Monday, March 19, 2012

Ang Matalik Na Magkaibigan Chapter 07



by: dranski/dranieM


Sa wakas ay nasundan narin ni Dranski ang estorya niya kaya magsaya na kayo mga kakosa :D Enjoy reading sa inyo and keep the comments coming dahil iyan ang nagbibigay nang motivation sa mga authors natin para lalong pagandahin ang estoryang gawa nila.




                Nakakapanlumo ng makita ko si Zach na kayakap si Glen. Bumalot sakin ang galit at sakit sa mga sandaling iyon, hindi ko alam ang gagawin ko. Ang taong minahal ko ng totoo at ang taong umaagaw sa mga minamahal ko ay magkadikit ang mga katawan. Wala na akong magawa kundi tumakbo paalis sa lugar na iyon. Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko na hinintay ang elevator dahil baka abutan ako ni Zach kaya bumaba ako gamit ang hagdan patungong parking lot sa aking sasakyan. Ramdam ko ang pag patak ng luha sa mga mata ko, agad ko namang pinaandar ang makina ng kotse at lumisan sa lugar na iyon hindi ko alam kung saan ako pupunta sobrang gulo ng utak ko at puro pighati ang nararamdaman ko. Naisipan ko na lang tuloy pumunta sa isang malapit na bar para uminom para kahit papano ay makalimot.


                Pumwesto ako sa dulo ng bar na iyon kung saan medyo tago sa maraming tao. Maingay sa bar na iyon gaya din ng iba madaming nagiinuman, nagsasayawan at kung anu-ano pa. Hindi ko na pansin dahil may sarili akong dinadala umorder ako isang hard na inumin dahil mas sanay ako sa ganon. Namalayan kong tumatawag pala si Zach sa cellphone ko ng mga sandaling iyon pero imbis na sagutin ay pinatay ko ang cellphone ko dahil wala pakong lakas ng loob kausapin siya.


"OA ka na naman magreact Sy..." bulong ko sa sarili ko.


"Pero bakit kayakap nya si Glen? To think alam niyang galit ako sa taong yun..." sa kabila ng isip ko.


"Haaaayyyy Sy, baka naman kasi di talaga pwede maging kayo ni Zach." sabay inom ng alak.


"Masyado ka maraming kaagaw..." dugtong ko pa.


"Pero kung mahal mo naman talaga siya ipaglaban mo" malakas na sigaw ng nakatayong lalake sa harap ko habang may hawak na bote ng beer.


                Kinabahan ako dahil baka narinig niya ang mga sinabi ko pero binalewala ko na lang sabay inom ko ulit ng alak isa pa hindi naman niya ko kilala. Gwapo ang lalaking ito, medyo malaki ang katawan at halatang naggigym ito, matangos na ilong maputi, chinito at may pataas na buhok nasa 5'10'' siguro ang height nito at muka siyang modelo sa porma niya. Mas ikinagulat ko ng bigla siyang umupo sa bakanteng upuan ng table ko.


"Sorry but do I know you?" tanong ko sa kanya.


"I'm Brad" sabay abot ng kamay niya, ako naman ay tinungga ang alak sa shot glass para makaiwas sa kamay nya.


"Nakita ko kasing mag-isa ka and your eyes shows na may dinadala ka..." dugtong niya at napangisi na lang ako dahil tama siya.


"Would you mind if i join you?" tanong niya pa at isang ngiti lang ang binigay ko
               
------------------

''The number you have dialled is-"


"Shoot! pinatay niya pa cellphone nya, nasan kana ba? Sy..." malungkot na sabi ko.


"Try mo kaya tawagan sa bahay nila" suhestiyon ni Glen.


                Agad ko naman tinawagan ang bahay nila, si Tita Elsie ang sumagot pero wala daw si Sy doon ang alam niya daw ay pumunta sa unit ko pagkatapos siyang sunduin. Tinapos ko naman agad ang tawag para hindi na magtanong si Tita.  Si Glen naman ay nag stay pa sa unit ko ng mga ilang oras para kung sakaling bumalik man daw si Sy ay makapag paliwanag ito pero alas dose na ng gabi ay walang Sy na dumating sa unit ko kaya umalis na din si Glen.  Naiwan akong magisa sa unit ko, sobrang nag-aalala ako kay Sy dahil hindi ko alam kung nasaan na ito. Hindi naman ako nakatulog ng maayos dahil umaasa akong babalik si Sy o makakareceive ako ng tawag o text sa kanya pero wala talaga.  Kaya't bumangon na  ako ng tumunog ang alarm ko para pumasok sa resto para doon na lamang siya abangan. Sinundo naman ako ni Glen para maihatid na din sa resto nagbabakasakali kaming nandoon si Sy sa resto para makapag-usap kaming tatlo. Alas otso ng makarating kami sa resto ipapark na sana ni Glen ang kotse ng may makita kaming dalawang lalaki na lumabas ng resto. Si Sy ang isang lalaki pero ang isa ay hindi ko kilala at hindi ko pa nakikita noon. Sumakay sila sa kotse ni Sy at umalis. Hindi ko naman maintindihan ang nararamdaman ko. Nagseselos ba ako? pero bakit ang sakit. Ganito din ba ang naramdaman ni Sy ng makita niya kami ni Glen na magkayakap?


"Kilala mo?" tanong ni Glen pero iling lang ang naisagot ko.


"Wag ka masyado magisip, kaibigan niya lang yon." dugtong ni Glen sabay ngiti sakin,  hindi ko alam pero alam ba ni Glen ang tungkol samin ni Sy?



"I know pero after what happen last night..." napahinto naman ako at napabuntong hininga dahilan para tapikin ako ni Glen sa balikat alam kong pinaparamdam niya na ayos lang ang lahat.




"Nagagawa pa din niyang ngumiti..." dugtong ko halata sa tono ng boses ko ang sakit.


'Tulad lang ba ako ng mga naging babae na pinaasa niya' yan ang tumatakbo sa isip ko habang nasa opisina hindi ko kasi nagawang tumulong magluto para sa mga order. Hinahanap ko ang mga papeles na kailangan pirmahan pero kinuha na daw ito ni Sy sabi ng isa sa mga manager. Sinubukan ko tawagan at itext si Sy pero wala itong respond.


                Lumipas ang isang buwan hindi pa din pumapasok sa opisina si Sy. Sa mga panahon na yun ay si Glen lagi ang nakakasama ko. Siya lagi ang sumusundo at naghahatid sakin maging sa mga lakad ko ay siya ang madalas kong kasama, si Glen din ang laging umaalalay sakin tuwing may problema ako at tuwing pag kailangan ko ng karamay ay siya palagi ang sumusuporta sa akin, laking pasasalamat ko sa kanya dahil lagi siyang nandiyan tuwing kailangan ko siya.  Lage na lang akong nakikibalita kay Tita Elsie tungkol kay Sy, ayos naman daw ito humihingi naman  ng pasensiya si Tita Elsie dahil kailangan daw ni Sy magfocus pansamantala sa business nila, inisip ko nalang din yun ang dahilan kung bakit hindi siya nagpaparamdam sakin.


                Miss ko na si Sy, miss ko na ang mga kulitan namin ang harutan namin pati ang mga paglalambing niya. Miss ko na ang labi niya.


"Miss na kita" bulong ko ng biglang tumunog ang cellphone ko, si Glen tumatawag.


"Yup dude? napatawag ka?" bungad ko.


"Ah nagyaya kasi tropa gumimik so naisipan kong isama ka para makapag unwind ka naman." sagot niya, napabuntong hininga naman ako mukha namang napansin yon ni Glen.


"I wont accept no Zach, kung kailangan kita putulan ng dila gagawin ko wag ka lang tumanggi" natawa naman ako sa kanya.


"Okay fine, be here after 1 hour mag-aayos lang.." sabay baba ng telepono, Tumayo na ako para maligo pero nagulat ako ng biglang may kumatok sa pinto agad ko naman binuksan ang pinto.


"I'm here!" bungad ni Glen ng buksan ko ang pinto.


"Oh! may lahi ka palang cheetah? sabi ko after 1 hour diba?" bara ko sa kanya.


"Ay! 1 hour ba? kala ko 1 minute.." pagmamaangmangan nito.


"Hay naku Glen style mo! patawag tawag kapa" loko ko sa kanya habang tumatawa at pinapasok ko na siya.


"Haha pasensiya na, pwede naman maging bingi minsan diba?" dutong pa niya sabay talon sa sofa.


"Gusto mo maging permanente na yan? tara dito sundutin ko".


"Haha hindi na never mind! Siya maligo ka na baho mo na!" buska niya pa kaya dumiretso nako sa banyo para maligo.


                After 30 mins ay natapos na din akong maligo pag kalabas ko ng banyo ay napansin kong wala si Glen sa sofa kaya dumeretso nako sa kwarto para magbihis. Nakita kong nakahiga si Glen sa kama ko at nakataas pa ang dalawang kamay at nakalagay sa batok niya, napataas naman ako ng kilay.


"You're so sexy Mr. Sacramento." bungad nito sabay kindat sakin.


"Tigilan mo ko Glennery Mariano, at bakit nandito ka sa kwarto ko?" usisa ko at sabay tayo naman niya at lapit sa akin sabay taas ng kamay niya.


"Pinili na po kasi kita ng maisusuot mo para mapabilis tayo naghihintay na kasi sila." paliwanag niya, at hawak nito ang damit di ko naman maiwasang maalala si Sy dahil siya ang gumagawa sakin nito dati.


"Salamat" malungkot na sabi ko sabay abot ng damit.


                Pasado alas nuwebe ng gabi ng makarating kami sa bar kung saan naghihintay ang mga tropa ni Glen. Bumaba na kami ng kotse niya at dumiretso sa bar habang naglalakad kami ay parehong scenario na naman pinagtitinginan kami ng mga tao dahil di naman maipagkakaila na gwapo kaming dalawa sanay nako sa ganon kaya parang wala na sakin yon. Nakita naman namin ang mga barkada ni Glen dahil kinakawayan kami nito kaya dumiretso na kami sa mesa nila, sa labas sila ng bar nakapwesto para daw hindi masyadong maingay paliwanag ni Glen.


"Mga pre si Zach, tropa ko yan... may pinagdadaanan yan kaya wag niyu i-OP ah" pakilala saki ni Glen.


"Charlie pre, ako pinaka matanda dito sa grupo." sabay abot ni Charlie ng kamay kaya inabot ko ito, gwapo din naman si Charlie pero medyo chubby ito.


"Matt" pakilala ng isa sabay kaway dahil medyo malayo siya sa akin, mukhang siya ang tahimik sa grupo may itsura din siya at halatang may lahing amerikano ito dahil sa tangos ng ilong niya at kulay ng balat nito.


"Prince dude, tong katabi ko si Brenerando" loko ni Prince sa katabi nito na mukhang pinakabata sa grupo. Nakakabilib dahil lahat ng barkada ni Glen ay talagang may mga itsura.

"Loko ka talaga Prince, tawagin mo na lang akong Andy" paglilinaw niya


                Masaya silang kasama maloloko din ito kaya nakakasabay ako sa kanila, kahit papano ay nawala sa isip ko si Sy at ang mga dinadala ko. Si Prince talaga ang pinaka loko sa kanila dahil lahat ay di sinasanto kahit si Charlie na pinaka matanda ay nagagawa nitong barahin, dahil dito ay naging kasundo ko agad si Prince. Samantalang si Andy at Matt ang tigatawa dahil tahimik itong dalawa. Madami na din kaming naiinom at madami din pulutan ang nakahain pero ang mga loko ay sige pa din sa inom, malakas din pala uminom tong si Glen dahil tuloy tuloy padin ang tungga sa alak.


"Hoi Glen musta yung lakad mo last time?" tanong ni Charlie.


"Oo nga dude nakapagtapat ka ba?" dugtong ni Andy, napatingin naman ako kay Glen at halata ko namang umiwas ito ng tingin, pero imbis na sagutin ang tanong nila ay tumayo ito.


"Cr lang ako" paalam ni Glen alam kong umiwas lang ito sa tanong.


"Hoy! Tignan mo to layasan ba tayo" bulyaw ni Prince.


"Parang di niyo kilala si Glen, pag nagwalkout yan means hindi maganda ang result." seryosong paliwanag ni Matt halatang may tama na ito.


''Mga pre sensiya na ha di kasi ako makarelate eah" usisa ko sa kanila dahil naguguluhan ako.


"Glen had a problem last time that we drink, and he said he wants to confess to a person about love "I think", kaya kame bilang kaibigan inencourage siyang magtapat at agad siyang umalis sabi niya pupuntahan niya daw yung taong yon" paliwanag ni Andy.


"Nag-alala nga kami sa kanya kasi lasing siya non eah" dugtong pa ni Matt.


                Ayoko man isipin pero pilit pumasok sa isip ko na ako ang taong tinutukoy nila dahil pumunta na si Glen sa condo na lasing. Pero inisip ko na lang na baka nagkataon lamang iyon pero hindi mapakali ang isip ko, gusto ko kausapin si Glen para makumpirma ito, Pero ayoko naman gulatin siya baka isipin pa ni Glen na iniisip kong bakla siya at nagkagusto sakin. Bumalik na si Glen galing banyo, gusto ko man tanungin siya pero hindi ko ginawa. Ilang minuto pa ay ako naman ang nakaramdam ng pag ihi kaya nagpaalam ako sa kanila na pupunta lamang ako ng banyo. Pumasok na ako sa loob ng bar dahil nandoon ang banyo, pagpasok ko ay malakas ang kanta na pandisco at mga taong nagsasayawan ang agad na tumambad sakin. Dumeretso agad ako sa banyo at umihi nakakatawa dahil kahit sa banyo ay may naghahalikan at parehong lalaki din ito ng makita ko sila ay si Sy na naman ang pumasok sa isip ko. Hindi ko na lang ito pinansin at agad na lumabas ng banyo.


                Pabalik na ako sa pwesto namin ng may makita akong isang pamilyar na mukha, biglang bumilis ang tibok ng puso ko hindi ko maintindihan bakit natulala ako ng makita ko si Sy ang unang pumasok sa isip ko ay kung gaano ko namiss si Sy. Hindi ko mabilang ilang minuto kong tinititigan si Sy nakatayo lang ako sa harap niya. Pero ang mga sumunod na pangyayari ang lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko. Lumapit ang isang lalaki kay Sy ito din ang lalaking kasama niya noon sa resto hinawakan nito ang kamay ni Sy sa hitsura nilang yon para silang magnobyo, gusto ko sila sugurin at pagsasapakin pero anong karapatan ko oo best friend ako ni Sy pero may karapatan pa ba ako, sino na ba ako ngayon kay Sy.


                Mabilis akong bumalik sa pwesto namin nila Glen ng makita kong lumingon si Sy sa direksyon ko dahil tinuro ako ng kasama nito marahil napansin niyang nakatingin ako sa kanila. Nang makabalik ako sa pwesto ko ay agad akong nagpaalam kay Glen at mga tropa niya na kailangan ko na umuwi nagdahilan na lang ako na may kailangan akong ayusin sa bahay at importante, hindi naman na sila nagtanong at pinayagan nako pinaalalahanan na lang ako na sumama sa susunod na gimik nila. Nagpresinta naman si Glen na ihatid ako pero hindi na ako pumayag dahil ayoko na siya madamay kung makita man kami ni Sy. Pag kalabas ko ng bar...


"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Sy sa akin habang nakasandal sa pader malapit sa pinto, hindi ko naman iyon pinansin at naglakad palayo ng bar halata naman ang inis sakin.


"Wala ako dapat ipaliwanag" tuloy tuloy padin ako sa pag lakad.


"Tinatanong kita wag mo nga ako iwasan!"


"Iwasan? Ako pa ang umiiwas sayo ngayon? Stephano isang buwan mo akong iniiwasan! ni isang text ko sayo wala ka man lang reply pati tawag ko di mo sinasagot! sabihin mo ngayon sino umiiwas satin" sigaw ko sa kanya sabay talikod at lakad palayo sa kanya.


"After ko makita kayo ni Glen na magkayakap panong di ako iiwas?? yong mang-aagaw na yon!" sagot niya naman.


"Huwag mong madamay si Glen dito! dahil si Glen lang ang taong nanatili sa tabi ko ng iwan mo ko isang buwan kang nawala ng walang pasabi! Nung mga panahong umiiyak ako dahil namimiss kita si Glen ang nagpapasaya sakin! pilit niya kong pinapangiti kahit alam niyang ikaw ang kailangan ko! at walang nangyayari samin ni Glen we're just friends" sigaw ko sa kanya wala na akong paki kahit may makarinig pa sakin.


"So close na pala kayo ngayon... masaya ka na siguro sa kanya?" pahayag niya, napangisi naman ako sa sinabi niya.


"Sy alam mong hindi ako kumpleto kung wala ka... pero mukha namang masaya ka ng wala ako kaya wala ng dahilan para magstay ako" malungkot na sabi ko sabay nito ang pagpatak ng mga luha ko.


"Look Zach... Let me expalin".


"I'll listen to you Sy... ayoko kasing matapos to ng hindi ko naririnig ang side mo dahil ayoko maging unfair".


"What do you mean matapos to? That guy is Brad, kaibigan ko lang yon! Oo may gusto siya sakin and we hang out a lot pero kaibigan ko lang siya, ikaw ang mahal ko" si Sy.


"Yun ang akala ko... Akala ko mahal mo talaga ako, akala ko tama tong nararamdaman ko sayo... pero ngayon hindi ko na alam Sy kasi kung ganito pa lang nagawa mo na akong baliwalain at tiisin mas mabuti pang wag na nating ipagpatuloy" paliwanag ko.


"Zach dont do this..."


"Hai I should have known this from the start,  I've been your best friend for 10 years sana naisip ko man lang na hindi mo ako seseryosohin" sarkastikong sabi ko.


"Zach please give me a second chance! Mahal kita... hindi ko sinasadyang saktan ka, please give me another chance to prove myself..."


"I don't know Sy masyado na akong nasaktan hindi ko na alam kung kakayanin ko pa" malungkot na sabi ko.


                Hindi na nag salita si Sy at isang mahigpit na yakap ang binigay niya sakin, ramdam ko lahat ng emosyon ni Sy ramdam ko pagmamahal niya , lungkot, galit. Matagal tagal din siyang nakayakap sakin akmang hahalikan ako ni Sy ng lumapit ang isang kotse sa tapat namin.


"Zach sakay na" si Glen at binuksan ang pinto, agad naman akong bumitaw sa pagkakayakap ni Sy, papasok na sana ako sa kotse ng...


"Please don't go..." si Sy at umiiyak na at pinigilan ang pagbukas ko ng pinto.


"Im sorry..." yan na lang ang nasabi ko at sumakay na ako sa kotse at agad naman pinaandar ni Glen ang kotse, tinanaw ko sa side mirror si Sy nakita ko itong nakaluhod at tila umiiyak...


                Buong biyahe ay tahimik ako at si Glen hanggang makarating na kami sa building ng condo ko, bababa na sana ako ng pigilan ako ni Glen. Ramdam ko sa tingin niya ang pakikiramay sa nararamdaman ko at dahil don ay hindi ko napigilan ang sarili kong umiyak at mapayakap kay Glen. Bumulong naman siya na iiyak ko lang daw iyon. Kaya't humagulgol nako at naglabas ng sama ng loob. masakit sakin na iwan si Sy sa ganoong lagay pero masakit din sakin ang mga nakita ko. Hindi ko alam kung saan hahantong ang pagkakaibigan naming dalawa. Maging ang aming pagmamahalan.


                Sa aking unit ko na pinatulog si Glen at doon siya sa sofa natulog.  Kinaumagahan ay naghanda si Glen ng almusal naming dalawa na hotdog at itlog.


"Pasensiya na yan lang ang alam kong lutuin eah" paumanhin niya.


"OK lang salamat Glen.."


"So itutuloy mo na ba talaga yang plano mo ngayon?" tanong niya habang kumakain at tango na lang ang naisagot ko.


"Sigurado ka na ba? Napag-isipan mo na bang mabuti yan?" pagkumpirma ni Glen.


"Oo... Magreresign na ako.." malungkot na sagot ko.









(Itutuloy)

24 comments:

erick vladd said...

Omg. This chapter gives.me goosebumps...:'(

Anonymous said...

sorry pero nabadtrip ako sa chapter ngayon.. hahaha.. hindi dahil sa pagkakasulat ni author pero sa bagong characters ng istorya... nakakainis ang dami kasing epal eh!!!! para lang akong tanga.. anyway, good job author.. parang awa mo na pagbatiin mo na sila nababadtrip ako sa brad na yon.. at kay glen.. ang eepal nila... sana next chapter na kaagad... kudos! silent_al

James Chill said...

Tssss...my pagka relationship wrecker din tong si glen e noh... It's partly his fault, pero i have to blame sy also kung hindi sya ngpadala sa galit niya malamang di ganyan si zach sa kanya... Sy had his chance but he blew it all... Tsk.tsk.

It was a good chapter... Pero ambigat sa feeling...

sam1308 said...

SO SAD BUT REALLY INTERESTING..THE STORY CATCH UP MY ATTENTION...

Coffee Prince said...

OH HOLY CRAP!

what a mess!

i never imagined that this will happen ..
it sucks me ..
HOPING that they will reconciliate as soon as possible .. :(

--makki-- said...

sad.. :(

jekjec said...

:( T.T =(

Gerald said...

Natawa naman ako d2. Una dba dpad si Sy ang magalit at tama lang na lumayo muna ito? Si Zach, dba dpat niyang inisip un sitwasyong nkita cla ni Sy kasama nia si Glen in a comprimising act kahit na ba freind lang ito dba alam din niyang sobra ang galit ni Sy kay Glen. Kahit ako katulad ni Sy ang mararamdaman. Dba nia inisip ma meron na silang unawaan ni Sy na maaaring maging mitsa ng di nila pagkakaintindihan nila ni Sy kung patuloy pa rin ang pakikipaglapit nito kay Glen? At ngayon sia naman ang nakakita kay Sy na may kasamang iba. Diba nia naisip na ganun kasakit ang naramdaman ni Sy ng makita nito silang dalawa ni Glen na magkayakap? At sia pa ang ayaw tumanggap ng paliwanag. Isa lang napansin ko one sided ang story. Maraming pula sa karakter ni Zach. Hayyys, sori po kung medyo marami akong napansing butas. .

Gerald said...

Zach is the one to blame. He knows how Sy hated Glenn but he continuosly keeps on going on him. Howd you feel if you see your someone embraced by your enemy? Wala lang? Ok fine, but Sy already explained but did Zach accepted his explanation? bakit kung ayaw niang sagutin ang calls ni Zach, wala bang text? sori dami pa sana akong butas ni Zach na napansin kaya lang next na lang.

dranieM/Dranski said...

senxa napo pero un po talaga ang goal for this chapter... na magmukang one sided xa.. dont worry mdame pa po mangyayare hehehe thanks po sa comment much appriciated

Anonymous said...

aray ko naman, hahaha!!! magkakasakit ako sa puso nito eh... :(

-uriko

Anonymous said...

nice. i hate sy and brad. Go! mag resign ka na Zach. teach sy a lesson... i love zach and glennn....

Next chapter na po mr. dranski....

thanks

Anonymous said...

GRRRRRRRRRRRRRRR.. DRANSKI! GOOD WAY TO MAKE MY DAY WORST. LOL
NAKU! BUMAWI KA SA AKIN! GRRR
-YUME

Master_lee#027 said...

How sad? Tsk ................

jessie said...

kinabahan aku d2 xa chapter na 2. Im an avid fan xa site na 2. Kaya naicpan q na dn magc0ment. Ang ganda2 ng mga st0ries. Sna my nxt chpter na!. I lav zach n sy. Sna mkahanaP dn aku ng 2lad nla.

jaecee said...

Ang daya nmn zach... Bakit mo iniwan si sy... Bad trip kc yang glen na yan... Hmpf... Bigat sa dibdib... Tsk... Mapapashot sko nito... Grrrr...

rascal said...

ahhhhh...pakshit...nmn....pinpahirapan nyo lng srili nyo.....kc nmn c sey..........ewan.....pwed nmn mag usap cla ng maayos pinaabot pa ng isang buwan

russ said...

sana malaman nila ang salitang HOLD ON..

Anonymous said...

I LOVE THIS STORY
...
..
PERO KAINIS KAYA SI ZACH D2
...
..
KAMUSTA NAMAN ALAM NA NGA NYANG SI GLEN ANG PINAGAAWAYAN NILA
YET TODO SAMA PARIN XA DITO
TAKE NOTE HA....TAGA SUNDO AT HATID PA NYA SI GLEN
...
..
KUNG MAY CONFLICT KAU NG TAONG MAHAL MO
DB DAPAT UMIWAS KA MUNA DUN SA TAONG DAHILANG NG CONFLICT NYO
GOSH!!!

Anonymous said...

that's very unfortunate... :(

God bless.. -- Roan ^^,

Anonymous said...

san n ung next

Anonymous said...

craving for the next chapter, hurry please..

Anonymous said...

YAN ANG NAPAPALA NG SELOS..
ALANG MAISIP NA MATINO....

JAZZ 0903

DownDLine said...

sana factual lahat ng character nang napatay ko lahat ng mga asungot!

Post a Comment