Friday, January 13, 2012

Chances Chapter 10



by: Zephiel
email: zildjianace@gmail.com
URL: http://zildjianstories.blogspot.com


Wuuuushooo!!! Shing! Shing! Natapos ko rin sa wakas ang pakikibaka sa chapter na ito! Wew! Sana magustohan niyo itong kalokohan ko mga paps.


Gusto ko rin po sanang sabihin na medyo ma huhuli ang sunod kong update dahil sa pupunta ako nang Cebu para sa sinulog kaya naman hinabaan ko talaga ang chapter na ito.  Pero wag kayong mag-alala hindi naman ako mag-tatagal doon. :D


Batiin ko muna ngayon ang mga taong naghintay talaga na ma post ang chapter na ito kahit hetot mag-aalas- kwatro na nang madaling araw.


Almondz, Niccolo, Rex, Makatiboy, Jay (Doppelganger) – Ang limang matyagang naghintay na ma post ang chapter na ito. Salamat sa paghihintay mga kabagang! Wahahahaha.


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.




Nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas ng kwarto. Kunot noo akong napatingin sa may bintana kung saan malayang nakakapasok ang preskong hangin mula sa labas. Iba pala talaga ang  probinsya presko ang hangin at kakaiba ang amoy nito kumpara sa mga lugar na puno nang sasakyan.


“May riot ba sa labas?” Ang pupungas-pungas kong sabi’t inilbot ang tingin sa buong kwarto na ipinaubaya sa akin ni Alex the maldita. Ang half-half na buong akala ko ay masungit, suplado’t higit sa lahat walang kabaitan sa loob ng katawan.


Hindi gaanong kalakihan ang kwartong iyon infact, sakto lang ito sa isang tao. May maliit na higaan na gawa sa kahoy na pinatungan ng foam, maliit na bentilador at isang cabinet na sa tingin ko ay sampong dekada na ang tanda.


Napatingin ako sa aking relo mag-aalas-sais palang pala nang umaga pero maingay na sa labas ng kwartong iyon. Gising na gising na ang mga tao.


Sabagay, sa ganitong mga lugar normal na ang gumising ng maaga. Nasambit ko sa aking isip at bahagyang nakaramdam ng hiya. Lagi kasing sinasabi ni papa sa amin noon ni Dorwin na kapag makikitulog kami sa ibang bahay siguraduhin naming hindi kami mauunahan ng gising nang mga may-ari. Nakakahiya raw iyon.


Lalabas na sana ako nang kwarto nang marinig ko ang pinaguusapan nila.


“Gwapo ba siya? May girlfriend na ba?” Ani nang isang boses ng babae. Napahinto tuloy ako’t piniling makinig muna sa usapan parang ako kasi ang tinutukoy nito kung hindi ako nagkakamali.


“Gwapo siya pero hindi ko alam kung may karelasyon siya.” Sambit naman ng isa na kaboses ni Alex. Napangiti ako nang marinig kong na gugwapuhan pala ito sa akin lalo tuloy akong nagkainteres sa pinaguusapan nila.


“Wow! Mayaman na nga, gwapo pa! Ibugaw mo ako pinsan mukhang ito na ang pagkakataon ko.” Wika ulit nang babaeng kausap nito.


“Shhh! Hinaan mo nga ang boses mo’t baka marinig ka nun.” Nagpipigil na wika ni Alex. “Sigurado ba kayo na ako ang ipinunta niyo rito?” Dagdag pa nitong wika.


Kahit pala talaga sa mga pinsan nito masungit siya. Ang di ko maiwasang mmaisambit sa sarili ko.


“Wag mo akong isama sa katarandahan ni Ate, kuya. Napilit lang niya akong samahan siya nang mabalitaan namin sa kapitbahay na may bisita raw sina tiyang na may kotse.” Mas bata ang boses ng lalaking nagsalita at pansin kong may arte ang pagsasalita nito.


“Sus! Ako pa ang idinahilan mo Michaela. Ikaw nga itong pumunta sa bahay para ibalita sa akin na ayon sa kapatibahay nitong si pinsan may bisita silang gwapo eh.” Nanunudyong sabi naman ng babae.


“Hindi na talaga kayo nagbagong dalawa ang hilig niyo parin sa tsismis! Kung ako sa inyo bumalik na kayo sa mga bahay niyo’t marami pa kaming gagawin dito.” Ani ni Alex.


Ako nga talaga ang pinaguusapan ng mga ito. At base na rin sa mga narinig ko mukhang kumalat na sa buong baryo ang tungkol sa pagbisita ko doon. Mukhang past time nang mga ito ang i-radyo sa buong taga roon ang lahat ng bagay na bago sa baryo nila.


“Wag kang madamot pinsan. Hindi kami aalis dito hanggat hindi nasisilayan ng mga mata namin ang ka-kisigan ng bisita mo. Malay mo, siya na pala ang matagal ko nang hinihintay na prince charming ko.”


“Tama si Ate Aloda, gusto ko ring makakita nang totoong gwapo.” Pagsangayon naman ng batang sa tingin ko ay binabae base na rin sa tono nang boses nito.


Totoong gwapo? May hindi ba totoong gwapo sa mundo? Mukhang may mga sayad rin tulad ko ang mga pinsan nito. Ngingit-ngiti kong wika sa aking sarili.


“Alex, anak gisingin mo na si Dave nang makapagalmusal na tayo. Aloda, Michael, dito na rin kayo mag-almusal.


Boses iyon nang nanay nito. Doon na ako nagdesisyong lumabas ng kwarto. Sakto naman na pagbukas ko nang pintuan bumungad sa akin ang papakatok na si Alex naka taas na ang kamay nito at handa nang kumatok. Syempre sinalubong ko siya nang mapagpala kong ngiti.


“Good morning.” Bati ko sa kanya.


Alam kung nagulat ito dahil bahagyang nanlaki ang mga mata niya, ngunit nang makabawi ay hinagod ako nito nang tingin. Marahil ay dahil sa suot kung sando na hapit sa akin na nakalagay na sa higaan nang pumasok ako sa kwarto nito kasama ang isang basketball short kagabi matapos naming magusap. Hindi ko alam kung sino ang naglagay ng mga ito doon wala pa naman ito bago ako lumabas at mag-pahangin. Di ko tuloy maiwasang isipin na hindi naman talaga ang nakabukas na pintuan ang pakay ni Alex kagabi kung bakit ito lumabas siguro ay naalala nitong wala akong pamalit kaya ito lumabas sa silid ng kanyang kapatid.


“Ehem!” Ekseharadong pagtawag ng pansin ng mga kausap nito kanina na nasa likod na pala niya hindi manlang namin napansin. Busy kasi akong basahin ang kung ano mang pweding mabasa ko sa mga mata nito habang siya naman ay napukol na sa akin ang tingin. At ang konklusyon ko, mukhang nagustohan nito ang nakita niya base narin sa kakaibang kislap sa mga mata nito.


Naks! Conceited kana masyado Renzell Dave! Kontra agad ng maligalig kong isip.


Gusto ko pang matawa nang hawiin ito nang isang babae na sa tingin ko ay kaedad ko lamang katabi nito ang isang binatilyo o mas tamang sabihing dalagita sa suot nitong maiksing short at hapit na kulay pink na damit. Mukhang hindi nga ako dinaya nang pandinig ko tungkol sa sekswalidad nito.


Papa bol nga ate.” Wika nang dalagitang kasama nito na ikinangiti ko pang lalo.


“H-Hi.” Ang tila naman tinamaan ng hiyang wika nang kasama nito na kani-kanina lang ang lakas ng loob na sabihing ipakilala ako sa kanya.


“Dave mga pinsan ko sina Ate Aloda at Michael.” Pagpapakilala ni Alex sa akin sa mga ito. “Aloda, Michael, si Dave kapatid siya nang asawa ng boss ko.”


Ako na ang unang naglahad ng kamay sa dalawang tila na estatwa sa kanilang kinatatayuan. Si Michael ang unang kumuha noon na sinundan naman ng babaeng nagngangalang Aloda.


“Pwedi ba kitang halikan?” Sambit ni Aloda. Hindi ko alam kong biro iyon o kung anu man mukha kasi itong seryoso.


“Ate Aloda, gutom lang yan tara na sa kusina.” Wika ni Alex sabay hila nito sa pinsan niya. “Dave sumunod ka nalang.”


Natatawa ko nalang silang sinundan. Mukhang may mga kalahi pala ako sa lugar na ito at mukhang mas malakas pa ang sayad ng mga ito kesa sa akin. Nagsisimula palang ang unang araw ko sa baryong ito nageenjoy na ako at sa tingin ko marami pa akong makikilalang kakaibang tao sa baryong ito.


“Dave anak, maupo kana’t nang makapag-almusal na tayo. Gusto mo bang ipagtimpla kita nang kape?” Wika nang nanay nito. Nakakatuwa ang pagiging maalaga nito sa akin parang si nanay ko lang sa bahay.


“Magandang umaga po Aling Marta, Mang Tonio.” Bati ko sa mga ito.


“Siya pala ang bisita natin.” Ani naman ng isang babae na tumutulong sa paghahanda nang pagkain. “Mabuti naman at nagkasya sayo ang damit ng asawa ko.”


“Magandang umaga po.” Bati ko rito.


“Ito nga pala ang panganay namin Dave, si Belenda. Ang bunso namin ay nasa labas pa’t kasama si Rodrigo para bumili ng tinapay.” Wika nang ina nito.


Nginitian ako nito bilang pagbati.


“Kape mo.” Wika ni Alex at inilahad sa akin ang mug.


“Salamat.” Nakangiti kong tugon.


Dumating ang bunso nitong kapatid at ang bayaw nito at tulad rin ng mga unang taong nakilala ko sa lugar na iyon maganda rin ang naging pagtanggap ng mga ito sa akin. Halatang masaya ang pamilya nila at aaminin kong medyo na inggit ako. Hindi naman dahil sa hindi naging masaya ang paglaki namin ni Dorwin, pinuno rin naman kami nang pagmamahal ni papa. Lahat ng luho naming mag-kambal ay ibinigay nito. Siguro na miss ko lang ang ganitong klase nang bonding –ang mag-almusal na kasama mo ang buo mong pamilya.


Alam kong mahal na mahal ng mga magulang at mga kapatid niya si Alex. Panay kasi ang pangungumusta nila rito. Bakas rin ang saya sa mga mata nito habang kausap niya ang kanyang mga magulang at kapatid. Isang bagay na ikinatutuwa ko naman. Ngayon ko lang kasi nakita ang ganoong saya sa mga mata niya. Siguro tama nga ang desisyon ni Red na pagbigyan ang bakasyong hiniling nito.


“Pare, umiinum ka ba?” Tanong sa akin nang bayaw nito.


“Basta talaga inuman Rodrigo ang galing-galing mo.” Sita nang asawa nito na ikinakamot naman nito sa ulo.


“Malakas uminum yan.” Sabat naman ni Alex.


“Sige at mag-iihaw ako nang manok mamaya para pulutan natin.” Wika naman ng tatay nito.


“Si tatay, kinunsente na naman ang asawa ko.”


“Hayaan muna sila anak para masulit nitong si Dave ang bakasyon niya rito.” Wika naman ng nanay nito.


“May trabaho kana ba Dave?” Sabat naman ni Aloda na hindi pa nahihiwalay ang tingin sa akin simula nang maupo kami sa mesa.


“Meron na.” Nakangiti kong tugon rito.


Nangislap naman ang mga mata nito sa narinig.


“Ang swerte naman nang babaeng papakasalan mo. Meron na ba? Baka pwedi akong mag-apply crush kasi kita eh.”


Nasamid naman ako sa pagiging prangka nito. Na sobrahan ata ito nang ng tinatawag nilang pagiging prangka.


“Ano ba yan Ate Aloda, wag mo ngang takutin ang bisita ko.” Asik ni Alex dito. Nang tingnan ko ang ekspresyon ng mukha nito hindi iyon maipinta halatang naasar sa kakulitan ng pinsan niya. Hindi ko alam pero natuwa ako sa naging reaksyon nito para kasi itong nagseselos base sa reaksyon nito.


Nagseselos nga ba siya? Naitanong ko sa aking sarili.






Nangyari nga ang inuman namin ng tatay nito’t bayaw niya. Hindi pa naman pweding uminum ang bunso nila dahil sa wala pa itong lisensya sa mga magulang nito. Ang dalawang makukulit naman nitong pinsan ay kanina pa umuwi. Hindi na kasi naging maganda ang mood ni Alex matapos ang kaprangkahan ng Ate Aloda nito. Kaya minabuti nalang ng dalawa na umalis nalang bago pa raw sila gawing handa nito sa nalalapit na pista.


Masasabi kong mukhang sanay na ang mga ito sa sumpong ng kanilang pinsan wala kasi akong nakitang bakas ng pagtatampo sa mga ito kanina nang umalis. Nagawa pa ngang humirit ni Aloda sa akin bago umalis, mukhang sinasadya nitong inisin lalo si Alex.


“Ito pare, masarap na pulutan to.” Wika nang bayaw nitong si Rodrigo. Sa lilim nang isang malaking manga namin naisipang mag-lamesa para daw presko ang hangin at hindi kami agad malasing. Dalawang emperador ang binili nito pagkatapos naming mananghalian. Ang buong akala ko pa naman ay mamayang gabi pa kami mag-iinuman.


“Ano ba to pare?” Di ko maiwasang maitanong.


“Yan ang specialty ng misis ko. Ginataang ibon na linagyan ng maraming sili.”


Tumikim naman ako.


“Ayos to ah.” Wika ko nang magustohan ko ang lasa. Mahilig rin kasi ako sa maaanghang na pagkain na taliwas sa kambal ko.


Ilang minuto pa ay kasama na namin sa inuman si mang Tonio, makwela rin itong kainuman. Doon ko napagalaman na mahilig pala ito sa mga manok at may mga bini-breed na raw siya. Kaya tungkol sa mga manok ang naging usapan namin. Hindi naman ako nakaramdam ng inip dahil na eenjoy ko naman ang mga nalalaman ko tungkol sa iba’t ibang klase nang pag-breed ng manok panabong.


Paminsan-minsan namang lumalapit si Alex sa amin para pagdalhan kami nang pulutan at ang nakakatuwa pa ay lagi ako nitong pinapaalalahanan na wag masyadong mag-lasing. There’s this feeling that he somehow care for me.


“Yang anak kong si Alex, sobrang bait nean.” May tama na nitong sabi. “Lagi niya kaming inuuna kahit alam ko namang may sariling pangangailangan din siya.”


Mukhang dito ko na masisimulan ang pagkalap ko nang impormasyon tungkol sa tunay na Alex.


“Bakit po lagi syang masungit kung ganun?”


“Siguro para maitago niya ang tunay niyang nararamdaman.” Tugon naman nito na sa pintuan ng bahay nila nakatingin. “Bata palang si Alex ay lagi na siyang tinutukso nang mga kalaro niya dahil sa pagiging mahinhin nito na hindi karaniwan sa mga lalaki dito sa amin.”


Ibig sabihin ba ay alam nito ang tungkol sa pagiging half-half ng anak niya?


“At simula noon ay naging mailap na siya sa mga taga rito maliban sa apat na kababata niya na siya lamang tinuturing niyang kabigan. Nang umalis ang mga ito para mag-koleheyo sa ibang lugar ay naging malungkutin na si Alex. Nagsumikap kaming mag-asawa dahil sa mahal namin ang anak namin at dahil narin sa pagpaparaya nang dalawang kapatid niya napagaral namin si Alex sa koleheyo. Gusto kasi naming mapasaya ang anak namin. Alam kung gustong-gusto ni Alex ang makapagtapos.


Mataman lang kaming nakikinig ni Rodrigo sa kanya.


“Pero minalas kami nang maapektuhan ng bagyo ang pinagsasakahan ko. Hindi namin iyon ipinaalam kay Alex pero nalaman parin niya. Napilitang tumigil siya sa koleheyo.” Huminto muna ito’t inisang lagok ang tagay niya. Kita sa mga mata nito sa mga oras na iyon ang sobrang kalungkutan.


 “Alam niyo ba ang pakiramdam na hindi mo maibigay sa anak mo ang gusto niya? Masakit, Ako pa man din ang ama, ako dapat ang mag-tataguyod sa pamilaya ko pero wala akong nagawa. Ang buong akala namin ay uuwi nalang si Alex pero hindi iyon nangyari. Nakahanap siya nang trabaho at sa awa nang diyos naging mabait sa kanya ang kanyang mga amo. Sila ang tumulong sa kanya para makapagtapos siya nang koleheyo.”


Alam kong sina Red ang tinutukoy nito. Kung ganun, sila pala ang tumulong para makapagtapos si Alex. Alam kung kahit ganun kagulo ang pitong kurimaw na iyon hindi ko maikakailang mababait sila at yon ang isang rason kung bakit nahulog ang kambal at pinsan ko sa dalawang hunghang na sina Rome at Red.


“Sabi niyo po ay kakaiba si Alex sa mga normal na lalaki.  Ano po ang ibig niyong sabihin doon?” Di ko maiwasang maitanong. Gusto ko kasing malaman kung ano ang pagkakaintindi nito sa sinabi niya. Kung alam ba nito ang tungkol sa sekswalidad ng anak nito.


“Alam kung hindi normal na lalaki ang anak ko.” Nakangiti nitong wika sa akin. “At tanggap namin iyon. Walang rason para ikahiya namin ang anak namin. Proud kami kay Alex at kung saan siya masaya malugod at buo namin iyong tatanggapin dahil iyon ang dapat na ginagawa nang mga magulang ang suportahan ang kanilang anak.”


Naintig naman ako sa sinabi nito. Tama nga naman ito, bakit kailangan mong ipilit sa mga anak mo ang isang bagay na alam mo namang hindi mag-papasaya sa kanila. Pareho ang prinsipyo nang tatay ni Alex sa papa ko at gustong gusto ko iyon.


“Mang Tanio, magandang hapon po nabalitaan naming narito raw ngayon si Alex.” Napatingin kaming tatlo sa taong nagsalita.


“Jay anak, kelan ka dumating?” Wika naman ng matanda. Habang ako ay napako ang tingin rito hindi karaniwan ang kulay ng balat nito kaya masasabi kong isa rin itong dayo. Pero bakit kilala ito nang tatay ni Alex at higit sa lahat bakit hinahanap nito si Alex?


“Kanina lang umaga lang po.” Tugon nito sa matanda. “Ikaw ba ang sinasabing bisita ni Alex?” Baling naman nito sa akin.


Isang tango lang ang naging sagot ko sa kanya bilang pagtugon.


“Nice to meet you. Ako nga pala si Jay kaibigan niya.” Sabay lahad nito nang kamay niya sa akin na tinanggap ko naman.


“Jay!” Wika naman ni Alex, agad itong lumapit sa ‘KAIBIGAN’ niya at guess what? Nagyakapan ang mga hunghang.


“Kelan ka dumating?” Bakas naman ang tuwa sa mga mata ni Maldita. Medyo nakaramdam ako nang pagkaasar sa nakikita kong pagkawili nito sa kaibigan niya kuno. May kung anong damdamin ang pilit na sumisiksik sa akin.


“Kanina lang. Nakapag file ako nang leave sa opisina namin kaya hetot nakahabol ako sa tatlong itlog.” Magiliw naman nitong tugon.


“You mean pati yung tatlo nandito?”


“Noong isang araw pa kaya. Ayan kasi, kung anu-ano ang inaatupag mo.” Sabay lingon nito sa akin at ngumisi.


“Loko-loko!” At sabay pa silang nagtawanang dalawa.


“Anyway, hindi ako mag-tatagal dahil may utos pa sa akin si mama. Dumaan lang ako rito para sabihin sayo ang plano mamaya.” Wika nang kaibigan nitong si Jay.


“Plano?”


“Sabi ni Lantis, punta raw tayo mamaya sa plaza para makapag bonding. Hindi biro ang ma kompleto tayong lima.” Kakaiba rin ang isang to parang si Brian lang ang daldal.


“Talaga? Sige pupunta ako. Anong oras daw ba?” Excited naman na sagot ni Maldita. So, ito pala ang sinasabi ni mang Tonio na mga kaibigan nito.


“After dinner. Pahingi nga ako nang number mo nawala kasi ang phone ko.” At ibinigay nga nito ang number niya. Naunahan pa akong humingi nang number ng loko.


“Paano, alis muna ako kita nalang tayo mamaya.” Pagpapaalam nito saka bumaling sa akin. “Sumama ka mamaya ah.” At tuluyan na itong umalis.


Nabaling ang tingin nito sa akin nang makaalis ang kanyang kaibigan.


“Gusto mo sumama?” Tanong nito.


“Syempre naman. Alanga namang iwan mo ako rito.” Nakangiti kong sabi.


“Hindi kapa lasing?”


“Tubig lang sa akin ang emperador.” Pagyayabang ko sa kanya pero, ang totoo medyo groogy na ako.


“Yabang mo!” Asik nito na tinawanan lang namin ng bayaw at ama nito. Ngayong alam ko na ang rason sa likod ng lagi nitong pagsusungit ay lalo tuloy akong nagkainteres sa kanya at alam kong marami pa akong malalaman sa tatlong araw na pagsasama naming ito.






“Tulog na ang tatay mo?” Tanong ko sa kanya nang ibigay nito sa akin ang pinahiram na damit sa akin ng bayaw niya.


“Sa awa nang diyos nakatulog rin. Ang problema si kuya Drigo, ayon at suka pa nang suka sa kusina. Ilang emperador ba ang tinumba nyot nalasing ang dalawang yon? First time may nakatumba sa dalawang henyo sa inuman na yon ah.”


Napangisi ako. Matapos kasi naming maubos ang dalawang emperador na binili nang bayaw nito kanina ay nagpabili pa ulit ako nang tatlong beer na dahilan kung bakit naging pasyente nang mga asawa nila ang dalawang kainuman ko kanina.


“Anong nginingisi-ngisi mo diyan?” Wika nito.


“Wala, proud lang ako’t napatumba ko ang dalawang yon.” wika ko na sinabayan ko pa nang malokong tawa.


“Ang sabihin mo sunog baga ka kamo.” Pagsususngit na naman nito sa akin.


Hindi ko alam kung bakit pero may nag udyok sa akin na lapitan siya na kanya namang ikinaatras dahilan para mapasandal ito sa nakasarang pintuan ng kwarto niya. Akmang iiwas sana ito pero maagap kong naisandal ang dalawang kamay ko sa may pintuan at na corner ko siya.


Ramdam ko ang pagdampi ng hanging nagmumula sa kanya paghinga sa sobrang lapit ng mukha namin. Nang mag-tama ang aming mga mata ay muli ko na namang naramdaman ang kakaibang pakiramdam na hindi ko mabigyan ng pangalan.


“Dave…”


“Shhh… Wala akong gagawin na hindi mo magugustohan.”


Dahan-dahan kong inilapit ang aking mukha sa kanya na hindi tinatanggal ang pakikipagtitigan sa kanyang mga mata. Kaya nakita ko ang unti-unti nitong pagpikit.


“Alex, tulungan mo nga ako rito sa bayaw mong lasengo!” Tawag nang kapatid nito dahilan para maitulak ako nito papalayo sa kanya.


“M-Maligo kana Dave.” Wika nito at mabilisang lumabas ng kwarto.


Anak ng pucha! Was I going to kiss him? Di ko maiwasang maitanong sa aking sarili. Dahil ako man ay nabigla sa reyalisasyon na iyon.






Dumating kami sa plaza nang baryo nila. Ang buong akala ko ay sayawan lang meron doon pero hindi pala dahil may mga lamesa’t tindahan sa paligid nito na ngayon ay puno ng mga taong nagiinuman at nagkakasayahan.


Hindi pala pahuhuli ang baryo nilang ito pagdating sa mga kasayahan.


Isang beses lang akong kinausap ni Alex simula nang mangyari ang aksidenting iyon kanina – ang muntikan na naming paghahalikan. Iyon ay n’ong sabihin nito na sumakay nalang kami nang tricycle papunta sa plaza nila. Hindi ko tuloy maiwasang mag-sisi sa katarantuhang pumasok sa kokote ko kanina kahit paman hindi ko iyon sinadya.


“Alexis!” Kumakampay-kampay pang tawag ng isang lalaki di kalayuan sa entrance ng plaza. Nasa isa sa mga lamesa ito.


Lumapit naman kami rito at doon ko nakilala ang tatlo pa sa mga kaibigan nito.


“Maki, kamusta?” Tugon naman nito nang makalapit.


“Bakit si Maki lang ang kinukumusta mo?” Ani naman ng isang lalaki na may hawak na isang puting pusa.


“Nilalamig na si Kerochan bakit mo kasi dinala-dala pa yan dito. Pag-sinipon yan lagot ka sa akin Lantis.” Ani naman ng isa.


“Karupin. At wala kang paki kung dinala ko ang pusa ko dito.”


“Kerochan! Anong walang paki? Pusa ko yan.”


“Wang kang mangarap Niccollo, and for the last time his name is Karupin.” Wika nang lalaking nagngangalang Lantis.


“Pwedi kitang kasuhan ng kidnapping sa ginawa mong pagdala kay Kerochan dito nang walang pahintulot ko.” Ani naman ng lalaking nagngangalang Niccollo.


“Correction, catnapping. Bakit ko kailangang mag-paalam sayo eh pusa ko to?”


“Hep! Ceasefire muna kayong mga kolokoy kayo.” Saway nang lalaking nagngangalang Maki. “Kahit kailan talaga hindi na kayo nagkasundo hindi na kayo nahiya sa kasama ni Lexis.”


Anak nang teteng! Mas baliw pa ata sa akin ang mga kaibigan nitong si maldita. Pusa lang pinag-aawayan pa.


Nahinto naman ang walang kwentang pagtatalo ng dalawa at pareho napangitin sa akin.


“Sorry.” Mag-kasabay nilang wika na tinanguan ko lang.


Isa-isang nagpakilala ang mga ito sa akin. Masasabi kong may maipagmamayabang rin naman ang mga ito pagdating sa hitsura. Tulad ng Jay na una ko nang nakilala kanina ay may kaputian rin ang mga ito taliwas sa mga taong nakatira sa baryong iyon. Sabagay, umalis pala ang mga ito sa baryong iyon para mag-aral sa ibang lugar.


“Um-order na kami nang inumin. Alexis, hindi pweding hindi ka iinum ngayon. Tagal nating di nagkita-kitang lima.” Sambit ni Maki.


“Alam…”


“Wag kanang mag-attempt  na mag-dahilan hindi ka papayagan ni Karupin.” Pagputol ni Lantis sa mga sasabin sana ni Alex.


Napatingin tuloy ako sa pusang hawak nito na enosenteng enosente sa mga nangyarari.


“Kerochan.”


“Bakit ba mas marunong kapa sa nagbigay ng pangalan?” May bahid ng pagkapikong wika ni Lantis.


“Bakit ba mas marunong kapa sa nagbinyag?” Sagot naman ni Niccollo.


May mga sayad ata ang dalawang to. Napapaling ko nalang sabi sa aking isip.



“Wag mong pansinin ang dalawang ungas na yan Dave, kulang lang yan sa pansin.” Wika ni Jay na nakangiti.


“Nagsalita ang hindi kulang sa pansin.” Bara naman ng Niccollo.


Ibinaling ko nalang sa natahimik na si Alex ang pansin ko bago pa masira nang tuluyan ang ulo ko sa dalawang magkaibigan na iyon. Nakatingin rin pala ito sa akin na animoy may kung anong iniisip. Binigyan ko ito nang aking mapagpalang ngiti na tinugon naman niya ng isang tipid na ngiti bago ibaling sa mga kaibigan niya ang kanyang atensyon.


Dumating ang in-order nilang barbeque at Red Horse. Okey naman sa akin ang uminum ulit dahil narin sa nahimasmasan na ako nang makaligo ako kanina. Gusto ko mang tanungin si Alex kong anu ang mga bumabagabag dito ay hindi ko magawa. Oo, alam kung may bumabagabag sa kanya at sa tingin ko iyon ay dahil sa nangyari sa amin kanina.


Nang masimula ang tagay ay nagsimula na rin ang kwentohan. Syempre ako ang naging tampulan nila nang tanong since na bago ako sa kanila. Lahat naman ay sinagot ko hanggang sa unti-unti nang mapalagay ang loob ko sa mga ito.


Kamustahan at kung anu-ano pang kalokohan ang sumunod na mga nangyari sa gabing iyon. Hinayaan ko silang makapagbonding dahil alam kung matagal na panahon silang hindi nagkita-kita base na rin sa mga naririnig ko. Hanggang sa mapansin ko ang pamumula ni Alex.


“Lasing kana?” Tanong ko sa kanya.


“Hik! Hinde talaga ako umiinum pero dahil sa na miss ko itong mga kutong lupa na ito kaya ito. Shabi ko naman kasi kanina na hindi ako umiinum talaga ayan tuloy nalasheng ako.” Nakangisi nitong tugon sa akin.


May sasabihin pa sana ako nang humilig sa akin ang ulo nito’t sumandal sa aking braso. At boom! Nakatulong ang maldita.


“Nakatulog.” Nakangising wika ni Maki.


“Ano pa ba ang bago.” Wika naman ni Lantis.


“Akala ko pa naman lumevel up na siya dahil sa isang bar siya nagtratrabaho.” Si Niccollo.


“Oh well, atleast hindi na tayo ang kakarga sa kanya ngayon.” Si Jay.


Mga kaibigan ba talaga niya ang mga ito? Di ko maiwasang maitanong sa aking sarili.









Itutuloy:

49 comments:

jey said...

nice story again zekiel....

Niccollo said...

I was looking for something... pero di ko nahanap...
pero kahit na. ok pa din kasi nabasa ko pangaln ko. hahaha! :))
kalokohan mo talaga zeke! next chapter pag balik mo galing dito sa cebu!
Wag mo gawing pa girl character ko ha! Upakan kita! hahaha!

Almondz said...

as usual...makukulit pa rin ang mga tauhan nitong kwento, at gaya ng nasabi ko na before...malaki na ang improvement mo sa wikang filipino.

pero, namimissed ko rin yung mga salitang una kong nabasa sa mga nauna mong isinulat. iyon kasi ang nagbigay sa akin ng curiosity para sundan ang mga akda mo rito sa sarili mong blog hehe.

anyway happy sinulog sau zephie, nawa'y mag-enjoy kayo...(ni long lost? hmmm)

Anonymous said...

love it..hahahaha..ang ganda ng character ko..

maganda yung scene ni alexis at renzell dave..yung dapat hahalikan na niya..feeling niya confused siya pero in fact mahal na niya si alexis..

next na kung pano iuuwi ni renzell dave si alexis..at kung ano ang gagawin niyang move once na maihiga na niya sa kama ito..hmmmmm..hopefully wala pa munang torrid..tignan natin kung magpapaka-gentleman si renzell dave..

i'm also thinking na magkakaron sila ng mga intimate kilig moments habang nasa probinsiya sila pareho..like pagligo sa ilog..pagsibak ng kahoy..habang nag-aasaran..mga ganun..ahahaha..actually i was hoping for it to appear in this chapter pero dahil sa mga new set of characters to give some little emphasis..and to give a background on how alexis is before his life in the city..puro kasi unfinished kilig moments ang meron..dapat merong parang ligawan factor na di alam ni dave na ginagawa na pala niya and it's making his affections for alexis grow much more deeper..making him also very confused..

feeling ko, there will be something weird sa chapter 11..on the last scene maybe, pag nakabalik na sila sa city..a twist..

anyways, good job pa rin kuya zeke..

-Jay

Anonymous said...

kuya zeke..kung si nicollo uupakan ka..ako isusumpa naman kita kapag ginawa mo rin pa-gurl ang character ko..hahahaha..

-Jay

--makki-- said...

uy! kapangalan ko pa ang isang character.. :)

bakit kaya natanong ni Dave kung talagang mga kaibigan ito ni Lex?

hmmm.. at dahil lasheng na si Lex.. ano kaya ang mangyayari sa pag-uwi nila? matutuloy na ba ang ang naudyok na KISS?


awwww! malapit na ang mga sweet moments...

Anonymous said...

what nalasing si alex the maldita....... naku baka mag wala yan sa lungga..... bantayan mo dave....

ramy from qatar

Gerald said...

Hahaha ang kukuleeet! Naku may mga bagong characters na naman. And it seems each of them has a story to tell. Mukhang may susunod na namang story after nito. Never ending series Hahaha.

Anonymous said...

bitin! pero maganda!
next na agad!

-James rivera

Anonymous said...

ganda lahat ng story na nagawa mo. tama si jay sana magkaroon ng mga intimate moments si alex at dave medyo magtatagal pa naman sila sa probinsya eh.

----januard

Jm_virgin2009 said...

wow! ang lupit nman ni dave sa inuman, sana ganun nlang ako. hehehehehe

kinilig nman ako dun sa nangyari sa kanila sa kwarto, kala ko matutuloy nia na halikan si alexis pero bigo pala ako. huhuhhuhuhu.

ano kaya ung papel ng pinsan ni alex na si aloda, mukhang mauunahan nia pa c alexis kay dave ah,..

sana pumunta din ung exbf ni alexis sa pista nila, ano kaya ung reaction ni dave.. jejejejeje.

sana may torrid scene din, joke. jejejejeje, okay na skin ung kissing scene.. hahahahahaha.

next na agad,.. i cant wait, :-)

Anonymous said...

MAg rereklamo ako.... bakit konti ng line ng character ko hahahahahahaha.... thanks sa pagextra namin...... jay malaki binayad mo kay super Z.. ang haba ng eexposure mo ... hahahahha... syempre daming kilig moments.... at sa susunod manghaharana nasi si dave kay alex aka dalagang filipina ...... :)

- makatiboy

Anonymous said...

O Alam na! Ahaha

Dave ikaw na ang bahala kay Alex pagkakataon mo na yan! Haha Naku baka may mangyari sa kanila pagdating sa bahay...

-jake of cebu-

Unknown said...

hahahaha..nice:) weird yung mga names ng characters ha..lol

kristoff shaun said...

nakakakilig naman lumelevel up na ang tambalan hehe!

wizlovezchiz said...

Bitin. Kinakabahan ako at naaawa ako for Alex. Nakuha mo ang mentality ng isang conservative, corporate (dahil nga sa manager), at strict na si Alex sa kwentong ito but I think it's a little to early for Alex to give in not that he's desperate but maybe because he is tempted and a little too drunk. I hope he doesn't fall asleep fast since he's drunk since mukhang tulog mantikang parang troso si Alex if drunk.

Isa pa rin masasabi ko kay Dave: Gago siya. Alam niyang lasing, naku naku naku. Iyan ang pinakamadali ngunit delikadong paraan to test the waters sa mga naghahanap ng kasagutan. It'll definitely make or break it.

Anonymous said...

omg! bka may mangyari na sakanilang dalawa.. haha


pagkakataon mo na dave ... go,go,go!

ezr0ck said...

ang kulit lang .. at dahil dito na-miss koh tuloy ang bestfriend koh .. :-( .. 0o nga dave wat got into ur mind bat moh un ginawa? maganda nah sana ang relsayon nyo ..

_ kuya zek, lagyan moh nman ng kunting bangayan between the two .. namiss koh un eh ..

Almondz said...

TOP si Dave, alam natin kung ano lang ang magagawa ni Dave sa isang lasing na tulog pa lalo na't si Alex ang unang half half sa buhay nya. Kung si Alex ang mag-iinitiate ay malamang na may magaganap.

Anonymous said...

haha promise na-enjoy ko si Lantis at Nicollo. Sila siguro ang mga bida sa susunod na project ni zeke.

Nice nice! :)

--ANDY

russ said...

wag maging harsh dave ok dahan dahan lang be gentle...pit senyor author...

Migz said...

ang cute ng chapter na ito... nice one author..

RJ said...

alam na haha :D

pero feeling ko talaga may malaking mangyayari sa bakasyon na ito e..not necessarily sex. basta hinihintay ko yung pangyayaring yun. :)

keep it up Z :)

wastedpup said...

Anu kaya mangyayari? Hmmm. Enjoy Cebu Z. Kung may oras ka, kitakitz tayo. :)

Zildjian said...

text mo lang ako kung nasa malapit ka..hehehe 09268419082 yan number ko..

Anonymous said...

usual story ng lalake sa lalake tapos kapag nalasing ayun me mangyayari kung hindi man pagnanasahan... hays... saka me mga mali mali sa spelling kaya minsan hirap intindihin...

togoodtobetrue

Fugi said...

natuwa ako sa mga pahgalan si lantis ay nasa magic knight ray earth tas si karupin naman ay ang alagang pusa na hindi ko alam anong lahi ni ryoma echizen sa prince of tennis.. hahahaha

Pink 5ive said...

Nice one. Weird names, actually :-)

Zildjian said...

pcnxa na togood hindi naman kasi ako as perfect as u want me to be but im trying my very best to please all.my readers... now, if my writing style really bother u that much then i suggest na wag mo nlang basahin ng hindi sumakit ang ulo mo after all im not paid to do this kaya naman siguro i deserve a.little credit from u... good pm.

-ShalnarK- said...

Hahaha! I labet! Nkakatawa si alex mahina pla uminom! Hahaha! Anu kya mngyari after ng inuman nla n un. LOL!

wizlovezchiz said...

zephiel: you are doing your best in this since you started it and if you aren't doing good in this then why would this big crowd wait for each of your updates? if they're reading it then it means it's worth reading and some can give our comments like that because they know they can't come of with a content like this regardless of the writing style or observance of the rules in writing.

Ang pinakamahalaga ay ang content ng sinulat mo. Dahil gaano pa kaarte or gaano man nasunod ang tamang dapat gawin sa pagsusulat kung wala naman itong nilalaman ay di pa rin worth reading.


Am just saying this not because I am being bias or anything but you know why I am reacting to togoodtobetrue's comment as your reader.

wizlovezchiz said...

and for this comment... oo inaamin ko inulit ko ulit basahin from chapter one lol... sira ulo ka kasi

Anonymous said...

kuya z dont worry we really appreciate the time and effort like firstime ko mag comment pero last year mo pa po akong silent reader sa inyong dalawa ni kuya jeff paloma pero ito lng ang gustong sabihin
you help me realize who and what i really am lahat po ng pretentions ko sa buhay eh nakatulong po kayong maibsan yon

more power and lots of love at madami po kaming humahanga sa inyo...pramis!
darwin19

Anonymous said...

actualy im not here to argue with the author but to tell him the things that i observed and i think i have also the rights to comment whatever i want to say coz we are in a democratic country..

regarding with the typographical errors that i observed i think u should be aware of that... but if u think that is a destructive comments to you mr. author wala na akong magagawa..

im not trying to say na maging perfect writer ka but sa simpleng comment di mo na matanggap feeling ko di ka nga magiging perfect writer sa ugali mo... sa last sentence ng reply mo sa aking comment sana di ganun ang ugali mo kasi di maganda...

togoodtobetrue

Anonymous said...

waaahhh!!...
ngaun Lng ako nkpag.comment...
wLa ksing internet for the past 4 days...
wLa tuLoy ung name ko sah bati portion...
hehehe...

as aLways, mganda ang chapter nah ito...
for some reasons, naaLaLa ko ung story nah ni kuya mike juha...
ung idoL ko si sir...
hehehe...

more power kuya Z!!...
nd HAPI SINULOG!!...
i hope ng.enjoy kah sah sinuLog at sah stay moh dito sah cebu...


- edrich

Zildjian said...

i also dont intend to argue with you togood but as u've said, this is a democratic country so i also have the right to defend myself as the author.


kung ang pagsagot ko sa comment mo ay para sayo ay isang di magandang attitude then u are being judge mental wouldnt u agree?


tungkol naman sa mga typos ko. aminado ako doon at as a writer ginagawa ko naman ang mag proof read ang kaso nga lang hindi ko makita lahat since automatic na sa utak ko ang pagcorrect. sana lang maintindihan mo yon.

Migz said...

togoodtobetrue, typos will always be there no matter how many times one proof reads his work.. if it distracts you from reading, it does not distract us for we know how to be flexible.. what matters most is that we like the plot, theme and flow of the story and we understand how it goes.. perhaps you have to look at the pseudonym you are using too kasi parang it has typo too or better yet, wrong grammar yata.. sabi mo nga, this is a democratic country which means we have the right to comment sa pangalan mo if we notice na may mali.. give the author a little break and appreciation, a simple thank you could have been enough and pwede ka naman magcriticize, constructive lang sana ang pagkakagawa mo hindi iyong as if you are maligning the author of this story..

ZROM60 said...

so nice aman, parang sa probinsya din namin pag pyesta dati. he he he he, muntik na ah. hindi alam ni dave na na fall na tlaga sya kay alex. he he he he. next chapter plzzz.

Anonymous said...

sino ba yun na nangaaway sayo Kuya Zild??hehehe kahit naman may typos ka okay lang naman kasi intindi pa naman. at kung walang typos, hindi din ikaw yun..hahaha

-jojimon

wizlovezchiz said...

toogoodtobetrue: it could've been delivered in a non destructive and offensive way pero sa pananalita mo sa feedback mo sa gawa niya we think you are and you're just using the democracy of this country as an excuse. kung ugali na ang pupunahin mo dito then definitely tinitira mo na ang author. fyi, Z works under pressure and he pressures himself to proof read it everytime he finishes a chapter. we know Z and he is trying his best in this. kung makapagclaim ka kilala mo si Z at kung makapagclaim ka akala mo perfect writer ka na. ni hindi mo nga maibigay tunay mong pangalan kung author ka man.

wag masyado mayabang at maarte, hindi mo pinasusuweldo si Z at hindi ka niya binabayaran para mag-inarte kaya kung di ka na rin naman magbibigay ng magandang feedback in a constructive manner mabuting huwag na lang kasi kakapiranggot na tinga ka lang sa mga nagbibigay ng comment sa mga gawa niya.

master_lee#27 said...

uh kakilig much aha :) i think malapit na sila mahulog ng tuluyan sa isatisa aha..ganda takecare much/....keep it up kuya zep....

Anonymous said...

Hi.. isa ako sa mga silent readers dito soobrang tagal na... nagcomment lang ako kasi unfair naman talaga yung sinabi ni toogood... most of the people reading zilds stories like his writing style.. it doesnt need to be perfect.. i think, whats important is that he can effectively tell the story and he is successful in making the readers feel the emotions that his characters are trying to show.. I think people like zild because he makes us feel happy, sad, angry and kilig through his stories.. and that goes beyond being able to write a story flawlessly on a technical aspect... he deserves the credit... so thank you zild for writing stories that inspire alot of us...

And its quite simple really.. if you want something perfect, go buy a book that that takes years to publish and has its own editor and proof readers that takes months to finish their jobs.. don't read a story that gets updated every other day... Just my two cents.. :) silent_al

Anonymous said...

itong c togood nagpapaka perfect na d tama at akma sa lugar at sitwasyon... You are right on saying we live in a democratic country but don't cloak yourself with waht you think is your right because it is not absolute. Go get a life man!

Anonymous said...

togoodtobetrue

kung marunong ka talaga, marunong kang magdecypher. kahit mali ang spelling maiintidihan mo. bukod tanging ikaw lang ang nagreklamo sa maling spelling.... so what kung typical ang story... at lst nakangiti kami pagkatapos namin basahin ang story ni Z. yung sa iyo kaya pagbinasa namin?? kung gusto mo ng malalim na kwento bili ka ng libro.... o ilathala mo buhay mo.....


wag makialam sa kasiyahan ng mga tao. kung hindi mo gusto wag kang magbasa... pinilit ka bang basahin ang story??


pwede naman sabihin ng maayos ang reklamo... parang walang pinagaralan sa way ng pagreklamo... walang pasintabi...

Anonymous said...

Nakakabaliw pla mag antay :] naging routine q na every morning at bfore matulog ay icheck ang site nto pati kay kuya jeff na site :]

..vin..

Anonymous said...

Ierase na yan si togoodtobetrue nakakawalang gana siya... Eh ano kung my typos? Hindi naman yun ikinasira ng story still maganda pa din, napasaya kami at gumanda naman mood ng mga readers, yun nga lang sinira mo, and being in a democratic country means being sensitive in every word/ opinion you say, matuto kang ilugar ang mga opinyon mo...

Mr author san na yung next? Excited na ko.. Hehe.. At hayaan mo na po siya,kami na lang na mga nagmamahal mong readers ang magtatanggol sayo.. Hehe we love your works and we love you authir... Ahehe

-jemyro

Anonymous said...

Tsaka togood we dont need a perfect writer, what we need ( hindi ka kasama dun) is an author who could bring out the emotions we need and could touch our lives.. The author doesnt need your DEMOCRATIC YET DESTRUCTIVE UNSOLICITED OPINION...

-jemyro ulit

Anonymous said...

Red:
Hahaha.
Napakasimple lang niyan.
If Una Pa lang, di na ayos ang pagkakagawa then stop reading.

Napaka Low Status naman ng reader if he or she read the story continuesly and comment bad later.
Hahaha.

Humans Are Born na may utak,
so easy for u to know or to understand kung ano ang sinasabi,pinapahiwatig, at pinaiintindi sa iyo ng story.

Well, sometimes people are born just to give carbon dioxide to the plants and nothing more... husss!!!

Anonymous said...

haha..muntik ng makascore c mokong ah!?wrong timing lang c ate ni alex!haha...kaisip q 2loy ex ni alex c jay eh..hehe

-monty

Post a Comment