----) Bago nyo basahin ang Pahina na
ito ay sana ay alisin nyo muna ang lahat ng mga naisip, hula o expectations nyo
sa mga mangyayari dito kasi maaano lang kayo, maaano nga ba?? Hehehe......
Basta para kasing may gusto na agad kayong mangyari, yon lang ang nararamdaman
ko.... at pag na gawa ninyo iyon ay ay pihadong maeenjoy nyo ang pagbabasa
nito, pero kung hindi ay sya... pasensya na lang po!
------) Nais ko din humingi ng
pasensya dahil medyo natagan, pero hindi naman ganoon katagal, di ga?? Hehe may
inasikaso lang pong mga dokumento at bawing bawi naman ako kasi dalawang
chapter na ito na na pinag-fusion ko.. hehe
----) Sa na kamiss ng mga trivia ay
kahit po ako talaga ay namiss ko din kaso hindi ko talaga mapilit lagyan ng
basta basta kasi iniaayon ko di at dapat nasasabi ko hindi basta nalang pinilit
ilagay
@ Sa mga bago na sina: Lloydie,
empire, kevinblues.... HI PO!
@robert_mendoza94@yahoo.com
(ngangayon ka na lang ulit ata nagcomment ano? Busy ba??
@ sa dalawang member ng
CO-OP at UNION na si RUE at MAKKI,, nagbabagya na naman kayo ng malawakang
boycoot ha! LOL
@ sa lahat nang
nagcocoment, pasensya na kung hindi ko kayo maiisa isa ulit ha! Pero alam nyo
naman kung sino kayo at kilala ko na kayo kaya pagmay absent ay pinupuna ko..
hehehe salamat salamat.. may rolcol ako sa next chapter ha dapat present
lahat.. hehe
@ sa mga NABITIN ulit sa nagdaang
Pahina “CHURI NAMAN”.... hehehe
@ sa mga lihim na tagasubaybay.. TY po!
Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po
ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang
naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa
based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na
author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA
TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman
ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento
--------> me na me na ulit si FUGI
Nang
makabihis ako ay agad din akong bumaba, nang makababa ay agad kong napansin na
parang may pinag-uusap sina anthony at ian, kaya ng medyo makalapit na ay agad
kong pinaramdan ang prisensya ko
Ako: anong
pinag-uusapan natin dyan? (naitanong ko na pumukaw sa kanilang atensyon at
naging dahilan para mapaharap silang dalawa sa kinaroroonan ko, bigla din
nagtama ang tingin nilang dalawa para bang nagsesenyasan kung sino ang dapat
magpaliwanag)
Agad uling
tumingin sa akin si ian kaya naman sa kanya ko itinuon ang atensyon ko at nang
ibubuka na niya ang kanya bibig ay bigla namang
“mga anak,
nakahanda na ang hapunan, kain na tayo” nakangiting paanyaya ni mama sa amin
sabay lapit niya sa kinatatayuan nila john para kunin si angel at alalayan ito
sa pagkain
Humarap muli
ako sa tayo nila anthony at ian
Ako: tara na
(sabi ko sa kanilang dalawa at napansin kong napabuntong hininga na lang si ian
na di ko na pinagkibit balikat ko na lang kahit si anthony ay parang.... parang
may nag-iba sa kanya.. at parang may malalim na naman itong iniisip, pero
pinabaayan ko na lang muna dahil tinawag na ulit kami ni mama na sa puntong
iyon ay nasa hapag na kaya agad na naming tinungo iyon)
Nang nasa
tapat na kami ng dining table ay agad din kaming naupo ako sa tabi sa gilid ni
mama na kalong kalong si angel na nasa tayo ni papa nakatayo sa may pinakadulo,
samantala ay si john naman ang katapatan ko, napasin ko namang nakatayo pa rin
ang dalawa
Ako: yon
mama oh! Ayaw pa umupo nila, mukhang ayaw ng niluto mo (biro ko sa kanila
habang nakatingin sa kanila)
Ian: tita
hindi po, inantay ko lang makaupo kayong lahat na may-ari ng bahay na makaupo
(pagpapalusot nito at nagingiti itong inipod ang silya sa tabi ko at umupo
doon)
Ako:
a-e-na-o (expresyon ko po talaga iyan), galing lumusot ah! (natatawa kong bira
sa kanya... hehe..... at ngiting nakakaloko lang ang itinugon niya sa aking na
parang nagsasabi na “syempre, ako pa!”)
“anthony
iho, doon ka na maupo sa katabi ni john” pagsingit naman ni mama
Anthony:
o..opo tita (sabay lapit nito sa upuan at umupo na)
Nginitian ko
na lang si anthony pagkaupo nito at tinuguan naman niya ito
Bago kami
nagsimula ng hapunan naming iyo ay si anthony ang itinuro ko para sa invocation
(wow makaterm lang, para tuloy event lang... hahaha), nagulat man ay hindi
naman siya nagreklamo bagkus ay agad din niyang sinimulan (sa ngalan ng ama,
nang anak, nang diyos, espirito,
santo..........................................................................................amen)
Pagkatapos
ay nagsimula na kami sa pagkain, napuno ng kwentuhan, tawanan at kung anu-anu
pa kaya naging masaya ang tagpong iyon
“mga iho
(pagtawag ni mama ng atensyon nina anthony at ian na pumukaw naman sa aming
lahat), nakikita ko kung gaano kahalaga sa inyo ang isat-isa, sana ay lagi
ninyong pagpapasensyahan ang anak ko at
alalayan nyo ha... masyado kasi yang (pagtingin sa akin ni mama na
natatawa sa puntong iyon), lampa (na tumawa na nga si mama)”
Ako: ma!
(parang batang pagsuway ko)
“biro lang
anak” (natatawa pa ring sagot sa akin ni mama)
Bigla namang
singit ni............
Anthony: ako
pong bahala kay fugi tita (nakangiti nitong sabi kay mama at agad ding paling
sa akin nito)
Bigla naman
imik ng nasa tabi ko.........
Ian: KAMI
(may diin nitong sabi... parang!) na pong bahala dito sa pasaway at lampang ito
(natatawa nitong lahad sabay lagay ng kamay niya sa buhok ko at ginulo iyon)
Ako: sige
pagtulungan nyo ako (ang bata bataan kong pagmamaktol habang inaalis ko ang
kamay ni ian sa ulo ko at nagtawanan lang sila sa akin..... kasi kasi)
“salamat mga
iho” nakangiting sambit nito sa dalawang mokong at magiliw na mga ngiti naman
ang itinugon ng dalawa
Nasa ganoon
kaming tayo ng biglang pagpaparamdam ng makulit na bata
Angel:
low-la sog na, to ko ake..... (“lola, busog na, gusto ko cake” sabay pigil niya
sa kutsarang isusubo sana sa kanya ni mama at turo sa cake na dala binili ni
anthony.................. napuno ng tawanan ang hapag dahil sa inasal niya)
Ako: a-ka-la
ko bu-sog ka na gey-gey, ba-wal na ku-ma-in ng cake (natatawa kong pagpapantig
ng mga sinasabi ko sa kanya)
Angel: to
nong to ko ake (“tito ninong, gusto ko ng cake” sabi nito na parang naiiyak na)
Ian: hala
pinapaiyak mo kasi (pangbaba-uy nito sa akin)
Ako: i-to na
ku-ku-ha na ti-to ni-nong ng cake (sabay kuha ng platito ay knife para slice
ang cake, pagkatapos ay nilagyan ko lang ng medyo maliit na hiwa si angel ay
agad nga sumilay ang ngiti sa mukha nito, napahagikhik na lang kaming lahat na
nandoon... hehe)
Nang matapos
ay agad na sana kaming tutungo ng sala para magpahinga ng bigla akong pigilan
ni bunsoy...........
John: kuya
ikaw nakatoka ngayon para sa pinagkainan ha! (pagpapaalala nito)
Ako: ako ba?
(maang kong panimula), pwede bang ikaw na lang may pupuntahan kasi kami ni ian
(pagdadahilan ko dito, baka lulusot)
John: kuya
naman ako na nga kahapon ih! (nagmamaktol nitong sabi sa akin at sa puntong
iyon ay lumapit na nga sa akin si ian habang sila anthony naman ay nakatingin
lang)
Ian:
tulungan na kita para mapabilis (nakangiti nitong sabi sa akin)
Ako:
hi.....hindi ako na lang, mahinga nalang kayo sa salas (nakangiti kong sabi
dito, pagkatapos ay sabay harap ko naman kay anthony....), anthony pahinga muna
kayo sa salas para makapagpahughog kayo (nakangiti ko ring sabi dito)
“oo nga mga
iho, doon na muna tayo, at gagawin muna ni fugi ang nakatangan sa kanya”
nakangi ring paanyaya ni mama
Ian: tita,
tulungan ko na lang po si fugi (nakangiti ito sa aking ina sabay patong naman
nito ng dalawang kamay nito sa magkabilang balikat ko at tingin sa akin) tara
na (pagsegunda nito sa akin at minaniobra na nga ako nito patungo sa kusina at
wala na akong nagawa pa)
Si ian na
ang nag-ayos ng hapag at nagdala ng mga pinagkainan namin samantalang ako naman
ang naghuhugas (kakakilig tuloy parang.... hala wag na nga...... hahahaha kasi
kasi.......... at nangingiti nalang ako sa puntong iyon ng paghuhugas ko)
At sa
pag-iisip kung iyon ay ay hindi ko namalayan na nakalapit na pala si ian sa
akin
Ian: kung
makangiti ka ah! Ako ba dahilan nyan? Wag ganun! (nakangiti itong nakakalokong
nakatingin sa akin)
Hindi ko
naman alam ang gagawin ko sa puntong iyon dahil sapol sa target (parang si Vash
Stampede lang kung makatama. Hahaha... naalala ko lang sya.. tanda nya ba sya
mga pipzzz?)
Eto sya para marefresh ang utak nyo:]
Ako: ah
eh... (sabay wisik ko ng tubig mula sa umaagos na gripo habang ako ay
naghuhugas), may na alala lang ako (pagdadahilan ko), at at at saan mo naman
napulot na ikaw ang dahilan, abat ang lakas............ (hindi ko naituloy
dahil...... dahil bigla inilapit ni ian ang mukha niya sa akin na halos na
halos muntikan na maglapit ang ilong namin)
Ian: bakit
hindi ba pwedeng ako ang dahilan (nasambit nito sa pagitan ng titigan namin
iyon, na out of function naman ang systems ko dahil sa ihindi malaman ang
gagawin ko sa puntong iyon kung iiwas, iimik, hihinga ng malalim dahil dahil
parang nalulunod ako.. kasi kasi... naramdapan ko nalang ang pag-init ng pugon
sa pisngi ko......)
Agad namang
lumayo si ian sa akin at....
Ian:
namumula ka na oh! (humahagikgik nitong puna.... halatang halata naman talaga
sa akin ang reaksyon na iyon kaya agad din akong napatungo...... kasi kasi
naman ih!), joke lang, niloloko lang kita, nakakatuwa ka talagang biruin
(humahagikgik ito sabay kuha sa mga platong babanlawan ko na sana)
Agad ko
namang itinapat ang kamay ko sa umaagos paring tubig sa at nang makaipon ng
sapat na tubig ay iwinisik ko ulit ito sa kanya
Ako: asar ka
talaga (naisatinig ko na lang at tumawa lang ang mokong sa akin)
Ian: yan
basa na tuloy ako, paano ba yan dito, aalis tayo ng hubad ako (sabay harap nito
sa akinat mwestra ng damit niya, at napansin ko ngang malaking bahagi nga ng
kanyang suot na damit ay nabasa dahil sa ginawa kong pagsaboy ng tubig sa
kanya)
Ako: kasi
kasi ikaw (ang pagdadahilan ko sa kanya, bigla nya naman inilagay ang mga kamay
nya sa laylayan ng damit nya at akmang huhubadin ito, bumilis naman sa puntong
iyon ang aking reflexes, agad kong hinawakan ang mga kamay niya, na pumigil sa
mga maaari niyang gawin pa), a.....anong ga..gawin m...moo? (nag-aalangan kong
sabi)
Ian: binasa
mo ih! Di huhubadin ko (sagot nito)
Ako: wag
dito...... (hindi pa ako tapos ay bigla naman ang pagsingit nito)
Ian: bakit
saan mo ba gusto? (humagikgik ang loko)
Ako: tigilan
mo nga yang pangtitrip mo ha! (hindi ko na nalalaman anong reaksyon, emosyon ng
mga panahon na iyon dahil basta...mixed eh!.. hahaha.... kasi kasi,,, at ang
mokong ay tumawa lang ng tumawa), inatayin mo na lang ako, tatapusin ko na ito,
umupo ka na lang dyan (at agad ko nang iniharang ang sarili ko sa lababo para
hindi na sya sumingit pa at naramdaman ko na lang ang pag-alis niya at narinig
ko ang pag-ipod ng silya at naupo na siguro sya)
Nakahinga
ako ng maluwag akala ko ay kakailanganin ko pa ang dying will bullet ni reborn
para lang makarecover (wow!. Yes naisingit ko na sya... hehehe)
Agad kong
binilisan ang ginagawa ko dahil baka magkasakit pa sya dahil sa kagagawan ko
Pagkatapos
na pagkatapos ay agad akong humarap sa kanya
Ako: tara sa
kwarto (bilang doon nalang sya magpalit at para makapili din sya ng maisusuot
nya sa mga damit ko panigurado naman na magkakasya sa kanya ang mga iyon dahil
hindi naman ako bumibili ng mga fitted na shirt, mas ok sa akin na medyo malaki
pa presko)
Ian: wag po!
(sabay hawak nito sa neck ng kanyang damit na parang gina-guard niya ang
katawan niya)
Agad naman
akong lumapit sa kanya at walng sabi sabi ay binatukan ko ang mokong
“Ahhhh”
naibulalas niya sabay himas sa gawi kung saan ko sya binatukan “niloloko lang
ih!” nakasimangot itong nakatingin sa akin na lihim ko naman ikinatuwa
Ako: quota
ka na, kanina ka pa ih! Tara nasa kwarto ko para makapagpalit ka na (may
awtoridad kong utos sa kanya sabay talikod ko dahil hindi ko na talaga
mapigilan ang pagngiti dahi sa itsura niyang iyon, kasi kasi..... bakit ba
sobrang ano nya.......... hehehe)
Agad na nga
namin nilisan ang dining area at nang makalapit kami ng hagdan ay napanisin
kong nagkakatuwaan pala sila mama, john, angel at anthony. Agad din nila kaming
napansin
“ano
nangyari sa damit mo ian” pagpuna ni mama na may himig pag-aalala, agad ko
namang sinagot
Ako: ma
hindi kasi marunong, yan tuloy nag-la-ti-ti lang tuloy sya (pagdadahilan ko na
lang at agad ko ngang tiningnan din si ian para babalaan at nakangiti lang pala
ito sa akin, agad kong iniiwas ang tingin ko, kasi parang... parang basta...
kasi naman ih!)
“sya
pahiramin mo nalang ng damit mo para makapagpalit” naisagot na lang nito
Ako: opo ma!
(tugon ko naman, nadako naman ang tingin ko kay anthony na sa puntong iyon ay
sa akin din nakatingin, nginitian ko ito at..), anthony, sandali lang ha! (at
tumungo na lang ito sa akin)
Naglakad na
nga ako at pumanhik na habang ramdam kong nakasunod lang si ian sa akin. Nang
makapasok na kami sa silid ko ay agad kong tiningo ang cabinet ko para kumuha
ng towel, pagkakuha ay agad ko itong dinala sa kinatatayuan ni ian sabay abot
dito......................
Nagulat
nalang ako sa ginawa niya sapagkat imbis na kuhanin kun g towel sa iniaabot ko
sa kanya ay hinubad nito sa harapan ko ang basa pa rin nitong damit
Napatulala
na lang ako sa ginawa niya iyon, ang ganda ng katawan niya, hindi sya ganoon
ka-kalaki katulad nang sa mga maskuladong lalaki na halos pumutok na ang mga
muscle na parang minsan nakakatakot nang tingnan, pero sobrang...... (sorry sa
term mga pipz ha!) sobrang YUMMY, tama lang ang laki ng dibdib nya, tas yung sa
bandang tyan nya ay napo-form na ang abs nya, at at hindi rin nakaligtas ang
mapupula at tama lang na laki na mga nipples niya lalong lalo na ang ang
lumalago nang hair mula sa navel (pusod) hanggang sa ilalim nang suot niyang
short (grabe talaga... kasi kasi kasi kasi... whhhhhhhhhhoooooooooo..)
Parang ganito yun
Nasa ganoon
ako pagkatulala nang nang magising ang aking ulirat sa pagkuha ni ian sa towel
na hawak ko at ipinunas na nya sa katawan nya, habang nagpupunas sya
ay..........
Ian:
napatulala ka? (nakangiti ito pagtaas ko ng tingin sa kanya)
Ako: ah..
eh.. ini...isip ko yung da..damit na ipa..pahiram ko sa...yo, a..ano bang gusto
mong kulay (sabay talikod dito, kasi kasi ano nga bang inasta ko kanina... kasi
naman talaga ako..... narinig ko nalang na humahagikgik ang mokong.. hindi ko
nalang ito pinansin pa at agad kong tinungo ang cabinet para ihanap na sya ng
masusuot nang matakpan na ang temtasyon........ hehehe.. kasi kasi)
Sa puntong
iyon ay hindi ko na naman namalayan ang paglapit ng temtasyon sa likod ko sabay
sabing nang
Ian: yan ok
na yang hawak mo (agad naman akong napaharap sa kanya at at sobrang lapit namin
sa isat isa kahit katawan namin, kasi kasi nakita ko na naman ang temtasyon,
palihim akong napalunok.. kasi talaga............pwede bang i-fast forward na
lang??? kasi kasi ih!
Agad namang
gumana ang utak ko at katawan ko, salamat at isa ako sa naturuan para maabot
ang SANIN MODE kaya nahigop ko ang mga SHAKRA sa paligid at nagkalakas
ako........ (hahaha yes naisingit ko din ito.. hahaha)
Ako:
ba....bagay nga ito sa......yo (naiilang ko pa ding sabi sabay lapat ng damit
na hawak ko sa katawan niya para matakpan ang temtasyon.. kasi talaga... hehe)
o! (nasambit ko na lang ulit sabay bato ko na ng damit sa katawan nya na agad
naman niyang nasalo sabay ay layo ko na sa temtasyon, humahagikgik ulit ang
moko... hindi ko naman na kompronta dahil hindi sapat ang shakrang nakuha ko sa
environment kasi kasi kasi mas malakas ang ibinibigay niyang temtasyon.......
kasi kasi..... hehehe), una na ako sa baba ha, doon ka na lang namin aantayin
(nakatalikod kong sabi sa kanya habang tinutungo ang pintuan ng silid ko)
Ian: intayin
mo na lang ako (nagulat ako ng hablutin na nito ang kamay ko at iharap sa
kanya, nakita ko namang nasa leeg at sa isang kamay nya palang nakasuot ang
damit na ibinigay ko kay naman malaking bahagi ng katawan nya ay nananatiling
naka exposed sa pagharap kong iyon sa kanya....... ahhh! Temptation..... hehehe
kasi kasi kasi kasi kasi...... wala na akong nagawa kung hindi ang ang mapanod
ang pagbibihis nya, no choice... hehe at nang mapatungo ang tingin ko sa
kanyang mukha, nakatingin pala ito sa akin at may na kaplaster na ngiti dito...
ngiting may halong....... ewan.....basta... hindi ko na lang pinansin)
Ako:
ba...ba.. baba na na na tayo? (nag-aalangan kong tanong, nakangiti pa din ito
at tumango bilang tugon)
Agad na nga
naming tinungo ang pintuan para makalabas, pinauna ko siya at sa pagtalikod
niya ay ay agad akong napahawak sa dibdib ko ay palihim na sumagap ng hangin
para magkalakas (whhhhhhhhhhhhhhhooooooooooooooo.. grabe ih!)
Nang
makababa ay agad akong tumungo sa kinatatayuan ni anthony at si ian naman ay
sumunod lang sa akin
Ako: ano
kamusta? Pasensya na ha at hindi kita masyado naasikaso (pahingi ko sorry sa
kadahilang ako ang nag-aya sa kanya tas ay parang napabayaan ko sya)
Anthony: ok!
Lang iyon, nag-enjoy naman ako sa sa pakikipag-usap kay tita pati kay john at
angel, dami ko nalaman tungkol sayo (natatawa nitong nasabi sa akin)
Ako: hala,
ano mga sinabi nila (nag-aalala kong naitugon)
Anthony:
secret! (natatawa ito sa naging reaksyon ko)
Ako: kainis
naman (parang bata kong naisatinig), ah eh anthony gabi na hatid na kita baka
lalo ka pang gabihin
Anthony: ako
itong may sasakya tas ako ang ihahatid mo? (natatawa na ulit ito)
Ako: ah eh..
sige na nga wag na (nakasimangot ko kunong pagkakasabi dito)
Anthony:
hatid mo na lang ako sa gate, pwede ba iyon? (akangiti nitong sabi na tinugunan
ko din naman bilang sagot), ah tita,
mauuna na po ako, salamat po pala ng marami (nakangiti nitong pagpapaalam kay
mama)
“Ganoon ba
iho, sige mag-ingat ka sa pagmamaheno ha!” pagpapaalam at pagpapaalala ni mama
dito
Anthony:
sige po tita salamat po ulit!, (sabay tingin nito kay na john at angel para
magpaalam na din at mukhang close na din sila, nakakatuwa silang tingnan..
hehe)
Ako: ma,
ian, sandali lang hatid ko lang (tumango lang sa akin sila at pagkatapos ay
agad na rin naming tinungo ang labasan
Nang
makarating na kami sa kotse ay...
Ako: salamat
anthony, laki na utang ko sayo
Anthony:
wala sa akin yon, basta ang alam ko masaya ako (makahulugang nasabi nito, at
nginitian ko na lang siya)
Ako: ingat
ha!
Anthony: opo
boss, ikaw ang mag-ingat
Ako: opo
lagi akong nag-iingat
Anthony: kay
ian (bulong nito na hindi ko naman nadinig)
Ako: ano?
Anthony:
goodnight na (at sa sunod niyang ginawa ako sobrang nagulat, bigla niya akong
niyakap ng sobrang higpit), salamat (bulong nito sa akin)
Nakakapanghina
ang yakap na iyon kaya hindi na ako nakaimik pa at hinayaan ko na lang ang
tagpong iyon, buti na lang at wala nang tao sa oras na iyon.. dahil ko hindi
gagamitin ko sa kanila ang kapapatino ko palang na si SAI-HA at SET-SU-NA (yes
naisingit ko din ito.......hahaha)
Si anthony
na din ang unang kumawala at nagpasalamat ulit ito hindi na ako nakatugon sa
kadahilanang hindi pa din ako nakakarecover, kasi kasi naman talaga........
hehehehe
Agad nang
sumakay si anthony sa kotse niya, pagkasakay na pagkasakay ay agad din niyang
ibinaba ang bintana sa tabi niya at ngumiti ito sa akin na tinugunan ko din
naman
Ilang
sandali pa ay nagpaalam ulit ito at kasabay noon ay ang pagpapaandar na nito sa
sasakyan niya at habang tinatanaw ko ang paglayo niya ay inilabas niya ang
kamay niya sa bintana at kumaway ito na parang nagbababye. Nang hindi ko na nga
matanaw ang sasakyan nito ay ay agad na din akong pumasok at sa aking pagpasok
ay tumambad sa akin ang seryosong mukha ni ian
Itutuloy...............
12 comments:
Hmm ,,hala ang ganda na ehe .........salamat at nakapag post na rin ahah tagal ku hinitay eh .......
Naisingit pa mga flame dragon ni recca ahh hehe:) wooh selos na naman si ian kasi kasi sabihin mo na na gusto mo si fugi... sensya na ngayon lang ulit nag comment...=dereck=
Fugi?? Mga ilang chapters pa bago sila mag aminan para yung kilig ko di nauudlot.. Hahaha.. Sa ligawan portion na kasi na formal yunh dapat alam na ni fugi(sa kwento)... Please fugi (mr.author)!!!!..
At talagang pati flame of recca naisingit mo huh... Hahaha... Try mong isingit ang looney tunes! Haha...
Fugi!!!! Dami pa ding kilig!! Kelan next!!! (pressure)
Hahaha...
aytz,ang ganda nman ng chater n2 fugi,dming mga trivia bout anime,astig tlaga,hahaha,gudwork fugi,nxt chapter n uli pra mxaya,hehehe,..and more trivia s mga anime,love it so much,hahaha^^;
bakit di na ako mention??? ahaha tampo na ako FUGI!.. wait basa muna
Fuji! sinong fuji ba yan? may fave kasi kong anime e, bka pareho yun s fuji na gamit mu. haha. tyak di mo ko kilala. e ang sipag ko ba naman magbasa pero chapter 30s na ko magcocoment. hahaha.
isang tanong isang sagot.....
KAILAN BA KASI?
Hahaha. nikikilig na kasi ko e.
to nong gal man na ging la ni ya yan! nip na ko!
ay ya yan ko to!
hahahaha. :)
yakap lng? nu b yan hina ng manok namin x.x
fuji paparamhin m eksena ni anton o ipapasunog kta? *draws the sign of koku*
wawa naman c pareng ian..! peo kung ganun nga ung katawan ni pareng ian, im sure mapapa-kasi kasi kasi din ako.. hehe
ayayayay! BOYCOTT na to! hahahahaha
dinehado manok natin eh! LOL
ahahahaha ganda ng part na to.. ahahaha good work author ,, hihihihi anu namn kya gagwin ni ian ... hmmmmmmmmm.... ???????
Salamat sa update kuya fugi. Hehehe
whhaaaaaaa kinikilig nnman ako kay FUGI at IAN. hahahaha
Yumakap pa kc c anthony ee yan 2loy nakasimangot c ian baka d pa ma2loy ung sleepover ni fugi kala ian ahh. i hope ma2loy nmn Hehehehe.
Gusto ko ung "aalis tayo ng hubad ako" :)) Ian is such a tease! Nakakaloka! Can't wait for the next chapter. :D
Post a Comment