Friday, March 16, 2012

Ikaw ang aking Pangarap (Pahina 36 & 37)


 By: FUGI

----) Bago nyo basahin ang Pahina na ito ay sana ay alisin nyo muna ang lahat ng mga naisip, hula o expectations nyo sa mga mangyayari dito kasi maaano lang kayo, maaano nga ba?? Hehehe...... Basta para kasing may gusto na agad kayong mangyari, yon lang ang nararamdaman ko.... at pag na gawa ninyo iyon ay ay pihadong maeenjoy nyo ang pagbabasa nito, pero kung hindi ay sya... pasensya na lang po!

------) Nais ko din humingi ng pasensya dahil medyo natagan, pero hindi naman ganoon katagal, di ga?? Hehe may inasikaso lang pong mga dokumento at bawing bawi naman ako kasi dalawang chapter na ito na na pinag-fusion ko.. hehe

----) Sa na kamiss ng mga trivia ay kahit po ako talaga ay namiss ko din kaso hindi ko talaga mapilit lagyan ng basta basta kasi iniaayon ko di at dapat nasasabi ko hindi basta nalang pinilit ilagay

@ Sa mga bago na sina: Lloydie, empire, kevinblues.... HI PO!

@robert_mendoza94@yahoo.com (ngangayon ka na lang ulit ata nagcomment ano? Busy ba?? 

@ sa dalawang member ng CO-OP at UNION na si RUE at MAKKI,, nagbabagya na naman kayo ng malawakang boycoot ha! LOL

@ sa lahat nang nagcocoment, pasensya na kung hindi ko kayo maiisa isa ulit ha! Pero alam nyo naman kung sino kayo at kilala ko na kayo kaya pagmay absent ay pinupuna ko.. hehehe salamat salamat.. may rolcol ako sa next chapter ha dapat present lahat.. hehe

@ sa mga NABITIN ulit sa nagdaang Pahina “CHURI NAMAN”.... hehehe

@ sa mga lihim na tagasubaybay.. TY po!

Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.

Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento




--------> me na me na ulit si FUGI

Nang makabihis ako ay agad din akong bumaba, nang makababa ay agad kong napansin na parang may pinag-uusap sina anthony at ian, kaya ng medyo makalapit na ay agad kong pinaramdan ang prisensya ko

Ako: anong pinag-uusapan natin dyan? (naitanong ko na pumukaw sa kanilang atensyon at naging dahilan para mapaharap silang dalawa sa kinaroroonan ko, bigla din nagtama ang tingin nilang dalawa para bang nagsesenyasan kung sino ang dapat magpaliwanag)

Agad uling tumingin sa akin si ian kaya naman sa kanya ko itinuon ang atensyon ko at nang ibubuka na niya ang kanya bibig ay bigla namang

“mga anak, nakahanda na ang hapunan, kain na tayo” nakangiting paanyaya ni mama sa amin sabay lapit niya sa kinatatayuan nila john para kunin si angel at alalayan ito sa pagkain

Humarap muli ako sa tayo nila anthony at ian

Ako: tara na (sabi ko sa kanilang dalawa at napansin kong napabuntong hininga na lang si ian na di ko na pinagkibit balikat ko na lang kahit si anthony ay parang.... parang may nag-iba sa kanya.. at parang may malalim na naman itong iniisip, pero pinabaayan ko na lang muna dahil tinawag na ulit kami ni mama na sa puntong iyon ay nasa hapag na kaya agad na naming tinungo iyon)

Nang nasa tapat na kami ng dining table ay agad din kaming naupo ako sa tabi sa gilid ni mama na kalong kalong si angel na nasa tayo ni papa nakatayo sa may pinakadulo, samantala ay si john naman ang katapatan ko, napasin ko namang nakatayo pa rin ang dalawa

Ako: yon mama oh! Ayaw pa umupo nila, mukhang ayaw ng niluto mo (biro ko sa kanila habang nakatingin sa kanila)

Ian: tita hindi po, inantay ko lang makaupo kayong lahat na may-ari ng bahay na makaupo (pagpapalusot nito at nagingiti itong inipod ang silya sa tabi ko at umupo doon)

Ako: a-e-na-o (expresyon ko po talaga iyan), galing lumusot ah! (natatawa kong bira sa kanya... hehe..... at ngiting nakakaloko lang ang itinugon niya sa aking na parang nagsasabi na “syempre, ako pa!”)

“anthony iho, doon ka na maupo sa katabi ni john” pagsingit naman ni mama

Anthony: o..opo tita (sabay lapit nito sa upuan at umupo na)

Nginitian ko na lang si anthony pagkaupo nito at tinuguan naman niya ito

Bago kami nagsimula ng hapunan naming iyo ay si anthony ang itinuro ko para sa invocation (wow makaterm lang, para tuloy event lang... hahaha), nagulat man ay hindi naman siya nagreklamo bagkus ay agad din niyang sinimulan (sa ngalan ng ama, nang anak, nang diyos, espirito, santo..........................................................................................amen)

Pagkatapos ay nagsimula na kami sa pagkain, napuno ng kwentuhan, tawanan at kung anu-anu pa kaya naging masaya ang tagpong iyon

“mga iho (pagtawag ni mama ng atensyon nina anthony at ian na pumukaw naman sa aming lahat), nakikita ko kung gaano kahalaga sa inyo ang isat-isa, sana ay lagi ninyong pagpapasensyahan ang anak ko at  alalayan nyo ha... masyado kasi yang (pagtingin sa akin ni mama na natatawa sa puntong iyon), lampa (na tumawa na nga si mama)”

Ako: ma! (parang batang pagsuway ko)

“biro lang anak” (natatawa pa ring sagot sa akin ni mama)

Bigla namang singit ni............

Anthony: ako pong bahala kay fugi tita (nakangiti nitong sabi kay mama at agad ding paling sa akin nito)

Bigla naman imik ng nasa tabi ko.........

Ian: KAMI (may diin nitong sabi... parang!) na pong bahala dito sa pasaway at lampang ito (natatawa nitong lahad sabay lagay ng kamay niya sa buhok ko at ginulo iyon)

Ako: sige pagtulungan nyo ako (ang bata bataan kong pagmamaktol habang inaalis ko ang kamay ni ian sa ulo ko at nagtawanan lang sila sa akin..... kasi kasi)

“salamat mga iho” nakangiting sambit nito sa dalawang mokong at magiliw na mga ngiti naman ang itinugon ng dalawa

Nasa ganoon kaming tayo ng biglang pagpaparamdam ng makulit na bata

Angel: low-la sog na, to ko ake..... (“lola, busog na, gusto ko cake” sabay pigil niya sa kutsarang isusubo sana sa kanya ni mama at turo sa cake na dala binili ni anthony.................. napuno ng tawanan ang hapag dahil sa inasal niya)

Ako: a-ka-la ko bu-sog ka na gey-gey, ba-wal na ku-ma-in ng cake (natatawa kong pagpapantig ng mga sinasabi ko sa kanya)

Angel: to nong to ko ake (“tito ninong, gusto ko ng cake” sabi nito na parang naiiyak na)
Ian: hala pinapaiyak mo kasi (pangbaba-uy nito sa akin)

Ako: i-to na ku-ku-ha na ti-to ni-nong ng cake (sabay kuha ng platito ay knife para slice ang cake, pagkatapos ay nilagyan ko lang ng medyo maliit na hiwa si angel ay agad nga sumilay ang ngiti sa mukha nito, napahagikhik na lang kaming lahat na nandoon... hehe)

Nang matapos ay agad na sana kaming tutungo ng sala para magpahinga ng bigla akong pigilan ni bunsoy...........

John: kuya ikaw nakatoka ngayon para sa pinagkainan ha! (pagpapaalala nito)

Ako: ako ba? (maang kong panimula), pwede bang ikaw na lang may pupuntahan kasi kami ni ian (pagdadahilan ko dito, baka lulusot)

John: kuya naman ako na nga kahapon ih! (nagmamaktol nitong sabi sa akin at sa puntong iyon ay lumapit na nga sa akin si ian habang sila anthony naman ay nakatingin lang)

Ian: tulungan na kita para mapabilis (nakangiti nitong sabi sa akin)

Ako: hi.....hindi ako na lang, mahinga nalang kayo sa salas (nakangiti kong sabi dito, pagkatapos ay sabay harap ko naman kay anthony....), anthony pahinga muna kayo sa salas para makapagpahughog kayo (nakangiti ko ring sabi dito)

“oo nga mga iho, doon na muna tayo, at gagawin muna ni fugi ang nakatangan sa kanya” nakangi ring paanyaya ni mama

Ian: tita, tulungan ko na lang po si fugi (nakangiti ito sa aking ina sabay patong naman nito ng dalawang kamay nito sa magkabilang balikat ko at tingin sa akin) tara na (pagsegunda nito sa akin at minaniobra na nga ako nito patungo sa kusina at wala na akong nagawa pa)

Si ian na ang nag-ayos ng hapag at nagdala ng mga pinagkainan namin samantalang ako naman ang naghuhugas (kakakilig tuloy parang.... hala wag na nga...... hahahaha kasi kasi.......... at nangingiti nalang ako sa puntong iyon ng paghuhugas ko) 

At sa pag-iisip kung iyon ay ay hindi ko namalayan na nakalapit na pala si ian sa akin
Ian: kung makangiti ka ah! Ako ba dahilan nyan? Wag ganun! (nakangiti itong nakakalokong nakatingin sa akin)

Hindi ko naman alam ang gagawin ko sa puntong iyon dahil sapol sa target (parang si Vash Stampede lang kung makatama. Hahaha... naalala ko lang sya.. tanda nya ba sya mga pipzzz?)

Eto sya para marefresh ang utak nyo:]

Ako: ah eh... (sabay wisik ko ng tubig mula sa umaagos na gripo habang ako ay naghuhugas), may na alala lang ako (pagdadahilan ko), at at at saan mo naman napulot na ikaw ang dahilan, abat ang lakas............ (hindi ko naituloy dahil...... dahil bigla inilapit ni ian ang mukha niya sa akin na halos na halos muntikan na maglapit ang ilong namin)
Ian: bakit hindi ba pwedeng ako ang dahilan (nasambit nito sa pagitan ng titigan namin iyon, na out of function naman ang systems ko dahil sa ihindi malaman ang gagawin ko sa puntong iyon kung iiwas, iimik, hihinga ng malalim dahil dahil parang nalulunod ako.. kasi kasi... naramdapan ko nalang ang pag-init ng pugon sa pisngi ko......)

Agad namang lumayo si ian sa akin at....

Ian: namumula ka na oh! (humahagikgik nitong puna.... halatang halata naman talaga sa akin ang reaksyon na iyon kaya agad din akong napatungo...... kasi kasi naman ih!), joke lang, niloloko lang kita, nakakatuwa ka talagang biruin (humahagikgik ito sabay kuha sa mga platong babanlawan ko na sana)

Agad ko namang itinapat ang kamay ko sa umaagos paring tubig sa at nang makaipon ng sapat na tubig ay iwinisik ko ulit ito sa kanya

Ako: asar ka talaga (naisatinig ko na lang at tumawa lang ang mokong sa akin)

Ian: yan basa na tuloy ako, paano ba yan dito, aalis tayo ng hubad ako (sabay harap nito sa akinat mwestra ng damit niya, at napansin ko ngang malaking bahagi nga ng kanyang suot na damit ay nabasa dahil sa ginawa kong pagsaboy ng tubig sa kanya)

Ako: kasi kasi ikaw (ang pagdadahilan ko sa kanya, bigla nya naman inilagay ang mga kamay nya sa laylayan ng damit nya at akmang huhubadin ito, bumilis naman sa puntong iyon ang aking reflexes, agad kong hinawakan ang mga kamay niya, na pumigil sa mga maaari niyang gawin pa), a.....anong ga..gawin m...moo? (nag-aalangan kong sabi)

Ian: binasa mo ih! Di huhubadin ko (sagot nito)

Ako: wag dito...... (hindi pa ako tapos ay bigla naman ang pagsingit nito)

Ian: bakit saan mo ba gusto? (humagikgik ang loko)

Ako: tigilan mo nga yang pangtitrip mo ha! (hindi ko na nalalaman anong reaksyon, emosyon ng mga panahon na iyon dahil basta...mixed eh!.. hahaha.... kasi kasi,,, at ang mokong ay tumawa lang ng tumawa), inatayin mo na lang ako, tatapusin ko na ito, umupo ka na lang dyan (at agad ko nang iniharang ang sarili ko sa lababo para hindi na sya sumingit pa at naramdaman ko na lang ang pag-alis niya at narinig ko ang pag-ipod ng silya at naupo na siguro sya)

Nakahinga ako ng maluwag akala ko ay kakailanganin ko pa ang dying will bullet ni reborn para lang makarecover (wow!. Yes naisingit ko na sya... hehehe)


Agad kong binilisan ang ginagawa ko dahil baka magkasakit pa sya dahil sa kagagawan ko
Pagkatapos na pagkatapos ay agad akong humarap sa kanya

Ako: tara sa kwarto (bilang doon nalang sya magpalit at para makapili din sya ng maisusuot nya sa mga damit ko panigurado naman na magkakasya sa kanya ang mga iyon dahil hindi naman ako bumibili ng mga fitted na shirt, mas ok sa akin na medyo malaki pa presko)
Ian: wag po! (sabay hawak nito sa neck ng kanyang damit na parang gina-guard niya ang katawan niya)

Agad naman akong lumapit sa kanya at walng sabi sabi ay binatukan ko ang mokong

“Ahhhh” naibulalas niya sabay himas sa gawi kung saan ko sya binatukan “niloloko lang ih!” nakasimangot itong nakatingin sa akin na lihim ko naman ikinatuwa

Ako: quota ka na, kanina ka pa ih! Tara nasa kwarto ko para makapagpalit ka na (may awtoridad kong utos sa kanya sabay talikod ko dahil hindi ko na talaga mapigilan ang pagngiti dahi sa itsura niyang iyon, kasi kasi..... bakit ba sobrang ano nya.......... hehehe)

Agad na nga namin nilisan ang dining area at nang makalapit kami ng hagdan ay napanisin kong nagkakatuwaan pala sila mama, john, angel at anthony. Agad din nila kaming napansin

“ano nangyari sa damit mo ian” pagpuna ni mama na may himig pag-aalala, agad ko namang sinagot

Ako: ma hindi kasi marunong, yan tuloy nag-la-ti-ti lang tuloy sya (pagdadahilan ko na lang at agad ko ngang tiningnan din si ian para babalaan at nakangiti lang pala ito sa akin, agad kong iniiwas ang tingin ko, kasi parang... parang basta... kasi naman ih!)

“sya pahiramin mo nalang ng damit mo para makapagpalit” naisagot na lang nito

Ako: opo ma! (tugon ko naman, nadako naman ang tingin ko kay anthony na sa puntong iyon ay sa akin din nakatingin, nginitian ko ito at..), anthony, sandali lang ha! (at tumungo na lang ito sa akin)

Naglakad na nga ako at pumanhik na habang ramdam kong nakasunod lang si ian sa akin. Nang makapasok na kami sa silid ko ay agad kong tiningo ang cabinet ko para kumuha ng towel, pagkakuha ay agad ko itong dinala sa kinatatayuan ni ian sabay abot dito......................

Nagulat nalang ako sa ginawa niya sapagkat imbis na kuhanin kun g towel sa iniaabot ko sa kanya ay hinubad nito sa harapan ko ang basa pa rin nitong damit
Napatulala na lang ako sa ginawa niya iyon, ang ganda ng katawan niya, hindi sya ganoon ka-kalaki katulad nang sa mga maskuladong lalaki na halos pumutok na ang mga muscle na parang minsan nakakatakot nang tingnan, pero sobrang...... (sorry sa term mga pipz ha!) sobrang YUMMY, tama lang ang laki ng dibdib nya, tas yung sa bandang tyan nya ay napo-form na ang abs nya, at at hindi rin nakaligtas ang mapupula at tama lang na laki na mga nipples niya lalong lalo na ang ang lumalago nang hair mula sa navel (pusod) hanggang sa ilalim nang suot niyang short (grabe talaga... kasi kasi kasi kasi... whhhhhhhhhhoooooooooo..)

Parang ganito yun

Nasa ganoon ako pagkatulala nang nang magising ang aking ulirat sa pagkuha ni ian sa towel na hawak ko at ipinunas na nya sa katawan nya, habang nagpupunas sya ay..........

Ian: napatulala ka? (nakangiti ito pagtaas ko ng tingin sa kanya)

Ako: ah.. eh.. ini...isip ko yung da..damit na ipa..pahiram ko sa...yo, a..ano bang gusto mong kulay (sabay talikod dito, kasi kasi ano nga bang inasta ko kanina... kasi naman talaga ako..... narinig ko nalang na humahagikgik ang mokong.. hindi ko nalang ito pinansin pa at agad kong tinungo ang cabinet para ihanap na sya ng masusuot nang matakpan na ang temtasyon........ hehehe.. kasi kasi)

Sa puntong iyon ay hindi ko na naman namalayan ang paglapit ng temtasyon sa likod ko sabay sabing nang

Ian: yan ok na yang hawak mo (agad naman akong napaharap sa kanya at at sobrang lapit namin sa isat isa kahit katawan namin, kasi kasi nakita ko na naman ang temtasyon, palihim akong napalunok.. kasi talaga............pwede bang i-fast forward na lang??? kasi kasi ih!

Agad namang gumana ang utak ko at katawan ko, salamat at isa ako sa naturuan para maabot ang SANIN MODE kaya nahigop ko ang mga SHAKRA sa paligid at nagkalakas ako........ (hahaha yes naisingit ko din ito.. hahaha)

Ako: ba....bagay nga ito sa......yo (naiilang ko pa ding sabi sabay lapat ng damit na hawak ko sa katawan niya para matakpan ang temtasyon.. kasi talaga... hehe) o! (nasambit ko na lang ulit sabay bato ko na ng damit sa katawan nya na agad naman niyang nasalo sabay ay layo ko na sa temtasyon, humahagikgik ulit ang moko... hindi ko naman na kompronta dahil hindi sapat ang shakrang nakuha ko sa environment kasi kasi kasi mas malakas ang ibinibigay niyang temtasyon....... kasi kasi..... hehehe), una na ako sa baba ha, doon ka na lang namin aantayin (nakatalikod kong sabi sa kanya habang tinutungo ang pintuan ng silid ko)

Ian: intayin mo na lang ako (nagulat ako ng hablutin na nito ang kamay ko at iharap sa kanya, nakita ko namang nasa leeg at sa isang kamay nya palang nakasuot ang damit na ibinigay ko kay naman malaking bahagi ng katawan nya ay nananatiling naka exposed sa pagharap kong iyon sa kanya....... ahhh! Temptation..... hehehe kasi kasi kasi kasi kasi...... wala na akong nagawa kung hindi ang ang mapanod ang pagbibihis nya, no choice... hehe at nang mapatungo ang tingin ko sa kanyang mukha, nakatingin pala ito sa akin at may na kaplaster na ngiti dito... ngiting may halong....... ewan.....basta... hindi ko na lang pinansin)

Ako: ba...ba.. baba na na na tayo? (nag-aalangan kong tanong, nakangiti pa din ito at tumango bilang tugon)

Agad na nga naming tinungo ang pintuan para makalabas, pinauna ko siya at sa pagtalikod niya ay ay agad akong napahawak sa dibdib ko ay palihim na sumagap ng hangin para magkalakas (whhhhhhhhhhhhhhhooooooooooooooo.. grabe ih!)

Nang makababa ay agad akong tumungo sa kinatatayuan ni anthony at si ian naman ay sumunod lang sa akin

Ako: ano kamusta? Pasensya na ha at hindi kita masyado naasikaso (pahingi ko sorry sa kadahilang ako ang nag-aya sa kanya tas ay parang napabayaan ko sya)

Anthony: ok! Lang iyon, nag-enjoy naman ako sa sa pakikipag-usap kay tita pati kay john at angel, dami ko nalaman tungkol sayo (natatawa nitong nasabi sa akin)

Ako: hala, ano mga sinabi nila (nag-aalala kong naitugon)

Anthony: secret! (natatawa ito sa naging reaksyon ko)

Ako: kainis naman (parang bata kong naisatinig), ah eh anthony gabi na hatid na kita baka lalo ka pang gabihin 

Anthony: ako itong may sasakya tas ako ang ihahatid mo? (natatawa na ulit ito)

Ako: ah eh.. sige na nga wag na (nakasimangot ko kunong pagkakasabi dito)

Anthony: hatid mo na lang ako sa gate, pwede ba iyon? (akangiti nitong sabi na tinugunan ko din naman bilang sagot),  ah tita, mauuna na po ako, salamat po pala ng marami (nakangiti nitong pagpapaalam kay mama)

“Ganoon ba iho, sige mag-ingat ka sa pagmamaheno ha!” pagpapaalam at pagpapaalala ni mama dito

Anthony: sige po tita salamat po ulit!, (sabay tingin nito kay na john at angel para magpaalam na din at mukhang close na din sila, nakakatuwa silang tingnan.. hehe)

Ako: ma, ian, sandali lang hatid ko lang (tumango lang sa akin sila at pagkatapos ay agad na rin naming tinungo ang labasan

Nang makarating na kami sa kotse ay...

Ako: salamat anthony, laki na utang ko sayo

Anthony: wala sa akin yon, basta ang alam ko masaya ako (makahulugang nasabi nito, at nginitian ko na lang siya)

Ako: ingat ha!

Anthony: opo boss, ikaw ang mag-ingat

Ako: opo lagi akong nag-iingat

Anthony: kay ian (bulong nito na hindi ko naman nadinig)

Ako: ano?

Anthony: goodnight na (at sa sunod niyang ginawa ako sobrang nagulat, bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit), salamat (bulong nito sa akin)

Nakakapanghina ang yakap na iyon kaya hindi na ako nakaimik pa at hinayaan ko na lang ang tagpong iyon, buti na lang at wala nang tao sa oras na iyon.. dahil ko hindi gagamitin ko sa kanila ang kapapatino ko palang na si SAI-HA at SET-SU-NA (yes naisingit ko din ito.......hahaha)

Si anthony na din ang unang kumawala at nagpasalamat ulit ito hindi na ako nakatugon sa kadahilanang hindi pa din ako nakakarecover, kasi kasi naman talaga........ hehehehe

Agad nang sumakay si anthony sa kotse niya, pagkasakay na pagkasakay ay agad din niyang ibinaba ang bintana sa tabi niya at ngumiti ito sa akin na tinugunan ko din naman

Ilang sandali pa ay nagpaalam ulit ito at kasabay noon ay ang pagpapaandar na nito sa sasakyan niya at habang tinatanaw ko ang paglayo niya ay inilabas niya ang kamay niya sa bintana at kumaway ito na parang nagbababye. Nang hindi ko na nga matanaw ang sasakyan nito ay ay agad na din akong pumasok at sa aking pagpasok ay tumambad sa akin ang seryosong mukha ni ian


Itutuloy...............

12 comments:

Master_lee#027 said...

Hmm ,,hala ang ganda na ehe .........salamat at nakapag post na rin ahah tagal ku hinitay eh .......

Anonymous said...

Naisingit pa mga flame dragon ni recca ahh hehe:) wooh selos na naman si ian kasi kasi sabihin mo na na gusto mo si fugi... sensya na ngayon lang ulit nag comment...=dereck=

James Chill said...

Fugi?? Mga ilang chapters pa bago sila mag aminan para yung kilig ko di nauudlot.. Hahaha.. Sa ligawan portion na kasi na formal yunh dapat alam na ni fugi(sa kwento)... Please fugi (mr.author)!!!!..

At talagang pati flame of recca naisingit mo huh... Hahaha... Try mong isingit ang looney tunes! Haha...

Fugi!!!! Dami pa ding kilig!! Kelan next!!! (pressure)

Hahaha...

MARK13 said...

aytz,ang ganda nman ng chater n2 fugi,dming mga trivia bout anime,astig tlaga,hahaha,gudwork fugi,nxt chapter n uli pra mxaya,hehehe,..and more trivia s mga anime,love it so much,hahaha^^;

DownDLine said...

bakit di na ako mention??? ahaha tampo na ako FUGI!.. wait basa muna

Mr. Brickwall said...

Fuji! sinong fuji ba yan? may fave kasi kong anime e, bka pareho yun s fuji na gamit mu. haha. tyak di mo ko kilala. e ang sipag ko ba naman magbasa pero chapter 30s na ko magcocoment. hahaha.

isang tanong isang sagot.....

KAILAN BA KASI?

Hahaha. nikikilig na kasi ko e.

to nong gal man na ging la ni ya yan! nip na ko!
ay ya yan ko to!

hahahaha. :)

Lawfer said...

yakap lng? nu b yan hina ng manok namin x.x

fuji paparamhin m eksena ni anton o ipapasunog kta? *draws the sign of koku*

Unknown said...

wawa naman c pareng ian..! peo kung ganun nga ung katawan ni pareng ian, im sure mapapa-kasi kasi kasi din ako.. hehe

--makki-- said...

ayayayay! BOYCOTT na to! hahahahaha

dinehado manok natin eh! LOL

Lloydie :) said...

ahahahaha ganda ng part na to.. ahahaha good work author ,, hihihihi anu namn kya gagwin ni ian ... hmmmmmmmmm.... ???????

marL said...

Salamat sa update kuya fugi. Hehehe

whhaaaaaaa kinikilig nnman ako kay FUGI at IAN. hahahaha

Yumakap pa kc c anthony ee yan 2loy nakasimangot c ian baka d pa ma2loy ung sleepover ni fugi kala ian ahh. i hope ma2loy nmn Hehehehe.

slushe.love said...

Gusto ko ung "aalis tayo ng hubad ako" :)) Ian is such a tease! Nakakaloka! Can't wait for the next chapter. :D

Post a Comment