Monday, January 9, 2012

Chances Chapter 08




by: Zephiel
emai: zildjianace@gmail.com


Hahays! Natapos ko rin ang chapter na ito. Kanina pa kumakalam ang tiyan ko at rinig ko na ang pag-wi-welga ng mga borders ko sa loob pero dahil may mga taong naghihintay na ma post ito kanina pa kaya tiniis ko nalang muna ang gutom. Ganon ko kayo ka lab. Aye!


Sana ay ma enjoy nyo ulit ang Chapter na ito medyo sabog na ako kaya hindi ko na nakayanang habaan pa. Sa mga nag-comment at sinabing I never fail to put a smile sa mga mukha nila  while reading  ang masasabi ko naman ay ‘Dave never fail to drain my brain sa sobrang ligalig ng isip niya.’ Hindi pala ganun kadalaing gumagawa ng isang character na baliw-baliw. HAHAHAHA Hindi na ito mauulit!


Makati at Doppelganger Jay – Sorry kung inabot na naman tayo ng alas-dos ng madaling araw para lang ma post ang chapter na ito. Salamat sa paghihintay nyo apir tayo diyan!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.




Ilang segundo rin kaming nagkatitigan ni Alex na parehong may nakaguhit na ngiti sa aming mga mukha at sapat na ang ilang segundong iyon para lalo nitong pabilisin ang tibok ng aking puso.


Ano na ba itong nangyayari sa akin?


“Indecent public display of affection ang pweding ikaso sa inyo ng mga tao sa loob ng grocery store na ito.” Ang wika ni Brian kapagkuwan. Nakatayo na ito di kalayuan sa aking likuran at nakangising aso.


“Ito ang susi mo mahal na hari, ikaw na ang bahalang mag-hanap kung saang lupalop ng mundo ko ipinark ang sasakyan mo.” Sabay hagis nito nang susi ko. “Mukhang tama nga ang balitang nasagap ni Vincent mula sa misis niya.” Ngingisi-ngisi pa nitong sabi.


“Lumayas kana Brian, gutom lang yan.” Sabi ko sa kanya at muling ibinaling ang aking atensyon sa nakakunot na namang noo na si Alex. Mukhang dapat ko nalang atang makasanayan ang laging nakakunot na ekspresyon nito.


Ang akala ko ay aalis na talaga ang kurimaw na kaibigan ko pero mukhang nasa mood itong mangulit sa mga oras na iyon. Sabagay, tulad ko maligalig rin ang buhay nitong kaibigan ko kaya nga kami mag-kasundo eh.


“Hi Alex, my name is Brian but you can call me hunky, nick name ko yon.” Nakangiting bati nito sa naguguluhang manager sabay lahad ng kanyang kamay.


Kahit halata sa mukha nito ang pagaalinlangan ay gumalaw ang kamay nito para tanggapin ang nakalahad na kamay ng kumag, pero imbes na sa kamay ni Brian dadapo ang kamay nito ay sa kamay ko ito lumapat. Tinabig ko kasi ang kamay ni Brian.


“Wag mo siyang kamayan babaho ang kamay mo.” Wika ko sa kanya. Ngayon ay mag-kabatabi na kami. “Kelan ba naging hunky ang nick name mo Boromeo?” Baling ko naman kay Brian.


Napangiwi ito sa pagtawag ko sa pangalan niya. Alam kong ayaw na ayaw nitong tinatawag siya sa totoong pangalan niya na lagi naming ginagawa kapag nagsisimula na itong dumaldal. Sa amin kasing mag-kakabarkada si Brian ang pinakamadaldal.


“Hindi ka nakakatuwa Renzell Dave.” Ganti nito. “Anyway, obvious na pangulo lang ako sa inyo rito kaya mauuna na ako sa inyo besides, may balita pa akong ipapasabog sa mga kaibigan namin.” Nakangisi na naman nitong wika. “Nice to meet you Alex, ingat ka kay Renzell Dave may sayad yan.” At tumalikod na ito sa amin.


Ngalingaling batuhin ko ito nang mga delatang paninda ng grocery store na iyon ang kumag  na nakuha pang mangasar bago umalis.


Muli kong binalingan si Alex.


“Wag mo nalang pansinin ang isang iyon may sira sa ulo yon, hindi pa siguro nakainum ng gamot.” Wika ko sa kanaya pero wala sa akin ang atensyon nito kung hindi nasa mag-kahugpong parin naming mga kamay. Agad naman akong natauhan at mabilisang binitiwan ang kamay nito.


Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Nakaramdam ako nang pagkailang na bago na naman sa akin. Lahat nalang ata basta may kinalaman itong Alex na ito ay bago sa akin. Ano na ba ang nangyayari sa akin hindi naman ako ganito noon bago ko makilala ang isang to.


Pareho lang kaming nakatingin sa isa’t isa na animoy parehong binabasa ang kung anu mang pweding mabasa sa mga utak namin pero ito mismo ang unang bumawi nang tingin.


“Mukhang malayo-layo ang pagbabakasyunan mo.” Basag ko sa katahimikan naming dalawa.


Nabaling muli ang tingin nito sa akin bakas sa mukha ang pagtataka marahil ay dahil sa huling sinabi ko kaya agad ko itong liniwanag.


“Ang dami mo kasing pinamili.”


“Para ito sa tindahang itatayo ng kapatid ko.” Matipid nitong sagot na sa kanyang mga pinamili nakatingin.


Hindi ko na maintindihan ang sarili ko, kung anu-ano nang damdamin ang hindi ko maintindihang sumasakop sa akin. Di ba ang rason lang naman kung bakit ako lapit ng lapit sa half-half na ito ay para ma isalba ko ang natapakin kong ego nito? Then why the hell everytime na ngumingiti siya sa akin gumagaan ang pakiramdam ko? Matanong ko nga sa kambal ko kung anong pweding ikaso sa mapangakit na ngiti nito.


Mapangakit? Did I just find his smile addictive? Lintik na! Ano na ang nangyayari sa akin?


“May problema ba?” Basag nito sa naglakbay kong isip. Normal ang expresyon ng mukha nito.


“Hah? Ah… Eh… Wa.. Wala!” Ngalingaling batukan ko ang sarili ko dahil sa hindi pag-cooperate ng boses ko. Mukhang napalakas pa ata ang pagkakasabi ko.


Nangunot na naman ang mukha nito kaya agad akong nagsalita.


“Kelan ka aalis?”



“After kong mag-grocery.” Tugon naman nito sa akin. “Medyo malayo-layo rin kasi ang lugar namin baka gabihin ako sa daan.”


“Dayo ka lang rito sa bayan namin?” May pagtataka kong tanong sa kanya hindi ko kasi akalaing hindi pala ito nagmula sa lugar namin.


“Ang nanay ko taga rito so, basically taga rito rin ako. Pero mas pinili nilang sa bayan ng tatay ko manirahan at nung mag-college ako dito ako pinag-aral ng nanay ko.”


Masasabi kong natuwa ako. Sa kauna-unahang pagkakataon kinausap ako nito nang matino na hindi ako sinusungitan.


“Saan kanaman tumutuloy kung nandito ka?” Talagang sinulit ko na ang pagkakataon na iyon para makakuha ng konteng background niya.


“Sa bahay ng tiyahin ko.” Simpleng tugon naman nito sa akin.


May itatanong pa sana ako sa kanya kung hindi lang umeksena ang isang namimili ring Ale na nakiraan.


“Mauna na ako sayo Dave, kailangan ko pa kasing dumaan sa bahay ng tiyahin ko para kunin ang mga damit ko bago umalis.” Wika nito nang makadaan na ang umeksenang mamimili. Hindi na nito hinintay pa akong makasagot sa kanya at agad itong pumila para mag-bayad. Wala na akong nagawa kung hindi ang sundan na lamang ito nang tingin.






Lumabas ako sa grocery store na iyon na may mabigat na pakiramdam. Wala na si Alex, kanina pa ito nakalabas ng grocery store. Nakakaasar mang aminin pero parang hindi ako na kontento sa maikling usapang naganap sa aming dalawa. Kung kelan naging maganda na rin ang trato nito sa akin saka naman ito aalis.


I let go a frustrated sigh. Iniisip ko palang na dalawang lingo kong hindi makikita ang ngiti nang masungit na Alex na iyon sumasama na ang pakiramdam ko.  


Aalis na sana ako nang umandar ang jeep na nakaharang sa may pinag-parkingan ni Brian ng sasakyan ko nang makita ko Si Alex, ang akala ko ay kanina pa ito nakasakay. Bakas sa mukha nitong nahihirapan siya sa dalawang box ng mga pinamili niya kanina kaya imbes na umandar ay mabilisan akong bumababa nang aking sasakyan.


Napansin naman nito akong papatawid ng kalsada.


“Need a ride?” Nakangiti ko sa kanyang wika nang makalapit ako.


“Hindi na, mag-hihintay nalang ako nang jeep.” Kaswal naman nitong tugon sa akin. Minsan talaga hindi ko maiwasang maasar sa tuwing tinatangihan nito ang mga alok kong tulong. Hindi ba niya alam na bihira lang akong mag-pakabait sa kapwa ko?


Obviously hindi! Wika nang isang bahagi nang isip ko.


“Sunday ngayon, mahihirapan kang makahanap ng sasakyan kaya wag kanang tumanggi kung gusto mo talagang makauwi ka sa inyo.” Walang  anu-anong kinuha ko sa mga kamay niya ang mga box nitong bitbit saka muling tumawid sa kalsada para hindi na ito makapagsalita pa. Nang lingunin ko ito ay nakasunod na siya sa akin. Lihim akong napangiti.


Inilagay ko ang dalawang karton nitong pinamili sa aking compartment habang siya ay walang imik na nakatingin lamang sa akin. Alam kong may pagtataka siya sa mga ikinikilos ko sa uri nang tingin na ibinigay niya sa akin.


“Why are you being nice to me?” Wika nito nang maisara ko ang compartment ng aking sasakyan.


“Dahil Sunday ngayon. Sabi nang papa ko dapat daw mabait kami tuwing Sunday.” Nakangisi kong tugon sa kanya. “Let’s go?”


Wala na itong imik ng makaupo siya sa passenger seat. Habang ako naman ay di maipaliwanag ang saya sa aking sarili.


Binuhay ko na ang makina nang sasakyan ko at tinungo ang dereksyon kung saan papunta ang mga jeep sa kabilang kalsada. Alam ko kasing iyon ang dereksyon papunta sa kung saan mang tinutuluyan nito.

“Sabihin mo lang kung saan ang daan.” Tango ang isinagot nito sa akin.


Naging matiwasay ang byahe namin papunta sa tinutuluyan niya. Walang namagitang usapan sa amin maliban sa pagtuturo nito sa akin kung saang kalsada dapat lumiko.


Ilang minuto rin ang aming tinahak bago namin marating ang bahay na tinutuluyan nito. Napakasimple ng bahay ni wala manlang itong bakod. Kung tutuusin squatters area nang maituturing ang parteng ito nang lugar namin at hindi ko lubos maisip na dito pala nakatira ang masungit na Alex na ito. Wala kasi sa hitsura at kutis niya ang nakatira sa ganito damu at kagulo na lugar.


“Dito ka nakatira?” Ang di ko maiwasang maitanong sa kanya.


“Oo.” Matipid naman nitong tugon saka lumabas ng sasakyan.


Did I offend him? Di ko maiwasang maitanong sa aking sarili. Pakiramdam ko kasi ay na offend ko siya base na rin sa tono nang pagsagot nito sa akin.


“Paki bukas ng compartment para makuha ko na ang mga pinamili ko at nang makaalis kana. Salamat sa paghatid.” Wika nito.


Napapalatak tuloy ako nang ma-pagtantong na offend ko nga ito.


Hindi mo kasi pinag-iisipan ang bawat salitang lumalabas sa bibig mo Renzel Dave. Sisi ko sa aking sarili.


“Ihahatid na rin kita sa terminal.” Wika ko rito nang maka-baba ako nang sasakyan.


“Hindi na, kaya ko nang mag-isang pumunta roon.” Malamig nitong wika sa akin.


“Look, hindi ko sinasadyang ma offend ka. I’m sorry.” Paghingi ko nang paumanhin dito.


“I don’t mind. Sige makakauwi kana.” Sabay talikod nito sa akin.


Aba’t ako na nga itong nag-so-sorry siya pa itong ma pride? Biglang nag-init ang tenga ko sa lantaran nitong hindi pagtanggap sa paumanhin ko.


“Ano ba ang problema mo? Humingi na nga nang sorry sayo ang tao ganyan ka pa rin? Matayog pa sa Mt. Apo ang pride mo ah!.” Inis na inis kong wika.


Ngunit parang wala man lang itong narinig at nagpatuloy lang sa paglalakad patungo sa tinutuluyan nitong bahay kaya naman lalo lang tuloy akong na asar. Mabilisan ko itong sinundan at nang maabutan ko ito ay agad ko siyang pinigilan sa pamamagitan ng paghawak sa kamay niya.


Mag-sasalita palang ako nang may tumawag sa kanyang isang matabang babae na may mga kolorete pa sa buhok. Nag mamadali itong lumapit sa amin.


“Bakit ang tagal mo? Asan na ang perang pambayad mo para sa isang buwan? Ikaw na nga itong pinapatuloy ko sa pamamahay ko nakuha mo pa akong paghintayin ng matagal? Hindi mo ba alam na kanina pa ako hinihintay ng mga ka madjong ko?” Mahabang litanya nito na nakapamewang pa.


Nangunot naman ang noo ko sa inasal ng babae kay Alex.


“Pasensiya na po tiya, nag grocery pa po kasi ako.” Hinging paumanhin nito.


What the? Pinagbabayad siya nang tiyahin niya kapalit ng pagtuloy niya sa bahay nito?


“Wala akong pakialam! Akin na ang bayad mo.” Medyo nakaramdam ako nang pagkaasar sa inasta nito. Walang puso ang isang ito, pamangkin niya pagbabayarin niya nang renta?


Dumukot naman ng tatlong libo si Alex sa kanyang wallet na agad namang inagaw ng tiyahin nitong mukhang pera hindi manlang hinintay na iabot niya iyon dito.


“Sa susunod na paghintayin mo ako sa kalsada mo makikita ang mga gamit mo.” Wika nito pa nito.


Nang tumingin sa akin si Alex ay kita ko ang ibayong pagkapahiya sa mga mata nito. Nakaramdam ako nang awa para rito. Sa bangayan palang na nangyari sa amin kanina alam ko na kung gaano katayog ang pride nito at sa ginawang pagpapahiya nang tiyahin nito sa kanya sa harap ng maraming tao masisiguro kong nasaktan ito.


“Let’s go. Samahan na kitang kunin ang mga damit mo.” Wika ko sa kanya. Gusto kong mailayo siya sa mga taong ngayon ay sa kanya na nakatingin. Muli kong kinuha sa kanya ang dalawang box na kanyang hawak.


Tahimik itong naglakad papunta sa bahay ng demonyitang tiyahin nito habang tahimik din akong nakasunod sa likod niya.


Hindi na ito nakipagtalo pa sa akin tulad kanina nang sabihin kong ihahatid ko siya hanggang terminal marahil ay dahil sa pagkapahiya nito kanina. Ni hindi na nga ito umimik pa at nanatili na lamang nakatingin sa bintana nang aking sasakyan. Alam kong tahimik itong umiiyak base na rin sa naririnig kong impit nitong paghikbi. Wala akong ibang magawa kung hindi ang hayaan nalang muna siyang mailabas ang sama nang loob niya.






Naihatid ko na si Alex sa Terminal ng bus kung saan siya sasakay papunta sa bayan ng ama nito. Tama nga ang sabi nitong malayo-layo ang kanyang pupuntahan dahil ng mabasa ko ang karatulang nakasulat sa bus na sinakyan nito kanina doon ko nalamang gagabihin nga ito sa daan dahil ang lugar na pupuntahan ni Alex ay anim na oras ang layo mula sa lugar namin.



Kanina pa ako sa loob ng sasakyan ko at hindi magawang umalis. Ngayon lang ako nakaramdam ng ibayong pagalala para sa ibang tao. Si Dorwin at ang papa ko lang kasi ang tanging taong inaalala ko noon hanggang sa makilala ko ang masungit at antipatikong manager ng seventh bar.


Lalong tumindi ang kakaibang pakiramdam ko para sa kanya nang makita ko kanina kung paano siya tratuhin ng kanyang tiyahin, hindi ko tuloy maiwasan ngayong mag-alala. Pano kung sa lugar na pupuntahan nito ay may katulad rin ng tiyahin nito at saktan muli siya. Yon ang bumabagabag sa akin.


Muli kong banalingan ang bus kung saan ito nakasakay na kasalukuyang hindi pa umaandar. Ang mga bus kasi na papunta sa malalayong lugar ay may oras na hinihintay bago bumeyahe. Habang tinitingnan ko ang mangilan-ngilang taong papasakay sa bus na iyon ay may kung anong pumasok sa aking isip.


Mabilis pa ako sa alas-kwatrong tinungo ang bus kung saan nakasakay si Alex. Napagdesisyunan kong ihatid siya mismo sa kung saan mang lupalop ng mundo masiguro ko lang na walang praning na tulad ng tiya niya sa pupuntahan niya. I know this is rediculos at alam ko ring sobrang effort na itong ginagawa ko para sa isang tao pero wala na akong pakialam.


“Let’s go.” Ang wika ko sa kanya.


Nakakunot ang noo itong tumingin sa akin.


“Ihahatid kita sa inyo.” Nakangiti kong wika.


“Hindi…”


“Please, kahit ngayon lang don’t argue with me.” Putol ko sa kanyang sasabihin. “Alam kong may sayad ako pero hindi ko akalain na kaya na pala nang sayad kong mag-trip na maging driver mo kahit malayo ang lugar na pupuntahan mo.” Nakangisi ko pang wika sa kanya sabay kuha nang mga dala nitong nasa ilalim nang kanyang kinauupuan.








Itutuloy:

32 comments:

Anonymous said...

hmmmmm..... manliligaw na si dave....... hehehhehe...... san na ang chapter 9 hahahahahahahah..... kilig na naman ako ..... parang teenager si dave... hahahhaha

---- makati boy

Anonymous said...

GOSH!!!!!!!!

renzell dave, what you did is the sweetest thing..

hays..and another hays..

good job kuya zeke..next chapter na..

-Jay

Anonymous said...

knight in shining armor ang trip ni dave.... hehehehehe.... si alex ang damsel in distress heehheheh

Anonymous said...

wow dave, u r intriguing and charming at the same time. u project coolness and roughness and yet u always do what's right for the sake of love....

Anonymous said...

wow dave ikaw ba yan??? napaka gentleman mo naman para kay malditang alex.....naku mukhang magtatanan na kayo ni alex..... agad agad... ha ha ha.... ano naman ang sasabihin mo sa parents ni alex kapag nandun ka na.....makilala mo na ang magingbyenan mo. he he he.... at lagot k pag balik mo isusumbong ka na ni brian sa mga nakita s yu....

ramy from qatar

Almondz said...

sweet ni dave in his own little way...

i can say...nag improve ka otor! pulido ang mga salita hehehe good job!

Zildjian said...

Almondz: hahaha salamat salamat :D ayiieee.. Siguro dahil na rin sa pagbabasa ko nakatulong iyon para medyo mag improve ang tagalog ko hahaha.. :D


Anon: Tama kay intriguing na si Dave but he's charming in this own way :D kaya nga sakit xa sa ulo ko eh ang hirap niyang gawing hero :))


Salamat sa mga commets guys!

Anonymous said...

ayun transformers na ang loko2!!! love is the best catalyst for change ika nga..haha! hopefully this change is for the better. Ayoko rin naman mawala ang dating dave..mas cute pag ganun kasi..hehe

GOOD WORK KUYA Z! :)

-->nIx

ezr0ck said...

ang bait naman pala ng mokong nah si dave eh ... nakuha pah niyang maging driver ni malditang alex .. way to go alex ... kaninis naman .. ngayon koh lang nabasa .. :-( pero worth it! nice work kuya .. ♥

Anonymous said...

kasalan na! Kasalan na! Hihi!
over naman sa pgkasensitive si alex. :p

--ANDY

kristoff shaun said...

eeeeee

Anonymous said...

kailan chapter 9? pwede mamayang hapon? please please? OMFG... THIS IS JUST SO ADORABLE... sa isang tao ka lang pala titiklop ha renzell dave... :)

--makki-- said...

Anyone can be passionate, but it takes real lovers to be silly.

sweet chapter! and i love it!

Anonymous said...

nice!
next level dave..
galing tlaga pag makulit ang bida..hehe.
sna din..maaga ang update..hehe.

_pol143.

Anonymous said...

hahahahha....like ko yung sinabing ni Dave,"Anong kaso ang pwede sa mapangakit na mga ngiti" ....wala ba silang picture otor para namn may visualization na mangyayari hihihihi

Pink 5ive said...

This story has a long way to go. Thanks Zeph :-)

Ross Magno said...

ang haba ng hair ni Alex haha

wastedpup said...

Ayan Dave. Tinamaan ka na nga. Hahaha. Ang tulis ng pana ni Kupido ah. Da best ka Z. Ingatz kaibigan...

robert_mendoza94@yahoo.com said...

ang cute aman nila. lalu na c dave! he he he

Anonymous said...

gumaganda yung story! sana may chapter 9 na :D

vp

Anonymous said...

wow..super sweeet ni dave!! i really like his personality..kalog na bad boy na funny but reaaly kind and thoughtful..he is so far d best para sa akin sa mga ngawa mo nang bida kuya..ganda ng charater nya..post na agad next chap..we want more of dave haha

-john el-

RJ said...

nagsisimula nang maging interesante ang lahat :)

grabe naman yung renta ni Alex, 3k. wow, grabe yung tita niya, sarap batukan lang.

tama yung isang nagcomment, Z. sobrang konti na lang yung mga typo mo ngayon. :)

keep it up!

Anonymous said...

koya ang konti nalang ng typo mo ha. ahaha. ^.^
ahaha. anyways nice work. Gandang iteleserye nito, ang vivid ng pagkadescribe.

GANDA PO!. SOLID NABITIN AKO, san bang probinsya yan, ang layo naman ata nyan.

^.^ bitiin talaga!

-ichigoXD

Lawfer said...

sweet... peo mukang my kpalit to

Anonymous said...

putol na putol ang sungay niya! wahahahaha!


Lyron

Silentreader said...

Nakakabitin... kaabang abang talaga ang next chapter. hahaha! nice one zeph! :) now time to read Taking Chances. Tapos ang Regrets ni Jeff!

Anonymous said...

kuya zep idol next chapt na po ahahaha.. hintay lng po ako by kidmax

Anonymous said...

driver kana pala ngayon dave? haha gusto ko nang malaman ang tungkol sa buhay ni malditang alex...『dereck』

Unknown said...

hahaha... nakakakilig..hahahaha

Billygar said...

hahaha. ibang klase si dave manligaw. paspasan. hehehe. Good job Z. Galing mo talaga.

Anonymous said...

wawa nmn c alex...nakarelate aq!pero tita plng ang meron aq naun at wala pang dave eh..haha...

Kakatouch mageffort ni dave!!!haha..

-monty

Anonymous said...

wow, paganda ng paganda ah. kanina pa akong umaga nagbabasa nito, now lang me nagcomment. idol na yata kita mr. Z. so far, wala akong nega comment mula chapter 1. hehe.

rhon

Post a Comment