Story Cover By: WinwinTowtz
Written by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com
blog: ZildjianStories
Author's Note:
Oh! Ha!! Hahaha Heto na po ang Chapter 05
ng Complicated Cupid!!
Grabe na ito! Haha limang chapter nalang
ang natitira pero habang tumatagal ang kwento lalo naman akong nahihirapan.
Panira ng 2MB kong utak ang dalawang character ko dito. HAHAHA
Nga pala mga paps. Gusto ko sana kayong
pasalamatan sa mga comments na iniwan niyo sa chapter 05 lalong-lalo na sa mga
taong send sa akin ng emails para lamang purihin ako. Ayieeee!!! Na tats talaga
ako sa inyo LOL. Anyway, naway ma enjoy niyo ang chapter na ito! Ingat lagi!!!!
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to
any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains
all rights to the work, and requests that in any use of this material that my
rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner
without my permission.
Matamang pinagmamasdan ni Nicollo ang walang
malay na si Lantis. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nabigyan siya ng
pagkakataon na mapagmasdan ito ng matagal. Nakakatuwa nga lang isipin na
kailangan pang may masamang mangyari rito para malapitan niya.
Kanina, nang mabalitaan niya ang masamang
nangyari rito ay halos mabuwal ang kanyang dibdib sa ibayong kaba lalo na nang
makita niya ang pamamaga ng kaliwang paa at ang mga galos sa mukha at kamay
nito. Ayon kay Popoy, ay umakyat daw ito
sa isang puno ng santol sa kahilingan ni Shiela at doon nga ito aksidenting
nahulog.
Dahil sa malayo sa sibilisasyon ang lugar
ay isang manghihilot ang kinuha ni Aling Mellisa para tumingin dito. Ayon nga
sa matandang manghihilot ay napinsala ang kaliwang paa nito na agad naman
nitong tinapalan ng kung anumang dahon para mapigilan ang pamamaga.
Muli niyang dinama ang noo nito gamit ang
kanyang palad. Ipinagpasalamat niya na kahit papaano ay bumaba na ang lagnat
nito.
“Bakit ba naman kasi naisipan mong maging
unggoy, hindi ka naman pala marunong sumabit sa puno.” Mahina niyang turan.
Mataman niya itong pinagmasdan. Napakaamo
nitong tingnan habang natutulog at halos hindi niya mapigilan ang mapangiti.
Hindi naging hadlang ang mga galos sa mukha nito para mabawasan ang angkin
nitong tikas. Lantis has this deep set eyes paired with thick lashes. Pointed
nose and thin lips. Tulad niya ay maputi rin ito o mas maputi pa nga ‘ata ito
sa kanya. Ngayon lang siya nabigyan ng pagkakataong matutukan ito ng husto.
Naramdaman niya ang ang isang bagay sa
kanyang may paanan. Nang tingnan niya ito ay naroon ang pusang lagi nilang
pinag-aawayan at ikinikiskis nito ang ulo sa kanyang paa.
“Nagugutom ka na siguro Karupin.” Siya man
ay bahagyang nabigla sa pagtawag niya nito sa pangalan na si Lantis ang
nagbigay.
Binuhat niya ito.
“So, i guess your name is Karupin now,
huh?” Pakikipag-usap niya sa pusa sa manihang tinig. “Hindi na masama, cute din
naman ang Karupin sa’yo. Halika, pakakainin muna kita habang nagpapahinga ang
amo mo.” Muli siyang napangiti. Iba na talaga ang nangyayari sa kanya. Ang
dating pinagdadamot niyang pusa na inalagaan niya ng husto ay basta-basta na lang
niya ngayon isusuko para sa ikaliligaya at ikatatahimik nilang dalawa ng taong
hindi niya lubos akalain na mamahalin niya.
Dinala niya ang pusa sa kusina kung saan
naroon si Aling Mellisa at abalang naglilipit ng mesa.
“Nico, ipinagtabi kita ng makakain kung
sakaling gutumin ka.” Wika nito sa kanya.
“Salamat po, pero hindi pa po ako
nagugutom. Itong si Karupin na lang muna ang pakakainin ko, hindi kasi ito
napakain kanina ni Lantis.”
“Nico, ako na ang humihingi ng pasensiya sa
nangyari kay Lantis. Dahil sa kakulitan ng bunso ko, hayon at napahamak pa
siya.”
“Hindi naman kasalanan iyon ni Shiela,
Aling Melissa. Aksidente po ang nangyari kaya wala kayong dapat ihingi ng
paumanhin.” Tugon niya sa ginang. Kanina pa niya kasi napapansin na sobra itong
nabagabag sa nangyari sa alaga nito.
“Kung hindi sana kasi naging pabaya si
Popoy hindi sana si Lantis ang kukulitin ni Sheila para umakyat ng puno. Ano na
lang ang sasabihin sa akin nina Ma’am at Sir kapag nalaman nilang pinabayaan ko
ang anak nila na nasa puder ko pa mismo.”
“Malaki na po si Lantis, hindi na siya ang
batang inaalagaan niyo noon. Marunong na po siyang mag-desisyon sa kung ano ang
dapat at hindi dapat.” Wika niya sapagkat bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha
nito.
Nginitian niya ito. Isang napakagandang ngiti na sa kauna-unang pagkakataon ay naibigay niya sa ibang tao.
“Huwag na ho kayong mag-alala sa kanya.
Nasisiguro kong hindi niya magugustuhan kapag nakita niya kayong ganyan. Kilala
niyo naman po si Lantis, ayaw niya ng may nag-aalala sa kanya.”
Hindi ito agad nakatugon na para bang nauwi
ito sa isang malalim na pag-iisip.
“Tama ka.” Kapagkuwan ay wika nito.
“Masyado na ngang nag-iba ang batang iyon. Maski ako ay naninibago na sa
kanya.” Ang may lungkot nitong turan.
“Ano ho ang ibig niyong sabihin? Hindi nga
ba’t napaka-close niya nga po sa inyo.” Takang tanong naman niya. Pagdating
talaga kay Lantis ay nag-aactivate bigla ang curiosity niya.
“Hindi naman kasi ganyan si Lantis noon.
Mabait na bata si Lantis, madaling alagaan, kaya nga napamahal siya sa akin ng
husto na halos ituring ko na rin siyang anak ko. Nagsimula lang naman ang
pagbabago niya nang biglaang malayo ang loob niya sa Daddy niya. Inakala namin
noon na pagtatampo lang iyon ng isang bata ngunit habang tumatagal ay lalo
lamang tumindi iyon na halos umabot sa punto na kapag umuuwi ang Daddy niya sa kanila
ay hindi siya naglalalabas ng kwarto.
Napakunot noo siya. Muli niyang binalikan
ang lahat ng mga panahon na magkakasama silang magkakaibigan. Hindi nga
nababanggit sa kanila ni Lantis ang tungkol sa ama nito. Puro ang Mommy nito
ang ikinukuwento nito sa kanila noon.
Kung
gano’n, ang papa niya ang tinatakasan niya? Pero bakit? Ang mga katanungang agad na pumasok sa kanyang isipan.
“Hindi niya ba naikwento sa inyo ang
dahilan kung bakit malayo ang loob niya sa kanyang ama?” Pang-uusisa niya rito.
Umiling ito.
“Ilang beses kong sinubukang itanong sa
kanya ang dahilan kahit ang Mommy niya, pero hindi talaga siya nagsasalita. Hindi
naman namin mapilit dahil kapag sinusubukan namin ay pati kami ay hindi nito
pinapansin ng ilang araw.”
“Kung gano’n, simula pagkabata ay hindi na
niya nakakasundo ang Daddy niya?” He concluded.
“Hindi, napaka-close ng mag-ama na iyon sa
isa’t isa noon na halos kapag umuuwi ang Daddy niya ay ito lagi ang katabi
niyang matulog hanggang sa makaalis ulit ito. Kaya nga ang laki ng pagtataka
namin nang isang araw ay biglaan na lang naging malamig siya sa kanyang ama.”
“Ni minsan ba ay hindi na sila nag-usap ng
Daddy niya simula ng mangyari iyon?”
“Mailap na bata si Lantis, siya ang tipong
hindi mo malalapitan hanggat hindi ka niya hahayaan. Ilang beses na sinubukan
ni Sir na kausapin ang anak niya subalit laging umiiwas si Lantis. Sobra nga
kaming nagtataka dahil sobrang close talaga ng mag-amang iyon. Hanggang ngayon,
palaisipan pa rin sa akin ang dahilan ng paglayo ng loob ng batang iyan sa
kanyang ama.
Siya man, matapos marinig ang lahat mula
kay Aling Melissa ay hindi niya rin maiwasan ang magtaka. Alam niyang mahirap
ngang makuhanan ng impormasyon ang masungit at palaging aburidong si Lantis
pero hindi niya maikakailang ngayon lang niya halos nakilala ito. Ngayon, naiintindihan
na niya kung bakit siya nito kinasusuklaman.
Bigla siyang nakadama ng hiya sa sarili.
Maki and Lantis was right after all, sarili lang talaga niya ang iniisip niya
noon, ni hindi siya nag-abalang itanong sa mga kaibigan niya kung may mga
bumabagabag ba sa mga ito. At sa sobrang pag-iisip niya para sa kanyang sarili
ay hindi na niya nabigyan pa ng pansin ang mga damdamin ng mga itinuturing
niyang kaibigan, including Lantis.
How assuming of him to think that he was
truly a friend to them in the first place? Ni wala nga siyang nagawa para sa
pagkakaibigan nila. Ang mga ito lagi ang nag-aadjust para sa kanya.
“Alam kong hindi lang ang pusang iyan ang
dahilan kung bakit ka dinala ni Lantis dito Nicollo. Subukan mong alamin ang
dahilan na iyon at baka sakaling masagot lahat ng mga katanungan natin.
Kapagkuwan ay wika ng ginang.
“A-Ano ho ang ibig ninyong sabihin?”
“Ipakita mo kay Lantis na hindi ikaw ang
inaakala niyang ikaw. Na kaya ka niyang pagkatiwalaan ng lahat ng bagay sa
kanya.”
“Malabo hong mangyari iyon.” May bahid ng
lungkot niyang sabi. “Baka si Popoy po p’wede pa. Pero ako? Hinding-hindi ho niya
ako pagkakatiwalan dahil kasing laki ng mundo ang galit niyon sa akin.”
“Kaya ba kahit ang kumain ay ‘di mo ginawa
masulit lang ang pagkakataon na malapitan siya?” Huling-huli siya nito. Aaminin
niya, talagang sinadya niyang hindi kumain huwag lang mawalay sa tabi ng taong
labis siyang kinamumuhian. Iyon lang kasi ang nakita niyang pagkakataon na
makalapit dito na hindi siya nito maitataboy.
Napayuko siya tanda ng pag-amin. Naramdaman
na lang niya ang marahang paghagod ng ginang sa kanyang likuran.
“Tandaan mo ito anak, hindi lahat ng
ipinapakita ng tao ay totoo. ‘Wag kang tumingin sa isang direksyon lang, malay
mo, nasa kabilang banda pala ang mga bagay na dapat mong makita.” Malalim
nitong wika.
Hanggang makabalik siyang muli sa k’warto kung
saan mahimbing pa ring natutulog si Lantis ay paulit-ulit pa ring tumatakbo sa
kanyang isipan ang mga narinig mula kay Aling Melissa lalo na ang huling mga
salitang binitiwan nito sa kanya.
Sa sobrang pag-iisip ay hindi niya napansin
na nakatulog na pala siya. Nagising na lamang siya nang may isang malambot na
bagay na tumama sa kanyang mukha. Pupungas-pungas siyang napamulat at agad na
bumalandra sa kanya ang nakakunot-noo na si Lantis.
“Anong ginagawa mo rito? Bakit diyan ka
natulog? Hindi ba’t dapat sa sala ang p’westo mo?”
Pinulot niya ang unang ibinato nito sa
kanya saka binalingan ang kanyang relo.
“Nagugutom ka na ba? Huwag mo munang itapak
iyang paa mo at baka lalong mamaga. Sabi ng manghihilot tatlong araw pa bago mo
p’wedeng maitapak ulit ‘yan.” Wika niya rito sa mahinahong tinig.
Lalo namang nangunot ang noo nito ngunit
bago pa ito muling makahirit ng kasungitan ay inunahan niya na ito.
“Teka, ikukuha kita ng almusal mo. Hindi ka
na nakakakain kagabi.” At akmang lalabas na sana siya ng k’warto nang muli
niyang maramdaman ang pagtama ng unan sa kanyang likod dahilan para mapalingon
siya.
“Hindi mo sinagot ang tanong ko. Bakit diyan
ka natulog?” Tila pikon nitong wika na ang tinutukoy ay ang upuan kung saan
siya nakaidlip. Ganito na ba talaga kalala ang galit nito sa kanya na makita
lang siya ay agad na umuusok ang ilong nito?
Gusto niyang mapapalatak sa kasungitang
ipinapakita nito sa kanya.
Pambihira!
Ang sungit talaga ng isang ‘to!
Muli niyang pinulot ang unang ibinato nito
sa kanya. Weird, wala na siyang maramdamang inis sa pinapakita nito bagkus para
pa siyang natutuwa na sa wakas nakukuha na ulit niya ang pansin nito.
“Kailangang may magbantay sa ‘yo dahil baka
maaksidente ulit iyang paa mo. Satisfied? Ngayon, p’wede na ba akong lumabas
para ikuha ka ng almusal?” Pilit niyang pinaseryoso ang tinig kahit pa man
halos gusto na niyang mangiti sa hitsura nito. Batid niya kasing lalo lamang
uusok ang ilong nito kung gagawin niya iyon.
“At bakit mo ako ikukuha ng pagkain?” Inis
na turan nito.
“Dahil baldado ka?” Sinadya niyang lagyan
ng sarkasmo ang boses niya para maitago niya ang talagang nararamdaman niya sa
mga oras na iyon.
“Ayaw kong magkaroon ng utang-na-loob sa
mga hindi taong katulad mo.” Asik nito sa kanya. Halatang napikon ito sa sinabi
niya.
“Saka ka na magyabang kung magaling na
iyang mga paa mo.” Wika niya rito at walang anu-ano na siyang lumabas ng
kwarto.
Nang marating na niya ang kusina at
masigurong hindi na siya makikita nito ay doon na niya pinakawalan ang ngiting
kanina pa gustong gumuhit sa kanyang mukha. Hindi niya maintindihan ang sarili
kung bakit kakaibang saya ang naramdaman niya. Dahil ba ilang araw din siya
nitong iniiwasang makausap o kahit tingnan man lang? Did he miss having Lantis’
attention?
I
guess i did. Piping wika niya sa sarili.
“Oh Nico anak, nauna na kaming mag-almusal
sa inyo. Maaga pa kasing umalis sina Andoy papuntang bukid.” Ang wika ni Aling
Melissa nang mapansin siya nito. Abala na ito sa paghuhugas.
“Ayos lang ho iyon. Ikukuha ko nga pala si
Lantis ng makakain, Aling Melissa.” Pagpapaalam niya sa ginang.
“Sige, nariyan sa mesa ang pagkain para sa
inyong dalawa. Ikaw din, kumain ka na at hindi ka pa kumakain mula kagabi. Siyanga
pala, kamusta na si Lantis?”
“Mukhang nakatulong ng husto ang
manghihilot sa kanya. Wala na ho siyang lagnat pero hindi pa rin nawawala ang
kasungitan niya sa akin.” May bahid ng pagbibiro niyang tugon. Kahit kapos sa
tulog ay ‘di niya maikakailang napakagaan ng pakiramdam niya.
Bahagya namang natawa ang ginang sa tinuran
niya.
“Pasasaan ba’t magkakasundo rin kayo.”
Ngingiti-ngiting wika ng ginang.
Muli niyang binigyan ng ngiti ang ginang
bago binalingan ang mga pagkaing nasa mesa.
“Dadalhin ko na ho itong pagkain sa k’warto
niya. Hindi magandang nalilipasan ng gustom ang isang iyon, lalong sumusungit.”
Pagkapasok niyang muli sa k’warto ay
nakahiga nang muli si Lantis. Maingat siyang lumapit dito at umupo sa gilid ng higaan
nito saka ipinatong niya sa upuan ang dalang pagkain. Akmang aalalayan niya na
itong makaupo nang iwaksi lamang nito ang kanyang kamay.
“I can take care of myself. P’wede ka nang
lumabas.”
“’Hindi ako lalabas hanggat hindi ka
natatapos kumain.” Tugon naman niya rito.
“Paa lang ang napinsala sa akin hindi ang
bibig ko. Kaya kong ngumuya ng hindi nangangailangan ng tulong mo kaya p’wede
mo na akong iwan.” As usual nagsusungit na naman ito habang nahihirapang iupo
ang sarili mag-isa.
“Hindi p’wede. Kailangan kong masiguro na
hindi mo maitatapak iyang paa mo. Iyon ang bilin ng manghihilot.” May diin
naman niyang tugon rito. Alam naman kasi niyang hindi ito madadala sa
pakiusapan. Matigas din kasi ang ulo nito.
“Hindi ako tanga para ipahamak ko ang sarili
kong paa.”
“Kaya pala nahulog ka noh? Kasi hindi ka
tanga.” Nang-uuyam niyang bara dito saka niya ibinigay rito ang mangkok ng
pagkain nito. “Hayan, kumain ka na.”
“P’wede ka nang lumabas.”
“Dito lang ako.”
“Kapag hindi ka lumabas hindi ako kakain.”
May pagbabanta nitong wika.
“Kapag hindi ka kumain sasabihin ko kay
Aling Melissa para lalo niyang sisihin ang sarili niya sa nangyaring aksidente sa
‘yo.” Ganting pananakot naman niya rito at mukhang tinamaan naman ito dahil
hindi ito agad nakapagsalita. “Ano, gusto mo bang lalong mag-alala siya sa ‘yo?”
Pinukol siya nito ng masamang tingin saka
padabog na nagsimulang kumain. Lihim siyang nagbunyi, gusto na sana niyang
matawa sa hitsura nito kung hindi lang niya napigilan ang sarili. Dinig niya
ang pagtama ng kutsara sa ngipin nito sa sobrang panggigil na lalo naman niyang
lihim na ikinatutuwa.
“Huwag mo akong tingnan. Hindi ako
natutunawan.” Tila asar na sita nito sa kanya.
“Hindi kita tinitingnan.” Kaila naman niya
saka pasimpleng bumaling ng tingin sa ibang direksyon.
Panaka-naka niya itong pasimpleng
sinusulyapan habang kumakain. Ikinatutuwa niya ang nakikitang gana nito sa
pagkain. Hindi biro ang pinagdaanan nitong sakit sa nagdaang araw sa tinamong
pinsala nito sa kaliwang paa. Sa katunayan, ay nakadama siya ng awa rito nang
makita niya ang ibayong paghihirap sa mga mata nito habang hinihilot. Iyon ang
unang pagkakataon na makita niya itong nasasaktan at hindi niya maitatangging
masyado siyang naapektuhan. He can’t afford seeing him hurt.
“Naiihi ako.” Kapagkuwan ay wika nito at
akmang tatayo na sana nang maagap niya itong mapigilan.
“Aalalayan na kita. Hindi ka p’wedeng
tumayong mag-isa at baka aksidente mong maitapak iyang paa mong may pilay.”
Napakunot ang noo nito.
“What?” Takang tanong naman niya.
“Iihi ako Nicollo. ‘Wag mong sabihin na
pati sa pag-ihi ko kailangan nakaalalay ka?”
“At ano naman ang masama roon? Tara na at
baka dito ka pa magkalat.” Aalalayan na sana niya itong maitayo nang pigilan
siya nito.
“H-Hindi na lang pala ako iihi.”
Siya naman ngayon ang napakunot ang noo
rito. Binigyan niya ito ng nagtatanong na tingin ngunit umiwas lamang ito sa
kanya na animoy may kung anong tinatago.
Ano
na naman kaya ang sumapi rito?Kahit kailan talaga ang hirap intindihin ng isang
ito.
“Basta kung naiihi ka magsabi ka sa akin
para maalalalayan kita.” Kapagkuwan ay wika niya sabay ng pagtayo. “Kakain lang
ako at pakakainin ko na rin si Kero.. si Karupin. Tawagin mo lang ako kung may
kailangan ka.”
Napatingin ito sa kanya, subalit tulad ng
laging nangyayari tuwing nabibigyan sila ng pagkakataon na makapag-usap ng
normal ay hindi ito nagsalita. Ano pa nga ba ang bago, ganito naman palagi ito
pagdating sa kanya. Tumatahimik ito agad kapag normal ang turigan nila sa isa’t
isa.
Dumiretso siya sa kusina at doon tahimik na
kumain. Medyo nakaramdam din siya ng gutom lalo pa’t hindi siya nakakain kagabi
dahil sa pagbabantay sa masungit at palaging aburido niyang pasyente. Nang
matapos ay sunod naman niyang pinakain ang inosenting pusa.
“Mabuti ka pa Karupin, ang dali mong
paamuhin. Hindi ka mahirap alagaan hindi katulad ng bago mong amo na ubod ng
sungit at napakahirap tantiyahin.” Ang
wala sa sariling pakikipag-usap niya sa pusa. Dinilaan nito ang kanyang kamay
at ikiniskis nito ang ulo roon na para bang naintindihan nito ang kanyang
sinabi.
Hindi niya napansin na naroon na pala si
Aling Melissa at tahimik na nakamasid sa kanya.
“Pasasaan ba at mapapaamo mo rin si Lantis,
Nicollo.” Nang lingunin niya ito ay nakaplastar ang ngiti nito sa mukha.
“Nariyan po pala kayo.?” Ang naiwika niya.
“May lakad kayo?”
“Magsisimba ako riyan sa may kapilya sa
baryo. Ikaw na muna ang bahala kay Lantis. Huwag mong masyadong papansinin ang
pagsusungit niyon. Gano’n lang talaga ang batang iyon kapag may gusto na hindi masabi-sabi.”
Nakangiti nitong wika.
“Ang hirap alagaan ng isang iyon. Buti
kinaya niyo siya ng ilang taon.” Nakasimangot niyang tugon.
Napatawa lang ang ginang sa tinuran niya
saka ito tuluyang umalis.
Abala siyang hugasan ang mga pinagkainan
nila ni Lantis nang marinig niyang mapasigaw ito. Patakbo niyang tinungo ang k’warto
kung nasaan ito at tumambad sa kanya ang namimilipit sa sakit na si Lantis sa
ibaba ng higaan.
“Anong nangyari sa ‘yo?” Ang halos nagpapanic
niyang tanong rito. Agad niya itong linapitan at kinilatis ang paa nito. “Sinabi ko naman kasi sa ‘yong hindi mo pa p’wedeng
maitapak ito, eh. Ang tigas naman kasi ng ulo mo!” Di maiwasang makadama ng
inis sa sobrang pagkataranta.
May pag-iingat niya itong inalalayang
maitayo at mapaupo sa may kama. Muli niyang siniyasat ang paa nito.
“Masakit ba? Kailangan na ba kitang dalhin
sa doctor?”
Umiling ito kahit halata sa mukha nito ang
tunay na nararamdaman.
“A-Ayos na ako.”
“Gusto mo ba talaga akong patayin sa
sobrang kaba? Gees! Ang hirap mong alagaan!”
“Sinabi ko bang kabahan ka? Eh, sa hindi ko
na mapigilan ang pantog ko, eh!” Singhal nito sa kanya.
“Di sana tinawag mo ako! Pambihira!” Balik
singhal naman niya rito dala ng sobrang iritasyon sa pagiging pabaya nito.
Muli niya itong itinayo. Siya na mismo ang
nag-akbay ng kamay nito sa kanya. Hindi naman ito nagmatigas siguro ay dahil
nagulat ito sa iritasyong ipinakita n’ya.
“Saan mo ako dadalhin?” Kapagkuwan ay
tanong nito.
“Sa langit, nang mabawasan na ang mga
matitigas ang ulo sa mundo!”
Hindi na ito umimik. Inalalayan niya ito
palabas ng bahay hanggang sa isang punong nakatayo roon.
“Hala sige magbawas ka na. Sa susunod, kung
naiihi ka, sabihin mo agad nang hindi ka na napapahamak pa.”
Pero imbes na sumunod ito ay napatutok ito sa kanya. Discomfort was in his eyes.
“What?” Usal niya.
“Tumalikod ka.” May diin nitong utos sa
kanya.
“Bakit?”
“Anong bakit? Alangan naman ibalandra ko
ang harapan ko sa ‘yo! Talikod!” Tila asar nitong tugon. Kaya pala ito biglang
nabago ang desisyon kanina kasi nahihiya itong makita niya ang hindi niya dapat
makita.
Tumalikod nga siya hindi dahil sa utos nito
kung hindi para maitago niya ang pagguhit ng pilyong ngiti sa kanyang mukha.
“Damn! I can’t even pee!” Ang narinig
niyang sentimyento nito.
“Umihi ka na riyan. Dami mo pang sinasabi.”
May bahid ng pang-aasar niyang wika.
“Shut up!” Asik nito sa kanya na lihim
niyang ikinahagikhik.
Matapos nitong makipagsapalaran sa pag-ihi
ay muli niyang iniakbay ang kamay nito para maalalayan ulit pabalik sa silid
nito. Subalit pinigilan siya ni Lantis, nabuburyo na raw ito sa loob at gusto
nitong magpahangin kaya naman dinala niya ito sa paborito niyang pwesto sa
lugar na iyon; ang upuang gawa sa kawayan sa ilalim ng mangga.
Nang pareho na silang nakaupo ay pansamantalang
naghari ang katahimikan sa kanilang dalawa. The beautiful green rice field caught
both their attention kaya pansamantala silang nag-ceasefire sa pagbabatuhan ng
kung anu-anong pambabara.
“Masakit pa ba ang paa mo?” Basag niya sa
katahimikan na sa mga nakatanim na palay pa rin nakatingin. For some odd
reason, ayaw niyang makitang mangunot na naman ang noo nito. Kasi ngayon, ang
imahe ng nakangiting Lantis ang paulit-uli na tumatakbo sa kaniyang isipan
dahilan para mapalagay siyang magsimula ng usapan.
“Hindi na.” Matipid naman nitong tugon.
“P’wede bang sa susunod, bawasan mo ang
katigasan ng ulo mo para hindi ako mamatay sa pangungunsumisyon sa ‘yo.”
“Bakit, hindi mo ba ikinatuwa ang nangyari
sa akin?” May bahid ng sarkasmo nitong tugon dahilan para mabaling ang tingin
niya rito.
“Ganyan ba kasama ang tingin mo sa akin?”
Hindi ito sumagot o sinalubong man lang ang
kanyang tingin. Napabuntong-hininga siya dala ng frustration.
“I’m sorry.” Mahina niyang wika. “Sorry sa
lahat ng mga naipakita kong hindi maganda sa inyo noon. Hindi ko sinasadya
iyon. I admit, naging self-centered ako but I had my reasons kung bakit ako
gano’n.”
“Yeah right.” May bahid ng sarkasmong tugon
nito.
“Hindi na ba talaga tayo magkakasundo, Lantis?” Ang may pagsuko niyang wika.
Humarap ito sa kanya. Inisahan na niya ang
pagsasalubong ng mga kilay nito ngunit hindi iyon nangyari.
“What's with the sudden change, Nicollo?” Balik-tanong
nito sa kanya.
“Dahil gusto kong maayos na natin ang anumang
problema natin sa isa’t isa.” Matatag niyang sabi.
Hindi na ito muli pang umimik. Muli nitong pinagpatuloy ang pagmamasid sa napakagandang kapaligiran. Hindi na niya ipinilit ang sarili, hinayaan niya itong pag-isipan ang gusto niyang mangyari sa kanilang dalawa.
Naisipang lumabas ni Nicollo ng gabing
iyon. Kanina, matapos nilang makapag-usap ni Lantis sa labas ay wala ng
namagitang usapan sa kanilang dalawa at wala na ring iringan o kahit
pagsusungit na ginawa si Lantis. Naging masunurin ito sa kanya buong araw na
lubos niyang ikinatuwa.
Hindi siya nakadama ng pagod sa buong araw
na pag-aalalaga rito, dahil sa bawat pagtawag nito sa kanya ay lubos na saya
ang kanyang nararamdaman. Oo, ikinatutuwa niya ang pangangailangan sa kanya
nito dahil pakiramdam niya ay kahit papaano naging normal ang turingan nila.
“Hindi ka ba makatulog?”
Nalingunan niya si Popoy na papalapit sa
kanya.
“Hindi pa ako inaantok.” Simpleng tugon
niya.
Tumabit ito ng upo sa kanya sa upuang
naging paborito na niyang p’westo.
“Kamusta ang lagay niya?”
“Sino, si Lantis? Ayos naman siya.”
“Mabuti naman.”
Nakakabinging katahimikan ang sumunod na
namagitan sa kanilang dalawa.
“Gusto ko sanang humingi ng paumanhin sa ’yo.”
Ang may pag-aalangang pagbasag nito ng katahimikan. “Kung hindi sana ako naging
pabaya, hindi sana maaaksidente si Lantis.”
Nabaling ang atensyon niya rito. Bakas ang
matinding discomfort sa mga mata. Mukhang hindi nga ‘ata siya nagkamali.
Umiiwas ito sa kanilang dalawa ni Lantis simula pa lang kagabi at dahil
sinisisi nito ang sarili sa kanyang kapabayaan na kung tutuusin ay hindi naman
talaga niya kasalanan ang mga nangyari.
“Hindi mo kasalanan kung bakit napagtripang
umakyat ni Lantis ng puno kaya wala kang dapat ihingi ng paumanhin.”
“Hindi. Ako kasi ang nangako kay Shiela na
ikukuha ko siya ng santol. Kung hindi sana ako naging pabaya, hindi sana si
Lantis ang kukulitin ni bunso at hindi sana siya mapapahamak.”
“Hindi mo kasalanan iyon.” Ang naniniguro
niyang sabi. “Aksidente ang nangyari.”
Natahimik ulit ito.
“Napapansin kong nagkakasundo na kayo.”
Kapagkuwan ay wika nito. “Natutuwa ako.”
Hindi niya alam kung bakit parang may
kakaiba siyang nahimigan sa boses nito. Muli niya itong binalingan at matamang
tinitigan.
“N-Nagseselos ka ba sa akin?” ‘Di niya
maiwasang maitanong.
Umiling ito saka binigyan siya ng pilit na
ngiti.
“Bakit naman ako magseselos?”
“Bakit ba nagseselos ang isang tao?” Balik-tanong niya rito.
Napatawa ito na nilakipan pa nito ng
marahang pag-iling.
“Tama nga si Lantis, mahirap ka ngang
kausap minsan.” Ngingiti-ngiti nitong sabi.
“Pinag-uusapan niyo ako?” Ang hindi
makapaniwalang tanong niya.
“Palagi.” Tatango-tango nitong tugon.
“Palagi?”
“Simula pa no’ng huling punta niya rito
palagi ka na niyang naikuk’wento sa akin.” Simpleng tugon naman nito na lalo
lamang niyang ipinagtaka.
“Hindi totoo ‘yan.”
Hindi niya magawang mapaniwalaan ang mga
nalaman kay Popoy dahil noon pa man ay galit na galit na sa kanya si Lantis.
Paano nito pag-aaksayahang ikuwento siya sa ibang tao?
“Sana nga, eh.” Ngayon, bakas na rito ang
matinding paninibugho. “Sana nga hindi totoo ang lahat ng sinabi niya sa akin
noon tungkol sa ’yo.”
Ibayong pagtataka naman ang naramdaman niya
sa mga sinabi nito. At para saan ang paninibughong nakikita niya sa mga mata
nito?
“Alam mo bang may gusto ako kay Lantis?” Ang
umaaming pagpapatuloy nito. “Noon, inakala kong masyado lang akong nawiwili sa
kanya dahil sa kabaitang ipinapakita niya sa akin pero nang dumating kayo ulit
dito nagbago ang lahat ng iyon lalo na nang makita kita. Ang taong
gustong-gusto niya sa kabila ng pagiging walang pakialam nito sa kanya.”
Itutuloy:
44 comments:
At last
wow naman..grabe!!! sabi na nga ba nay gusto din si lantis kay nico...HELE HELE BAGO quiere..ahahaha definiton po ng cnavi ko. should not immediately answer their suitors. They must first study the personality of the suitors, if the goal is true or justmincing or have other reasons. good work zeke...lahat na ng daliri ko na ka thumbs up na..ahahhaha
-iamronald
revelation to from Popoy! woah!
Now I know why.
love it...
gosh! what a revelation!~!
ang ganda na ng mga pangyayarii aa!
update update :))
gosh kinikilig aco ng sobra sobra..
nice work Mr.Author
i admit the first time na binasa ko tuh
hindi katulad ng mga nauna but it makes sense
gandaaaa ... worth it tlga ang pag basa sa mga gawa mo!
kaka in LOVE ang STORY na tuuh!
<----- demure
Ahihihihi! Ang cute!
Si Popoy ay may pagtingin kay Lantis.
Popoy saka kana makipopoy. Hayaan mo na yung dalawa!
Sigem teka lang.. Sisigaw lang ako..
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!
kilig much!! <3
love it!
KUYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!
GRABE KA NAMAN PO MANGHULOG NG BOMBA, SABOG NA SABOG!!!!
KAKAKILIG TALAGA, GALING MO PONG MAMBITIN, KUYA Z ako po pla si Tony masugid nyu pong tagahanga, simula po sa unang ginawa nyu na kwento sinabaybayan ko na po lahat, kaarawan ko po sa June 13, sana po pagbigyan nyu po ang KAHILINGAN KO, sana po ma ipost nyu na ang chapet 6 ng Complicated cupid sa araw na yun, please po, salamat at ang galing mo po talaga. IKAW NA!! IKAW NA TALAGA!
Sige Tony subukan kong makapagpost sa june 13 tutal iyon naman talaga ang schedule ng Chapter 06. Hehehe Advance happy birthday at sana nga mabati kita sa mismong kaarawan mo. I'll do my best promise!
Ang bilis ng tibok ng puso ko... Nanikip ang dibdib ko habang nagbabasa... Grabe!!! Ang ganda!!! KUDOS kaibigan!!!
Wala na..hinimatay na ko..hinimatay na ko sa sobrang kiliiiiiiiggg!!:D
Thanks Z:)
Riley
wah gusto xa ni Lantis! wah kawawa nmn si Popoy...
kelan kaya ang next chapter???ZILD? hehehehe
hi kuya zildjian, this is Marsh.. thank you so much for updating the story, i really love Nico and Lantis..
i second the motion...at last..si popoy pa ang whistle blower..hehe nice Z
"Hindi lahat ng ipinapakita ng tao ay totoo. Huwag kang tumingin sa isang direksyon lang. Malay mo, nasa kabilang banda pala ang mga bagay na dapat mong makita." Nice one Kira!
Galing ng Hanging Moment! Yung tipong... alam mo na ang ibig sabihin ni Popoy.. pero gusto mo paring malaman ang malalim na dahilan neto... Apir tayo jan Kira! :D
Naks naman si POPOT! Pinagtyagaan mo talagang i-type iyan noh? HAHAHA
Matagal ko ng alam na henyo ako. HAHA
kailangan talaga sa line na yun maputol ang chapter?
Haha! Nakaka PBB Teens naman ang chapter na to. Lol
nice one zeke.
Geez, Kinilabutan ako. Naramdaman ko yung conversation nila ni popoy :D. At last, inamin na ni Popoy na may gusto sya ky lantis, at si lantis my gusto din ky Nico :D ganda talaga :D
Ahaha... Pagkatapos ko matuwa sa pagkapanalo ng ateneo sa volleyball.. Nagngingingirit naman ako sa kilig! Hahaha... Gondo! Magaan sa pakiramdam ang chapter na to! Salamat mr.z! Hehe
Ahaha... Pagkatapos ko matuwa sa pagkapanalo ng ateneo sa volleyball.. Nagngingingirit naman ako sa kilig! Hahaha... Gondo! Magaan sa pakiramdam ang chapter na to! Salamat mr.z! Hehe
pabitin ka talaga kht kelan...long day to wait again..
gratzie otor...
ahhh popot daw! mali! hahahaha
Oh sige POTPOT! HAHAHA :))
Shet sabi na eh pakipot epek lang si lantis dito ehe....nku kuya z ikaw tlaga si mr.pabitin aha ang ganda geesssss haha
Sana mahaba pa tong story na to. Sana di lang hanggang chap. Ten ahaha
I JUST LOVE IT!! Si Popoy na ang umamin para sa kanilang dalawa. I JUST LOVE IT!! Next na..
-J
hahaha. puro thumbs daliri mo ha. hahaha. joke lang ha. pero, totoo, merong mga ganoong tao. yong hirap na hirap ipakita ang tunay na sila na kahit aware sila na may nasasaktan sila, ganun pa rin wala sila care. pero mabuti itong Niccolo na to (hehehe) narealize niya yon at nagbago siya bigla. basta waiting for the next chapter.
J.P.
ZEKE, may tanong ako. BAKIT ANG GAGANDA NG STORIES MO? hehehe. ito na naman pinagpupuyatan ko. ilang beses kong binabasa kasi kinikilig ako. hehehe. naiinlove na yata ako... kay Lantis.
sinipag ako magcomment.
nice one zild. galing mo tlga magsulat pramis!
post mo agad ah. haha =)
-emman
kasi naman sobrang ganda ng mga stories ni zildjian...sobrang nadadala ako sa mga to..dialog pa lang pamatay na...kaya ayun....basta garabe yung feelings..wahahahaha
-iamronald
LOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOVVVVVVVVVVVVVVVVVVVVEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE IT!!!!!!
As always....
i will tell it again and again..
very superb! I just really admire how you play with the structures of a story... the flow is so smooth in a sense that things are in its right place. I admire as well how you can tickle the imagination of readers like me... making it easy for me to feel how the character feels, to see what the character sees in which most authors, even international ones had failed in achieving, since I just finished reading a book just now... and comparing all the stories I've read in you blog I wonder why those big publishing companies haven't seen nor read yours'... anyway... Great Job!
Waaaaaa kilig much talaga ito na ito na talaga ayieeeeee..... Sarap ng feeling ma inlove no? Pero di pa ako na in love e hahaha d2 lang sa story super inlove na ako promise.... Salamat sau master Z! Idol na talaga kita add me po on facebook ito po add ko karlrickson@yahoo.com salamat po.....
Karl rickson
my GAWD!!! what nice thing to start a day! ganda!
-lei
KIRA** bwahahahaha :P
San na po yung next chap06?!?
haha chapter 6 na zek please!!!
grabe i so love this new story !!!
go nico and lantis just fight for love!!!
shet nageenjoy ako basahin to zek!
thank u so much!
Pat
Tagasubaybay
:D nasira na ang sked ko bwahahahah naexcite ako ih bwahahahh :D
nice.. ang lalim ndi ko madive
-yume
waaahhhh ang aminan portion..weee
super nakakatuwa na ung takbo ng story..magkakaayos na nga kaya sila nico at lantis??pero paano na si popoy??hahaha
wee go go go
congratz kuya Zeke
--rhaj
Nice what a revelation at the last part sabi ko n nga ba e there something with popoy and his gestures.
Hmmm another story to watch for ang kay popoy hehehe.
take care zild and have a nice day...
hahah... hindi ko na hahabaan, malalate na ako sa trabaho ko!!! hahaha... nice one daddy zeke, kinikilig ako for the next part... hahaha...
-eusethadeus-
p.s. mamaya pagdating ko sa work babasahin ko yung mga kasunod and hoping to finish lahat ng namiss ko para makasabay na ako sa agos ng mga kwento mo... hehehe
iiiihhhhhhh!!!c nicollo???!!!!!!hahaha..grabe,,nakakakilig!!susme..haha
grabe talaga!para aqng naiihi na ewan..haba ng hair nila ha..haha
-monty
waaaaah!! Sobrang kilig ako dito! :D
jjj
Post a Comment