Story Cover by: Winwintowtz
written by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com
Blog: ZildjianAce
Author's Note:
Wew! Nagawa ko rin ang chapter na ito at isang chapter
nalang ang natitira! WEEEEEEEEE!!!
Anyway, alam kong marami pa kayong katanungan sa parte ni
Lantis, at syempre sasagutin ko iyang mga katanungan niyo. HA! HA! HA! Kaya
relax lang kayo at eenjoy niyo lang ang nalalapit na pagtatapos nitong kwentong
ito.
May maganda pala akong balita sa inyo ma paps. Kasalukuyan
ko na pong ginagawa ngayon ang finale, at i-expect niyo ang posting nito
mamayang gabi. Salamat ng marami sa pagbabasa nitong gawa ko at abangan niyo
ang susunod na kwento sa series na ito. Sana, huwag kayong magsawang mag-iwan
ng komento, dahil doon ako humugot ng drive para mag-sulat. Negatibo man o
paborable sa akin. Naks!
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
Para
makabawi sa ilang araw niyang pagkawala ay sinimulan na ni Nicollo ang bumalik
sa kanyang negosyo. Matapos ang nangyaring dinner date kagabi sa kanilang
dalawa ni Lantis ay kakaibang saya ang kanyang nararamdaman at lahat ng gana
niya sa buhay ay biglang nagbalik na hindi niya maitago sa mga taong
nakakasalubong at nakakausap niya.
“Mukhang ang ganda ng mood natin ngayon sir, ah?” Ang wika
sa kanya ni Gizel, isa sa kanyang empleyada na hayagang nagpapakita sa kanya ng
atraksyon.
Taliwas sa lagi niyang ginagawa tuwing may pumapansin sa
kanya ay nginitian niya ito.
“Maganda lang talaga ang gising ko ngayon.” Wika niya.
“Mas g’wapo kayong tingnan sir kapag nakangiti kayo.” Wika
nito.
“Really?” Bigla siyang napaisip. “Sa tingin mo ba kapag
palagi akong nakangiti ay mapapasagot ko agad ang liligawan ko?”
Bigla namang nagningning ang mga mata ng kanyang empleyado.
“Panigurado ho iyon sir. Kung noon nga na lagi kayong
seryoso ay marami na ang nahuhumaling sa inyo ano pa kaya ngayon na nakangiti
na kayo?”
Muli siyang napangiti dahil iyon din ang wika sa kanya ng
kanyang mama nang magkita sila
kanina sa bahay. Pinansin agad nito ang kanyang maaliwalas na aura.
Ilang sandali pa ay dumating na ang kanyang dalawang
kaibigan. Alam ng mga ito na naroon na siya sa coffee shop dahil bago siya
umalis kanina ng bahay ay tinext na niya ang mga ito.
“Kamusta ang buhay-buhay kaibigan?” Wika ni jay.
“In love ka na raw?.” Ani naman ni Renzell Dave.
“Kamusta ang dinner date kagabi?” Ang nakangisi namang wika
ni Maki.
“Napagtagumpayan mo na ba si Lantis?” Si Alex.
Kahit kailan ay napakakulit talaga ng mga ito na palagi
niyang ikinaiirita noon subalit ngayon, nakukuha na niyang masakyan ang
kapraningan ng mga ito.
“Pagdating talaga sa pagkalap ng balita sabay-sabay kayong
dumarating.” Ngingisi-ngisi niyang buksa sa mga ito.
“Wow, ikaw ba yan? Ano ang nanyari sa mala-suplado mong
dating? Nakangising turan naman ni Dave.
“Iniwan ko na sa probinsiya. Ikaw, bakit ka napadayo rito?”
Ganting biro naman niya.
“Itinatanong pa ba ‘yan? Ang tugon naman nito sabay bigay ng
nakaw na halik sa kasintahan nito. “I love you Maldita.”
Umugong ang tuksuhan sa loob ng mallit na k’wartong iyon sa
coffee shop niya. Kung noon ay bigla siyang lalayo kapag nagsisimula ng
maglambingan ang dalawa ngayon ay para pa siyang kinilig na hindi niya
maintindihan at bigla niyang nahiling sa kanyang sarili na sana gano’n din sila
ni Lantis.
“So, asan na si Lantis?” Pagbabalik ng usapan ni Maki.
“Akala ko ba dadaan kayo dito pagkatapos niyong mag-dinner?”
“Biglang nagyayang umuwi si Lantis, eh.” He casually
answered.
Nang matapos silang kumain sa restaurant kagabi ay agad na
nagyayang umuwi si Lantis kahit pa man sinabi niya rito na inaasahan sila ng
mga kaibigan nila. Hindi pa raw ito sanay na inilalakad at itinatapak ng
matagal ang paang napinsala nito kaya naman hindi na siya nagpumilit pa.
“Naks! So, doon kayo naglabing-labing sa apartment niya?”
Ang wika naman ng madaldal na si Jay. “Ano ang ginawa niyo? Siguro nag ––”
Hindi na nito naituloy pa ang sasabihin dahil maagap na
tinakpan ni Maki ang bibig nito.
“Huwag mong papansinin ang mga kahalayang lumalabas sa bibig
ng isang ito. Wala ka na ngang mapapala, magkakasala ka pa.” Ani nito saka
pinandilatan si Jay.
Ngingiti-ngiti na lamang siyang napapailing sa inaasta ng
dalawa.
“Bakit nga ba narito ‘yan? Di ba alipin mo siya ngayon?”
Pagbabago niya ng usapan.
“Mamayang after lunch pa ang shift nito.” Tugon naman nito
saka binalingan ang ngingisi-ngising magkapareha. “Kayong dalawa, ikuha niyo
nga ako ng packing tape.. hindi stapler
na lang nang mapatahimik ko
na ito ng tuluyan.”
“Busy kami, eh. Di ba Maldita?” Ang tugon naman ni Renzell
Dave saka muli na naman nitong hinalikan ang kasintahan.
“Pambihira talaga kayo.” Ang nasambit na lang niya habang
napapailing. Wala talagang kupas ang mga kaibigan niyang ito sa kakulitan.
“Naiinggit ka sa kanila ano?” Ang nanunudyong wika ni Maki.
“Ikuha mo na rin ang sarili mo ng packing tape at tapalan mo
iyang bibig mo. Nahahawa ka na sa kadaldalan at pagiging tsismoso niyang….”
Muli niyang binalingan si Jay na hanggang sa mga oras na iyon at hindi pa rin
makapagsalita dahil nakatapal pa rin sa bibig nito ang kamay ni Maki. “Never
mind.”
Dahil sa hindi naman gaanong marami ang costumer nila tuwing
umaga sapagkat ayon kay Alex ay sa hapon nagsisidatingan ang mga costumers nila
ay naisipan na lamang muna niyang dalawin si Lantis. Agad siyang nagpaalam sa
mga ito na wala pa ring patid ang kulitan.
“Tutal, wala naman akong mapapala sa inyo dito, ay mauuna na
muna ako sa inyo. Babalik na lang ako.” Ang wika niya sa mga ito.
“Saan ka pupunta?” Takang tanong naman ni Alex.
“Pustahan tayo manliligaw na naman ‘yan.” Sabat naman ni
Maki.
“Dalhan mo siya ng maraming bulaklak, ‘yong iba’t ibang
kulay para masaya.” Gatong pa ni Jay.
“Hindi niyo na ako mauuto. The last time na pinatulan ko
iyang suhest’yon na ‘yan muntik na akong makakain ng kumpol ng bulaklak.”
Nagtawanan ang mga ito. Ngayon, nasisiguro na niyang
pinagtripan lamang siya ng mga kaibigan niya at pinagsamantalahan ang kanyang
kainosentihan sa panliligaw.
Tumayo na siya para umalis. Alam niyang masisira lamang ang
araw niya kapag nagtagal pa siya roon. Gusto na rin niyang makita si Lantis sabik
na siyang makausap ito ulit at makita.
“Ikamusta mo ako kay Lantis, Nico, ah.” Nakangiting wika ni
Alex.
“Pakisabing magparamdam naman siya sa amin.” Ani naman ni
Maki.
“Huwag mong kalilimutang gumamit ng proteksyon bago
umaksyon. Mahirap ang buhay ngayon.” Dagdag naman ni Jay.
Hindi niya na lang pinansin ang mga ito dahil kahit pa man
gano’n kakukulit ang mga kaibigan niya, hindi maikakailang malaki ang naitulong
nito sa kanya lalo na sa parte ng pakikibaka niya kay Lantis.
Tatlong sunod-sunod na katok ang ginawa niya nang marating
ang apartment na tinutuluyan ni Lantis. Halo-halong emosyon ang nararamdaman
niya sa mga oras na iyon. Una ay pagkasabik na makita ito, Pangalawa ay
pagkagusto na marinig ulit ang boses nito. Hindi naman nagtagal ay bumukas ang
pintuan at bumungad sa kanya ang taong laging laman na ng kanyang utak.
“Hi.” Ang nakangiti niyang bati rito.
Sinadya niya talagang bigyan ito ng pinakamatamis na ngiti
na kaya niyang maibigay dahil gusto niyang subukan kung totoo ba ang sinasabi
sa kanya ng kanyang empleyada kani-kanina lang. Mukhang hindi naman ito
nagsisinungaling dahil kita niyang parang natulala sa kanya si Lantis.
“Ah..H-Hi.” Alanganing wika nito at marahang ipiniling ang
ulo. “A-Anong ginagawa mo rito?”
Totoo nga! Naisambit
niya sa kanyang sarili.
Magiliw niyang inilahad dito ang kanyang biniling isda.
“Ano iyan?” Takang tanong naman nito.
“Pagkain para kay Karupin.”
“Ah.. Salamat.”
Parang may nahimigan siyang pagkadismaya sa boses nito kaya
naman inilabas na rin niya ang kanyang binili na nasa isa niyang kamay.
“And chocolates. Di ba mahilig ka nito?”
Kita niya ang biglaang pamumula ng pisngi nito and he knew
na hindi siya ngayon pumalpak sa piniling ibigay dito.
“Nakikita ko kasi noon kapag nasa bakuran ka ng bahay niyo,
palagi kang may bitbit na ganyan.” Nakangiti niyang dagdag.
“S-Salamat.”
Kahit simpleng pasasalamat lang ang namutawi rito ay hindi
niya mapigilan ang mapangiti. Mababaw man kung iisipin pero sa simpleng
appreciation nito sa binigay niya ay kakaibang saya naman ang hatid sa kanya.
Kuntento na siya, ayos na sa kanya na nakita niya ito at
narinig ang boses nito kahit saglit kaya ipinasya na niyang magpaalam.
“Paano, aalis na ako, sumadya lang talaga ako rito para
ibigay sa iyo iyan.” Pagpapaalam niya na
rito.
Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa kanyang sasakyan nang
tawagin siya nito.
“Wala sina Ken at Martin, sa labas sila manananghalian ngayon. Gusto mo bang mananghalian dito?”
Wika nito nang lumingon siya.
Kung may nakakagulat mang pangyayari sa buhay niya ay iyon
na siguro. Hindi niya iyon inaasahan mula kay Lantis, at lalong hindi niya
inaasahan ang ngiting nakaguhit sa mga labi nito na walang dudang para sa
kanya.
“S-Sigurado ka?” Ang naiwika niya dala ng pagkagulat.
“Bakit, ayaw mo ba? Hindi ako kasing galing ni naynay
magluto pero kahit papaano may lasa naman ang mga luto ko at kayang kainin ng
tao.”
S’yempre tatanggi pa ba siya? Gumanti siya ng ngiti rito.
Isang ngiti na nagpapakita rito kung gaano siya nito pinasaya sa paanyaya nito
sa kanya.
“Kahit hindi masarap basta luto mo kakainin ko ‘yan.” Tugon
niya.
“Kung gano’n, halika na sa loob.”
Sa loob ng apartment, habang abala si Lantis sa paghahanda
ng pagkain para sa kanilang dalawa ay hindi niya mapigilang pagmasdan ito. Ibang-iba
ang Lantis na nakikita niya ngayon.
Ito ba ang ibig sabihin ni Popoy? Ito ba ang totoong Lantis na nagtatago sa kasungitan noon? How come I didn’t have the chance to notice all these before? Ang naitanong niya sa kanyang sarili.
“Kumakain ka naman siguro ng adobong baboy, noh?” Untag sa
kanya nito.
“H-Ha?”
“Lumilipad ang isip mo Nicollo. Ang sabi ko, kung ayos lang
ba sa’yo na adobong baboy na lang ang lutuin ko. Hindi pa kasi kami
nakakapag-grocery ni Ken.”
“Ah.. Oo naman.” Tugon niya na hindi pa rin tinatanggal ang mataman
niyang pagkakatitig dito.
“Bakit?” Tanong nito sa kanya.
“Anong bakit?”
“Bakit ka nakatingin sa akin ng ganyan?”
“Wala naman.” Pagde-deny niya.
“’Wag mo akong titigan ng ganyan at baka hindi ko magawa ng
tama itong ginagawa ko. Ikaw rin, baka isuka mo lahat ng kakainin mo mamaya.”
May bahid ng pagbibiro nitong sabi.
Kahit papaano ay nagawa na nilang magbiruan. Tulad na lang
ng nasa probinsiya pa sila habang magkasabay silang naligo sa poso. But he knew
back then, Lantis was still holding back pero ngayon, wala siyang makitang
reservation sa mga mata nito.
Maski kagabi, matapos nilang makapag-usap ay nararamdaman pa
rin niya ang pag-aalinlangan nito na kahit ngumingiti ito sa kanya, naroon pa rin
ang hindi nakikitang bakod na nakapalibot dito na para bang pinuprotektahan pa rin
nito ang sarili sa kanya. Naiintindihan naman niya iyon, sapagkat alam niyang
hindi gano’n kadali ang ipagkatiwala nito sa kanya ang lahat, after all what
they had been through together.
They treated each other like an enemy for almost twelve
years. Kaya tama lamang na itaas nito ang depensa nito sa kanya. Kaya nga sa
abot ng kanyang makakaya, kahit gustong-gusto niya itong tulungan ay hindi niya
magawang ipasok ang problemang dinadala nito dahil natatakot siyang baka muli
siya nitong layuan. Katulad ng ginawa nito sa dati nitong yaya at sa matalik
nitong kaibigan sa probinsiya.
He wanted to build a new relationship for both of them. He
made a promise to himself that he will do everything to win Lantis’ trust. Then,
little by little he will try everything in his power to make Lantis forget some
bad memories of the past, and therefore build new ones together. Kasi gusto
niya itong makitang nakangiti palagi at gusto niya itong maging masaya sa
piling niya.
“Natulala ka na naman, Nicollo.” Pagbasag nito sa kanya.
Hindi siya agad nakapagsalita sa nakikitang pagbabago mula
rito.
“Hoy! Ano bang nangyayari sa ‘yo?” Muling wika nito.
“W-Wala.” Ang nabigla niyang tugon.
“Nagugutom ka na siguro, noh? Saglit lang to, tiisin mo muna
o di kaya uminom ka na lang muna ng tubig para mabawasan iyang gutom mo.”
Nakangiti nitong wika na lalo lamang niyang ipinagtaka dahil hindi tulad ng mga
nakaraang araw, umaabot na sa mga mata nito ngayon ang ngiti nito.
“May nangyari ba?” Hindi niya maiwasang maitanong rito.
Tinaasan siya nito ng kilay pero nakaguhit naman sa mukha
nito ang ngiti.
“Nangyari? Wala naman bakit?”
Pinili na lamang niyang huwag na itong tanungin pa at baka
masira pa niya ang magandang mood nito. Ipinagpapasalamat na lamang niya ang
kung anumang nangyari o nakain nito para maging gano’n ito kagiliw sa kanya
ngayon. But he knewfrom hindsight, something happened or maybe something is about
to happen.
“’Wag mo na lang akong pansinin. Nalipasan lang siguro ako
ng gutom.” Sa halip ay nakangiting wika niya. He won’t spoil the moment, iyon
ang sabi niya sa kanyang sarili. Lulubusin niya ang pagkakataon.
Magkasalo nilang linantakan ang pagkaing ito mismo ang
nagluto at talagang iyon na ata ang pinakamasarap na adobo na natikman niya
hindi lang dahil ang taong itinitibok ng puso niya ang nagluto niyon kung hindi
dahil na rin totoong napakasarap nito. He never thought that Lantis can cook
dahilan para mapakain siya ng marami.
Puro papuri ang tinanggap nito mula sa kanya na tinatawanan
lang nito. At nakikita niya sa mga mata nito ang pagkagusto sa mga ibinigay
niyang papuri. Matapos nilang kumain ay sunod naman nilang pinakain ang dati
niyang pusa na isinuko na niya rito. Kung makikita lamang sila ng mga kaibigan
nila sa mga oras na iyon ay paniguradong uulanin sila ng tukso dahil para
silang mga magulang na magkatulong na pinapakain ang kanilang sangol.
“Tinatanong pala nila Alex kung kailan ka daw magpapakita sa
kanila.” Ang wika niya.
“Saka na siguro. Marami pa akong dapat gawin, eh.” Tugon
naman nito na abalang naghuhugas ng mga pinagkainan nila.
“Tulad ng?”
“Basta, marami pa.”
“Need help?” Pag-aalok niya.
“Nope, I’ll do it myself. Kailangan ko ‘yon. But thanks for
the offer anyway.”
“Okey. Basta kung kailangan mo ng tulong ko sabihan mo lang
ako, ah.” Magiliw niyang wika. Iyon na siguro ang pinakamasayang araw sa tanang
buhay niya dahil sa wakas mukhang bumubuti na talaga ang sitwasyon sa pagitan nilang
dalawa.
Binalingan siya nito at binigyan ng isang magandang ngiti.
“Thanks Nico, thank you for everything.”
“May nagawa na ba ako? Mukhang wala pa naman, ah.” Nakangiti
niyang tugon. “ Seriously, ayos lang iyon basta para sa ’yo lahat gagawin ko.”
Nakangiti niya ring tugon.
“Napapadalas na ‘ata ang mga banat mo, ah.” At sabay silang
nagtawanan na para bang napaka-close na nila sa isa’t isa.
Ayaw pa man niya sanang umalis dahil gusto pa niyang
makasama ito ng matagal ay hindi na p’wede. Nakatanggap siya ng text galing sa
mga kaibigan niyang walang magawa sa buhay at hinahanap na siya ng mga ito.
“Paano, mauna na muna ako sa’yo. Salamat sa napakasarap na
adobo.” Nakangiti niyang pagpapaalam rito nang maihatid siya nito sa may
pintuan.
“Wala iyon, mag-iingat ka sa pagmamaneho.”
Nasa loob na siya ng kanyang sasakyan nang bigla itong
sumulpot sa may window seat niya.
“Baka na-miss mo na si Karupin. Sa ’yo na lang muna siya.
Huwag mo lang aangkinin ulit, ah.” Nakangiti nitong wika ng ilahad nito sa
kanya ang pusa.
“Hah? Ayos lang, dadalawin ko na lang siya dito kapag
namimiss kita, este ko siya.” Pahapyaw niyang banat.
“Nagbago ka na talaga.” Amusement was on Lantis’ eyes. “Sige
na, dalhin mo na lang muna siya.”
Hindi na siya tumanggi pa rito.
“Kailan ko siya dapat ibalik?”
“Ako na mismo ang pupunta sa ’yo para kunin siya.” Nakangiti
nitong sabi.
S’yempre natuwa siya sa kaalamang ito pa mismo ang pupunta sa kanya.
“Sabi mo ‘yan, ah. Sige, paano, mauuna na ako.”
Binuhay na niya ang makina ng sasakyan ngunit hindi pa rin
umaalis ito.
“Oh, bakit? Huwag mong sabihing namimiss mo ‘ko agad?”
Nagbibiro niyang sabi.
Inasahan na niya na babarahin siya nito subalit hindi iyon
nangyari. Bagkus, isang ngiming ngiti ang ibinigay nito sa kanya saka walang
lingon-likod na bumalik sa loob ng apartment.
Ano’ng nangyari doon? Takang-tanong
niya sa kanyang sarili subalit masyado na siyang masaya para bigyan pa iyon ng
pansin.
“Pinabalik niyo lang ako rito para ayaing kumain ng pizza?”
Hindi niya maiwasang maibulalas dala ng magkahalong iritasyon at panghihinayang
sa naputol nilang moment ni Lantis.
“Aba, pasalamat ka nga’t tinawagan ka pa namin nang bumili
si Renzell Dave nitong napakaraming pizza, eh.” Si jay.
“Dave.” Pagtatama naman ng asawa ng kaibigan niya. “Si Alex
lang ang p’wedeng tumawag sa akin sa buo kong pangalan.”
Napapalatak siya. Mga kaibigan ba talaga niya ito? Alam
niyang makukulit ang mga ito pero bakit kailangan pang i-timing iyon kung saan
maganda na ang nangyayari sa kanila ni Lantis.
“Easy lang Nico, nag-aalala lang naman kami sa ’yo at baka
hindi ka pa nananghalian dahil sa wala sa oras mong panliligaw.” Wika naman ni
Maki. “Saka, ang nanliligaw, gabi dumadayo hindi gaya ng ginagawa mo na tirik
na tirik pa ang araw ay pumuporma na.”
Pinukol niya ito ng masamang tingin. Hindi niya talaga
maiwasang makadama ng iritasyon sa mga ito.
“C’mon Nicollo, easy lang.” Si Alex. “Kaya ka talaga namin
pinabalik dito ay dahil may kailangan akong itanong sa ’yo tungkol sa negosyo
natin. Binibiro ka lang niyang dalawang iyan.”
“Oo nga, bakit ba masyado kang hot? Ano ba ang ginagawa niyo
ni Lantis sa apartment nila at ganyan ka na lang makapag-react?”
“Malamang, nabitin si kabayan.” Ngingisi-ngising wika ni
Dave na nakatanggap ng batok mula sa asawa nito.
“Iyon nga ba ang nangyari Nicollo?” Nakangising baling sa
kanya ni Alex.
“Pambihira! Pati ba naman ikaw Alex?”
Nagtawanan lang ang mga kaibigan niya sa kanyang tinuran.
Napapailing na lang siyang dumampot ng pizza, alam naman kasi niyang kahit ano
ang maging reaksyon niya ay hindi siya seseryosohin ng mga ito.
Napag-usapan nga nila ni Alex ang tungkol sa negosyo nila at
sa pagbabalak nitong magdagdag ng mga items. Sinang-ayunan naman niya iyon
dahil alam naman niyang maasahan talaga ito pagdating sa pagpapatakbo ng
negosyo at ayon sa kasintahan nito, si Alex ay isa sa mga dahilan kung bakit
ngayon, isa na sa mga sikat na bar ang dati nitong pinagtatrabahuan.
Naging mabilis ang oras sa araw na iyon para sa kanya
sapagkat may karamihan ang costumers nila sa araw na iyon. Nakatulong din sa
kanya ang pusang ipinahiram ulit sa kanya ni Lantis para kahit papaano ay
maaliw siya. Nakakatawang isipin na na-miss niya agad si Lantis kaya naman nang
sa wakas ay nagkaroon siya ng pagkakataon ay tinawagan niya ito subalit hindi
niya ma-contact ang number nito kaya naman napagpasyahan na lamang niya itong
daanan para ayain itong lumabas ulit.
Matapos makapagpaalam sa mga kaibigan ay agad na nga niyang
binaybay ang daan patungo sa apartment ni Lantis. Hindi niya maintindihan ang sarili,
kanina lang nang huli n’yang makita ito subalit sabik na sabik pa rin siyang
makita ulit ito.
Ganito ba talaga kapag
nagmamahal ka? Ganito ba ang nararamdaman ni Dave, kaya kahit madaling araw ay
sumusulong ito sa daan makita lang si Alex? Hindi niya maiwasang maitanong
sa kanyang sarili sapagkat kakaibang pananabik ang kanyang nararamdaman and he was
never been like this before na halos liparin niya ang daan makita lang agad ang
taong napakahirap tant’yahin ngunit hindi naman niya maikakailang lubos niyang
kinasasabikan.
Nang marating niya ang apartment nito ay hindi niya
maitindihan ang kanyang naramdaman. Ang kaninang excitement na meron siya habang
nasa daan pa lamang ay biglang nawala at napalitan iyon ng kakaibang kaba na
para bang may hindi tama.
Ipinagwalang bahala na lang muna niya iyon at bumaba na ng
kanyang sasakyan.
“Oh pare, ikaw pala.” Ang bati sa kanya ni Martin nang
mapagbuksan siya nito ng pintuan.
“Kamusta?” Bati naman niya rito. “Nariyan ba si Lantis?”
“Si Lantis? Wala, eh. Umalis na. ”
“Umalis?” Lalong lumakas ang kakaibang kabang nararamdaman
niya. “Saan daw siya pupunta?”
“Pasok ka muna pare, si Kenneth na lang siguro ang magsasabi
sa ’yo. Hindi ko kasi alam ang detalye, eh.”
Kahit naguguluhan ay pumasok na nga siya. Pumasok naman ito
sa isa sa dalawang k’warto at paglabas nito ay kasama na nito si Kenneth na
talagang ibang-iba na ang aura. Bakas na sa mga mata nito ang kakaibang saya at
contentment.
“Nico, ikaw pala.”
“Umalis daw si Lantis? Alam mo ba kung saan siya nagpunta?”
Diretsong tanong niya rito.
“Oo, umalis na si Lantis. Umalis na siya rito sa apartment.
Kami na ulit ni Martin ang nangungupahan dito.”
Napakunot ang kanyang noo sa tinuran nito.
“A-Anong ibig mong sabihin? Kanina lang ay narito pa siya,
eh.”
“Hindi ba niya sinabi sa ‘yo? Kagabi, nang maihatid mo siya
ay nagpasama siya sa akin sa may-ari nitong apartment para magpaalam. Pagkatapos
n’yon ay nag-impake na siya.”
“Impake?” Ang naguguluhan pa rin niyang tanong. “A-Anong
ibig mong sabihin?”
“Hindi ko alam ang detalye Nico, eh. Maski nga ako ay
nabigla sa agaran niyang desisyon na umalis. Sinubukan kong itanong sa kanya
kung saan siya pupunta pero hindi naman niya ako sinagot. Ang akala ko nga ay
alam mo ang plano niya, eh.”
Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya sa mga
narinig. At sa di malamang dahilan biglang bumalik sa kanya ang mga kakaibang
ikinikilos nito. Mula sa pagiging mabait at magiliw nito sa kanya hanggang sa
pagbigay ulit nito sa kanya ng pusa.
“Lantis.” Ang wala
sa sariling naiwika niya kasabay ng konklusyong nabuo sa kanyang isipan.
Itutuloy:
23 comments:
Isang Paalala: "Gumamit ng PROTEKSYON bago UMAKSYON" bwahahaha.. hala umalis si Lantis?! baka bumili ng PROTEKSYON pa sa nalalapit na HIMAGSIKAN! :)) LOL
ayiiieee! ayun oh! sa ngiti palang bumibigay na ang mokong! LABABOOOO! LABABOOOO SCENE na yan!
hmmm.. what's with Karupin/Kerochan??? Kailangan ng POV ang magiting na PUSA! hahaha LOKO lng! :P
NICE POY!!!
grabeh -- super kinikilig aco sa story na tuh!
LOVE NA LOVE KO TUH WINNER
san kaya nag punta si lantis nakakalungkot amft.
affected aco hahahah, go papa Nicollo!
TWO THUMBS UP! Mr. Author
promise ang galing mo tlga gumawa ng story :)
para tlgang may SOMETHING keii MAKKI and JAY :P
<---- demure
ammmppp... 0___0
si karupin ang magiging referee sa nalalapit na lababo scene...ahahhaha can't wait what happen next..makipagbati na si lantis sa dad niya........
Weird, nahulaan ko yung last part before ko pa mabasa. ang hilig umalis ng mga tao sa mga kwento mo. hahaha.
dahil nagbago na si nicollo at naayos na nya mga conflicts sa buhay nya, i guess its lantis' turn this time. sana lahat ng tao ganito, they make sure all is set before pursuing love. they dont take it lightly and mature enough to take time and turn.
nice update. magpupuyat ba ko mamaya para maghintay sa finale? NAMAN! ^^
..nakkks, kaka-kilig..
Kakamiz ma in love.. Hehe.
_haissst...
Kaka-iba ang 2mb'ng utak gumawa.
..sana next story ung may patayan naman. Hekhek, kya mo ba mr.author?
..tsk tsk.. Gagawin ko? In love na ata ako sa'yo..!
-krishtoffer-
bwhahahahah ayan agad naalala nito ni SIR baliwwwwwwwwww
ang gandaaaaaaaaaaa! as usuallllllllllll bitiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnn..
GO ZILD FOR THE LAST CHAPTER
bakit ayaw ma-post ng comment ko? tinamad na ko mag-retype. 2x ko na nilagay, 1hr interval ayaw pa din.
anyway, sana eto mapost.
nice update.
kuya zzzzzzzzz the best ka talaga hahaha.....love it kuya zzzzzz....sana kay jay at makkii na naman ang gawan mo kuya salamatttttt......kuya sana sio bryan may kwento din at ang kaparis nya si pat hahaha...
Thank u Z for posting chapter 9..agad agad talaga!!!
At thank u din dahil sa napakagandang background song ni ed sheeran..love it!excited na ko sa chapter 10 mamaya:)
Riley
ayan inaayos na ni lantis ang buhay nia.. :p wag OA nicollo, bbalikan din kayo ni karupin ni lantis.. :p
hahahah "LABABO SCENE" na yan!!!!
gosh.. i really lurve it.. my baby also love your stories kuya Z.. keep it up... ;D sana hanggang chapter 20 na lang ito.. hehe ;)
Bitn!!!! More!!
san nag punta si lantis? :( wag mong iwan si nico. hihi
Dapat hingi ka otor ng commission sa TRUST for the endorsement...hahaha
As usual..very nice indeed...hihihi
I think umuwi na sa bahay nila si lantis to fix things up, and maybe theres still other reasons, maybe he still has problem trusting nico, or may be he wants alone time to think everything..then babalikan nya si karupin and si Nico.
ummmm at ano ito Z..run.away bride mode si lantis? hehehe
Can't wait for chapter 10!thank u Z!the best din yung background music..ume ed sheeran hehe..
Puyat mode mamaya:)
Riley
I think, I know where lantis went. :D, pro sakin nalang un :P. whahahaha!.
wah san xa pumunta????
Hmmm mukhang alam ko na kung san nagpunta si Lantis. Dapat umuwi na sya sa bahay nila para malaman nya kung nasaan si Lantis.
Post a Comment