by: Zephiel
email: zildjianace@gmail.com
Pasensiya na
kung nahuli nang isang araw ang posting nito na busy lang talaga ako. Heheheh Hindi
ko pa ito na proof read ng maayos dahil sa may lakad ako ngayon gabi tinapos ko
lang ito bago umalis dahil alam ko namang marami na ang naghihintay sa chapter na
ito.
Sana ay
magustohan niyo ang kalokohan ko sa chapter na ito at muli, maraming salamat sa
mga taong nagbigay ng kanilang mga komento sa huling chapter. Sa mga silent
readers at mga Anonymous guys pakilala na kayo para naman masaya. Hehehe Mahirap
ang laging tahimik nakakasama sa kalusugan yan. Wahehehehe
Bago ko pala
makalimutan gusto kong pasalamatan ang mga taong nageemail sa akin. Salamat sa
oras guys. Hehehe Ingat tayo lagi… Zephiel A.K.A Zildjian
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
“Dave, anak
halika muna sa loob ipapakilala kita sa isa sa mga kapatid ko.” Ang wika ni
nanay Marta habang nasa labas kami nang bahay kasama ang bayaw ni Alex at ang
ibang kaibigan nito’t nagiinuman na naman.
“Sandali lang mga pare inum lang kayo diyan babalik ako
agad.” Wika ko naman sa mga kainuman ko saka sumunod kay nanay Marta sa loob ng
bahay.
Kakaiba talaga ang mga tao sa probinsya hindi man kasing
yaman ng mga tao sa syudad pero kung mag-handa daig pa ang may maraming ipon.
Bespiras palang ng pista ay may mga kamag-anakan at kaibigan nang pumunta na
taga kabilang baryo at ang iba pa nga ay galing sa malalayong lugar para lang
dumalo at makipista.
“Ito ang sinasabi ko sayong boss ni Alex ko Emelda, si Dave,
kasama siya ni Alex na nagbakasyon rito para sa pista.” Ang pagpapakilala ni
nanay Marta sa isa sa mga kapatid niya.
Para talaga akong kapamilya nila kung ituring halos lahat na
siguro nang kaibigan at kamaganak nila na pumunta sa araw na iyon ay
ipinakilala nito sa akin. Kakaiba talaga ang hospitality ng nanay ni Alex,
napakabait nito taliwas sa kapatid nitong nakilala ko sa lugar namin na pangit
na nga ang ugali pangit pa ang pigura nang katawan.
“Dave, ang bunso namin si Emelda.” Pakilala naman nito sa
kapatid niya na tulad rin ni nanay Marta ay maamo ang mukha nito’t walang
kasungitang ma-babakas.
“Magandang gabi po. Kapatid lang po ako nang asawa ng boss
ni Alex” Magalang ko namang pagbati at pagtatama sa sinabi ng nanay ni Alex.
“Tama ka nga Ate, ka gwapong bata nga nitong bisita niyo.”
Nakangiting wika nito sa akin na sinangayunan naman ng mga kasama nito sa
lamesa nila.
Napakamot nalang ako sa ulo dahil medyo nakaramdam ako nang
hiya sa ginawang pagbibida sa akin ni nanay Marta. Proud na proud ako nitong
ipinapakilala sa mga kaibigan nito’t ibang malalayong kamaganak.
“Mabuti naman iho at napadpad ka sa lugar na ito bihira lang
kaming mag-karoon ng dayo sa mumunting baryo naming ito na bukod sa makisig na mayaman
pa.” Ani naman ng isang may edad nang lalaki.
“Siya naman si Domeng ang kapatid nang asawa ko at ang tatay
ni Aloda.” Sabat ni nanay Marta para ipakilala sa akin ang lalaking nagsalita.
“Magandang gabi po.” Ang mahiya-hiya kong sabi. Hindi ako
komportable na mga may edad na tao ang mga kausap ko lalo’t hindi naman ako
sanay na makipagusap sa mga Titas, at Tito’s ko tanging si papa lang kasi ang
nakakatiis ng sayad ko.
“Nay, ibinida niyo na naman si Dave.” Ang boses ni Alex na
nasa likuran ko na pala. Marahil napansin nitong hindi na ako komportable sa
mga tiyuhin at tiyahin nito.
Nagmano muna ito sa mga ito at bumati bago humarap ulit sa
akin.
“Hindi ka pa daw kumain. Tara sa kusina at nang makakain ka
muna bago ka makipag lasingan sa mga kabarkada ni kuya Drigo.”
Simula nang makapagusap kami kanina at makahingi ako nang
tawad sa kalokohan ko ay naging mabait na ito sa akin. Hindi lang normal na
pagiging mabait kung hindi may kasama na itong lambing. Hindi ko man
maintindihan kong ano ang nangyari sa kanyang mabilisang pagbabago ay
ikinatutuwa ko naman ito.
“Siya nga pala anak.” Singit naman ni nanay Marta. “Mag-tabi
nalang ulit kayo nitong si Dave sa kwarto dahil dito matutulog sina tiya Marta
mo.
Sa narinig ay agad na gumuhit ang ngiti sa aking mga labi at
napalingon ako kay Alex na sa akin rin pala nakatingin. Kita ko ang pamumula ng
mag-kabilang pisngi nito na lihim ko namang ikinahagikhik. Halata kasing
apektado parin ito sa nangyari sa huling pagtatabi namin na wala naman talaga
siyang ibang ginawa kung hindi ang gawin akong unan na sa hindi malamang
dahilan ay nagustohan ko.
“Si Wil nalang po nay ang patabihin niyo kay Dave.”
Pasimpleng protesta nito.
Nagpapakipot ang loko.
Ang malokong wika ko naman sa aking isip. Kahit kasi umalma ito sa ideya nang
kanyang ina may pakiramdam akong hindi naman talaga siya seryoso sa protesta
niya kung hindi nagpapakipot lang.
Bilib na bilib ka
talaga sa sarili mo noh? Kontra agad nang maligalig kong isip.
“Alam mo namang malikot matulog ang kapatid mong yon anak,
nakakahiya kay Dave. May kaliitan pa naman ang kama mo.” Pagpapaliwanag naman
ng ina nito.
“Iyon na nga nay….”
“Sige nay, tabi nalang ulit kami ni Alex.” Putol ko sa iba
pang sasabihin niya sabay akbay sa kanya. “Di ba papakainin mo pa ako?” Nakangiting
abot tenga kong sabi.
May kakaiba talaga sa mga kinikilos ng Malditang ito hindi
ko alam kung anong magandang hangin ang nasinghot nito kanina para biglaan
itong bumait sa akin. Siya pa mismo ang kumuha nang pagkain para sa akin habang
ako ay nakaupo lang sa mesa at takang-taka sa mga ikinikilos niya. Gayon pa
man, natutuwa ako sa nangyayari kung pwedi nga lang akong tumalon sa tuwa ay
gagawin ko.
Hindi ko naman maiwasang mailang habang kumakain. Kanina pa
kasi ito nakatingin sa akin na para bang may kung anong sinusuri ito na isang
maling kilos ko lang biglang mag-iiba ang ihip nang hangin.
“Matutunaw ako niyan.” Ang nakangiti kong wika sa kanya.
“Ha?” Untag nito na di manlang inalis ang tingin niya. At
some point may kakaiba talaga sa mga tingin niyang iyon parang may iniisip.
Parang may tinitimbang.
“Whats wrong?” Seryoso ko nang tanong dahil sa nakaramdam
ako nang takot. The way he looks at me, it’s as if I am being judge.
Nakakatakot, dahilan para maging uneasy ako sa harap niya. Parang conscious ako
na hindi ko alam kung para saan.
Hindi muna ako nito sinagot bagkus ay muli ako nitong
binigyan ng kanyang nanunuring tingin bago ko marinig ang mahinang buntong
hininga nito.
“Para saan ang buntong hiningang yon? May nagawa na naman ba
akong hindi mo nagustohan?” Ang di ko maiwasang maitanong.
Hindi pa man ito nakakasagot nang sumulpot ang isa sa mga
pinsan nito na una ko nang nakilala sa unang araw ko sa baryo nila, si Aloda.
Hapit ang damit nito’t sobrang iksi nang short . Bilang isang lalaki masasabi
kong maganda ang katawan nito pasok sa standards ko ang kaso wala akong
makapang interes para sa kanya which is something new. Weakness ko kasi ang mga
babaeng matatangkad, maumbok ang dibdib at higit salahat magaganda at masasabi
kong swak na swak si Aloda sa mga babaeng kinahuhumalingan ko noon.
Noon? Bakit noon? Iba na
ba ang tipo mo ngayon Renzell Dave? Isang reyalisasyon na biglang pumasok
sa isip ko saka napatingin kay Alex. Maamo ang mukha nito kahit laging
nakakunot ang noo, hanggang baikat ko lang siya, sakto lang ang katawan nito’t
pati ang gupit nitong bagay sa hugis nang kanyang mukha.
Ngayon ko lang nabigyan ng panahong matitigan at ma
obserbahan ang hitsura nito dahil noon naman ang maasar lamang siya at
makaganti sa pang-iignora niya sa akin ang tanging habol ko. Masasabi kong ang mga mata nito’t makakapal
na kilay ang una mong mapapansin kapag tumingin ka sa kanya. Alex has these
charming eyes. Ang mga mata nitong punong puno nang ka-inosentehan.
“Ganun? Hindi ako pinansin?” Basag ni Aldo sa lumipad kong
isip. Doon ko lang napagtanong nakatingin pala kami ni Alex sa isa’t isa. Ito
ang unang bumawi nang tingin at hinarap ang pinsan niya.
“Anong masamang hangin ang nagdala sayo rito?” Wika nito sa
pinsan niya.
“At bakit? Nagpunta ako rito para sunduin ang tatay ko’t
para narin makita ang prince charming ng buhay ko.” Tugon naman nito sabay hila
nang upuan sa tabi ko at walang anu-anong inilingkis nito sa kanang braso ko
ang kanyang mga kamay.
“Kamusta kana Dave? Alam mo, na miss kita nang sobra. Sa
sobrang pagka-miss ko sayo pati panaginip ko ikaw na ang laman. Destiny ba ang
tawag doon?” Sunod sunod nitong sabi.
Nginitian ko nalang ito pero hindi ko rin naman inalis ang
kamay nitong nakalingkis sa akin baka kasi ma offend ito sa akin.
“Ate Aloda, kumakain si Dave alisan mo nga yang kamay mo.”
Nakakunot noo na namang wika ni Alex.
Hindi ko alam kung tama ang nakikita ko sa mga mata nito
para kasing may selos akong nababakas sa kanyang mga mata.
“Dave, gusto mo bang subuan nalang kita para hindi kana
mahirapang kumain?” Pambabaliwala nito sa sinabi nang kanyang pinsan.
Gusto kong matawa sa pagiging forward masyado nang nitong si
Aloda. Akala ko ang mga city girls lang ang capable sa mga ganitong lantarang
paglalandi hindi pala. Updated narin pala ang probinsya sa mga ganitong klaseng
kalakaran.
“Hindi na, nakakahiya naman sayo Aloda at matatapos na rin
ako.” Nakangiti kong wika sa kanya. Ang totoo gusto ko lang talagang makita
kung paano mag-rereact si Alex at nang ibaling ko sa kanya ang aking tingin
wala na naman akong makitang ekspresyon sa mukha nito.
“Since nandito naman si Ate Aloda balik na ako sa kwarto.
Kailangan ko pang ayusin ang hihigaan natin.” Wika nito kapag kuan saka tumayo
at walang anu-anong kami nitong iniwan.
“Wag mo nang pansinin ang isang iyon natural lang sa kanya
ang pagiging masungit.” Nakangiti namang wika sa akin ni Aloda pero wala sa
kanya ang isip ko kung hindi nasa inasal ni Alex.
What the hell was
that? Kanina lang nagtransform sa pagiging Anghel ang malditang yon tapos
ngayon biglang balik sa pagiging masungit? Nagseselos ba yon o talagang badtrip
lang siya sa madaldal na pinsan niya?
Nakabalik na ako sa inuman pero hindi ko na magawang
makisaya sa mga kaibigan ni Rodrigo. Hindi ko talaga maiwasang hindi isipin
kung ano ang dahilan nang pagbabago nang mood nito kanina kung selos ba iyon o
pagkaasar lamang sa pinsan niya. Hindi ko tuloy napansin na sunod-sunod na ang
paginum ko sa sobrang pagkalito.
“Sir, hinay-hinay lang po marami-rami pa ang tutumbahin
natin.” Wika nang isa sa mga kaibigan ni Rodrigo o Drigo kung tawagin ni Alex.
“Pareng Randy, baka kayo ang tumaob diyan, kami nga ni tatay
napataob niyan eh.” Wika ngingisi-ngisi namang wika ni Drigo halatang may tama
na ito marahil ay dahil narin sa pagod ang katawan nito sa pagiihaw namin
kanina.
“Magaling pala itong si sir Dave, akalain mong pinataob ang
hari ng emperador na si Drigo.” Wika naman ng isa na ikinatawa namin.
Taliwas sa mga tao sa syudad mababait at maganang kainuman
pala ang mga taong simple lang. Isang baso ang lang ang tinatagayan ng mga ito
pero kahit anong pilit kong makitagay sa baso nila ay ipinilit parin nang mga
ito na mag-iba ako nang baso at lalagyan ng ice. Iyon daw ang paraan nila nang
pagpapakita nang respeto sa mga bisita nila.
“Iba ka talaga sir. Kakaiba ka sa mayayaman at may mga
kayang taga rito sa amin marunong kang makisama.” Wika nang isa na tangero
namin nang matapos kung i-isang lagok ang tagay nito sa akin.
“At hindi pihikan sa inumin si sir.” Dagdag pang wika nang
isa.
“Sunog baga kasi ako.” Nakangiti kong wika na kanila namang
tinawanan.
May ilang oras narin ang nakakalipas at halatang may mga
tama na ang mga kainuman ko. Ang dalawa nga ay nakatulog na sa mesa habang ang
natitira naman ay kanina pa suka nang suka. Tanging si Drigo nalang at ako ang
medyo may katinuan pa.
“Mahihina talaga sa inuman itong mga kumpare ko.”
Tatawa-tawang wika nito.
“Kaya pa ba nilang umuwi?”
“Hayaan mo lang sila diyan sir Dave, uuwi rin ang mga yan
kapag nahimasmasan.” Sabay tayo nito. “Paano sir, tumba na ang mga kainuman
natin at paniguradong ako na ang susunod kaya mauna na ako sayo sa kwarto namin
ng asawa ko.” Nakangisi nitong wika halatang may pinaplato ito ngayong gabi.
Natawa nalang ako nang makuha ko ang ibig sabihin niyang
iyon saka tumayo na rin para tunguhin ang kwarto namin ni Alex.
Matapos makapag hilamos at makapag sipilyo ay pumasok na ako
sa loob ng kwarto. Alam kong sa mga oras na iyon ay tulog na si Alex kaya hindi
na ako nagabala pang i-on ang ilaw para hindi ito magising. Laking gulat ko
nang mag-salita ito.
“Doon ka sa may gilid. Maaga akong babangon bukas para
tulungan sina nanay sa paghahanda.”
Kinuha ko ang pagkakataong iyon para makausap ito tungkol sa
biglaang pagbabago nito nang mood kanina. Mabuti na yon dahil matutulungan ako
nang tama nang alak para makapagtanong sa kanya nang walang pagaalinlangan.
Imbes na agad na tumabi sa kanya ay naupo ako sa gilid ng
kama. Dahil na rin sa tahimik na ang buong bahay rinig ko ang mahinang paghinga
nito.
“Galit ka nanaman ba sa akin?” May bahid nang paglalambing
kong sabi.
“Hindi. Sige na matulog kana.” Mabilis nitong sagot.
Napabuntong hindi nga ako. Alam ko kasing badtrip na naman
ito sa akin sa tono palang nang boses nito.
“Pweding mag-tanong?”
“Inaantok na ako.”
“Are you jealous of Aloda?” Walang ka-abug-abog kong sabi. “Kaya
ba bigla ka nalang ulit naging masungit dahil kay nagseselos ka kay Aloda?”
Alam kong hindi maganda ang tanong kong iyon sa kanya.Pwedi
kasing lalong magalit ito sa akin dahil sa pagiging feeling ko ayaw pa naman
nito ang ganung ugali ko. Kaya inihanda ko
na ang sarili ko na masinghalan nito pero hindi iyon nangyari. Wala
itong naging pagtugon sa tanong ko.
“Alex?” Mahina kong pagtawag sa kanya. Parang ako pa itong
kinapos ng hangin sa sobrang lakas nang kabog ng dibdib ko. Hindi ko mawari
kung kinakabahan ba ako o natatakot baka kasi layuan na naman niya ako dahil sa
tanong kong iyon.
“What if I am?” Maya-maya’y wika nito.
I was caught off guard sa tanong niyang iyon. Hindi ko
inaasahan ang ganong klaseng tanong na iyon galing sa kanya. Alex is the kind
of person who would choose to hide his feeling rather than showing it. Gusto
niyang hindi siya kinaawaan ng iba dahil sa tayog nang pride nito.
“Don’t ask question na hindi ka handa sa sagot.” Wika pa
nito nang matahimik ako saka naramdaman ko ang paggalaw nito patalikod sa akin.
Does his question mean he was jealous? Did he just admit to
me that he was? Ano nga ba sa akin kung nagseselos siya? Ano nga ba ang pwedi
kong magawa kung nagseselos siya eh wala naman ata akong ibang ginawa kung
hindi ang guluhin ang tahimik niyang mundo. At ang pinakamalaking tanong ano
nga ba siya sa akin? Am I falling for him? Iyon ba ang rason kung bakit ganito
ako ka apektado pagdating sa kanya?
Kinapa ko sa sarili ko ang mga tanong na iyon at doon
hinanap ang sagot. Alam kung may kakaiba akong nararamdaman para kay Alex at
alam kong habang tumagal, habang nakikilala ko ang tunay niya siya ay lalong
lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya.
“Alex?” Muli kong tawag sa kanya. “This feeling is something
new to me. I can’t even decipher this feeling I have for you basta’t ang alam
ko ayaw kitang nasasaktan. Ayaw kitang nakikitang malungkot.” Lakas loob kung
sabi dahil iyon naman talaga ang nararamdaman ko. Sinabi ko lang ang totoo.
Hindi ito sumasagot sa akin kaya naman pinihit ko siya
paharam sa akin. Hindi ko alam pero kakaibang lungkot ang naramdaman ko nang
makita kong umiiyak ito. Kung hindi ako nagkakamali huling naramdaman ko ang
ganung klaseng lungkot ng kunin sa amin ang mama ko.
Agad kong pinunasan ang luhang dumadaloy sa kanyang mga
mata.
“Please wag kang umiyak.” Nang aalu kong sabi. Seeing him
cry makes my heart melt like a chocolate.
Hindi ko alam kung paano ko siya aaluin hindi kasi tumitigil
ang pagdaloy ng mga luha nito sa kanyang mag-kabilang pisngi. Hanggang sa
namalayan ko na lang ang mag-kahugpong na naming labi. Ewan ko kung bakit ko
nagawa iyon hanggang sa maramdaman ko ang pagganti nito sa mga halik ko at doon
ko nakuha ang sagot. His kisses were different from the other girls that I’ve kissed.
Malambot tulad ng marshmallow ang mga labi nito at kasing tamis ng candy ang
mga halik nito. No wonder na nagawa ko iyon at hinding hindi ko pinagsisihan
ang halikan siya.
Naging malalim ang halikan namin hanggang sa makita ko
nalang ang sarili kong katabi na siya sa maliit niyang kama. Nakayakap ang
isang kamay ko sa kanyang ulo at isa naman ay nakayakap sa kanyang bewang. It’s
as if I was caressing him.
Nang humiwalay ito sa halikan namin ay para akong ninakawan
ng kaligayahan. I thought tapos na ang kaligayahan ko pero nang makita ko itong
humihingal ay napangiti ako sa kanya.
“That was a bit intense woud you agree?” Ang malambing kong
wika at muling inangkin ang nakakaadik nitong mga labi.
First time kong makipaghalikan sa kapwa ko lalaki at ang
masasabi ko it wasn’t that bad after all. Siguro dahil ang kahalikan ko ngayon
ay may malaking puwang sa aking puso na hindi ko mabigyan ng pangalan.
Lalong lumalaim ang halikan naming iyon and I can say that
Alex is a very good kisser indeed. Di ko mapigilang mapayakap nang mahigpit sa
kanya nang bumaba ang mga halik nito sa leeg ko. No women ever make me want for
more by just kissing me. Kaya naman sinuklian ko rin siya nang kaparehong halik
na tinugon naman niya nang impit na mga ungol na lalong nagpapaulol sa akin.
Kakaibang pakiramdam ang naramdaman ko nang mag-simulang
harugin ni Alex ang likod ko. I would admit na sa simpleng hagud nito ay
sobrang nagugustohan ko. Ramdam ko ang init ng mga palad nitong nasa loob na
nang t-shirt ko kaya para mas lalo ko pang maramdaman iyon ay agad kong hinubad
ang damit ko.
Nakita ko sa mga mata ni Alex ang paghanga nang matanggal ko
ang pangitaas kong saplot. At nagugustohan ko ang paraan ng pagtitig nito sa
aking katawan kaya naman lalo ko pa siyang tinukso. Binigyan ko siya nang aking
mapagpalang ngiti na sinamahan ko pa nang pagkagat-kagat sa aking pang-ibabang
labi.
Natawa ito sa ginawa ko.
“You’re such a teaser. Why did you remove your shirt?”
Nakangiti nitong sabi.
“So I can fully entertain you.” Maloko kong sabi at muling
inangkin ang mga labi nito.
Itutuloy:
48 comments:
oh no! hahaha ayun na tayo oh! waaaaa!
First to comment hehehe i'm loving ur work more and more keep it up!
KV
At nangyari na ang pinakahihintay naming lahat ang kanilang aminan na nasundan pa ng halikan! Wohooo!!! Ayun na! Ngiti ang iginuhit ng chapter na ito sa aking mga labi... Haha Salamat Kuya Zeph!
At umamin ka rin Renzell Dave... Alam kong bago sa'yo yang nararamdaman mo pero ganyan talaga yan, first time mo kaseng magkagusto sa kapwa lalake... haha :D
-Jake of Cebu-
Hala... Nagkakainitan na ang dalawa. :) san kaya hahantong ang mainit na tagpong ito? Cant wait for the next chapter Z. Ur da best!!!
Yun na eh. Ang sarap eh. Haha. Inaantabayanan ko tong story na to! Keep it up!
siyet!! arrrrhhhhg, may naalala ako., :c
haha natawa ako kay alex, from Mr. prim and proper to wild. Sana may mangyari ng tuluyan sa kanila ni dave. Ito naman si dave may decipher decipher pang nalalaman, MAHAL or GUSTO mo na si alex, yun lang yun! OK!??
Next na zephiel pls!!
--ANDY
Oh no! Yun yun eh! waaaahhh!.
Nice! Next na agad!
Hahahaha!!! I lab it! Eto na ung hnhntay ko! Go go go dave!
Like it much...more.. more.. more....
so hot! Xet! -ALMONDZ
sa wakas natuloy na rin ang kiss...『dereck』
wooooowwwwwwwwwwww! kakilig naman.... sina n b? lols... Kudos a author!
huy, nakakabitin :(((((((((
ang sarap sampalin ni alex!!
haha!!
laging pa DEMURE!!
char!!!
:)
- ChuChi -
Alex anak gising na!!!!
O.o d mbgyan ng pangalan dw, eh ayan na nga nkikipaglaplapan nat lahat lolz
denial kpa
Waaaah!!!
busted! huling huli ang kiliti ko!
ewan ko lang ah. pero parang ayaw ko pa muna na may mangyare na something between them. parang i want more pakipot-pagkalito kilig moments. hehe. ako na pakialamero!
thanks mr.may akda. salamat sa napakagandang update.
gambette ne!
Waaaah!!!
busted! huling huli ang kiliti ko!
ewan ko lang ah. pero parang ayaw ko pa muna na may mangyare na something between them. parang i want more pakipot-pagkalito kilig moments. hehe. ako na pakialamero!
thanks mr.may akda. salamat sa napakagandang update.
gambette ne!
laplapan to the max..love it..galing ng ginawa ni renzell dave..jusko..
good job kuya zeke.. :)
-Jay
swak na swak na talaga silang dalawa.... dave d mo alam un ...... hala saaaaannn na ang nuts mo. he he he..... mahal mo nga si alex the maldita....
ramy from qatar
ganda.... speechless
makatiboy
oh god i need a shot of johny walker ang init ha just got home morning ps bitin sa inumin hahaha!!!
Whooaah... Kakaenjoy naman talaga basahing ng kwento mo. One word to describe this story is "K a k a k i l i g !"
Ewan...!!! Naiinggit ako!!! Next na!
kakabasa ko lang. nice/
update mo agad zild :)
-kokey
kung ito ang sinasabi mong kalokohan author, ang ganda namang kolokohan nito... hehehe.. ang saya saya ng chapter na ito, you never really cease to amaze your readers author.. thanks again for continuously making stories that somehow help us think and remember nice old memories..
next!
_silentreader143.
nwala kalasingan ko dito! haha! Slamat again kuya Z! Sana may biglang pumasok sa kwarto para mambulabog! HAHA! >:D
Ilangan na namn yan pagkatapos..di kaya lasing din si alex nyan? hehe!
AHRGG!! NEXT NA PLEASEEEE! hehe
-->nIx
oh goodness! sex agad? wag muna! mas maganda pag sila na..
great chapter! like! like! like!
im jealous kay alex ... grrr!!!
akin lng c renzel dave!
<07>
I hate you Z!!! Hahaha kahit kailan wala ka ng ginawang maganda Z! Parati mo kaming iniingit, namamalipit sa kilig at naiinlove sa mga characters mo!
This is it.... Hahaha nagkaalaman na, sexiting much! next chater na.
Philip-
wahahahha....naalala ko tuloy mga pangyayari these past few days...hehehehe
subrang intense ...
cliff hanger ang tawag dun :D
eto na siguro yung hinihintay ko haha..though parang ang passive masyado ni Alex dito. iniisip ko pa rin kung anong klaseng conflict ang mangyayari sa kanila na sigurado akong darating sa kwento :D
OMG! After the long wait! Sulit na sulit! Thanks Zek! Napapa "shit" ako bawat talata haha! :) Keep Up!
Pat
wow:):) ang ganda naman .....kakakilig ang moment nato ahah ang galuing pa mambitin ehe takecare:):)
---master_lee#27 a.k.a crinnojr.....
Silent reader no more! More kilig chapters till the end.
waaaaaaaaaaaaaaahhh grabe naman hehehe parang hinugot ang kaluluwa ko nito..hahahah..ganda
but plsssssssss pwede author wag muna..ung pipigilan muna ni alex..plsssssssssssp pakipot effect
arrrrggghh! sssoooo kilig aman ng eksena. he he he next chapter agad.
Haaaaayyyyyy wala pa rin...klan pa kaya ang next?
Next....?
Next.....?
Next......?
Next.......?
Next........?
Next..........?
Hi Kuya Z!!
IDOL!! hehehe.. you take me to places i have never been..CHOS.. you let me feel emotions na hindi ko pa nararamdaman..dun sa TRT, 9 mornings, after all at ngayon sa chances.. hays.. kahit NBSB pa ako.. ang sarap siguro ng feeling na mai-LOVE.. hehehe.. I'm from Tacloban kuya!!! hehehe.. Palo ka diba? sabi mo..hehehe
*ang hirap pala pag wala kang kaibigang mapagsabihan ng mga dark secrets mo..hehe
continue to make me smile :))
09265414557.. fb : thereboundguy18@gmail.com
this is it nah!!...
go dave!!...
hahaha!!...
so hapi for the both of them...
hehehe....
- edrich
kainis kah nman kuya zek .. i wanted to read this chapter before going to the beach kaya lang tagal moh na-post ..:-( but i guess it was worth the wait .. kuya post moh nah chap. 13 .. cguro kung nabasa koh ito before going sa outing .. mas magiging masaya siguro akoh .. :-D
wav yah kuya zek!!! next nah ...
Ngayon lang ulit ako nakapasyal :-)
kailan ba ang next chap,mr author?..
silentreader143.
oh my gas!!!!haha...nagseselos c alex!?haha...at ang first kiss ha!hihi...ang sweeettt!:D
npangiti agad aq neto bago bumangon for work!^^
-monty
Post a Comment