Friday, March 30, 2012

Will You Wait For Me? (Part 03)

Part 3 na tayo... Everyday nalang posting...

Muli, salamat sa mga nag-comment... next time nalang ako babati ha?

Will You Wait For Me? (Part 3)



“Matigas ka na ha?!” singhal niya’t itinulak ako kaya napahiga ako. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko’t pumatong sa’kin, inilock niya ako’t ‘di ako makagalaw dahil na rin sa mas malakas ang pangangatawan niya sa’kin.

“Bitawan mo nga ako! Ang bigat mo!” sigaw ko.

“Patawarin mo muna ako.” sabi niyang nakangiti.

Di ako sumagot. Pinagsalubong ko ang mga kilay ko upang ipakitang galit ako pero sa loob-loob ko ay natatawa na ako sa pinag-gagagawa niya.

“Matigas ka talaga ha?!” sabi niya’t bigla akong hinalikan. Nanlaki ang mga mata ko nang magkadikit ang mga labi namin.

Damang dama ko ang pagsipsip ng bibig niya sa bibig ko. Pilit kong isinara lalo ang bibig ko, tanging nagawa ko’y lumikha ng impit na “Hmmp!!!” Inilihis ko ang mukha ko upang makawala sa halik niyang yun subalit ang leeg ko naman ang pinuntirya niya. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya mula sa kanyang ilong, ang vaccuum action ng bibig niya at ang motion ng dila niya. Hindi ko akalaing malakas pala ang kiliti ko sa leeg.

Hindi ito ang unang pagkakataong hinalikan ako ni Jayson, nung bata pa kami’y lagi yang nanghahalik lalu na pag galit ako pero laging nakaw na smooch lang. Lambing ba? Makalipas ng ilang taon, ngayon lang niya ulit ako hinalikan at kakaiba pa ang paraan ngayon. Nakakakilig.

Teka… Anu bang naiisip ko? Hindi tamang word yun… Teka, I mean NAKAKADIRI! Tama, yun nga yung word, nakakadiri ang paraan ng halik niya ngayon!

“Tama na Moy! Nakikiliti ako! Ok na, pinapatawad na kita!” sabi ko habang pumipiglas ngunit hindi niya ako pinakinggan. Pinagpatuloy pa rin niya ang paghalik sa leeg ko’t di pa nakuntento,  lumipat pa siya sa kabilang side ng leeg ko. Binubondol-bundol na din niya ang harapan niya sa harapan ko’t nararamdaman kong nabubuhay ang alaga kong nakakubli doon.

Bakit ginagawa ni Jayson to? Hindi ba siya nakuntento sa sexyng babae kanina? Nabitin ba siya? Hindi na ako natutuwa sa pinaggagagawa niya.

Ni-relax ko ang katawan ko. Kahit nag-cocontract ang muscles ko sa leeg dahil sa kiliti ay pinigilan ko. Alam mo yun, pag pinigil mo nagiging panginginig siya? Nanahimik ako’t hinayaan nalang siya. Di ako nagpakita ng anu mang reaction.

Ilang saglit lang ay tumigil siya’t tumingin sa mukha ko. Unti-unting nabura ang ngiti sa mukha niya nang makitang walang emosyong ipinapakita ang mukha ko. “Moy!” pagtawag niya sa akin.

Humarap ako sa kanya, matalas ang tingin. “Oh ba’t ka tumigil? Ituloy mo lang! Enjoy na enjoy ka ‘di ba? Ituloy mo, gusto mo maghubad pa ako?!” ang nasabi ko.

Tok! Tok!

“Ji-ji, Je-je, mga anak, kakain na… Bumaba na kayo.” malumanay na wika ng aking nanay sa likod ng pinto.

Kumalas si Jayson at tumayo. Inayos ang nagusot na damit. “Kakain na daw sabi ni nanay.”

Umupo ako sa kama’t pinunasan ang leeg ko gamit ang laylayan ng t-shirt ko. Tumalikod si Jayson at dere-deretsong lumabas. Masama ang pakiramdam ko, naiinis ako na ewan! Tumayo na din ako upang bumaba’t makapag-supper na.




Habang kumakain ay hindi ako umiimik na normal lang naman, pero si Jayson ay nananahimik din na ‘di nakaligtas sa pansin ni nanay. “Nag-away ba kayo?” pagbasag niya sa katahimikan sa hapag.

Kumukuha ako nun ng meat loaf, sabay naming natusok ang isang loaf . Nagkatinginan kami ni Jayson saglit at muli kong tinignan ang tinusok ko. Bumitaw siya’t sumagot kay nanay, “H-hindi po Nay.” at nagpakita ng pilit na ngiti.

“Ji-ji?” baling naman ni nanay sa’kin.

“Nanay naman, ‘di ka na nasanay sa pananahimik ko sa hapag…”

Bumuntong hininga si nanay. “Ayaw kong nag-aaway kayo. Kung may ‘di pagkakaunawaan dapat naayos na bago pa lumubog ang araw. Naiintindihan nyo?” pangaral niya.

“Opo Nay.” Sabay naming sagot ni Jayson. Muli kaming nagkatinginan, siya at ang puppy eyes niya, ako naman ay di nagpakita ng kahit anong emosyon. Itinuloy na namin ang pagkain at tanging si nanay lang ang nagkukuwento.

Matapos makapaghapunan ay banyo agad ang tinumbok ko. Naligo ako dahil sa pakiramdam ko’y napakalagkit ko’t amoy laway. Sinabon kong maigi ang leeg ko. Natigilan ako. Sinubukan kong hagurin ang leeg ko sa banayad na paraan. Walang kiliti subalit parang nakarehistro sa utak ko ang ginawa ni Jayson kanina. Unti-unting nabuhay ang tulog kong alaga.

Anu ba tong mga naiiisip ko?

Tsk! Kakaiba ang pakiramdam ko. Ewan ko, hindi ko maintindihan. Ipinagpatuloy ko nalang ang pagligo’t pilit na iwinaksi sa isip ko ang naganap kanina.

Nang pumasok ako sa kuwarto’y nakahiga na siya’t nakahanda na para matulog. Nagpatuyo lang ako ng buhok tapos ay pinatay ko na ang ilaw at nahiga na rin. Hawak ko ang cellphone ko, ka-text ko si Diana.

Nang napagkasunduan namin ni Diana na matulog na ay inilapag ko ang cellphone ko sa tabi ng unan ko’t umayos na ng higa. Katahimikan naman ang namamagitan sa’ming dalawa ni Jayson.

“Gian…” mahinang pagtawag ni Jayson sa’kin.

“Hmm?” tamad kong sagot dahil na rin sa antok.

“Gising ka pa?”

“Hayan ka na naman eh!” yamot kong tugon sabay ng marahas na pagkamot sa aking ulo. “Sasagot ba ‘ko kung tulog na ’ko?!”

“Sorry… ‘Di kasi ako makatulog eh…” malambing niyang wika. Kung nakasindi lang ang ilaw siguradong naka-puppy eyes na naman to.

Nag-aalangan man ako dahil sa galit ko pero tulad ng lagi kong ginagawa para sa kanya, iniunat ko ang braso ko upang gawin niyang unan. Nang nakapatong na ang ulo niya sa braso ko’y binaluktot ko ang kamay ko upang makamot ang ulo niya. Halinhinang kamot at haplos ang ginawa ko. Lagi ko itong ginagawa sa tuwing hindi siya makatulog. Hindi ko alam kung paano nag-umpisa, basta alam ko lang ay bata pa lang kami’y ganito ko siya patulugin.

Yumakap siya sa akin. Ramdam ko ang hiningang nagmumula sa kanyang ilong malapit sa kili-kili ko. Nakakakiliti pero nasanay na ako. Minsan nga ay isinisiksik pa niya ang ilong niya sa kilikili ko na nauuwi sa kulitan. Pero iba ngayon, alam niyang may galit ako kaya hindi niya magawa yun ngayon.

“Moy…” muli niyang pagtawag sa’kin. Base sa galaw ng ulo niya sa braso ko’y alam kong tumingin siya sa muhka ko. Maaaninag naman niya dahil sa malamlam na ligawan sa labas.

“Oh bakit na naman?!” bwisit kong sagot. Lalu akong naiinis sa kanya dahil sa nauudlot ang pagtulog ko.

“Galit ka pa rin ba?” malambing niyang tanong.

Naalala ko na naman yung nangyari kanina, tsk! Gusto ko na ngang kalimutan, i-oopen pa niya. “Di naman nakakatuwa yung ginawa mo eh!”

“Sorry na…” wika niya. Garalgal ang boses na parang iiyak.

“Haay… Oo na! Sige na, pinapatawad na kita… baka umiyak ka pa diyan marinig pa ni nanay, mapagalitan pa tayo.” sabi ko.

“Yakapin mo nga ako kung talagang okay na tayo?” panunubok niya. Hay naku, lakas trip talaga to.

Niyakap ko siya nang mahigpit. “Oh ayan, matigil ka lang… Happy?”

“Very much! Salamat Moy.” Naaninag ko ang ngipin niya sa dilim, ngumiti siya.

Bigla kong naalala yung babae sa super market kung kaya naisipan kung makiusyoso tungkol sa lakad nila. “Anong nangyari sa inyo nung sexyng babae?”

“Ah yun ba? Wala…” walang gana nitong sagot.

“Anong wala?” taka kong tanong sa kanya.

“Walang nangyari.”

“Ha? Akala ko ba game siya?” ‘Di ko mapaniwalaang walang nangyari sa kanila, sa libog nitong si Jayson… Imposible!

“Oo nga game siya, pero ako hindi.”

“Bakit?” Lalu akong nagtaka, siya ang umayaw? Sa anong dahilan?

“Basta! Wag mo nang itanong, ayokong pag-usapan.”

“Kaw bahala.” Sagot ko nalang. Nagpasya na akong huwag na siyang usisain pa tutal sasabihin rin niya sa’kin yun pag ‘di siya nakapagpigil. Siya pa?! Eh wala namang ibang kaibigang matalik to na pwedeng pagsabihan maliban sa’kin.

“Moy…” muli niyang pagtawag.

Anu bang trip niya ngayong gabi? Ang huwag na ‘ko patulugin? Sumagot nalang ako para walang gulo. “Oh?”

“Pag ba may nagawa akong mabigat na kasalanan mapapatawad mo ba ‘ko?”

“Anong mabigat na kasalanan?” Weird niya ngayong gabi… Anong ibig niyang sabihin?

“Basta! Example lang may nagawa akong malaking kasalanan sa’yo… Papatawarin mo ba ‘ko?”

Napa-isip ako sa tanong niya. Mula pagkabata marami na rin siyang naging kasalanan sa’kin, may mabigat, may hindi, lahat ay pinatawad ko kaya nga best friends kami. Sa tagal naming magkaibigan siguro naman mapapatawad ko siya kung sakaling may nagawa nga siyang mabigat sa’kin. “Syempre naman. Para na tayong magkapatid no.” sagot ko sa kanya.

“Promise?”

“Opo. Ba’t ang kulit mo ngayong gabi? Wala ka bang balak matulog?” tanong ko.

“Paano ko malalaman pag pinatawad mo talaga ako?”

Parang gusto ko siyang batukan sa mga sandaling yun. ‘Di na ba mauubos ang mga tanong niya? Bigla ko siyang sinabunot gamit ang kamay kong kumakamot sa kanya. “Anu ba?! Eh di sasabihin ko sa’yo na pinapatawad na kita.”

“Aray ku! Nagtatanong lang eh… Ayoko ng sasabihin mo lang…”

“Eh anong gusto mo?”

“Pag talagang pinatawad mo na ‘ko… Bigyan mo ako ng bagay na mahalaga sa’yo.”

“Oh siya siya, bibigyan na kita.” Sagot ko nalang. Kung may gusto man siya sa mga gamit ko hinihingi naman niya kaya alam kong hindi na niya kailangang gumawa ng kasalanan sa’kin makuha lang ang bagay na gusto niya. Ganuon din kasi ako sa kanya, pag may gusto akong gamit niya hinihingi ko lang at ibinibigay naman niya. Tutal naman lagi kaming share sa mga gamit. “Matulog na tayo, antok na antok na talaga ako.”

“Sige… Good night Moy.”

“Good night…” Salamat naman at yun na yung huli niyang tanong sa gabing yun. Nakatulog na kami nang mahimbing.

“Oh, okay na ba kayo?” agad na tanong ni nanay nang makita kaming sabay bumaba kinaumagahan.

Nagkatinginan kami ni Jayson at nagngitian. “Okay na okay naman po talaga kami.” Sagot ko.

“Oo nga nay, ‘di naman kami pwedeng mag-away ni Gian eh.” Si Jayson.

“Mabuti kung ganuon. Matutuwa ang tatay mo Ji-ji.” Sambit ni nanay at mabilisang tumingin sa itaas. Hali na kayo’t nang makapag-almusal na kayo.” Paanyaya ni nanay sa’min.

Dumeretso na kami ng hapag upang sabay-sabay kumain.




Ilang linggo na rin ang nakakalipas, Christmas vacation na. Nalalapit na rin ang birthday ni Diana na nagkataong 5th monthsary namin, bale tatlong okasyon, syempre kasama na ang Christmas eve. Nagpasya akong ibili ng regalo si Diana pero nahihirapan akong umisip kung anong magandang iregalo. Naalala ko bigla nung pumunta kami ng mall, nakita niya yung octagon aquarium na puno ng guppies, gustong gusto niyang tinitignan yun. Yun ang naisip kong iregalo pero hindi ko bibilhin yung nasa mall para hindi mahalata kung sakaling tignan niya.

Naisip kong bumili sa petshop sa bayan dahil mas mura dun. Nagpa-sama ako kay Jayson. Kaso wala palang octagon aquarium sa pet shop na yun, puro rectangle. Sabi naman nila pwedeng magpasadya nalang kung kaya umorder na ako. Nagpa-reserve na rin ako ng filter at ornaments para ma-personalize ko yung design, at syempre mga fan tail guppies na iba iba ang kulay. May red ribbon, blue ribbon at king cobra guppies.

“Moy, palagay mo magugustuhan ni Diana yung regalo ko?” tanong ko kay Jayson habang naglalakad kami papunta ng sakayan.

“Kung ako si Diana kahit anong galing sa’yo magugustuhan ko.” Sagot naman niya.

Natuwa ako sa sagot niyang yun. Excited na ako para sa 24. Balak kong sa bahay kami mag-dinner ni Diana, paghahandaan ko yun. “Eh ikaw ba Moy, anung gusto mong regalo?” tanong ko sa kanya.

“Kahit ano lang, basta ang importante masaya tayo sa pasko.” Nakangiti niyang sagot.

“Okay, kahit ano ha?”

Nagpatuloy kami sa paglalakad nang biglang may binatang umakbay sa aming dalawa. Nagulat ako. Pagtingin ko sa lalaki’y hindi ko siya kilala. Disente naman ang suot niya, matangkad sa’min ni Jayson, moreno’t may hitsura, nasa uso ang gupit.

“Mga brod, pwedeng magtanong? Alam niyo ba kung saan ang papunta ng kapitolyo?” tanong nung lalaki sa’min.

Si Jayson ang sumagot. “Ah oo, malapit lang yung sakayan dito. Dayo ka ba dito?” Sa pagkakataong yun ay kumalas ako sa pagkaka-akbay ng lalaki dahil hindi ako sanay na inaakbayan. Nagpahuli ako sa paglalakad at nanatiling nasa likuran nila.

“Ah oo, taga-Maynila ako. Pwede bang samahan niyo muna ako? Wala akong alam sa lugar na ‘to eh.” Pakiusap nung lalaki.

“Sige.” Sagot naman ni Jayson.

“Brod halika dito, ba’t nagpapahuli ka?” pagpansin nung lalaki sa’kin.

“Hindi, okay lang ako dito.” Sagot ko naman. Kinukutuban ako ng masama kung kaya gusto ko siyang obserbahan.

Napansin kong ang lalaking nagpapasama ang nagmamaneobra kung saan dadaan, siya pa ang kumakaladkad kay Jayson. Kung dayo lang siya, bakit parang alam niya ang daan? Nagpatuloy pa kami sa paglalakad at lalu akong nanghinala nang dumaan kami sa likod ng palengke kung saan walang gaanong dumadaan. Ipinasok ng lalaki ang kamay niya sa bulsa niya. Naaninag ko ang isang makinang na bagay. Hindi ako maaaring magkamali, balisong ang bagay na dinudukot niya.

“Jayson tara na!” kabadong wika ko sabay alis ng kamay ng lalaki sa pagkaka-akbay kay Jayson.

“Teka lang!” sabi nung lalaki sabay hablot sa batok ni Jayson, ayaw niya itong pakawalan. “Akala ko ba sasamahan niyo ako?” tanong nito.

Pilit ko namang tinanggal ang kamay nito, napapa-aray si Jayson dahil sa sapilitan kong pagtanggal ng kamay ng lalaki. Marahil ay napansin nung lalaki na alam ko na ang balak niya kung kaya ako nalang ang hinablot niya at bigla niyang inilabas ang balisong. Kinagat ko ang kamay niya sabay siko na tumama sa sikmura niya.

“Takbo!” utos ko kay Jayson sabay tulak sa kanya’t tumakbo na ako. Napa-upo naman si Jayson at hindi nakagalaw sa pagkagulat.

“Akin na ang wallet at cellphone mo!” sabi nung lalaki.

Nilingon ko si Jayson, kitang kita kong sasaksakin siya nung lalaki kung kaya binalikan ko siya. “Gagu ka! Ba’t di ka humanap ng trabaho mo nang di ka nang-hohold up?!” sigaw ko sa lalaki at binigyan ko ng isang suntok sa pisngi.

“Aba’t talagang hinahamon mo ako ha?!” inis na wika niya’t isinaksak ang patalim sa tagiliran ko. Sa una’y wala akong maramdamang sakit subalit unti-unti ay gumapang ang kirot sa buong katawan ko nang hugutin niya ang patalim.

“Pakealamero ka kasi!” wika niya’t binigyan ulit ako ng isa pang saksak.


“Hoy!” sigaw ng matador sa palengke suot ang duguan nitong apron at may hawak na kutsilyo. Sa mga sandaling yun ay maraming nakakita sa pangyayari dahil na rin sa pagsigaw ko kanina. Natakot yung lalaki at dali-daling tumakbo.

“Moy! Moy! Huwag kang gagalaw!” tarantang wika ni Jayson, putlang putla ang mukha niya’t hindi mapakali, hindi niya alam kung ano ang gagawin. Kinalong niya ako’t pinaunan sa mga hita niya.

“O-o-k-kay k-ka lang b-ba M-moy?” tanong ko sa kanya, nahihirapan akong huminga dahil sa bawat hinga ko’y ramdam ko ang ibayong kirot at hapdi sa tagiliran ko.

“Anu ka ba Moy?! Ikaw tong may sugat ako tatanungin mo kung okay lang ako?!” lumingon-lingon siya, maraming nanonood na tao pero wala man lang lumalapit. “Tutunganga lang ba kayo?! Tumawag kayo ng ambulansiya!!!” galit na sigaw niya sa mga tao.

“M-moy… Inaantok ako…” sabi ko.

Ibinaling niya ulit ang pansin niya sa akin. “Huwag! Huwag kang matutulog Moy!” sabi niya habang bahagyang tinatapik ang pisngi ko. Kitang kita ko ang pagtulo ng luha niya.

Lumalabo ang paningin ko’t naduduling na ako… Hindi ko na kaya… Dahan-dahan kusang pumipikit ang mga mata ko… Bago ako tuluyang magsara ang mga mata ko’y nakita kong parang sumisigaw si Jayson subalit wala akong marinig. Duon na tuluyang nagdilim ang paningin ko.




Itutuloy…

14 comments:

Anonymous said...

hope maging okay si MOY..

kakaba nman ito....


LAW......kakiba style ng story mo

he he he he he he he


ABANGAN KO NMN ITO


jazz0903

sam1308 said...

did je and diana had an affair

Anonymous said...

tragic nmn ng chapter nto.....huhuhu

moy gumising k!!!!

jayson, kaw ang may kasalanan!!!!!

-k0alabear-

Anonymous said...

Ano ba yan, disgrasya abot ni gian. :(
baka naman may something sa gf ni gian at jason. Akala ko may maririnig si gian mula kay jason na "wag mo kong iwan moy, mahal kita".
Ang dami kong akala. :) galing ng pagkakasulat mo po author.
Van ^^,

Coffee Prince said...

buset na KUPAL yun aa ..
extra na nga lang siya .. mananakit pa.. gggrrrr!

get well soon Gian .. don't worry .. Jayson is always beside you .. :)

Thanks kuya Law ~

Anonymous said...

Once again. Ito nanaman comment ko.


:O

-hahahahah
-cnjsaa15-

Anonymous said...

My affair ata si jayson tsaka diana... pero hinihintay ko pa din kung baket will u wait for me ang title ng story.. sobrang interesting sya.. goodluck author.. silent_al

Mr. Brickwall said...

Eto lang masasabi ko..
NEXT NA PLEASE!

hai daming question.. galing!

hala! baka nga may affair si diana at jayson. wag naman. ang cute nilang couple kung sakali, ji-ji at je-je. :)

Anonymous said...

hays
-yume

Mr.green chris said...

Nice twist story ahah,sana walang mangyari masama kay gian

Jm_virgin2009 said...

hmmmmpt.. ano ba yan! 3 chapters pala po may trahedya na agad! nd ba pwdng love story muna.. huhuhuhuhuhu..

Anonymous said...

will you wait for me in heaven ba to?hehe
dahil sa ganda ng story, sana nga araw araw na maupdate, inaabangan ko to..
nice job author.. Keep it up!

foxriver said...

aga naman ng tragic scene hehehe..but i still love it.update.update.update. Good job author.

kevinblues said...

next chapter na poh mr.author..ganda kasi ng story eh...hehhe...pleeeeeaaaaaaaassssssseee...^^

Post a Comment