Thursday, March 29, 2012

Ikaw ang aking Pangarap (Pahina 44)


By: FUGI

----) Una, labis akong nagulat sa mga violent reaksyon ninyo, tandaan  may mga sides pa tayong hindi naririnig (hehe), sobrang napressure tuloy ako at hindi makapag-isip kasi ang dami nyo nang ini-expect na para bang lahat ng maisip kong pwedeng dahilan ay hindi nyo magugustuhan kasi ramdam kong sobra kayong naapektuhan, PERO SANA PO AY, AY HAYAAN NYONG AKO NA LANG ANG MAG-ISIP AT I-ENJOY NYO NALANG ANG BAWAT PAHINA.. PLEASE........! nalalapit na po kasi ang KATAPUSAN..................................................................................
....................................................................................
.................JOKE! hehe

----) Pangalawa, SORRY po at natagalan ang post nito sa kadahilan pong hinare ako ng pinsan ko na maging private nurse para sa kaka ko ulit kasi medyo nanghihina ulit sya, sana ay ay isam nyo sya sa inyong mga panalangin.. PLEASE!

-----) Pangatlo nais kong batiin ang mga bagong nag-iwan ng mga komento na sina: Van, -cnjsaa15-, Jan Carlo (at alam mo talaga yung line na hindi na inform ha! Hehe), HI po! Salamat salamat:)

Sobrang TY sa ever suportive/ sobrang attached na sa kwentong ito kaya naging ganoon nalang ang reaksyon nila sa last chapter/ at kung anu-ano na tuloy ang pumasok sa mga utak ninyo na sina: --makki--, Yume, sam130, jekjec, kevinblues, Master_lee#027, marL, Mr. Brickwall, jemyro, darklord, jemyro, Stringx, JONREY QC, Lloydie

@DownDLine (oo nga, welcome back, saan kaba ng punta nag-alala ako sayo.. hehe parang magulang ih! Hehe)

@J (syempre naman kababayan, basta ikaw.. hehe)

@ JAZZ0903 (ang haba ng komento mo pero sobra naman akong natuwa, salamat salamat, ganoon din sa pagshare ng a bit about yourself)

@ChuChi (akala mo ba masisindak mo ako! Hehehe pinatulan,, mag-iingat na ako simula ngayon sayo,,, LOLs), 

@akosichristian ( wow CI ka talaga? Sorry sir dapat pala ikaw ang panalo, hehe talaga ibibigay mo sa akin ang position mo, ahhhhh! Hehe ay san na po kayo sir ngayon? Sa ibang bansa na? pasama naman.. hehehe)

@Lawfer (sayo ba yung will you wait for me? Humanda ako kasi gagayahin ko ang papel mo, gaganti ako.. hehehe biro lang... ganda nga pala, may iba ka pa bang nagawa dati? Ipabasa mo naman sa akin oh! At about sa comment mo sa last chapter dahil wala kang naramdaman isa lang ang sennyales noon wala ka nang feeling, sobrang numb ka na, kaawa-awa naman.. LOLs)

@Foxriver (dahil nainggit ka kay makki sya kiss na rin kita eto na ang POWER KISS KO.. mwwwwahhh.. hehehe, churi naman kung nawalan ka ng gana kasi naman ako.. hehe)

@Jm_virgin2009 at ZROM60 (ngayon  na lang ulit kayo nakapagcomment ano? Kamusta? Hehe)

@Ras (salamat sa pagpapalakas ng loob at dahil dyan nadadagdagan ang shakra ko.. hehe)

@ nurse_mark (wala pa kasi akong FB, gagawin ko palang ih! Kung gusto mo imessage mo na lang ako sa email add ko na fugi90@yahoo.com, send mo number mo dun tas ititext na lang kita, pwede pa iyon??, doon natin simulan ang ating friendship)

@ sa mga Lihim na tagasubaybay... TY PO!

Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.

Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento

Tahimik akong humihikbi habang nakasalampak pa rin sa sahig ng CR na iyon

Paulit ulit ko pa ring naririnig ang mga huling binitawang salita ni ian.....

“Yun din ang akala ko, pero hindi pala”

“Yun din ang akala ko, pero hindi pala”

“Yun din ang akala ko, pero hindi pala”........ na parang patalim na na umaatake hangang sa kaibuturan ng puso ko pati sa bawat himaymay ng katawan ko

“Ganto ba talaga ito kasakit? (Yung parang unti-unti kang nilalagutan ng hininga), ang naitanong ko na lang sa sarili ko sa pagitan ng aking paghikbi

Sa puntong iyon ay ay hindi ko na namalayan na may pumasok na pala sa loob ng CR na iyon kung saan ako nagpapakawala ng aking pagtangis at tahimik na ako nitong inoobserbahan


...... :’(tahimik na paghikbi at sa pagitan noon ay ang parang pagsinoksik na dahilan para gumalaw ang aking katawan:’[.....


At nang parang napagod na ang aking mga mata sa pagpapakawala ng mga mumunting butil ng tubig ay nanatili pa rin ako sa  ganoong posisyon ko, parang naubos na ang lahat ng lakas na meron ako, na kahit ang lumikha ng kilos o gumalaw ay hindi ko magawa, na parang hindi ko na maramdaman ang sarili at buong katawan ko, mas nangibabaw pa rin at naging duminante  sa sistema ako ang sakit, ang sobrang sakit na gawa nito (sabay napakapit ako sa dibdib ko) at sobrang lungkot dahil sa parang nawala na ang nagsisimula palang na na ako, si ian at at at yung love na unti unti na sanang umuusbong:[........ at sa puntong iyon ay ay nakiisa nang muli ang aking emosyon at nagpakawala na ulit ng mga mumunting luha ang aking mga mata na sumisimbolo sa tunay kong nararamdaman:(

Maya maya pa ay naramdaman kong may lumapat na mga palad sa aking magkabilang balikat at namalayan ko na lang na itinatayo nya na ako, at nang maangyari iyon ay ay ay bigla na lang ako nitong ikinulong sa mga bisig niya

Hindi ko natapunan ng tingin kung sino ang taong iyon pero panatag ako sa kanya, naramdaman ko ang pagdamay nya kaya naman hindi na ako nahiyang ipakita ang kahinaan ko

Ipinatong ko ang aking mukha sa kanang balikat niya at nagsimula na namang kumawala ang emosyon na lumukob na sa buong pagkataoko dahil sa mga nangyari sa pagitan namin ni ian
Hindi sya nagsalita bagkus ay naramdaman ko na lang na hinigpitan niya na lang ang pagkakayarap niya sa akin na naging dahilan para mapasubsob na ako sa dibdin nya, hindi ko na rin napigilan ang paglakas ng aking mga hikbi:’(

“Sorry..............!” bulong nito

Agad napukaw nito ang atensyon ko at ng itaas ko na ang akin tingin ay nakita ko ang nag-aalala at ang sobrang lungkot na mababakas sa kanyang mga mata, sa mukha ni, ni anthony

Sa puntong iyon ay ay parang  parang hindi ko maintindihan kung bakit sya nagkakaganoon, parang basta may iba, pero siguro ay ay nakikisimpatsya lang siguro siya sa akin (yun na lang ang naisip ko), at kaya naman niyakap ko na lang din siya at mas lalo naman ako nitong isiniksik sa kanya at marahan na hinimas himas ang aking likod

Gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko dahil sa ginawa nya

“Sorry fugi.........” malungkot na himig na sabi nito, naguguluhan man kung bakit sya nagkakaganoon ay pinagkibit balikat ko na lang at pinilit na kumalas na lang sa yakapang iyon, at nakuha naman ni anthony ang gutto kong mangyari kaya ay niluwagan na rin niya ang pagkakayakap sa akin na naging dahilan para makawala doon

Agad kong tinungo ang sink at naghilamos para sana mapawi o matabunan man lang kahit ang lungkot na mababakas sa aking mukha

Nakailang hilamos ako para matakpan sana, sana ang lungkot at sakit na nararamdaman ko pero ng pagtunghayko ay tumambad sa akin ang repleksyong likha ng salamin sa harap ko.... kitang kita ko sa imaheng iyon ang pighati at kasawian, at sa puntong iyon hindi na akong makatingin sa salaming iyon, sa salaming nagpapakita ng imahe kong nawalan ng sigla at buhay:(

Iniiwas ko na ang paningin ko sa salamin na iyon ata agad nang nilingon si anthony na kanina pang nakamasid sa mga kilos ko

Hindi  alam kong saan galing ang lakas ko para magpanggap na ayos na ako, na ok na ang lahat kahit ang totoo ay unti-unti na akong nauupos sa kaloob looban ko

Ako: anthony, pasensya ka na sa itsura ko kanina na parang batang nakalupasay sa sahig at nag-iiyak nang ganoon, pinalaki kasi akong ganoon.... (sabay pakawala ng mapagkunwaying tawa.. hahaha), dyahe naman oh! (pilit pinasigla ang boses ko), nakita mo tuloy (sabay suntok ng walang kalakas lakas sa kanyang dibdib at pilit ulit tumawa, nakatitig lang ito sa akin), nabasa ko rin pala uniform mo (pagpuna ko sabay kuha ng panyo ko para rin makaiwas sa mga tingin niyang iyon, at ng akmang pupunasan ko na ang uniporme niya ay bigla naman nyang hinablot ang kamat ko at iniakap niya sa likuran nya habang ang isa nyang kamay ay iniakap niya sa batok ko at unti unti niya akong minaneobra papalapit sa kanya)

Sa pagkakataong iyon ay naramdaman ko ang mapagkalinga niyang yakap
Anthony: alam kong sobra kang nasasaktan ngayon at nasasakatan din akong nakikita kang nagkakaganyan (bulong nito), nandito naman ako, nandito ako para sayo (sabay halik nya sa ulo ko
Ako: o..ok ako (at napangiti ako sa sinabi kong iyon, ngiting mapait), .... ayos na naman ako  (pero sa pagkakataong iyon ay pinagkanuno na ulit ako ng emosyon ko, nagpakawala na naman ng mumunting butil ng tubig ang mga mata ko, hindi na nakayanan ata ng aking dadamin ang taliwas na sinasabi ng bibig ko)............. sana, sana sana maging maging maging OK na ako (ang bahadya ko nang nasabi sa pagitan ng mga hikbi ko)
Biglang lumuwag ang yakap ni anthony sa akin at naramdaman ko na lang ang paglapat ng mga kamay nito sa magkabila kong pisngi, itununghay nya ako paharap sa kanya at at dahan dahan nyang pinahidan ng mga daliri nya ang mga luhang patuloy paring kumakawala sa aking mga mata at ........
Anthony: hayaan mo akong pasiyahin ka.....
...........at at nagulat na lang ako sa sunod niyang ikinilos, bigla bigla nyang inilapit ang mukha niya sa akin at ang sumunod na nangyari ay naidikit niya ang mga labi nya sa labi ko
Hindi ako nakagalaw sa mga oras na iyon na naging dahilan para maangkin niya ng tuloyan ang mga labi ko
Naging masuyo ang ginagawa niyang mga halik at may pag-iingat, unti unti na ring nagdidikit ang aming mga katawan
Pero agad naman rumehistro ang pigura ni ian sa aking balintataw, ganoon din ang mga nangyari sa pagitan namin na naging dahilan para magkalakas akong kumawala at bumitaw sa halikang iyon at at magtatakbo palabas ng CR na iyon
Halo halong emosyon ang gumugulo sa akin, lungkot at sobrang sakit dahil sa pagbiliw sa akin ni ian at ngayon nga ay pagkalito, pagkalito sa mga sinabi at ginawa ni anthony ngayon ngayon lang
Hindi ko alam saan ako pupunta pero ang pag-iwas muna sa kanila ang ang naisip kong gawin at ang option na meron ako ngayon:(

Itutuloy..............

29 comments:

sam1308 said...

this story is severely amazing....

Anonymous said...

Kawawa naman si fugi. :( Anthony to the rescue...sana. :) ang bigat naman siguro sa pakiramdam ng ganyan. Nakakatakot palang umibig, i mean masaktan sa pag-ibig.
Ok na pala ang crush crush lang. :D

hi din po author! :) lubid ka ba? Kasi po lakas mong mambitin. Corny hehe

van ^^,

--makki-- said...

GANAYAN NGA ANTH! IDAAN SA SANTONG PASPASAN! BERI GUD! NICE ONE! lol

Anonymous said...

@FUGI....learn how to love yourself muna...

@IAN...MASASAPAK KITA HUMANDA KA

@ANTHONY....Time to shine...ikaw na ang bahala kay Fugi....

MAHIRAP MAG REBOUND NG FEELING SA GNITONG SITWASYON....
KAYA LEARN TH EPROCESS OF LETTING GO.... FUGI

MR OTOR...DAMANG DMA KO ANG KWENTO MO..KAKARELATE AKO
GANDA NG STYLE MO HA...KILIG FACTOR SA UNA..SA GITNA PALA ANDITO NA YUNG DUSA....HAYSSTTTT.....

PERO BITIN AKO.... HU HU HU

NEXT CHAPTER PLEASE


JAZZ0903

ChuChi said...

sumosobra ka na FUGI!!

MATAGAL KA NANG HINDI NAG PARAMDAM....

BITIN PA TONG PART NA TO!!

ABAT ANONG GUSTO MO MANG YARI!?!?!

TEKA NGA!!

MATAWAGAN NGA SI SARAH YUNG GF NI IAN!!

SUSUMBONG KITA!!

hahahahahahahahahahahahahaha!!

bleh :P

- ChuChi -

DownDLine said...

ahaha...nag soul searching ako fugi naghanap na di ng lablyp nainggit ako sa'yo ehh..ahaha..biro lang.. uhm nagtraining ako somewhere for work,,ayun... wait bitin na naman ang chapter na to ha!!!

Lawfer said...

haha salamat sa papuri... ewan q lng kung mkakagwa ka ng papel na kahalintulad ng akin lol tgnan ntin :p

ibng kwento q? hmm... ung king of hearts nbsa m nb? nkapost un d2

reaxon q sa chapter na to: nbubuhay ulit ang ugat q, para aqng bnigyan ng isang kurot ng magic beans hahaha go anton!

Zach said...

Parang may alam si Epal(Anthony) kung bakit nagkaganun si Ian ah.. Hmmmm..

Nice one Mr.Author.. Next na! Para malaman na yung side ni Ian at ni Epal.. XD

Anonymous said...

ngayon ko lang sasabihin to..
Sakit sa puson!
Bitin!..
Tsk..

.seruso author, wala ka pang fb? Oh wala pang fb na pang frontliner.,
msg na nga lng kta sa mail mu, taz txt txt na lang. Dahil jan, magloload na ako palage..

Anonymous said...

Hahahah. Mahilig ako magcomment, pero simula nung nangyari yun naawanen(ilocano term for nawala na) haha, hmmm.

Nagpapasalamat ako kay kuya fugi kasi napapangiti niya ako sa story niya. Ang cute kasiiii. Iiiihhhhh. Hihihihi, lagi ko inaabangan to. Hahahah. Check ako ng check kung meron nang update.
Lol. Basta thanks.
Para naman sa comment ko.


------
Wow ian, how dare you hurt fugi! Pinaasa mo lang siya! Ang pinakaayaw ko sa mga tao ay yung papaasahin ka at iiwan ka ng walang valid reason..masunog ka na sa impyerno. -.-' wala na akong nafifeel para sayo. Ewan ko sayo! Epal ka. So what kung gwapo ka?! Marami diyang iba na mas angat kesa sayo.hmph!!!!!


Anthony:why are you apologizing to fugi? Huh?!! Do you have something to do with the "issue"?
Ikaw ba sumira sa relasyon nila fugi at ian? Huh!? Desperado! Kung mahal mo siya.. Sana naman ilet go mo siya kasi dun siya sasaya kay ian eh.
(pero kung wala ka kinalaman dun....ehe. Sorry and sige lang....agawin mo na si fudgefudge.. :) basta promise me one thing. Don't ever break fudge's heart. Love him unconditionally. Erkay? ;)

Kuya sephy.(hihihi) akin ka nalang! Jk, lmao. Hahahah. Nakakainlove ka kuya seph. PROMISE!!!!!!!!
Lol. So eto na po. Kuya seph? Are you serious about fugi?...hmmm wait. Let me rephrase po. Do you feel something for fudge? Do you love him? If you do....GO FOR IT! Bengga na yung story kung magka-love quadrangle diba?xD hahahah.

Lmao so ayan neh. Tapos neh ako. Hahahahah. Saya magcomment. Namiss ko to. ^^

ayaw ko na magsuggest. Go with the flow nalang ako. Ganda naman gawa ni author eh. Kyoool(cute na cool)-kyool ;)
Hahah. Asdfghjkl. :D
End ko na comment ko. Mahaba na siya hahahahahhahaha

-cnjsaa15-
\(^.^)/ wohooooooo

Chris said...

ang ganda pa rin talaga. kawawa nmn :(( sobra syang nakakadala ;) sana po mabilis na ung update. hehe. salamat kuya!

foxriver said...

thank you for the POWER KISS hahahaha, di ako mawawalan ng gana na basahin ito, i can see that 'breakup' thing coming..it made me more eager to read on..more more

slushe.love said...

OW EM! Nasan na ba si Ian para makapag paliwanag na sya? Well, buti nalang kahit papano andyan si Anthony to Fuji. Pero bakit sya nag SO SORRY? What is the meaning of this? LOL :) Hayst! Dang, I'm really excited for the next couple chapters of this story. :) Good Job Author! :D

Anonymous said...

hala natrauma na c fuji dahil kay ian kaya pati c anthony nadamay na!!!....ganda ng flow ng story keep it up...


-silent reader

Master_lee#027 said...

Nice story pareng fugi ....kakarelate naman masyado ung nararamdaman ni fugi ah ,parang totoo hmmm ,naku naku ,i think one of the BIG reason's why ian break up with fugi is ANTHONY .........naku ah ka anthony tsk tsk

Stringx said...

Fuji, 'wag muna kay Anthony. Recover ka muna mula sa pagkasawi mo kay Ian. Baka matulad sa 'yo si Anthony na pinaasa tapos wala lang pala dahil may ibang minamahal.

"Out of love, sacrifice is born… Hate is born… and we are able to know pain!" - Nagato

Maquote lang sinabi ni Nagato. Fuji, nagmahal ka, tapos may nagsakripisyo ka (ano ang nasakripisyo mo?). Sa ngayon, nasawi ka sa pagibig kay Ian, parang kinamumuhian mo sarili mo sa nangyari ('wag naman), sa ganoong paraang nakilala mo si pareng 'Pain'. Been there, done that.(I did?)

Kilalanin lang muna sarili mo at iassess ang mga nangyayari, tapos draw your finding ang make an action plan. Tapos magsumbong ka kay kuya Joseph. Huwag muna kay Anthony, dalawa na kayo niyan pag nagkataon. :D

Good luck, Fuji!

rascal said...

d maganda ung gnawa ni anthony....oo nandyan na tayo na concern xia kay fuji....pero sa gnwa nya ngtake advantage pa xia........anyway i hope na sna malagpasan to ni fugi......ito fuji papahiram ko sau ung espadani dylan,...kyang kya nyan tunawin ung nilalamig mong puso...kaylangan din ng apoy ni recca ..para khit papano madagdagan ung shakra mo....hehehe.......ngiti nmn dyan hahaha.

Jan Carlo said...

hayy salamat may update na ulit..reading mood muna ako...((syempre naman pareng FUGI alam ko yung mga linya mo ehhehe IDOL kita eh)) hahha maka pare lang ih...

Lloydie said...

Mas gusto kuna kay Anthony ngayon ahahaha go go go anthony hahaha were right behind you ahahahahaha :) atleast medyo nwlaa badtrip ko ahahaha FUJI ipakulam mu si IAN ahahaahahahahahahahahahahahahahaaha (makademnyo lang ah ) xD

marL said...

ang ikli nmn ata ng chapter na to hehehe.
pero still d pa din aq maka move on kay ian.
anu kaya ang real reason behind that. hmmmmm. :)

Anonymous said...

hala

Jamespottt said...

Kababayan. ang ikli neto. Pero oks na rin.
To the rescue na yung manok nila Makki. haha.
Siguro magkapatid sila Anthony and Sarah. ATA lang.

Unknown said...

BITIN..!!!!

naamoy ko na ang mabangong ulam na niluluto ni ian para ke fugi.. :p

uu, CI ako, at kapag ba CI dapat ser ser na agad..?? hehe wla na ako pinas, tulad ng marami, bagong bayani na din ang tawag ko sa sarili ko.. :p

darklord said...

antagal ng kasunod haha, ang ganda at ang galing talaga. mambitin hahahaha.pizzz

masakit yung ginawa ni ian, pero tama din, kasi inaantay nya yung gf nya eh, edi panakip butas lang si fugi nun? at dahil dun ansarap nyang irazengan.

darklord said...

anlakas talaga mambitin.., pati next chapter anong petsa na.. hehehe. kipidap owtor.

mali at tama lang yung ginawa ni ian, mali kasi pinaasa nya si fugi, at tama kasi may gf syang inaantay diba?

DownDLine said...

FUGI!!!!!!!!!!!!! asan ka na???? antagal ng update!

Luis said...

Phew! Natapos ko din basahin to! nagsimula lang po ako magbasa nitong story (from chapter 1) this afternoon lang... habang ang iba ay napa-pasyon... ako naman ay dito nakatutok... kaguilty din ha kasi kasi ih! ganda ng story from start to here... and nagimprove drastically writing mo Mr. Fugi (Pano ba i-pronounce name mo? like fuh-ji? or like pooh-gih? ahaha
So far, gusto ko para sayo si Ian! kahit na may LQ sila ngayon, si Ian pa rin bet ko. Mas malalim na kasi attachment mo sa kanya kesa kay Anthony. Kahit may gf na yun, sayo pa rin naman nya una naramdaman ang mga unexplainable emotions nya di ba? So, fight for Ian! clueless ako sa reason ng pagkakaganun bigla ni Ian after less than 2 days nila as couple... so ayaw ko magassume muna, Author knows best :)
Lastly natutuwa ako sa character mo kasi ang dami din nya similarities sakin: isip bata, weird, may kakaibang cuteness na kahit mga straight gwapings ay nababakla (pramis!) and yun mahilig din ako sa anime lahat halos ng nabanggit mo, alam ko... gusto mo ba isama sina doraemon, sailor moon, mojacko, daimos, monster rancher, magic knight rayearth, bubble gum crisis, at evangelion sa mga susunod? ahehe ayiiiieeee pati mga songs na nilalagay mo meron ako sa ipod ko hala piniplay ko tuwing maencounter ko sa mga chapters mo ahehe feel na feel ko ah! Go Mr Fugi alabya!

Luis said...

and btw ikaw ang author na hindi mukhang suplado sa komentateros mo ha? :) nice! kaw na ang magiging fave ko nyan kasi bait bait mo e... kasi kasi ih! nga pala another similarities natin is kumakanta din ako (pero sa banda lang and drums ang pinapatugtog ko hihi)

Master_lee#027 said...

Ehem ,ehem ,pare?tol?tagal na ah?asan kana?mis na mis na mis na mis nakita:) lols! Pero totoo we miss you na eh ,almost 7-8days na ata eh?or above kang nawala at di nagpaparamdam hmmm ,,,,sana maayos ka lang naman pare ,at sana makapagpost kana eheh super bitin ung last eh ....takecare

Post a Comment