-------) sa mga nabitin sa last
chapter at naglahad ng kanilang pagtatangkang kitling ang aking buhay nais kung
ipaalam na kakasuhan ko po kayo for threatening me (wow.... hehe)..... JOKE..
hahaha, SORRY naman po... ito na po ang kasunod at sana ay..... mabitin ulit
kayo.. hehehe joke lang.. syempre sa dulo nito laging may word na ITUTULOY..
haha
@ sa isang mark (yung about sa trivia ay ay wala pa po ulit ako maisip, ayon naman po bigla bigla ko lang nagagawa pag sa pagsusulat ko ay naisingit ko ang mga term na pang nursing tas bibigyan ko sya ng konting info para sa mga hindi natin colleagues, ayaw ko naman pong ipilit iyong pagtitrivia kasi pag it comes naturally (wow!) mas nagiging masaya ang nagagawa kong trivia.. at about sa hinihiling mong POKEMON ok po isasama ko sya sa mga susunod na chapter hehehe at at ang sagot doon sa ecg tracing na ibinigay mo ay MYOCARDIAL INFARCTION, tama ba????)
Salamat salamat po sa mga sumusuporta
sa kwentong ito at syempre sa lahat ng mga nagko-comment........... hindi ko po
muna ulit ko kayo maiisa isa sa kadahilanang napagod ang utak ko dahil pinilit
kong tapusin ang pahinang itong
Eto na po ang kasunod, natakot ako sa
inyo ih! Hehehe ENJOY!
Pauna: Hindi po talaga ako manunulat, naimpluwensyahan lang po
ako nang mga magagandang kwento na nakapost sa site na ito na talaga namang
naging bahagi na ng ating kaisipan na habang binabasa natin ang istorya mapa
based sa totoong pangyayari sa buhay o likhang isip lang ng mga magagaling na
author, hinihiling natin na SANA MANGYARI RIN SA ATIN ANG GANUN, na SANA
TOTOONG MAY HAPPY ENDING at SANA AKO, IKAW, TAYO ang BIDA sa mga LIKHA nila.
Kaya naman ginusto ko na makagawa ng kwentong AKO naman
ang BIDA, nasa po ay magustuhan nyo ang aking likha.
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento
Disclaimer: ang istoryang ito ay 50% totoo at 50% likhang isip lang (50-50 ba talaga?), 40% ang totoo at 60% ang gawa gawaan lang (weh?) sige na 30% true to life at ang natitira ay imbento (yung totoo??) oo na sige na 10% lang ang purong totoo at 90% ang likha ng aking imahinasyon, kainis kumukontra pa kwento
-------> IAN (take it over:])
Kanina pang
naglalaro sa isip ko ang napag-usap namin ni anthony sa library kanina nung
naiwan kaming dalawa dahil naghahanap na ng mga references si fugi at janine
para sa gagawin nilang report, hindi ko alam pero naiinis ako sa sarili ko
dahil hindi man lang ako nakabwelo, parang napaghandaan nya ako ng taong ito
Anthony:
tol! (pagtawag nito ng pansin sa akin habang ang tingin ko ay nasa dako ni
fugi)
Ako: o bakit
pare? (pagharap ko na dito)
Anthony:
lagi na naman kayong magkasama ni fugi, sabay pa nga sa pagpasok di ba? (simula
nito, nararamdaman ko na may gustong puntuhin ang mokong na ito pero hinayaan
ko lang na magpatuloy ito), may usapan kasi kaming lumabas mamaya pagkatapos ng
klase, kaya sana ay masolo ko naman siya tol para makapagbonding din naman kami
katulad nyo, salamat tol (nakangiti itong parang nang-aasar sabay tapik nito sa
balikat ko, na parang nangangahulugang wala na akong magagawa)
At ganoon
nga ang nangyari wala akong nagawa at nung mga oras na ng kanilang pag-alis ay pinanood ko nalang ang pagtangay ng epal na
anthony na iyon kay fugi palayo sa akin
Pinaghalong
inis, galit at at at at selos?? (kahit ako ay nagtataka na sa pagbibigay ng
pangalan sa huli kong nararamdam ng aking utak)
Selos?? Ang
nasabi ko sa sarili ko
Napabuntong
hininga na nga lang ako
Nakauwi na
ako sa bahay pero malayo pa rin ang tinatakbo ng utak ko, kahit na nakahiga na
ako sa kama ko ay hindi pagtulog ang naiisip ko kung hindi si si si si fugi
Aaaargghhhhhhhhh..
sigaw ng utak ko at dahil dun at nagpabaling baling na lang ako sa kama ko
Maya maya ay
nasabi ko na lang sa sarili ko na.............. “Babawi ako”
At may
naisip nga ako magandang ideya, pilit ko munang magpahinga at ipagmamaya na
muna ang naisip ko dahil alam ko naman na baka pa makauwi mula sa lakad nilang
iyon si fugi
Lumipas ang
oras at nagising ako ng mag-aalasingko na, agad akong naghanda, naligo,
nagpalit ng suot, maong short, plain v-neck black shirt at pagkatapos ay bumaba
na ako at nagpaalam na ako kay mama na nasa garden at pagkatapos ay binuksan na
ang gate pagkatapos ay inilabas ko na ang kotse ko, nakita kong si manang na
ang nagsara ng gate kaya nagtuloy tuloy na ako sa pag-alis
Nang
mapatapat na ako sa bahay nila fugi ay tinamaan naman ako ng hiya kung itutuloy
ko pa ba ang plano ko pero...
“nandito na
ako, lakasan na lang ng loob” nasabi ko sa sarili ko
Agad akong lumabas
ng aking sasakyan at pagkatapos ay tinungo na ang gate nila fugi at nagdoorbell.
Maya maya ay tumabas ang mama ni fugi at pagkakita nito sa akin ay bigla na
lang sumilay ang mga ngiti nito sa kanyang mukha
Nang makalapit
si tita ay agad naman ako nitong pinagbuksan ng gate, agad ko namang kinuha ang
kanang kamay nito at nagmano
Ako: ti...ta
magandang hapon po (nahihiya kung bati sa kanya)
“o! iho,
magandang hapon di naman” nakangiti nitong nasambit sa akin, “si fugi ba ang
sadya mo?” dagdag na tanong nito
Ako: opo
sana tita, nan....dyan na po ba? (nag-aalangan kong itanong)
“Pasok ka
muna iho” anyaya ni tita at tumuloy naman na ako
“Ian, iho
hindi pa siya dumadating, may pinuntahan ata ang batang iyon, akala ko nga ay
ikaw ang kasama” ang mga nasabi ni tita
Ako: paano
kasi tita dapat ay kasama ako sa lakad nila ng kaklse din namin ay may
importante po kasi akong kailangang gawin kanina kaya po hindi ako nakasama sa
kanila (pagsisinungaling ko na lang), kaya po ako nagpunta dito ay para bumawi
sa kanya (dagdag kong sabi)
“ganoon ba
iho? Sige intayin mo nalang sya dito at dito ka na din maghapon, ok! Bawal tumanggi”
nakangiting paanyaya ulit nito sa akin
Ako: ah...
eh si..sige po tita (nahihiya kong naitugon), nga pa..pala po tita ipagpapaalam
ko din po sana si fugi na.................................................
Hindi naman
ako nagdalawang sabi kay tita at agad niyang pinayagang sumama sa akin si fugi
basta’t mag-ingat lang daw kami, at inassure ko na may siya sa bagay na iyon
Nang makapasok
na kami ni tita sa loob ng bahay nila ay sinalubong naman ako nina angel at
john kaya naman napangiti nalang ako sa puntong iyon
Angel: ya nan!
(alam kong puros mga dulo ng mga salita palang ang kaya nitong pantigin ayon na
rin sa sinabi ni fugi pero madali ko naman naintindihan ang sinasabi nito dahil
sa naging mga pag-uusap nila ng ninong fugi niya ng maparito ako kamakailan), ya
nan! (tawag ulit nito sabay lapit sa akin at biglang yapos sa mga binti ko)
Agad ko
naman itong kinuha at binuhat, tuwang tuwa naman si angel sa puntong iyon na
nagpangiti ng lubos sa akin
Ako:
ka-mus-ta na an-gel? (ang dahan dahan kong sabi dito habang nakangiti at dahil
sobrang gigil ko sa batang iyon ay pinisil pisil ko ng madahan ang pisngi
nito.. sobra nya kasing cute.. mana sa tito.. at napahagikgik na lang ako sa
naisip kong iyon)
John: kuya
ian! (pagtawag naman ng atensyon ng kapatid na bunso ni fugi at nang pagharap
ko at nakataas na ang kanang kamay nito na nakamwetrang aapir)
Ako: uy
parekoy kamusta? (sabay apir dito pagkatapos ay lagay ng kamay ko sa buhok niya
sabay gulo noon...... madaling napalapit sa aking ang mga ito dahil sobra basta parang nagclick agad kami
at sa kanila ko napatunayan na kiddie friendly pala ako... hehehe, at dahil
siguro sa gusto ko rin ng may kapatid na mas bunso sa akin at tatawagin akong
kuya)
John: kuya naman
buhok ko! Sayang ang gel ih! (sabay abot nito sa kamay ko para tangkang pigilan
pero agad ko iniiwas)
Ako: abat
pumuporma ka na ata ih! May nililigawan ka na ba? (habang patuloy ko parin
ginugulo ang buhok nito)
“Bata ka
anak ha! Wag munang manliligaw” singit naman ni tita at nagkatawanan na lang
kami
John: hindi
naman ma ih! Style yan (ang medyo namumula na nasabi nito)
Ako: at may
pa-style-style ka mang nalalaman ha parekoy (natatawa kong biro dito sabay alis
na nang kamay ko sa buhok niya.... bigla namang nagsatinig ang hawak hawak kong
si angel)
Angel: ya
nan ace sabay lahad ng kamay nito (hindi ko agad nakuha ang gustong sabihin ni
agel nang biglang sumingit si tita.......)
“Ye-hoy ang
ba-ta ay hin-di na na-hi-ya na-hi-ngi ng je-lly ace ih” ang pagbaby talk ni
tita at natawa naman ako (hehe yun pala hinihingi nya)
John: hin-di
na na-hi-hi-ya ang ba-tang iyan (panggagatong naman nito sa pag-aasar kuno ni
tita sabay pisil sa mga pisngi ni angel, agad namang yumapos sa akin si angel
na ikinatawa ko lang)
Ako: tita
pwede ko bang isama muna ang dalawang ito bibilhan ko lang po ng jelly ace ito baka
magtampo pa at hindi na sumama sa akin (ang natatawa kong nasabi kay tita at
napatawa na lang din sa akin si tita)
“Sige iho” nakangiti
nang pagpayag nito
Nang makalabas
na kami ay si john na ang nagturo kung saan kami makakabi.. dinala nya naman
kami ni angel sa isang maliit na convenient store na medyo malapit sa kanila
Tuwang tuwa
naman si angel nang maiabot ko sa kanya ang isang balot na jelly ace at bigla
na lang itong humalik sa magkabila kong pisngi, sa noo sa ilong sa baba at sa
aking labi na may mga tunog pa talaga.... tawa na lang ako ng tawa sa ginawa
niyang iyon
Ako: ikaw
parekoy ano gusto mo? (alok ko kay john)
John: talaga
kuya? Ka....hit ano pwe...pwede? (nauutal pa nitong pagtatanong pero kitang
kita ang pagkatuwa sa mukha nito, tumango na lang ako bilang pagsang-ayon)
Agad nitong
hinanap ang gusto niya at maya maya ay may dala itong cornetto at malaking
cheese ring
John: ku..ya
e..to po (sabay taas nito sa mga bitbit niya agad ko namang binayaran ang mga
nabili namin at niyaya na silang bumalik na)
Habang naglalakad
ay biglang nagsalita si john
John: kuya
ian, the best ka talaga! Hindi katulad ni kuya fugi, kuripot sa amin (ang may
himig pagsusumbong nito, agad naman napukaw ang interes ko sa sinasabi niya...
parang gusto kung malaman ang lahat lahat tungkol tungkol sa kanya.. kay fugi,
kaya naman..............)
Ako: bakit
ano ba si kuya fugi bilang kuya (pagsingit ko)
John: bukod
sa minsang pagkakuripot nya kuya, ahm ano pa bang masamang ugali nun (ang tila
pag-iisip nito at napatawa na lang ako sa mga nasabi nya at hinayaang
magpatuloy sa mga gusto nya pang sabihin), sobrang bait po, lagi nga akong may
pasalubong sa kanya pagkakadating nya sa school nya, kaso ngayon hindi at si
angel naman ngayon ang pinasasalubungan nya, malaki na daw po ako, tapos lagi
nya akong tinutulungan sa paggawa ng assaignment ko at sobrang sarap din po
niyang magluto, pero si mama pa rin ang the best (mahabang nailahad nito)
Hindi ko
namamalayan na napapangiti na lang ako sa naririnig ko
Ako: kaya
dapat lagi kang susunod sa kuya mo ha parekoy at pag may mang-away sa kanya
tayo ang reresbak, ok ba iyon? (sabay lahad ulit ng kamay ko para makipag-apir)
John: opo
kuya! (sabay apir nito)
Agad na
kaming nakabalik sa bahay nila, walang inip akong naramdaman sa paghihintay kay
fugi dahil magaang kasama ang pamilya niya, si tita na bait at nakikisali pa sa
lukuhan namin ni john at angel habang nanonood ng TV
Hindi ko na
namalayan ang oras at napukaw na lang ang atensyon ko ng marinig ko ang boses
ni tita na tinawag ang pangalan ng taong kanina ko pa gustong makita
Agad akong
napaharap dito at nakatingin din pala ito sa akin kaya naman nagpakawala na ng
isang magiliw na ngiti dito na tinugunan din naman niya
Nabura naman
iyon ng mapansin ko ang kasama nito
“hanggang
dito ay sumunod pa ang epal na ito, napagbigyan na ngang lumabas sila, abat”
nasabi ko na lang sa sarili ko
PAGKAPIKON,
yan ang nararamdaman ko sa oras na ito kasama ang anthony na ito habang
hinihintay si fugi na nagpaalam na magbibihis lang daw muna
Katahimikan ang
namayani sa aming dalawa ng mga oras na
iyon, nagpapakiramdaman
Maya maya ay
hindi na siguro nakatiis ang mokong at....
Anthony:
tol! Saan nyo naman balak pumunta ni fugi ay gabi na naman, meron na bang mga midnight
shopping malls dito sa atin? (may himig pang-aasar nito)
Ako: hindi
naman kami magmo-malling pare, sa bahay kasi sya tutulog ngayon (kasabay
plaster ng ngiting mapang-asar dito at napansin kong pang nagulat ito.....)
Napuna kong
iimik pa sana ito ng bigla namang nagsalita si fugi sa likuran namin............
Fugi: ano
pinag-uusapan nyo? (at napaharap na lang kami sa kanya)
Itutuloy...........
22 comments:
Wew.....panay ang pambitin mo pare ahah....
New name sakin pare mr.bitin. Ahaha,,,andami mo na pangalan ahah MR.ANIME INVENTOR AND MR.TRIVIA ahah
Back to the story paintense na ang harapan ng dalawa ah hmmmm.....
I am MasteR._Green Chris.a.k.a. MR.GC-new codename ko ahah
ayt..saya2 puro papa IAN..!mgaling magaling..nki2pgclose sa family..tamah yan..ganyan nga go..go,go
-kala ko sa beach cla mgpupunta..para romantic,pero ok na dn,atlis mgkakasama pdn kau buong magdamag..
-ang saya naman,dami nting mga ka-kosa dto(nurse),
HI sa inyo..mark at akosichristian..^.^
nurses rocks..!!
-niccolo'25-
at akoy nabitin... LOL
1st ba?
Hmm,
galing tlga magpalusot ni author, este magpaliwanag pala..
At wala pa ring kupas ang mga neurons abt sa field natin..
Eniweiz, kahit naman anu ang trip mung isulat ayos lng.
Babasahin ko pa rin.
Sana malaman ku ung natitirang 10% na totoo sa story mu..
Kudos!
-mark.
Ayiieee..... Go ian go!! Haha... Go ian! Sige pataubin mo su anthony!!! Pakilala mo na si fugi sa parents mo ng kasalan na ang diretso... Haha... Sa ibang bansa nga lang.. Haha... Ian-fugi... Woohhh... Haha...
Galing mr. Author! Hehe...
ahahaha ang haba namn ng hair ni FUJI :) ahahaah.. keep up the good work author :) gandahan mo sa next chapter ah , :) hihihhi
whaaaaaaaaaaaahhhhh BITIN.....nice ian....
empire
nice,dunno wat to say bout dis chapter,shocks bout wat ian said and xcited on wat going to happen nxt,.....
two thumbs up for you fugi,..^^;
wew ang haba tlga ng buhok ni fugi...heheh parang si rapunzel lang..wahahaha...aist pinag aagawan sya ng dalawang gwapong lalaki wahahah...keep it up ian..hahaha asarin mo lang si anthony..kayo ang mas bagay eh....waaaaaaaaaaaah!! ^_^
wow bitin pa rin. hehehe ikaw na tlaga fugi. hahaha the best ka tlga.
Ayan pupunta sila sa bahay ni ian. Dapat may moment kapatid ni ian. Kung di lalagyan ko ng virus ang world wide web at international networking hahaha
bitin ok lng. As long as continue ang posting. Nice nice.
wow! ang iksi ah. he he he he. bitin tuloy.
DANG! Para-paraan naman si Ian at Anthony? Pakahaba na talaga ng buhok ni Fuji ang sarap nyang gupitan. LOL :) LOVE IT!
fugi di porque 2 yang umaaligid sayo ehh mambibitin ka!!! ahahaha... 36 na dali!
nu b yan hina naman ni anton :/ dpat ngpaalam dn xa na p22lugn sknla ikaw ih!
Mabuti naman at babawi na si Ian. Ian naman kase bat di mo pa sabihin kay fugi yang nararamdaman mo? Kapag ikaw naunahan ni anthony lagot ka talaga saken. Tsaka hayaan mo na yung babaeng iniwan ka. Alam kong may promise kayo sa isa't isa pero sabi nga nila, "promises are made to be broken" Haha. Ibreak mo na yang promise na yan para kay Fugi baka kase maunahan ka pa ni Anthony tutal botong-boto naman sa'yo sina John, Angel, tsaka si Mrs. Chio. HAha. Para naman kay Anthony, si Janine na lang yung ligawan mo wag na si Fugi. Reserved na yan para kay Ian. Haha. :] Pasensya na kung medyo napahaba yung comment ko Kuya Fugi (Feeling close ako? Haha) di kase ako nakacomment sa last chapter eh. LOL. Anyway, I super-duper love this chapter. :] Team IA-GI for the win!!!
PAUL FABIAN
still bitin, but better than the previous one hehehe. You what i've been dying read? That Ian would fin'lly realize his true intensions and feelings for Fugi and the first kiss if that would happen, but definitely the GF would be a hindrance to thier blossoming love..next one Fugi the Great.
wow!..
bitin again..pero payts lang..hdhe.
dun na matutulog c fugi kna ian..wew!
sr143
literal na nakakabitin naman. at wala ding trivia :P
ayan na c ian at mei sleep over pa.. :p
good vibes tayo jan ke parekoy.. :p
nalalamangan na manok natin rue! LOL
haistZZ! BOYCOTT uli! haahahaha
HII kuya zild im one of your silent reader sorry for almost one year na akong sumusubaybay ngayon lng nag papakilala im impressed with your works though sobrang nakakainspired pasensya ulit ^_^
Post a Comment