Thursday, March 8, 2012

Make Believe Chapter 02




by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com


Maraming salamat sa mga taong nagbigay ng kanilang komento sa chapter 1 ng Make Believe. Nakakatuwang isipin na kahit medyo matagal akong natigil sa pagsusulat ay nariyan pa rin kayo at handa akong suportahan. Sana ay ma-enjoy niyo ang kwentong ito at sana may matutunan din kayo sa estorya nang Make Believe.


Sa mga tao naman na binati ako sa pagbabalik ko sa email at sa comment salamat mga paps. Hehehe malaking bagay para sa akin ang malaman na nariyan parin kayo. Sana hanggang sa huling chapter nito ay ma-enjoy niyo.


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.





Nakakapanibago talaga si Martin ni minsan ay hindi ko ito nakitang ganito ka bothered. Bakas sa maamo nitong mukha ang problemang dinadala nito habang nakatingin sa malawak na dagat. Nasa tabi lang niya ako at hinihintay siyang magsalita. Ako man ay nagaalala na sa kakaiba nitong kilos.


“Okey lang ba makiupo sa katabing mong upuan? Masyado kasing maiingay yung mga katabi ko eh.”


Napatitig ako sa taong lumapit sa akin sa unang araw ko sa koleheyo. Katamtaman ang tikas ng katawan nito at masasabi kong galing ito sa pamilya nang may kaya. Maganda ang ngiti nito na ngayon ay nakaguhit sa kanyang maganda ring mukha.


Isang tango ang ibinigay ko dito tanda nang pagpayag sa gusto niya. Lalong lumuwag ang ngiti nito na abot hanggang tenga. Lalo tuloy naningkit ang singkiting mata nito.


“Martin, Francis Martin Medillo.” Wika nito sabay lahad ng kanyang kamay.


Napatingin ako sa kamay nitong inilahad sa akin at may pagaatubili ko itong tinanggap. The moment na naglapat ang mga kamay namin ay isang kakaibang pakiramdam ang umusbong sa akin. Bigla akong nanlamig at pinagpawisan. Biglang nagsimulang bumilis ang tibok nang aking puso.


Alam kong bata palang ako ay kakaiba na ako sa mga normal na lalaki. Kung ang mga ka-klase ko no’ng elementary ay sobrang energetic tuwing recess na halos malunod sa kanilang mga pawis ako naman ay nasa isang tabi lang at nanunuod sa kanila.


Mahinhin, weirdo, bakla. Ilan lang yan sa mga tawag sa akin ng mga ka-klase ko noon. At dahil na rin siguro sa araw-araw na panunukso nang mga ito ay tuluyan ko nang inilayo ang sarili ko sa kanila. Ngunit tumatak sa akin ang salitang “Bakla” at dahil siguro doon ay naging ganito ako ngayon.


Nagtapos ako nang elementary na wala ni isa sa mga ka-klase ko ang naging matalik kong kaibigan. Kinakausap lang ako nang mga ito tuwing may mga kailangan sila sa akin. Sa murang edad kung iyon naramdaman ko ang pagiging outcast –ang ignorahin ng lahat.


Dumating ang high school na walang pagbabago mas lalo pang naging malala ang mga pangaasar sa akin ng mga ka-klase ko. Pero hindi tulad ng elementary may mga nakilala na akong kaibigan at naging ka-close ko na rin. Sila ang naging kasa-kasama ko araw-araw sa eskwelahan. Isa rin sila sa mga dahilan kung bakit ginaganahan pa akong pumasok kahit pa man alam kong may mga taong mangungutya at mangaasar sa akin.


“Ikaw, ano ang pangalan mo?” Basag sa akin nang unang taong lumapit sa akin sa unang araw ng koleheyo. Nakangiti pa rin ito pero bakas sa mukha nito ang pagkalito marahil ay dahil sa natigilan ako.


Agad kong binawi ang magkahawak pa rin naming kamay. Nasabi ko sa sarili ko bago ako pumasok sa araw na iyon na babaguhin ko ang kapalaran ko sa college. Sisikapin kong masabayan ang mga trip ng mga magiging ka-klase ko para hindi ko na maranasan ang mag-isa. Ngayon pa’t nahiwalay ako sa mga naging kaibigan ko no’ng high school.


“K-Kenneth Jeh Quijano.” Ang wika ko dito sabay bigay ng isang tipid na ngiti na sinagot naman nito nang pagtango.


Umupo ito sa upuang katabi nang inuupuan ko at muling bumaling sa akin. Naka-plastar na naman ang ngiti sa kanyang mukha. Masasabi kong iba ang bilis nang tibok nang puso ko sa tuwing nakikita ko ang magandang ngiti nito. Ito na siguro ang pinauso noon ng mga ka-klase ko na kakaibang pakiramdam na lagi nilang tinatawag na paghanga o crush.


“May kasabay ka bang mag-lunch mamaya?” Wika nito.


“Hah?” Ewan ko kung bakit na bingi ako bigla. Masyado ko atang nakatuwaan ang ngiti nito dahilan para hindi gumana ang ibang senses ko.


Napabungisngis ito sa di ko malamang dahilan na ikinakunot naman ng noo ko.


“Ang sabi ko kung may kasabay kang mag-lunch mamaya.” Wika nito halatang pinipigilan ang mapahagikhik. Lalo tuloy itong nagmumukhang kaaya-aya sa paningin ko.


“W-Wala.” Matipid kong sagot dito at ibinaling sa white board ang tingin ko. Alam ko kasing namumula na ako sa mga oras na iyon. Masyadong bago sa akin ang pakiramdam, nahihirapan pa akong kontrolin ito kaya bago pa nito mahalata ay pa-simple na akong umiwas sa kanya.


“Gusto mo sabay nalang tayo mamaya? Wala rin kasi akong kasabay mag-lunch eh.”


Gusto kong tumanggi sa di malamang dahilan siguro iyon ay isa sa mga defense mechanism ng isang tao sa harap ng crush nito pero hindi ko nagawang makatangi sa kanya. Masyadong malakas ang hatak ni Martin.


___________


Hindi ako nagsisi sa pagsama ko kay Martin sa unang lunch naming dalawa dahil doon nagsimula ang pagkakaibigan namin. Habang tumatagal ay lalo ko itong nakikilala at lalo ko pang nagugustuhan ito, hindi lang sa kanyang physical aspect kung hindi pati na rin ang kanyang ugali.


May pagka-moody man si Martin ay hindi iyon naging rason para bitiwan ko siya. Nalaman ko rin ang mga hinaing nito sa buhay na hindi ko masyadong napansin dahil sa napakagaling nitong magtago nang problema.


Marami akong natutunan sa pagkakaibigan namin ni Martin at marami din ang nabago sa akin. Naging confident ako sa sarili ko, nagkaroon ng mga kaibigan – mga totoong kaibigan na naging karamay namin sa lahat ng problema namin sa koleheyo mula sa mga pahirapang projects na ibinibigay ng mga professors namin hanggang sa mga research paper na halos hindi na namin magawang matulog matapos lang.


Ang nagsimula sa simpleng pagkakaibigan ay lumalim pa sa nagdaang mga araw at buwan. Naging mas close kami ni Martin na pati ang pag-eenroll namin ay dapat lagi kaming sabay para hindi kami magkahiwalay. Naipakilala ko ito sa mama at kapatid ko at agad naman siyang nagustuhan ng mga ito dahil na rin sa pagiging magalang at makwela nito.


Second year college nang unang magka-girlfriend si Martin at aaminin kong ang laki nang epekto nito sa akin. Nakaramdam ako nang ibayong selos dahil una nahahati na ang oras naming dalawa at pangalawa dahil sa nararamdaman ko para sa kanya na lalong lumago.


Pinilit kong huwag ipakita kay Martin ang sakit sa tuwing kasama namin ang girlfriend niya at sa harap ko pa sila naglalampungan. Doon ko natutunang pekehin ang ngiti ko pati na rin ang nararamdaman ko kasi ang totoo nagluluksa ang puso ko habang nakikita ko ang bestfriend ko na lihim kong minamahal na masaya sa piling ng girlfriend niya.


Realization hit me. Napagtanto ko na dapat makontento nalang ako bilang kaibigan niya na maging masaya nalang para sa bestfriend ko. Lahat ng paraan para makatakas sa nararamdaman ko ay ginawa ko. Sinubukan kong umiwas tulad nang laging ginagawa nang iba para matakasan ang nararamdaman nila pero hindi ako hinahayaan ni Martin, dahil sa tuwing may problema ito sa girlfriend at sa parents niya ay sa akin ito pumupunta. At sa tuwing nakikita kong nasasaktan at nahihirapan ito ay hindi ko magawang tumanggi kahit pa man doble ang sakit na mararamdaman ko.


Dalawang beses nang nakapagpalit si Martin ng girlfriend at masasabi kong nagampanan ko naman ang pagiging best friend ko sa kanya. Sinuportahan ko siya sa lahat ng bagay kahit na nasasaktan ako hanggang sa makasanayan ko nalang ang sakit na iyon. Tinanggap ko na ang kapalaran ko na hindi ako magagawang mahalin ng best friend ko nang higit pa sa isang kaibigan at makontento nalang sa kung ano ang meron kami.


Isang buntong hininga ang pinakawalan nito sabay tunga nang hawak nitong bote nang alak. Nakatingin lang ako sa kanya at naghihintay na magsimula itong magkwento tungkol sa dinadala niya. `Yan ang role ko bilang best friend at gustong-gusto ko ang role na meron ako dahil kahit papaano naipaparamdam ko sa kanya na may isang taong handa siyang tulungan sa lahat ng bagay.


“Sobra na sila Ken, hindi ko na kayang tiisin ang pagiging control freak nila.” Kapag kuan ay wika nito. Alam ko nang ang mga magulang niya ang  kanyang tinutukoy. “Anak nila ako pero kung ituring nila ako para lang akong isang puppet na kailangang sumunod sa galaw nang kanilang mga kamay.”


Hindi ako sumabat dito, hinintay ko ang sunod nitong sasabihin. Gusto kong mailabas nito lahat bago ako magbigay ng kumento o payo sa kanya.


Isa na namang buntong hininga ang narinig ko mula sa kanya. Kita ko ang pagod, pagkaasar at kawalang gana sa mukha nito.


“They wanted me to get married for their sake. Hindi man lang nila ako kinausap kung papayag ako o hindi. Sobra na sila.” Kita ko ang pamumuo nang luha sa magkabilang mata nito. Kahalintulad ng kinang nito ang kinang nang tubig dagat sa tulong ng liwanag ng buwan.


Alam kong may tama na si Martin dahil kanina pa ito sunod-sunod na umiinum pero ito ang unang pagkakataon na makita ko itong helpless at naiintindihan ko iyon dahil kapag ang mga magulang na nito ang magbigay ng desisyon wala na siyang magagawa.


“Ayaw ko pang matali Ken, marami pa akong plano sa buhay ko na hindi ko pa nagagawa. Akala ko pagkatapos natin ng college ay makakatakas na ako sa mga magulang ko pero heto’t nakagawa na naman sila nang bagong kulungan para sa akin. Isang kulungang kahit kailan ay hindi ko magagawang makawala.” At doon na tuluyang kumawala ang mga luhang kanina pa nito pinipigilan.


Pagkahabag ang nararamdaman ko para sa best friend ko. Gusto ko man itong tulungan sa problema niya’y mukhang sa unang pagkakataon hindi ko siya magagawang tulungan. Wala sa sarili kong hinagod ang likod nito.


“Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko Ken. Kahit na tumanggi ako alam kong hindi nila ako hahayaan.”


“Paano mo nasabi yan kung hindi mo pa nasusubukan?” May pangungumbinsi kong sabi. Alam kong labas sa role ko bilang kaibigan ang makialam sa issue nito sa pamilya niya pero, hindi ko kayang makitang nahihirapan ang best friend ko.


“Kilala ko ang parents ko Ken, masyadong mahigpit ang taling ginawa nila sa akin na kahit anong gawin ko para makawala ay hindi ko magagawa.”


Wala na akong maisip na pweding sabihin sa kanya dahil kung may mas nakakakilala sa mga magulang niya ay siya yon.


“Putang inang buhay to!” Katulad ko nagulat din ang mga kaibigan namin sa biglaang pagsigaw na iyon ni Martin. Animoy sa pamamagitan ng pagsigaw niyang iyon ay mawawala ang problemang dinadala niya.


Awang-awa ako sa kaibigan ko habang pinapahid nito ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa magkabilang pisngi nito gamit ang kanyang magkabilang braso. Gustong gusto ko itong matulungan ngunit hindi ko alam kung papaano.


Kita kong pati ang mga kaibigan namin ay tulalang nakatingin sa kanya ngunit wala ni isa sa mga ito ang nagbigay ng komento. Bakas ang pagtataka sa mga mukha nang mga ito, walang ideya sa malaking problemang dinadala ni Martin.


______________


Ilang araw ang lumipas mula nang gabing sabihin sa akin ni Martin ang arranged marriage na kagagawan ng mga magulang nito. Mula sa gabing iyon ay naging iba na si Martin, bumalik ito sa pagiging rebelde niya na halos gabi-gabi nalang siyang naglalasing.


Walang gabi na hindi ko nakita kong papaano nito sirain ang buhay nito. Wala akong magawa dahil alam ko kung gaano kabigat ang dinadala nito. Nagsimula na ring umusbong ang galit ko sa mga magulang niya sila ang sinisisi ko kung bakit sinisira ni Martin ang buhay niya.


“Tara sayaw tayo kenotz sayang ang gabi. Baka hindi ko na magawa to kapag kasal na ako.” Wika nito at nagpatiuna na sa dance floor ng disco bar na pinuntahan namin kasama ang iba pa naming mga kaibigan.


Kita ko ang pag-iling ng mga kaibigan namin. Alam kong pati sila ay nahihirapan na rin sa sitwasyon ni Martin. Naisip kong baka matulungan ako nang mga itong makahanap ng solusyon sa problema nang best friend ko kaya naman naikwento ko sa kanila ang lahat. Pero, tulad ko hindi rin nila alam kung papaano makakatulong.


“Habang tumatagal lalong lumalala ang pagwawala ni Martin.” Wika ni Kim. “Wala na ba talagang ibang paraan para matulungan natin ang isang yon?”


“Kung meron, matagal na sana nating ginawa di ba? Mahirap solusyunan ang problema niya lalo’t pamilya ang involve.” Tugon naman si Leslie dito.


“At sa tingin ko takot si Martin suwayin ang mga magulang niya. Kasi kung gusto niya talaga makatakas, kaya niya naman.” Wika naman ni Beth.


“Hindi natin masisisi ang tao dahil simulat sapol sinanay ito nang mga magulang niya na maging sunud-sunuran sa mga ito.” Depensa naman ng nobyo nitong si Renjie.


“May isa akong alam na solusyon sa problema niya pero hindi ko alam kung makakatulong ba iyon.” Ani naman ni Mitch.


“Anong solusyon yan?” Nabigla kami sa pagsingit na iyon ni Martin. Sa sobrang focus namin sa usapin ay hindi namin namalayan na nakalapit na ulit pala ito sa mesa.


Wala ni isa sa amin ang nakapagsalita sa pagkabigla. Para kaming mga ewan na nagpabaling-baling ng tingin sa isa’t isa.


“Ken?” Pagtawag nito sa akin nang walang sumagot sa kanya.


Wala na akong magawa kung hindi ang sabihin sa kanya ang totoo.


“May ideya si Mitch kung papaano ka matutulungan sa problema mo.” Tugon ko sa kanya pero hindi gumuhit sa mukha nito ang sayang inaasahan ko. Ilang araw din kaming nag-isip nang solusyon para sa kanya at ngayon, kung kelan may isa na sa amin ang nakaisip ng ideya siya namang pagsuko niya.


“Drop it. Tanggap ko nang wala na akong magagawa.” Wika nito sa malumanay na boses ngunit bakas pa rin sa mukha nito ang lungkot.


“Gusto mo bang makatakas o hindi? Look Martin, hindi ka namin matutulungan kung ikaw mismo ayaw mong tulungan ang sarili mo.  Pinaghihirapan naming mag-isip nang paraan para matulungan ka the least you can do is to hear it before you say something.” Walang prenong wika ni Beth.


Tulad ko ay nabigla rin ang ibang kaibigan namin. Alam naming lahat na mataray si Beth simulat sapol pa pero ito ang kauna-unahang pagkakataon na pagtarayan nito ang isa sa amin. Si Martin ay hindi rin nakaimik malamang napuruhan ito sa sinabi ni Beth


“May dalawang problema nga lang sa ideya ko.” Agaw ni Mitch ng mga pansin namin.


“Ano yon girl?”


“Una, kung sasangayon si Martin at pangalawa ang isang participant.” Sabay bigay nito nang isang nakakalokong ngiti.


Pare-pareho naming binigyan si Mitch ng naguguluhang tingin.


“Wag kang masyadong pa-suspense Mitch kung ayaw mong sabunutan kita.” Wika ni Leslie dito.


“Martin, isang tanong lang bago ko sabihin ang plano ko. Are you willing to do anything as in anything para malusutan ito?” Si Mitch.


Bahagyang nangunot ang noo ni Martin halatang napaisip ito. Maya-maya ay nakita naming tumango ito.


“Kahit na pwedi kang itakwil ng pamilya mo?”


Muling nagsalubong ang kilay nito. Kita ko ang pagaalinlangan sa mga mata nito at sa tingin ko naman tama lang na siguraduhin muna ni Mitch sa kanya kung willing ba siyang makawala kahit ano pa man ang consequences na mangyayari.


“Pagisipan mong mabuti Martin. This is between your freedom and your family, kaibigan mo lang kami at ang role lang namin ay tulungan ka. The decision is still yours walang pilitan to, ayaw naming dumating ang point na kami ang sisihin mo sa bandang huli.”


“I agree.” Segunda ni Beth. “At wala sa character ko ang maging isang bad influence na tinuturuan ang kaibigan na suwayin ang parents niya.”










Itutuloy...

30 comments:

Jeh said...

bakit ganun?? nakakabitin naman :(

i can smell something fishy sa author. hahahahah

ambaho mo bayaw :)

alabyu hihihihi

Anonymous said...

Nicely done daddy zeke!! hamproud of you!! muah..

So, yun pala ang plano? kaya fake lang ang arrangement ni Mertin at ni Ken, hai, nuh ba yan, magkakasakitan nga sila dyan, just for the benefit of one. Pero bilib din naman ako kay Ken, magagawa niyang pumayag sa kung ano mang plano. hmmmmm..


Exciting daddy zeke, excited to read more of this story.


-eusethadeus

Unknown said...

ung feeling na nakakabitin..?? im feeling it now, update nman mr. author.. :p

Anonymous said...

ngtotoothbrush ako nung start kong bsahin ang chap 2, pro bgla kong nasamid at mbilaukan ng mabasa ko ang name ni ken! kenneth jeh quijano!!! jeh jeh jeh hahahaha

tapusin k later! d pko mkagetover kay jeh jeh jeh! hahaha

-WERD-

Anonymous said...

so si mitch the bitch ang nag-suggest ng martin and ken relationship? ng sinang-ayunan naman ni kenots haha:)...=dereck=

MARK13 said...

Cguro e2 ung magp2nggap n kasinthan ni martin ken,whoahh..,xcited nq mlaman ang mangy2ri s nxt chapter,ang gling tlaga ni Mr. Z,.nice story....

Anonymous said...

so dun nagstart un! oh hindi? anyway galing mo parin kuya!! can't wait for the nect -carlo8-

ChuChi said...

oh?

i know the nxt twist!

hihihi!!

- ChuChi -

DownDLine said...

i love the supporting cast...LOL.. next chapt please!

Anonymous said...

haha ayus..... ka abang abang

Lawfer said...

what a plan...d kya lalu xang plitin ipakasal ng dhl sa planong yan? lolz

Gerald said...

Yun pala yun...

Anonymous said...

Eh yung hindi ko ineexpect na mabibitin pala ako. Hahahaha! Nice cliff hanger, Mr. Author :)

Jm_virgin2009 said...

ano na nmn po kayang ung plano?

hmmmpt... mag papakasal ba si martin kay mitch? or martin o ken?


BWESIT NA MAGULANG YAN!!! ND BA NILA NA LALAMAN ANG KALAGAYAN NI MARTIN...


BITIN! MUCH.... HUHUHUHUHU

Anonymous said...

Alam ko na.. Mag papanggap cna ken at mArtin na cla.. :) kaya na fall c ken kau martin ng todo yun yung story sa unang chapter :) hehehhe :))

Galing mu nmn author :) malupet.. I love u na..

Vin

Zildjian said...

Yung bibig mo bayaw ang malapit sa ilong mo kaya im sure ikaw yon :)) hahahaha

Zildjian said...

Tsalamats bunso hihihi am glad na nagugustohan mo ang coloring story ng tito Jeh mo hihihiihi

Zildjian said...

Kilala ko kung sino ka! HAHAHAHA Ang saya lang di ba? XD XD

Zildjian said...

Hmmmm hindi naman siguro katanashi :D malay natin may ibang isipin ang parents niya :)) hihihi

Zildjian said...

Ang galing!! HIHIHI tama ka po given sa prologue ang mangyayari sa kanila but the twist for this story is unknown pa :D HIHIHI

Anonymous said...

malamang na ang plano ay maging magkasintahan kunwari sina ken at martin bago pa man makasal ito sa arrange marrage ng family nito... yan ang nasa isipan ko.... wahhhhhh

ramy from qatar

Anonymous said...

nkakabitin naman..hehe.
Next na..hege

sr143

Mr. Brickwall said...

Hai. Nababadtrip ako sa sarili ko! Sabe na dapat hindi ko binasa yung prologue e! arg! Ayan tuloy, every update kinakabahan ako at nag-aalinlangan kung itutuloy ko pa ba yung pagbabasa. Kasi naman may ideya na ko sa kakalabasan, at isipin ko pa lang, ANG SAKIT! Medyo ayaw ko kasi sa mga plot na minahal si bestfriend pero si bestfriend hanggang sa huli, hndi kayang mahalin pabalik. Ang sakit kaya nun! (kala mu naranasan na nya! haha. e tingin ko masakit ung ganun e. db? db?)

ui, pero di ako against s story mu po ah! Kc naman, magaling ka talaga simulat sapul. :)

Yume said...

nagulat naman ako sa kahinhinan ng main character.
as in hahahahaha :)
nice Zeph! hehehe
exciting

Anonymous said...

naku po.. is that what i think it is?? hmm..

yun na nga yun.,. hehe

pampagana ng umaga.. nice one..

God bless.. -- Roan ^^,

Lawfer said...

sabagay kokontrahin m tlaga naisip q kc d m hahayaang maging tama aq kc ikaw author nito ndi aq, alam q na taktika mo wahahahahaha

Zildjian said...

Hahahaha! Well, hindi naman lahat ng umiibig sa best friend nila eh nabibigo di ba? hihihi Let's see kung saan sila dadalhin ng relasyon nila :)

russ said...

hehe author ilang MB nga ba ang utak mo? di ba 12MB lang sabi mo? ang ikli ngayon.suspense masyado siguro 1 mb lang ito..hehehe super duper bitin

Anonymous said...

What!!?? Bakit ang ganda!!?? Haha! Alam ko na ang idea ni mitch! Haha! Next next!!

Nice zephiel!!! Very nice!!

--ANDY

Anonymous said...

haha..nakakatuwa!barkada ulit ang mga bida..i miss my college days 2loi!^^

infairness, this chap helps me realize na talagang money can't but happiness...di porke't mayaman ka e magiging masaya ka na...buti nlng, di kami mayaman!haha..

-monty

Post a Comment