by: Zephiel
email: zildjianace@gmail.com
Maraming salamat sa naghintay ng chapter na ito. Dapat sana
ay kagabi ko pa ito ipopost ang kaso ay pinalitan ko ang ibang mga scene gawa
nang napangitan ako.
Gusto ko sanang batiin ang mga bagong salta sa blog ko at
nagbabasa nang mga una kong gawa. Enjoy reading lang guys at pagtiisan niyo na
ang trademark kong typos. HAHAHAHA
Sa mga taong nag-email sa akin salamat sa oras niyo guys
lahat ng email niyo ay binabasa ko at renereplayan ko medyo natatagalan ngalang
gawa nang marami akong ginagawa ngayon. Hehehe Malapit na tayo sa napipintong
pagtatapos ng Chances kaya sisimulan ko na ring gawan ng kodigo ang mga taong
nagbigay ng kanilang komento sa estoryang ito para mabati ko kayo bago ko I post
ang Last Chapter.
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
“Sa susunod na
aalis ka wag mong kakalimutang mag-bilin para hindi masira ang ulo ko kakaisip
kong sino ang papalit sayo sa mga iniwan mong plano.” Nagulat ako nang ang
kambal ko ang mag-bukas sa akin ng pintuan. Nakakunot ang noo nito’t halatang
galit.
“Ah.. ehh.. Good morning kambal.” Ginamit ko ang pamatay
kong alas sa kanya para hindi ako nito tuluyang kitlan ng buhay.
“Kamusta ang bakasyon?” Sabat naman ni Red na nasa likod ng
kambal ko. Nakangiti itong nakakagago halatang nangaasar ang kumag.
Napakamot nalang ako sa ulo ko nang ibaling ko ang atensyon
ko kay Dorwin. Hindi parin nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Naiintindihan
ko naman siya kong bakit galit na galit ito sa akin hindi nga naman kasi ako
nagsabi kahit kanino na aalis ako tapos naiwan ko pa ang mga pending reports na
hindi ko pa nababasa.
“Pweding kumain? Nagugutom na kasi ako eh.” Ang nawika ko
nalang at sumilay sa akin ang kinakabahang ngiti. Kay papa ay hindi ako takot
pero kapag si Dorwin na iba nang usapan iyon. Alam ko kung paano magalit itong
kambal ko at yon ang gusto kong iwasan.
“Mag-uusap tayo mamaya Renzell Dave pagkatapos mong kumain.
Na perwisyo mo ang trabaho namin ni Red dahil sa kapabayaan mo. You have your
cellphone with you ano ba namang i-text mo manlang kami na hindi ka pala uuwi
nang tatlong araw para na anticipate ko agad ang dapat kung gawin.” Mahaba
nitong litanya. Ito na yon eh kapag ganitong galit na si kambal lumalabas ang
pagiging abogado nito.
“Mahal, pagod sa byahe yan mamaya mo na sermonan kambal mo.
Pakainin mo muna bago mo interrogate.” Nakangising wika ni Red na ang tingin ay
nasa akin.
Mukhang tama nga ako.
Hindi makakaligtas sa mga tsismosong unggoy na ito ang pagsama ko kay Alex. Oh
well, alam kung matatalino ang mga ugok na ito at alam ko rin kong sino ang
nagbigay ng impormasyon sa kanila kaya patay ka sa akin mamaya Brian.
“Wag ka nang tumanganga riyan at kumain kana. Puntahan mo
ako sa kwarto ko pagkatapos mong kumain at marami kang dapat sabihin sa akin.”
Parang tatay lang nitong sabi.
Ganyan mag-alala ang kambal ko sa akin at pustahan tayo
uulanin ako mamaya nang sermon. Akalain mong sa edad naming ito nasesermunan pa
ako nang kambal ko. Pero iyon naman talaga ang dahilan kong bakit mahal na
mahal ko ito dahil sobra itong nag-aalala sa akin, hindi lang sa akin kung
hindi pati kay papa na rin.
Oo nga pala si papa? Halos
mapa-palatak ako nang sumagi sa isip ko ang mahal kong ama na kasalukuyang nasa
ibang bansa para mag-pagamot. Masyado akong nawili sa presensya ni Alex na
nakalimutan ko na ang papa ko.
“Dorbs…”
“Wag kang mag-alala ako na ang nag-explain kay papa kung
saan ka nagpunta.” Walastik talaga itong kambal ko bukod sa magaling na ngang
abogado bestfriend pa ata ni Madam Auring.
Hindi na ako umimik pa’t tahimik nalang na pumunta sa kusina
kasama ang dalawang love birds para kumain. Hindi na kasi ako nakapag-agahan
kanina sa bahay nila Alex dahil sa sobrang pagmamadali ko. Alas-kwatro palang
ng madaling araw ng lisanin ko ang bahay nila na may ngiti sa mga labi dahil sa
wakas alam ko nang nag-mamahal ako at kung hindi ako nagkakamali mahal din ako
nang taong mahal ko.
Hindi ko maiwasang hindi mailang sa uri nang mga tingin ng
kambal ko at nang asawa niya. Para bang may sinusukat sa akin na hindi ko
mawari kung ano.
“So, bakit kayo nandito?” Nakangiti kong tanong sa kanilang
dalawa para ipakitang hindi ako apektado sa mga nanunuri nilang tingin.
“Finish you’re breakfast and we will talk.” Agad na sagot ni
Dorwin saka tumayo. “Puntahan mo ako sa kwarto ko pagkatapos na pagkatapos mong
kumain.” Dagdag pa nito bago tuluyang lumabas ng kusina.
“Ano problema nun?” Di ko maiwasang maitanong kay Red.
“Isang hearing lang naman ang pina-move niya para maayos ang
mga naiwan mong trabaho sa opisina niyo.” Nakangising wika ni Red.
Doon na ako napangiwi. Ang pinakaayaw ni Dorwin ay maiba ang
schedule nang trabaho nito nang walang sapat na dahilan. Si kambal ang taong
dedicated masyado sa trabaho niya kahit sino walang pweding makasira sa
schedule nito kung ayaw mong masampahan ka nang kaso. Sa aming dalawa si Dorwin
ang laging organize.
I’m dead. Di ko
maiwasang maisambit sa sarili.
Kung pwedi lang akong tumakas ay kanina ko pa ginawa pero
alam kong mahahagilap rin naman agad ako ni Dorwin since na pareho ang circle
of friends namin. Kakaiba kasing mag-interrogate ang kambal ko parang NBI lang
eh. As much as possible kasi ayaw ko munang ipalam kahit kanino ang tungkol sa
nararamdaman ko. Marami pa akong bagay na dapat tapusin at isa na doon ay ang
makausap ko si Sonja to be fair with her.
Tatlong mahihinang katok ang ginagawa ko sa pintuan ng
dating kwarto ni Dorwin. Katabi ito nang kwarto ko no’ng hindi pa ito
nakakabili nang sarili niyang bahay. Rinig ko ang mahihinang yabag papalapit.
Bumungad sa akin ang seryosong mukha ni kambal.
“Kambs, wag kana magalit oh.” Gamit ang pamatay kong alas sa
kanya ang nagpapaawang mukha.
“Stop it Renzell Dave. Pumasok ka’t mag-uusap tayo.” Wika
nito.
Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya sa
loob. Ok lang naman kung sasabihin ko kay kambal ang totoo ito lang naman
talaga ang tanging taong napapagsabihan ko nang mga saluobin ko noon paman.
“Now tell me, where have you been?” Pagsisimula agad nito.
“Sa isang probinsya.”
“Sa probinsya nila Alex?”
Hindi na ako sumagot. Sabi nga nila silence means yes.
“Can you give me a satisfying reason why you didn’t inform
me na mawawala ka nang tatlong araw.”
“Nawala sa isip ko Dorbs sorry.” Ang mahina kong sagot. Alam
kong may kasalanan ako at alam ko ang point ni Dorwin. May sariling trabaho rin
ito na naperwisyo dahil sa walang pasabi kong pagalis.
Rinig kong napabuntong hininga ito. Marahil ay tanda nang
pagsuko at pagtanggap sa paliwanag ko. Ganon naman palagi si Dorwin basta’t
pagdating sa akin madali itong mag-patawad.
“May sasabihin ka bas a akin tungkol sa inyo ni Alex?” Balik
na naman sa pagiging seryoso ang boses nito. Alam ko namang kahit i-deny ko
malalaman rin ni Dorwin ang totoo kaya napagisipan ko nalang na sabihin ang
totoo sa kanya. After all katulad ni Alex half-half din si kambal kaya
maiintindihan kami nito.
“I think I like him. No, not just like, I think I’m in love
with him.” Ang walang ka-abug-abog kong pagamin sa kanya.
Alam kong nagulat ito sa sinabi ko base na rin sa ekspresyon
ng mukha nito ngayon. Parang hindi ito makapaniwala sa narinig. Nakangitin
lamang ito sa akin na para bang nanghihingi nang mas malalim na paliwanag.
“Hindi ko alam kung paano nangyari basta’t naramdaman ko
nalang na mahal ko na siya.” Pagpapaliwanag ko naman sa kanya.
“How sure are you na in love kana nga kay Alex? What made
you think na in love kana sa kanya? May girlfriend ka Rezell Dave at hindi ang
tipo ni Alex ang dapat mong pagtripan.”
“Hindi ko siya pinagtritripan. Im in love with him at yun ang totoo!” Di ko
maiwasang mapataas ang boses ko. Ayaw kong may nagsasabing pinagtritripan ko
lang si Alex, alam ko sa sarili ko na mahal ko siya at yon ang gusto kong
paniwalaan niya at nila.
“Then what about your girlfriend? Kaya mo ba siyang
hiwalayan para kay Alex?”
“Hihiwalayan ko siya.” May paninindigan kong sabi.
“Kaya mo bang pangatawanan iyang nararamdaman mo? Kaya mo
bang masikmura ang mga sasabihin ng mga tao sayo, sa kanya? Kung sa tingin mo
ay kaya mo ang mga iyon then I don’t have the right to stop you malaki kana
alam mo na ang dapat at hindi. Pero kung hindi mo kayang ipaglaban yang
nararamdaman mo then I suggest na layuan mo na si Alex habang hindi kapa
nakakasakit ng tao.” Mahaba nitong sabi saka lumabas ng kwarto.
Napaisip ako sa mga sinabi nang kambal ko. Tama siya, I take
it lightly ni hindi ko manlang inisip kong kaya ko nga bang panindigan ang
magiging relasyon namin tulad ng nagawa nina Red, Rome at Niel. Alam kong maraming taong kukwestyon sa
relasyon namin kung sakali. Ang tanong kaya ko bang baliwalain ang lahat ng
iyon? Paano kung hindi? Ano ang mangyayari sa amin ni Alex? Ano ang mangyayari
sa kanya?
Kaya ko nga bang
manindigan sa gano’ng uri nang relasyon?
Sa sobrang pagiisip at siguro sa pagod na rin gawa ng ilang
oras na byahe mula sa probinsiya na anim na oras ang layo ay nakatulog ako sa
kwarto mismo nang kambal ko. Hindi ko pa rin alam ang sagot sa mga tanong
niyang iyon. Doon ko lang napagtanto kung gaano ka kumplikado ang gano’ng
klaseng relasyon.
Alam kong mahal ko si Alex at alam kong malalim ang
pagmamahal ko para sa kanya. Napatuyan ko na iyon sa sarili ko. Pero kahit
paman alam kong mahal ko siya sapat ba ang pagmamahal na iyon para magawa ko
siyang maipaglaban sa mga taong kukwestyon sa relasyon namin?
Kahit anong isip ko ay hindi ako makahapuhap ng sagot sa mga
tanong ko. Hindi ko alam kung handa na nga ba akong pasukin ang gano’ng klaseng
mundo.
Hindi ko pweding isisi kay Dorwin kung bakit nagkaroon ako
ngayon ng pag-aalinlangan. Alam kung gusto lamang nitong masiguro ko sa sarili
ko kung handa na nga ba ako. Kung kaya ko nga bang panghawakan ang kakaibang
relasyon na papasukin ko.
Natatakot akong masaktan ko si Alex ayaw ko itong masaktan
at lalong lalo na ayaw kong ako ang makakapanakit sa kanya. Ganun ko siya ka
mahal, hindi ko siya kayang i-sugal.
Hindi ko na naabutan pa sina kambal at Red. Sabi sa akin ni
nanay ay bumalik na raw ang mga ito sa bahay nila tutal nakabalik na ako. Doon
pala sila tumuloy habang nasa baryo ako nina Alex. Hindi na ako tinantanan ng
mga pinagusapan namin ni Dorwin halos sumakit na lang ang ulo ko pero wala
akong makuhang sagot sa sarili kong katanungan.
How can be this relationship
so complicated? Hindi ba pweding maging simple nalang ang lahat?
Wala akong ginawa buong araw kung hindi ang mahiga sa kama
ko’t subukang makahanap ng sagot. Mauubos nalang ang buhok ko wala pa rin akong
maisip. Pabalik-balik lang sa utak ko ang tanong sa akin ni Dorwin.
“Kaya mo bang
pangatawanan iyang nararamdaman mo? Kaya mo bang masikmura ang mga sasabihin ng
mga tao sayo, sa kanya?”
“Shit!” Napapalatak kong sabi sa sobrang frustration. Ayaw
ko mang isipin ay pilit na pumapasok ang mga katanungang iyon sa aking isip.
“Renzell Dave.”
Hindi ko alam kung paano nangyari pero biglang pumasok sa
akin ang boses ni Alex na sinasambit ang pangalan ko. Ang uri nang pagsambit
nito na laging nagpapangiti sa akin at siyang dahilan ng pagririgudon ng aking
puso.
Doon lang muling pumasok sa akin ang mga ala-ala namin ni
Alex simula nang mag-kakilala kami. Ang mga pagusungit nito’t pagi-ignora sa
akin, ang laging nakakunot nitong mukha, ang pagaalaga nito sa akin at
pagpupunas ng pawis ko sa likod ko, ang malokong tawa nito at higit sa lahat
ang pinagsaluhan naming maiinit na halikan.
“Alex...” Pagtawag ko sa pangalan niya na para bang sa
pamamagitan nun ay matutulungan akong
mahanapan ng sagot ang mga bagay na bumabagabag sa akin. Muli kong naramdaman
ang pangungulila sa isang tao na nangyari lang noong mawala sa amin si mama.
Hindi ko na talaga pweding maikaila pa mahal ko na si Alex at kahit ano pa mang
sabihin ng mga tao tungkol sa amin wala na akong pakialam. Paninindigan ko ang
pagmamahal ko sa kanya dahil alam kong siya ang hinahanap ng puso ko.
Sumapit ang sabado dalawang araw na ang nakakaraan ng
makabalik ako sa lugar namin at sa nagdaang araw ay sinimulan kong tapusin ang
mga bagay na naiwan ko noon. Mabuti nalang at nariyan ang kambal ko at ang
bayaw ko na saktong pareho ang tinapos namin. Napagalaman ko sa sekretarya ni
papa na ang mga ito ang tumapos sa mga bagay na kaya nilang tapusin maliban na
lamang sa mga pipirmahang mga plano at mga reports dahil tanging ako lamang ang
may kakayahang gawin iyon.
Sa dalawang araw ring nagdaan ay doon na buo ang desisyon
ko, ipaglalaban ko ang nararamdaman ko kay Alex dahil iyon ang sa tingin ko ay
tama at dapat kong gawin. Si Alex ang nagbigay ng kakaibang damdamin sa akin.
Si Alex ang tanging taong gumulo sa tahimik at maligalig kong mundo. Sa kanya
ko naranasan ang mga bagay na hindi ko alam na pwedi palang mangyari.
Dahil na rin sa ibinigay nito sa akin ang number niya ay
panaka ko siyang tinatawagan kapag nakakaluwag ako sa sangkatirbang reports na
nakapatong sa lamesa ko. Iyon lamang ang tanging nagbibigay sa akin ng dahilan
at gana para tapusin ang lahat ng trabaho ko para sa pagbabalik niya ay
mabibigyan ko siya nang sapat na oras. Balak kong pagbalik nito mula sa
bakasyon ay yayain ko muli siyang umalis para makapag-solo kami’t mapagusapan
ang tungkol sa amin.
Sinubukan kong tawagan si Sonja para makausap ito pero
laging out of coverage ang cellphone nito kahit sa bahay nila ay sinubukan ko
siyang tawagan ngunit laging ang katulong lamang nila ang sumasagot sa akin at
laging sinasabing may shoot daw ito. Binalak kong lumuwas ng manila para
puntahan ito’t pormal na makipaghiwalay.
“Oh Dave.” Bungad sa akin ni Red ng sadyain ko sila sa
lungga nila nang kambal ko.
“Saan ang kambal kong masungit?” Nakangiti kong tugon sa
pagbati nito.
“Nasa taas nagbibihis alam mo namang Saturday session namin
ng barkada ngayon. Hintayin mo nalang at bababa na iyon.”
Hindi ko alam paano napanatiling malinis ang bahay na ito
nang kambal ko. Ang alam ko kasi kahit pa man magaling itong abugado ay may
kahinaan din siya at iyon ay ang paglilinis ng bahay. Ayaw na ayaw nitong
naglilinis siya nang bahay kaya lagi itong napapagalitan ni papa noong mga bata
pa kami.
“Kamusta si Alex?” Nakangisi na namang tanong ni Red.
Marahil ay na kwento na ni kambal sa kanya ang napagusapan namin.
“Mataray pa rin.” Nakangisi ko ring sagot.
“Hindi ko akalaing seseryosohin mo ang sinabi mo noon.”
“Alin doon? Marami na akong nasabi simula bata pa ako.”
Pangaasar ko sa kanya na tinawanan lang nito. Ito ang bagay na gusto ko sa
personalidad ng bayaw ko cool lang ito parati na animoy walang problema kahit
paman alam ko ang mga pinagdaanan nito noon. Bakit ko nalaman? Aba’t syempre
kasabwat ako nang mga kaibigan nito nang itago namin si Dorwin sa kanya para
paghandaan ang birthday niya. Para na itong ulol noon kakahanap sa kambal ko
lalo na nang sabihin kong baka nakipagtanan na ito kay Niel.
“Kahit kailan gago ka talaga. Hindi ka makausap ng matino no
wonder lagi kang nasusungitan ni Alex.” Tatawa-tawa nitong sabi.
“Paano ba mahalin ang mga katulad nila?” Ang bigla kong
seryosong tanong sa kanya. Kung may tao man akong dapat pagtanungan tungkol sa
nararamdaman ko kay Alex iyon ay si Red. Pareho ata ang guhit ng palad namin ng
hunghang na ito ang ma in love sa masusungit na tao.
Gumuhit ang ngiti sa mga mukha nito sa tanong ko.
“Mukhang nakapagdesisyon kana.” Wika nito. “Kung hindi mo
gagawing komplekado magiging smooth lang ang lahat pare. Tanggapin mo lang na
nagmamahal ka at lahat ng nagmamahal walang batas na sinusunod.”
Anak ng teteng ano
raw?
“Saang libro mo nakuha iyan nang mabasa ko’t maintindihan ko
ang sinabi mo.” Sarkastiko kong sabi sa kanya na nginisihan lang nito.
“Paano mo nalaman na mahal mo na ang kambal ko?” Sunod kong
tanong sa kanya nang makita kong wala itong balak na ipaliwanag ang sinabi
niya.
“The time that when I accepted his worst. Kapag natanggap mo
na ang lahat ng pangit sa kanya doon masasabing totoong nagmamahal ka nga.”
Nakangiti nitong wika.
Ayaw ko mang aminin pero mukhang tama ang ugok na ito. No’ng
iwan siya ni Dorwin para bigyan ng pagkakataon ang una nitong minahal ay
malugod niya parin itong tinanggap dahil mahal niya ito. Sa totoo lang bumilib
ako sa kanya sa ginawa niyang iyon dahil kung sa akin mangyayari ang bagay na
iyon hindi ko alam kung kaya ko itong tanggapin.
“Wag mong masyadong pagisipan ang sinabi ko. Hindi ang
klaseng iyon ang makukuha mo ang sagot sa isang minutong pagiisip lang.
Eventually matututunan mo rin iyon on the process kaya easy lang.” Wika pa
nito.
“Mukhang naligaw ka nang bahay Renzell Dave.” Biglang wika
nang kambal ko na pababa na nang hagdanan.
Nginitian ko ito at binati.
“What brings you here?”
“I’ve decided to go to Manila to talk with Sonja.”
“Pinagisipan mo na ba nang mabuti iyan? Handa ka bang
harapin….”
“Look Dorbs, I’ve made up my mind. Wala na akong pakialam sa
mga sasabihin ng ibang tao basta’t ang alam ko mahal ko si Alex at paninindigan
ko ang pagmamahal na iyon.” Pagputol ko sa mga sasabihin niya.
“Paano si papa?”
“Alam kong maiintindihan niya ako.” May bahid ng kompyansa
kong sabi. Dahil alam ko namang kahit sinong piliin naming mahalin ni Dorwin ay
susuportahan kami nang aming ama.
Napabuntong hininga ito.
“In love na nga ang kambal ko.” Tila sumusuko nitong sabi na
ikinangiti nang asawa nito. “Siguraduhin mo lang na hindi sasakit ang ulo ko
sayo kung hindi ako pa mismo ang mag-papakulong sayong kumag ka.”
“Ano kaya ang magiging reaksyon nito ni Ace noh, at ng ibang
barkada?” Ang nakangising wika ni Red.
“Tingan natin mamaya.” Tugon naman ng kambal ko na nakangiti
na rin. “Kailan ang flight mo Renzell Dave?” Wika pa nito.
“Tomorrow, first flight. Babalik din ako agad sa hapon.”
Itutuloy:
27 comments:
wow.. ganda..... miss ko na lambingan nina dave at alex.... :)
go go go... renzell dave.... ipaglaban mo ang pag mamamhal mo kay alex the maldita.... your madly inlove ka nga....
ramy from qatar
Hahahahaha!!!! Tgal q inantay to sa wakas ipaglalaban n ni dave si alex! Sana lng wla nang mangyari hbng kausap nya si sonja. Go lng author pahabain pa ang story! :D
nice story tlaga zekiel... thanks...
ito nah ang tagpong hinihintay koh .. ^^ ang swerte naman ni alex .. nakahanap sha ng tulad ni renzell dave ..? akoh kaya ..? hehehe nag-pahalatang single .. :-( wala bah kayong ma-reto dyan ..? (desperado much ..? hehehe ) biro lang poh ah ..
Nice! Go Dave. Dont break Alex heart.
parang anu lng din ah! pag ibig, pag pumasok sa puso, hahamakin ang lahat masunod ka lamang. he he he he. . . maging sino ka man. go! go! rd at ausin muna agad ung gf mo para maging smooth na kau ni alex.goodluck!
thnk u z. love it. sana nmn may tao ding magmahal sa akin ng totoo at handang ipaglaban ako. kakainggit si alex
sana lang matiwasay ang paghihiwalay nila ni sonja.. tutal parang wala naman silang relasyon eh.. busy naman si sonja sa profession niya, na tila mas importante pa iyon kesa kay dave..
can't wait for the DAVE and ALEX love affair... <3
waaaaaahhhhhh. may nakaabang drama ito. parang nakikita ko na na may mangyayari kay dave at sonja. then, maging preggy si sonja. hahhaha..
taga_cebu
hahahaha yung ang aabanagan natin ang reaksyong ng barkada..
ang mga hitad!!
ayan na!!
hahahaha!!
- ChuChi
Renzell Dave, pare, in-love ka na nga! Ahaha
-Jake of Cebu-
hehe iniisip ko lang kung baka may twist na naghihintay sa kwento pagkarating ni Dave sa Manila. :D sana maging maayos ang lahat. :)
Light ang story sa chap na ito kaya mabilis ang reading ko..hehehe
next post na!!! ahahaha na eexcite ako sa mga mangyayari sa next chapter, matatanggap kaya ni Sonja ang pakikipaghiwalay ni Dave at aaminin ba ni Dave kay Sonja ang bago niyang pag-ibig (Alex) weeeeee. Kelan naman kaya ang balik ni Ian para manggulo sa dalawa nating bida. (Parang abangan lang ang susunod na kabanata) ahahahahaha.
- ecko renz
bitin much? tsk! ahahaha next! (=
this is it..this is really is it, is it..hahaha..go go go renzell dave..palayain mo na ang sarili mo kay sonja..
and sonja, wag ka gumawa ng kung anong gulo..dahil di mo naman din nagampanan ang pagiging girlfriend kay renzell dave..kaya mas mabuting palayain mo nalang siya at mawala sa buhay niya once and for all..wag ka na umarteng kontrabida..hahaha..nararamdaman ko kasi baka masabunutan kita..
di na ako makapaghintay sa mga sasabihin ng barkada ni Red..hahaha..mukhang may plano..i smell something fish eye..hahaha..
nice job kuya zeke..
-Jay
Love is in the air nah tLga!!...
so hapi dat dave finaLLy came cLean and accepted the truth...
GO DAVE!!...
it's you nd aLex against the worLd nah!!...
hehehehe...
nice chapter kuya Z...
my day is compLete now coz of this...
- edrich
Ayiyiyiyi kilig!!!
tagal ng fave part ko, yung conflict sa relationship..yung magaaway at maghihiwalay yung love team. Haha!
--ANDY
sana kilig part next part..hehe
-nakakadik na tlga story mo.
.kudos!
---cugertz
go for it dave!
elow zeph.....hehe
hehe, disidido na ang kumag,,,,
Beu,
hahaha! panay tawa ko sa chap na to..shit gusto ko na tuloy ng kakambal!XD
thanks po kuya Z sa kwentong to. :))
-->nIx
yey!lumevel-up na talaga si dave!haha..natawa nmn aq sa reaction ni dave sa payo ni red! Ang lalim dn nmn kc eh.hahaha...
Ang cute tlaga ng story nila!at empre nkktuwa kc nd2 prn sina red at dorwin!!!haha..fave q kc cla eh!;)
-monty
yey!seryoso na talaga to...wala ng awatan pa ke dave!mahal kung mahal..charot na charot!kakakileg nmn..hahaha
-monty
Post a Comment