Thursday, June 7, 2012

Complicated Cupid Chapter 03



Story Cover by: WinwinTowtz
Written by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com
Author's Note:

Tulad ng ipinangako kong every other day posting ay heto na po ang chapter 03 ng Complicated Cupid. Ma-enjoy niyo sana ang  kabaliwan ko sa chapter na ito. Masyado na akong naaaning sa kwentong ito at ngayon naniniwala na ako na ang batang masipag tinatamad din. Kasi tinatamad na naman akong magsulat ampupu!!!!


Salamat nga pala sa mga taong sumubaybay sa unang dalawang chapter ng kwentong ito. Muli, gusto kong ipaalala na itong kwento ay maglalaman lamang ng sampong chapters. Wala lang, gusto ko lang sumubok gumawa ng isang kwento na hindi man kahabaan ay masaya naman. Hkhkhkh


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.




Sa hapag, naroon na si Lantis pagkapasok nila nang tawagin sila ni Aling Mellisa para sabay-sabay na mag-almusal. Nang magsalubong ang kanilang paningin ay sinimangutan lamang siya nito.


Ano na naman kaya ang sumapi rito? Hindi niya maiwasang maitanong sa sarili.


Pasimple niya itong binalingan. Hanggang doon ay hindi na siya pinatahimik ng kanyang isipan. Paulit-ulit pa ring tumatakbo sa kanya ang mga konklusyon niya matapos makakuha ng mga ilang impormasyon mula kay Popoy. Hindi siya tuloy nakapag-concentrate sa pagkain. Papalit-palit siya ng tingin kina Popoy at Lantis na masayang nag-uusap.


“Lantis, naalala mo iyong naligo tayo sa ilog noon?” Wika ni Popoy.


“’Wag mo nang ipaalala, nakakahiya.”


Napatawa ng malakas ito.


“Naka-brief lang tayong naliligo noon. Hindi alintana ang mga labanderang naroon. Naalala ko pa nga, natanggal ang brief mo ng mag-dive ka eh.” Nanunukso nitong sabi na ikinatawa naman ng ilan maliban sa kanya na mataman lang na nakikinig sa mga ito. Kung sa unang araw nila sa lugar na iyon ay wala siyang makitang malisya kapag nag-uusap sina Popoy at Lantis, biglang nag-iba iyon habang masaya ang dalawang binabalikan ang nakaraan. Lalo kasing tumitindi ang hinala niya na ito nga ang taong sinasabi ni Lantis.


“Sus! Nagsalita naman ang butas ang brief. Naalala ko pa noon, halos hindi ka magkamayaw sa kasisigaw no’ng may biglang pumasok sa brief mo habang naliligo tayo, eh.” Muling nagtawanan ang mga kasama niya sa hapag.


“Ikaw ang naglagay noon sa akin.” May bahid ng paratang nitong sabi.


“Wala kang ebidensiya.” Tugon naman nito na halatang gumaganti ng biro habang nakaplastar sa mukha nito ang malokong ngiti.


Sa ‘di malamang dahilan ay nakadama siya ng pagkainggit sa ginagawang batuhan ng biruan ng mga ito. Sila, sa loob ng mahigit apat na taon nila sa isang grupo ay ni hindi niya nagawang makabiruan ito bagkus, ay puro iringan ang nangyayari sa kanila.


“Eh, paano mapupunta sa loob ng brief ko ang uod na iyon kung hindi ikaw ang naglagay?” Ani naman ni Popoy.


“Malamang no’ng umupo ka sa may damuhan nakapasok iyon. Kasalanan mo, butas kasi ang brief mo.” At tumawa ito ng malakas. Unang beses niyang marinig at makitang tumatawa ito ng gano’n.


“Ang sabihin mo, linagay mo ‘yon para makaganti ka sa akin. Alam niyo ba nay, tay, ang lakas makasigaw niyang si Lantis kapag natatakot.  Inakala niyang ahas ang inilagay kong baging sa mga damit niyang iniwan niya sa batuhan. Ayon, nang balikan niya, halos mabulabog ang mga ibon at isda sa ilog ng magsisigaw siya.”


“Ayan! ‘Di umamin ka rin na ikaw ang naglagay noon.”


“Patas lang tayo, ikaw rin naman naglagay ng uod sa brief ko.”


Dama niya ang ibayong inggit sa biruan ng mga ito. At may kung anong damdamin ang nagsisimulang magising sa kaibuturan ng kanyang puso na hindi niya maintindihan.


“Bakit hindi niyo dalhin si Nico sa ilog.” Kapagkuwan ay wika ni Aling Mellissa. “Paniguradong magugustuhan niya roon tulad ni Lantis. Malinis ang tubig sa ilog na iyon.”


Nabaling ang tingin ng dalawang nagbibiruan sa kanya. Bigla siyang umasa na yayain siya ni Lantis doon ngunit laking pagkadismaya niya nang mawala ang ngiting nakaplastar nito sa mukha at walang imik na nagpatuloy sa pagkain.


“Sama ka sa amin Nico, doon tayo maligo pagkatapos nating magsibak ng mga panggatong.” Ang wika ni Popoy. Binalingan nito si Lantis. “Ano game ka?”



“Sige na Lantis, para naman masulit niyo ni Nico ang bakasyon niyo rito sa amin.” Sabat ni Mang Andoy. “Malaki na rin ang nagbago sa ilog dala ng mga bagyong nagdaan pero imbes na pumangit ay lalo lamang iyong gumanda ngayon.”


Inakbayan ito ni Popoy at pabirong kiniskis ang ulo.


“Sama ka na. Na-miss ko na rin kasi ang makasama kang maligo doon, eh.”


“S-Sige.” Ang tila napilitan nitong tugon.


“Kung ayaw niyang sumama huwag na lang natin siyang pilitin.” May bahid ng pagkaasar niyang wika. Pakiramdam niya kasi ay kaya ito ayaw sumama ay dahil kasama siya.


“Sasama ako.” May diin nitong sabi.


“Ang dami mo pa kasing arte. Hilig mong magpapilit.” Tugon naman niya rito.


“Ano bang pakialam mo?” Asik nito sa kanya.


“Tama na iyan. Hindi maganda ang nag-aaway sa harap ng hapag-kainan Lantis, Nicollo.” Sabat ni Aling Mellisa.


“Pasensiya na ho.” Hinging paumanhin niya rito. Hindi nga naman tama na pati sa hapag ay magbabangayan sila ni Lantis. Masyado ‘ata siyang nadala sa kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon dahilan para hindi na siya makapagpigil.


Ano ba kasi itong nararamdaman ko? Ang hindi niya maiwasang maitanong sa kanyang sarili.


“Hala, bilisan niyo na ang pagkain at nang makapaghanda na kayo. Ipaghahanda ko kayo ng mabibitbit ninyong pagkain doon.”


“Nay, sama ako!” Wika ni Sheila.


“Hindi p’wede. Masyado ka pang bata. Sa susunod ka na lang sumama sa kanila anak.”






Ibayong pagkamangha ang naramdaman niya nang dumating sila sa ilog na ipinagyayabang ni Mang Andoy sa kanya kanina. Hindi nga ito nagsisinungaling sa sinabi nito patungkol sa ilog na iyon dahil totoong napakaganda nito.


Dahil sa pagkamangha ay pansamantala muna niyang nakalimutan ang mga inaalala at pinagsawa niyang pinaglibot ang kanyang mga mata sa lugar. Alas-nuebe na ng umaga ngunit hindi niya madama ang init mula sa may kataasan ng araw dala ng malalaking puno na nakapaligid sa lugar na iyon. Ang napakalinaw na tubig ng ilog na marahang umaagos mula sa kung saan. Ang mga bato sa magkabilang dulo nito na para bang sinadya ng kung sinumang napakagaling at napakamalikhaing tao na naglagay doon. Ang nakahilig na puno ng niyog na siguro ay dala ng mga nagdaang bagyo na p’wedeng gamiting talunan para mag-dive sa napakagandang ilog na iyon.


Isa lang ang salitang naiisip niya para sa lugar “Perfect.” Hindi siya gaanong mahilig sa mga nature trips at kapag nagkakayayaan sila ng mga kaibigan niya ay ginagamit lamang niya iyon para makapagpahinga at makabawi ng tulog. Subalit itong lugar na ito biglang nag-activate ang kanyang adrenaline rush.


“Ano kuya, maganda ba?” Untag sa kanya ni Rodney na siyang naging kasabay niya papunta sa lugar na iyon dahil ang tinamaan ng lintik na si Lantis ay doon dumikit kay Popoy. Nauuna sa kanila ang dalawa, na habang naglalakad at tumatawid sa mga pilapil ng palayan ay panay ang kulitan.


“Oo, ang astig.” Punong-puno ng pagkamanghang wika niya.


“Hindi pa iyan kuya, mamaya kapag sumulong ka na sa tubig mapapahiyaw ka sa sobrang lamig.” Tila proud namang sabi nito.


“Saan ba nagmumula ang tubig nitong ilog? Ang linaw, ah.”


“Mula iyan sa bundok kuya. Kaya napakapresko niyan sa katawan.”


Napatango naman siya rito. Binalingan niya sina Popoy at Lantis na pareho nang nakaupo sa may batuhan. Hindi pa rin magkamayaw ang dalawa sa tawanan na ikinaiirita na niya.


Hindi ba nauubusan ng pinag-uusapan ang dalawang iyon? Naitanong niya sa kanyang sarili dala ng iritasyon na ‘di niya alam kung saan niya hinuhugot.


Bakit, ano ba ang pakialam mo kung masaya sila? Nagseselos ka ba? Usal naman ng isang bahagi ng kanyang isipan.


Ako, nagseselos? Napasimangot siya sa salitang iyon. Hindi! Bakit naman ako magseselos? Eh, ano ngayon kung siya nga ang taong tinutukoy ng monster na iyon na mahal niya. The hell I care!


“Kuya?” Untag sa kanya ni Rodney.


“H-Hah? Pambihira! Ano ba itong nangyayari sa akin? Pati sarili ko kinakausap ko na!


“Ang sabi ko kuya kung maliligo na ba tayo?”


“Sige tara, mabuti pa nga. Baka sakaling matahimik ang utak ko.” Wala sa sarili niyang tugon.


“Anong ibig sabihin mo kuya?” Takang tanong nito. Pati ito ay naguguluhan na sa kanya. Well, who wouldn’t? Siya nga, ‘di na niya maintindihan ang sarili niya ang iba pa kaya?


“Wala, ‘wag mo na lang pansinin ang sinabi ko. Tara, maligo na tayo bago pa magtanghalian at nang makauwi tayo ng maaga sa inyo.”


“Kuya Poy! Maliligo na kami ni kuya Nico, kayo?” Tawag nito sa kapatid.


“Sige, susunod kami.” Tugon naman nito.


Walang pag-aalinlangan namang nag-alis ito ng damit at saka short. Naka-brief itong patakbong nag-dive sa ilog. Bahagya siyang natawa. Siya naman ay inilapag muna sa batuhan ang kanyang dalang bag bago mag-alis ng pang-itaas. Nakapagpalit na siya ng board short kanina bago umalis dahil alam naman niyang maliligo sila sa ilog kaya iyon ang suot niya papunta roon. Kita niyang bahagyang napatutok ng tingin si Lantis sa kanya ngunit nang subukan n’yang hulihin ang tingin nito ay agad naman itong pumaling ng tingin sa ibang dako.


Paghanga ba iyon? ‘Di niya maiwasang maitanong sa sarili tungkol sa tingin na ipinukol sa kanya ni Lantis. Agad na sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Ang sunod niyang ginawa ay ang pagbaba niya ng kanyang board short at hayaang bumalandra ang kanyang itim na boxer brief. Gusto niyang makita kung ano ang magiging reaksyon nito.


“Anong ginagawa mo?” Ang bilang wika ni Lantis.


“Alin?” Maang-maangan naman niyang tugon.


“W-Why are you removing your board short?”


“Ano naman ang masama? Eh, sa hindi ko siya trip na mabasa, eh.” Paliwanag niya.


“Nag-board short ka pa kung huhubarin mo lang naman. Hindi mo ba alam na may pupuntang mga maglalaba dito maya-maya lang? Gusto mo bang dumihan ang mga utak nila?” Bakas ang pagka-asar nitong wika.


“Bakit, ilog naman ‘to, ah. Wala akong makitang mali sa suot ko.”


“Wala? Para sa ‘yo wala, pero para sa mga babaeng makakakita sa ayos mo ngayon, mayro’n. Ibalik mo ang board short mo.” May diin nitong utos sa kanya.


“Ayaw ko nga.”


“Ibabalik mo ang board short mo o kakaladkarin kita pauwi ng bahay nina naynay?” May bahid ng pagbabanta nitong sabi.


Lihim siyang nagbunyi sa nakita niyang reaksyon dito. Bakit parang pakiramdam niya ay pinagdadamot siya nito sa ibang p’wedeng makakita sa kanya sa gano’ng pagkakataon? Naloloko na ba siya o sadyang malakas lang talaga ang trip niya. Pero imposible ‘ata ang iniisip niya. Bakit naman siya nito ipagdadamot sa iba, eh halos kung p’wede nga lang ‘ata ay tuluyan na siya nitong burahin sa mundo ay gagawin nito.


Minabuti na nga lang niyang ibalik sa ayos ang board short niya bago pa siya nito tuluyang masakal. At least, nagawa niyang pansamantalang maagaw ang pansin nito mula kay Popoy.


“Ayan. Masaya ka na?” Sarkastiko niyang sabi. Kita niya mula sa likuran nito si Popoy na napangisi.


“Mag-isip ka nga sa susunod bago ka gumawa ng kung anu-ano.” Asik nito saka siya tinalikuran.


Talagang tuluyan na nga yata itong na badtrip sa kanya dahil kahit naliligo na sila sa ilog ay hindi na siya nito muli pang tinapunan ng tingin. Ayos lang naman sa kanya dahil kahit papaano ay medyo natahimik ang kanyang mundo at na enjoy niya ng husto ang  paliligo isama mo pa ang mga kalokohan nila nina Rodney at Popoy.


Hindi niya maikakailang masayang kasama ang magkapatid, pareho kasing makulit ang mga ito at marami silang bagay na napagkasunduan isa na doon ang pagtalon mula sa nakahilig na puno ng niyog.  Hindi rin gaanong binigyan ng pansin ng mga ito ang nangyaring iringan sa kanila ni Lantis at gustong-gusto niya ang gano’ng ugali ng tao.


Tulad nga ng sabi ni Lantis ay dumating ang mga kadalagahan, binabae at ginang sa lugar na iyon para maglaba. Tuwang-tuwa ang mga itong pinagmamasdan sila sa kanilang kulitang tatlo. Doon din niya nakita ang karisma ni Popoy. Ngunit ang ilan sa mga ito ay sa kanya na napatutok ng tingin. Ipinagpapasalamat niyang sinunod niya ang utos ng mortal niyang kaaway na ibalik ang kanyang board short dahil kung hindi, baka lalo siyang pinagpiyestahan ng mga ito lalo pa’t malalagkit ang tingin sa kanya ng mga binabae at kadalagahan na naroon.


Napalis lang ang masayang aura niya nang hindi sinasadyang mabaling ang tingin niya kay Lantis na inaalalayan ni Popoy. Isang pakiramdam ang sumiklob sa kanya nang makita niya na magkahawak-kamay ang mga ito paakyat sa pinagtatalunan nilang puno ng niyog. Ngunit mas lalo pang nangunot ang noo niya nang yakapin ito ni Popoy mula sa likuran nito at magkasabay na tumalon ang dalawa.


“Woo! Ang sarap pala sa pakiramdam!” Tila tuwang-tuwang wika ni Lantis.


“Sabi sa ‘yo, eh. Ayaw mo kasing subukan.” Ani naman ng ngingiti-ngiting si Popoy na kahit tapos na ang mga itong makatalon ay magkadikit pa rin ang mga katawan nito sa tubig.


Hindi niya maintindihan ang sarili. Ibang damdamin ang agad na sumakop sa kanya at ramdam niya ang mabilis na pagpintig ng kanyang puso.  Mabilis siyang umahon sa tubig at tinungo ang kinalalagyan ng kanyang bag at damit. Hindi na siya nag-abala pang isuot iyon at bitbit ang mga ito ay walang pasabi siyang umalis.


“Kuya Nico, saan ka pupunta?” Pagtawag sa kanya ni Rodney pero hindi na niya iyon nagawang pansinin pa at tuloy-tuloy niyang binagtas ang daan pabalik sa bahay nina Aling Mellisa.


What the hell is wrong with me? Why did I feel that way? Could it be.... could it be na nagselos nga ako? Pero hindi p’wede iyon! Tang-ina!






Sa bahay. Nagulat pa si Aling Mellisa nang makita siya.


“Nico anak, bakit narito ka na, asan sila?” Takang tanong nito sa kanya.


“Saan po may signal dito? I need to call someone.” Sa halip ay wika niya rito.


“Sa baryo,hanggang doon umaabot ang signal ng cellphone. May problema ba?” Nag-aalalang tanong nito. “Gusto mo bang samahan na kita roon.”


“Hindi na po.” Saka niya pinuntahan ang kanyang sasakyan.


Hindi ito p’wede. Ang paulit-ulit niyang sabi habang binabaybay ang daan papunta sa poblacion ng lugar na iyon. Kailangan niyang makausap si Maki tungkol dito, iyon ang agad na pumasok sa isip niya kanina habang pabalik siya sa bahay nina Aling Mellisa.


He can’t be jealous dahil ang alam niya ang mga taong nagseselos ay ang mga taong may pagtingin sa isang tao. At hindi iyon p’wede. Hindi p’wedeng may nararamdaman siya para kay Lantis. He was his enemy for Pete’s sake at abot-langit ang galit nito sa kanya. Malaking problema kapag nagkataon na may nararamdaman siya para rito dahil una, alam niyang wala itong pagtingin sa kanya at pangalawa kaibigan niya ito.


Nang magkasignal ang cellphone niya ay agad niyang tinawagan si Maki.


“Problem? Pangalawang araw pa lang, ah.” Bungad sa kanya nito.


“Malaki.” Tugon niya rito. “I think something is wrong with me.”


“Matagal ko nang alam na may mali sa ‘yo, but you could at least try to be specific para alam ko naman ang sasabihin ko.”


“I think dapat na akong umalis dito, Maki.” Sa halip ay wika niya rito.


“Bakit, naayos niyo na ba ni Lantis ang tungkol sa problema niyong dalawa?”


“Hindi mo ba ako narinig? I think i better leave him alone. There’s something wrong with me!” Hindi niya mapigilang mapasigaw dala ng magkahalong iritasyon at ibayong pagkalito. At hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin bumabalik sa normal ang tibok ng kanyang puso na para ba siyang kinakabahan na ewan. Hindi niya maipaliwanag.


“Oh, relax lang hindi ako kaaway. Ano ba kasi ang problema? Hindi ka naman madaling mag-freakout, ah. What happened?”


“I shouldn’t feel this way right? I’m here to settle things between me and Lantis at hindi kasama doon ang makaramdam ng kakaiba sa kanya.” Ang parang nagsusumbong niyang wika.


“Teka, teka, hindi kita maintindihan. Ano ba ang ibig mong sabihin?”


“I think... I think I’m jealous. Worst, I think I’m in love with that monster.” Ang tila nauubusan ng hangin niyang sabi.


“Oh.” Ang tanging naging pagtugon lang nito dala marahil ng gulat.


“Anong klaseng reaksyon iyan? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Tingin ko may nararamdaman ako sa impaktong iyon! Damn!”


“Relax, narinig ko, nagulat lang ako. Hindi ko akalain na ikaw ang unang bibigay sa inyong dalawa.”


“What do you mean? ‘Wag mong sabihin na kasama ito sa mga plano mo Maki, mapapatay talaga kita. Hindi mo ba alam kung gaano kalaki itong problemang binigay mo sa akin?”


“Wala akong binibigay na problema sa ’yo. I was just trying to help.” Kapagkuwan ay wika nito. May nahimigan siyang excitement sa boses nito.


“I have a feeling that you’re enjoying this. Kung gano’n, alam mong posibleng mangyari ito and yet itinuloy mo pa rin? Tang-ina!”


“Bawal ang magmura Nico, kagagaling ko lang sa isang prayer meeting. Alright, I admit alam kong posibleng mangyari nga ito pero, kaya ko ito itinuloy para tulungan kayong dalawa na mailabas ang tunay na nararamdaman ninyo para sa isa’t isa and I think I succeeded in that regard. Ngayon, alam mo na kung bakit hindi ka magkagusto sa iba, dahil ang talagang taong gusto mo ay ang taong matagal nang nasa tabi mo at hindi mo lang binibigyan ng panahong pansinin.”


“Hindi ko siya pupuwedeng magustuhan, Maki!” Galit na galit niyang wika.


“And why not?” Naghahamon naman nitong balik sa kanya.


“Because he hated me so much! At hindi makakabuti itong nararamdaman ko para sa kanya because it will just make things worse for both of us.”


“You are the one who is making things worse, Nico. Tulad niyan, imbes na tanggapin mo sa sarili mo na may nararamdaman ka para kay Lantis ay kung anu-ano pa ang sinasabi mo.”


“Dahil mali ito.” May diin niyang sabi. “Papaano ko tatanggapin ang katotohanan na may nararamdaman ako sa kanya kung alam ko mismo sa sarili ko na wala naman siyang nararamdaman sa akin bukod sa galit.”


“At paano ka naman nakakaisgurong  wala siyang nararamdaman para sa ’yo?” Naghahamon nitong tugon sa kanya.


“Because he’s in love with someone else.” Halos pumiyok ang boses niya sa katotohanang iyon.


“Hindi kita maintindihan, Nico.” Wika nito sa kabilang linya.


“Remember no’ng high school pa lang tayo. No’ng magkainuman tayo at napag-usapan natin ang kasarian ni Alex? Di ba may sinabi si Lantis na taong mahal niya? Mali ang hinala natin na hindi iyon totoo Maki, dahil narito sa probinsiya ang taong iyon kaya natin hindi ito nakita.”


Hindi agad ito nakasagot.


“You see, pinalala mo ang sitwasyon Maki, ginulo mo lang lalo ang sit’wasyon namin ni Lantis. Papaano ko ngayon aayusin ang samahan namin kung heto’t may iba na akong nararamdaman sa kanya. Uuwi na ako diyan, p’wede ko pa itong maiwasan.”


“So, tatakas ka na naman tulad ng lagi mong ginagawa, gano’n?” Kapagkuwan ay wika nito. “Iiwan mo na naman ang problema kasi hindi mo alam kong papaano lulusutan? Hindi ka na talaga nagmature Nicollo.” Dissapointment was in Maki’s voice.


“At ano ang gusto mong gawin ko? Ang ipagpilitan ang nararamdaman ko? Kilala ko ang sarili ko Maki, and I know that this is beyond my grasp. Hindi ko kayang pigilan ang sarili ko basta damdamin ko na ang pinag-uusapan at nakataya. Magugulo ko lang ang lahat and worse, baka tuluyan pa kaming magkasakitan ni Lantis.”


“At sa tingin mo ba hindi mo siya masasaktan kapag iniwan mo na lang siya ng basta?” Wika nito. “Marami ka pang p’wedeng gawin aside from running away. But if you think na hindi mo talaga kayang panindigan iyang nararamdaman mo, then mabuti pa ngang lubayan mo na si Lantis.”


“Maki..”


“You are always too busy keeping yourself protected from pains Nico, kaya hindi mo nakikita ang mga bagay na dapat matagal mo nang nakita noon pa. Tuluyan ka na ‘ata talagang nadala sa pagiging walang pakialam mo sa lahat ng bagay.” At pinutol na nito ang linya.


Naiwan siyang napatanga sa mga sinabi nito. Gano’n nga ba talaga siya? Wala na nga ba talaga siyang ibang alam gawin kung hindi ang tumakbo kapag hindi na sakop ng kakayahan niya ang sit’wasyon? Was it because he wanted to protect himself from pains o dahil duwag lang talaga siya? Ano na ngayon ang gagawin niya?


Pinakalma niya ang sarili. Ilang buntong hininga ang pinakawalan niya ngunit hindi parin natigil ang puso niya sa pagrigudon nito. Hindi pa tumitibok ang puso niya ng gano’n ka lakas na animoy nasabingit siya ng kamatayan. Aaminin niya, ikinatakot niya ng husto ang damdamin na nagising ngayon sa puso niya dahil una ay hindi pa siya nakakaramdam ng gano’n katinding damdamin.


“You are always too busy keeping yourself protected from pains Nico, kaya hindi mo nakikita ang mga bagay na dapat matagal mo nang nakita noon pa.” Muling umalingawngaw sa tenga niya ang sinabing iyon ni Maki.


“Is it possible? Could it be na noon pa man may nararamdaman na ako sa kanya? Pero bakit ngayon ko lang nalaman ito? Bakit ngayon pa kung kalian masyado ng magulo ang lahat?” Naiwika niya ng pabulong.


“Psst! Bata, huwag mo ngang hahawakan ang aso ko, ipapakagat kita sa kanya.” Kanina pa niya hinahanap ang kanyang alagang aso at hayon nga’t nakita niya ito sa labas ng kanilang bahay na masayang nakikipaglaro sa isang batang lalaki.


“Nakikihawak lang naman ako sa kanya, ah.” Rason naman nito.


“Hindi ko pinapahawak sa iba ang aso ko bata. Buffy, come here huwag kang lalapit sa iba.”


Lumabas mula sa gate ng katapat na bahay nila ang isang babae.


“Oh baby, kaninong aso iyan?”


“Sa bata pong iyan mommy, inaaway niya ako.” Sabay turo pa nito sa kanya.


Nabaling naman ang atensyon ng ginang sa kanya. Medyo nakaramdam siya ng takot mula rito sa pag-aakalang papagalitan siya nito ngunit ngumiti ito sa kaya.


“Ikaw ba si Nicollo?”


Tumango naman siya bilang pagtugon.


“Ikaw pala ang anak ni Mrs. Alegre, kamusta ka?”


“Okey lang po.” Mahiya-hiya niyang tugon.


“Nagluto ako ng spaghetti para sa anak ko, baka gusto mo kaming saluhan.”


“Mommy ayaw ko sa kanya, bad siya.” Alma naman ng batang lalaki.


Binalingan ito ng ginang at nakangiting hinimas ang ulo ng anak.


“Ayaw mo bang may makalaro ka anak? Sa tingin ko mabait na bata si Nicollo p’wedi kayong maging magkaibigan at mukhang magka-edad pa kayo.”


Muli siyang binalingan ng batang iyon saka muling ibinalik ang atensyon sa kanyang aso na sa mga oras na iyon ay abala paring dilaan ang kamay nito.


“Itong dog nalang po mommy ang pakainin natin.” Kapagkuwan ay wika nito.


Napasimangot siya. Tinanggihan nito ang makipagkaibigan sa kanya kahit paman hindi iyon derektang sinabi nito. Nilapitan niya ang ito at inagaw ang kanyang aso sa batang iyon.


“Tara na sa loob Buffy, mas masarap ang snack natin sa loob.” Wika niya saka sinimangutan ang batang lalaki at walang lingon likod siyang pumasok sa loob ng bahay nila.


Hanggang sa loob ay hindi parin niya mapigilan ang magngitngit sa talipandas na batang iyon. Dahil palaging wala ang mga magulang ay sa kanyang yaya siya nagsumbong sa kasungitang ipinakita sa kanya ng nakaengkwentrong bata at doon niya napag-alaman ang pangalan nito.


“Lantis.” Wika niya sa kanyang sarili. At mula noon ay pinangako niyang hinding-hindi siya makikipagkaibigan sa batang iyon at lalong hindi na niyang hahayaan na mahawakan nito ang kanyang alagang aso. Simula noon ay di na siya lumapit pa dito o makipag-usap man lang.


Dumating ang hindi inaasahang pangyayari sa buhay niya. Ang tanging kaibigan, kalaro, kasama sa bahay na kanyang aso ay namatay ng masagasaan ito. Ibayong lungkot ang naramdaman niya ngunit dala ng palaging pagiging busy ng kanyang mga magulang ay wala siyang napaglabasan ng kanyang damdamin. Binago siya ng pagkawala ng kanyang matalik na kaibigan at sa muling paglabas niya ng bahay nila ay ibang Nicollo na ang ipinakita niya sa mga tao. Isang Nicollo na walang pakialam sa lahat. Isang batang hindi nangailangan ng kaibigan, karamay, at atensyon.


Ngunit lahat ng iyon ay nagbago ng tumapak siya ng high school. Muling pinagtagpo ang ang landas nila ng batang tinangihan siyang maging kaibigan noon at sa kasamaang palad, dahil sa isang activity ay napasama silang dalawa sa iisang grupo kasama ang tatlo pang ka-klase nila. Doon nagsimula ang pagkabuo nilang lima ngunit dahil sa pangakong binitawan noon ay iniwasan niya ang isa sa mga ito at iyon ay si Lantis. Ngunit mapagbiro ang tadhana, kung sino pa ang taong ayaw niyang kausapin ay siya pa ang laging dahilan kung bakit siya napapangiti. Dahil sa tuwing matatapos ang iringan at palitan nila ng kung anu-anong pang-aasar maipakita lang ang pagkadisguto nilang dalawa sa isa’t isa ay ibayong excitement at saya naman ang nararamdaman niya. Hanggang sa hanap-hanapin na niya ang makipagbatuhan ng salita rito.



“Could it be... Could it be that unconsciously, i was already feeling something for him? At ngayon ko lang napansin ito dahil may ibang tao ng umaagaw ng atensyon niya sa akin?” Hindi niya maiwasang maitanong matapos balikan ang mga ala-alang iyon.





Itutuloy:


36 comments:

Tommy said...

I like this chapter :D, Good Job Zildy :D. ganda ganda :D

youcancallmeJM said...

Yay! ambilis ng update :]
ganda talaga ng series na ito...

Chris said...

hahaha! sabi ko na nga ba eh! could it be na sya ung tinutukoy ni Lantis na mahal nya? or si Popoy? may feeling dn ako na si Popoy may gusto kay Lantis. hehe. ang ganda kuya. nxt na!! hahaha!!

Gerald said...

Beautifull! Pwde bang isang bagsakan na lang hanggang chapter 10? Bwahahaha cant wait for the next chapter e. Pls.:)))

--makki-- said...

ah basta the more you hate the more you love.. yun na yun.. lol

Jay-ar said...

wah! d best talaga to! exciting! walang dull moments! hehehehehe NEXT CHAPTER NA!

Midnytdanzer said...

haissst... Hang tagal naman ng chapter 4. Kase tenbits ako dito. Excited na kase ako kung sino unang bibigay at aamin sa dalawa. Sbi ko na nga ba may nakakatuwang kwento sa pagitan ni Nico at Lantis ng CHANCES.

Anonymous said...

grabe naman kasing mag selos e....me pagtingin naman pala sa isat isa...in denial pareho..hmmmmmmppppppppp...LOL

-iamronald

I AM CHRIS_LEE#027 said...

Hindi pa huli ang lahat nico ........:):):):):)

Anonymous said...

can't wait..
Update na agad.. Hekhek.

Kht nasa office, lagi kong chini-check kng my update na ba..
Sa sobrang bilib ko at pagkagusto ng story na toh, kht sa mga ka officemates q, naikukwento q na ng wlang patid at ang excitement n nararamdaman q.. Bwahaha..

Wagas mag-comment.. Hekhek.

Mr.author, thank you sa gawa mo.
I think. . . . I like you!

-krishtoffer-

bon-bon said...

LOVE IT ! super ! UPDATE na po pwd ? hehe


NICE TALAGA . promise :)

Anonymous said...

Galing mo Zild! Very nice! :D

Anonymous said...

so excited sa mga incoming chapters. Hindi pa lang for sure mas kinikilig na ako. Update na po mamaya please.

Anonymous said...

i like this chapter especially yung flashback sa pagkabata nila, nung magkakilala sila. That was cute!

Thumbsup zeke.

Anonymous said...

i like this chapter especially yung flashback sa pagkabata nila, nung magkakilala sila. That was cute!

Thumbsup zeke.

James Chill said...

Tanggal lahat ng stress ko sa byahe paguwi!!! Cant wait for the next chapters!! Haha

Anonymous said...

chapter 4 nah! dali! :P

vp

russ said...

kawawa ang aso naman Z namatay agad sa eksena..hehehe..galing..

Anonymous said...

Hai... Ang ganda... Ten chapters lang talaga toh? Di pdeng iextend? Ahaha.. Honestly ang cute nung plot niya. Mortal enemy turned lovers because sa damdaming tinatago lang? Ahhaa keep i up idol! :-)

Ivan d.

TheLegazpiCity said...

OMG...Next- next chapter na...

Excited moch na akira

Anonymous said...

goshh! -- ang weird ng ganyan feeling
pero minsan dba!

THE MORE YOU HATE THE MORE YOU LOVE
gosh nakaka excite tung story kahit puro away :)


<---- demure

Zildjian said...

Uhoy! di ba from BOL ka? Nice to have you here :) salamat sa pagbabasa!

Anonymous said...

LOVE IT. Yun lang.

-J

Anonymous said...

waaahhh.. kiligness to the max.. hahaha

just keeps getting better..

God bless.. -- Roan ^^,

PENSandPAPERS said...

Ok, ngayon lang ako magcocomment dahil loser ang tablet.. hahaha!

HANGKYUT TALAGA!!! :)

Erwin F. said...

Bilisan mo update! Hahahahaha!

May updated story cover na ako sa fb inbox mo.

Check mo na. Naka high-res yun.

The story is getting more sweeter ! Ayiiiiieeeeee!

Anonymous said...

The best ka talaga Z!can't wait for the next 7 chapters:)

Riley

Anonymous said...

I lilililillililili like the story of this two people nakakakilig na nakakainis hahaha salamat po sa writer abangan ko naman ang karugtong bukas ayiiieeee.....



Karl Rickson

philip said...

Wala pa ba kasunod nito zeke?

Anonymous said...

pu*eta! Ano naman 'tong storyang 'to. Sobrang ewan lang. Masisira F5 ko kakarefresh. Excited much! Masisiraan ako ng bait pag wala pa itong update. Magwawala ako ng bonggang bongga.

Anonymous said...

nasaan na ung UPDATEEEEE!!! Waaaaaaaaaaahhhhhh magkano kailangan mo i update mo langgg... OA MUCH! Hahaha

robert_mendoza94@yahoo.com said...

bigla realization comes! he he he. anu na kaya magiging development. exciting!

Anonymous said...

yup.. Cmula nung nabasa q ung first chapter.. Lagi na qng nkaabang sa susunod pa.

..dalawa lang kaung writer na favorite q.

-salamat ulit..

-krishtoffer-

Anonymous said...

=_=
prayer meeting.....
......


wooohooo ganda ng story :D
tameme ako dito bwahhahaa

-yume

Ryge Stan said...

wew gandang chapter nito realy amazing zild hehehe.

take care and keep on writing

Anonymous said...

naiinis ako sa sarili ko. kasi hinayaan kong mamiss ko ang mga ganitong klaseng storya dahil lang sa trabaho... (hahaha, handang ipagpalit ang trabaho para dito... LOL...) pero i must admit, napakaganda talaga ng pagkakagawa dito. And daddy zeke, ikaw na ang magling magsulat kasi nagawa mong ibahin ang style mo of writing... hehehe... IKAW NA TALAGA...


-eusethadeus-

Post a Comment