Sunday, March 25, 2012

Ikaw ang aking Pangarap (Pahina 42 & 43)


 By: FUGI

@Master_lee#027 (sobra namang nakakataba ng puso, kung makaproud hehe, salamat salamat I HEART YOU TOO!)

@MARK13 (yes! may individuality na kayo nong isang mark, ang napili naman nya ay nurse_mark, say him to him.. hehehe..... salamat ha!) 

@NURSE_MARK (meet mark13, sya yong katukayo mo.. hehe, at about sa hinihiling mo, pwede naman ako ang prize kaso pag nagkita tayo ay wala nang bawian.. hahahaha patay ka! Hahaha nanakot lang... sige pag-isipan mo ha, yung madali lang dapat, galing ko pumili no ng code name mo! Apir tayo dyan!)

@Lawfer (malapit na po ulit syang lumabas:], yan nakakainis nagkaclue ka tuloy.... hahahahaha)

@Stringx natawa ako dito “Dr. House: (favorite kong doctor) Fuji's on tachycardia. Defib, charge to 300. Clear! *toot* Charge to 500, clear! *toot*. Sinus rhythm” hahaha

@
ChuChi (so ikaw pala ang alagad ni GF, kelangan ko mag-ingat from now on.. hahaha)

@Chris (hindi ko kasi kayang sabihin ng straight forward tas nung nag-iisip ako ng pwedeng ipalit, ito lang ang tumakbo sa utak ko “theres........ a LIFE THERE, BELOW THERE, THRE!” hahaha

@foxriver (salamat at nagustuhan mo, wholesome kasi tayo muna.. hahaha, kahit ako natawa din sa naisip kong iyon, at about naman sa matagal mo nang sinasabi sa akin na wag ito iyong maging last ko na isusulat ay.. baka nga po hindi kasi sobrang gumagana ang utak ko at ang daming pumapasok na idea kaso hindi pa rin naman din po sure iyon, I keep you posted BTW.. hehe)

@Mr. Brickwall (isa ka sa magagaling magcomment promise, natutuwa ako sayo, at about sa request mo ay susubukan ko po, pero malaki po papel ni angel sa story na ito, hindi naman sobrang laki, actually maliit lang pero malaki ang idudulot nya sa...... secret muna, ang daldal ko talaga, kainis. Haha)

@Yume (sa aking loyalty awardee, wag kang mainggit sa akin, mas espesyal ka pa sa akin, promise!:]) 

@slushe.love (But wait (gusto ko itong but wait mo, pero kulang, dapat BUT WAIT, THERES MORE.. hahaha), ano kaya ang meron kay Joseph at ayaw palapitin ni Ian si Fuji dito. A. Bet din ni Joseph si Fuji B. Player si Joseph C. Possessive lang talaga si Ian, letter D ang sagot ko non of the above, hahaha wala sa choices, at at wag ka na lang po mag-isip masyado sa istorya na ito, ipaubaya mo na lang po sa akin, kasi baka hindi mo na maenjoy ang pagbabasa pagnagset ka na ng expectations... promises!.. hehe)

@akosichristian (wala nga po kaso, sobra kasing napakalaking kasalanan iyon sa mga tao makitid ang utak at lagi nilang idadahilan na sobrang kasalanan ito kay papa jesus kahit ang totoo ay sobrang mapagmahal at wala syang pinipili, mapaano ka pa man, tama ba? Amen!.. :], at about sa palaro ko ay kasi halos pareparehas kayo ng sagot kaya pinili ko na lang yung mas nag-effort.. hehe CI ka pala? Pwede ba kitang halilihan sa trabaho mo, tutal pagod ka pa naman.. hehe)
 
@ kina: JONREY QC, ras, jemyro, Lloydie :), januard, =dereck=, kevinblues, darklord, marL, at Charlette Paul na sobra sobrang kinilig, stay put lang kayo. Hahahaha what a spelling.. hahaha, may masabi lang.. pero sabrang salamat kasi nararamdaman nyo yung nararamdaman ko nung sinusulat ko yung chapters na iyon.. salamat!)

@J (kababayan about sa tinatanong mo, base sa point of view ko, doctor lang po talaga ang may kakayanan na makapagsabi noon pero just to give you a back ground about cancer, ang cancer po kasi ay “FAST” abnormal cell growth (at lahat ng organs sa ating katawan pwede nya atakihin, kaso kung alin yung una nyang inatake, ex ovaries, yun po yung magmamanifest agad na pagnadiagnose, ovarian cancer ang tawag tas pag hindi agad naagapan pati yung mga ibang organs ay maaari na ring madamay) pero  let’s just say na yung patient ay may cancer of the ovaries nga tas nag-udergo sya ng treatment at gumaling naman, hindi ibigsabihin noon wala na yung cancer nya, wala na sa ovaries nya pero pwedeng lumipat sya sa ibang organ na may katulad na cells ng sa ovaries (alam mo naman na dalawa ang ovary ng babae, ano pa ang organ sa body natin ang dalawa na pwede tayong mabuhay kahit wala ang isa?........... kidneys at lungs diba (o diba ako na rin ang sumagot), pwede pong lumipat doon yung cancer kasi parehas mo dila ng cells.. kaya masyadong complicated po kasi.. hehe, pero katulad nga po ng sabi ko consult the doctors kasi ngayon naman sobrang dami na nang machines na nakakadetect agad ng ganoong sakit kaya masasabi agad nila kung pwede magdonate yung cancer patient o hindi... nagets mo ba, pasensya na kung ang dami kung nasabi.. hehe parang nagtrivia lang tuloy.. hahaha)

@JAZZ0903 (alam mo bang sobrang espesyal ang pangalang jazz sa akin.. hehe sobra mo akong pinasaya, sana ikaw yung jazz na kilala ko, taga batangas ka ba?)

@ sa mga anonymous na nagpahayad ng kanilang saloobin sa mga nagdaang chapters ay sana po ay magpakilala kayo para mo mapasalamatan ko kayo ng personal.. hehe TY pa din po!)

@ sa mga LIHIM na TAGASUBAYBAY ay TY din po! Hehe

@ syempre sa KUMUMPLETO ng STORY na ito dahil sa paggawa nya ng isang “EPIC STORY COVER”, sayo MAKKI, sobrang mahal na kita, pakiss nga.. hehehe. Super duper SALAMAT SAYO!

Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.

Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento





“Pero sadyang laging may kapalit lahat ng bagay dito sa earth, na ang akala mo ay tuloy tuloy na ang magagandang nangyayari sa buhay mo ay tsaka ka bibiglain ng kung ano anong pagsubok” – thats LIFE and thats what you called REALITY:[ 

-------0o0-------

Nakatulog ako nang sobrang hindi ko maitago ang sayang nararamdaman ko sa araw na iyon, ang daming nangyari na talaga namang bumuo sa pagkatao ko, na akala ko malabong mangyari, na napakaimposibleng maganap, pero PWEDE PALA:] 

Kahit kela mama, john at ultimo kay bibang batang si angel hindi nakaligtas, buti na lang at hanggang puna lang sila at hindi na nag-usisa pa, kasi naman si ian ih! Hehe

Hanggang panaginip ay kasa kasama ko ang taong rason ng mga ngiti sa labi ko, kaya naman naging napakahimbing ng tulog kong iyon at dahil doon ay ay tinanghale ako ng gising buti na lang to the rescue si mama at naagapan ang pagiging late ko sa klase ko sa araw na iyon
Nang tingnan ko ang orasan at magseseven na

“Patay! May usapan pa naman kami ni ian, ako nga pala ang susundo sa kanya” nasabi ko nalang sa sarili ko at agad na nagising ang dugo ko, kumilos agad ng mabilis para hindi masira sa usapan naming iyon, mahirap na ba magalit pa ang mokong, isa pa naman tampururot iyon (hehe)

Pero kahit anong bilis ang gawin ko ay talaga namang nakikipag-unahan ang oras sa akin sa araw na iyon, na para bang wala syang pakisama at nang-aasar pa, kainis ih!

At nanmuli kong silipin ang orasan ay lalo lang akong nainis kasi late na ako sa usapan naming iyon ni ian, at mukhang mahuhuli na rin kami sa klase, kainis talaga ih! Kasi kasi
Naisipan kong takasan na lang ang ihihandang breakfast ni mama, dahan dahan akong bumaba at pagsilip ko sa may kusina, sakto nakatalikod si mama sa aking kinatatayuan, agad na akong bumwelo ng tahimik na pagtakas ng sa pagharap ko...

Angel: to nong, no lip mo dyan? (“tito ninong, sino silip mo dyan?” sabi nya sabay sisilip silip din sya sa kung saan ako nakatingin)

“Ah! Wala nang lusot!” nasabi ko na lang sa sarili ko at pagkatapos ay BOOM

“O! anak andayan ka na pala, kain ka muna” nakangiti sabi ni mama, wala na akong nagawa, dahil kahit anong gawin kong rason kailan kong kumain dahil hindi nya talaga ako paaalisin, ganoon talaga si mama

Subo-inum ng tubig-lunok (tama wala nang nguya-nguya, matutunaw naman din iyong kinain ko ng mga gastric juices sa tyan ko.. haha), hindi ko na din pinansin pa si angel na nangungulit kahit yung mga sinasabi ni mama, at wala pang tatlong minuto ay naubos ko na nga iyon at agad nang nagpaalam, nagtatakbo palabas, bukas ng gate, labas kay drey (motor ko), sara ulit ng gate pagkatapos sakay na kay drey at agad nang pinaharurot ito, wala nang paipainit ng makina, kasi mas mainit na pihado ang ulo ni ian.. kasi kasi.. hehe

Naging mabait naman si pareng trapik sa akin kasi maluwag sya kaya walang naging aberya at narating ko ng mabilis ang kanto nina ian pero pero sa kasamaang palad ay ay wala sya kahit saan mang sulok ng kantong iyon, kahit sa ilalim ng mga tuyong dahon at balat ng tsu-wing-gam na nasa lugar na iyon ay wala sya (hahahahaha)

“Baka nasa kanila pa!” may pag-asa kong nasabi sa sarili ko at tinungo ko na nga ang sa kanila, lakasan na ng loob

Nang mapatapat na nga ako sa kanila ay agad kong hinubad ang helmet na suot ko sabay lapit na sa gate nila at akmang “magtatao po” na ay biglang.....

“Fugi!” pagtawag sa akin ng isang pamilyar na boses at agad din naman akong napatingin sa kinaroroonan noon at nakita ko nga ang nakangiting si kuya joseph (gwapo talaga ang lahi nila, pinsan ata nila si Lord ih! Hehehe)

Ako: kuya seph! (bati ko naman dito kasama ang magiliw na ngiti din at naglakad na ito papunta sa akin pagkatapos ay agad na din binuksan ang gate nila), ah.. eh kuya.... (hindi ko natapos dahil sa pagsingit nito agad)

Joseph: si Ian ba? Kanina pa sya umalis, may usapan ba kayo? (tumango na lang ako sa kanya bilang tugon)

Ako: kuya seph, una na ako ha! (sa puntong iyon ay hindi na maipinta ang mukha ko kasi patay ako sa tampururot na iyon, hehe)

Agad na akong tumalikod at mabilis na tinungo si drey, pero narinig ko ulit si kuya joseph na nagsalita

Joseph: easy lang! nahahalata (hindi ko masyado naintindihan, pero hinarap ko pa din ito at nakangiti itong nakakaloko)

Ako: ano iyon kuya seph?

Joseph: napakaswerte sayo ng kapatid ko (magiliw na itong nakangiti, pero nalilito pa rin ako sa sinasabi niya, masyado talagang vague, kaya nagtapon nalang ako ng nagtatakang tingin sa kanya at agad naman itong naglakad palapit sa akin), basta pag-inaway ka ng loko kong kapatid sabihin mo lang sa kuya seph mo, hindi ko sasantuhin iyon, sumbong mo sa kuya! (nasabi na lang nito habang magiliw pa rin itong nakangiti at nakatingin sa akin)
Ako: sige kuya! Yes! may magtatanggol na sa akin pag nag “JINCHURIKI” ang isang iyon (parang bata kong sabi dito na ikinatawa lang nito, hahaha)

Joseph: ganoon ba sya kahalimaw magalit? (natatawa nitong nasabi)

Ako: slight! (natatawa ko ring sagot), kuya tama na baka kung ano na nangyayari kay ian, isusumbong kita doon (pagbibiro ko na ikinatawa lang ulit nito), sige na kuya seph, malelate na ako (pagpapaalam ko naman dito)

Nagulat na lang ako sa mga sumunod na nangyari, bigla bigla nalang akong nakaramdam na may humablot ng braso ko at ang sunod kong namalayan ay ay ay nakasalampak na ako sa matipunong dibdib ni bi kuya joseph (mas matangkad kasi sya all most 6 footer na ata)

Sa puntong iyon ay wala akong nagawa at pagkabigla ang bumalot sa akin na naging dahilan para hindi ako makagalaw (buti nalang at naihulog ko ang card field ng sa bakugan at huminto ang oras pati na rin ang paggalaw ng tao, bagay o kahit anong living things sa earth na naging dahilan para walang makakita ng yakapan na iyon... haha joke, yes naisingit ko ito! Hahaha)

Nagising na lang ako ng biglang magsalita si kuya joseph..............

Joseph: payakap lang (at lalo kong naramdaman ang paghigpit ng yakap niya na naging dahilan para lalo akong maisiksik sa kanya), masyado mo kasi akong pinasasaya (bulong nito kasabay noon ay dahan dahan na din nitong inalis ang pagkakayakap niya sa akin)

Naiilang at nahihiya ako (kasi kasi) at at agad kong tiningnan ang paligid at nakahinga ako ng maluwag dahil wala namang tao, wala naman sigurong nakakita, pagkatapos ay agad ko na ding tinapunan ng tingin si kuya joseph ng tingin at nakita ko itong nakatingin din sa akin at nakangiti ito

Ako: ah.. eh.. (naiilang kong panimula), kuya, a...a...alis na ako (nauutal kong nasabi at tango lang ang naitugon nito kaya agad na akong sumakay kay drey at ng napaandar ko na ang makina, narinig ko uli ito)

Joseph: ingat fugi ha! (humarap ako dito at nginitian ito at saka tuluyan ng umalis)
Sa byaheng iyon ay halo-halo ang pumapasok sa utak ko isa na doon ay si kuya joseph pero agad din natabunan iyon ng maalala ko si ian pati na din ang wala nang takas na pagkalate ko sa araw na iyon

Haist.........! tanging nagawa ko nalang

Sa kabutihang palad ay narating ko ng mabilis ang Lyceum at nang silipin ko ang akong relo 20 minutes na akong latable kaya agad ko nang tinakbo ang room namin

Takbo...lakad..takbo...hinga ng malalim... takbo ulit hanggang sa wakas ay nasa pintuan na ako ng room namin iyon, agad kong inayos ang aking sarili at pagkatapos ay agad ko nang pinihit ang doorknob sabay bukas ng pinto

Narinig ko naman nahindto ang ingay na sa tingin ko naman ay discussion na iyon at agad na nagtinginan sa akin ang mga tao sa loob na iyon

Pero imbis na sila ang pansinin ko ay, inunang hanapin ng paningin ko ang prisensya ni ian at ilang sandali pa ay namataan ko na ito at nagtatakang hindi man lang ako itinapunan nito ng tingin at ang isa pa sa napansin ko ay ay sobrang seryoso nito

“Mukhang bad trip” nasabi ko sa sarili ko

“Mr. Chio, your late and now your distracting my lecture, you may now take your seat” mukhang galit ito base sa tono nito na agad namang nagpakilos sa akin para tunguhin ang aking upuan sa katabi ni janine (alphabetically arranged na kasi)

Pagkaupong pagkaupo ay sumulyap ulit ako sa kinatatayuan ni ian at katulad kanina ay ganoon pa din ito at sa white board lang ito nakatingin, nang maramdaman kong parang may nakatingin ay agad kong hinanap iyon at si anthony ang bumulaga sa akin

Nakangiti itong nakatingin sa akin at tinugunan ko naman ito at pagkatapos ay agad namang kinuha ni janine ang atensyon ko

Janine: friend, Monday na Monday late ka, ano bang ginawa ko kagabe (bulong nito, pero imbis na sagutin ay nagtanong nalang din ako sa kanya)

Ako: janine, akong oras dumating si ian? Nandito ka na ba noong dumating sya? (sunod sunod kong bulong na tanong sa kanya na mababahiran ng pag-aalala)

Janine: eight something na pero mas nauna naman sila kay prof, magkasabay panga sila ni anthony at mukhang seryoso sila (nailahad nito)

Ako: ah ganoon ba? (ang naitugon ko na lang)

Janine: may problema ba kayo? (imbis na sagutin pa sya ay nanahimik na lang ako at umiling iling at agad na tinuon kunyari ang atensyon sa naglelecture na ulit na prof namin)

Nagtataka ako sa sinabing iyon ni janine pero kahit anong isip ang gawin ko ay wala akong mahinuha na kasagutan

“Nagkataon lang siguro na nagkasabay sila” nasabi ko na lang ulit sa sarili ko

Paminsan minsan ay tumitingin ako sa kinaroroonan ni ian pero ni hindi man lang nagtama ang aming paningin na labis ko namang pinag-aalala, kasi mukhang may something ih!

Natapos na ang klase naming iyon na hindi ko namamalayan dahil sa aking mga iniisip at nang makalabas na ang prof namin ay agad kong inayos ang gamit ko, habang ginagawa ko iyon ay napansin ko ang paglabas na ni ian sa room naming iyo, na talaga namang nagpatotoo sa aking hinala na nagalit ito sa hindi ko pagtupad sa aming usapan

Mabilis pa kay flash na isinilid ko agad ang mga gamit ko at ni hindi ko na tinapunan ng tingin si janine o kahit si anthony agad na akong lumabas para habulin si ian

Nang mahanap ang kinaroroonan niya ay, malayo na pala ang nalakad nito kaya tinakbo ko ito, napansin kong papunta ito sa cafeteria at nang makalapit na ako dito ay ay bigla naman itong pumasok sa rest room, agad ko na rin itong sinundan at nang makapasok na ako at napansin ko agad ito na naghihilamos at nang igala ko pa ang akong tingin ay napuna kong walang ibang tao bukod sa amin kaya inilock ko agad ang pintuan para makapag-usap kami ng maayos at masinsinan ayaw kong magtagal pa itong hindi namin pagkakainitindihan

Naghihilamos pa rin ito, nilapitan ko na sya ay sabay hila sa laylayan ng unipome nito na parang bata para kuhanin ang atensyon nito

Ako: ian! (naiilang kong pagtawag sa kanya habang hinihila ng madahan ang laylayan ng uniform nito)

Sa puntong iyon ay bigla syang umayos ng tayo pero imbis na humarap sa akin ay sa salamin ito tumingin para tingnan ako

Napansin ko ang walang emosyong mukha nito habang ang mga tubig gawa ng paghihilamos niya ay tumutulo simula sa noo pababa sa pisngi, sa baba at babagsak sa sink, habang nakabukas pa din yung faucet kung saan sya naghilamos

Ako: so....sorry kung kung ano, na..na nalate kasi ako ng gising (nauutal kong nasabi dahil habang nakatingin ako sa kanya sa pamamagitan ng salamin sa harap namin ay kakaibang ian ang inilalabas ng repleksyon nya na nagpapakaba sa akin, parang may iba talaga), uy! Ian wag mo naman akong biruin ng ganyan oh! (medyo nag-aalala ko nang sabi), hoy! Sige na anong gagawin ko para hindi ka na magalit, ikaw kasi ih! Kahit sa panaginip ko hindi ko ako nilubayan yan tuloy, napahimbing ako (magbibiro ko na sinamahan ko pa ng pekeng tawa para lang kahit papaano ay may bumahid na ibang emosyon sa kanya, pero wala pa rin, ganoon pa rin, na para bang basta hindi ko maipaliwanag), i..an...! (ang naisatinig ko na lang sabay napayuko na ako bilang pagsuko)

Inisip ko na sana sabihin nya na na joke lang fugi! Tapos tatawa na sya ulit ng malakas dahil na good time nya na naman ako at kukulitin na hanggang sa magtawanan na kami paheras dahil sa kalokohan nya, pero hindi nangyari ang iniisip kong iyon bagkus ay binalot kami ng nakakabinging katahimikan

Napahigpit na ang hawak ko sa laylayan ng uniform nya ay hinila ulit ng dahan dahan habang nakatungo pa rin para kuhanin ang atensyong kanina ko pang inaasam na makuha
“itigil na natin ito” mahina nitong nasabi na kahit ganoon ay talaga namang kumuha ng lahat ng atensyon ko, wala ni kahit anong emosyang maramdaman sa mga salitang iyon

Ako: a...ano? (napatunghay ako at tiningnan ko sya sa salamin at nakatingin pala ito sa akin pero ganoon pa din sya, napakablanko nya)

Ian: itigil na natin ang kahibangan ito fugi! (pag-uulit nito na sa puntong iyon ay may diin na ang pagkakasabi nito), wala lang pala ito...... (dagdag nito na nakangiting hindi mo maintindihan na talaga naman may kong anong hatid sa akin at sa emosyong unti unting namumuo sa loob loob ko), siguro nga malungkot lang ako at naghahanap ng makakaintindi sa akin, at sa mga oras ikaw lang yung nagtiyaga sa akin, nakinig at (sabay tumawa ito), at kaya siguro nakuha mo ang loob ko, pero mali pala, wala naman palang espesyal na nararamdaman ito (sabay turo nito sa dibdib nya kung nasaan nakapailalim ang puso nya), kaya yung nasabi ko sayo kahapon at noong mga nagdaang araw ay..... (hindi nito natapos dahil sumabat na agad ako)

Ako: i....ian! (pinipilit kong hindi maggaralgal ang tinig ko dahil sa mga narinig kong sinabi nya), tama na ang joke time oh! (at pinilit kong ngumiti pero nararamdaman kong nanlalabo na ang mga mata ko sa namumuong mga tubig dito), pinagtitripan mo na naman ako, sorry....... (sabay yakap na sa kanyang likod dahil sa puntong iyon hindi na nagpapaawat ang mumunting butil ng tubig na kumawala sa mga mata ko)

Naramdaman ko ang mga kamay niya na kumapit sa kamay ko, na ang akala ko ay lalo nyyang ihihigpit ang kamay ko sa pagkakayakap sa kanya, pero mali na naman ang hinala ko dahil kabaligtaran ang nangyari, unti-unti niyang inalis ang pagkakayakap ko at humarap na ito sa akin

Ian: makinig ka fugi (matigas nitong sabi), mali lahat nang nangyari sa atin, mali ito, at mahal na mahal ko si sarah (tumigil ito at huminga ng malalim), ......at ikaw............ wala akong nararamdaman sayo! (bigla na itong tumalikod sa akin at naglakad na palayo)

Hindi ko napigilan ang maiyak sa puntong iyon kaya na patungo na lang ako at ipinilit na wag ipadinig ang aking mga hikbi pero hindi ko kaya, masakit kasi...... at nang marinig kong i-unlock na niya ang pintuan at bubuksan na nya ang pinto para makalabas sya at hindi ko napigilan ang sarili kong magsalita

Ako: a..aka..akala ko ba ma...mahal mo a..ako (nasabi ko sa pagitan ng paghikbi ko at ikinatigil naman nya at humarap sa akin at...................)

Ian: Yun din ang akala ko, pero hindi pala (kasabay noon ang pagtalikod niya sa akin at paglabas na ng CR na iyo)

“Yun din ang akala ko, pero hindi pala”

“Yun din ang akala ko, pero hindi pala”

“Yun din ang akala ko, pero hindi pala”

“Yun din ang akala ko, pero hindi pala”

“Yun din ang akala ko, pero hindi pala”

“Yun din ang akala ko, pero hindi pala” (ang parang sirang plakang nagpaulit-ulit sa utak ko)

Madahan lang ang pagkakasabi nya sa mga salitang iyan pero halos tumagos sa lahat ng 
bahagi ng katawan ko at nagbigay nang kakaibang sakit sa puso ko, sakit na hindi gawa ng kahit anong pisikal na bagay, hindi gawa ng histamine o endorphins, hindi dahil ng lack of oxygen o kung ano mang bara, pero ito yung sakit na pinakamasakit na mararanasan mo, ang sakit na gawa ng sawin pag-ibig

At sa puntong iyon ay parang nanghina ako, napaupo na lang ako at sa puntong ito ay itinikom ko ang aking katawang, niyakap ko ang aking mga tuhog ay doon ini-ob-ob ang mukha ko at nag-iiyak, hindi na alintana ang magaganap sa paligid basta ang alam ko, sobra akong nasasaktan:,(


Itutuloy.............................