Thursday, June 14, 2012

Complicated Cupid Chapter 06


Story Cover by: WinwinTowtz
Written by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com
Author's Note:

Yeah boi!!! Sa wakas ay nagawa ko rin ang chapter na ito sa halos 12 hours kong pakikipagbuno sa keyboard ko. LOL May mga panahon talaga na nahihirapan akong gawin ang isang chapter at nakakasama ng loob. Pero anyway, nagawa ko na kaya bakit pa ako aangal di ba? Hkhkhk

Gusto ko nga palang batiin si Tony ng Happy Happy Happy as in Happy! LOL Happy Birthday! Ayan! Actually, kahapon pa ang birday niya. (Time Check 2:24am na!) kaya late na ako at sorry naman! Kinapos ang 2mb kong utak, eh. Wish you good health nalang and more boylets este birthday to come! Lmao

Salamat din sa mga taong nagbigay ng kanilang komento sa Chapter 05 ko at syempre sa mga Anonymous na talagang sobrang shy magpakilala at sa mga Silent Readers na sobrang nahihiyang pindutin ang comment button. xD Tenkz repapipzz!!!

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.







Lantis




Nagising si Lantis dala ng sinag ng araw na nagmumula sa bintana malapit sa kanyang higaan. Sinubukan niyang igalaw ang may pilay na paa, napapikit siya nang makadama ng kirot.


“Pambihira!” Naiusal niya.


Napapailing  niyang iniupo ang sarili saka dumungaw sa bintana. May kataasan na pala ang sikat ng araw at sa probinsiya kung nasaan siya ngayon batid niyang kanina pa nagsisimulang kumilos ang mga tao.


Nakuha ng pansin niya ang nakatalikod na bulto ng isang lalaki. Abala ito sa pagsisibak ng mga kahoy panggatong. Bigla siyang napakunot-noo ng mapagtanto kung sino ito. It was Nicollo, ang taong lagi niyang nakakabangayan sa nagdaang mga taon.


Dahil nakatalikod naman ito sa kanya ay nabigyan siya ng pagkakataong pagmasdan ito. Hindi naging hadlang ang galit niya rito para hindi niya mapansin ang napakagandang hubog ng katawan nito lalo pa’t wala itong pang-itaas na damit kaya kitang-kita niya ang malapad nitong likod na nangingintab dala ng pawis.


Napalunok siya. Biglang nanuyot ang kanyang lalamunan. He can’t deny the fact that the person he hated most has a well-built body. Isang uri ng katawan na kahit sinumang mapapatitig dito ay mapapahanga at matutulala. Hindi rin niya maikakailang wala pa siyang nakikitang lalaki na napaka-sexy tingnan habang may hawak itong palakol.


Wag mong purihin yan! Hindi yan tao di ba? At mortal mo siyang kaaway. You should not praise your enemy, Lantis! Ang biglang wika ng isang bahagi ng utak niya.

Napasimangot siya. Oo nga naman, dapat hindi niya pinupuri ang isang napakawalang-kwentang nilalang na tulad nito. Iiwas na sana siya ng tingin at ihihiga muli ang sarili nang bigla itong lumingon sa gawi niya na ikinataranta niya ng husto because now, he has the full access to the front view of Nicollo’s body. Kung kanina na nakatalikod ito ay napahanga na siya lalo naman ngayon na kitang-kita niya ang harapang bahagi ng katawan nito. Nicollo’s bulging biceps, broad shoulder and powerful chest made him forget the world.


Gumuhit ang ngiti nito sa mukha habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Isang napakagandang ngiti na ngayon lang niya nakita rito dahilan para bumalik ang kanyang katinuan.


Pasimple niyang iniba ng direksyon ang kanyang tingin ngunit hindi niya maikakaila ang matinding pagpintig ng kanyang puso. Kasing tindi iyon ng kanyang nararamdaman para sa taong lubos niyang kinamumuhian.


Hindi ko siya dapat pinupuri! And why the hell my heart is thumping like this! Ang hindi niya maiwasang maisatinig sa isipan dala ng iritasyon. Iritasyon sapagkat ngayon, hindi na naman magkamayaw ang tibok ng kanyang puso. Palagi itong nangyayari sa kanya tuwing magsasalubong ang landas nila ng kanyang mortal na kaaway. And he hated it.


Hindi niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kanya.


“Mabuti naman at gising ka na.” Wika nito. “Nagugutom ka na ba? Sandali lang at ikukuha kita ng pagkain.”


Nabaling ang tingin niya rito hindi lang dahil sa sinabi nito kung hindi pati na rin sa tono ng boses nito. May nahimigan siyang paglalambing sa uri ng pagbitiw nito ng mga salita na lubos niyang ipinagtaka.



“Oh, nagsalubong na naman iyang kilay mo.” Wika nito kasabay ng pagbitiw ng isang nakakabighaning ngiti. “Diyan ka lang, ikukuha na kita ng almusal mo.” Saka ito umalis mula sa may bintana at tinungo ang loob ng bahay.


Naiwan siyang punong-puno ng pagtataka sa inaasta nito. Kilala niya si Nicollo, kilala niya ang kababatang nakatira katapat ng bahay nila at alam niyang wala sa bokabularyo nito ang maging mabait o magpakita man lang ng katiting na konsiderasyon sa lahat ng bagay. Nicollo is the type of person who only thinks about himself, ni hindi nito kayang magpakita ng interes sa lahat ng bagay maliban sa pusang lagi nilang pinag-aawayan.


Maya-maya lamang ay pumasok na ito sa silid na kinururoonan niya na may dalang tray ng pagkain. Again, he can’t help but admire the person who’s in front of him, kahit anong pigil niya sa kanyang sarili.


“Maagang umalis si Aling Marta kasama si Shiela papunta sa kabilang baryo para dalawin ang biyenan niya. Sina Mang Andoy naman ay naroon ngayon sa bukid nila kasama sina Popoy at Rodney.” Wika nito habang inilalapag sa upuan ang mga dalang pagkain.


Binalingan siya nito.


“Masakit pa ba ang paa mo?”


“Hindi na.” Matipid niyang tugon saka umuwas ng tingin dito. Hindi niya maintindihan ang sarili pero parang may mali, hindi siya sanay na umaasta itong mabait sa harap niya.


Hindi ba’t sinabi na niya sa ‘yo na gusto na niyang makipagbati? Usal ng isang bahagi ng utak niya. At hindi ba ilang araw na ring nagiging kakaiba ang ikinikilos ng taong ‘yan?


Oo nga naman. Napapansin niyang ilang araw na ngang nagiging kakaiba ang kinikilos nito para sa kanya at nagsimula iyon pangalawang araw pa lamang nila sa probinsiya.


“Mabuti naman. Sige, kumain ka na. Susubuan na lang kita para hindi ka na mahirapan pa.”


Napatingin siya rito na puno ng pagtataka. Ano raw? Susubuan siya nito? At kailan pa ito naging ganoon kabait sa kanya? And why on earth, all of a sudden nakadama siya ng kaunting kilig sa narinig mula rito. Di ba nga’t matagal na niyang kinalimutan ang nararamdaman niya para sa isang ito dahil alam niyang wala siyang mapapala sa isang taong hindi alam kung papaano pahalagahan ang iba.


Akmang susubuan na nga siya nito ng maagap niya itong pigilan.


“What are you doing Nicollo?” Kunot-nuong tanong niya rito.


“Pinapakain ka?” Inosenteng tugon naman nito.


“Kaya kong kumain ng mag-isa at hindi mo na kailangang subuan pa.” May diin niyang sabi.


“Alam ko, pero di ba mas maganda kung susubuan na lang kita para di ka na mapagod pa?”


“Nang-aasar ka ba? Hindi ako inutil para subuan mo.” Pigil ang inis niyang wika rito.


“Ako, nang-aasar? Hindi ah! Bakit, naasar ka ba? At wala akong sinabing inutil ka, inutil lang ba ang sinusubuan sa mundong ‘to?” Nakangisi nitong tugon.


Aba’t talagang nananadya ang isang to, ah!


“Lumabas ka na Nicollo, kaya ko nang kumain mag-isa.” May diing pagtataboy niya rito.


“Nagsusuplado ka na naman, Lantis.” Kahit ang pagsagot sa kanya nito ay kakaiba ang dating sa kanya.


“Lumabas ka na Nicollo.” Muling wika niya.


“Sabi ko nga lalabas na ako.” Ngingiti-ngiti nitong sabi saka tumayo. “Ang sungit mo talaga, noh? Kapag may kailangan ka tawagin mo lang ako.”


Nakalabas na nga ito ng k’warto subalit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin niya maiwasan ang magtaka sa kakaibang ikinikilos nito. Parang may napapansin siyang kakaibang kinang sa mga mata nito tuwing nagsasalubong ang mga tingin nila.


Was that an amusement? Para saan naman ‘yon? Ang hindi niya maiwasang maitanong sa kanyang sarili. At bakit parang iwas itong mainis siya ng todo rito? What happened?


Dahil wala naman siyang makapang kasagutan sa mga tanong na namumutawi sa kanyang isipan ay pinagpasyahan na lang niyang lantakan ang pagkaing dinala nito para sa kanya. Kahit ang mga iyon ay nakakuha ng pansin niya dahil ang pagkaing nakahanda ngayon sa harapan niya ay ang mga pagkaing gustong-guto niya tuwing almusal.


Si naynay siguro ang nagluto nito. Napangiti siya sa naisip. Kahit kailan talaga ay napakaalaga ng dating yaya niya sa kanya. Noon pa mang bata pa lang siya, sobrang maalaga na nito sa kanya na halos ituring na siya nitong tunay na anak.


“Tunay na anak.” Ang pabulong niyang wika kasabay ng pagkawala ng ngiti sa kanyang mukha nang may bigla siyang maalala.


“Nasa tamang edad na si Lantis para malaman ang totoo.”


“Bakit pa natin kailangang sabihin ang totoo sa kanya, Anabeth? Hindi na importante iyon ngayon.”


“Kailangan, dahil lumalaki na siya at pasasaan ba’t malalaman niya rin ang lahat. Mas malapit sa’yo ang loob ng anak ko Philip, nasisiguro kong maiintindihan niya kapag ikaw ang nagsabi.”


“Hindi ko sasaktan si Lantis, Anabeth. Kung gusto mo, ikaw ang magsabi sa kanya.”


“Hindi ko kaya, Philip.”


“P’wes hindi ko rin kaya. Kung ikaw nga na ina niya ay hindi mo magawang sabihin ang totoo, ako pa kaya? Mahal ko si Lantis, Anabeth at itinuturing ko na rin siyang tunay kong anak. Kaya bakit pa natin kailangang sabihin ang totoo?”


“Dahil iyon ang dapat.”


Iyon ang tagpong naabutan niya nang umuwi siya isang hapon mula sa ekwelahan ng malamang dumating na ang pinakamamahal niyang ama. Ngunit hindi katulad noon na sa tuwing uuwi ito ay ibayong saya ang nararamdaman niya, sa mga oras na iyon pagtatampo ang naramdaman niya.


He was in grade six that time at sa murang edad na iyon nang malaman niya ang katotohanang ang inaakala niyang ama na mahal na mahal niya ay hindi naman pala talaga tunay niyang ama ay ibayong kirot ang naramdaman niya.


Noong una ay inakala niyang galit ang nararamdaman niya sa ginawa nitong pagsisinungaling sa kanya subalit habang lumalaki siya, doon niya napagtantong hindi pala galit iyon kung hindi hiya. Nahihiya siya sa kanyang sarili sa katotohanang hindi siya tunay na anak nito at dahil doon ay tuluyan niyang inilayo ang kanyang sarili dito.


He never cared to know who his real father was dahil para sa kanya, ang totoong ama niya ay ang taong nagparamdam sa kanya how special he is and that was his foster father. Pero hindi niya magawang malapitan ito kahit anong gusto niya. Sapagkat hindi niya alam kung papaano ito ituturing pagkatapos niyang malaman ang lahat.


Ipinagpapasalamat niyang may nakilala siyang mga taong kahit papaano ay nagawang maipalimot sa kanya pansamantala at naging sandigan niya sa mga nagdaang taong iyon - ang apat niyang kaibigan na sina Alexis, Maki, Jay at Nicollo subalit isang damdamin ang pinukaw ng huli sa kanya. Damdaming hindi niya inakalang mararamdaman niya sa isang taong walang pakialam sa mundo at walang pakialam sa nararamdaman niya.


Sa sobrang pag-iisip ay hindi na niya napansin ang muling pagpasok ni Nicollo.


“ Hindi mo ba nagustuhan ang niluto kong almusal?.” Untag nito sa kanya.


Wala sa sarili siyang napatingin dito.


“Sabi ni Aling Melissa iyan daw ang paborito mong agahan kaya iyan ang linuto ko para sa ‘yo pero mukhang hindi mo naman ‘ata nagustuhan.”


Napakunot-noo siya. Una, dahil hindi siya makapaniwalang ito ang nagluto ng almusal niya at pangalawa ang nahimigan niyang lungkot sa boses nito.


Lumapit ito at kinuha sa kamay niya ang kanyang hawak na plato na maagap naman niyang napigilan.


“Hindi pa ako tapos.” Wika niya. Hindi niya alam kung bakit iyon ang naisipan niyang sabihin basta ang alam lamang niya hindi niya nagustuhan ang nahimigang lungkot dito sa pag-aakalang hindi niya nagustuhan ang almusal na hinanda nito para sa kanya.


Gumuhit ang isang nakakabighaning ngiti dito na hindi niya alam kung para saan ngunit imbes na punahin iyon ay itinutok na lamang niya ang kanyang atensyon sa pagkain.


“Pagkatapos mong kumain, sasamahan naman kitang maligo. Iyon ang bilin sa akin ni Aling Melissa dahil baka mabasa iyang pilay mo.”


Nabaling ang tingin niya rito na punong-puno ng pagkabigla.


“Ano kamo?” Naibulalas niya.


“Oh, bakit? Ayaw mo bang maligo? Aba, hindi ka pa naliligo mula kahapon, ah.” Batid niyang pinipigilan nitong mapangiti sa hitsura nito ngayon.


“Hindi p’wede!” Protesta niya.


“Ang  maligo ka?” Pa-inosenteng tanong naman nito. “Sinong may sabi?”


“Nanadya ka ba?” Pinukol niya ito ng masamang tingin. “Ihahatid mo lang ako sa may poso pero hindi mo ako sasamahang maligo.” May diin pa niyang dagdag.






Tulad nga nang sinabi nito matapos siyang kumain ay dumiretso na nga sila sa may poso  na nasa likod ng bahay. Nakaalalay ito sa kanya at ingat na ingat na hindi niya maitapak ang may pinsalang paa habang may bitbit na isang upuan sa kanang kamay nito.


“Umupo ka lang diyan, ako na ang bahalang magbomba ng tubig para sa gagamitin mo.” Wika nito.


“Basta pagkatapos mong lagyan ng tubig iyang balde umalis ka na.” Wika niya rito.


“Ayon ang hindi p’wede kasi hindi pa rin ako naliligo ngayon, kaya sasabayan na kita.” Nakangising tugon nito.


“Hell no!”


“Hell yes! Huwag ka nang kumontra, tutal may damit naman akong maliligo kaya ‘di mo kailangang kabahan.”


“At sinong nagsabi sa ‘yong kinakabahan ako kapag nakikita kitang walang damit?” May bahid ng inis niyang sabi. Nahahalata niya kasing sinasadya siya nitong asarin.


“Ang mga paru-paru kanina.”


“Eh, kung ihampas ko kaya iyang balde sa ‘yo nang makita mo ulit ang mga paru-parung sinasabi mo.”


Tumawa lang ito sa tinuran niya.


Sinimulan niyang maghubos habang ito ang taga bomba ng tubig na gagamitin niya. Napapansin niya ang panaka-naka nitong pagsulyap sa kanya.


“Ano tinitingin-tingin mo riyan?” Sita niya rito.


“Wala. Masama na bang tumingin ngayon?” Pagrarason naman nito.



“Masama kung sa akin ka nakatingin.”


“Bakit?” Painosenteng tanong nito. “Hindi ka ba komportable na nakatingin ako sa ‘yo?”


“Oo, dahil hindi ka tao.” Tugon niya rito.


“Bakit ikaw, hindi naman ako nag-react no’ng pinagmamasdan mo ako kanina, ah.”


“Wala akong maalala na pinagmamasdan kita, Nicollo. ‘Wag kang masyadong mangarap.”


“Talaga? Eh, bakit nahuli kitang nakatingin sa akin kanina habang nagsisibak ako ng kahoy? At..” Ngumisi muna ito ng nakakagago bago nagpatuloy. “At bakit parang natulala ka no’ng humarap ako sa’yo? Pinagpapantasyahan mo ba ako, Lantis?”


Nakaramdam siya ng biglang pag-init ng kanyang magkabilang pisngi sa tinuran nito. Hindi niya akalain na napansin pala nito ang ginawa niyang pagtitig niya rito kanina.


“Silence means yes.” Ngingisi-ngisi nitong turan.

“Hindi kita tinitigan kanina!” Kaila niya at sinabuyan ito ng tubig na hindi naman nito naiwasan.


Ang sumunod na nangyari ay isang himala para sa kanilang dalawa. Nagkakatawanan silang nagbabasaan na parang hindi mortal na magkaaway. Weird, dahil pansamantala niyang nakalimutan ang galit na meron siya para rito.






Maagang nagising si Lantis kinabukasan. Tulad ng ginawa niya sa nagdaang araw ay sinubukan niyang igalaw ang kanyang may pinsalang paa at ikinatuwa niya na kahit papaano ay kaunting kirot na lang ang nararamdaman niya.


Dahan-dahan siyang bumangon at sinubukang maitapak ito. May kaunting kirot pa siyang naramdaman pero konti na lang iyon. Napansin niya rin na wala na ang pamamaga nito. Napangiti siya, sa wakas ay makakapaglakad-lakad na ulit siya ng walang mag-aalalay sa kanya.


Napansin niya ang natutulog na pusa at kinarga ito.


“Tingnan mo Karupin, magaling na ang paa ko.” Pakikipag-usap niya rito. “P’wede na ulit kitang mapakain ngayon.”


“Mabuti naman at mukhang ayos na ulit iyang paa mo.” Ang bungad sa kanya ni Popoy.


Sinimangutan niya ito. Napapansin niya kasi ang ginagawa nitong pag-iwas sa kanya simula ng maaksidente siya na alam niya kung bakit. Sinisisi nito ang sarili sa nangyaring kamalasan n’ya.


“Bakit ka nandito? Di ba dapat iniiwasan mo ako.” Ang wika niya rito.


Lumapit ito sa kanya.

 “Nagtatampo ka na niyan?” Sabi nito na ginulo pa ang kanyang buhok na lagi nitong ginagawa sa kanya noon pa mang magsimula ang kanilang pagkakaibigan. Popoy was like a bother to him, ito ang taong napagkuk’wentuhan niya ng lahat-lahat na hindi niya maikuwento sa iba.


“Sira!” Ang natatawa niyang wika. Alam talaga nito kung papaano siya agad aaluin kapag may topak siya.


Tumabi ito ng upo sa kanya sa kanyang higaan.


“Pasensiya ka na pala sa kapabayaan ko, ah. Napahamak ka pa tuloy.” Seryoso nitong wika.


Nginitian niya ito. Kahit bihira lamang silang magkita nito ay hindi iyon naging hadlang para maging matatag ang kanilang pagkakaibigan. Sila ang tamang example na ang kaibigan ay hindi kailangang palaging nasa tabi mo para maramdaman mo na sinsero iyon dahil tulad ng pagkakaibigan nila ni Popoy, malayo man sila palagi at minsan lang magkita ay batid naman niyang malalim pa sa mga magkakaibigang araw-araw na nagkikita ang ugnayang namamagitan sa kanila.


“Ayos lang iyon. Hindi mo naman talaga kasalanan ang nangyari sa akin kaya ‘wag mo ng isipin yon. Ayos ba?”


Nginitian siya nito saka tumango.


“Masaya ako na nagkakaayos na kayo ni Nico. Mukhang sa wakas ay natupad na rin ang matagal mo ng gustong mangyari sa inyo.”


Naik’wento niya rito ang tungkol sa damdaming meron siya sa isa sa mga kaibigan niya at iyon nga ay si Nico. Ngunit ang hindi nito alam ay ang malaking pagbabago sa kanyang nararamdaman sa mga nagdaang taon.


“Hindi na iyon ang gusto ko ngayon Poy.” Kapagkuwan ay wika niya.


“Anong ibig mong sabihin?”


“K-kinalimutan ko na ang nararamdaman ko sa kanya. Sa halos mahigit anim na taon, napagod na rin ang puso ko sa paghihintay na mapansin niya.”


Hindi ito tumugon o nagbigay man lang ng reaksyon sa sinabi niya dahilan para mabaling ang tingin niya rito.


“Hindi iyan ang nakita ko kahapon habang masaya kayong naliligo.” Kapagkuwan ay wika nito.


Natural na nabigla siya. Kung gano’n nakita pala nito ang ginawa nilang kulitan.


“W-Walang ibig sabihin iyon.” Ang pagtanggi niya.


“Huwag mo nang lokohin ang sarili mo Lantis, huwag mo na ring gawing kumplikado ang lahat.”


Siya naman ngayon ang hindi nakasagot rito.


“Panahon na para magtagpo ang mga puso niyo. Matagal na panahon ka na ring naghintay sa pagkakataong ito, huwag mong sanang sayangin ang lahat … lalo na ang sakripisyo ko.”


Hindi niya alam kung tama ang pagkakarinig niya sa huling mga salitang binitiwan nito. Masyado kasing mahina iyon na halos hindi na niya marinig.


“Popoy ––”


Hindi na niya natapos pa ang kanyang sasabihin nang biglang pumasok sa k’warto niya ang kanyang dating yaya.


“Nariyan na Nicollo.” Wika nito.


“Ganoon ho ba?” Tugon naman ni Popoy dito na may bahid ng pagkadismaya saka ito bumaling sa kanya. “Oh, paano, dalawin mo ulit kami dito, ah.”


“Teka-teka!” Ang naguguluhan niyang wika. “Anong nangyayari?”


“Tapos na ang bakasyon ninyong dalawa rito.” Wika ni Popoy.


“Ano? Hindi pa ako uuwi!” Protesta niya saka binalingan ang ginang. “Naynay, hindi pa ako uuwi.”


“Uuwi na kayo ni Nicollo, Lantis.” Si Popoy.


“Bakit?”


“Dahil iyon ang dapat.” Tugon nito sa kanya.


Hindi niya maiwasang magtaka sa biglaang pag-iiba ng ikinikilos nito na para bang itinataboy siya.


“Pero hindi ko pa gustong umuwi. Bakit parang itinataboy mo ako? Ano ba ang nangyayari?”


“Hindi ka namin itinataboy anak.” Ang mahinahong wika ng kanyang yaya Melissa.


“Kung gano’n bakit niyo ako pinipilit na pauwiin, nay? Akala ko ba p’wede ako rito sa inyo hanggang sa gusto ko?”


“Dahil kailangan mo nang ayusin ang problema mo at ng Daddy mo.”


Napatingin siya kay Popoy na agad namang nag-iwas ng tingin sa kanya.


“Sinabi mo sa kanila?” May pagpaparatang niyang wika. “Akala ko ba mapagkakatiwalaan kita?” Hindi niya maiwasang makadama ng galit rito. Si Popoy lamang sa lahat ng tao ang pinagsabihan niya ng totoong dahilan kung bakit siya umiiwas sa kanyang ama dahil akala niya ay mapagkakatiwalaan niya ito.


“Uuwi ka ngayon sa inyo Lantis at haharapin mo na ngayon ang Daddy mo.” May pag-utos na wika ng kanyang yaya Melissa.




Itutuloy:

34 comments:

PENSandPAPERS said...

Yeah BoY~!! Buti nalang gising pa ako.. hahah!
Basa muna ako. :D

PENSandPAPERS said...

awwwwwwwwwwwwwww!! Tapos nako, pero bitin pa rin.. hahaha. :)

Anonymous said...

ayyyyyyyy bittttttttttiiiiiiinnnnnnn.. hehehehe

-rayne

Gerald said...

Nice one. Keep it up!

Anonymous said...

bitin nga :)) next na zild, wag mo na hintayin bukas haha joke

-emman

Unknown said...

wag na sana umeksena c popoy.. :p

Anonymous said...

salamat po kuya Z, tony po ito, kahit medyo late na tinapos mo po parin, ang galing mo parin kuya, nasagot na po ang tanung ko na bakit ganun c lantis,,, kuya z, keep it up!!! Kaya mo yan, and more powers to you!!! muah!!

Erwin F. said...

Ayiiiiiiieeeeeee basaan! Shet wet na wet!

Pbb teens! Ahahahaha!

mncantila said...

keep the good job kuya zildjian.. exciting ang story na ito.. i love it

Anonymous said...

grabe...wapak ang mga eksena..parang sa pelikula lang halos..may drama, may romance...lahat na yata nandito sa istorya na to..nice one zeke..hindi mu naman kami binigo..eheheh

-iamronald

Anonymous said...

Yes!merun na!!can't wait for chapter 7:)

Riley

--makki-- said...

"Kinalimutan ko na ang nararamdaman ko sa kanya. Sa halos mahigit anim na taonn napagod na rin ang puso ko sa kakahintay na mapansin niya."

Waaaaahhh! Narinig kaya yun ni Nico?

To Love is to Sacrifice nga naman! bilib na ako kay Popoy.. :D

Chris said...

ang ganda kuya! sana maintindihan naman ni Lantis na gusto lng tumulong ni Popoy. hehe. salamat kuya!

Jay-ar said...

yeey sana tuloy tuloy n ang pagbabati ni lantis and nicollo...thanks zild

I AM CHRIS_LEE#027 said...

Huwawwwwww.....ang ganda keep it up mwuah kuya z salamat sa story...

Anonymous said...

yes.. salamat sa update..

kiligeness sa poso.. haha

God bless.. -- Roan ^^,

Tommy said...

Now I know kung bakit, nagbago si lantis sa daddy nia. :D, kilig much sa kanila ni nichollo :D

Anonymous said...

ganoon pala ang ngyari, akala q nahuli ni lantis ang daddy nya na may babae.

Nice!

Kawawa nman si popoy.

Kalito lang, sino ang top at bottom kila lantis at nico? Lol! Yun talaga ang term n ginamit. Kasi parang parehong bottom. Lol

kimbelnel said...

Z, mdyo nagiging predictable na ung story
hahahaha.,.
but super galing ng friend ko
keep it up
andto lang ako pag kailangan m na ng tulong, kawawa naman kz yang 2mb mung brain.,hahaha

Anonymous said...

=______=
lol

wala na sira n tlaga sked ko bwahhahaha
anyways i liked it :D bwahahahahah :D

Galing ni great otor zildjian

-yume

Anonymous said...

lababo scene naaaaaaaaaaa sana.....ang galing galing namn ni z'

Anonymous said...

Anak ng tipaklong! Kinilig ako dun ah hahaha galing talaga ng flow ito pinaka interesting na story para sa akin ang cute kasi nilang dalawa parang ako lang hahaha. Galing mo talaga master . Ikaw na ikaw na talaga ....


Karl rickson

russ said...

go yaya hehehe....ano ba yung lababo scene?hehehe di ko alam eh

TheLegazpiCity said...

Spell BITIN...hihihihi

Pa excite moch c otor..hahaha

But indeed GANDOLA...

Anonymous said...

shocks!
kagulat ituu

speechless aco ,, excited ako nabitin!

gondo gondo!

<---- demure

Anonymous said...

yun yun eh..YUN YUN..hahaha..I JUST LOVE IT! Popoy did the right thing. And Lantis, wag ka na mag-inarte, magpasalamat ka nalang kay Popoy dahil sa mga ginawa nito para sayo. Ganun ka niya kamahal. Even letting go of his feelings for you para lang sumaya ka. The best!

-J

Anonymous said...

waahhhh prng PBB teens lang.haha popoy-lantis-nicollo..hahaha wee sana maayos na ni lantis ang lahat lahat

and sana my story kay popoy after this..hahahaha

Rhaj

robert_mendoza94@yahoo.com said...

at last may update na, he he he. sana, pagtagpuin na ang damdamin ni lantis at nicollo. . . maauz na din sana nya ung magandang relasyon nila ng stepdad nya. . . galeng mo tlaga gumawa ng story. hanep!

mncantila said...

so excited for the next chapter kuya.. nakaabang na ako palagi

Anonymous said...

hays. Bitin. Kudos ulit.

Marky

James Chill said...

Ayan na! Face to face na!!! Haha.. Lakas maka tsang amy ni naynay.. Haha.. Gondo!

Ryge Stan said...

nice one zild hehehe. you never stop to amazed me sa mga sinusulat mo eto ang iniintay ko ang maayos ang lahat din after nun ung sa knila namn ni Nico.

Take care and have a great day Zild.

Anonymous said...

This is it... dapat naman na talaga niyang ayusin yon... he should be thankful dahil sa mabuting tatay siya napapunta kasi kung iba iba yan... baka binugbog pa siya nung foster father niya... and besides, nicollo is there naman na para supprtahan siya and i know nicollo will offer hos shoulder when lantis needs someone to cry on...


Nice work daddy zeke, talagang lahat ng story mo may mapupulutang aral...


-eusethadeus-

Anonymous said...

hahaha..nakakatawa ung ligo moment nila!at least,,naiba nmn sa lagi nilang pagbabangayan..hehe

oops,,mukang un ang naisip na way ni popoy pra magbigay daan para kina lantis at nico?...ang magalit si lantis sa kanya...kaya nya sinabi ung sikreto nito?hhmm..sad nmn..

-monty

Post a Comment