalian
pasok tayo sa kuwarto, may ipapakita ako sa ’yo.” Ang naglalambing niyang wika
habang binibigyan ito ng mga halik sa batok.
Humarap ito sa kanya na nakataas
ang kilay.
“May binabalak ka bang karumaldumal
Nico?”
“Wala, ah!” He said defensively.
“Unang araw pa lang natin dito
Nicollo, umayos ka.” Nagbabanta nitong sabi.
“Wala naman talaga akong masamang
iniisip, ah. Baka ikaw ang meron.” Ngingiti-ngiti niyang sabi.
Lalo lamang tumaas ang kilay nito
dahilan para muli niyang angkinin ang labi nito na mukhang nakaadikan na yata
niya dala ng sensasyong hatid ng mga labi nito sa labi niya at sa kanyang buong
sistema.
“Huwag mo akong aawayin, first day
natin bilang magkasintahan ngayon.” Nakangiti niyang wika nang maghiwalay ang
kanilang mga labi.
Natawa na lamang ito at ito naman ang kumabig sa kanyang
batok para bigyan siya ng halik na hindi naman niya napigilang tugunin. Una ay
banayad at puno ng pagmamahal ang mga halik nito sa kanya. Ramdam ng mga labi
niya ang malambot na labi nito.
Their kisses go deeper and deeper. Habang tumatagal ang
pagkakahinang nga mga labi nila ay lalo namang umiinit ang pakiramdam niya
hanggang sa unti-unting magkabuhay ang bagay na nasa pagitan ng kanyang mga
hita.
Unang humiwalay si Lantis.
“Ano iyan?” Takang-tanong nito na ang tinutukoy ang nakatayo
na niyang kaselanan sa loob ng kanyang suot na board short.
“Ikaw kasi ,eh.” Paninisi niya naman dito.
“Oh, bakit ako ang sinisisi mo at bakit parang ang laki
naman ‘ata niyan?”
“Ang sarap mo kasing humalik.” Pag-amin niya. “Pero hindi
malaki iyan.”
“Malaki kaya.”
“Hindi nga sabi, eh.”
Napaigtad siya nang dumapo ang kamay nito doon.
“A-Anong ginagawa mo?”
“Sinusukat ko. Wag kang gumalaw!”
“Wag mo nang sukatin ‘yan maliit lang ‘yan.”
“Anong maliit? Eh ang laki nga nito tingnan mo, ‘di ko nga
mahawakan ng mabuti.”
“Eh paano mo mahahawakan ng mabuti yan, eh nasa loob siya ng
short ko.”
Napasinghap siya at hindi napigilan makaramdam ng kiliti nang
ipasok nito ng walang pag-aalinlangan ang kamay nito sa loob ng kanyang board
short at lalo pa siyang napaigtad ng hawakan nito ang kanyang kaselanan.
“Oh see, ang laki nga. Sabi sa ‘yo, eh.”
“Maliit nga ‘yan.” Napapangisi na siya dahil sa sobrang
pride nito, hindi nito alam na naiisahan na niya ito.
“Bakit ba ang kulit mo? Sinabi na
ngang malaki, eh.”
“Ikaw ang makulit, sinasabi na
nga sa’yong maliit lang yan, eh.”
Muli nitong pinisil-pisil ang
hinahawakan pa rin nitong kaselanan niya na para talagang sinusukat nito.
“Ang kulit mo talaga! Bakit ba
mas marunong ka pa sa humahawak?”
Nang mahuli nito ang pagkakangisi
niya ay napakunot ang noo ito.
“Bakit ka nakangisi diyan?”
Pero imbes na sagutin ito ay muli
na lamang niyang inangkin ang mga labi nito na wala naman nitong
pag-aalinlangang tinugon. Hindi na talaga siya nakapagpigil dala ng sobrang
pangigigil sa hindi patatalo niyang kasintahan.
Nang magtatangka na itong bitiwan
ang pagkakahawak sa kanyang kaselanan ay maagap niya itong pinigilan.
“Diyan lang iyan.” Wika niya.
“Nico, ano ang iniisip mo? Nasa
kusina tayo utang-na-loob.”
“Shhh.. Mas magandang dito tayo
magsimula para unforgettable.”
Hindi na niya ito hinayaan pang
makapagsalita. Muli niyang inangkin ang mga labi nito hanggang sa pareho na
silang tupukin ng kani-kanilang mga damdamin para sa isa’t isa. Lihim siyang
nagbunyi nang maramdaman niya na nagsisimula nang igalaw nito ang kamay na
nakahawak sa kanyang pagkatao.
Ang sumunod na nangyari ay
isa-isang naglaglagan sa sahig ang kanilang mga damit at ang mga impit na ungol
na lamang ang maririnig dala ng bawat pagdampi ng kanilang mga labi sa iba’t
ibang parte ng kanilang katawan.
Alam niyang pareho silang baguhan
nito pagdating sa gano’ng bagay pero nang makita niya ang effort na ginagawa
nito mapaligaya lamang siya, lalo lamang niyang minahal ang taong hindi niya
lubos akalain na pipiliin niyang ibigin.
Nasa kasagsagan na sila ng
pagpaparamdam ng pagmamahal sa isa’t isa nang bigla siyang may maramdaman sa
kanyang paanan.
“Hala, si Karupin pinanunuod
tayo.” Ang naiwika niya nang makita ang pusa na ngayon ay pareho na nilang
pag-aari.
“Takpan mo ang mata niya dali!
Ikaw kasi, sabi na sa ’yo na ‘wag tayo rito, eh. Ayan tuloy madudumihan ang
isip ni Karupin.”
Pinulot niya ang walang
kamuwang-muwang na pusa.
“Karupin, doon ka muna sa kuwarto
ng mga Daddy mo, ah. May ginagawa pa kasi kami, mabibitin ako.” Pagkakausap
niya rito saka ito muling inilapag sa sahig.
Pareho silang napatawa ng malakas
ng parang nakaintindi ito sa ginawang pakiusap niya dahil umalis ito ng kusina
at hinayaan silang dalawa.
“Paano ba iyan. Mukhang
naintindihan ako ng anak-anakan natin. Game!” At sa muling pagkakataon,
ipinaramdam nila sa isa’t isa ang kanilang damdamin.
Talagang malaki ang nagagawa ng
pag-ibig para mapagbago ang isang tao. Tulad niya at ni Lantis, ang pag-ibig
nilang dalawa para sa isa’t isa ang nagbigay daan para tuluyan nilang harapin
ang mga problemang dati nilang tinatakbuhan. Dahil para sa kanila, para sa
kanya, hindi mo maibibigay ng buo ang sarili mo sa isang tao hangga’t hindi mo
nagagawang pakawalan ang mga gumugulo sa puso’t isipan mo.
People can change. Nasa tao
lamang iyon kung gusto niyang magbago o mananatili siya sa mga anino ng
masasama o mapapait niyang nakaraan. Iyon ang natutunan niya nang simulan
niyang mahalin si Lantis at naniniwala siyang marami pa siyang p’wedeng magawa
para sa ikasasaya ng taong minamhaal niya.
Ito ang simula ng magkasama
nilang paghahabi ng magagandang alalang babaunin nila sa pagtahak sa hinaharap.
Mga alaalang patuloy na magbibigkis at magpapatibay sa kanilang dalawa sa
anumang unos na darating sa kinabukasan, kasama ng kanilang pamilya at mga
malalapit na kaibigan.
Wakas
65 comments:
the finale explains it all! Great Job Poy! ayieeee sa wakas naisakatuparan na din ang LABABO SCENE! iba ang trip mo rin ano? may UNFORGETTABLE ka pang nalalaman banat! hahahaha... maliit lng yan... hindi malaki yan... maliit nga eh! hindi malaki nga! mas marunong ka pa sa humahawak! BOOOOMMM! dami kong tawa! ::)))
nice one zild. keep it up =)
Honga! Napagbigyan ko na rin ang matagal mo nang hinihinling! HAHAHAHA ang adik mo kasi masyado sa lababo scene at marami na nagtatanong kung ano yan kaya hayan. HAHAHAHAHA
paunawa: ang lababo scene po asy sukatan ng kwan.. kung malaki ba ito o kung maliit! bwahahaha loko lng...
HANGGANDA! :D, nakakaloka lang ang lababo scene nila HAHAHAHA. Tama nga hinala ko sa ending WHAHAHAHA!. galing ko talaga manghula! . Bilisan mo mag sulat ng kwento, hinihintay ko ang SKYBAND :P. :)))). Congratulations Uncle Zild! :D. SPECTACULAR STORY :D
^_^
Superb ending for a very cute story...
More power kuya z
-darwin19
Hello!!!!! Silent reader here sorry bihira lang ako magcomment pero lagi ako nakasubaybay, hehehe nde q pa nababasa itong chapter hehehe excited na ako sa nhad at andy story mo..,, panu na si ian? Hehehe thank you for inspiing us
KV
astig tlga por-eber..!!! congrats mr. author.. cant wait for andy and nhad.. :p
HANGGANDA! :D, nakakaloka lang ang lababo scene nila HAHAHAHA. Tama nga hinala ko sa ending WHAHAHAHA!. galing ko talaga manghula! . Bilisan mo mag sulat ng kwento, hinihintay ko ang SKYBAND :P. :)))). Congratulations Uncle Zild! :D. SPECTACULAR STORY :D
nice one zild. keep it up =)
the finale explains it all! Great Job Poy! ayieeee sa wakas naisakatuparan na din ang LABABO SCENE! iba ang trip mo rin ano? may UNFORGETTABLE ka pang nalalamang banat! hahahaha... maliit lng yan... hindi malaki yan... maliit nga eh! hindi malaki nga! mas marunong ka pa sa humahawak! BOOOOMMM! dami kong tawa! ::)))
Pagibig nga naman... Appreciate Similarities, Accept Differences! naks! bumabanat si ako!
paunawa: ang lababo scene po ay sukatan ng kwan.. kung malaki ba ito o kung maliit! bwahahaha loko lng...
Honga! Napagbigyan ko na rin ang matagal mo nang hinihinling! HAHAHAHA ang adik mo kasi masyado sa lababo scene at marami na nagtatanong kung ano yan kaya hayan. HAHAHAHAHA
Ang ganda!!!! Kilig ako ih!!! Haha!! Congratz zeke!!!
Dahil sayo male-late na ako sa trabaho, inuna ko kasi magbasa nito kesa magprepare ng sarili para pumasok sa work. Haha!
At WOW!!! Si Nhad na ang sunod at si ANDY!!!!!!!!!!! Wow thanks talaga zeke sa pag-grant ng request ko. Nung mabasa ko talaga yun halakhak talaga ako sa sobrang tuwa.
Akala ko talaga si Maki at Jay na ang sunod.
Congratz zeke. 10, 10, 10, 2thumbsup!!!!!!
Ang ganda talaga nung ending, ang cute lang ni karupin. Haha!
at nandoon din si karupin bilang referee..ahahhaa.napagbigyan din ako ni zeke..lol
GREAT!!...napaka romantic naman talaga ng ending ng story...napagtagumpayan din lahat ng pagsubok na dumating sa relasyon nilang dalawa..at nabigay din ang LABABO scene na matagal nang hinihiling ni MAKKI..ahahaha...at si karupin witness sa pagmamahalan ng mga DADDy niya..congratulations zeke for having a wonderfu; stories like this..MORE POWER and keep it up..
ayan...natapos ko rin...ngpuyat ako para matapos to at makapag comment...di nanaman ako papasok ngayong araw...wahaha..anyways...another outstanding work!!!...wahahah...poteks....sarap batukan ng dalawa...wahahaha...away ng away inlab naman pala sa isa't isa...adik ka rin no...sarap mong mambitin...sana may epilogue at dun mo ituloy yung lababo scene...wahaha..can't wait for your next story...keep it up zeke...wahahahaha!!!!!
kinikilig ako sa lababo scene..sana magaa rin namin ng baby ko yan... :D .. wala bang book 2 kuya Z? hehehe
i love it Zildj. Another great story from a great writer. Waiting for Nhad and Andy's story.
hays, very nice story. Lahat ng kwento mo from the right time up to complicated cupid e masasbi kong pwd ka ng ihanay sa mga amercan writer, ahahaha no kidding bro.. Sa sobrang ganda e inulit2 ko clang bsahn. Adik lng. Ahaha. Ung kay jay at maki mern dn b?
marky
=_________=
lababo scene sa finale *lol*
that was really great.. hahahaha
ang ganda ng story hahahaha :D
galing galing ni great author :D
Tagumpay ang lababo scene! bwahahaha! at dahil jan magpapainum ako!
Lababo scene...ang kontrobersyal na lababo scene nila nico at lantis!haha!
Malaki,maliit kahit anu pa size nyan the best pa rin ending nito..ikaw na may 2mb na utak?:D
Thank u Z:)
Riley
ang kulit ng ending ah. pero ang ganda!!!
..wattah word "paghahabi".. Sadyang makata.. Haha.
Great great great.. Supah dupah .. Wagas maka-great? Hehe.
Ending..
Andy and Nhad.. Weeeew. Kakapanabik..
Panibagong paghahabi na nman yan. Hehe.
-krishtoffer-
ang ganda ng ending! parang gusto ko basahin ulit form beginning hanggang ending :))
Kyaaaaaaah!
Lababo! Bet ko yung sukatan. Ahahaha! May built in ruler ang kamay ni Lantis hanep! Ahahahaha!
Good job Z! Wait ko yung isang story. Cover ulit?
i really love the story. :) minsan talaga dumadating ung taong para saten in a very strange manner. nakakaloka. hihihi si Jay naman at Maki. :D sana mahaba ang story. mga 30 chapters. lol mas enjoy kasi magbasa pag mahaba. :DD
waahh.. kiligness until the end.. super love this one..
how i wish may story si Brian ung best buddy ni Alex.. wala lang.. i know he's not one of the major characters but im hoping na meron.. hehehe..
God bless
AHAHAHAH!!!! AYIEEEEEE!!! Wala ako masabi lmao. Basta yon na yon! My hard work pays off!!! :))
Wow naman at tlagang xa kitchen p naganap,ahh,hahaha,...
Congratulation syo Mr. Z,galing mu tlaga,wlang kupas,sana meron din cla maki at jay para maxaya ang lhat,hahaha....
nice job mr. author. yun pala ang lababo scene na matagal ko ng nababasa sa comments dati.
waiting for the next story.
---januard
what the ?!
super ganda ng ending , kaso parang gusto ko pang mas humaba to kuya Z . ang ganda kasi ng plotting eh ! err !
- ill be waitng for the next story :)
so, next will be Makki and Jay.. so excited na talaga kuya Z... nakakatuwa rin sila..
wahhhhhhh......grabe ito na talaga ang kiligness hhahah...
sana sana sana si brian din at si pat gawan mo ng story hahaha....
thnxz....kuya zzzzzzzzzz
ikaw na...")-
hahahahaha the best ung love scene...ang khulet! hahahaha nice job zild!
pwedeng request...
BRIAN, renzell dave's best friend.. and NHAD kenneth's ex bf?
hahahaha
para merge ang barkada...
plot will be: brian will met nhad sa bar kung saan nasa kasagsagan ng pag wawala si nhad dahil iniwan siya ni kenneth?
hahahaha!!
anyway...
natapos na din si nico at lantis..
haha
pati ikaw dapat magpainum kasi nabigay yung lababo scene mu..saka kumanta ka din...wahahaha..
siksik liglig at umaapaw ang sampung kabanata... nice!
gosh! PANALO TUNG STORY!
nakakalungkot lang at natapos na but
super ganda ng story~!
SPEECHLES aco sa GANDA! basta for me ganda tlga hayss!
super ganda ganda !
go papa nicollo hahah!
<---- demure
LABABO scene sa kitchen. oha! Napagbigyan ang request ni Makki. Tulad ng paghihintay ko dito sa CC. iintayin ko rin ang kila Nhad and Andy na story.
Great work Z!
waaaaahhh!! dapat gawin nya muna ang DIRTY KITCHEN SCENE! bwahahahaaha may naisip nanaman akong kababalaghan! bwahahahahaha ano kaya mo yun poy?!
Wala ka talagang awa ano? P'wedi ba munang magpahinga? HAHAHAHA
HAHAHAHA!!! InlaBaBo scene astig hehhehe galing talaga ni master Z! Kaso bitin ang lababo scene nyahaha joke.
I love u na talaga master Z!
Karl Rickson
hahahahahaha galing galing galing talga...ni Z...tnx Z..bet nyo sino ang next love team?
Cute!! Hihi.. Dami kp tawa! Hhi...
ang beauty naman nito..light story pero sobrang kilig naman ang ipaparamdam...kakagigil naman...
More more more....
im inlove with cc
its so nice! Kusina ang peg! :D
ahy end na!
at sa kitchen talaga ang uhmmm... hahaha
great story... si maki at jay naman! :]
at last nagka auz din clang dalawa. he he he. sabi ko na nga ba eh, the more u hate, the more u love. nice! nice story. he he he next aman. w8t ko ung kay nhad and andy. . . congratz zild.
the story is so full of emotions. great great great.
keep writing. :)
reading your stories never disappoint me. :D
Makki anu na naman ang naisip mung kababalaghan!!! ikaw talaga lagi mung dinadamay si zeke sa POLLUTED mung utak..LOL..peace pot...ganyan ba ang mga UNWANTED SPERM zeke???
Makki anu na naman ang naisip mung kababalaghan!!! ikaw talaga lagi mung dinadamay si zeke sa POLLUTED mung utak..LOL..peace pot...ganyan ba ang mga UNWANTED SPERM zeke??? ahahahaa
iamronald Elbowin kita jan eh! bwahahaha ako na polluted at least non biodegradable utak ko.. ikaw biodegradable! :P bwahahaha
Nahiya naman ako sau pot..wahahahahaha...hindi naman ako ganun..ahahahahah peace
LOL! ahahahaha biodegradable :))
bwahahahah :))))))))
You really are a great author. The best ang mga stories, very moving at exciting. Hope you will continue writing. At sana may story din si maki-maki at si jay-jay. -arc
Malapit mo na ang kwento nila Marky. :)
Wow a ganda sobra Zild your such an amazing writer hindi ko alam ang salita para maidescribe ang galing mo magsulat, Its really a gift from God and I know and acknowledge that you are using it the right way.
Hope you will keep on writing stories that are inspiring and with kilig factor.
Have a great day Zild. as I promise tinapos ko basahin tong Complicated Cupid in just one sitting hehehe.
God Bless and take care always..
Hi good day mr author..kakarapos ko lang basahin ang apat na kwento mo..napabilb mo ako sa akda mo..pwede ng ihanay sa mga batikang manunulat..
Gusto ko yung mga takbo ng kwento mo kasi hindi nakakasawa basahin..andin yun rin seventh bar di nawawala..
Nabibitter talaga ako sa mga happy emding!!! Lentek na iyan ah!!! Hmmmm gusto ko din ng sarili kong happy emding... huhuhu...
Nice work daddy zeke... ikaw na talaga amg tunay na magaling magsulat!!!!
Next story naman ako... hahaha...
-eusethadeus-
This is the best story para sa akin sa lahat ng series mo... Kaya lang eto pa man din ang pinakakakaunti... Guzto ko pa man ding pakasubayabayan ang love story ng dalawang mahilig sa iringan...
Again keep up the good work...
Love you karupin... meow
ang galing galing talaga kuya zild! Mwah! :)
Jjj
Post a Comment