Wednesday, January 11, 2012

Chances Chapter 09



by: Zephiel
email: zildjianace@gmail.com
URL: http://zildjianstories.blogspot.com


YEHEY! Natapos ko rin ang pakikibaka sa chapter na ito. Hindi biro ang gumawa nang isang character na kasing ligalig ni Rezell Dave at kasing sungit naman ni Alexis. Ano ba itong pinasok ko. HAHAHAHA Basta yun na yon!


Sana ma-enjoy niyo ang chapter na ito kahit na medyo sabog ngayon ang isip ko. Teka nga pala may bago akong trip eh. Babatiin ko naman ngayon ang mga taong nagkomento sa huling chapter na pinost ko para naman maipakita sa kanila ang aking pasasalamat. :D


Makati boy (Lagi itong nagbabantay at nakikipagpuyatan talaga sa akin para lang mabasa ang latest update.), Doppelganger Jay (Isa rin sa maliligalig na taong kahit may review ay nagpupuyat mabasa lang ang next chapter), Jefofotz (Jeffrey Paloma), Rammy From Qatar, Almondz (Na sinabing nagimprove na raw ang writing ko hahaha siguro nabawasan ang trademark kong mga typos.), NLX, Ezr0ck (isa rin itong maligalig.), Krisstoffshaun, --Maki--, _pol143,  Great Pink 5ive (Na miss ko nang makachat ka iho.), Ross Magno, Wastedpup, Rober_mendoza94@yahoo.com, VP, John El, R.J (Ang walang sawang laging nagkokomento sa storya ko noon paman! APIR!), IchigoxD, Kanatashi no Rue (Rue), Lyron, SilentReader (Na nakachat ko kagabi hahaha kasama si Rex, at syempre si Kidmax. Salamat sa inyo guys!!


Sa mga anonymous na nagcomment sana mag-iwan na kayo nang pangalan para sa susunod ma bati ko na kasyo specifically dib a? Para astig!! Sayang ang space! Hahahaha


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.




Kanina pa tumatakbo ang sasakyan at simula nang sumakay si Alex ay hindi manlang ito nagbitiw ng kahit anong salita. Tahimik lamang itong nakatingin sa bintana nang aking sasakyan marahil ay hanggang ngayon ay nahihiya parin ito sa nangyari kanina nang ihatid ko ito sa kanila para kunin ang kanyang mga damit na dadalhin para sa bakasyon nito sa bayan ng ama nito.


Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko’t nagdesisyon akong ihatid ito sa napakalayong probinsya nang kanyang ama. Siguro ay dahil alam kong kailangan niya nang taong makakausap ngayon. Hindi biro ang mapahiya ka sa harap ng mga tao lalo na sa ugali nitong kasing tayog pa ata nang Great Wall of China ang pride.


Bilib din ako sa pasensya nang taong ito. Kung sa akin nangyari kanina ang ganun baka siguro nasapak ko na ang taong gumanon sa akin. Harap-harapang pang-gagamit ang ginagawa nang tiyahin nito sa kanya pero, ito pa mismo ang humingi nang paumanhin. Balak ba nitong maging isang santo?


“Bakit hinahayaan mong ganunin ka nang tiyahin mo?” Ang di ko maiwasang maitanong. Only a full fledge idiot will allow himself to be insulted in front of many people. At hindi naman siguro ito ganun ka stupid para hindi mapansin ang na pinagkakaperahan na siya nang tiyahin niya.


Lumingon ito sa akin nang nakakunot ang noo bakas ang galit sa kanyang mga mata. Hindi siguro nito nagustohan na muli kong ipinaalala ang kahihiyang dinanas nito kanina. Pero wala akong balak na manahimik dahil sa totoo lang hindi ko nagustohan ang ugali nang tiyahin nito at gusto kong malaman ang rason kung bakit niya ito hinahayaan.


“Three thousand pesos sa isang buwan ang renta mo sa bahay na iyon? Ni daga mahihiyang tumira doon tapos pumayag ka? Ang akala ko ba tiyahin mo iyon, bakit ka pinagbabayad ng renta?” Sunod sunod kung wika na hindi nagpaapekto sa naging reaksyon nito.


“Wala nang libre ngayon.” Mahina pero ramdam ko ang galit na wika nito.


“Sinong nagpauso niyan? Ang tiyahin mong mukhang pera at ang tingin sayo ay banko?” Iritado ko namang balik sa kanya. Lalo lang kasi nitong ipinapaalala sa akin ang bagay na ayaw na ayaw ko – ang mga taong manggagamit. Mga taong gumagamit ng ibang tao para lang masunod ang mga luho nito. Sabagay walang taong mangagamit kung walang taong mag-papagamit at sa kasamaang palad isa ang maldita, suplado, laging iritadong Alex na ito sa mga nagpapagamit.


Hindi agad ito nakasagot sa akin.


“Obligado akong tumulong dahil sa kanila ako nakatira.” Kapag kuwan ay wika nito.


Ngalingaling batukan ko ito para magising sa kanyang katangahan. Hindi masama ang tumulong sa kapwa alam ko iyon pero ang ginagawa nang tiyahin nito ay hindi paghingi nang tulong kung hindi panggagantso. It’s obvious that they were taking advantage on him just because may trabaho siya.


“Hindi ko alam na ganun ka pala ka bait at katanga noh? Halata nang pinagkakaperahan ka pero ayos parin sayo. A very saintly move.” May bahid ng sarkasmo kong wika.


“Hindi ako tanga….” Pagdedepensa nito sa kanyang sarili pero hindi ko na siya hinayaang matapos.


“Hindi ka nga tanga sobrang tanga lang.”


“Bakit ba lagi kang nakikialam?! Ikaw ba ang pinagkakaperahan? Don’t act as if you knew everything about me dahil wala kang alam.” Galit na galit nitong wika.


Aminado akong nagulat ako sa naging reaksyon nito. Hindi kasi ako sanay na pinapansin nito ang pang-aasar ko. Pansin ko ang galit nang pansamantalang iwanan ko nang tingin ang binabaybay naming kalsada para makita ang reaksyon ng mukha nito.


Tama naman talaga ito wala akong karapatang panghimasukan ang personal nitong buhay dahil hindi ko pa naman ito kilala. Ni kanina nga lang ata kami nagkaroon ng walang pagtatalong usapan na hindi manlang tumagal ng isang oras.


Hindi na ako umimik pa, mukhang nakapuntos na naman ito sa akin. Bakit ba naman kasi apektado ako nang sobra kung involve siya? Alam kong may kakaiba akong nararamdaman para sa kanya ang kaso hindi ko mabigyan ng pangalan ang pakiramdam na iyon.


Mag-aalas-syete na nang gabi at mahigit tatlong oras na kaming walang kibuan nito sa loob ng sasakyan. Sa loob rin ng tatlong oras na iyon wala akong ibang ginawa kung hindi ang paminsan-minsang sulyapan ito. Nang makakita ako nang isang kainan na marahil ay stop over ng mga bus na paluwas ng manila ay nakaramdam ako nang gutom. Nakakagutom pala ang isang byaheng alam mong may kasama ka pero ang kaso hindi mo naman makausap. Agad kong itinabi ang sasakyan.


“Kumain na muna tayo malayo-layo pa byahe natin.” Wika ko sa kanya.


“I-I’m sorry.” Mahinang wika nito pero sapat na para marinig ko. “Hindi kita dapat sinigawan ng ganun. Ikaw na nga itong nagmagandang loob para ihatid ako tapos ako pa itong malakas ang loob na magalit sayo.” Dagdag pa nito.


Alam kong simpleng sorry lang ang sinabi nito pero sa simpleng sorry na iyon nagawa nitong mapangiti ako’t palisin ang pagod ko sa araw na iyon.


“Ako dapat ang nagso-sorry sayo. Hindi ko dapat pinanghimasukan ang personal mong buhay.” Nakangiti kong wika sa kanya.


Ilang sigundo rin kaming nagkatitigan at sapat na iyon para ma-pagmasdan ko ang maamo nitong mukha –ang mukha ng isang inosenteng tao na hindi ko nakita noon dahil sa nakakubli ito sa palaging pangungunot nito tuwing mag-kikita kami.


Naputol lamang ang lahat ng iyon nang may marinig akong ingay na nagmula sa kanyang tiyan.


“Ano yon?” Wika ko na pinipigilan ang humagalpak ng tawa. Kanina pa pala ito gutom pero tiniis lang nito iyon marahil dahil nahihiya itong kibuin ako. Kakaiba talaga ang isang ito.


“Elepante yon.” Doon na kami tuluyang humagalpak ng tawa. Mababaw na kung sa mababaw pero iba talaga ang dating niya sa akin sa tuwing nakikita ko siyang masaya.


“Kumain na tayo bago pa umungol muli ang mga alaga mo.” Tatawa-tawa ko paring sabi. Ang gaan sa pakiramdam na sa wakas narinig ko rin itong tumawa.


Naging maganda naman ang takbo nang hapunan namin kahit na alam kong naiilang parin siya sa akin. Alam ko namang hindi ganun kadaling makuha ang loob nito’t lalo pa’t hindi naging maganda ang simula nang pagkakakilala namin.


“Kapatid mo pala si sir Dorwin.” Kapag kuwan ay wika nito nang maubusan na ako nang itatanong sa kanya.


“Medyo.” Nakangiti kong sabi. “Actually kambal kami.”


“Kaya pala pareho ang mata niyo.” Wika nito at bahagya pang namula.


Sa naging reaksyon nito ay agad akong napangisi. Ibig sabihin may kakaibang epekto talaga ako sa kanya kahit na lagi ako nitong sinusungitan.


“B-Bakit?” Nauutal nitong wika.


“You’re blushing.” Nakangisi ko paring wika.


Lalo naman itong namula sa hayagan kong pangbubuko sa kanya. Hindi ko alam pero ikinatuwa ko talaga ang reaksyon nito. This is the main reason why I wanted to be with him -kung bakit kahit alam kung malayo ang pupuntahan nito ay nagpumilit parin akong samahan siya. Dahil sa simpleng reaksyon nito nagagawa niya akong pasayahin ng todo.


Ang cute niya. Di ko maiwasang sabihin sa aking isip. I never find someone as cute as him when blushing even my ex’s hindi ko ito nakita sa kanila. Sa maldita, sensitive at masungit na Alex ko lamang iyon nakita.


“Tara na.” Wika nito at agad na tumayo at tinungo na ang sasakyan. Ngingiti-ngiti naman  akong sumunod sa kanya.


Nang muli naming ipagpatuloy ang byahe ay naging tahimik itong muli. Hindi ko na siya kinulit pa at baka mauwi na naman sa kung anu mang bangayan ang nagsisimula nang gumandang samahan namin.


“Matulog kanalang muna gisingin nalang kita kapag hindi ko na alam ang daan.” Wika ko sa kanya sabay ng pag-on ng stereo car.


“Ang pangit naman noon kung tutulugan kita sa byahe. Salamat nga pala Renzell Dave.” Ang nakangiti nitong wika sa akin.


Sa kauna-unahang pagkakataon ikinatuwa kong marinig ang buo kong pangalan. Ayaw na ayaw ko kasing may tumatawag sa akin gamit ang buo kong pangalan dahil tanging si Dorwin at ang papa ko lang ang hinahayaan kong tumawag sa akin ng ganun.


“Tama ba ang dinig ko? Tinawag mo ako sa buo kong pangalan?” Nakangiti kong wika sa kanya.


“Siguro.” Tugon naman nito.


“Bakit?”


“Anong bakit?”


“I mean bakit mo ako tinawag sa buo kong pangalan?”


“Kasi maganda ang pangalan mo?”


Muli akong napatingin sa kanya at nakita kong muli ang pamumula nito’t nakangiting mukha.


“Is that a statement or a question?” Ngising pilyo kong sabi.


“Both.” Wika nito na sinamahan rin nang kaparehong ngisi ko. Pareho kaming napatawa sa kalokohan namin. Masasabi kong sobrang gaan ng pakiramdam ko sa mga oras na iyon dahil sa wakas naging maganda na rin ang pakikitungo nito sa akin.


Iyon lang ba talaga ang rason Renzell Dave?
                                                                                                                                                





Matapos ang mahigit anim na oras na byahe at pakikipag-buno sa malubak na kalsada ay narating din namin ang bahay nila. Simple lang iyon na ang tanging naging bakud ay ang malalagong bugambilia. Madilim na ang loob ng bahay sabagay alas-dyes na nang gabi malamang tulog na ang mga tao.


Ito ang pangalawang baryo sa bayan na iyon marami-rami ring bahay ang nadaanan namin kaya masasabi kong maraming naninirahan doon taliwas sa iniisip ko habang papunta palang kami. May naririnig din akong ingay di kalayuan na hindi ko nalang binigyan ng pansin.


Dahil narin siguro sa ingay ng mga aso nabulabog namin ang ibang natutulog nang kalapit na bahay. Nagsibukasan kasi ang mga ilaw nito pati narin ang bahay nila Alex.


“Tara sa loob?” Masayang paanyaya sa akin ni Alex marahil ay na miss talaga nito ang kanyang pamilya.


“Hindi ba nakakahiya?” Ang naisatinig ko naman.


“Asus! Ngayon kapa nahiya eh nandito na tayo.” Sabay baba nito nang sasakyan. “Tara na sa loob baka kunin ka nang aswang dito.”


Hindi pa man ako nakakasagot sa halatang pananakot niya nang lumabas ang isang babae sa bahay nila. Hindi ko agad naaninag ang hitsura nito dahil narin sa may kadiliman ang parte ng bahay nila’t malayo na sa poste ng ilaw. Doon ko lamang naaninag ang hitsura nito nang lumapit ito sa nakaparada kong sasakyan katapat ng bahay nila. Halatang nabulabog ang tulog nito.


Nang maibaba ni Alex ang tainted kong bintana ay agad na rumehestro sa babae ang sobrang tuwa.


“Alex anak?” Ang di makapaniwalang wika nito.


“Magandang gabi po nay.”


“Bakit hindi ka manlang nagpasabing uuwi ka? Naku ikaw bata ka.” Halatang masaya itong makita ang kanyang anak.


Nakaramdam ako nang lungkot, bigla ko kasing na miss si papa. Ganitong ganito kasi ang naging reaksyon nito nang surpresahin ko siya noong paguwi ko mula sa Manila.


“Tonio! Tonio! Gumising ka riyan at nandito ang anak natin!” Malakas na tawag nito marahil sa kanyang asawa.


Nang muling bumaling sa akin si Alex ay nakangiwi ito’t bakas ang paghingi nang paumanhin sa kanyang mga mata.


“Pagpasensyahan mo na ang nanay ko.”


Ngiti at tango ang itinugon ko sa kanya. Wala pala akong dapat ipagalala sa kanya dito sa kanila halatang mahal na mahal ito nang kanyang mga magulang. Iyon lang naman ang gusto kong malaman kaya ako sumama sa kanya –ang masigurong walang taong pweding manakit sa kanya.


Over protective kana masyado sa kanya Renzell Dave. Wika nang isang bahagi ng utak ko.


Oo, over protective na kung over protective masiguro ko lang na walang mananakit sa damdamin nito. Nang makita ko kasi itong masaktan kanina may kung anung damdamin ang parang agad na nagsabi sa akin na protektahan ito.


“Tara na sa loob Renzell Dave, wag mong alalahanin ang sasakyan mo safe yan rito basta isara mo lang ang mga bintana.”


Hindi na ako tumutol pa sa sinabi nito’t agad na ngang sumunod sa kanya sa labas. Hinintay pa ako nitong makalapit sa kanya’t sabay naming tinungo ang pinutan ng kanilang bahay.


Kasama na ang tatay nito nang salubungin kami sa pinto nang nanay niya. Agad nitong yinakap ang kanyang anak na sinundan naman ng kanyang ama. Nang siguro ay mapansin ako ay nabaling sa akin ang tingin ng dalawa.


“Si Dave po nay, tay. Kapatid po siya nang uhmmm…” Napakamot ito sa kanyang ulo marahil ay hindi makahanap ng tamang pangalan sa relasyon na meron ang kapatid ko’t amo niya.


“Kapatid po ako nang asawa nang may-ari ng pinagtratrabahuan niya.” Ako na ang nag dugtong sa sasabihin nito sabay ng pagmano sa kanila bilang pagbati’t paggalang. “Maganda gabi po.”


“Magandang gabi naman po sa inyo sir.” Balik bati sa akin ng dalawang matanda.


“Dave nalang po.” Nakangiti kong pagtatama.


“Halika sa loob nang maipaghanda namin kayo nang makakain paniguradong pagod kayo sa byahe.”


Hindi na sana ako papasok pa sa loob dahil nasigurado ko na namang magiging okey si Alex sa kanila kung hindi lang ako nito hinila papasok.


“Nay asan po ang mga kapatid ko?” Si Alex, nang makapasok kami sa bahay nila.


“Nasa sayawan sa plaza.” Iyon pala ang naririnig kong ingay kanina. May sayawan palang nagaganap sa baryong iyon.


“Dave iho, paniguradong magiging masaya ang pagbisita mo sa pista namin.” Wika nang tatay nito.


“Ahh… eh…. Ang totoo po niyan kasi ay inihatid ko lang si Alex. Hindi ko po alam na pista nyo pala rito.” Nag-aalangan kong wika.


“Hah? Akala ko kasama ka nang anak namin para dumalo sa pista sa meyerkules.” Sabi nang nanay nito. “Sayang naman kung uuwi kapa gayong malapit na ang pista. Dumito ka muna kahit manlang hanggang sa matapos ang pagdiriwang.”


Ang totoo lang pabor sa akin ang suhestyon ng nanay nito dahil ibig sabihin nun tanggap nila ako sa pamamahay nila. Ang problema nga lang wala akong dalang kahit na isang damit maliban sa suot ko ngayon alanga namang hindi ako maligo sa loob ng dalawang araw, ngayon pa ngalang malagkit na ang pakiramdam ko.


“Salamat po sa paanyaya pero gustuhin ko man wala po akong dalang damit.”


“Wag mong problemahin yan anak, kasya naman siguro sayo ang damit ng asawa ng anak ko.” Singit naman ng tatay nitong may kung anung iniinit na ulam.


Napatingin ako sa gawi ni Alex para sana humingi nang tulong na mag-paliwanag sa mga magulang nito hindi ko talaga kasi makayanang tumanggi kapag ganito kabait ang mga tao sa akin.


“Kakasya kaya sa kanya ang damit ni Kuya Erwin tay?” Wika nito na nakangisi sa akin.


Nagulat ako sa tinuran nito. Akala ko kasi ay tutulungan ako nitong mag-paliwanag sa mga magulang niya pero mukhang nakisakay pa ang kumag.


“Panigurado yan anak malaking tao rin naman ang kuya Erwin mo.” Tugon naman ng ama nito.


Pinukol ko siya nang nagtatakang tingin na tinugon lang nito nang isang nang-aasar na ngiti.


Hindi ko na nagawang tumangi sa kanila gawa na rin na gusto ko naman talaga ang makasama pa nang matagal si Alex para mas lalo ko pa itong makilala nang lubusan ito na siguro ang pagkakataon kong makilala ang tunay na Alex – ang Alex na laging nagtatago sa likod ng kasungitan niya.


Tuwang-tuwa ako sa magandang pagtanggap ng mga magulang niya sa akin. Wala pa mang isang oras kong nakakausap ang mga ito ay masasabi ko nang mababait at maaalalahanin silang tao. Nalaman ko ring hindi lang pala para sa tindahan ang mga pinamili ni Alex, para rin pala sa ihahanda nila sa nalalapit na pista. Tuloy, hindi ko maiwasang humanga sa taong ito na sa likod nang pagiging suplado’t pagiging maldita nito ay nagtatago ang mabait niyang pagkatao.


Ang buong akala ko ay bato ang Alex na ito. Walang alam kung hindi ang mag-sungit at baliwalain ako pero ngayon sa harap nang mga magulang nito nakikita ko ang kakaibang Alex. Marami pa pala akong hindi alam sa kanya at lahat ng iyon ay gusto kong alamin.


“Hindi ka ba makatulog?” Nagulat ako nang malingunan ko siya. Kanina pa bumalik ang mga magulang nito sa dreamland dahil marami pa raw silang aasikasuhin bukas, anti besperas na kasi nang pista. Ibinigay ni Alex sa akin ang kwarto niya kahit na sinabi kong okey lang naman kahit sa kotse ko na ako matulog hindi na ako nagpumilit na kontrahin ito’t baka kung saan pa ma uwi. Tatabi nalang daw siya sa isa niyang kapatid.


“Akala ko aswang na.” Nakangisi kong sabi.


“Funny.” Tumabit ito nang upo sa akin sa upuang gawa sa kawayan sa labas ng bahay nila. “So, bakit hindi kapa natutulog?”


“Hindi pa kasi ako inaantok. Ikaw?”


“Nakita ko kasing bukas ang pinto akala ko naiwang bukas ni nanay.” Tugon naman nito.


“Ikaw pala itong takot na mapasok ng aswang.”


“Hindi ako takot sa aswang kung hindi sa mag-nanakaw.” Wika nito na ikinahagikhik ko naman. Halata kasi ang pagiging defensive nito.


“Pweding mag-tanong?” Seryoso nitong wika.


“Ano yon?”


“Bakit gustong gusto mo ang inaasar ako?”


“Hmmm… Teka isipin ko lang ang rason.” Inirapan ako nito pero hindi ito nagsalita marahil ay gusto rin nitong marinig ang sagot ko. “Siguro dahil ikaw lang ang nagiisang taong may guts na ignorahin ako.”


Tumango-tango ito na parang kontento sa naging sagot ko.


“Ako, pweding mag-tanong?”


“Dependi sa tanong mo.”


“Bakit ang sungit mo sa akin?”


“Hmmm…” Panggagaya nito sa akin. “Maybe because you were the only person na nakarinig nung hiwalayan ako nang boyfriend ko?”


“Is that a statement or a question?”


“Dependi.”


“Ang taray talaga.” Pabulong kong sabi.


“May sinasabi ka?”


“Wala! Guni-guni mo lang yon.” Nakangiti kong wika.


Alam kong may mga bagay pa akong hindi alam tungkol sa kanya. Alam ko rin na hindi pa ito ang tamang oras para itanong sa kanya ang mga bagay na gumugulo sa aking isip. I know naiilang pa siya sa akin at gagawin ko ang lahat mawala lamang ang pagkailang niyang iyon kung yon lang ang tanging paraan para makuha ko ang loob niya.


“Tara na sa loob, mahamog na dito baka mag-kasakit kapa.” Maya-maya’y wika nito.


“Sino ka? Anong ginawa mo kay Alex the maldita?”


Isang nagbibirong batok ang itinugon nito sa akin saka tatawa-tawang pumasok na siya sa loob.


“Renzell Dave pasok na.” Muling tawag nito sa akin.


“Andyan na po nanay!” At ayon na nga sumunod na ako sa maldita, mataray, mahirap espelinging tao na nagpapagulo sa aking nararamdaman.







Itutuloy:

39 comments:

wizlovezchiz said...

Love it! Simply love it! I'm all out of words. Sobrang nakarelate lang

Anonymous said...

hmmmmm..... kilala na si dave ng kanyang soon to be in laws...... kasalan na sa pista ... hhihihihihihihihi.... hayyyzzzz sweet talaga nila.... kakaingit hehehehehehehe......... ganda ganda.........


good job super z
makati boy

Anonymous said...

ayiiiiiiiiiiiii..kakakilig..love on top na talaga..hahaha..

ang isa pang nakakatawa ay ang "bugambilia" diba pwedeng "bonggangVillea" nalang..Bongga naman itong chapter na ito eh..puro kilig moments..

napapakanta tuloy ako ng "moments of love" hahahaha..

good job kuya zeke..

chapter ten na..PAK!

-Jay

Lawfer said...

nangati sulok ng mata q dun ah x.x

Anonymous said...

At naging lalakeng PuSaKaL (Pumapatol Sa Kapwa Lalake) na nga si Renzell Dave! Haha

Kakabitin naman! Ahaha

Maganda po ang story kuya! :D

-Jake of Cebu-

Almondz said...

hahaha ang kulet...pero bigla kong namissed ang pinas, lalo na't may ganyang fiesta, tapos lahat ng bahay may handa. hayyy kelan kaya ako magiging for good na sa pinas :(

Anonymous said...

wala na akong masabi sa u dave.... ikaw na nga....baka ikaw ang aswangin ni alex the maldita..... ha ha ha...sarap ng bakasyun mo fiesta sa lugar nila.... tamang tama lang at mag babanding kayo ni alex the maldita...

ramy from qatar

Anonymous said...

May patutunguhan na ang dalawa, bonding moment pa.... tiyak makakaiskor na nyan si Dave hehehe


From Jubail KSA

Niccollo said...

OK siya.. Chapter 10 zeke?

--makki-- said...

toothsome chapter! getting to know na sila... :)

Midnytdanzer said...

You never fail your readers giggles and tickle in your stories. Simply entertaining.

ezr0ck said...

@kuya zek - maligalig talaga ..? hihintayin koh sana update moh kagabi kaya lang not feeling well eh .. salamat poh sa pag-bati sa akin .. ♥

- o0owWw EeEmMm! good timing .. hehehe dapat tabi nah lang silang matulog para love scene nah .. (biro lang .. hehehe).. kakilig naman .. kuya wag kah nah lang punta ng cebu .. hehehe ♥

Gerald said...

Ooohhhh... Kainggit ka Alex. Ang kuleeet ni Dave. Ang sweet ng story. Sana wala masyadong drama ung light lang.

James Cornejo said...

Mahal na mahal ko tlga story mo., hahaha.,ü gnwan ko p tlga ng praan nbasa update mo khit my pnagkakaabalahan ako.,ü alam mo n kung anu un.,ü hahaha.,ü super like.,ü sana my ranzell dave din ako sa buhay ko.,ü

Anonymous said...

Renzell Dave..... Ikaw na! Hehehe


Ganda Z!


--->doki<---

kristoff shaun said...

ui ang agang arte naman haha

Anonymous said...

haha nakilala na ni dave ang kanyang mga biyenang hilaw. Haha!

Thanks zeke.

--ANDY

Gerald said...

Wala ko macomment. Perfect!

master_lee#27 said...

ayan na nagsisimula na ang pag-usbong lalo ng nararamdaman ni renzell dave........sana makilala nya pa ng lubosan...love it ......:))))))))) sulit ang paghihintay......takecare always...

your newly fans!!!aha....

123 455 said...

Did you just call me iho? HAHHAHA

russ said...

super sweet naman talga...tnx tnx po author hep hep..bakit wla ako sa acknowledgement author.huhuhuhuh kaka tampo.

Ross Magno said...

ang saya naman. nagkakaigihan na sila...

Anonymous said...

ang ganda ng pagkakagawa. walang kaanong arte. kaso bitin tlaga bawat chapter. sana sa susunod mas mahaba pa :p

ano kaya magiging takbo ng story... sana hindi maging 3rd party ang kapatid ni alex. hahah

vp

Anonymous said...

Excited na ko sa pyesta, sana may palaro at sumali si dave...『dereck』

Anonymous said...

love this chapter..two thumbs up for u author..gnda nung story..prang so light lang at realistic..Tapos mdaling mkiride on sa mga characters kasi they're like so real..gling mu tlga..ur one of the few best..just kip the flow light and at ease..nakarelaz xia basahin eh..next chap na agad..and oh thnks for the greetings..apreciate it much :D

-john el-

Anonymous said...

Ang bipolar ng relationship nila, magsasagutan biglang makikipag-flirt tapos magiging mabait naman sa isa't isa. Hahaha. Ang unpredictable lang.

- Tam

Bharbzz said...

weeeeee! ang ganda tlga!
walang kufaz it's u na! :)

Unknown said...

eto na nga ba ang sinasabi ko kung bakit ayaw ko munang magbasa ng kwentong di pa tapos ehh...nabibitin kasi ako...ganda ehh..hahaha

wastedpup said...

Sana may renzell dave din na darating sa buhay ko. Ang sarap ng feeling nun. Da best ka Z at ang series na ito. Keep it up. :))

your_prince said...

wootwoo hahaha 2 thumbs up! (=

Billygar said...

nakakakilig!!! Simply the best!!!

Pink 5ive said...

I was logged in with a different account nung nagcomment ako, ang tanga ko lang. :-))

RJ said...

feeling ko may mangyayaring "kung ano" sa bakasyon na to. hahaha :D

natawa naman ako dun sa sinabi mong trademark mo na yun haha..keep it up lang Z. :)

Anonymous said...

sorry but di maganda ang chapter na ito for me...walang kilig factor for me ha... i hope di ka naoffend sa comment ko Mr. Author.... saka parang me pattern sa movie ng star cinema ung mga love story na movies nila... ginawa lang na lalake sa lalake kaya di halata...

togoodtobetrue...

Anonymous said...

bakit di na post ung comment ko dahil ba sa negative yun..mr. author

togoodtobetrue

Zildjian said...

Togoodtobetrue: Okey lang po iyon kung sa tingin mo ay hindi maganda o walang kilig factor. Hindi naman talaga lahat ay magugustohan ang plot ng storya. Tungkol naman po sa star cinema hindi ko alam na ganun na pala ang dating. hehehe I'm not that fond of watching tagalong movies eh. :)



Sorry kung late kong na approve ang comment mo hehehe hindi naman ibig sabihin na negative ay hindi ko na ipopost lol.. :D

ZROM60 said...

how wonderful aman ang chapter na e2.every part, there"s something na nararamdaman ako deep inside na d ko maexplain. ha ha ha, excitement, kilig and anticipation na baka biglang may d pagkakaunawaan aman ung dalawa, but in the end ay napakasaya at nakakaluwag ng damdamin dahil sa unti unti ay maganda at masaya ang kinalabasan. naipakita mo pa rin ang kakaiba at hinahangaang FILIPINO HOSPITALITY na until now ay ginagawa sa malalayung probinsya. SUPERB ANG MAGNIFICIENTLY done and executed my frend. keep up d good work. i really wanna congratulate u for this. again, tnx sa patuloy na pagtyatyaga mong mag excert ng effort na mag share ng iyung talent.yngat ka po lage.

Anonymous said...

hay kakakilig naman..

Anonymous said...

nakakalanggam nmn ang chap neto!haha...uuyyyy,,nagbababa na ng bandila si alex!at c papa dave nmn ay wala prng kupas magpakilig!!haha...

Kaka-adik!!:)

-monty

Post a Comment