Saturday, March 10, 2012

Ang Matalik Na Magkaibigan Chapter 06



by: Dranski


Pauna:

Sa wakas ay nakapag-submit na rin si Dranski nang kanyang chapter. Ito na po guys ang chapter 6 ng AMNM sana ay magustohan niyo't suportahan ang chapter na ito na gawa ni Dranski.





 "Ang aga mo naman yata?" Tanong ko agad pagkadating ni Sy ng condo.



"Gusto ko kasi umaga pa lang buo na araw ko." sagot niya at pangiti ngiti pa halatang nagpapacute.


"Corny mo! Eto piso humanap ka ng maloloko mo" bara ko sa kanya.


"Itago mo na yan ikaw kasi gusto kong maloko sakin!" banat naman ni Sy.


"Ewan ko sayo! Saan pala tayo pupunta ngayon?" pagpigil ko sa kakornihan ng loko.


"Basta ako bahala dun!" sagot niya.


"Oh ano tara na? Sayang oras" yaya ko.



                Pasado alas siyete na ng umalis kami ng condo ni Sy para tunguhin ang lugar na gustong puntahan ni Sy. Wala akong ideya kung saan kami pupunta.  Habang nasa biyahe ay hinaharot ako ni Sy na siya namang kinakainis ko dahil nagmamaneho ito.  Ito ang kauna unahan naming "Official Date" dahil alam naming sarili namin ang involve sa lakad na ito. Masaya ako habang tinutungo namin ang lugar tawanan kame ng tawanan dahil tuwing may madadaanan si Sy na di kanais nais sa mata niya ay binubusinahan niya ito. May mga oras naman na natatahimik kaming dalawa hindi ko tuloy maiwasang tignan ang napaka among mukha ng kolokoy na to, sa tuwing napapansin naman niyang nakatingin ako ay bigla na lang itong ngingiti at kikindatan ako ng nakakaloko kaya naman napapayuko na lang ako dahil sa hiya.


"Malapit na tayo suot mo tong blindfold, wag kang mandadaya ah!" utos ni Sy.


"Sus may ganto pa! Baka ano gawin mo sakin ah virgin pako!" banta ko naman.


"Alam mo utak mo lumot! Hindi na kita kailangan I blindfold kung gagawin ko yun! saka alam ko namang hindi kapa ready dun!" sabay gulo sa buhok ko.


"Sus! kung alam ko lang pinagnanasahan mo katawan ko.." pang aasar ko sa kanya.


"Gahasain na kaya kita dito ng matahimik ka!" at akmang hahalikan ako.


"Woops! Nakapiring na ko! tara na san ba tayo pupunta?" pagpigil ko sa kanya.


"Hawak ka lang sa kamay ko!"


                Hinawakan ko agad ang kamay ni Sy pagkababa namin ng sasakyan, dahan dahan kaming nag lakad patungo kung saan, hindi ko tuloy maiwasang kabahan dahil sa paglalakad namin tanging yabag lang ng aming paa ang naririnig ko napaka tahimik ni Sy kaya hinigpitan ko nalang ang hawak sa mga kamay niya. Ngayon ko lng nahawakan ang kamay ni Sy ng ganito kahigpit, ang init ng mga palad niya at napakakinis pa ramdam na ramdam ko din ang higpit ng hawak niya sa kamay ko pakiramdam ko tuloy ay ayoko na bitawan ang kamay niya.


"Damn!" ang salitang narinig ko kay Sy, agad agad ko namang tinanggal ang blindfold ko


                Hindi ko inaasahang dito ako dadalhin ni Sy, nasa harapan kami ng school kung saan kame nag high school. Natuwa ako dahil dito kami nagumpisa ni Sy bilang matalik na magkaaway hanggang sa maging matalik na kaibigan. Sino bang magaakala na ang isang campus crush noon ay magkakagusto sa bestfriend niya na dati ay kaaway niya.


                 Second Year High School ng magtransfer ako dito dahil sa scholarship na binigay sa akin ng isang charity donor dahil nagustuhan nito ang mga grado ko noong first year. Sumangayon na din ako dahil sagot nito ang gastusin ko sa pagaaral.


"Pare ikaw ba si Zacharia Semento?" tanong ng maangas na boses mula sa likuran ko.


"Hindi, pero kung si Zacharia SACRAMENTO ang hanap mo, ako yon..." seryosong sagot ko habang nagbabasa ng libro narinig ko namang nagtawanan ang mga kasamahan nito.


"Ayos ka ah, hindi kita guguluhin pare layuan mo lang Girlfriend ko", bulong nito sakin.


"Kung wala ka na sasabihin, you can now leave me alone at pakisabi na din sa girlfriend mo hindi ako interesado sa kanya kaya wag na niya ako lalapitan kapag wala ka" mahabang tugon ko sa kanya sabay sara ng librong hawak ko aalis na sana ako para makaiwas sa gulo.


"Eah gago ka pala eah!" sigaw nito.


                Nangyari ang hindi ko inaasahan at aking iniiwasan, sinapak ako ng lalaking ito kaya hindi ko naiwasang gumanti sa kanya, masakit ang sapak niya pero hindi ako papatalo. Sa mga oras na yon pinapanalangin kong sana may umawat man lang saming dalawa pero walang sinu man ang nagtatangkang pigilan kami dahil siguro sa takot, nahihiya na din ako dahil madami na ang nakikiusisa sa nangyayari. Ilang minuto pa ay dumating na si Mr. Reyes ang aming Guidance Councilor, agad kaming inawat nito at pinasunod kami sa guidance para kausapin.


"I'm very disappointed to both of you! Mr. Sacramento you're one of the best students here pero ano nakipagbasag ulo ka dito sa batang to!" pagsermon sakin ni Mr. Reyes ako naman ay nakayuko lang sa kahihiyan.


"At ikaw Mr. Go I know you're mother is one of our biggest donor dito sa eskwelahan, pero hindi sapat na dahilan yan para manapak at manakit ka ng kapwa mo studyante!" Dagdag nito si Sy naman ay mistulang walang naririnig at nakatingin lang sa relo niya.


"We need to talk to both of you're parents tommorrow, you can leave now.." pagtatapos ni Mr. Reyes, palabas na si Sy ng kwarto at parang wala lang sa kanya ang nangyare.


"Mr. Reyes hindi ko po mapapunta ang magulang ko dahil sa probinsiya po nakatira ang tatay ko." paliwanag ko.


"Eah ang nanay mo?" tanong nito.


"Wala na po siya bata pa lang ako, ako lang po ang nakatirang mag isa dito sa Maynila.." paliwanag ko.


"Mr. Reyes pwede po bang DA na lng po?" sabat ni Sy na nasa pinto.


"Good idea Mr. Go, ganito kayo ang tutulong maglilinis ng library and that will be for the whole week starting today." pag sang-ayon ni Mr. Reyes, mas mabuti na sakin iyon kesa patawag ang magulang dahil ayoko bigyan ng problema ang Papang.


"See you later Zach." paalam ni Sy sabay alis ng pinto.


"Hoi! Zach gising masyado ka naman yata nagulat at natulala ka diyan?" paggising sakin ni Sy.


"Ah pasensiya may naalala lang ako"


"Nakalimutan ko sabado nga pala ngayon, hindi tayo makakapasok... palpak nanaman ako" dismayadong sabi ni Sy.


"Tara!" pag aya ko kay Sy at hinila ko siya at tumakbo, para tuloy kaming mga batang naglalaro.


                Dinala ko si Sy sa likod ng school kung saan kami tumatalon kapag naiisipan naming tumakas sa school o mag cutting sa klase, isa lang ito sa kalokohang natutunan ko kay Sy noong college kami. Naalala ko pa noon kung paano ako nahulog dito at muntik na mabalian ng leeg buti na lang ay nandoon si Sy at naagapan yung nangyari, muntik na rin kame mahuli ng guard noon buti  at nakatakbo kami ng mabilis. Agad naman nakuha ni Sy ang gusto kong gawin kaya inalalayan niya akong makaakyat at makatalon siyempre sinugurado muna naming walang tao na makakakita sa amin.


                Nakapasok na kaming dalawa sa loob pero malas lang namin at sarado ang dati naming classroom, madami na ding nagimprove sa school namin. Pumunta na lang kami sa bench sa labas ng library kung saan kami nagumpisang maging malapit ni Sy.


"Ang sabi maglilinis tayo hindi magbabasa" saway nito sakin, hindi ko naman ito pinansin at nagumpisa na lang akong maglinis.


"Hoy galit ka pa din ba?" sarkastikong tanong ni Sy at napahinga na lang ako ng malalim.


"Pasalamat ka nga ito lang gagawin mo at hindi na papatawag magulang mo." dugtong niya pa.


"So utang na loob ko pa sayo kung bakit ako nandito? Paalala lang sa mahangin mong ulo, ikaw ang nagumpisa ng gulo kanina kaya nandito ako ngayon! Kaya wala akong dapat ipagpasalamat sayo!" sumbat ko dito at lumipat ako sa kasunod na estante ng mga aklat para makaiwas sa kanya, pero mukhang hindi talaga ako titigilan ng freak na to.


"Come on men! I broke up with Sylvia" at isang nagtatakang tingin ang binigay ko sa kanya.


"She's not just worth it anymore, she's too flirty too" dugtong niya pa.


"You're so full of air! Hindi ka makakahanap ng seseryoso sayo kung ganyan ka!" sarkastikong responde ko sa kanya.


"Mr. Sacramento! Mr. Go! you're here for disciplinary action not for bonding understand?" Paalala ni Mrs. Gomez ang librarian ng school, ngiti na lang ang naibigay namin sa isa't isa nawala yata sa isip namin na nasa library kame.


                Sa isang simpleng ngiti nagumpisa ang pagkakaibigan na walang sinumang makakabuwag.  Sa mga sumunod na araw ay mas lalo kaming naging malapit ni Sy sa isa't isa tuwing matatapos ang klase namin ay lagi na kaming nagkikita sabay umuuwi, gumagala at naglalakwatsa. Hindi naman lahat ng napagdaanan namin ay kalokohan, naturuan ko din namang magaral si Sy, dahil doon ay palagi na din kaming nagaaral ng sabay. Ang dating library naman na aming detention room ay naging bonding room sa buong high school life namin.


"Mga ijo sarado ang eskwelahan nagyon may kailangan ba kayo" tanong ng mukhang caretaker ng eskwelahan.


"Ah pasensiya na po pumasok po kasi dito yung aso ko, baka napansin niyo po?" palusot ni Sy.


"Ah wala naman ako napansin mga ijo, sigurado ba kayong dito pumasok" usisa nito.


"Baka nga po wala dito, sige po mauna na kame pasensiya po sa abala" sagot ko naman.


"Sige mga ijo bukas na yung gate sa entrance doon na kau lumabas" utos nito.


                Lumabas na kami ng school at agad dumeretso sa kotse tawanan ang maririnig saming dalawa habang naglalakad dahil sa nangyari at dahil sa palusot ni Sy na aso kung saan pa siya takot na takot. Dahil tanghali na ay napagdesisyunan naming kumain sa restaurant kung saan ako lage nililibre ni Sy dahil ang allowance ko noon ay sapat lang, nang makarating kami doon ay sarado na pala ito kaya naisipan kong sa carinderia na lang kame kakain kung saan ko dinadala si Sy dahil masarap ang pagkain doon. Tinungo namin agad ito dahil excited ako hindi naman ako nadismaya dahil nanddon parin ito at halatang asensado na.


                Umorder agad kame ng sandamakmak na pagkain na lage namin inoorder noon pinakbet, caldereta, menudo, sinigang, tinola, kare kare at kung ano ano pa. Nagmistulang food trip ang lunch naming iyon, nagenjoy ako ng sobra dahil hanggang doon ay todo lambing pa din si Sy sakin gusto pa ako subuan nito pero hindi ko tinatanggap dahil masyadong maraming tao. Iniipit pa nito ang mga paa ko sa pagitan ng paa niya, nasa ilalim naman ito ng mesa kaya hinayaan ko na lang siya. Itong si Sy kahit sa public place ay napakapilyo, paminsan minsan kasi ay kinakalabit ng paa niya ang ibaba ko na ikinagugulat ko naman kahit sanay akong ganito si Sy sakin noon iba parin ngayon dahil alam kong gusto niya ako higit pa bilang bestfriend.


                Hindi pa natapos doon ang araw namin dahil nagpunta din kami sa mga lugar na lagi naming pinupuntahan noong high school pa kame ang computer shop kung saan kami gumagawa ng project, nag iinternet, naglalaro ng mga online games at tumatambay. Pumunta din kame sa billiaran na madalas na tinatambayan ni Sy noon dahil magaling ito mag billiards doon din kame umiinom pag may okasyon. Natapos ang kasiyahan namin pasado alas sais ng tumawag si Tita Elsie at nagpapasundo dahil galing ito sa isang meeting. Hinatid muna ako ni Sy sa condo bago niya sunduin si Tita Elsie.


"Magingat ka sa biyahe itext mu agad ako, okay?" paalala ko sa kanya bago bumaba ng kotse.


"Opo Honey ko" sagot nito habang pumupungay ang mata.


"Honey ka diyan, sige na ingat ka!" pababa na sana ako ng kotse ng...


"Mwah!" hinila nito ang kamay ko sabay halik sa labi ko, ikinagulat ko naman yon.


"Loko ka talaga! sige na naghihintay sayo si Tita." paalala ko sa kanya at bumaba na ako ng kotse, hinintay kong makaalis ang kotse bago ako pumasok sa building.


                Umakyat na nga ako ng condo, habang nasa elevator ay hindi maalis ang ngiti ko sa labi hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero talagang napakasaya ko ng mga oras na yon para akong baliw buti na lang ay wala akong kasabay sa elevator, napapakanta kasi ako ng kung ano ano pag naiisip ko ang mga nagyari ng araw na iyon. Pagkalabas ko ng elevator ay nakangiti parin akong parang baliw, napansin kong may taong nakatayo sa harap ng unit ko, pamilyar ang mukha ng taong ito kaya lumapit agad ako sa kanya.


"Oh bakit nandito ka?" bungad ko sa kanya ng makilala ko kung sino ang taong ito.


"Ah napadalaw lang..." maikling sagot nito habang nakasandal sa pader.


"Pano mo nalamang dito ako nakatira?" usisa ko.


"I ask Tita Elsie, actually nagpunta nako dito nung isang araw pero wala ka" paliwanag nito.


"Ah ganon ba? Ahm Glen may itatanong ako" seryosong tanong ko.


"Sure, ano yon?" dahan dahan naman siyang lumalapit sakin.


"Sayo ba galing yung sulat?" mukha naman naguluhan si Glen sa tanong ko.


                Isang napakagandang ngiti ang binigay niya sakin, unti unti parin siyang lumalapit sakin kaya umatras ako ngunit naramdaman ko na lang na nakasandal na ako sa pinto ng unit ko, halos magkaharap na kami ng ipatong niya ang kaliwang kamay niya sa kanang balikat ko at inilapit ang mukha niya sa mukha ko, nanlamig ako sa sandaling iyon hindi ko siya magawang itulak dahil ayoko siya bastusin. Mas lalo pa akong hindi nakagalaw ng itapat niya sa aking tenga ang kanyang labi, ramdam ko kanyang paghinga at naamoy ko din ito tila nakainom ito ngunit napaka kalmado ng kanyang paghinga, pero ang sagot niya ang pinagtaka ko.


"Hindi ko maalala, siguro..." marahang bulong niya, tama kaya ang iniisip kong galing kay Glen ang sulat? pero kung sa kanya nga galing ito ibig sabihin ba ay may pagtingin din ito sa akin.


"Ah eh tara sa loob pagluto kitang soup lasing ka eah" sabay talikod at bukas ng pinto.


                Pumasok na kame sa loob ng unit dahil baka may makakita pa sa amin sa labas. Pinaupo ko si Glen sa may sofa ko at sinindihan ang tv para naman may pagkaabalahan ito habang nagluluto ako ng soup na mahihigop niya para mawala kahit papaano ang kalasingan ni Glen. Tahimik si Glen ng mga sandaling iyon kaya hinayaan ko na lang muna siya. Dinalhan ko agad siya ng sabaw sa may sala, ilalapag ko na sana ang sabaw sa mesa ng abutin niya ito kaya nagtama ang aming kamay kakaibang kuryente naman ang naramdaman ko, inalis ko naman ito ng maibaba namin ang soup. Kumuha ako ng upuan at umupo sa kabilang side ng mesa sa tapat ni Glen.


"Ang sarap nito ah" puri nito sakin.


"Ubusin mo lang yan madami ako ginawa para sayo." sagot ko.


"Pasensiya kana kung bigla akong pumunta ng walang pasabi tapos lasing pa ko" paumanhin niya naman.


"Wala yon noh, pero Glen may tatanong sana ulit ako sayo" natahimik kaming dalawa sa sandaling iyon.


"Bakit pala galit sayo si Sy? Sabi niya inagaw mo daw ang mahalaga sa kanya?" dugtong ko halata namang natigilan si Glen at yumuko, isang maamong Glen na naman ang nakita ko.



"That was before college yung Girlfriend niya noon, naging girlfriend ko din at malala pa nabuntis ko yon, yung babae nasa ibang bansa na pero yung bata na sa parents ko." paliwanag nito.  Pero hindi ako kumbinsido dahil alam kong may mas malalim pang dahilan kung bakit ganun si Sy. Hindi siya sisira ng pagkakaibigan dahil lang sa simpleng bagay.


"Dahil LANG don? " pagdidiin ko.


"It's not just a simple thing hindi lang minsan yon, bago pa yon ay ilang ulit na ako lage ang dahilan ng breakups niya sa mga gf niya pero yung nabuntis ko ang pinakanasaktan si Sy dahil siya ang pinakasineryoso ni Sy." dugtong niya.


"Yeah I remember that, so ikaw pala ang nakabuntis kay Jenny.." pagasangayon ko dahil naalala ko ito.


"Pasensiya kana ha, alam ko nagtalo kayo ni Sy noong hinatid kita akala ko kasi nakalimutan niya na yung nangyari" paumanhin niya.


"It's okay tapos na yun, okay naman na kami ni Sy" tugon ko, tumagal din ng halos isang oras ang pagstay ni Glen sa unit ko.


"Mauna na ko Zach tumambay lang ako pampatanggal amats" paalam niya.


"Sure anytime, dont worry magkakaayos din kayo ni Sy".


                Tumayo na kami at tinungo ang pinto ng unit ko para ihatid papalabas si Glen ng malapit na kami sa pinto ay bigla ako niyakap ni Glen. Magkadikit ang aming mga katawan at ang ulo nito ay nakapatong sa aking mga balikat. Hindi ko alam pero ramdam kong may lungkot sa yakap niya, kaya't pumikit ako at hinawakan ang ulo niya, hinaplos ko ito para kahit papano ay mabawasan ang dinadala ni Glen.


"Salamat Zach, buti pa si Sy may Bestfriend na kagaya mo..." bulong niya  sakin hindi na lang ako kumibo at patuloy ang paghaplos sa kanya.


                Idinilat ko ang mata ko ngunit nagulat ako sa bumungad sakin, si Sy nakatayo sa labas ng pinto, hindi ko maintindihan pero kinabahan ako ng todo. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ang tanging nakikita ko lang sa sandaling iyon ay ang masamang tingin ni Sy at halatang galit ito.








(Itutuloy)