by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com
Maraming salamat sa mga taong nagbigay ng kanilang komento
sa chapter 1 ng Make Believe. Nakakatuwang isipin na kahit medyo matagal akong
natigil sa pagsusulat ay nariyan pa rin kayo at handa akong suportahan. Sana ay
ma-enjoy niyo ang kwentong ito at sana may matutunan din kayo sa estorya nang
Make Believe.
Sa mga tao naman na binati ako sa pagbabalik ko sa email at
sa comment salamat mga paps. Hehehe malaking bagay para sa akin ang malaman na
nariyan parin kayo. Sana hanggang sa huling chapter nito ay ma-enjoy niyo.
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
Nakakapanibago talaga si Martin ni minsan ay hindi ko ito
nakitang ganito ka bothered. Bakas sa maamo nitong mukha ang problemang dinadala
nito habang nakatingin sa malawak na dagat. Nasa tabi lang niya ako at
hinihintay siyang magsalita. Ako man ay nagaalala na sa kakaiba nitong kilos.
“Okey lang ba makiupo
sa katabing mong upuan? Masyado kasing maiingay yung mga katabi ko eh.”
Napatitig ako sa taong
lumapit sa akin sa unang araw ko sa koleheyo. Katamtaman ang tikas ng katawan
nito at masasabi kong galing ito sa pamilya nang may kaya. Maganda ang ngiti
nito na ngayon ay nakaguhit sa kanyang maganda ring mukha.
Isang tango ang ibinigay
ko dito tanda nang pagpayag sa gusto niya. Lalong lumuwag ang ngiti nito na
abot hanggang tenga. Lalo tuloy naningkit ang singkiting mata nito.
“Martin, Francis
Martin Medillo.” Wika nito sabay lahad ng kanyang kamay.
Napatingin ako sa
kamay nitong inilahad sa akin at may pagaatubili ko itong tinanggap. The
moment na naglapat ang mga kamay namin ay isang kakaibang pakiramdam ang
umusbong sa akin. Bigla akong nanlamig at pinagpawisan. Biglang nagsimulang
bumilis ang tibok nang aking puso.
Alam kong bata palang
ako ay kakaiba na ako sa mga normal na lalaki. Kung ang mga ka-klase ko no’ng
elementary ay sobrang energetic tuwing recess na halos malunod sa kanilang mga
pawis ako naman ay nasa isang tabi lang at nanunuod sa kanila.
Mahinhin, weirdo,
bakla. Ilan lang yan sa mga tawag sa akin ng mga ka-klase ko noon. At dahil na
rin siguro sa araw-araw na panunukso nang mga ito ay tuluyan ko nang inilayo
ang sarili ko sa kanila. Ngunit tumatak sa akin ang salitang “Bakla” at dahil
siguro doon ay naging ganito ako ngayon.
Nagtapos ako nang
elementary na wala ni isa sa mga ka-klase ko ang naging matalik kong kaibigan.
Kinakausap lang ako nang mga ito tuwing may mga kailangan sila sa akin. Sa
murang edad kung iyon naramdaman ko ang pagiging outcast –ang ignorahin ng
lahat.
Dumating ang high
school na walang pagbabago mas lalo pang naging malala ang mga pangaasar sa
akin ng mga ka-klase ko. Pero hindi tulad ng elementary may mga nakilala na
akong kaibigan at naging ka-close ko na rin. Sila ang naging kasa-kasama ko
araw-araw sa eskwelahan. Isa rin sila sa mga dahilan kung bakit ginaganahan pa
akong pumasok kahit pa man alam kong may mga taong mangungutya at mangaasar sa
akin.
“Ikaw, ano ang
pangalan mo?” Basag sa akin nang unang taong lumapit sa akin sa unang araw ng
koleheyo. Nakangiti pa rin ito pero bakas sa mukha nito ang pagkalito marahil ay
dahil sa natigilan ako.
Agad kong binawi ang
magkahawak pa rin naming kamay. Nasabi ko sa sarili ko bago ako pumasok sa araw
na iyon na babaguhin ko ang kapalaran ko sa college. Sisikapin kong masabayan
ang mga trip ng mga magiging ka-klase ko para hindi ko na maranasan ang mag-isa.
Ngayon pa’t nahiwalay ako sa mga naging kaibigan ko no’ng high school.
“K-Kenneth Jeh
Quijano.” Ang wika ko dito sabay bigay ng isang tipid na ngiti na sinagot naman
nito nang pagtango.
Umupo ito sa upuang
katabi nang inuupuan ko at muling bumaling sa akin. Naka-plastar na naman ang
ngiti sa kanyang mukha. Masasabi kong iba ang bilis nang tibok nang puso ko sa
tuwing nakikita ko ang magandang ngiti nito. Ito na siguro ang pinauso noon ng
mga ka-klase ko na kakaibang pakiramdam na lagi nilang tinatawag na paghanga o
crush.
“May kasabay ka bang
mag-lunch mamaya?” Wika nito.
“Hah?” Ewan ko kung
bakit na bingi ako bigla. Masyado ko atang nakatuwaan ang ngiti nito dahilan
para hindi gumana ang ibang senses ko.
Napabungisngis ito sa
di ko malamang dahilan na ikinakunot naman ng noo ko.
“Ang sabi ko kung may
kasabay kang mag-lunch mamaya.” Wika nito halatang pinipigilan ang
mapahagikhik. Lalo tuloy itong nagmumukhang kaaya-aya sa paningin ko.
“W-Wala.” Matipid kong
sagot dito at ibinaling sa white board ang tingin ko. Alam ko kasing namumula
na ako sa mga oras na iyon. Masyadong bago sa akin ang pakiramdam, nahihirapan
pa akong kontrolin ito kaya bago pa nito mahalata ay pa-simple na akong umiwas
sa kanya.
“Gusto mo sabay nalang
tayo mamaya? Wala rin kasi akong kasabay mag-lunch eh.”
Gusto kong tumanggi sa
di malamang dahilan siguro iyon ay isa sa mga defense mechanism ng isang tao sa
harap ng crush nito pero hindi ko nagawang makatangi sa kanya. Masyadong malakas
ang hatak ni Martin.
___________
Hindi ako nagsisi sa pagsama ko kay
Martin sa unang lunch naming dalawa dahil doon nagsimula ang pagkakaibigan
namin. Habang tumatagal ay lalo ko itong nakikilala at lalo ko pang
nagugustuhan ito, hindi lang sa kanyang physical aspect kung hindi pati na rin
ang kanyang ugali.
May pagka-moody man si Martin ay hindi
iyon naging rason para bitiwan ko siya. Nalaman ko rin ang mga hinaing nito sa
buhay na hindi ko masyadong napansin dahil sa napakagaling nitong magtago nang
problema.
Marami akong natutunan sa
pagkakaibigan namin ni Martin at marami din ang nabago sa akin. Naging
confident ako sa sarili ko, nagkaroon ng mga kaibigan – mga totoong kaibigan na
naging karamay namin sa lahat ng problema namin sa koleheyo mula sa mga
pahirapang projects na ibinibigay ng mga professors namin hanggang sa mga research
paper na halos hindi na namin magawang matulog matapos lang.
Ang nagsimula sa simpleng pagkakaibigan
ay lumalim pa sa nagdaang mga araw at buwan. Naging mas close kami ni Martin na
pati ang pag-eenroll namin ay dapat lagi kaming sabay para hindi kami
magkahiwalay. Naipakilala ko ito sa mama at kapatid ko at agad naman siyang
nagustuhan ng mga ito dahil na rin sa pagiging magalang at makwela nito.
Second year college nang unang
magka-girlfriend si Martin at aaminin kong ang laki nang epekto nito sa akin.
Nakaramdam ako nang ibayong selos dahil una nahahati na ang oras naming dalawa
at pangalawa dahil sa nararamdaman ko para sa kanya na lalong lumago.
Pinilit kong huwag ipakita kay Martin
ang sakit sa tuwing kasama namin ang girlfriend niya at sa harap ko pa sila
naglalampungan. Doon ko natutunang pekehin ang ngiti ko pati na rin ang
nararamdaman ko kasi ang totoo nagluluksa ang puso ko habang nakikita ko ang
bestfriend ko na lihim kong minamahal na masaya sa piling ng girlfriend niya.
Realization hit me. Napagtanto ko na
dapat makontento nalang ako bilang kaibigan niya na maging masaya nalang para
sa bestfriend ko. Lahat ng paraan para makatakas sa nararamdaman ko ay ginawa ko.
Sinubukan kong umiwas tulad nang laging ginagawa nang iba para matakasan ang
nararamdaman nila pero hindi ako hinahayaan ni Martin, dahil sa tuwing may
problema ito sa girlfriend at sa parents niya ay sa akin ito pumupunta. At sa
tuwing nakikita kong nasasaktan at nahihirapan ito ay hindi ko magawang
tumanggi kahit pa man doble ang sakit na mararamdaman ko.
Dalawang beses nang nakapagpalit si
Martin ng girlfriend at masasabi kong nagampanan ko naman ang pagiging best
friend ko sa kanya. Sinuportahan ko siya sa lahat ng bagay kahit na nasasaktan
ako hanggang sa makasanayan ko nalang ang sakit na iyon. Tinanggap ko na ang
kapalaran ko na hindi ako magagawang mahalin ng best friend ko nang higit pa sa
isang kaibigan at makontento nalang sa kung ano ang meron kami.
Isang buntong
hininga ang pinakawalan nito sabay tunga nang hawak nitong bote nang alak.
Nakatingin lang ako sa kanya at naghihintay na magsimula itong magkwento
tungkol sa dinadala niya. `Yan ang role ko bilang best friend at gustong-gusto
ko ang role na meron ako dahil kahit papaano naipaparamdam ko sa kanya na may
isang taong handa siyang tulungan sa lahat ng bagay.
“Sobra na
sila Ken, hindi ko na kayang tiisin ang pagiging control freak nila.” Kapag
kuan ay wika nito. Alam ko nang ang mga magulang niya ang kanyang tinutukoy. “Anak nila ako pero kung
ituring nila ako para lang akong isang puppet na kailangang sumunod sa galaw
nang kanilang mga kamay.”
Hindi ako
sumabat dito, hinintay ko ang sunod nitong sasabihin. Gusto kong mailabas nito
lahat bago ako magbigay ng kumento o payo sa kanya.
Isa na namang
buntong hininga ang narinig ko mula sa kanya. Kita ko ang pagod, pagkaasar at kawalang
gana sa mukha nito.
“They wanted
me to get married for their sake. Hindi man lang nila ako kinausap kung papayag
ako o hindi. Sobra na sila.” Kita ko ang pamumuo nang luha sa magkabilang mata
nito. Kahalintulad ng kinang nito ang kinang nang tubig dagat sa tulong ng
liwanag ng buwan.
Alam kong may
tama na si Martin dahil kanina pa ito sunod-sunod na umiinum pero ito ang unang
pagkakataon na makita ko itong helpless at naiintindihan ko iyon dahil kapag
ang mga magulang na nito ang magbigay ng desisyon wala na siyang magagawa.
“Ayaw ko pang
matali Ken, marami pa akong plano sa buhay ko na hindi ko pa nagagawa. Akala ko
pagkatapos natin ng college ay makakatakas na ako sa mga magulang ko pero
heto’t nakagawa na naman sila nang bagong kulungan para sa akin. Isang
kulungang kahit kailan ay hindi ko magagawang makawala.” At doon na tuluyang
kumawala ang mga luhang kanina pa nito pinipigilan.
Pagkahabag
ang nararamdaman ko para sa best friend ko. Gusto ko man itong tulungan sa
problema niya’y mukhang sa unang pagkakataon hindi ko siya magagawang tulungan.
Wala sa sarili kong hinagod ang likod nito.
“Hindi ko na
alam kung ano ang gagawin ko Ken. Kahit na tumanggi ako alam kong hindi nila
ako hahayaan.”
“Paano mo
nasabi yan kung hindi mo pa nasusubukan?” May pangungumbinsi kong sabi. Alam
kong labas sa role ko bilang kaibigan ang makialam sa issue nito sa pamilya niya pero, hindi ko kayang
makitang nahihirapan ang best friend ko.
“Kilala ko
ang parents ko Ken, masyadong mahigpit ang taling ginawa nila sa akin na kahit
anong gawin ko para makawala ay hindi ko magagawa.”
Wala na akong
maisip na pweding sabihin sa kanya dahil kung may mas nakakakilala sa mga
magulang niya ay siya yon.
“Putang inang
buhay to!” Katulad ko nagulat din ang mga kaibigan namin sa biglaang pagsigaw
na iyon ni Martin. Animoy sa pamamagitan ng pagsigaw niyang iyon ay mawawala
ang problemang dinadala niya.
Awang-awa ako
sa kaibigan ko habang pinapahid nito ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa
magkabilang pisngi nito gamit ang kanyang magkabilang braso. Gustong gusto ko
itong matulungan ngunit hindi ko alam kung papaano.
Kita kong
pati ang mga kaibigan namin ay tulalang nakatingin sa kanya ngunit wala ni isa
sa mga ito ang nagbigay ng komento. Bakas ang pagtataka sa mga mukha nang mga
ito, walang ideya sa malaking problemang dinadala ni Martin.
______________
Ilang araw ang lumipas mula nang gabing sabihin sa akin ni
Martin ang arranged marriage na kagagawan ng mga magulang nito. Mula sa gabing
iyon ay naging iba na si Martin, bumalik ito sa pagiging rebelde niya na halos
gabi-gabi nalang siyang naglalasing.
Walang gabi na hindi ko nakita kong papaano nito sirain ang
buhay nito. Wala akong magawa dahil alam ko kung gaano kabigat ang dinadala
nito. Nagsimula na ring umusbong ang galit ko sa mga magulang niya sila ang
sinisisi ko kung bakit sinisira ni Martin ang buhay niya.
“Tara sayaw tayo kenotz sayang ang gabi. Baka hindi ko na
magawa to kapag kasal na ako.” Wika nito at nagpatiuna na sa dance floor ng
disco bar na pinuntahan namin kasama ang iba pa naming mga kaibigan.
Kita ko ang pag-iling ng mga kaibigan namin. Alam kong pati
sila ay nahihirapan na rin sa sitwasyon ni Martin. Naisip kong baka matulungan
ako nang mga itong makahanap ng solusyon sa problema nang best friend ko kaya
naman naikwento ko sa kanila ang lahat. Pero, tulad ko hindi rin nila alam kung
papaano makakatulong.
“Habang tumatagal lalong lumalala ang pagwawala ni Martin.”
Wika ni Kim. “Wala na ba talagang ibang paraan para matulungan natin ang isang
yon?”
“Kung meron, matagal na sana nating ginawa di ba? Mahirap
solusyunan ang problema niya lalo’t pamilya ang involve.” Tugon naman si Leslie
dito.
“At sa tingin ko takot si Martin suwayin ang mga magulang
niya. Kasi kung gusto niya talaga makatakas, kaya niya naman.” Wika naman ni
Beth.
“Hindi natin masisisi ang tao dahil simulat sapol sinanay
ito nang mga magulang niya na maging sunud-sunuran sa mga ito.” Depensa naman
ng nobyo nitong si Renjie.
“May isa akong alam na solusyon sa problema niya pero hindi
ko alam kung makakatulong ba iyon.” Ani naman ni Mitch.
“Anong solusyon yan?” Nabigla kami sa pagsingit na iyon ni
Martin. Sa sobrang focus namin sa usapin ay hindi namin namalayan na nakalapit
na ulit pala ito sa mesa.
Wala ni isa sa amin ang nakapagsalita sa pagkabigla. Para
kaming mga ewan na nagpabaling-baling ng tingin sa isa’t isa.
“Ken?” Pagtawag nito sa akin nang walang sumagot sa kanya.
Wala na akong magawa kung hindi ang sabihin sa kanya ang
totoo.
“May ideya si Mitch kung papaano ka matutulungan sa problema
mo.” Tugon ko sa kanya pero hindi gumuhit sa mukha nito ang sayang inaasahan
ko. Ilang araw din kaming nag-isip nang solusyon para sa kanya at ngayon, kung
kelan may isa na sa amin ang nakaisip ng ideya siya namang pagsuko niya.
“Drop it. Tanggap ko nang wala na akong magagawa.” Wika nito
sa malumanay na boses ngunit bakas pa rin sa mukha nito ang lungkot.
“Gusto mo bang makatakas o hindi? Look Martin, hindi ka
namin matutulungan kung ikaw mismo ayaw mong tulungan ang sarili mo. Pinaghihirapan naming mag-isip nang paraan
para matulungan ka the least you can do is to hear it before you say something.”
Walang prenong wika ni Beth.
Tulad ko ay nabigla rin ang ibang kaibigan namin. Alam
naming lahat na mataray si Beth simulat sapol pa pero ito ang kauna-unahang
pagkakataon na pagtarayan nito ang isa sa amin. Si Martin ay hindi rin nakaimik
malamang napuruhan ito sa sinabi ni Beth
“May dalawang problema nga lang sa ideya ko.” Agaw ni Mitch
ng mga pansin namin.
“Ano yon girl?”
“Una, kung sasangayon si Martin at pangalawa ang isang
participant.” Sabay bigay nito nang isang nakakalokong ngiti.
Pare-pareho naming binigyan si Mitch ng naguguluhang tingin.
“Wag kang masyadong pa-suspense Mitch kung ayaw mong
sabunutan kita.” Wika ni Leslie dito.
“Martin, isang tanong lang bago ko sabihin ang plano ko. Are
you willing to do anything as in anything para malusutan ito?” Si Mitch.
Bahagyang nangunot ang noo ni Martin halatang napaisip ito.
Maya-maya ay nakita naming tumango ito.
“Kahit na pwedi kang itakwil ng pamilya mo?”
Muling nagsalubong ang kilay nito. Kita ko ang pagaalinlangan sa mga mata nito at sa tingin ko naman tama lang na siguraduhin muna ni Mitch sa kanya kung willing ba siyang makawala kahit ano pa man ang consequences na mangyayari.
“Pagisipan mong mabuti Martin. This is between your freedom
and your family, kaibigan mo lang kami at ang role lang namin ay tulungan ka.
The decision is still yours walang pilitan to, ayaw naming dumating ang point
na kami ang sisihin mo sa bandang huli.”
“I agree.” Segunda ni Beth. “At wala sa character ko ang
maging isang bad influence na tinuturuan ang kaibigan na suwayin ang parents
niya.”
Itutuloy...
30 comments:
bakit ganun?? nakakabitin naman :(
i can smell something fishy sa author. hahahahah
ambaho mo bayaw :)
alabyu hihihihi
Nicely done daddy zeke!! hamproud of you!! muah..
So, yun pala ang plano? kaya fake lang ang arrangement ni Mertin at ni Ken, hai, nuh ba yan, magkakasakitan nga sila dyan, just for the benefit of one. Pero bilib din naman ako kay Ken, magagawa niyang pumayag sa kung ano mang plano. hmmmmm..
Exciting daddy zeke, excited to read more of this story.
-eusethadeus
ung feeling na nakakabitin..?? im feeling it now, update nman mr. author.. :p
ngtotoothbrush ako nung start kong bsahin ang chap 2, pro bgla kong nasamid at mbilaukan ng mabasa ko ang name ni ken! kenneth jeh quijano!!! jeh jeh jeh hahahaha
tapusin k later! d pko mkagetover kay jeh jeh jeh! hahaha
-WERD-
so si mitch the bitch ang nag-suggest ng martin and ken relationship? ng sinang-ayunan naman ni kenots haha:)...=dereck=
Cguro e2 ung magp2nggap n kasinthan ni martin ken,whoahh..,xcited nq mlaman ang mangy2ri s nxt chapter,ang gling tlaga ni Mr. Z,.nice story....
so dun nagstart un! oh hindi? anyway galing mo parin kuya!! can't wait for the nect -carlo8-
oh?
i know the nxt twist!
hihihi!!
- ChuChi -
i love the supporting cast...LOL.. next chapt please!
haha ayus..... ka abang abang
what a plan...d kya lalu xang plitin ipakasal ng dhl sa planong yan? lolz
Yun pala yun...
Eh yung hindi ko ineexpect na mabibitin pala ako. Hahahaha! Nice cliff hanger, Mr. Author :)
ano na nmn po kayang ung plano?
hmmmpt... mag papakasal ba si martin kay mitch? or martin o ken?
BWESIT NA MAGULANG YAN!!! ND BA NILA NA LALAMAN ANG KALAGAYAN NI MARTIN...
BITIN! MUCH.... HUHUHUHUHU
Alam ko na.. Mag papanggap cna ken at mArtin na cla.. :) kaya na fall c ken kau martin ng todo yun yung story sa unang chapter :) hehehhe :))
Galing mu nmn author :) malupet.. I love u na..
Vin
Yung bibig mo bayaw ang malapit sa ilong mo kaya im sure ikaw yon :)) hahahaha
Tsalamats bunso hihihi am glad na nagugustohan mo ang coloring story ng tito Jeh mo hihihiihi
Kilala ko kung sino ka! HAHAHAHA Ang saya lang di ba? XD XD
Hmmmm hindi naman siguro katanashi :D malay natin may ibang isipin ang parents niya :)) hihihi
Ang galing!! HIHIHI tama ka po given sa prologue ang mangyayari sa kanila but the twist for this story is unknown pa :D HIHIHI
malamang na ang plano ay maging magkasintahan kunwari sina ken at martin bago pa man makasal ito sa arrange marrage ng family nito... yan ang nasa isipan ko.... wahhhhhh
ramy from qatar
nkakabitin naman..hehe.
Next na..hege
sr143
Hai. Nababadtrip ako sa sarili ko! Sabe na dapat hindi ko binasa yung prologue e! arg! Ayan tuloy, every update kinakabahan ako at nag-aalinlangan kung itutuloy ko pa ba yung pagbabasa. Kasi naman may ideya na ko sa kakalabasan, at isipin ko pa lang, ANG SAKIT! Medyo ayaw ko kasi sa mga plot na minahal si bestfriend pero si bestfriend hanggang sa huli, hndi kayang mahalin pabalik. Ang sakit kaya nun! (kala mu naranasan na nya! haha. e tingin ko masakit ung ganun e. db? db?)
ui, pero di ako against s story mu po ah! Kc naman, magaling ka talaga simulat sapul. :)
nagulat naman ako sa kahinhinan ng main character.
as in hahahahaha :)
nice Zeph! hehehe
exciting
naku po.. is that what i think it is?? hmm..
yun na nga yun.,. hehe
pampagana ng umaga.. nice one..
God bless.. -- Roan ^^,
sabagay kokontrahin m tlaga naisip q kc d m hahayaang maging tama aq kc ikaw author nito ndi aq, alam q na taktika mo wahahahahaha
Hahahaha! Well, hindi naman lahat ng umiibig sa best friend nila eh nabibigo di ba? hihihi Let's see kung saan sila dadalhin ng relasyon nila :)
hehe author ilang MB nga ba ang utak mo? di ba 12MB lang sabi mo? ang ikli ngayon.suspense masyado siguro 1 mb lang ito..hehehe super duper bitin
What!!?? Bakit ang ganda!!?? Haha! Alam ko na ang idea ni mitch! Haha! Next next!!
Nice zephiel!!! Very nice!!
--ANDY
haha..nakakatuwa!barkada ulit ang mga bida..i miss my college days 2loi!^^
infairness, this chap helps me realize na talagang money can't but happiness...di porke't mayaman ka e magiging masaya ka na...buti nlng, di kami mayaman!haha..
-monty
Post a Comment