Monday, March 26, 2012

Ang Matalik Na Magkaibigan Chapter 08



by: dranski/dranieM



"I've been waiting for you we need to talk." kalmadong pahayag ni Sy pag pasok ko ng opisina kaya umupo nako sa sofa.


                Bumalot naman ang katahimikan saming dalawa nakatitig lang si Sy sa akin samantalang ako ay nakatingin lang sa resignation letter na hawak ko. Kabado man ay nilakasan ko ang loob ko dahil ayoko na tumagal ang tensyon sa mga oras na iyon kaya ako na ang gumawa ng unang hakbang.


"I want you to have this." sabay abot sa kanya ng papeles.


"I won't accept that, hindi ka aalis dito" mahinang sagot niya halata sa boses ni Sy ang panlulumo dahil parang alam nito kung para saan ang papel na hawak ko, gusto ko man siyang yakapin para kahit papaano ay gumaan ang loob niya pero pinigil ko ang sarili ko.

"Don't be such a child Sy, It's my right and you know that." kontra ko sa kanya.


"And it's my right to fight for who I love, and you know who, it's you." malambing na sabi niya maluha luha ako ng mga sandaling iyon pero pilit ko pa ding pinigil ang damdamin ko.


"You know that what's between us won't work out Sy" kalmado kong sabi sa kanya.


                Tumayo naman si Sy at lumapit sa akin, inagaw nito ang resignation letter ko at pinunit sa harapan ko sa ginawa niyang iyon ay labis akong nainis napatitig ako ng masama kay Sy, gusto ko na siyang sapakin sa mga sandaling iyon pero ng makita ko ang mukha niya ay nakita ko ang lungkot sa mukha niya napansin ko din na maga ang mga mata nito at para bang magdamag itong umiyak. Bago pa man ako makapagsalita dahil sa ginawa ni Sy ay agad agad niya akong niyakap ng sobrang higpit ang mga kamay nito ay parehong nasa likod ko at ang mukha nito ay nakapatong sa balikat ko, sa sandaling iyon ay hindi ko na kinaya ang emosyon na tinatago ko unti unting pumapatak ang luha ko sa aking pisngi.


"I don't want you to go Zach, I want my Bestfriend back... Namiss ko na ang bestfriend ko.. PLEASE BUMALIK KA NA.." humahagulgol na pahayag ni Sy, sa tagal naming magkaibigan ito pa lang ang pangalawang beses na nakita kong humagulgol si Sy una sa pagkamatay ng ama niya at ngayon dahil sakin. Kaya ramdam ko talaga ang sakit na nararamdaman ni Sy.


"Sy ikaw lang ang hinihintay ko bumalik mula ng umalis ka..." kalmadong sagot ko at hinimas ko na ulo at likod nito namiss ko talaga ang yakap ni Sy.


"Sorry kung hindi kita nirereplyan sa mga text mo at tawag, sorry kung nawawala ako ng walang paalam.. sorry kung nagseselos ako ng walang basehan... sorry... sorry..." humahagulgol pa rin si Sy ng malakas.


"Tahan na, wag ka na umiyak nandito na bestfriend mo kaya wag mo nako iiwan ha... shhhh tahan na" pagpapakalma ko sa kanya.


                Nanatiling nakayakap sakin si Sy hanggang sa tumigil ito sa pag-iyak. Nang tumigil na ito ay umupo kami sa sofa para makapag usap pinunasan ko din ang mga luha nito sa mukha at ganoon din si Sy sa akin. Napag-usapan namin ang mga nangyari noong mga panahong hindi kami magkasama, kung bakit ko niyakap si Glen noon, nakwento ko din na magkaibigan lang talaga kami ni Glen at napagkwentuhan din namin kung anong ginagawa namin nung mga panahong hindi kami magkasama, napag-usapan din namin na nakausap na ng maayos ni Sy si Brad na hanggang magkaibigan lang sila noong una ay ayaw pa daw nito pumayag pero nakumbinsi din niya ito. Napapayag ko din si Sy na makipagayos kay Glen dahil isa yon sa mga kundisyon ko, kung hindi ay hindi ko siya papayagan manligaw ulit, effective naman iyon kaya masaya ako. Napatunayan ko sa mga oras na yun na handa din pa lang ibaba ni Sy ang pride niya para sa akin. Hindi nagtagal ay niyaya ko si Sy na lumabas ng resto para makapag-usap sila ni Glen dahil si Glen ang naghatid sakin at nandoon lang ito sa parking lot. Hinatid ko si Sy at pinapasok ko siya sa loob ng kotse ni Glen para doon na sila mag-usap. Hindi ko naman maiwasang kabahan dahil alam kong may tensyon silang dalawa pero nagtiwala na lang ako sa pakiramdam ko na aayusin ni Sy para sa akin. Masaya ako na bumalik na ang lahat sa dati at lahat ng meron sa pagitan namin ni Sy ay normal na ulit, alam kong marami pang pagsubok na darating samin kaya't pagbubutihan ko pa.


"Sir narinig namin aalis na daw kayo? Wag naman sir kailangan namin kayo dito" Pauna ni Ralph pagpasok ko ng resto lahat ng staff at crew ay nandoon para pigilan ako kaya nakakataba ng puso


"Oo nga sir malulungkot kami lalo na si sir Sy." malungkot na sabi ni Lorie.


"Ah it's not true I'm not leaving you guys, and so is Sy..." pagkumpirma ko.


"Talaga Sir? Mayayakap ko kayo niyan eah." Si Louis.


"Tumigil ka nga amoy karne ka pa oh.." si Ashley ang cashier namin sa resto nagtawanan naman sila samantalang si Louis ay namula sa hiya.


"So mukhang buo na ulit ang mga Boss namin ah" kantyaw ni Ralph.


"Oo naman, that's why we have to do our job at our best para ma satisfy natin si Sy pati na din ang mga customers okay?" masayang sigaw ko sa mga staff ng resto.


"Yes Sir!" sagot nila.


"Ahm Chef Rocky prepare any food na gusto ng grupo treat ko lunch niyo..." sigaw ko pa at natuwa naman ang lahat



                Inextend ko ang opening ng resto sinabi ko sa kanila na after lunch na kami magbubukas para makapagcelebrate muna. Ilang minuto pa ay pumasok na ng Resto si Sy at Glen bagama't tahimik silang pumasok pareho naman itong nakangiti. Kinamusta ko naman agad ang dalawa naging mabuti naman daw ang usapan nilang dalawa. Binulungan ko naman si Sy kung may nabanggit siya tungkol sa namamagitan saming dalawa dahil ang alam ni Glen ay magBestfriend lang kami ni Sy, sumagot naman ito na wag daw ako magalala. Nagstay kami sa loob ng office at nagkwentuhan habang naghihintay na dumating ang lunch time para sabay sabay kumain kasama ang staff ng resto. Masaya ang naging kainan sa resto ng tanghali na iyon marami din naihandang pagkain ang mga chef siyempre niluto din nila ang mga paborito namin ni Sy lalo na Pasta. Kitang kita ko sa mukha ni Sy ang kasiyahan niya hindi mo iisipin na may di kami pagkakaunawaan ilang araw lang ang nakakaraan, hindi ko rin lubos maisip na magiging ayos kami sa araw na to. Pagkatapos ng kainan ay nauna na si Glen dahil may pasok pa ito sa opisina, nagbukas narin ang "Man's Diner" ng eksakto ala una. Bumalik na din sa trabaho ang mga staff at crew, kami naman ni Sy ay nagstay pa sa resto ganado ako kaya tumulong ako sa kusina para sa mga order at si Sy naman ay madalas na inentertain ang mga customer. Namiss ko ang mga tagpong iyon ang pagtatrabaho namin ng sabay at pangungulit niya lage sa kusina. Umabot ang hating gabi at napansin kong hindi na nagpapasok ang guard namin ng mga customer dahil sarado na daw kami, nagtaka naman ako dahil ang pagtanggap namin ng last order ay alas tres pa ng madaling araw.


"Sir Jack bakit hindi kana nagpapasok ng customer? hindi pa naman tayo close ah?" tanong ko sa guard namin.


"Ah Sir kase sabi ni Sir Sy wag na daw po at maaga daw tayo magsasara ngayon?" paliwanag nito.


"Bye Sir Zach!" paalam ni Lorie sabay alis kasabay nito ang ilan pa naming staff at crew.


"Sir Jack pwede na din kayong umuwi kami na bahala dito!" si Sy galing sa likod ko.


"Ah sige po Sir!" sagot ni Mang Jack kasabay niyang umalis ang isa sa mga chef namin pero napansin kong may ibinulong ito kay Sy bago umalis at nakita ko naman ang ngiti na binigay ni Sy.


"What's happening here Sy?" usisa ko sa kanya.


"Wala naman gusto ko lang mag-usap tayo sa Office" sagot ni Sy sabay hawak sa kamay ko at dinala ako sa loob ng Office.


"Hoi kakabati pa lang natin balak mo na ko gahasain? at dito pa sa resto?" pilosopong biro ko sa kanya.


"Ikaw talaga!" sabay palo sa noo ko "Pag hindi ako nakapagpigil gagahasain talaga kita." pilyong sagot niya pa at may pakagat kagat pa ng labi at napahawak na lang ako sa katawan ko.


"Dito ka lang muna babalik ako kuha lang ako maiinom" paalam niya sakin kaya humiga na lang ako sa sofa pag alis niya.


                Sampung minuto na ang nakakalipas mula ng kumuha si Sy para kumuha ng maiinom pero hindi parin ito bumabalik kaya medyo naiinip nako sa loob ng kwarto. Sinubukan kong tawagan siya sa cellphone pero walang sumasagot, ilang minuto pa ay biglang tumunog ang pinto dahil sa isang katok nagtaka naman ako dahil hindi naman ito naka lock pero tumayo na din ako para buksan ang pinto ng buksan ko ang pinto ay nandoon at nakatayo si Sy wala naman siyang dalang maiinom kaya sinimangutan ko siya. Napansin ko na nagbago ang suot ni Sy mula sa pormal na suot na polo at slacks ay suot na nito ang paborito naming Tshirt suot niya ang Green Lantern.


"Ano meron? Change outfit ka pa ah" bati ko sa kanya.


"Ikaw din magpalit ka! oh!" sabay abot ng Superman Shirt ko.


"Nasa bahay ko to ah pano mo nakuha toh?" tanong ko sa kanya.


"Ginamit ko powers ko." biro niya sabay ngiti ng nakakaloko at tumawa na lang ako.


                Agad ko naman sinuot ang t-shirt ko pagkatapos ay dinala ako ni Sy sa 2nd floor ng resto dahil may ipapakita daw ito nagulat ako ng makita ko ang 2nd floor punong puno ito ng malilit na Green Lights at sa gitna ng floor at isang table na my kandila at may pagkaing nakahanda meron din nakahandang wine at desserts. Nagpatugtog din si Sy ng music at napakasweet nitong pakinggan. Napakasaya ko ng mga sandaling iyon dahil parang nasa panaginip lang ako sino bang mag-aakala na ganito ka sweet si Sy, Pagkatapos namin kumain ay inaya agad ako ni Sy na sumayaw. Nung una ay tumanggi pa ako dahil para kaming timang na dalawa pero alam ko namang hindi ako titigilan ni Sy kung di ako papayag kaya napilitan nadin akong sumayaw kasama niya. Hindi marunong sumayaw si Sy kaya nalilito siya kung san ilalagay ang mga kamay niya.


"Ano ang likot ng kamay mo sabing dito ka humawak sa balikat ko" bulyaw ko sa kanya.


"Hai nako ewan! Bahala na" at bigla na lang ako niyakap ni Sy.


"Oh akala ko ba sasayaw eah nakayakap ka na oh" pagpuna ko sa kanya.


"Mas ok na to no at least hindi ako mahihirapan kayakap pa kita" lambing niya habang nakayakap sakin at ang pisngi niya ay nakadikit sa dibdib ko kaya niyakap ko na lang din siya habang sumasayaw kami


                Parang bata si Sy sa mga sandaling iyon tila ba sabik sa yakap ko. Hindi ko naman maitatanggi na gusto ko din iyon kaya niyakap ko na din siya tahimik kaming dalawa habang nagsasayaw, napakaromantic ni Sy dahilan para mangilid ang luha ko hindi ko na din napigilan ang sarili ko at hinalikan ko na si Sy sa kanyang ulo. Dahil medyo matagal narin kaming magkayakap ay nakaramdam ako ng pagkangawit pero ayoko bitawan si Sy sa pagkakayakap, iaayos ko na sana ang kamay ko sa komportableng pwesto ng bigla siyang magsalita.


"Wag kang bibitaw." kalmadong sabi niya sakin.


"Hindi kita bibitawan kaya sana ganon karin sakin Sy." sagot ko sakanya.


"Mahal na mahal kita Zach lahat kaya ko isuko para sayo, handa akong ibigay ang lahat para sayo." makahulugang pahayag ni Sy habang ang mukha niya ay nasa dibdib ko pa rin.


"Talaga?" paglalambing ko.


"Kahit buhay ko ibibigay ko para sayo." habang nakatitig saking mga mata, sa mga sandaling iyon ramdam na ramdam ko ang sinseridad ni Sy kaya isang matamis na ngiti ang binigay ko sa kanya.


"Salamat Stephano Yosuke Go sa pagpapahalaga sakin pangako ikaw lang ang mamahalin ko." masayang bulong ko sa kanya agad naman itong napatingin sakin at ang ngiti ay abot tenga.


"Tama ba yung narinig ko? Ako lang ang mamahalin mo? So ibig sabihin tayo na? Zach sumagot ka" tulirong tanong ni Sy halata sa kanya ang pagkagulat.


"Ha? may sinabi ba ko? parang wala naman akong sinabi" maangmaangan ko habang nagpipigil ng tawa sa sandaling iyon nawala ang ngiti niya sa labi.


"Paano ko naman kasi sasabihin yon eah wala naman nagtatanong" dugtong ko pa, tila nakuha naman ni Sy ang sinasabi ko kaya mula sa pagkakayakap sakin ay bigla itong lumuhod sa harap ko.


"Zacharia Sacramento, nandito ngayon sa harap mo ang pinaka gwapong lalake sa buong mundo at hinihingi ngayon ang kamay, puso, pati itong nasa harapan ko (sabay nguso sa harap ko) at higit sa lahat ang pagmamahal mo na sana ay ipagkatiwala mo sa kin" malambing na pahayag ni Sy di ko naman mapigilang mapangiti sa kabaduyan niya at dahil kinikilig na din ako.


"Will you by Boyfriend and the only MAN of my life?" sabay labas ng singsing mula sa bulsa niya sabay lagay sa daliri ko at mukhang pinaghandaan niya talaga ito.


"Hmmmm teka pag-iisipan ko, dahil sinabi mong gwapo ka minus 5 points dahil pilyo ka minus 10 points dahil-" napatigil naman ako ng bigla akong halikan ni Sy.


"Yes." maikling sagot ko pagkatapos niya kong halikan.


"Talaga? YES!!! Kami na ng Zach ko! YES YES! YES! YES! Wooooohoooo!! Thank you LORD! wooo!!!" sigaw lamang ni Sy ang maririnig mo sa buong restaurant sa mga sandaling iyon nakakatuwa si Sy dahil tumatalon pa ito sa sobrang tuwa, ilang beses din akong hinalikan ni Sy sa labi ko at binubuhat pa ako.


"Pangako Zach ko hinding hindi na kita sasaktan poprotektahan kita lage, papatunayan kong hindi ka nagkamali ng desisyon mo!"


"Wala na ding selos selos?" lambing ko sa kanya.


"Ahm mukhang mahirap yan ah" pilyong sagot niya.


"Eah kung nahihirapan ka itigil na-"


"Hindi ako nahihirapan!" pigil niya.


"Sigurado ka?"


"Konting selos pwede ba? kasi hindi naman mawawala un at saka-"


"Tama na paliwanag naiintindihan ko, I love you."


"I love you too Zach" at isang matamis na halik ang binigay namin sa isat isa


                Tumigil pa kami ng ilang oras sa loob ng resto para sulitin ang sandaling iyon nagsayaw, nagkwentuhan, lambingan at halikan. Napagkwentuhan namin na alam pala ni Tita Elsie ang tungkol sa pagmamahal sakin ni Sy dahil sa kanya lang ito nakakapagsabi, wala naman daw tutol si Tita kahit na lalake pa ang maging karelasyon ng bunso niya at lalong wala daw itong kontra dahil ako ang gusto ni Sy, labis ko naman itong ikinatuwa. Napagkasunduan na naming umuwi, tulad ng dati hinatid ako ni Sy sa condo ko. Habang nasa byahe kami ay patuloy padin ang lambingan naming dalawa.


"Zach alam mo minsan pakiramdam ko magnet ang puso ko." seryosong sabi nito.


"Pano mo nasabi?" litong tanong ko.


"Kasi naatract ako sayo.." bumanat na naman ang loko, siyempre di ako papatalo.


"Alam mo ayoko maMISs ka" banat ko sa kanya.


"Baket?"


"Mas gusto ko kasing maging MISter ka haha" sabay tawa kaming dalawa.


"Eto talunin mo, para kang puzzle!" banat na naman niya.


"Kasi pag nakikita kita buo na araw ko! ayeeee"


"Para ka ding puzzle!" kontra ko sa kanya.


"Kasi buo na araw mo pag nakikita moko?" sarkastikong sagot ni Sy.


"Hindi! kasi ang komplikado mo.. haha"


                Napuno ang tawanan ang buong byahe naming iyon ni Sy, ilang oras pa ay nakarating na kami sa unit ko. Dahil unang gabi namin bilang mag boyfriend ni Sy ay sa unit ko na siya pinatulog dahil gabi na din at ayoko na magmaneho siya. Agad kaming nag-ayos para matulog nag shower muna si Sy habang ako naman ay nag-aayos ng tutulugan naming dalawa. Pagkatapos nitong maligo ay ako naman ang agad na naligo, nang matapos ako maligo ay agad akong dumeretso sa kwarto para magbihis nakatapis lang ako ng tuwalya. Pagpasok ko ng kwarto ay wala doon si Sy kaya nagtaka ako dahil hindi ko din naman siya nakita paglabas ko ng banyo at nandoon padin sa kama ang hinanda kong sando at boxer shorts para sa kanya ibig sabihin ay hindi pa ito nagbibihis. Kinabahan ako ng biglang may yumakap sakin mula sa likod ko, si Sy ito. Mahigpit ang pagkakayakap niya ramdam ko mula sa likuran ko na wala pa siyang suot na damit, ramdam ko din ang mainit na hininga ni Sy mula sa aking batok, dinig na dinig ko ang bawat hinga niya na parang napakalalim, naging tood ako at hindi makagalaw sa pag kakayakap niya. Unti unti kong nararamdaman ang bawat pagdampi ng labi niya sa batok ko. Sa mga sandaling iyon ay mas lalo akong kinabahan sa mga pwedeng mangyari..



(Itutuloy)

29 comments:

Master_lee#027 said...

Ayoooh.......salamat naman at nagkatuluyan na sila ehe.........keep up the good job mwa

rascal said...

hahahaha ang swet nmn ng 2.......pero ,marmi png problema na drting sa knila....hehehe

Anonymous said...

"AND ITS MY RIGHT TO FIGHT FOR WHO I LOVE AND YOU KNOW WHO ITS YOU"... full impact mr Z
....ganda ng line ah....parang NO..I WONT LIVE WITHOUT YOU......

KAYA ANG SELOS DI MAKAGAWA NG MAAYOS.. HE HE HE HE

LEASONS LEARNED ...LESSONS EARNED

anticipate ko CHAPTER 9....ano kaya ang susunod..abangan ko ulit ang conflict sa kanila..


JAZZ0903....

Anonymous said...

ayun oh! 1st tym nila pareho..
Good job auth0r, keep it up..

Anonymous said...

ahhhhhh!!!
hahaha..

OMY GAWD!


GANDA!

-lei

Lawfer said...

speechless grabe kinilig aq xD gling gling

Anonymous said...

wow ako ang una hehehe

russ said...

super hot ang susunod na mangyayari hehe

--makki-- said...

sweet. :) ayiiieee!

Gerald said...

Get ready zach. Wag ka matakot masarap yan. Hihihi. Btw, it good to see that nagkaayos na sila dito. But on the next chapters maybe the twists.

sam1308 said...

the story is much entertaining...

Coffee Prince said...

WOOOH .. FIRST BASE .. haha XD

i'm happy for them .. sa wakas .. sila na din .. kakainggit naman sila ..
sana lahat ng taong nagmamahal ng totoo ay magkaroon ng happy ending pagdating sa lovelyf ..

boses: we're not living in a FAIRYTALE. so, everyone must expect the worst of the worst.
ako: anlakas mo naman makasira ng MOMENT .. bitter! XD

Thanks kuya Drans ~

Anonymous said...

kilig kilig kilig kilig at hotness!

nxt chap n drans, ituloy n yang sy&zach's moment of hotnessesessss! hihihi


-drew-

Anonymous said...

wew! sulit ang 1 week na paghihintay :) ganda dranskie :) hahaha!!! bakit "LOMI" ang pumapasok sa isip ko sa next chapter?hehehe...

-uriko

Anonymous said...

ayan na nagkasundo na ulit sila, parang may masamang mangyayari sa susunod na chap. including ang kababata ni zach?=dereck=

Luis said...

Patay kang Zacharia ka... gagahasain ka na ni Stephano! hahaha! X-rated na pala ang next chapter! Go Sir Dranskie!!! Gahasain na yan! hahaha

Yume said...

hahaha nanard! nikikilig ako >.<
wahahahaha galing galing

Anonymous said...

wee thanks bunso... dont worry the worst will soon to come.. aahaha

Jamespottt said...

First Base! XD
Cute ng mga dialogues.

Chris said...

yes! at last sila na! pero mukhang madami pang manyayari kac simula pa lng eh. hehe. nxt na po!

Anonymous said...

NAKAKAINIS SI ZACH ANG HABA NG HAIR....hahahahaha nakakakilig sobra..........

ZROM60 said...

WOW! GALENG AH! HE HE HE HE

Anonymous said...

kiligness to the bones..

God bless.. -- Roan ^^,

kevinblues said...

aayyie...kakakilig naman...tagos hanggang buto ang kilig....wahahaha...haist next chapter na poh mr.author...love the story...

Chris said...

ang ganda talaga! kahit ilang beses basahin, hindi nakakasawa. nxt na po! hahaha! salamat!

Anonymous said...

wala pa rin bo ba yung chapter 9? :)

Anonymous said...

i like your story mr.author it gives kilig moments and intense talaga ang mga bawat eksena.. i will wait for your next chapter till it end.. ^^ keep it up mr.author.. lots of kisses.. :-* mwwaaahhhhh!!!


jhell here

Anonymous said...

hi i am an avid fan of this stories sana po eh maranasan ko rin to one of this days.... hayssssst mahirap kc pagpinoprotektahan mo kung ano kang talaga.....



litmax

text nyo po sana ako

09299638535

Anonymous said...

kelan po yung next chapter nito??thanks po

Post a Comment