By: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com
blog: ZildjianStories
Well, what can i say? HAHAHA! Ang hirap pala
talagang makipaghantuhan sa mga sira ulo noh? Lalo na sa dalawang character ko
sa kwentong ito. Sobrang pinasakit nila ang ulo ko dahilan para di ako
makatulog ng maayos kakaisip kong ano ang gagawin sa kanila. HAHAHA
Wala talaga sa plano ko ang gawan ng
estorya ang mga kaibigan ni Alex, kung
baga ginawa ko lang sila para gamiting pangulo sa mga scene ko noon sa Chances,
kaso heto’t dahil sa kabaliwan ko binigyan ko nang malaking problema ang sarili
ko. Bwahaha!! Ang kwentong ito ay maglalaman ng 10 Chapters mga kabayan, at ang
posting schedule nito ay every other day without fail LOL! (Ayan na naman ako
sa mga pangako kong napapako noh? Pero totoo na ito pramis!) Anyway, enjoy niyo
lang ang kwentong ito at ang pakikibaka ni Nicollo sa kamay ng kanyang mortal
na kaaway. Ipapakita sa kwentong ito that love has no limits nor no boundaries.
Walang pinipili itong tao kahit paman siya pa ang pinaka-inaayawan mo noon.
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to
any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains
all rights to the work, and requests that in any use of this material that my
rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner
without my permission.
Nasa coffee shop si Niccolo, ang coffee shop
na pinagtulungan nilang maitayo ng isa sa kanyang apat na pinakamatalik na
kaibigan – ang Keros Cafe. Kasalukuyan niyang pinapakain ang pusang minsang
dumayo sa kanilang bahay para mamingwit ng makakain. Lumaki siya kasama ang alagang
aso na si Buffy, ngunit sa ‘di inaasahang pangyayari ay aksidente itong
nasagasaan na ikinamatay nito. Kinahiligan na talaga niya ang maging mapagmahal
sa mga hayop, sa mga ito niya naipapakita ang soft side niya na ipinagkait
niyang ipakita sa mga taong malalapit sa kanya.
He doesn’t want to be noticed. Hindi rin
siya ang tipo ng tao na madaling makapalagayan ng loob. Arogante, walang
pakialam sa mundo iyan ang palaging nagiging komento ng mga kaklase niya simula
elementary pa lang siya. Maliban sa apat na taong nakilala niya no’ng high
school na siyang tanging binigyan niya ng karapatang maging malapit sa kanya.
“Kerochan, kumain ka ng marami para tumaba
ka.”
Ikiniskis ng probreng pusa ang ulo nito sa
kanyang kamay na siyang humihimas sa ulo nito bago linantakan ang binili niyang
isda.
“Naku sir, ang sweet mo talaga diyan sa
alaga mo.” Ani ng isa sa mga tauhan niya sa coffee shop na si Gezell. Hindi ito
gaanong apektado sa kaarogantehan niya.
“You better finish you work rather than
wasting your time watching me feed my cat. Mamaya, may mga tao nang
magsisidatingan.” Kunot-noo niyang baling dito.
“Alam mo sir, kahit suplado ka, crush pa rin
kita.”Pambabaliwala nito sa kanyang sinabi. Bakas ang paghanga sa mga mata
nito.
Ever since, hindi niya nagugustuhan ang
atensyon at papuri na binibigay sa kanya ng mga kalahi ni Eba at ng mga
alanganin. Hindi naman sa girl o gay hater siya o kung anupaman iyon. Ayaw lang
niya na may pumupuri sa angking tikas niya. But the girls and gays can’t help
it. Nicollo has this oozing sex appeal na kahit sino ay hindi maiiwasang
mapansin iyon.
“Go back to your work Gezell.” May
awtoridad niyang sabi.
“Hey, easy. Huwag mong idamay ang mga empleyado
mo sa kabadtripan mo sa buhay. Wala namang masamang ginagawa sa ’yo ang tao,
ah.” Biglang bungad ng isa sa mga kaibigan niya, si Maki.
“Walang masama sa ginagawa ko. Pinapabalik
ko lang siya sa trabaho niya.” Simpleng tugon niya rito. “Anong masamang hangin
ang nasinghot mo at kay aga-aga narito ka? Wala ka bang trabahong
pinagkakaabalahan?”
Sa isang online company ito nagtatrabaho
bilang isang graphics designer. Minsan, kapag tinatamaan ng lintik ang
connection nito sa bahay ay sa coffee shop niya dinadala ang trabaho nito para
doon maki-connect, at nasisiguro niyang iyon ang rason kung bakit naroon ito
ngayon.
“Makiki-connect muna ako, biglang nawala ang
connection ko sa bahay. Kailangan ko pa namang i-submit ngayon ang mga nagawa
kong designs.” Ngingiti-ngiti nitong sabi.
“Coffee shop ito Maki, hindi internet
cafe.” Kapagkuwan ay wika niya at muling binalingan ang kumakain pa ring pusa.
“’Mas gusto ko rito kasi komportable ako.
Siyanga pala, ano na ang nangyari sa inyo ni Lantis? Bakit hindi ka na bumalik
kagabi?”
“Hinding-hindi
ako magpapakita sa inyo hangga’t hindi mo ibinabalik sa akin si Karupin!”
Muli na naman niyang naalala ang huling
sinabi ni Lantis. Sa kanilang magkakaibigan si Lantis ang hindi niya makasundo.
In short, ito ang mortal enemy niya sa barkadahan nila. Uminit na naman bigla
ang ulo niya, alam niya ang likaw ng bituka ng isang iyon at kapag may sinabi
ito, hindi ito mangingiming totohanin iyon.
“That monster.” Kapagkuwan ay wika niya
bakas ang pagkainis at iristasyon sa boses.
“Pustahan nag-away na naman kayo. At ang
pusang iyan na naman ang dahilan.” Napapailing na wika ni Maki. Sanay na ang
mga ito sa walang kamatayang iringan
nila ni Lantis. “Bakit hindi mo na lang kasi syotain ang isang iyon nang hindi
na niya pasakitin ang ulo mo, eh.”
“Nahihibang ka ba o sadyang sabog ka lang?”
May bahid ng iritasyon niyang asik rito. Wala silang lihiman na magkakaibigan
kaya naman alam ng mga ito ang sekswalidad ng bawat isa maliban sa kanya. Hindi
daw kasi matukoy ng mga ito kung ano ba talaga ang gusto niya sa buhay.
“Bakit, hindi mo ba type si Lantis? Aba
iho, ano ba talaga ang gusto mo? Ayaw mo sa babae, ayaw mo rin sa lalake, baka
iyang pusa ang gusto mo. Sabihin mo lang nang maipakasal namin kayo.”
“Hinaan mo ang boses mo Maki.” May
pagbabanta niyang sabi. Walang alam ang mga empleyado niya patungkol sa kanyang
kasarian dahil maski kasi siya hindi pa matukoy kung ano ba talaga ang gusto
niya. Hindi pa niya nasusubukan ang makipagrelasyon mapa-babae o sa lalaki man,
kaya hanggang ngayon ay ‘di pa niya alam kung ano ang gusto niya talaga.
Itinaas nito ang dalawang kamay tanda ng
pagsuko.
“Easy lang, nagbibiro lang naman ako.” Ani
nito. “Pero hindi na maganda itong nangyayari.
Kagabi, sa birthday ni Chelsa, may nangyaring hindi maganda kay Nhad at
Ken tapos heto’t pati kayo ni Lantis ay lalong lumalala ang iringan. Ano ba
itong bagong pauso ni pareng tadhana. Ang hilig niyang bulabugan ang mundo ng
mga tinamaan ni kupido.”
Si Kenneth ay katrabaho ni Jay na isa ring
matalik niyang kaibigan. May ideya na siya kung ano ang posibleng naging
problema nito at ng kasintahan. Nasisiguro niyang may kinalaman ang kababalik
pa lang na bestfriend nito.
“’Wag niyong pakialaman ang relasyon ni Ken,
Maki. Hayaan niyong siya ang lumutas ng problema niya. Nakialam na kayo noon at
heto ang naging resulta. Tungkol naman sa amin ni Lantis, I will try to talk to
that monster. Hindi ko na rin matagalan ang isang iyon. Masyado na niyang
pinapasakit ang ulo ko.” Kahit pa man lagi silang nagkakairingan, hindi naman
niya maatim na dahil lang sa kanya ay lalayo ito sa iba pa nilang kaibigan.
“Bakit kasi hindi mo na lang aminin na
gusto mo siya.” Hirit ulit ni Maki sa kanya. Masyado na itong nahahawa sa
pagiging makulit ni Jay.
“Hindi ko siya gusto at wala akong balak
magkagusto sa kanya. Problema lang ang magiging dala sa ating lahat kapag
tinalo natin ang isa’t isa.” Ang kanyang wika at tuluyan na itong tinalikuran
para asikasuhin ang mga stocks ng coffee shop niya. Wala siyang balak
makipagtalo rito patungkol sa bagay na gusto nitong ipagpilitan sa kanya dahil
alam niyang sa huli, siya lang ang mapipikon.
Dumaan pa ang ilang araw at nabalitan niya
ang hiwalayan na nangyari kay Kenneth at Nhad. Napailing na lang siya sa mga
nangyari. Naawa siya kay Nhad pero mas naaawa naman siya kay Kenneth. Batid
niyang hindi biro ang pagdaraanan nito.
Ilang araw na rin na hindi nagpapakita sa
kanila si Lantis. Talagang pinanindigan nito ang sinabi na hinding-hindi ito
magpapakita hangga’t hindi niya naibabalik rito ang pusang pareho naman silang
walang karapatang angkinin. Hindi lang niya maintindihan ang sarili kung bakit
hindi siya nagpapatalo kay Lantis. Pride? Iyon siguro ang dahilan at ang
katotohanang kahit papaano ay na-eexcite siya kapag nagkakairingan silang
dalawa. Si Lantis lang kasi ang may lakas ng loob na makipagsagupaan sa kanya
at hindi niya maitatangging nacha-challenge siya.
“Oh, bakit ka narito?” Bati niya sa kapapasok
lang sa k’warto niyang si Maki. Sinadya niya talagang ipagawa ang k’wartong
iyon para mismo sa kanya. Kung baga, iyon ang tanggapan at pribadong opisina
niya sa loob ng coffee shop.
Simpleng k’warto lamang iyon na may sofa
para kung inaabot na siya ng madaling araw sa coffee shop ay doon na lamang
siya natutulog. That way, hands-on siya sa negosyo kahit pa man hindi kailangan
dahil ang kasosyo niyang si Alex ay nagpadala ng tao na hahalili sa kanya sa
pagpapatakbo ng kanilang negosyo para hindi siya gaanong mahirapan. Ayaw kasing
mawalay rito ang partner nitong masyadong obsessed sa kanyang kaibigan.
“Lantis is leaving. Tinawagan ko siya
kagabi at nasabi nga niya sa akin na aalis siya para puntahan ang Yaya niya sa
probinsiya nito.”
“And so?” Ang walang pakialam niyang tugon.
“Hindi mo ba napapansin? May iniiwasan si
Lantis bukod sa ‘yo.”
Hindi siya sobrang insensitive para hindi
mapansin iyon. Alam niyang may iniiwasang tao si Lantis. Hindi ito
mangungupahan sa isang apartment kung wala, dahil may sarili naman itong bahay.
In fact magkatapat lang ang mga bahay nila. Ang hindi lang niya masiguro ay
kung siya ba o may iba pang taong iniiwasan ito. Balita pa naman niya, ay
kadarating lang ng papa nito na isang kapitan ng barko.
“At akala ko ba aayusin mo na ang problema
niyo? Ilang araw na ang nagdaan, ah.” Pagpapatuloy nito. “Tapatin mo nga ako
Nicollo, ano ba talaga ang rason at ang init ng dugo niyo sa isa’t sa?”
“Siya ang tanungin mo patungkol sa bagay na
‘yan.”
“Di ba magkababata naman kayo? Magkatapat
pa ang bahay ninyo. Then why do you hate each other so much? Ano bang problema niyong dalawa?”
“Siya ang may problema hindi ako.” May
bahid ng inis niyang tugon. Dahil maski siya ay hindi niya alam kung bakit
kumukulo na lang lagi ang dugo sa kanya ni Lantis.
He must admit, noon pa mang mga bata pa lang
sila ay hindi na talaga sila magkasundo sa lahat ng bagay pero, kahit papaano
ay nagagawan naman nila ng paraan iyon hanggang sa mag-high school sila.
Nakasanayan na nila ang lahat to the point na nakaya nilang maiwasan ang mainis
sa isa’t isa lalo na no’ng mabuo ang samahan nilang lima. Ang weird nga kung
tutuusin. Nagawa nilang mapanatili sa isang grupo kahit pa man ayaw nilang
pareho sa isa’t isa.
“Hindi mo ba napapansin? Imbes na mapalapit
kayo sa isa’t isa habang tumatagal ang pagkakaibigan natin ay lalo pa kayong
lumalala.”
Tama ito. Nang makapagtapos sila ng high school
ay pansamantala silang naghiwa-hiwalay para mag kolehiyo. Sa iba’t ibang
unibersidad sila napadpad at nang muli silang magkita-kita ay lalong tumindi
ang iringan nila ni Lantis. Lalo na nang dumating sa buhay nila ang pusa na
ngayon ay siyang dahilan ng lalong hindi nila pagkakaunawaan.
“Don’t make it sound as if i was the one to
be blame, Maki. Alam mong ginagawa ko ang lahat maiwasan lang na magkairingan
kami but that monster is really getting into my nerves. Siya palagi ang
sumusugod sa akin para paratangan ako ng kung anu-ano.”
“Na pinapatulan mo naman.” Dagdag pa nito.
“Dahil napipikon rin ako.” May diin niyang
wika.
“Dahil napipikon ka o sinasadya mo talagang
galitin din siya?” May bahid ng paratang nitong tanong.
Hindi agad siya nakasagot sa tanong nito.
Alam naman kasi niya na minsan ay sinasadya na talaga niya itong asarin and his
reason? Para maturuan ito ng leksyon.
“Ano ba talaga ang gusto mong sabihin,
Maki? Go directly to your point at marami pa akong gagawin.” Nungka siyang
aamin na sinasadya niya ang lahat dahil paniguradong kokonsensiyahin lamang
siya ng mga kaibigan niyang ito.
“Iyan! Diyan ka magaling. Kapag nahuhuli ka
na ay bigla kang magsusuplado at papaandarin ang kaarogantehan mo.”
Pambihira talaga itong kaibigan niya.
Masyado na itong nagiging makulit.
“Again, why are you here? Ano ba talaga ang
gusto mong iparating?” Tila tinatamad na niyang sabi.
“Puntahan mo si Lantis at ayusin mo na
ngayon din mismo ang problema ninyong dalawa.” Diretsahang wika nito. “Hindi na
kayo nakakatuwa at hindi maganda na may isa sa atin ang lalayo dahil lang sa
walang kwentang rason. Sayang ang mga taong pinagsamahan natin Nico.”
“Hindi ko ibibigay sa kanya si Kerochan.”
May diin niyang sabi.
Napapalatak ito.
“Is that cat the reason behind all these?
Pambihira! Bukas na bukas ibibili ko kayo ng tig-isang pusa matigil lang kayo
diyan.”
“Si Kerochan lang ang gusto ko.” May diin niyang
tugon.
“Ipagpapalit mo ba ang pagkakaibigan niyo
ni Lantis dahil lang diyan sa pusang ‘yan?” Nanunubok nitong sabi.
Again, hindi na naman siya nakapagsalita.
Kahit naman sakit ng ulo ang isang iyon sa kanya hindi naman maikakailang kahit
paano ay may magaganda rin naman silang pinagsamahan. Once in a blue moon nga
lang at hindi na tumatagal pa ng ilang minuto.
“Okey, okey.” Ang sumusuko nitong sabi.
“Why don’t you try to negotiate with Lantis. Kung baga, pag-usapan niyo kung
ano ang magandang gawin diyan sa pinag-aagawan ninyong pusa. Try to set an
agreement and amicable arangement.”
“Hindi ako makikipag-negosasyon sa monster
na iyon.” Alma niya. Wala talaga siyang balak na makipag-areglo sa isang iyon
dahil alam niyang lalo lamang nitong pasasakitin ang ulo niya.
“Kung gano’n you’re leaving me with no
choice.” Kapagkuwan ay wika ni Maki at tinungo na nito ang pintuan ng kanyang
opisina. “Kung hindi ka makikipag-areglo kay Lantis, huwag mo na ring asahan
ang tulong ko sa negosyo mo.”
Agad siyang naalarma. Kailangan niya si
Maki para sa pinapagawa niyang site na magpo-promote ng coffee shop niya at sa
resort ng pamilya nila. Nasabihan na niya ang Mommy niya na siya na ang bahala
sa lahat ng iyon paniguradong madi-disappoint ito.
“Ano’ng ibig mong sabihin? Napag-usapan na
natin ito Maki, ah.” Aaminin niya tinablan siya sa pananakot nito.
“Kaya nga, I’m backing out sa kung anumang
napagkasunduan natin. Matigas rin lang naman ang ulo mo kaya pasensiyahan na lang
tayo.” Walang bakas ng pagbibiro nitong sabi.
He can’t believe it. Babaliwalain nito
lahat ng mga napagkasunduan nila dahil lang sa personal na rason? Hindi niya
maiwasang sobrang magngitngit at wala siyang ibang dapat sisihin kung hindi ang
sumpunging Lantis na iyon.
“Fine!” Wala siyang choice. Hindi niya p’wedeng
i-sacrifice na lang basta ang ikauunlad ng negosyo nila dahil lang sa Lantis na
iyon. “Kakausapin ko siya ngayon din. But don’t expect me to be that nice to
him. You also left me with no choice on this Maki.”
Ngumiti ito. Ngiti ng tagumpay. Hindi niya
tuloy maiwasang pagsisihan ang ginawang pagsang-ayon dito. Kilala niya si Maki
at ang pagiging manipulative nito minsan.
“Good boy. But don’t make it sound so easy
for you, Nico. You know me, I always make sure that everything will go
according to my plan. Sasamahan mo si Lantis sa bakasyon na pupuntahan niya.
Mas mabuti ‘yon, baka sa pamamagitan niyon ay matapos na ang bangayan ninyong
dalawa.”
“Hell No!” Hindi na niya mapigilan ang
mapalakas ang kanyang boses. His friend is going too far. “Nasisiraan ka na ba
ng bait? May mga negosyo ako rito na nangangailangan ng panahon ko at atensyon.”
“ Alam kong sasabihin mo ‘yan kaya nga
kinausap ko na si Alex, eh. He’ll take your place habang wala pa kayo rito ni
Lantis and don’t worry, wala na akong gagawin for the whole month kaya
matutulungan ko siya rito.”
“You can’t do this to me!” Protesta niya.
Sumobra ‘ata ang pagiging manipulative ng isang ito.
“Yes I can. This will be my last ace for
the two of you at sinang-ayunan naman ako ni Alex. Pasasalamatan mo rin ako na
ginawa ko ang lahat ng ito. Paano, maiwan na kita para makapagsimula ka nang
mag-impake.”
“Paano kung hindi pumayag si Lantis?”
Huling hirit niya.
“Make him. I’m sure kaya mo na iyang gawin
on your own. Later Nico.” At tuluyan na nga itong lumabas ng coffee shop niya.
Dismayado siyang napasandal sa kinauupuang
swivel chair. Hindi niya mapaniwalaan na kayang gawin sa kanya iyon ni Maki na
siyang tanging kasundo niya sa kanilang barkada. Alam niyang wala siyang
magagawa dahil batid niyang seryoso ito sa ginawang pagbabanta sa kanya kanina.
Hindi niya p’wedeng hayaang masira ang
plano niyang paunlarin ang negosyong iniwan sa kanya ng mga magulang lalo pa’t
kailangan niyang ma-prove sa mga ito na handa na siyang pamahalaan ang negosyo
nila. Malapit ng matupad ang lahat ng iyon at hindi niya hahayaan na dahil lang
sa masungit at laging aburidong si Lantis ay masisira lahat ng kanyang matagal nang
plano sa buhay.
Hindi maipinta ang mukha ni Nicollo habang
binabaybay niya ang daan patungo sa apartment kung saan ngayon pansamantalang
naninirahan ang isa sa apat niyang kaibigan na sa kasamaang-palad ay isa rin sa
mga rason ng kanyang problema sa araw na iyon.
“Kerochan, kapag nagmatigas ang monster na
‘yon kalmutin mo siya, ah. Pangako, kapag ginawa mo iyon ibibili kita ng
pinakamalaking isda na nasisiguro kong magugustuhan mo.”
Binalingan niya ito. Nang makitang
komportable itong natutulog sa passenger seat ng kanyang sasakyan ay hindi niya
mapigilang mapapalatak.
“Pambihira!” Hindi niya maiwasang maibulalas at mahigpit na
napahawak sa manibela ng kanyang sasakyan. Sobra talaga ang nararamdaman niyang
pagkairita sa ginawang pananakot sa kanya ni Maki.
Ilang minuto pa ay nasa tapat na siya ng
apartment na tinutuluyan nito. Hindi muna agad siya bumaba ng sasakyan. Ilang
buntong-hininga muna ang pinakawalan niya para ma-relax ang kanyang sarili.
Nasisiguro niya kasing kapag hindi siya nakapagpigil ay tuluyang masisira ang
lahat ng kanyang pangarap.
Nang masiguradong kalmado na ang sarili ay
agad na siyang bumaba ng sasakyan. Sinadya niyang iwan sa loob ng sasakyan ang natutulog
pa ring pusa para hindi na ito maistorbo pa. Isang malalim na buntong-hininga
ang kanyang pinakawalan at tinungo na ang pintuan ng apartment.
Tatlong
sunod-sunod na katok ang kanyang ginawa subalit wala siyang nakuhang pagtugon
mula sa loob. Sinubukan niya ulit, ngunit tulad ng nauna ay wala pa rin siyang
nakuhang pagtugon mula sa loob. Nakaramdam siya ng pagkainis hindi lang dahil
sa init na nagmumula sa may kataasan ng araw kung hindi ay pakiramdam niya ay
sinasadya ng taong nasa loob na hindi siya pansinin.
Tuluyan nang nasira ang pagtitimpi niya.
Tatlong malalakas na katok ang pinakawalan niya na halos sirain na niya ang
pintuan sa magkahalong iritasyon gawa ng init at ng taong nasa loob na
nasisiguro niyang sinasadya siyang hindi pagbuksan.
“Alam kong nandiyan ka sa loob Lantis.
Buksan mo ang pinto at mag-usap tayo!” Wala na siyang pakialam kung ano ang
p’wedeng sabihin ng mga taong makakarinig sa kanya. Talagang tinamaan na siya
ng sobrang pagkapikon lalo pa’t nagsisimula na siyang pagpawisan.
Hindi naman siya nabigo, ilang sandali pa
ay narinig na niya ang tunog na marahil ay nagmumula sa lock sa loob. Nang
bumukas ang pinto ay iniluwa nito ang taong masasabi niyang tuluyan na talaga
niyang kinamumuhian.
“Ano’ng kailangan mo?”
“Mag-usap tayo.” Direktang tugon niya rito
na magkasalubong ang kilay kahit pa man ang totoong nasa utak niya ay gusto na
niya itong sakalin para tuluyan nang mawala ang problema niya sa buhay.
“Nakapag-usap na tayo di ba? Umalis ka na, wala
na akong panahong makipag-usap sa mga katulad mong hindi tao.” Ang walang
mababakasang emosyon nitong wika at pabalabag siyang pinagsarhan ng pinto.
Napamura siya sa sobrang pagkapikon. Sa buong
buhay niya ay hindi pa niya natitikman ang pagsarhan ng pinto ng gano’n.
Harap-harapang pambabastos ang ginawa nito sa kanya.
“What the hell is your problem you
monster!” Halos maputol na ang ugat niya sa leeg sa sobrang lakas ng pagkakasigaw
niyang iyon. “Akala mo ba gusto kong kausapin ka? Mas gugustuhin ko pang
makipag-usap sa mga hayop kesa sayangin ang panahon ko sa ‘yo!”
Muling bumukas ang pinto ngunit hindi na
ang walang emosyong Lantis ang iniluwa niyon, bagkus isang Lantis na bakas ang
galit sa mga mata.
“Did you just call me monster?”
“Bakit, hindi ba?” Tinapatan niya ang uri
ng pagkakatitig nito sa kanya.
“You good for nothing bastard! Inagaw mo na
nga sa akin si Karupin ko tinatawag mo pa ako ng kung anu-ano!”Ang umuusok ang
ilong nitong tugon. This is the very reason why he wanted to avoid having a
conversation with Lantis, because they always end up cursing each other. But he
has to do something, kung hindi ay tuluyang masisira ang mga plano niya sa
negosyo niya.
“Pusa mo? Hindi lang pala masama ang ugali
mo, noh? Mahilig ka pang mang-angkin ng hindi sa ‘yo. Kerochan is my cat, I was
the 1st one who saw him kaya akin siya. But if you’re really that
eager to get him from me handa akong makipag-deal sa ‘yo.”
“Ano kamo? Ako? Makikipag-deal sa ‘yo? Matapos
mo akong tawagin ng kung anu-ano, do you honestly believe na makikipagkasundo pa
ako sa ‘yo? Go to hell Nico, kailangan nila ng mga tulad mo roon. Sa katunayan matagal ka na nilang
hinihintay roon.” Akmang muli siya nitong pagsasarhan ng pinto nang maagap niya
itong mapigilan.
“You want the cat or not?” Pinigilan niya
ang sariling inis. Kailangan niya muna
itong makumbinsing makipagkasundo sa kanya para sa ikabubuti ng kanyang negosyo.
Saka na niya pag-iisipan ang tungkol sa pusa niya. “Handa akong isuko siya sa ‘yo,
pero kailangan ko munang makita kung talagang kaya mo siyang alagaan nang higit
pa sa pag-aalaga ko. Kapag hindi ako naging kumbinsido then Kerochan will
remain with my custody.”
Bigla siyang napakunot-noo nang ma-realize
ang sinabi niya. Para silang mag-asawang naghiwalay at ngayon ay pinag-aagawan
ang karapatan sa kanilang nag-iisang anak.
Masyado
lang akong naasar kaya ko naisip’ yon. Ang kontrang
wika niya sa kanyang isipan.
Binalingan niya muli ng pansin ang natahimik ring si Lantis na para bang nauwi
rin sa pag-iisip. Nababatid niyang pinag-iisipan nito ang proposal niya rito.
Kilala niya ito at kung gaano katayog ang pride nito. Hindi siya nito aatrasan.
“Ilang araw?” Kapagkuwan ay wika nito.
Binggo!
“1 month.”
“Deal. Gawin natin ‘yan pagkabalik ko mula
sa pupuntahan ko.”
Nag-panic siya, hindi p’wede ang gano’n.
Ayon kay Maki ay kailangan niyang samahan ito sa pupuntahan nito or else lahat
ng napagkasunduan nila ay mauuwi sa lahat. Akmang tatalikod na ito nang muli
niya itong pigilan ngunit agad din siyang napabitiw rito ng imbes na sa pintuan
dumapo ang kamay niya ay sa braso nito.
“Ah.. Eh.. Ano..”
“What?” Balik na naman sa pagiging blangko
ang mukhang wika ni Lantis.
“Ngayon natin simulan habang hindi pa ako
busy. Sasamahan kita sa kung saan mang lulalop ka pupunta.”
“Hindi ka welcome doon, ayaw nila sa mga
hindi tao.” Wika nito pero hindi siya nagpatinag. Alam niyang kaya niyang
makumbinsi ito.
“Hindi ako welcome doon o natatakot ka lang
na mapaaga ang katotohanang hindi mo kayang pangalagaan si Kerochan ko?’
“Again, his name is Karupin at hindi ako
natatakot na mapatunayan na di hamak na
may mas karapatan ako sa kanya.”
“Kung totoo iyang sinasabi mo, bakit
natatakot kang isama ako?” Sinasadya niyang i-provoke ang pride nito because
he’s well aware na iyon ang susi niya para mapagtagumpayan ito.
“Fine! But let me add one more thing para
mas exciting.” Kapagkuwan ay wika nito. “One month ang usapan natin para
mapatunayan ko ang right ko kay Karupin di ba? Alright payag na akong sumama ka
sa akin pero dadagdagan ko ang rules sa kasunduan natin.”
Nangunot ang noo niya, hindi ‘ata tamang
ito ang makakalamang sa sitwasyon pero wala siyang choice.
“Ano iyon?”
“Kapag hindi mo natagalan ang mag-stay sa
lugar na pupuntahan ko at magdesisyon kang umuwi bago matapos ang napag-usapan
nating isang buwan then awtomatikong sa akin na si Karupin.”
Damn
it! Ang piping sambit niya. Alam niya ang inisip
nito at nasisiguro niyang hindi nito gagawing madali ang lahat sa kanya,
subalit wala siyang choice kung hindi niya masasamahan si Lantis ngayon
kailangan na niyang maghanap ng bagong web designer na babayaran niya ng
pagkamahal-mahal.
“Ano?” Untag ni Lantis sa kanya.
“Deal!” Bahala
na si batman! Makakaisip rin ako ng paraan para mautakan itong monster na ‘to!
Itutuloy:
27 comments:
grabe, first chapter pa lang giyera patani na...what more sa mga susunod pang chapters....you did a great jo zeke, and your right na binigyan ka ng ng sakit ng ulo ng dalawang ito dahil its not easy to make a character who's always yell at each other...but good start,,well done...
-iamronald
Ganda ng away...ito ang mga gusto kung scene...away-away muna..hihihi
Perfectly ....sulit ang pagihintay kuya z.....mwuah thank you talaga sa new story very interesting ang 1st chapter ah ...........love it till next episode of roller coaster love affair of nico and lantis :):):):D
hahahaha ayus na ayus! swak na swak! pasok sa banga! parang Garlic Chilly Sauce lng ah! Nice one Z! TROLOLOL
I love how they curse each other *well, violence is a sign of intimacy. ^^
Nice start. exciting! gustong gusto ko talaga mga love hate relation e. hahaha. love <3
si maki si cupid? hehe.
dame ko nb utang? di ko kc binasa ung make believe e. hehe. sorry. di q ganu type ung plot. pero balak q n basahn. comment nlng aq after. hehe..
thanks zild.
May ganun agad... pinagaawayan na ung pusa.... Nanakawin ko yan at gagawin kong HELLO KITTY yan para matahimik na ang buhay nila pareho... or kung hindi naman eh SIOPAO...
Nice start Zeke...
KN
hahaha..galing.. :)
-J
So ano to? Away lang lagi? Ahahahaha! Nyeta pusang ligaw lang nagugulo buhay.
The more you hate. The more you will have wrinkles on your skin. Ahahahaha!
Team Niccolo o Team Lantis. Bwahahaha sino kaya mas tuso, sino kaya unang bibigay. lol
team niccolo o team lantis? sino ang mas tuso? Sino ang matibay? sino ang unang bibigay? hahaha
super exciting naman tong dalawang to.. just can't wait for their real battle to begin.. hahahaha
God bless.. -- Roan ^^,
whahahahaha ganda neto Zild! excited n ko sa next chapter!
the more u hate, the more u love... hihi
<07>
Great :))
I lab et!!!! Weeeeh!!
Next na zeke!!
--ANDY
Z..galing mo sa first chapter mo..go go..tagay mo na kami..chow!
perfect :)
-- perfection ituu :)
kakakilig :)
<--- demure
Ganito yung mga gusto ko..away-away muna! ahahaha can't wait for the next installment!
nice one zeke, off to a good start, hehehe. the more you hate the more you love. hindi ka talaga na uubusan ng idea to amaze your readers. hehehe.
Can't wait for the next chapter.
have a great day and keep on writing.
giyera na agad, first chapter pa lang.
Loving it.. :-)
wooooo ! no regrets na pagpuytan ito - sweet chilly :)
nice one kuya Z :)
wow grabing war h. if i am not mistaken author ang names ng pusa na karupin at kerochan ay galing sa precious pocketbook series na KALYE POGI.
=.=
awayan agad nababasa ko 1st thing in the morning
lol
nice po mr. zild.. bwhahahaha i like this utakan
bwhahaha
-yums
wew I dont know what happened baket ko nalaktawan tong complicated cupid sorry zild. But I will make it up to you sisimulan ko ng basahin to now na....
Take care and keep on writing...
Langya!!! Ngayon nalang ako.nagbasa ulit pero pucha, hindi ko inexpect na ganito karami na pala ang namiss ko!!!! Langya!!! Dami kong hahabulin!!! Hahaha... nice work daddy zeke...
-eusethadeus-
Post a Comment