Sunday, March 4, 2012

Ang Matalik Na Magkaibigan Chapter 05



Written by: Dranski


Pauna:

Ang ito na ang chapter 5 ng Matalik Na Magkaibigan sana ay ma-enjoy niyo ang chapter na gawa ni Dranski. Enjoy Reading guys and keep the damn comments coming! Zildjian




BLAG!


                Isang malakas na tunog ang narinig sa buong sala dahil ito sa pagkabagsak ni Jm mula sa pagkakasapak sa kanya ni Sy. Ang akala ko ay aabutin ni Sy ang kamay ni Jm ngunit sa mukha ng lalaki iyon dumapo. Mas lalo akong hindi nakagalaw hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sa biglaang pangyayari.  Ang sumunod na namalayan ko ay ang pagtayo ni Jm alam kong magkakagulo na sa mga oras na iyon, hindi sila pwede magaway lalo na at nasa loob sila ng aming bahay. Halata sa mga mukha ng dalawa ang galit lalo na si Sy hindi ko naman alam kung bakit naging ganon na lang ang reaksiyon niya marahil alam nitong galit ako kay Jm, sa mga mukha naman ni Jm galit at pagtataka ang makikita mo. Isang matalim na titigan ang namamagitan sa kanilang dalawa kasabay ng nakakabinging katahimikan.

               
                Napakabilis ng pangyayari hindi ko na namalayan ang unti unti kong paglayo sa kinaroroonan nila Sy at Jm. Naglalakad ako papunta sa kawalan, pabilis ng pabilis ito hanggang sa ang lakad ay naging mabilis na pagtakbo, hindi ko alam kung saan ako pupunta ang mahalaga lang sakin sa mga oras na iyon ay makalayo sa tila bangungot na nangyayari sakin ngayon. Dahil sa bigat ng emosyong naghalo halo sa isip at puso ko naramdaman ko sa aking pisngi ang pag agos ng aking mga luha, wala na akong paki kung may makakita man saking umiiyak ang gusto ko lang ay mailabas ito.


                Napadpad ako sa plaza ng aming bayan kung saan madalas akong nakikipaglaro sa aking mga kaibigan noong bata pa ako dito ako nagkaisip, nagkaroon ng kaibigan at mga kaalaman. Sa plazang ito ko rin natutunang masaktan, umiyak at maging masaya. Napaka ganda na ng luagr na ito madaming bulaklak, puno at mga halaman talagang napalago ito ng aming baranggay sa pagtagal ng panahon. Napakaraming alaala ang iniwan ko sa lugar na ito, mga alaala na ayaw ko nang balikan dahil ang plazang ito ang nagpapaalala sakin ng mga napagdaanan namin ni Jm.


"Lampa! Lampayatot!" sigaw ng bata sa akin


"huhuhu huhuhu" walang tigil ang pag iyak ko


"Kawawa naman lampa na iyakin pa! haha" tukso pa ulit ng bata


"Huhuhu isusumbong kita sa mommy ko!! Huhuhu Mommy! inaaway ako nung bata!! Mommy!!" iyak ng isang bata sa aking likuran, nagulat ako dahil bigla nalang itong umiyak


"Hoy! hindi naman kita inaano ah! Dyan na nga kayo mga iyakin!!" sigaw nito sabay umalis at tumakbo dahil sa takot


"Okay ka lang ba Zach?" tanong nitong isang bata habang nagpapahid ng luha


"Bakit ka umiyak? Hindi ka naman niya inaway ah saka bakit mo ko kilala?" tanong ko sa kanya at humihikbi pa ako


"Hehe tinakot ko lang siya para tigilan ka na niya, pwede na kong artista noh?" pagyayabang nito, napangiti naman ako sa dahilan niya


"Salamat ha? lage kasi ako inaaway nong si Jecjec.." sabay punas ng luha


"Ako pala si Jerich Miguel classmate mo ko, ako yung transferee sa school niyo. Mula ngayon ako na ang Bestfriend mo at poprotektahan kita kahit kanino!" pagyayabang naman niya


"Poprotektahan? Iiyakan mo ulit sila?" pagbara ko sa kanya sabay tawanan kami


                Hindi ko maiwasang maalala ang mga nakaraan ko sa lugar na ito, dito kami unang nagkakilala ni Jm, lalo naman ito nagpatindi ng buhos ng luha ko. Unti unti akong lumapit sa swing kung saan lage kaming nakatambay ni Jm tuwing pagkatapos ng aming klase sa eskwelahan. Kainan, kwentuhan, biruan, habulan at walang tigil na lambingan naming dalawa. Sa swing na to ang nag mistula naming saksi sa lahat ng aming mga pangako sa isa't isa.


"Jm pangako mo hindi mo ko iiwan mag isa ha?" seryosong tanong ko sa kanya habang nakasakay kame sa swing


"Oo naman! Pangako! kung nasan ka nandun din dapat ako! Basta dapat ako lang ang bestfriend mo" buong saya niyang sagot sabay halik sa pisngi ko, natutuwa ako pag nakikita ko siyang masaya.


                Umabot ang huling buwan namin bilang elementary student tapos na ang mga exam kaya lage kaming nasa plaza ni Jm at nagsasaya.


"Mahal kita Zach"


"Mahal din naman kita no!" masaya kong sagot sa kanya


"Mahal kita higit pa bilang bestfriend Zach, ganun ka din ba? " pagpapaliwanag ni Jm, napatayo naman ako at naglakad palayo


"malapit na ang resulta ng entrance exam natin, sasagot ako sa tanong mo pag nakapasa ka don!" sigaw ko sa kanya sabay takbo pauwi


                Makalipas ang ilang araw lumabas na ang resulta ng exam masayang masaya ako dahil pareho kaming nakapasa sa exam ngayon masasabi ko na ang sagot ko sa kanya. Pero hindi ko inaasahan ang nangyari. Wala na si Jm lumipad na daw ito patungo sa ibang bansa at doon na daw itutuloy ang pagaaral nito. Gumuho ang mundo ko sa mga oras na yon ang pinakamatalik kong kaibigan umalis ng walang paalam, nadurog ang puso ko. Agad akong pumunta sa swing kung saan kame laging magkasama para mailabas ang nararamdaman ko.


"Ang sabi mo hindi ma ako iiwan... Ang sabi mo kung nasaan ako dapat nandon kadin!" malungkot kong sabi habang umiiyak at nakaupo sa swing


"Ang dami mo pinangako pero pano mo matutupad yon? Umalis ka ng wala man lang sinasabi!" sigaw ko


"Nagsinungaling ka! sabi mo mahal mo ko higit pa sa kaibigan! Ngayon ko sasabihin ang sagot ko pero hindi mo na nahintay! Mula ngayon kakalimutan na kita!"


"Mahal kita Jerich Miguel... Mahal na mahal" bulong ko sa sarili


                Nagising ako mula sa pagninilay nilay ng mga nakaraan ko sa lugar na yon, naramdaman kong pumapatak ang ulan sa aking mukha pero hindi ko iyon alintana okay lang kahit mabasa ako hahayaan ko na lang takpan ng ulan ang mga luha ko ang burahin ang mga sakit na nakatatak sa puso ko. Sa mga oras na yon para kong isang baliw na nakaupo sa isang swing sa gitna ng ulan.


"Sabi ko na nandito ka lang, tara na ihahatid na kita sa bahay nyo" bulong ng boses sa likuran ko, at tumigil ang pag buhos ng ulan sa akin dahil sa payong na hawak nito


"Please leave me alone" pagtanggi ko sabay hawi sa payong niya


"I heard what you said" seryosong sagot niya at binalik ang payong sa akin


"Heard what? you must be hallucinating" sagot ko sa kanya at lumipat sa kabilang swing para iwasan siya


"Na mahal mo ako" ikinagulat ko ang sinabi niya, sinabi ko ba talaga ang mga salitang yon kanina


"Noon yon Jerich, pero wala na ngayon hindi na kita mahal!" sagot ko sabay tayo


                Naglakad ako palayo para iwanan siya doon pero nabigla ako ng biglang may humawak sa mga braso ko at hinila ako pabalik. Naramdaman ko ang pagtama ng dibdib ko sa dibdib ni Jm kinulong ako ng mga bisig niya sa pagkakayakap, ang higpit ng pagkakayakap niya hindi ko magawang pumiglas at kumawala. Ang sumunod kong naramdaman ay napakainit, sa mga oras na yon para akong nasusunog, hinalikan ako ni Jm sa labi. Napakalambot ng mga labi niya para akong naging baldado sa sandaling iyon hindi ako makagalaw. Pinilit ko siyang itulak palayo sa akin sabay pakawala ng isang sapak at tinanggap niya lang yon napansin ko namang nawalan siya ng balanse.


"Hindi pa sapat yan, suntukin mo pa ako ilabas mo lahat ng galit na inipon mo ng sampung taon, tatanggapin ko lahat mapatawad mo lang ako." seryosong pahayag ni Jm


"No! You're not worth it at pwede ba Jerich layuan mo na ko. I don't need you anymore" galit kong pahayag sa kanya


"Gagawin ko lahat Zach para makabawi sayo!  hindi ako susuko!" sigaw niya mula sa malayo pero hindi ko siya nilingon


                Naglalakad ako sa gitna ng ulan nagumpisa na namang lumipad ang isipan ko hindi ko na naman alam ang gagawin ko. Palabas na ako ng plaza ng makita ko ang sasakyan ni Sy malapit doon agad naman akong lumapit at sumakay, umupo ako sa tabi ng driver seat sa tabi ni Sy, kaba ang tangi kong nadarama sa sandaling iyon. Nakita kaya niya ang paghalik sakin ni Jm. Tahimik lang din si Sy na nagmamaneho, napansin ko na may sugat ito sa labi at medyo may dugo at namumula ito nagkasuntukan siguro ang dalawa noong iwan ko sila.


"Sinuntok ka ba niya? Gago yun ah!" tanong ko sa kanya, hahawakan ko sana ang labi nito pero iniwas ito ni Sy


"Ayos lang ako, magpunas ka nga ano ba pumasok sa isip mo at nagpaulan ka", sagot nito sabay abot sakin ng towel na dala niya


"Pano mo nalaman na nasa plaza ako" tanong ko


"Sabi ni Yumi baka daw nandito ka" sagot niya


"Okay" maikling sagot ko dahil hanggang ngayon ay kinakabahan padin ako


                Nakarating na kami ng bahay si Yumi at Papang ay nasa kusina at naghahanda ng tanghalian, dumeretso kaming dalawa ni Sy sa kwarto ko. Nagpatuyo agad ako at nagbihis, si Sy tahimik padin pinapanood lang niya ko sa ginagawa ko habang nakahiga siya sa aking kama. Hindi ko siya matignan sa mata kaya't para makaiwas sa tingin niya ay humiga na lang ako sa tabi niya, napako naman ang aking mata sa kisame. Tahimik ang buong kwarto walang sinu mang gumagalaw sa kama kaya tumalikod ako mula kay Sy at nagpanggap akong natutulog. Naramdaman ko namang gumalaw din siya marahil ay tumalikod din ito sa akin, pero nagkamali ako dahil ang braso nito ay biglang yumakap sa akin.



"Nakita ko ang lahat kanina" malungkot na sabi nito, ikinalaki naman ito ng mata ko nakita niya ba talaga ang paghalik sakin ni Jm?? Natakot ako sa pwedeng mangyari dahil baka dahil dito ay layuan at iwan ako ni Sy.


"Ha? Ano? Anong nakita mo? hindi kita maintindihan" pagmamaangmaangan ko at humarap nga ko kay Sy para mas epektib ang acting ko


"Ito" maikling tugon niya at pakiramdam ko ay huminto ang oras


                Hinalikan ako ni Sy sa aking mga labi, ito ang unang beses na hinalikan ako ni Sy kaya labis ko itong ikinagulat. Kaya pala madaming babae ang nahuhumaling kay Sy, sobrang lambot ng labi nito, mainit din ito at may kakaibang tamis iyon.  Napakapassionate ng halik niya, unti unti akong nadadala. Bakit ito ginagawa ni Sy dahil ba nasasaktan ako at gusto lang niya akong icomfort?


"Dude! Anu yung ginawa mo?" makahulugan kong tanong sa kanya ng itigil niya ang pag halik sa akin


"It's called a kiss Zach" kalmadong sagot nito habang nakatitig sa aking mata


"I know it's a kiss! pero bakit mo ginawa yon?" sarkastikong tanong ko


"Bakit ba hinahalikan ang isang tao?" tanong niya


"Dahil gusto mo lang? o dahil naaawa ka?" sagot ko


"Hindi... ginagawa mo yon dahil mahal mo siya, dahil sinisigurado mo sa kanya na safe siya na walang dapat ipagalala at lalong walang dapat katakutan"  makahulugang sagot nito


"Hindi kita maintindihan Sy..."


"Hindi ko na kailangan iexplain Zach.. alam kong nararamdaman mo ang ibig kong sabihin"


"Pero pareho tayong lalake... Natatakot ako sa mga pwedeng mangyare..." malungkot kong sagot sa kanya


"Natatakot ka na baka iwan kita? Zach iba ka sa dinami dami ng naging girlfriend ko wala akong pinahalagahan tulad ng pagpapahalaga ko sayo, sayo at sayo lang ako babalik, alam mo yan" pagsisigurado nito.


"Natatakot ako..."


"Aaminin ko Sy di ako sigurado pero kapag malungkot ka malungkot din ako, paggalit ka hindi na ako mapakali saka pag may kasama kang iba hindi ko alam pero nasasaktan ako, sa tingin ko gusto na din kita" nahihiyang paliwanag ko sa kanya


"Wag kang magalala hindi natin kailangan magmadali, alam ko bago ka sa ganito kaya hindi kita papabayaan, hayaan mong patunayan ko sayo kung gaano kita kamahal" masayang pasisigurado niya sakin sabay yakap ng mahigpit


"salamat Sy..."


                Ilang minuto naging tahimik ang kwarto tanging ang paghinga lamang namin ang maririnig. Magkayakap kami sa mga oras na iyon. Kakaibang saya ang nararamdaman ko pero may bahid pa rin ng takot ang isip ko alam kong madaming mangyayaring hindi ko inaasahan sa mga sandaling iyon.


"Kuya Sy Kuya Zach kakain na!" Tawag samin ni Yumi, napabalikwas naman kami kaya agad kaming tumayo


"Oh sige susunod na kame..." sagot ko sa kanya at nagayos na nga kame pero bago lumabas ng kwarto ay hinalikan ako ni Sy sa labi.


"Loko ka ah mapupudpod labi ko!" asar ko sa kanya.


"Gusto mo naman!" kontra niya.


                Naging masarap ang kainan naming pamilya niluto kasi ni Papang ang paborito namin ni Sy kaya busog kami sa pagkain pati narin sa tawanan. Pero si Papang hindi maiwasang tanungin ang tungkol kay Jm. Nagdahilan naman itong si Sy na nagbibiruan lang sila at masyadong nadala sa asaran, pero ang bruha kong kapatid hindi kumbinsido kaya pinandilatan ko na lang ng mata kaya natawa na lang ito.


                Kinahapunan ay nagpasya na kaming lumuwas ni Sy pabalik ng Maynila gusto kasi ni Sy sulitin ang ilang araw na natitira sa leave ko na kaming dalawa ang magkasama. Gusto niya daw maging official ang panliligaw niya sakin ang corny pala ni Sy pag dating sa ganitong bagay kaya siguro madaming nahumaling sa kolokoy na to. Dinahilan ko na lang sa pamilya ko na kailangan ako sa resto, agad naman silang pumayag.


"Kuya balik ka agad ah!" lambing ni Yumi sabay yakap sa akin.


"Oo sige pag butihan mo pag-aaral mo ha, at wag kang pasaway kay papang kundi babawasan ko allowance mo haha" biro ko sa kanya sabay halik sa noo.


"Kuya naman eah!" reklamo niya.


"Mag-iingat kayo mga anak ha, lage kayo magtetext kay Yumi para may balita kame sa inyo" paalala ng ama ko.


"Kuya Sy salamat ulit sa regalo mo iingatan ko ito promise!" pagsipsip ni Yumi kay Sy.


"Good! hehe sige po Pang, Yumi mauna na po kami para hindi kami masyado gabihin" paalam ni Sy.


"Pang wag kayo masyado magpapagod ah yang gamot mo po inumin sa oras, okay?" paalala ko.


                At umalis na nga kami, si Sy ang nagmaneho ng sasakyan. Masaya ang biyaheng yon, hindi parin mawala ang kulitan naming dalawa at ngayon nadagdagan pa nang lambingan. Tuwing may pagkakataon kasi ay hinahawakan ni Sy ang kamay ko, at pag nakastop kami ay nagnanakaw ito ng halik sa akin. Sobrang saya ng pakiramdam ko. Nawala lahat ng dinadala ko sa dibdib pakiramdam ko ay kakalaya ko sa isang bilangguan kung saan ako matagal na nakapiit.


""Zach para kang tae..."


"Ha? Bakit naman tae agad?" sarkastikong sagot ko.


"Hindi kasi kita kayang paglaruan... Ayeeee" bola ni Sy.


"Para ka namang inodoro!" singit ko.


"Bakit?" pagsakay niya.


"Hindi ko kasi maiwasang mahulog sayo!" sabay tawa ko ng malakas.


"Zach kung mamahalin mo ako.. pwede bang hanggang kinsenas lang?" malungkot na sabi ni Sy


"Oh bakit naman?"


"para wala ng katapusan!" sabay ngiti ng nakakaloko.



                Nakarating na kame ng Maynila ni Sy. Hindi ko naramdaman ang pagod sa biyahe namin, hinatid muna ako nito sa condo bago umuwi sa kanila. Susunduin niya ako bukas ng umaga dahil may lakad daw kami. Pag pasok ko sa condo ay may nakita kong sulat sa harap ng pinto kaya agad ko itong binasa.


"Zach mahal kita... Gagawin ko lahat mahalin mo lang ako..." maikling pahayag sa sulat, agad akong lumingon lingon baka makita ko ang naglagay ng sulat pero bigo ako.










(Itutuloy)