email: zildjianace@gmail.com
URL: http://zildjianstories.blogspot.com
Maraming salamat sa paghihintay pasensya na kayo kung medyo natagalan ang posting ng chapter na ito medyo napagod kasi ako sa ilang kilometrong linakad ko sa cebu noong lingo at may inaalagaan pa akong tao. Hahahaha
Sa mga taong nagcomment sa chapter 10 maraming salamat guys
hindi ko na muna kayo papangalanan isa-isa sa susunod gagawin ko iyon promise.
Salamat rin sa mga taong nagtanggol sa akin at nakibaka sa karapatan ko bilang
isang mamamayan ng bansang pilipinas. HAHAHA biro lang but seriously thanks
guys for defending me.
Sana ay magustohan niyo ang chapter na ito at sana hindi
kayo mag-sawang mag-iwan ng comment para naman mas lalo pa akong ganahan
mag-sulat. Hihihihi Balik na ulit ako sa schedule ng posting ko kaya ngumiti na
kayo. Ayieee!
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
Alexis
Kanina ko pa
hindi maintindihan kong ano ang meron sa lalaking to basta ang alam ko lang may
itinatago ito sa akin base na rin sa mga ngiti nitong nanunukso kanina pa. Kung
wala lang ang mga magulang at kapatid ko kanina ko pa sana siya kinumpronta.
Wala naman akong maramdamang kakaiba pagkagising ko kanina
maliban sa mag-katabi kami sa maliit na kama ko at ang nakakahiya pa nakayakap
ako sa kanya. Noong tinanong ko naman siya kung sino ang nagdala sa akin sa
kwarto ko na dapat ay kwarto niya habang narito siya sa baryo namin ay isang
nanunuksong ngiti lamang ang itinugon nito na agad ko naman ikinaasar.
Alam kung mahina ang tolerance ko sa mga inuming
nakakalasing pero dahil na rin sa matagal naming hindi pagkikita-kita nang mga
dati kong kaibigan ay napilit nila akong uminum na ngayon ay pinagsisisihan ko.
Hindi ko alam kung ano ang mga nagawa o nasabi ko kagabi pero sigurado akong
hindi iyon maganda para sa akin base na rin sa mga nanunuksong ngiti ni kolokoy
sa akin.
“What the hell happened last night?” Ang pabulong kong sabi
habang hinuhugasan ko ang pinagkainan namin. Katatapos lang naming mananghalin
at ngayon busy na naman ang lahat sa kani-kanilang gawain dahil sa besperas na
nang pista.
Si nanay ay nagpunta sa palengke para mamili nang mga
kakailanganing rekados para sa mga lulutian niya sinamahan naman siya ni Ate Belenda
habang sina tatay, Kuya Drigo, at Dave ay busy sa pagiihaw sa labas. Ayaw man
siyang payagan ng mga magulang ko na tumulong dahil na rin itinuturing namin
siyang bisita ay sadyang mapilit ang loko. Mabuti na rin iyon para makaiwas ako
sa ma-pangasar niyang mga ngiti na sa totoo lang kanina pa bumabagabag sa akin.
“Kuya, sabi ni tatay ikuha mo raw nang pamunas ng pawis si
kuya Dave.” Bungad naman sa akin ng bunso naming si Wil.
“Okey sige. Tapusin ko lang itong pagbabanlaw ko sa mga
plato.” Tugon ko naman kahit na tutol ang loob ko. Gusto ko nalang ignorahin
ang pangaasar sa akin ni Dave tulad ng dati para tumigil na ito. Alam ko kasi
sa hitsura palang niya na hilig na nitong mangasar base sa obserbasyon ko at
tuwing papatulan mo ang pangaasar nito lalo lang niyang pepestihin ang buhay
mo.
“Nagaway ba kayo ni kuya Dave?” Wika nito dahilan para
lingunin ko siya.
“Saan mo nakuha ang ideyang iyan?” Nakaunot ang noo kung
wika. Alam kung malakas din ang obserbasyon nitong kapatid ko.
“Pansin ko lang. Hindi mo kasi siya kinakausap kanina at hindi
mo rin siya ipinagtimpla nang kape.”
“At bakit ko naman siya ipagtitimpla nang kape?”
“Dahil kinarga ka niya mula sa plaza hanggang dito sa bahay?”
Wika nito na sinabayan pa nang isang mapangasar na ngiti.
Alam nang mga kapatid ko at pamilya ko ang tungol sa kakaiba
kong sekswalidad at tanggap ng mga ito iyon. Ni minsan ay wala sa kanila ang
tumukso sa akin. Sobrang supportive ng pamilya ko at iyon ang dahilan kung
bakit nagtratrabaho ako. Gusto kong maibalik sa kanila ang mga sakripisyo nila
para makapagtapos lang ako kahit pa man ang huling dalawang taon ko sa koleheyo
ay mula sa aking sariling sikap at sa mababait kong amo sa seventh bar.
“Intrigero ka narin ngayon?” May bahid ng pagkaasar kong
sabi pero ang totoo nakaramdam ako nang kiliti sa sinabi nito. Dave can be totally
asshole sometimes but deep inside he has this what we call sweetness. Siguro
ganun talaga ang mga lalaki laging tinatago ang kakesohan sa katawan para ma
maintain nila ang pride nila.
Tinapos ko agad ang pagbabanlaw ko sa mga plato’t baso na
ginamit namin bago tinungo ang cabinet ko para kumuha nang bimpo para kay Dave.
Hindi ko parin makuha hanggang ngayon ang rason kung bakit nagaksaya pa ito
nang oras para ihatid ako sa probensya namin na pagkalayo-layo.
“Concerned citizen.” Ulit ko sa sinabi nito sa akin noong
tinanong ko siya kung bakit lapit siya nang lapit sa akin.
Concerned lang ba
talaga siya sa akin? Tanong ko sa aking sarili. Siguro nga ay concerned
lang siya dahil sa nakita niya kung papaano ako i-dump ng lalaking una kong
minahal.
Wala naman akong ibang inaasam kung hindi ang mahalin tulad
ng pagmamahal nina sir Rome at sir Red sa mga partners nila. Aaminin kong
nainggit ako kay sir Ace at sir Dorwin dahil sa may totoong nagmamahal sa
kanila na walang pera o ano mang material na bagay na kapalit. Gusto ko sanang
maramdaman iyon. Lahat naman siguro nang tao lalo na ang mga kagaya ko ay
gustong maramdaman ang mahalin ka nang taong mahal mo.
Ang buong akala ko ay si Ian na ang Red at Rome ng buhay ko
pero nagkamali ako. Minahal ko siya nang sobra pa sa pagmamahal ko sa sarili
ko. Kung kailan mag-dadalawang taon na kami saka naman siya biglang nagbago at
naging malamig sa akin. Kung kailan ipinagkatiwala ko na sa kanya ang puso ko
saka naman niya iyon bibitiwan. Mukhang totoo nga talaga ang kasabihin na kapag
sobra mong ipinakita sa isang tao na mahal mo sila magiging unattracted sila
sayo. Kaya hinding hindi na ako susugal pang muli. Aminado akong may kakaiba
akong nararamdaman kay Dave kahit paman ilang araw palang kaming nagkakakilala
pero, hindi ko hahayaan na masaktan akong muli. Hangang kaya ko pang iwasan ang
nararamdaman ko gagawin ko iyon kung yun lang ang paraan para ma-iwasan kong
masaktan.
“Punasan mo ang pawis mo.” Wika ko nang makalapit ako sa
kanila na abala sa pagkakatay ng baboy. Batid kong enjoy na enjoy siya sa
kanilang ginagawa wala akong makitang bakas ng pangdidiri sa kanyang magaganda’t
maamong mukha.
Ngumiti na naman ito sa akin pero hindi na ang ngiting
nangaasar o nanunukso kung hindi ang ngiting lagi niyang ibinibigay sa akin
noon. Ang ngiting laging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko.
Agad akong umatras sa takot na marinig niya ang pagkalabog
ng puso ko.
Lintik kang puso ka
behave kung ayaw mong ipatanggal kita.
“Pwedi bang ikaw nalang ang mag-lagay niyan sa likod ko ang
dumi kasi nang kamay ko eh.” Wika nito at ipinakita sa akin ang kanyang
dalawang kamay.
Gusto ko sanang tumutol pero lalo lang nitong mapapansin na
hindi ako kumportable sa presensiya niya. Iniisip ko palang na dadampi ulit ang
mga kamay ko sa katawan niya pinagpapawisan na ako nang malamig.
“Sige.” Wika ko nalang.
Agad naman ako nitong binigyan ng pamatay niyang ngiti saka
tumalikod. Nanginginig pa ang kamay kong ipinasok sa loob ng kanyang T-shirt
upang punasan ang pawis nito ng hindi ito matuyuan bago ko inilagay ang maliit
na tuwalya sa kanyang likod.
“A-Ayan tapos na.”
“Salamat.” Nakangiti nitong wika. “Nex time wag kanang iinum
kahit sino pa ang mag-painum sayo.” Dagdag pa nitong wika.
“Hindi..”
“Okey lang na uminum ka basta kasama mo ako.” Pagputol nito
sa sasabihin ko na sinabayan pa niya nang isang kindat.
Bahagyang naginit ang mag-kabila kong pisngi sa sinabi nito.
Parang may nahimigan kasi akong concern sa boses nito at the same time
panunukso.
What the hell happened
last night? Ang gusto ko sanang sabihin kaso nasa likod niya lang ang bayaw
ko’t tatay ko kaya tango nalang ang itinugon ko sa kanya saka mabilisang
tinungo ang loob ng bahay.
Bakit ba ganito nalang
ang epekto nang mangmang na yon sa akin? Desperado na ba talaga akong may makarelasyon
ulit? Pero hindi pweding sa kanya, kapatid siya nang asawa ng amo ko at hindi
kami bagay. Besides hindi ang tulad niya ang mag-kakagusto sa akin. Tama, hindi
siya mag-kakagusto sa akin kaya dapat lang na hindi rin ako mag-kagusto sa
kanya. Pangungumbinsi ko sa sarili ko.
“Pweding humingi nang malamig na tubig?” Wika nito na hindi
ko napansin na sumunod pala sa akin sa loob.
Nang humarap ako sa kanya ay nakaplastar na naman ang
nangaasar na ngiti nito na lalong nagpadagdag ng inis ko sa aking sarili. Kung
kelan kasi kinumkumbinsi ko ang sarili ko na hindi ako pweding mahulog sa
mapangasar na Dave na ito saka naman siya susulpot.
“Sana sinabi mo agad kanina para isinabay ko na sa tuwalya.”
May pagkaasar kong wika.
“Ang sungit mo naman.” Nakangisi nitong tugon.
“Nang aasar kaba?”
“Huh? Sinong ng aasar? Humihingi lang ako nang tubig.”
Maang-maangan nitong sabi kahit na halata na sa kanyang sinasadya niya akong
asarin.
“Kung ano man ang mga nagawa o nasabi ko kagabi lasing lang
ako noon kaya tigilan mo ako.”
“Defensive?” May bahid ng panunukso nitong wika. “Wala ka
namang ginagawa kagabi maliban sa pagyakap mo sa akin pero……” Pabitin pa nito.
“Pero ano?” Alam kong hindi na maipinta ang mukha ko sa mga
oras na iyon.
“Pero may sinabi kang nagustohan ko and If my memory serves
me well the exact words was ‘Bakit ang gwapo mo Renzell Dave?’”
Agad akong namula sa nalaman.
Did I really utter
those words kagabi unconsciously? Nakakahiya!
“Wala akong maalala. Oh yan ang tubig mo.” Wika ko at
nagmamadaling pumasok sa kwarto nang kapatid ko. Mukhang ipinagkanulo ako nang
kalasingan ko kagabi sa kanya shit!
Halos lamunin ako nang hiya sa mga pinagsasabi ko kagabi. Kahit
pa man wala ako sa sarili kong katinuan nang sabihin ko iyon –kung totoo mang
sinabi ko iyon nakakahiya parin. A man speak himself when he’s drunk alam nang
marami ang kasabihang iyon at alam kung alam na alam ni Dave iyon.
Hindi na sana ako lalabas ng kwarto buong araw kung hindi
lang ako kinatok ng kapatid ko.
“Kuya, nasa labas sina kuya Maki at kuya Jay.” Sabi nito.
Hindi ako sumagot para isipin nitong natutulog ako pero
ilang sigundo lang ang dumaan ng marinig ko ang boses ng isa sa mga kaibigan ko
sa labas ng kwarto.
“Alexis lumabas ka riyan sa lungga mo!.” May kalakasan
nitong sabi na sinundan ng tatlong nakakabulabog na katok. Kahit sinong tulog
ay magigising sa lakas ng katok na iyon.
“Hoy! Wag mo siraan ang pintuan ng kwarto.” Boses naman iyon
ni Maki.
Wala na akong nagawa kong hindi ang pagbuksan ang mga ito
bago pa tuluyang masira ang pintuan ng kwarto nang kapatid ko. Alam ko rin
naman kasing hindi ako tatantanan ni Jay hangganggat hindi ako nito napapalabas
ng kwarto. Sanay na ako sa pagiging makulit nito.
“Bakit kayo nandito?” Bungad ko sa dalawa nang mapagbuksan
ko sila. Mga bata palang kami ay mag-kakaibigan na kami kaya naman welcome na
welcome na sila sa bahay namin which is isang malaking pagkakamali kasi sumobra
ata ang pagiging feeling at home nang mga ito. Basta kasi maisipan nilang mang
bulabog sa akin gagawin nila nang walang pagaatubili.
“Makikibalita lang kami kung naiuwi kapa nang buhay ni Dave
sa bahay niyo.” Nakangising wika ni Jay.
Alam kung tulad ko ay kakaiba rin ang dalawang ito maliban
nalang kay Lantis at Niccollo na hindi ko alam kung lalaki ba ang trip o babae.
Kakaiba kasi ang dalawang yon though may pakiramdam ako na pareho nilang gusto
ang isa’t isa. Kung bakit nasabi ko iyon ay hindi ko rin alam basta yun na yon.
“Ngayong alam niyo nang buhay pa ako pwedi na ba kayong
umuwi sa mga bahay niyo?”
Sanay na ang mga ito sa kasungitan ko hindi lang naman ako
ang nag-iisang masungit sa aming lima nariyan din si Lantis na mas grabe pa ata
sa akin.
“Hindi pa.” Sagot ni Jay sabay pasok sa kwarto ko. “Dito
muna kami dahil marami pa kaming itatanong sayo.” Dagdag pa nitong wika.
“Ikaw lang. Sumama lang ako para maging referee incase na maisipan
ni Alexis na ihawin ka sa sobrang kakulitan mo.” Wika naman ni Maki.
Si Maki sa aming lima ang neutral o taga saway kung may
namumuong away sa amin. Laging suki siya nina Lantis at Niccollo na naging
hobby na ata ang mag-asaran at mag-talo sa lahat ng bagay.
“At ano naman ang mga itatanong mo sa akin? Itanong mo na
nang makaalis na kayo.”
“Hindi ka na talaga nagbago Alexis ang praning mo parin.
Gusto lang naman naming malaman kung ano ang relasyon niyo nang bayaw ng boss
mo?”
“Wala. Pwedi na kayong umalis.”
“Ows? Kung ganun bakit over protective siya sayo? Literal ka
pa nga niyang binuhat mula sa plaza hanggang sa bahay niyo. Hindi biro ang
bigat mo noh.”
“Paano mo naman nalaman na binuhat nga niya ako hanggang
dito sa bahay?” Actually gusto ko lang talagang masiguro kung totoo nga bang
binuhat ako nito.
“Simple! Kasi sinamahan namin siyang mag-lakad papunta dito
sa bahay niyo habang karga ka sa likod niya.” Tila kinikilig naman nitong wika.
“Hindi kayo sumakay? Ang di ko maiwasang maitanong. Medyo
may kalayuan din kasi ang plaza sa bahay namin.
“Hindi.” Mag-kasabay na wika nang dalawa.
“Bakit?”
“Masusuka kalang daw kapag sumakay pa kami dahil sa malubak
ang daan.”
For a moment ay muli ko nanamang naramdaman ang kilig na
lagi kong nararamdaman everytime na mag-papakita si Dave ng pagaalala para sa
akin. Iyon ang gusto kong iwasan dahil sa tuwing mag-papakita ito nang kabaitan
sa akin unti-unti akong nahuhulog sa kanya. Siguro ganun ang mga taong
naghahanap ng pagmamahal kahit paman busog ako sa pagmamahal ng mga magulang at
kapatid ko iba parin ang dating kapag ibang tao ang nagpapakita nang pagaalaga at pagaalala sayo. Gusto ko kasing may
mag-mahal sa akin tulad ng pagmamahal ni sir Red kay sir Dorwin.
“Hoy! Dinala ka nanaman ng pagiisip mo sa planet Mars.”
Basag ni Jay sa biglaang pananahimik ko.
“He’s in love with Dave.” Wika ni Maki na parang siguradong
sigurado sa sinabi niya.
“I’m not!”
“You are.” Mag kasabay na wika nang dalawa.
“I can’t love him.” Mahina kong sabi.
“Ow? At bakit naman?” Si Maki.
“Dahil he can’t love me back. Masasaktan lang ako.”
“I don’t think so.” Wika naman ni Jay. “Hindi ganun ang nakikita
ko sa kanya.”
“For the first time I will agree with Jay. Tingin ko gusto
ka rin ng taong yon.” Wika naman ni Maki.
Hindi ko parin maiwasang hindi isipin ang mga huling salita
ng mga kaibigan ko. Mag-iisang oras nang nakakaalis ang mga ito para daw
makapagisip-isip ako.
Ako lang ba ang hindi nakakakita nang nararamdaman ni Dave? Is this the
effect when Ian broke my heart? Nabulag naba ako dahil sa takot kong masaktan
ulit? Mga tanong ko sa aking sarili. Ang hirap naman kasing paniwalaan na
mag-kakagusto sa akin ang isang tulad ni Dave na bukod sa pagiging gwapo ay
mayaman pa.
Renzell Dave
Dumating
nalang ang mga kaibigan ni Alex at umalis pero hindi na ulit ito nagpakita pa
sa akin. Katatapos lang naming katayin ang kawawang baboy para sa pista bukas. Hanggang
ngayon hindi ko na ulit nakita pa si Alex kahit noong pumasok ako sa bahay kanina
para sana tingnan kung anu ang pinagkakaabalahan nito sa loob.
Anak ng teteng naman kasi bakit kasi
sinabi ko pa sa kanya ang sinabi niya kagabi mukhang nagalit nanaman tuloy ang
malditang iyon.
Hindi ko lang
kasi maiwasang hindi matuwa sa mga narinig ko sa kanya. Mula na mismo sa kanya
na nagugwapuhan siya sa akin. At ang sabi ni Dorwin kapag daw lasing ang tao
doon nila nailalabas ang totoong saloobin nila kaya tuwang-tuwa ako.
“Dave anak,
mauna kanang maligo para makapagpahinga ka sabi ko naman kasi sayo na hindi mo
na kailangan pang tumulong sa pagkatay eh, napagod ka tuloy.” Wika ni tatay
Tonio.
“Hindi naman
po ako pagod tay.” Tugon ko naman dito. Astig talaga ang nanay at tatay ni
Maldita sobrang bait ng mga ito taliwas sa isang yon na hindi lang ako
sinungitan kanina nag-walkout pa.
“Wil, tawagin
mo nga ang kuya Alex mo sabihin mong ikuha nang damit itong si Dave nang
makaligo na.”
“Ako nalang
po tay.” Presenta ko naman. Pagkakataon ko nang makita ulit ito para makahingi
nang despensa.
Tinungo ko
nga ang kwarto kung saan sabi ni Wil ay natutulog daw si Alex. Alam kung
sinadya nitong mag-kulong sa kwarto para iwasan ako. Minsan talaga natural na
lang na lumalabas ang pangaasar ko na sa unang pagkakataon ikinainis ko.
“Alex?” Tawag
ko sa kanya nang marating ko ang pintuan ng kwarto sinabayan ko pa iyon ng
tatlong mahihinang katok.
Nakarinig ako
nang ingay sa loob, doon ko napagtantong tama nga ang hinala kong hindi talaga
ito natutulog kung hindi umiiwas lang sa akin.
“Alex?” Ulit
ko pang pagtawag sa kanya.
“Anong
kailangan mo?” Ang rinig kong wika nito sa loob ng kwarto hindi manlang ito
nagabalang pagbuksan ako.
“Pwedi bang
pumasok?” May bahid ng pakikiusap kong tugon. Hindi naman ako nabigo dahil
ilang sigundo lang ay pinagbuksan ako nito.
“Anong
kailangan mo?” Ulit nito na nakakunot na naman ang noo.
“Ah…eh… Galit
ka ba sa akin?”
“Hindi.”
Matipid nitong sagot.
“Galit ka eh.
Sorry na.”
Napabuntong
hinihinga ito.
“Hindi ako
galit sayo Renzell Dave.” Iniwan ako nito pansamantala at tinungo ang naka sabit
na tuwalya sa may cabinet. “Maligo kana, amoy pawis ka at amoy baboy kana.”
Napangiti ako dahil ngayon wala na ang pagkakunot ng noo nito alam kong wala na
itong tampo sa akin.
Inamoy-amoy
ko naman ang sarili ko at kilikili ko.
“Oo nga noh,
amoy baboy na nga ako.” At muli kong nakirinig ang tawa nitong talaga namang
nagbibigay sa akin ng ibayong saya.
“Mabuti at
alam mo. Sige na maligo kana isusunod ko nalang ang susuotin mo.” Tatawa-tawa
pa nitong wika.
Itutuloy:
42 comments:
oh god finally andito na good morning zild!!!
sa wakas may update din.... nakakamiss talaga basahin ang kwento.... naku alex the maldita malapit na mahulog sa patibong ni dave
ramy from qatar
Waaa! Antgal q inantay tong chapter 11. Nkakabitin nmn anu n kya susunod n mngyayari haha. Prang may idea na ko. Lol. Keep it up author :D fb
eeeeeeeeeeeee..kakakilig..next na diyan lalabas si dave sa paliguan na nakatowel lang tapos mapapapanganga si alexis sa katawan ni renzell dave na may butil butil pa ng tubig sa katawan..hahahaha..tapos nasa kwarto sila at mauutal si alexis habang kausap niya si renzell dave at di man lang makatingin dito dahil sa kahubdan na nakikita niya..hahaha..
ang imagination ko..nakakainis..hahaha..
nice work kuya zeke..nakakakilig namang tunay..
kaya lang bitin pa rin..
-Jay.
whahhhhhh ang ganda po kuyA!!!
bat sobrang biten? ^.^
-ichigoXD
wow..mgndang pmpatulog..i will sleep again with a smile on my face..gling mu tlga kuya..di ko na hahabaan coment ko..antok no q..gud mornyt :D
-john el-
mganda na yung takbo ng story... thanks zekiel...
Nagbabalik na si Z. Basa Mode!
Here's hoping nag enjoy ka sa Sinulog at sa Cebu Z over the weekend!!!
mag aaminan na sila ayiiii! sinadya ni zep na me konting ano... konting... basta hahaha para siguro matuwa ako hehe
ayiieee ang sweet nmn ni Dave :>
gud morning kuya Z! Haha! Ayan nabasa ko nah! XD Pandagdag lakas rin to sa araw na to. hehe.. sobrang magiging busy pa naman ako. :( Salamat ho talaga, di ko maiwasang mangiti ng sobra-sobra dahil po sa akda niyong ito. :))
-->nIx (nixon po yan ha. hindi NLX. XD)
Yeey! :]
inlove na cla sa isat isa
Pero d nila alam
Hahaha..
Vin
nice!! -Poging bata na naging street photographer nung Sinulog sa Cebu. :)
Na bitin aq dito... Hehe!
aawwwww! SWEET!
malamang ng dalhin niya ang damit ni Dave nkita niya itong nka Hubad sa banyo! LOL
mag-aaminan na kaya sila?
excited for the next chapz.. :)
Thnx sa update..
wow..nakakakilig! lahat na ng stories mo nabasa ko after 2 days! ehehehe..update please kagad!!
ganda.... ayaw aminin ni alex at dave ang kanilang nararamdaman... kailangan kaya sisimulan ni dave ang panunuyo kay alex... dito kaya sa province? mamanhikan na ba si dave sa susunod na chap.....
salamat SUPER Z>>>>>>>>
makati
tagal kong hinintay to ah.potek! kilig much!hahaha!
ang kulit talaga ni Dave!
Girl na girl naman si Alex. Haha!
--ANDY
Ayiieeee.. Pakipot su alexis....
Ako na kinikilig kilig pa din til now.. Hehe
salamat author..
-jemyro
and finally andito nah ung hinihintay koh .. ang tagal moh nawala kuya hah .. hehehe ala nah tlga akoh masabi kuya .. supah kilig!! love it .. next nah kuya .. bawi moh yan sa amin kc ang tagal moh kaming pinag-hintay .. hehehe love you kuya zeke!! ♥
i forgot to say kuya .. u never fail to put a smile on my face ... :-D
hahahaha...asan na kasunod??hahahaha
-jojimae
Lalo pang gumaganda ang takbo ng story ah... Hehe
Kailan kaya sila magkaaminan? :D
Kuya Zeke kamusta ang pagpunta rito sa Cebu? Enjoy ba? Naku, baka isa ka sa mga nakabundulan ko di ko lang alam. Hehe
-Jake of Cebu-
papunta na sa kilig moments ito. heheheheh
taga_cebu
nakakakilig naman....i love dave na talga....
kilig naman, kaso bitin author.. hehehe.. still a nice one though.. keep it up!!!
wahaha maganda ang chapter na to :) pero may hinihintay pa rin akong mangyari haha di ko lang alam kung ano yun :D
keep it up Z :)
zild next na.
-kokey
ha ha ha, magkakabukuhan na ng mga saloobin ng dalawa. nice one. next chapter please
hay ang mga pakipot tlaga...hirap intindihin, lagi nlang itinatago ang damdamin eh obvious naman >_>
nakakakiLig!!...
grabe!!...
next nah kuya Z!!...
hehehe...
n.excite Lng...
nd thank you for your amazing nd inspiring stories kuya...
some might not appreciate it coz of the typos nd aLL (dnt even knw y they make a big deaL out of it... insecure Lng cguro dhiL sikat kah nah... hehehe) but ur avid nd die-hard fans are here to support u... nd it shows dhiL sah dami ng tao nah ng.dedefend sayo...
just keep up d good work nd i hope those nonsense nd negative things won't stop you from making beautifuL stories Lyk this... :)
- ur biggest nd #1 fan from CEBU, edrich... :)
update na sana poh.. hehehe... raben of cdoc
Maraming maraming salamat sa mga comment nyo guys.. hehehe abangan niyo sana ang nalalapit na pagbabago sa kwentong ito. :) actually gusto ko sana siyang habaan since na ito na ang last na kwentong gagawin ko.. hehehe lets see kong anu ang maisip ko :))
hay salamat author at umuwi kana...siguro naman na blessed ni pit senyor ang ideas mo sa kwentong ito hahahahaha...galing galing..
Namiss ko to! sa wakas!. bitin nga lang.
ang ganda. Parehas ata kami ng takbo ng buhay ni Alex. desperado sa pagmamaha; haha
hala!!!!!!! last na talaga? nalungkot naman ako bigla.... di ba pwedeng mga tatlo pang series?!? hehe
-jemyro
o ayan may clue kana alex na may gusto sayo si dave wag ng pakipot hehe, excited nako sa mangyayari sa fiesta...『dereck』
wag na wag kang titigil gumawa ng story dahil maraming nagagandahan at nakaka appreciate sa mga kwento mo, di bale matagalan ang mga update...『dereck』
Wala pang update? Tagal hahaha
Ganitong story ang magandang basahin...focus sa characters...d katulad ng ibang author na ang daming characters na d na maintindihan ang flow ng story... I love you author haha
hahaha,,patay kang alex ka!buking!!haha...why so pakipot??:D
infairness,malakas pkiramdam ng mga sis ni alex..haha
-monty
Post a Comment