Muli, salamat sa mga nag-comment... next time nalang ako babati ha?
“Matigas
ka na ha?!” singhal niya’t itinulak ako kaya napahiga ako. Hinawakan
niya ang dalawang kamay ko’t pumatong sa’kin, inilock niya ako’t ‘di ako
makagalaw dahil na rin sa mas malakas ang pangangatawan niya sa’kin.
“Bitawan mo nga ako! Ang bigat mo!” sigaw ko.
“Patawarin mo muna ako.” sabi niyang nakangiti.
Di
ako sumagot. Pinagsalubong ko ang mga kilay ko upang ipakitang galit
ako pero sa loob-loob ko ay natatawa na ako sa pinag-gagagawa niya.
“Matigas ka talaga ha?!” sabi niya’t bigla akong hinalikan. Nanlaki ang mga mata ko nang magkadikit ang mga labi namin.
Damang
dama ko ang pagsipsip ng bibig niya sa bibig ko. Pilit kong isinara
lalo ang bibig ko, tanging nagawa ko’y lumikha ng impit na “Hmmp!!!”
Inilihis ko ang mukha ko upang makawala sa halik niyang yun subalit ang
leeg ko naman ang pinuntirya niya. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya
mula sa kanyang ilong, ang vaccuum action ng bibig niya at ang motion ng
dila niya. Hindi ko akalaing malakas pala ang kiliti ko sa leeg.
Hindi
ito ang unang pagkakataong hinalikan ako ni Jayson, nung bata pa kami’y
lagi yang nanghahalik lalu na pag galit ako pero laging nakaw na smooch
lang. Lambing ba? Makalipas ng ilang taon, ngayon lang niya ulit ako
hinalikan at kakaiba pa ang paraan ngayon. Nakakakilig.
Teka…
Anu bang naiisip ko? Hindi tamang word yun… Teka, I mean NAKAKADIRI!
Tama, yun nga yung word, nakakadiri ang paraan ng halik niya ngayon!
“Tama
na Moy! Nakikiliti ako! Ok na, pinapatawad na kita!” sabi ko habang
pumipiglas ngunit hindi niya ako pinakinggan. Pinagpatuloy pa rin niya
ang paghalik sa leeg ko’t di pa nakuntento, lumipat pa siya sa kabilang
side ng leeg ko. Binubondol-bundol na din niya ang harapan niya sa
harapan ko’t nararamdaman kong nabubuhay ang alaga kong nakakubli doon.
Bakit
ginagawa ni Jayson to? Hindi ba siya nakuntento sa sexyng babae kanina?
Nabitin ba siya? Hindi na ako natutuwa sa pinaggagagawa niya.
Ni-relax
ko ang katawan ko. Kahit nag-cocontract ang muscles ko sa leeg dahil sa
kiliti ay pinigilan ko. Alam mo yun, pag pinigil mo nagiging
panginginig siya? Nanahimik ako’t hinayaan nalang siya. Di ako nagpakita
ng anu mang reaction.
Ilang
saglit lang ay tumigil siya’t tumingin sa mukha ko. Unti-unting nabura
ang ngiti sa mukha niya nang makitang walang emosyong ipinapakita ang
mukha ko. “Moy!” pagtawag niya sa akin.
Humarap
ako sa kanya, matalas ang tingin. “Oh ba’t ka tumigil? Ituloy mo lang!
Enjoy na enjoy ka ‘di ba? Ituloy mo, gusto mo maghubad pa ako?!” ang
nasabi ko.
Tok! Tok!
“Ji-ji, Je-je, mga anak, kakain na… Bumaba na kayo.” malumanay na wika ng aking nanay sa likod ng pinto.
Kumalas si Jayson at tumayo. Inayos ang nagusot na damit. “Kakain na daw sabi ni nanay.”
Umupo
ako sa kama’t pinunasan ang leeg ko gamit ang laylayan ng t-shirt ko.
Tumalikod si Jayson at dere-deretsong lumabas. Masama ang pakiramdam ko,
naiinis ako na ewan! Tumayo na din ako upang bumaba’t makapag-supper na.
Habang
kumakain ay hindi ako umiimik na normal lang naman, pero si Jayson ay
nananahimik din na ‘di nakaligtas sa pansin ni nanay. “Nag-away ba
kayo?” pagbasag niya sa katahimikan sa hapag.
Kumukuha
ako nun ng meat loaf, sabay naming natusok ang isang loaf .
Nagkatinginan kami ni Jayson saglit at muli kong tinignan ang tinusok
ko. Bumitaw siya’t sumagot kay nanay, “H-hindi po Nay.” at nagpakita ng
pilit na ngiti.
“Ji-ji?” baling naman ni nanay sa’kin.
“Nanay naman, ‘di ka na nasanay sa pananahimik ko sa hapag…”
Bumuntong
hininga si nanay. “Ayaw kong nag-aaway kayo. Kung may ‘di
pagkakaunawaan dapat naayos na bago pa lumubog ang araw. Naiintindihan
nyo?” pangaral niya.
“Opo
Nay.” Sabay naming sagot ni Jayson. Muli kaming nagkatinginan, siya at
ang puppy eyes niya, ako naman ay di nagpakita ng kahit anong emosyon.
Itinuloy na namin ang pagkain at tanging si nanay lang ang nagkukuwento.
Matapos
makapaghapunan ay banyo agad ang tinumbok ko. Naligo ako dahil sa
pakiramdam ko’y napakalagkit ko’t amoy laway. Sinabon kong maigi ang
leeg ko. Natigilan ako. Sinubukan kong hagurin ang leeg ko sa banayad na
paraan. Walang kiliti subalit parang nakarehistro sa utak ko ang ginawa
ni Jayson kanina. Unti-unting nabuhay ang tulog kong alaga.
Anu ba tong mga naiiisip ko?
Tsk!
Kakaiba ang pakiramdam ko. Ewan ko, hindi ko maintindihan.
Ipinagpatuloy ko nalang ang pagligo’t pilit na iwinaksi sa isip ko ang
naganap kanina.
Nang
pumasok ako sa kuwarto’y nakahiga na siya’t nakahanda na para matulog.
Nagpatuyo lang ako ng buhok tapos ay pinatay ko na ang ilaw at nahiga na
rin. Hawak ko ang cellphone ko, ka-text ko si Diana.
Nang
napagkasunduan namin ni Diana na matulog na ay inilapag ko ang
cellphone ko sa tabi ng unan ko’t umayos na ng higa. Katahimikan naman
ang namamagitan sa’ming dalawa ni Jayson.
“Gian…” mahinang pagtawag ni Jayson sa’kin.
“Hmm?” tamad kong sagot dahil na rin sa antok.
“Gising ka pa?”
“Hayan ka na naman eh!” yamot kong tugon sabay ng marahas na pagkamot sa aking ulo. “Sasagot ba ‘ko kung tulog na ’ko?!”
“Sorry… ‘Di kasi ako makatulog eh…” malambing niyang wika. Kung nakasindi lang ang ilaw siguradong naka-puppy eyes na naman to.
Nag-aalangan
man ako dahil sa galit ko pero tulad ng lagi kong ginagawa para sa
kanya, iniunat ko ang braso ko upang gawin niyang unan. Nang nakapatong
na ang ulo niya sa braso ko’y binaluktot ko ang kamay ko upang makamot
ang ulo niya. Halinhinang kamot at haplos ang ginawa ko. Lagi ko itong
ginagawa sa tuwing hindi siya makatulog. Hindi ko alam kung paano
nag-umpisa, basta alam ko lang ay bata pa lang kami’y ganito ko siya
patulugin.
Yumakap
siya sa akin. Ramdam ko ang hiningang nagmumula sa kanyang ilong
malapit sa kili-kili ko. Nakakakiliti pero nasanay na ako. Minsan nga ay
isinisiksik pa niya ang ilong niya sa kilikili ko na nauuwi sa kulitan.
Pero iba ngayon, alam niyang may galit ako kaya hindi niya magawa yun
ngayon.
“Moy…”
muli niyang pagtawag sa’kin. Base sa galaw ng ulo niya sa braso ko’y
alam kong tumingin siya sa muhka ko. Maaaninag naman niya dahil sa
malamlam na ligawan sa labas.
“Oh bakit na naman?!” bwisit kong sagot. Lalu akong naiinis sa kanya dahil sa nauudlot ang pagtulog ko.
“Galit ka pa rin ba?” malambing niyang tanong.
Naalala
ko na naman yung nangyari kanina, tsk! Gusto ko na ngang kalimutan,
i-oopen pa niya. “Di naman nakakatuwa yung ginawa mo eh!”
“Sorry na…” wika niya. Garalgal ang boses na parang iiyak.
“Haay… Oo na! Sige na, pinapatawad na kita… baka umiyak ka pa diyan marinig pa ni nanay, mapagalitan pa tayo.” sabi ko.
“Yakapin mo nga ako kung talagang okay na tayo?” panunubok niya. Hay naku, lakas trip talaga to.
Niyakap ko siya nang mahigpit. “Oh ayan, matigil ka lang… Happy?”
“Very much! Salamat Moy.” Naaninag ko ang ngipin niya sa dilim, ngumiti siya.
Bigla
kong naalala yung babae sa super market kung kaya naisipan kung
makiusyoso tungkol sa lakad nila. “Anong nangyari sa inyo nung sexyng
babae?”
“Ah yun ba? Wala…” walang gana nitong sagot.
“Anong wala?” taka kong tanong sa kanya.
“Walang nangyari.”
“Ha? Akala ko ba game siya?” ‘Di ko mapaniwalaang walang nangyari sa kanila, sa libog nitong si Jayson… Imposible!
“Oo nga game siya, pero ako hindi.”
“Bakit?” Lalu akong nagtaka, siya ang umayaw? Sa anong dahilan?
“Basta! Wag mo nang itanong, ayokong pag-usapan.”
“Kaw
bahala.” Sagot ko nalang. Nagpasya na akong huwag na siyang usisain pa
tutal sasabihin rin niya sa’kin yun pag ‘di siya nakapagpigil. Siya pa?!
Eh wala namang ibang kaibigang matalik to na pwedeng pagsabihan maliban
sa’kin.
“Moy…” muli niyang pagtawag.
Anu bang trip niya ngayong gabi? Ang huwag na ‘ko patulugin? Sumagot nalang ako para walang gulo. “Oh?”
“Pag ba may nagawa akong mabigat na kasalanan mapapatawad mo ba ‘ko?”
“Anong mabigat na kasalanan?” Weird niya ngayong gabi… Anong ibig niyang sabihin?
“Basta! Example lang may nagawa akong malaking kasalanan sa’yo… Papatawarin mo ba ‘ko?”
Napa-isip
ako sa tanong niya. Mula pagkabata marami na rin siyang naging
kasalanan sa’kin, may mabigat, may hindi, lahat ay pinatawad ko kaya nga
best friends kami. Sa tagal naming magkaibigan siguro naman mapapatawad
ko siya kung sakaling may nagawa nga siyang mabigat sa’kin. “Syempre
naman. Para na tayong magkapatid no.” sagot ko sa kanya.
“Promise?”
“Opo. Ba’t ang kulit mo ngayong gabi? Wala ka bang balak matulog?” tanong ko.
“Paano ko malalaman pag pinatawad mo talaga ako?”
Parang
gusto ko siyang batukan sa mga sandaling yun. ‘Di na ba mauubos ang mga
tanong niya? Bigla ko siyang sinabunot gamit ang kamay kong kumakamot
sa kanya. “Anu ba?! Eh di sasabihin ko sa’yo na pinapatawad na kita.”
“Aray ku! Nagtatanong lang eh… Ayoko ng sasabihin mo lang…”
“Eh anong gusto mo?”
“Pag talagang pinatawad mo na ‘ko… Bigyan mo ako ng bagay na mahalaga sa’yo.”
“Oh
siya siya, bibigyan na kita.” Sagot ko nalang. Kung may gusto man siya
sa mga gamit ko hinihingi naman niya kaya alam kong hindi na niya
kailangang gumawa ng kasalanan sa’kin makuha lang ang bagay na gusto
niya. Ganuon din kasi ako sa kanya, pag may gusto akong gamit niya
hinihingi ko lang at ibinibigay naman niya. Tutal naman lagi kaming
share sa mga gamit. “Matulog na tayo, antok na antok na talaga ako.”
“Sige… Good night Moy.”
“Good night…” Salamat naman at yun na yung huli niyang tanong sa gabing yun. Nakatulog na kami nang mahimbing.
“Oh, okay na ba kayo?” agad na tanong ni nanay nang makita kaming sabay bumaba kinaumagahan.
Nagkatinginan kami ni Jayson at nagngitian. “Okay na okay naman po talaga kami.” Sagot ko.
“Oo nga nay, ‘di naman kami pwedeng mag-away ni Gian eh.” Si Jayson.
“Mabuti
kung ganuon. Matutuwa ang tatay mo Ji-ji.” Sambit ni nanay at mabilisang
tumingin sa itaas. Hali na kayo’t nang makapag-almusal na kayo.”
Paanyaya ni nanay sa’min.
Dumeretso na kami ng hapag upang sabay-sabay kumain.
Ilang linggo na rin ang nakakalipas, Christmas vacation na. Nalalapit na rin ang birthday ni Diana na nagkataong 5th
monthsary namin, bale tatlong okasyon, syempre kasama na ang Christmas
eve. Nagpasya akong ibili ng regalo si Diana pero nahihirapan akong
umisip kung anong magandang iregalo. Naalala ko bigla nung pumunta kami
ng mall, nakita niya yung octagon aquarium na puno ng guppies, gustong
gusto niyang tinitignan yun. Yun ang naisip kong iregalo pero hindi ko
bibilhin yung nasa mall para hindi mahalata kung sakaling tignan niya.
Naisip
kong bumili sa petshop sa bayan dahil mas mura dun. Nagpa-sama ako kay
Jayson. Kaso wala palang octagon aquarium sa pet shop na yun, puro
rectangle. Sabi naman nila pwedeng magpasadya nalang kung kaya umorder
na ako. Nagpa-reserve na rin ako ng filter at ornaments para
ma-personalize ko yung design, at syempre mga fan tail guppies na iba
iba ang kulay. May red ribbon, blue ribbon at king cobra guppies.
“Moy, palagay mo magugustuhan ni Diana yung regalo ko?” tanong ko kay Jayson habang naglalakad kami papunta ng sakayan.
“Kung ako si Diana kahit anong galing sa’yo magugustuhan ko.” Sagot naman niya.
Natuwa
ako sa sagot niyang yun. Excited na ako para sa 24. Balak kong sa bahay
kami mag-dinner ni Diana, paghahandaan ko yun. “Eh ikaw ba Moy, anung
gusto mong regalo?” tanong ko sa kanya.
“Kahit ano lang, basta ang importante masaya tayo sa pasko.” Nakangiti niyang sagot.
“Okay, kahit ano ha?”
Nagpatuloy
kami sa paglalakad nang biglang may binatang umakbay sa aming dalawa.
Nagulat ako. Pagtingin ko sa lalaki’y hindi ko siya kilala. Disente
naman ang suot niya, matangkad sa’min ni Jayson, moreno’t may hitsura,
nasa uso ang gupit.
“Mga brod, pwedeng magtanong? Alam niyo ba kung saan ang papunta ng kapitolyo?” tanong nung lalaki sa’min.
Si
Jayson ang sumagot. “Ah oo, malapit lang yung sakayan dito. Dayo ka ba
dito?” Sa pagkakataong yun ay kumalas ako sa pagkaka-akbay ng lalaki
dahil hindi ako sanay na inaakbayan. Nagpahuli ako sa paglalakad at
nanatiling nasa likuran nila.
“Ah oo, taga-Maynila ako. Pwede bang samahan niyo muna ako? Wala akong alam sa lugar na ‘to eh.” Pakiusap nung lalaki.
“Sige.” Sagot naman ni Jayson.
“Brod halika dito, ba’t nagpapahuli ka?” pagpansin nung lalaki sa’kin.
“Hindi, okay lang ako dito.” Sagot ko naman. Kinukutuban ako ng masama kung kaya gusto ko siyang obserbahan.
Napansin
kong ang lalaking nagpapasama ang nagmamaneobra kung saan dadaan, siya
pa ang kumakaladkad kay Jayson. Kung dayo lang siya, bakit parang alam
niya ang daan? Nagpatuloy pa kami sa paglalakad at lalu akong nanghinala
nang dumaan kami sa likod ng palengke kung saan walang gaanong
dumadaan. Ipinasok ng lalaki ang kamay niya sa bulsa niya. Naaninag ko
ang isang makinang na bagay. Hindi ako maaaring magkamali, balisong ang
bagay na dinudukot niya.
“Jayson tara na!” kabadong wika ko sabay alis ng kamay ng lalaki sa pagkaka-akbay kay Jayson.
“Teka
lang!” sabi nung lalaki sabay hablot sa batok ni Jayson, ayaw niya
itong pakawalan. “Akala ko ba sasamahan niyo ako?” tanong nito.
Pilit
ko namang tinanggal ang kamay nito, napapa-aray si Jayson dahil sa
sapilitan kong pagtanggal ng kamay ng lalaki. Marahil ay napansin nung
lalaki na alam ko na ang balak niya kung kaya ako nalang ang hinablot
niya at bigla niyang inilabas ang balisong. Kinagat ko ang kamay niya
sabay siko na tumama sa sikmura niya.
“Takbo!” utos ko kay Jayson sabay tulak sa kanya’t tumakbo na ako. Napa-upo naman si Jayson at hindi nakagalaw sa pagkagulat.
“Akin na ang wallet at cellphone mo!” sabi nung lalaki.
Nilingon
ko si Jayson, kitang kita kong sasaksakin siya nung lalaki kung kaya
binalikan ko siya. “Gagu ka! Ba’t di ka humanap ng trabaho mo nang di ka
nang-hohold up?!” sigaw ko sa lalaki at binigyan ko ng isang suntok sa
pisngi.
“Aba’t
talagang hinahamon mo ako ha?!” inis na wika niya’t isinaksak ang
patalim sa tagiliran ko. Sa una’y wala akong maramdamang sakit subalit
unti-unti ay gumapang ang kirot sa buong katawan ko nang hugutin niya
ang patalim.
“Pakealamero ka kasi!” wika niya’t binigyan ulit ako ng isa pang saksak.
“Hoy!”
sigaw ng matador sa palengke suot ang duguan nitong apron at may hawak
na kutsilyo. Sa mga sandaling yun ay maraming nakakita sa pangyayari
dahil na rin sa pagsigaw ko kanina. Natakot yung lalaki at dali-daling
tumakbo.
“Moy!
Moy! Huwag kang gagalaw!” tarantang wika ni Jayson, putlang putla ang
mukha niya’t hindi mapakali, hindi niya alam kung ano ang gagawin.
Kinalong niya ako’t pinaunan sa mga hita niya.
“O-o-k-kay
k-ka lang b-ba M-moy?” tanong ko sa kanya, nahihirapan akong huminga
dahil sa bawat hinga ko’y ramdam ko ang ibayong kirot at hapdi sa
tagiliran ko.
“Anu
ka ba Moy?! Ikaw tong may sugat ako tatanungin mo kung okay lang ako?!”
lumingon-lingon siya, maraming nanonood na tao pero wala man lang
lumalapit. “Tutunganga lang ba kayo?! Tumawag kayo ng ambulansiya!!!”
galit na sigaw niya sa mga tao.
“M-moy… Inaantok ako…” sabi ko.
Ibinaling
niya ulit ang pansin niya sa akin. “Huwag! Huwag kang matutulog Moy!”
sabi niya habang bahagyang tinatapik ang pisngi ko. Kitang kita ko ang
pagtulo ng luha niya.
Lumalabo
ang paningin ko’t naduduling na ako… Hindi ko na kaya… Dahan-dahan
kusang pumipikit ang mga mata ko… Bago ako tuluyang magsara ang mga mata
ko’y nakita kong parang sumisigaw si Jayson subalit wala akong marinig.
Duon na tuluyang nagdilim ang paningin ko.
Itutuloy…
14 comments:
hope maging okay si MOY..
kakaba nman ito....
LAW......kakiba style ng story mo
he he he he he he he
ABANGAN KO NMN ITO
jazz0903
did je and diana had an affair
tragic nmn ng chapter nto.....huhuhu
moy gumising k!!!!
jayson, kaw ang may kasalanan!!!!!
-k0alabear-
Ano ba yan, disgrasya abot ni gian. :(
baka naman may something sa gf ni gian at jason. Akala ko may maririnig si gian mula kay jason na "wag mo kong iwan moy, mahal kita".
Ang dami kong akala. :) galing ng pagkakasulat mo po author.
Van ^^,
buset na KUPAL yun aa ..
extra na nga lang siya .. mananakit pa.. gggrrrr!
get well soon Gian .. don't worry .. Jayson is always beside you .. :)
Thanks kuya Law ~
Once again. Ito nanaman comment ko.
:O
-hahahahah
-cnjsaa15-
My affair ata si jayson tsaka diana... pero hinihintay ko pa din kung baket will u wait for me ang title ng story.. sobrang interesting sya.. goodluck author.. silent_al
Eto lang masasabi ko..
NEXT NA PLEASE!
hai daming question.. galing!
hala! baka nga may affair si diana at jayson. wag naman. ang cute nilang couple kung sakali, ji-ji at je-je. :)
hays
-yume
Nice twist story ahah,sana walang mangyari masama kay gian
hmmmmpt.. ano ba yan! 3 chapters pala po may trahedya na agad! nd ba pwdng love story muna.. huhuhuhuhuhu..
will you wait for me in heaven ba to?hehe
dahil sa ganda ng story, sana nga araw araw na maupdate, inaabangan ko to..
nice job author.. Keep it up!
aga naman ng tragic scene hehehe..but i still love it.update.update.update. Good job author.
next chapter na poh mr.author..ganda kasi ng story eh...hehhe...pleeeeeaaaaaaaassssssseee...^^
Post a Comment