Story Cover by: WinwinTowtz
Written by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com
blog: ZildjianStories
Author's Note:
Chapter 04 ng complicated cupids. Six more
chapters to go. Ha! Ha! Ha! Ano nga ba ang nasa likod ng lahat ng ito? Ang gulo
na talaga ng mga character ko noh? Let’s see what will happen when love and
hate collide.
Sa lahat ng tao na nagbigay ng suporta sa
kwentong ito, maraming salamat mga paps. Tulad niyo, ikinatutuwa ko rin ang mga
comments niyo. Kung baga, kung kayo ay naaliw sa kwentong gawa ko, ako naman ay
naaliw sa pagbabasa ng comments niyo. Huwag niyo sanang isipin na ang bawat
sinasabi niyo ay wala lamang sa akin (Hindi niyo lang alam kung papaano ako
nagdidiwag tuwing magagandang feed back ang nakukuha ko mula sa inyo.) HA! HA!
HA! Ang adik noh?
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to
any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains
all rights to the work, and requests that in any use of this material that my
rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner
without my permission.
Inihinto ni Nicollo ang kanyang sasakyan sa
dati nitong kinalalagyan no’ng unang dumating sila sa lugar na iyon. Kanina,
sinubukan niyang tuluyan na nga lang umiwas sa bagong damdamin na nagising sa
kanyang puso ngunit hindi pa man siya gaanong nakakalayo sa poblacion ng lugar
ay bigla siyang nagdalawang-isip. Something was holding him back. Pakiramdam
niya ay kapag lumayo siya may isang parte ng buhay niya ang tuluyang mawawala
rin.
“Lumabas ka riyan!”
Bahagya pa siyang nagulat nang malingunan
niya ang taong dahilan ng lahat ng pagtatalo ng kanyang isip at puso. Lantis
was now outside in his window car. Nakakunot ang noo nito at halatang hindi
maganda ang timpla.
“Bakit ka biglang umalis kanina? Saan ka nanggaling?”
Sunod-sunod nitong tanong sa kanya nang maibaba niya ang bintana. Ngunit imbes
na sagutin ito ay napatutok lang siya na parang tanga rito. Ngayon, nasa harap
na niya ang taong nagbigay sa kanya ng isang kakaibang damdamin sa hindi
inaasahang pagkakataon.
Ngunit lalo lamang itong nangunot ang noo
sa ginawa niyang pagtitig rito.
“S-Sumakit lang ang tiyan ko.” Ayon na
naman ang parang tambol ng pagtibok ng puso niya. At sa di malamang dahilan
hindi siya makaramdam ng pagkainis ngayon sa presensiya nito bagkus para pa
siyang natuwa na linapitan siya nito at tila mukhang nag-alala para sa kanya
biglaan pag-alis ng walang paalam.
“Don’t give me that crap. Kung totoong
sumakit ang tiyan mo then, bakit ‘di mo ginamit ang palikuran nina naynay?”
“May importante lang naman akong ––”
“Sa susunod na biglaan mong maisipang
makipagphone-pal, siguraduhin mong wala kang mapeperwisyong tao. Hindi ka
nag-iisip! Paano kung hindi ka nakabalik? Paano kung naligaw ka?” Putol nito sa
iba pa niyang sasabihin.
“Hindi naman ako tanga para maligaw ako ng
daan.” Pagrarason naman niya sa mahinahong tinig.
“Hindi ka nga tanga pero hindi mo rin
inisip na p’wede kaming mag-alala sa ‘yo sa pag-aakalang maari kang maligaw.
Palibhasa wala kang pakialam sa ibang tao sa paligid mo maliban lang diyan sa
sarili mo!”
Sa unang pagkakataon tinamaan siya sa mga
sinabi nito lalo na sa mga huling binitiwan nitong salita. Pangalawang beses na
niyang narinig iyon sa araw na ito. Una kay Maki at ngayon naman kay Lantis,
pero dito siya talagang tinamaan at tila nakaramdam ng konting kirot sa
damdamin.
“Is that the reason why you hated me so
much? Dahil tingin mo wala akong pakialam sa damdamin ng ibang tao, na
makasarili ako?” Ang hindi niya maiwasang maibulalas.
Kung ikinabigla man nito ang tanong niyang
iyon ay hindi niya nasisigurado. Panandalian lang kasing nawala ang galit na
ekspresyon nito bago siya nito talikuran. Ngunit hindi niya ito hinayaang
tuluyang makaalis. Mabilis siyang bumababa ng sasakyan niya at hinabol ito.
“Ano ba talaga ang problema mo sa akin,
Lantis?” Wika niya nang maabutan niya ito at mahawakan sa braso. Once and for
all gusto na niyang matapos ang lahat. All of a sudden, he got tired of the way
they treated and been treating each other.
“Ikaw ang problema ko.” Tugon nito sabay at
marahas na iwinaksi ang kanyang kamay na nakahawak dito.
“Why? What did I do para kasuklaman mo ako ng
ganito?” He desperately asked ngunit
binigyan lamang siya nito ng isang walang ekspresyong tingin saka muli siyang
tinalikuran.
“Tatalikuran mo na lang ba ako lagi? For
pete’s sake Lantis, ilang taon na tayong ganito. Hindi ka pa ba nagsasawa, sawang-sawa na ko at pagod-na-pagod na sa
ganito. Kung isa sa mga dahilan ng galit mo sa akin ay si Kerochan, I’m willing
to give him up just to settle things between us, once and for all.”
Huminto ito. Nakaramdam siya ng pag-asa na
posible pa niyang maayos ang samahan nilang dalawa ngunit laking pagkadismaya
niya nang humarap ito na wala pa ring makikitang ekspresyon sa mukha.
“You think na magagawa mong ayusin ang
lahat sa pamamagitan lang ng pagpapaubaya mo sa akin kay Karupin? Hindi gano’n
kadali iyon, Nicollo.”
“Then what do you want me to do? Ano ba ang
p’wede kong gawin para matapos na ang lahat ng ito?” Hindi niya maiwasang
maitanong dala ng tuluyang paghahari ng kakaibang emosyon sa kanyang puso.
“Get out of my life.” Walang kagatul-gatol
nitong tugon.
Kung
kaya ko lang, ginawa ko na kanina pa! Ang gusto na sana niyang maisatinig kung hindi
lang niya napigilan ang sarili dahil nababatid niyang hindi makakabuti sa
sitwasyon nila ngayon kung iyon ang isasagot niya.
“I can’t do that.” Sa halip ay wika niya.
“Magkaibigan tayo Lantis, kaya gusto kong maayos natin ito.”
Biglang gumuhit sa mga mata nito ang pait.
Pait na hindi niya alam kung saan at paano nag-umpisa.
“I don’t consider you as my friend.” Walang
pag-aalinlangan nitong wika kapagkuwan.
Aaminin niya, nasaktan siya sa sinabi nito.
How can he say those words without even showing hesitations. Hindi nga ba’t
ilang taon din silang naging magkaibigan nito. Oo nga’t hindi sila palaging
nagkakasundo at lagi silang nagkakairingan pero sa kabila ng lahat ng iyon
itinuring niya itong isa sa mga malalapit niyang kaibigan isama mo pa ang
bagong damdaming ginising nito sa kanyang puso.
“Are you saying that even once hindi mo
inisip na kaibigan mo ako? Kung gano’n, lahat pala ng mga pinagsamahan natin
noon baliwala lang sa’yo, gano’n?” Magkahalong pagkadismaya at pait na wika
niya.
“Iyon ang pinaramdam mo sa akin, Nicollo.
Lagi mo kaming itinataboy kapag may mga bagay na gumugulo sa isip mo hanggang
sa tumatak na sa isip ko na hindi isang kaibigan ang turing mo sa amin kung
hindi pampalipas-oras lang o pampawala ng boredom mo sa buhay. Kaya don’t blame
me kung bakit hindi ko ma-consider na kaibigan kita, dahil ikaw ang nagturo sa
akin kung papaano kita dapat na tratuhin. You made me hate you, Nicollo.” Wika
nito saka walang lingon-likod na umalis.
Natulala siya sa mga narinig mula rito at
hindi niya rin maikakaila ang hatid na sakit ng bawat mga salitang binitiwan
nito. Pinagpasalamat niya na tuluyan siya nitong iniwan dahil kung sakaling
hindi, makikita nito ang isang luhang kumawala sa kanyang mata, ang luhang tunay
na sumalamin sa kanyang totoong nararamdaman sa mga oras na iyon.
Ilang araw ang nagdaan matapos ang naging
pag-uusap nila ni Lantis, at sa ilang araw na iyon ay lalo lamang niyang napagtanto
na tama ang lahat ng mga sinabi nito.
Sa ilang araw ding iyon ay ilang beses
niyang sinubukan umalis na lang sapagkat sobra siyang nahihiya sa kanyang sarili sa mga nagawa niya noon. Ngunit sa
tuwing magtatangka pa lamang siya ay may kung anong damdamin ang pumipigil sa
kanya.
“Kuya Lantis, sasama ka ba ulit ngayon sa
bukid?” Tanong ni Rodney.
“Oo, wala rin naman akong gagawin dito sa
bahay.” Simpleng tugon naman nito.
“Tatay, ako sasama ngayon, ah.” Ani naman
ni Shiela.
“Sige anak. Basta walang sisihan at walang
iyakan, ha?” Wika naman ng ama nito.
“Ikaw kuya Nico, sasama ka ba sa bukid
ngayon?”
“Hindi. Dito na lang siguro muna ako.”
Tugon niya.
Ang totoo gusto niyang sumama ang kaso nga
lang ay kapag sumama siya si Lantis naman ang gagawa ng paraan para hindi ito
makasama. Ilang araw na itong ganito, ang pasimpleng umiiwas na magkasalubong
sila o magkasama man lang.
“Popoy, punta tayo sa palaisdaan niyo, ah.
Magdala tayo ng pamingwit.”
Hindi niya maiwasang hindi balingan ito.
Nakaramdam siya agad ng kirot nang makita niya ang nakaguhit na ngiti sa mukha
nito. As if making him feel na hindi ito apektado sa mga nangyayari sa kanila.
“Sige ba.” Nakangiti namang tugon ni Popoy
dito. “Matagal-tagal na rin tayong di nakakapamingwit doon.”
“Oo nga, eh. Na-miss ko na ang feeling ng
nakakahuli ng isda.” Wika nito sabay hagikhik na parang bata.
“Hindi ko gusto iyang tawa mo Lantis, ah.
Siguro may naiisip ka na namang kalokohan, noh?”
“Wala, ah!”
“Sus! No’ng huling mamingwit tayo may
ginawa kang hindi kaaya-aya sa akin, eh.” Ang napapangiti na ring wika ni
Popoy.
“Wala akong ginagawa sa’yo, noh”
“Itinulak mo ako sa palaisdaan namin kaya!”
Nagpaparatang nitong sabi na sinamahan pa nito ng pagsimangot.
Napatawa ng malakas si Lantis. Isang tawa
na hinding-hindi pa niya naririnig mula rito. Lalo lang tuloy siyang naiingit sa
nakikitang kulitan ng dalawa. How he wished at that moment that he was in Popoy’s shoes. Gusto niyang malaman ang pakiramdam ng nakikipag-asaran at
nakikipagbiruan sa taong ngayon ay nasisiguro na niyang kahit sa kabila ng
kanilang palaging pag-iiringan ay ang taong pinili ng puso niyang mahalin.
Natapos ang agahang iyon at agad na
nagsipag-alisan ang mga tao kasama si Lantis. Tanging sila na lamang ni Aling
Melissa ang naiwan sa bahay.
“Nico, gusto mo ba akong samahan sa kalapit
na bayan?” Untag sa kanya ng ginang habang nakaupo siya sa paborito niyang p’westo
sa lugar na iyon, ang upuang gawa sa kawayan sa ilalim ng malaking mangga sa
bakuran nito.
“Ano ho ang gagawin niyo roon?” Kaswal
niyang tugon.
“Mamamalengke ako ngayon. Doon ako namamalengke
kapag ganitong araw ng Sabado, bukod kasi sa mura na ang mga bilihin ay naroon
pa lahat ng produkto mula sa mga
karatig-baryo. Samahan mo ako nang hindi ka masyadong mainip dito.”
Wala talaga siyang balak na umalis sa araw
na iyon. Ang tanging gusto lang niya ay makapag-isip-isip sa kung ano ang
p’wede nyang gawin sa sitwasyon nila ngayon ni Lantis. Habang tumatagal kasi na
wala silang kibuan ay lalo lamang bumibigat ang loob niya.
Tumayo siya, kapagkuwan. Hindi niya
mahindian ang ginang na napakaganda ng naging trato sa kanila simula ng
dumating sila sa baryong iyon.
“Sige po. Sasamahan ko na kayo. Gamitin na lang
natin ang sasakyan ko nang hindi na kayo mahirapan sa pagdadala ng mga bibilhin
niyo.” Nakangiti niyang tugon.
“Sigurado ka ba?” Hindi makapaniwalang wika
ng ginang. “Baka madumihan lang ang sasakyan mo.”
“Si Aling Melissa talaga. Natural lang po
sa isang sasakyan ang nadudumihan. Sandali lang po at papasok muna ako sa loob nang
makapagpalit ako ng damit. Ako na nga ho pala ang magdadala niyang bayong
niyo.” Sabay kuha niya ng hawak nitong lalagyan.
Gumuhit ang isang napakagandang ngiti sa
ginang. Isang ngiti na sa di malamang dahilan ay nagpagaan ng damdamin niya.
“Salamat anak.”
Ganito
pala ang pakiramdam ng may nakaka-appreciate sa ‘yo. Ang hindi niya maiwasang maibulong sa sarili dahilan para pati siya
ay mapangiti na rin. Noon, wala siyang tanging hiniling kung hindi ang makakuha
ng appreciation mula sa mga magulang niya ngunit dala nga sa busy ang mga ito sa trabaho ay hindi na nagawa ng mga ito
ang purihin ang mga bagay na nagagawa niya. Hanggang sa magsawa na siyang
magpasikat hindi lang sa mga ito kung hindi pati na rin sa ibang tao na naging
dahilan para ang tingin sa kanya ng lahat ay walang pakialam sa mundo.
“Aba suki, ka-g’wapong bata naman nitong
kasama mo.” Ang magiliw na wika ng isang tindera
sa magulong merkadong iyon.
Nang dumating sila sa bayan na sinasabi
nito ay agad na sumalubong sa kanya ang napakaraming tao at paninda na nagkalat
sa buong paligid. Market day pala ngayon sa ibayong iyon at doon dinadala ng mga karatig-bayan ang lahat ng produktong gusto nilang ibenta, syempre sa murang halaga.
“Kaibigan siya ng dati kong inaalagaan
Milag.” Nakangiti namang tugon ni Aling Melissa. “Pagbilhan mo nga ako ng isang
kilong sibuyas at katamis.”
“Aba, kung ganyan kakisig na bata lang
naman ang magiging bisita ko ay hindi ko talaga siya tatanggihan.”
Ngingisi-ngisi namang sabi ng ginang. “Iho, may girlfriend ka na ba?”
“W-Wala pa ho.” May pag-aalinlangan niyang tugon. Hindi niya maiwasang
mailing talaga kapag masyado siyang binibigyan ng pansin ng ibang tao. Hindi
kasi siya sanay.
“Sa g’wapo mong iyan? Baka gusto mong
makilala ang anak ko. Parangap ko kasing magkaapo ng kasing g’wapo mo, eh.”
“Ikaw talaga Milag, kung anu-ano na naman
ang sinasabi mo.” Ngingiti-ngiting sabi ni Aling Melissa.
“Hindi naman siguro masamang humiling ng
g’wapong manugang at apo Melissa. Saka mukhang anak mayaman itong bisita mo,
baka siya na ang magpapabago ng buhay namin ng pamilya ko.”
“Hindi mayamang manugang ang magpapabago ng
buhay ninyo Milag, kung hindi isang pamilyang nagtutulungan. Tingnan mo nga’t
nag-iisa ka rito at nagpapakahirap na magtrabaho. ‘Asan ang mga anak mo, bakit
wala sila rito para tulungan ka?”
“Hay naku, wala akong aasahan sa mga anak
kong iyon. Hayon at imbes na samahan ako rito para magtinda ay mas pinili pang manuod ng telebisyon. Pinagsisisihan ko
na talaga na bumili-bili pa ako niyon.”
“Ikaw naman kasi, masyado mong sinanay ang
mga anak mo na ikaw lang ang
kumakayod.”
“Wala, eh. Kahit mga batugan iyon, hindi ko
pa rin sila matiis. Alam mo naman tayong mga magulang, pagdating sa mga anak
napakalambot natin.
“Tama ka, mahal kasi natin sila.” Pagsang-ayon
naman ni Aling Melissa. “Kaya lahat ay gagawin natin para sa kanila kahit pa man
kapalit niyon ay ang pagpapakakuba natin sa trabaho. S’werte lang ako na naaasahan
ko na ang dalawang binata ko.”
Nakuha ng pansin niya ang sinabing iyon ni
Aling Melissa. Parang tinamaan siya sa sinabi nito tungkol sa pagmamahal ng
isang magulang sa kanilang anak dahil iyon ang lagi niyang naririnig sa mama
niya tuwing kaarawan niya na wala ang mga ito.
“Tandaan
mo Nico, mahal ka namin ng papa mo.Kaya kami nagpapakahirap sa pagtratrabaho
para maibigay namin lahat ng gusto mo. Sana anak ‘wag mong isipin na
pinababayaan ka namin at sana huwag mo ring kalimutan na mahal na mahal ka
namin and we’re so proud of you.”
Those words from the past hit him. Para
siyang natauhan bigla. Those were the words of his mom when she told him na
hindi makakauwi ang mga ito sa graduation niya no’ng grade school. Halos hindi siya magkamayaw sa kakaiyak noon sa
sobrang kabiguan. Umasa kasi siya na uuwi ang mga ito para samahan siyang
tangapin ang mga awards at medalyang pinagsumikapan
nyang makuha.
Nasaktan siya, sa murang edad niyang iyon
ay ibayong disappointment ang naramdaman niya hanggang sa pinili niyang maging
matigas. He doesn’t want to go through the same disappointment again, but what
had happen was he ended up hurting the people who truly cares for him at isa na
doon ay si Lantis. Ngayon, hindi niya tuloy maiwasang maisip kung ano ang
nararamdaman sa kanya ng mga magulang niya sa tuwing magde-demand ang mga ito
ng time sa kanya at tinatanggihan niya. For sure, kahit hindi ito ipakita ng
mga ito ay nasasaktan din niya ang mga magulang na gusto lamang makabawi sa mga
panahong nagkulang ang mga ito.
Sa daan, habang pabalik na sila ni Aling
Melissa ay wala pa rin siyang imik. Gusto niyang sumigaw, magwala. How can he
be so insensitive? Bakit hindi niya naisip na nasasaktan din ang mga magulang
niya kapag may isang importanteng okasyon sa buhay niya na hindi nakakadalo ang
mga ito.
“Si Lantis ba ang iniisip mo?” Untag sa
kanya ni Aling Melissa.
“H-Ho?”
“Bigla ka kasing nawalan na naman ng imik
kanina habang nasa merkado tayo. Dahil ba iyan kay Lantis at sa hindi niyo
pagpapansinan sa mga nakalipas na araw?”
“H-Hindi po.” May pag-aalangan niyang
tugon.
“Kung ano man ang mga nasabi sayo ni
Lantis, nasisiguro kong hindi iyon ang bagay na gusto niyang sabihin. Siguro,
nadala lamang siya sa sobrang pag-aalala sa’yo.
Kilala ko si Lantis, ako ang nag-alaga sa kanya hanggang sa magka-isip
siya.”
“Hindi.” Mariin niyang tugon rito. “Totoo
po lahat ng mga sinabi niya. Napakalawang-kwenta kong tao. Hindi ko
pinahalagahan ang mga taong nagmamalasakit at nagmamahal sa akin dahil sarili
ko lang ang iniisip ko.” Ngayon, lalo lamang pinagtibay ng mga reyalisasyon
niya ang mga sinabi sa kanya ni Lantis. Tanging ang sarili niyang damdamin
lamang ang importante sa kanya. Na hindi niya nagawang pahalagahan ang mga
taong nagmamahal at handang magmahal sa kanya.
“Mabait kang bata Nicollo, alam ko iyon
kahit pa man ilang araw pa lang kitang nakikilala. Sadya nga lang na hindi mo
alam kung papaano mo dadalhin ang sarili mo sa ibang tao kaya ganyan ang naging
tingin ng ilan sa ‘yo. Pero anak, lahat tayo nagkakamali sa buhay para matuto. Gamitin
mo ang mga sinabi sa’yo ng mga tao para pagandahin ang buhay mo hindi para
ilublub pa ito lalo.”
“Hindi ko po alam kung magagawa ko pang
maitama ang lahat ng pagkakamali ko.” Pagsasabi niya ng totoo dahil para sa
kanya mukhang huli na ang lahat. Batid niyang nasaktan na niya ang mga magulang
niya at ngayon, ang taong unang minahal niya ay malayo na ang loob sa kanya.
How can he undo things for him? How can he change the fact that right now,
everything in his life is a mess.
“Magagawa mo.” Kapagkuwan ay wika ng
ginang. “Dahil nakikita ko sa mga mata mo na handa kang gawin ang lahat para
mataima mo iyon. Iyan ang kailangan ng isang tao Nico, ang pagpupursiging gawin
ang lahat para mabago niya ang buhay niya. Walang imposible sa mundong ito.
Nasa atin iyon kung paano natin gagawin.” Mahabang wika ng ginang.
Tama ito sa lahat ng mga sinabi nito. P’wede
pa niyang ayusin ang lahat at alam niya kung kanino niya uumpisahan iyon.
Doon lang muling sumilay ang ngiti sa
kanyang mukha.
“Maraming salamat po.” Kapagkuwan ay wika
niya.
I will
difinitely win this time. Kung hindi ko kayang itama ang mga bagay na nagawa ko
noon, siguro naman kaya kong mag-umpisa ulit ng bago kung iyon lang ang paraan
para makuha ko ang mga bagay na dapat noon pa ay nasa akin na.
“Ma, kamusta kayo riyan?” Bati niya sa
kanyang ina. Nang maihatid niya si Aling Melissa sa bahay nito ay agad siyang
nagpaalam na pupunta ng poblacion para makakuha ng signal. Kanina, nang
maisipan niyang ilagay sa ayos ang lahat ay ang una niyang naisipang gawin ay
ang tawagan ang mama niya.
“Okey lang naman ako anak, biglaan ka ‘atang
napatawag. Nagluluto ako ngayon ng bagong ulam para sa amin ng papa mo. I hope
you’re here so you can taste it.”
“ I just missed you. Mukhang masarap nga iyan. Hayaan niyo’t pagbalik ko riyan ay titikman ko iyang bagong luto n’yo.” Nakangiti niyang tugon habang
kausap ito sa kabilang linya.
“Y-You missed
me? Are you alright anak? May problema ka ba? May sakit ka ba?”” Ang
sunod-sunod nitong tanong damang-dama niya ang sobrang pag-aalala nito.
“Of course I’m alright. Wala ho akong sakit
ma.” Ang natatawa niyang sabi.
“Well, it has been so long since you talked
to me like this Nicollo. May nangyari ba?”
“Gano’n ba? Wala naman, let’s just say na
may kung ano akong nakain kanina kaya heto at biglaan kitang naalala at na-miss.”
Paglalambing niya rito.
“Really?” Hindi pa rin makapaniwala nitong
sabi. “I miss you too Nico. E-Even if it is just all of a sudden you really did
make me feel happy son.” Dama niya ang ibayong emosyon sa boses nito.
“Are you crying?” May pag-aalala niyang
wika.
“I can’t help it. I missed my sweet
Nicollo.”
Napaluha siya sa narinig. His parent really
love him, sadyang binulag lang siya noon ng damdamin niya para pagdudahan niya
ang pagmamahal ng mga ito.
“I should’ve done this a long time. I’m
sorry ma.” Madamdaming paghingi niya ng paumanhin rito.
“No, we should be the one to say sorry to
you. Napabayaan ka namin ng Papa mo sa kagustuhan naming maibagay sa ‘yo ang
lahat. I thought it was already too late for us. I love you anak, p’wede ka na
bang umuwi ngayon? Gusto kitang mayakap.”
“I love you too ma, but i can’t be there
yet. I still have things to do here but I promise you na uuwi ako before you
know it and we will be having our quality time as a family.” Nangangako niyang sabi.
“Aasahan ko yan Nicollo. Mag-iingat ka riyan.
Nasisiguro kong matutuwa ang Papa mo sa ibabalita kong ito sa kanya.” The
excitement in her mom’s voice truly made him smile.
“Alright! Got to go ma, take care. I’ll see
you soon.” At pinutol na niya ang linya bago pa man siya madala ng tuluyan sa
emosyon niya. Nangako siya sa kanyang sarili na aayusin niyang muli ang samahan
nila ng kanyang mga magulang.
Maganda ang naidulot sa kanya sa ginawa
niyang pakikipag-usap sa kanyang ina. Hindi niya mapigilang mapangiti habang
pabalik na siya sa bahay nina Aling Melissa. He was right, noon pa dapat niya
ginawa ang lumapit muli sa kanyang mga magulang, dahil ngayon pakiramdam niya
ay nabawasan ang bigat ng mga
dinadala niyang problema.
Sana
ganito rin kadaling kunin ang loob ng isang iyon. Piping
sambit niya sa kanyang isipan.
Hindi pa man niya tuluyang napapatay ang
makina ng kanyang sasakyan nang makita niya si Aling Melissa na nagmamadaling
tumawid sa may palayan. Bakas ang sobrang pag-aalala nito at pagpa-panic sa
mukha.
“Nicollo si Lantis.” Ang halos humahangos
pa nitong wika.
“Bakit, ano ho ang nangyari sa kanya?”
Takang tanong naman niya rito hindi maiwasan ang kabahan lalo na’t nakikita
niya ang ibayong pag-aalala sa mga mata nito.
“Nahulog siya mula sa isang puno.”
Itutuloy:
33 comments:
yeah boy!! MERON NA!~!! :D
basa mode.. :)
shemets naman oo.. tapos na,.. bitin pa ko.. hahaha!! :D
buti nga!
nahulog sa puno si monster... :D so Nicco will save the day and swoop the monster na... hahaha
haaaaaaayyyy...
thank you Kuya Zild for the update sorry po kung ngayon lng ako nakpagcomment ulit nabusy kc anyway I still love ur stories- Jordan Rey
Ang cute! Haha.. sana may maging kaibigang iba si nico tapos si lantis naman magselos.. napakaarte kasi ni lantis.. hihihi.. :) silent_al
cnu kaya ang magiging instrument para magkabati ang dalawang to....hays sobrang tigas naman ng loob ni lantis...grabe kelan kaya lalabas ang POV niya para malaman natin lahat ng sentiments niya saka san niya hinuhugot ang lahat ng galit niya sa mundo...ahahahha...nice one again zeke..grats
-iamronald
nice one zeke. Alam ko ang nararamdaman ni nico, kasi ngyari na yun saken, katulad nya appreciation lng din naman ang gusto ko sa mga ginagawa ko. 10 Pts for this chapter. Thumbsup!
I hate lantis. Nasaktan din ako sa sinabi nya kasi. Haha!
bitin na bitin ako!!!
grabe... ang ganda,shetness:)
Lumelevel up na si nico!sooo love this:D
The best ka talaga Z!!
Riley
super cry ako sa part nung family nya!
nakak relate ng konteh hahah!
-- kawawa nman si LANTIS unggoy kasi ee
hahah!
LOVE THIS STORY
<----- demure
“People aren’t always what you want them to be. Sometimes they disappoint you or let you down, but you have to give them a chance first. You can’t just meet someone and expect them to be everything you’re looking for and then be angry when they’re not every hope and aspiration you projected onto them. It’s foolish to believe that someone will be what you imagine them to be. And sometimes, when you give them a chance, they turn out to be better than you imagined. Different, but better.” --- naalala ko lng naman... :D di pa naman huli ng lahat Nico..
best part: mama-niccolo.. Hekhek..
Ang galing ng chapter natoh, my ibang hatak sa tulad qng iyakin kpag family matters na ang usapan..
Mr. Author, again, thank you!!! Consistent talaga ang every other day na update.. Hehe.
Wag ka sanang mag-sasawa sa kababasa ng mga comments namin sa'yo.
-krishtoffer-
Ang ganda! dito na magsisimula kung paano sila magkakabati :P, feeling ko lang hahahaha! ::D
tnx kuya zild sa update, galing ng takbo ng story, sana lang walang grabeng mangyari kay monster.. :D
hehehehe mejo nakakarelate ako kay nicollo..hehehehe
Lantis: I cant be your friend, because i love you more than that! hehehehehe
ito na ang pagkakataon kuya zeke..pagkakataon na ni nicollo para sagipin ang kung ano man ang nawala sa kanilang dalawa ni lantis..next na..next na..hehe..
-J
Haylavet hahahaha buti nga kay lantis ng matauhan din
PERFECT ,,,...NAKAKADALA NG DAMDAMIN ANG MULING USAPAN NINA NICO AT MAMA NIYA ::):):).....great job kuya z legend;););););) i am so proud of you......keep up the great work
explain...nosebleed...eheheheh..
-iamronald
:P hahaha
AWESOME!!!!!!! U never fail to amaze us Zildj.
Nawiwindang ako.. Naninibago ako mr. Z..
Pero maganda pa din... Ambilis ng mga pangyayari! Haha
walang imposible sa mundo ito. nasa atin un kung panu natin gagawin!. . simple,pero tagos sa puso. . . so nice aman zild. . iba ka tlaga.maraming aral na mapupulot sa paglalahad mo ng iyung story. congratz and goodluck!.
oh em.. this is it.. moment na talaga nila to.. hehe
God bless.. -- Roan ^^,
Love is on da air ahihihi ganda talaga ng kwento mo master Z! Ganda talaga... Promise
Love is on da air ahihihi ganda talaga ng kwento mo master Z! Ganda talaga... Promise
karl rickson
every chapter nakakatuwa..lalo na to..nakakalimutan ko lng mag comment kasi nauunhan ako ng kilig agad :))))kaht mejo rough pa ung part ee parang nahuhulaan ko na ung kasunod..
weee thanks kuya Z for this another story :)
-rhaj
the monster fell down from the treee...
bwahhahahahahhahahahahhaha
=.=
isa pang mapagpanggap na monster yun.. bwhahahhahahah
wow ang touchy naman ng chapter na to.... masyado yata akong na carried away hehehe and before I know it nabasa ko na nag salitang ITUTULOY...
take care and have a great day zild.
naiyak ako, promise... hmmmmm... nakakainis, sana same case kami ni nicollo, but the thing is, kabaliktaran naman yung sakin, nandito nga sila sa tabi ko, hindi ko naman maramdaman na mahal nila ako especially my dad. pero the good part is, NAKASANAYAN KO NA DIN kaya medyo hindi na ako affected until i read this chapter... hahaha... thanks a lot daddy zeke...
-eusethadeus-
nakakaiyak ung chapter neto...iba talaga pag nanay!T_T
at dahil sa pagkahulog ni lantis maitatama na nico ang gap sa pagitan nila...eto na ung chance nya..:)
Post a Comment