Tuesday, March 13, 2012

Ikaw ang aking Pangarap (Pahina 35)


By: FUGI

-------) sa mga nabitin sa last chapter at naglahad ng kanilang pagtatangkang kitling ang aking buhay nais kung ipaalam na kakasuhan ko po kayo for threatening me (wow.... hehe)..... JOKE.. hahaha, SORRY naman po... ito na po ang kasunod at sana ay..... mabitin ulit kayo.. hehehe joke lang.. syempre sa dulo nito laging may word na ITUTULOY.. haha

@ sa isang mark (yung about sa trivia ay ay wala pa po ulit ako maisip, ayon naman po bigla bigla ko lang nagagawa pag sa pagsusulat ko ay naisingit ko ang mga term na pang nursing tas bibigyan ko sya ng konting info para sa mga hindi natin colleagues, ayaw ko naman pong ipilit iyong pagtitrivia kasi pag it comes naturally (wow!) mas nagiging masaya ang nagagawa kong trivia.. at about sa hinihiling mong POKEMON ok po isasama ko sya sa mga susunod na chapter hehehe at at ang sagot doon sa ecg tracing na ibinigay mo ay MYOCARDIAL INFARCTION, tama ba????)

Salamat salamat po sa mga sumusuporta sa kwentong ito at syempre sa lahat ng mga nagko-comment........... hindi ko po muna ulit ko kayo maiisa isa sa kadahilanang napagod ang utak ko dahil pinilit kong tapusin ang pahinang itong

Eto na po ang kasunod, natakot ako sa inyo ih! Hehehe ENJOY!

Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.

Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento






-------> IAN (take it over:])

Kanina pang naglalaro sa isip ko ang napag-usap namin ni anthony sa library kanina nung naiwan kaming dalawa dahil naghahanap na ng mga references si fugi at janine para sa gagawin nilang report, hindi ko alam pero naiinis ako sa sarili ko dahil hindi man lang ako nakabwelo, parang napaghandaan nya ako ng taong ito

Anthony: tol! (pagtawag nito ng pansin sa akin habang ang tingin ko ay nasa dako ni fugi)
Ako: o bakit pare? (pagharap ko na dito)

Anthony: lagi na naman kayong magkasama ni fugi, sabay pa nga sa pagpasok di ba? (simula nito, nararamdaman ko na may gustong puntuhin ang mokong na ito pero hinayaan ko lang na magpatuloy ito), may usapan kasi kaming lumabas mamaya pagkatapos ng klase, kaya sana ay masolo ko naman siya tol para makapagbonding din naman kami katulad nyo, salamat tol (nakangiti itong parang nang-aasar sabay tapik nito sa balikat ko, na parang nangangahulugang wala na akong magagawa)

At ganoon nga ang nangyari wala akong nagawa at nung mga oras na ng kanilang pag-alis ay  pinanood ko nalang ang pagtangay ng epal na anthony na iyon kay fugi palayo sa akin

Pinaghalong inis, galit at at at at selos?? (kahit ako ay nagtataka na sa pagbibigay ng pangalan sa huli kong nararamdam ng aking utak)

Selos?? Ang nasabi ko sa sarili ko

Napabuntong hininga na nga lang ako

Nakauwi na ako sa bahay pero malayo pa rin ang tinatakbo ng utak ko, kahit na nakahiga na ako sa kama ko ay hindi pagtulog ang naiisip ko kung hindi si si si si fugi

Aaaargghhhhhhhhh.. sigaw ng utak ko at dahil dun at nagpabaling baling na lang ako sa kama ko
 
Maya maya ay nasabi ko na lang sa sarili ko na.............. “Babawi ako”

At may naisip nga ako magandang ideya, pilit ko munang magpahinga at ipagmamaya na muna ang naisip ko dahil alam ko naman na baka pa makauwi mula sa lakad nilang iyon si fugi

Lumipas ang oras at nagising ako ng mag-aalasingko na, agad akong naghanda, naligo, nagpalit ng suot, maong short, plain v-neck black shirt at pagkatapos ay bumaba na ako at nagpaalam na ako kay mama na nasa garden at pagkatapos ay binuksan na ang gate pagkatapos ay inilabas ko na ang kotse ko, nakita kong si manang na ang nagsara ng gate kaya nagtuloy tuloy na ako sa pag-alis

Nang mapatapat na ako sa bahay nila fugi ay tinamaan naman ako ng hiya kung itutuloy ko pa ba ang plano ko pero...

“nandito na ako, lakasan na lang ng loob” nasabi ko sa sarili ko

Agad akong lumabas ng aking sasakyan at pagkatapos ay tinungo na ang gate nila fugi at nagdoorbell. Maya maya ay tumabas ang mama ni fugi at pagkakita nito sa akin ay bigla na lang sumilay ang mga ngiti nito sa kanyang mukha

Nang makalapit si tita ay agad naman ako nitong pinagbuksan ng gate, agad ko namang kinuha ang kanang kamay nito at nagmano

Ako: ti...ta magandang hapon po (nahihiya kung bati sa kanya)

“o! iho, magandang hapon di naman” nakangiti nitong nasambit sa akin, “si fugi ba ang sadya mo?” dagdag na tanong nito 

Ako: opo sana tita, nan....dyan na po ba? (nag-aalangan kong itanong)

“Pasok ka muna iho” anyaya ni tita at tumuloy naman na ako

“Ian, iho hindi pa siya dumadating, may pinuntahan ata ang batang iyon, akala ko nga ay ikaw ang kasama” ang mga nasabi ni tita

Ako: paano kasi tita dapat ay kasama ako sa lakad nila ng kaklse din namin ay may importante po kasi akong kailangang gawin kanina kaya po hindi ako nakasama sa kanila (pagsisinungaling ko na lang), kaya po ako nagpunta dito ay para bumawi sa kanya (dagdag kong sabi)

“ganoon ba iho? Sige intayin mo nalang sya dito at dito ka na din maghapon, ok! Bawal tumanggi” nakangiting paanyaya ulit nito sa akin

Ako: ah... eh si..sige po tita (nahihiya kong naitugon), nga pa..pala po tita ipagpapaalam ko din po sana si fugi na.................................................

Hindi naman ako nagdalawang sabi kay tita at agad niyang pinayagang sumama sa akin si fugi basta’t mag-ingat lang daw kami, at inassure ko na may siya sa bagay na iyon

Nang makapasok na kami ni tita sa loob ng bahay nila ay sinalubong naman ako nina angel at john kaya naman napangiti nalang ako sa puntong iyon

Angel: ya nan! (alam kong puros mga dulo ng mga salita palang ang kaya nitong pantigin ayon na rin sa sinabi ni fugi pero madali ko naman naintindihan ang sinasabi nito dahil sa naging mga pag-uusap nila ng ninong fugi niya ng maparito ako kamakailan), ya nan! (tawag ulit nito sabay lapit sa akin at biglang yapos sa mga binti ko)

Agad ko naman itong kinuha at binuhat, tuwang tuwa naman si angel sa puntong iyon na nagpangiti ng lubos sa akin

Ako: ka-mus-ta na an-gel? (ang dahan dahan kong sabi dito habang nakangiti at dahil sobrang gigil ko sa batang iyon ay pinisil pisil ko ng madahan ang pisngi nito.. sobra nya kasing cute.. mana sa tito.. at napahagikgik na lang ako sa naisip kong iyon)

John: kuya ian! (pagtawag naman ng atensyon ng kapatid na bunso ni fugi at nang pagharap ko at nakataas na ang kanang kamay nito na nakamwetrang aapir)

Ako: uy parekoy kamusta? (sabay apir dito pagkatapos ay lagay ng kamay ko sa buhok niya sabay gulo noon...... madaling napalapit sa aking ang mga ito dahil sobra basta parang nagclick agad kami at sa kanila ko napatunayan na kiddie friendly pala ako... hehehe, at dahil siguro sa gusto ko rin ng may kapatid na mas bunso sa akin at tatawagin akong kuya)

John: kuya naman buhok ko! Sayang ang gel ih! (sabay abot nito sa kamay ko para tangkang pigilan pero agad ko iniiwas)

Ako: abat pumuporma ka na ata ih! May nililigawan ka na ba? (habang patuloy ko parin ginugulo ang buhok nito)

“Bata ka anak ha! Wag munang manliligaw” singit naman ni tita at nagkatawanan na lang kami

John: hindi naman ma ih! Style yan (ang medyo namumula na nasabi nito)

Ako: at may pa-style-style ka mang nalalaman ha parekoy (natatawa kong biro dito sabay alis na nang kamay ko sa buhok niya.... bigla namang nagsatinig ang hawak hawak kong si angel)

Angel: ya nan ace sabay lahad ng kamay nito (hindi ko agad nakuha ang gustong sabihin ni agel nang biglang sumingit si tita.......)

“Ye-hoy ang ba-ta ay hin-di na na-hi-ya na-hi-ngi ng je-lly ace ih” ang pagbaby talk ni tita at natawa naman ako (hehe yun pala hinihingi nya)

John: hin-di na na-hi-hi-ya ang ba-tang iyan (panggagatong naman nito sa pag-aasar kuno ni tita sabay pisil sa mga pisngi ni angel, agad namang yumapos sa akin si angel na ikinatawa ko lang)

Ako: tita pwede ko bang isama muna ang dalawang ito bibilhan ko lang po ng jelly ace ito baka magtampo pa at hindi na sumama sa akin (ang natatawa kong nasabi kay tita at napatawa na lang din sa akin si tita)

“Sige iho” nakangiti nang pagpayag nito

Nang makalabas na kami ay si john na ang nagturo kung saan kami makakabi.. dinala nya naman kami ni angel sa isang maliit na convenient store na medyo malapit sa kanila

Tuwang tuwa naman si angel nang maiabot ko sa kanya ang isang balot na jelly ace at bigla na lang itong humalik sa magkabila kong pisngi, sa noo sa ilong sa baba at sa aking labi na may mga tunog pa talaga.... tawa na lang ako ng tawa sa ginawa niyang iyon

Ako: ikaw parekoy ano gusto mo? (alok ko kay john)

John: talaga kuya? Ka....hit ano pwe...pwede? (nauutal pa nitong pagtatanong pero kitang kita ang pagkatuwa sa mukha nito, tumango na lang ako bilang pagsang-ayon)

Agad nitong hinanap ang gusto niya at maya maya ay may dala itong cornetto at malaking cheese ring

John: ku..ya e..to po (sabay taas nito sa mga bitbit niya agad ko namang binayaran ang mga nabili namin at niyaya na silang bumalik na)

Habang naglalakad ay biglang nagsalita si john

John: kuya ian, the best ka talaga! Hindi katulad ni kuya fugi, kuripot sa amin (ang may himig pagsusumbong nito, agad naman napukaw ang interes ko sa sinasabi niya... parang gusto kung malaman ang lahat lahat tungkol tungkol sa kanya.. kay fugi, kaya naman..............)

Ako: bakit ano ba si kuya fugi bilang kuya (pagsingit ko)

John: bukod sa minsang pagkakuripot nya kuya, ahm ano pa bang masamang ugali nun (ang tila pag-iisip nito at napatawa na lang ako sa mga nasabi nya at hinayaang magpatuloy sa mga gusto nya pang sabihin), sobrang bait po, lagi nga akong may pasalubong sa kanya pagkakadating nya sa school nya, kaso ngayon hindi at si angel naman ngayon ang pinasasalubungan nya, malaki na daw po ako, tapos lagi nya akong tinutulungan sa paggawa ng assaignment ko at sobrang sarap din po niyang magluto, pero si mama pa rin ang the best (mahabang nailahad nito)

Hindi ko namamalayan na napapangiti na lang ako sa naririnig ko

Ako: kaya dapat lagi kang susunod sa kuya mo ha parekoy at pag may mang-away sa kanya tayo ang reresbak, ok ba iyon? (sabay lahad ulit ng kamay ko para makipag-apir)

John: opo kuya! (sabay apir nito)

Agad na kaming nakabalik sa bahay nila, walang inip akong naramdaman sa paghihintay kay fugi dahil magaang kasama ang pamilya niya, si tita na bait at nakikisali pa sa lukuhan namin ni john at angel habang nanonood ng TV

Hindi ko na namalayan ang oras at napukaw na lang ang atensyon ko ng marinig ko ang boses ni tita na tinawag ang pangalan ng taong kanina ko pa gustong makita

Agad akong napaharap dito at nakatingin din pala ito sa akin kaya naman nagpakawala na ng isang magiliw na ngiti dito na tinugunan din naman niya

Nabura naman iyon ng mapansin ko ang kasama nito

“hanggang dito ay sumunod pa ang epal na ito, napagbigyan na ngang lumabas sila, abat” nasabi ko na lang sa sarili ko

PAGKAPIKON, yan ang nararamdaman ko sa oras na ito kasama ang anthony na ito habang hinihintay si fugi na nagpaalam na magbibihis lang daw muna

Katahimikan ang namayani sa aming dalawa  ng mga oras na iyon, nagpapakiramdaman

Maya maya ay hindi na siguro nakatiis ang mokong at....

Anthony: tol! Saan nyo naman balak pumunta ni fugi ay gabi na naman, meron na bang mga midnight shopping malls dito sa atin? (may himig pang-aasar nito)

Ako: hindi naman kami magmo-malling pare, sa bahay kasi sya tutulog ngayon (kasabay plaster ng ngiting mapang-asar dito at napansin kong pang nagulat ito.....)

Napuna kong iimik pa sana ito ng bigla namang nagsalita si fugi sa likuran namin............

Fugi: ano pinag-uusapan nyo? (at napaharap na lang kami sa kanya)



Itutuloy...........

22 comments:

Master_lee#027 said...

Wew.....panay ang pambitin mo pare ahah....
New name sakin pare mr.bitin. Ahaha,,,andami mo na pangalan ahah MR.ANIME INVENTOR AND MR.TRIVIA ahah
Back to the story paintense na ang harapan ng dalawa ah hmmmm.....


I am MasteR._Green Chris.a.k.a. MR.GC-new codename ko ahah

Anonymous said...

ayt..saya2 puro papa IAN..!mgaling magaling..nki2pgclose sa family..tamah yan..ganyan nga go..go,go

-kala ko sa beach cla mgpupunta..para romantic,pero ok na dn,atlis mgkakasama pdn kau buong magdamag..

-ang saya naman,dami nting mga ka-kosa dto(nurse),
HI sa inyo..mark at akosichristian..^.^

nurses rocks..!!
-niccolo'25-

--makki-- said...

at akoy nabitin... LOL

Anonymous said...

1st ba?
Hmm,
galing tlga magpalusot ni author, este magpaliwanag pala..
At wala pa ring kupas ang mga neurons abt sa field natin..
Eniweiz, kahit naman anu ang trip mung isulat ayos lng.
Babasahin ko pa rin.
Sana malaman ku ung natitirang 10% na totoo sa story mu..
Kudos!

-mark.

James Chill said...

Ayiieee..... Go ian go!! Haha... Go ian! Sige pataubin mo su anthony!!! Pakilala mo na si fugi sa parents mo ng kasalan na ang diretso... Haha... Sa ibang bansa nga lang.. Haha... Ian-fugi... Woohhh... Haha...

Galing mr. Author! Hehe...

Lloydie :) said...

ahahaha ang haba namn ng hair ni FUJI :) ahahaah.. keep up the good work author :) gandahan mo sa next chapter ah , :) hihihhi

Anonymous said...

whaaaaaaaaaaaahhhhh BITIN.....nice ian....

empire

MARK13 said...

nice,dunno wat to say bout dis chapter,shocks bout wat ian said and xcited on wat going to happen nxt,.....
two thumbs up for you fugi,..^^;

kevinblues said...

wew ang haba tlga ng buhok ni fugi...heheh parang si rapunzel lang..wahahaha...aist pinag aagawan sya ng dalawang gwapong lalaki wahahah...keep it up ian..hahaha asarin mo lang si anthony..kayo ang mas bagay eh....waaaaaaaaaaaah!! ^_^

marL said...

wow bitin pa rin. hehehe ikaw na tlaga fugi. hahaha the best ka tlga.

Jaceph Elric said...

Ayan pupunta sila sa bahay ni ian. Dapat may moment kapatid ni ian. Kung di lalagyan ko ng virus ang world wide web at international networking hahaha

bitin ok lng. As long as continue ang posting. Nice nice.

robert_mendoza94@yahoo.com said...

wow! ang iksi ah. he he he he. bitin tuloy.

slushe.love said...

DANG! Para-paraan naman si Ian at Anthony? Pakahaba na talaga ng buhok ni Fuji ang sarap nyang gupitan. LOL :) LOVE IT!

DownDLine said...

fugi di porque 2 yang umaaligid sayo ehh mambibitin ka!!! ahahaha... 36 na dali!

Lawfer said...

nu b yan hina naman ni anton :/ dpat ngpaalam dn xa na p22lugn sknla ikaw ih!

Anonymous said...

Mabuti naman at babawi na si Ian. Ian naman kase bat di mo pa sabihin kay fugi yang nararamdaman mo? Kapag ikaw naunahan ni anthony lagot ka talaga saken. Tsaka hayaan mo na yung babaeng iniwan ka. Alam kong may promise kayo sa isa't isa pero sabi nga nila, "promises are made to be broken" Haha. Ibreak mo na yang promise na yan para kay Fugi baka kase maunahan ka pa ni Anthony tutal botong-boto naman sa'yo sina John, Angel, tsaka si Mrs. Chio. HAha. Para naman kay Anthony, si Janine na lang yung ligawan mo wag na si Fugi. Reserved na yan para kay Ian. Haha. :] Pasensya na kung medyo napahaba yung comment ko Kuya Fugi (Feeling close ako? Haha) di kase ako nakacomment sa last chapter eh. LOL. Anyway, I super-duper love this chapter. :] Team IA-GI for the win!!!

PAUL FABIAN

foxriver said...

still bitin, but better than the previous one hehehe. You what i've been dying read? That Ian would fin'lly realize his true intensions and feelings for Fugi and the first kiss if that would happen, but definitely the GF would be a hindrance to thier blossoming love..next one Fugi the Great.

Anonymous said...

wow!..
bitin again..pero payts lang..hdhe.
dun na matutulog c fugi kna ian..wew!

sr143

darklord said...

literal na nakakabitin naman. at wala ding trivia :P

Unknown said...

ayan na c ian at mei sleep over pa.. :p

good vibes tayo jan ke parekoy.. :p

--makki-- said...

nalalamangan na manok natin rue! LOL

haistZZ! BOYCOTT uli! haahahaha

Unknown said...

HII kuya zild im one of your silent reader sorry for almost one year na akong sumusubaybay ngayon lng nag papakilala im impressed with your works though sobrang nakakainspired pasensya ulit ^_^

Post a Comment