Monday, January 23, 2012

Chances Chapter 13




by: Zephiel
email: zildjianace@gmail.com


SA WAKAS!!!!! Natapos ko rin ang pakikibaka sa chapter na ito! WEW!!! Talagang inuubos ni Renzell Dave ang laman ng 2MB kong utak.. waaaaa


Sana ay magustohan niyo ang kabaliwan ko sa chapter na ito sana ay abangan niyo rin ang napipintong pagtatapos ng storyang ito. Tama, malapit na pong mag-tapos ang kwento nina Alexis at Renzell Dave kaya sana sa mga natitirang chapters ay patuloy niyo paring subaybayan. Tulad ng ipinangako ko sa inyo hindi ko dadamihan ang twist sa storyang ito dahil sapat na ang naisip kong twist para guluhin ko ang mundo nang ating bida. WAHAHAHA


Sa mga taong naghintay sa Chapter na ito maraming salamat guys. Sa mga taong nagbigay naman ng kanilang komento sa huling chapters THANK YOU SO MUCH! HAHAHA  sana ay hindi kayo mag-sawang suportahan ang estoryang ito ang estorya ni Renzell Dave ang aking dakilang karakter na tulad ko sira din ang ulo. :D


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.





Matapos ang mainit na halikan namagitan sa amin ay hinayaan kong makatulog si Alex na nakaunan sa aking dibdib. Aaminin kong bago sa akin ang lahat kasama narin ang kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko ngayon  pero, di ko maikakailangang nagustohan ko ang lahat ng nangyari sa amin.


Sa katunayan nga ay kung pwedi pang lumalim sa halikan ay malugod akong mag-papaubaya pero lalo lang akong bumilib kay Alex ng ito na mismo ang tumigil nang maramdaman niyang nadadala na ako sa mga hagod at romansa niya sa akin na taliwas sa mga naririnig ko sa mga kaibigan ko tungkol sa kanila. Lalo ko tuloy napagtanto na hindi dapat agad na husgahan ang mga half-half, bakla, tomboy o kung anu pa mang pweding itawag sa mga kasariang hindi tangap ng karamihin dahil kung hahayaan mo lang  ang  sarili mong kilalanin sila ay makikita mong tulad ng mga tinatawag nilang “Normal” ay karapat-dapat rin silang respetuhin at igalang.


Habang tinitingnan ko siyang mahimbing na natutulog ay di ko maiwasang mapangiti. Taliwas kasi sa papgiging masungit nito ang ekspresyon ng mukha niya ngayon. Napaka-inosente nitong tingnan. Payapa ang ekspresyon ng mukha nitong nakaunan sa akin.


“Sana lagi ka nalang mabait sa akin. Sana lagi nalang tayong ganito.” Ang di ko maiwasang maibulong sa kanya habang masuyo kong hinahagod ang kanyang likod.


Mahirap mang aminin tanging si Alex lamang ang taong may kakayahang mag-patibok ng malakas sa aking puso. Doon ko tuloy na alala ang sinabi sa akin ni Brian.


“Possible rin na matulad ka kay Red at Niel.”


Katulad na nga ba ako nina Red at Niel na piniling mag-mahal ng isang kapwa lalake? Mahal ko na nga ba itong masungit, maldita at higit sa lahat pinaka mahirap espelinging tao sa mundo?


Siguro dahil narin nag-travel na naman ang isip ko sa planet Mars hindi ko na napansin na gising na pala ang taong tanging nagpapagulo sa utak at puso ko. Tulad ko ay nakatingin ito sa akin.


“Good Morning.” Ang bati ko sa kanya na sinabayan ko nang isang mabining halik. Doon lamang sumilay ang matamis nitong ngiti.


Oh great! No wonder na naadik ako sa taong to. Ngiti palang niya nawawala na ako sa katinuan.


“Good Morning din.” Balik naman nitong bati sa akin.


Nang aktong tatayo ito sa pagkakahiga ay maagap ko siyang pinigilan sa pamamagitan ng pagyakap ko sa kanyang bewang ng mahigpit.


“Dito kalang muna maaga pa naman.” May bahid ng pakikiusap at paglalambing kong sabi.


Bahala na talaga si Doraemon sa akin. Wala rin naman akong magagawa kung i-deny ko tong nararamdaman ko lalo ko lang pahihirapan ang sarili ko.


“Renzell Dave, kailangan kong tulungan sina nanay mag-handa.” Ani naman nito sa malambing na boses na ikinasinghap ko. Wala sa mga kaibigan kahit sa mga pinsan ko ang pinapayagan kong tawagin ako sa buo kong pangalan maliban kay papa at Dorwin. Pero kapag si Alex na ang tumatawag sa akin ng ganun kakaiba ang pakiramdam ko parang may kuryente ang hatid nito sa akin.


“Alam mo bang maliban sa papa at sa kambal ko ikaw lang ang nag-iisang taong pinapayagan kong tawagin ako sa buo kong pangalan?” Masuyo kong sabi sa kanya na sinamahan ko pa nang aking mapagpalang ngiti.


Kita ko naman ang pamumula nito dahilan para mapahagikhik ako. He may not be that vocal when it comes to his real feelings for me pero alam ko sa uri palang nang pagtitig nito sa akin na may espesyal din syang nararamdaman sa akin pareho lang siguro kaming natatakot na aminin ang totoo sa isa’t isa.






“Renzell Dave, maligo kana at mag-bihis na may mga bisita na sa loob nakahanda na ang tuwalya sa banyo. Yung mga damit mo nakahanda na rin sa kwarto.” Ang wika ni Alex sa akin habang kasama ko sa likod ng bahay nila ang bayaw nito’t tatay niya. Tumulong akong mag-ihaw at mag-luto ng ibang putahe.


Kung may pagbabago mang nangyari dahil sa nangyari sa amin ni Alex sa nagdaang gabi ay iyon ay ang pagiging maalaga nito sa akin. Kung noon ay kailangan pang sabihin ng tatay nitong dalhan ako nang tuwalya para pamunas ng pawis ko ngayon ay kusa na ako nitong dinalhan.


Syempre halos naman masiraan ako nang bait sa tuwa lalo pa’t hindi na nito hinintay na i-request ko sa kanya na siya ang mag-punas ng likod kong basang-basa nang pawis. Ngingiti-ngiti lang ang tatay nito’t bayaw habang pinapanood kami.


“Yes boss.” Nakangiti kong tugon sa kanya na sinuklian naman niya nang isa ring ngiti bago pumasok ulit sa loob ng bahay.


Gaya nang mga nakagawian dumating ang mga bisita pasado alas-onse. Maraming naging bisita sina Alex, ang iba ay galing sa kabilang baryo habang ang iba naman ay galing pa sa malalayong lugar. Hindi ko na itinanong kay Alex kong sinu-sino ang mga iyon basta’t sa tuwing ipapakilala sa akin ang mga iyon ni nanay Marta ay malugod ko namang hinaharap.


Di ko maiwasang lihim na mapangiti kong may mga dalagang hindi maalis ang tingin sa akin tuwing ipapakilala ako sa mga magulang nila. Suot ko ngayon ang tanging damit na dala ko no’ng ihatid ko si Alex sa probinsya nila. Ito ang ipinasuot sa akin ni Alex ngayon para daw maging komportable ako sa harap ng kanilang mga bisita.


“Dave anak, sabay na kayong kumain ni Alex hindi ka pa ata kumakain. Mamaya mag-iinuman na naman kayong walang laman iyang tiyan mo.” Wika nang napakabait na si nanay Marta.


Sa totoo lang nagutom ako sa pakikipagkilala sa lahat ng bisita nila. Halos lahat ata nang bisita nila ay nakilala ko na para na nga akong tatakbong kapitan sa baryo nila talagang gusto akong ibida nang nanay ni Alex. Pakiramdam ko tuloy para na akong manugang nito.


Naks! Naghalikan lang kayo nang anak nila ngayon manugang na agad? Ni hindi mo pa nga ata alam kung in-love kana nga sa tao o sadyang malakas lang ang trip mo.


Sa lahat ata nang sinabi nang maligalig kong isip iyong huli ang hindi ko nagustohan. Hindi ko magagawang ma-pagtripan si Alex at sa lalim ng nararamdaman ko sa kanya masasabi kong hindi lang trip iyon.


So in love kana Renzell Dave?


Sa pumasok na katanungang iyon sa akin doon ko lang napagtanto kung ano ang dapat itawag ko sa kakaibang damdamin na nararamdaman ko na hindi ko mabigyan ng pangalan noon.


Yes, I think I’m in love with him.


Sa ginawang pagamin ko sa totoo kong nararamdaman ay gumuhit ang isang matamis na ngiti sa aking mukha. Parang gumaan ang aking pakiramdam nang aminin ko sa sarili kong mahal ko na ang malditang iyon.  Pero, may kaunting takot parin ako para sa aming dalawa. Alam ko namang hindi lahat ng taong nasa gano’ng relasyon ay maganda ang kinahihinatnan. Oo nga’t naging maganda ang ending ng relasyon ng kapatid ko’t pinsan ko pero hindi ibig sabihin nun na matutulad rin kami ni Alex sa kanila. Lalo’t naka gapos pa ako sa relasyon namin ni Sonja.


Tama, kailangan ko nang tapusin ang relasyon ko kay Sonja bago ako mag-tapat kay Alex. Iyon ang unang gagawin ko pagkabalik ko galing sa bakasyon na ito.


Pinuntahan ko nga si Alex na masayang in-entertain ang dalawang kaibigan nitong nakilala ko no’ng mag-inuman kami sa plaza nila.


“Lantis, hindi ko alam na okey na pala kayo ni Niccollo ngayon.” Ang narinig kong wika nito nang sinamahan nito ang kaibigan sa mesa nang mga pagkain. May dalawa itong platong dala.


“Saan mo naman nakuha gaguhang iyan Alexis?”


“Ayan nga’t dalawa ang platong dala mo. Ikukuha mo siguro nang pagkain si Niccollo.” May bahid ng panunuksong wika ni Alex dito.


“That’s the most stupid idea that I’ve heard from you. This is not for Niccollo, may kamay at paa ang taong iyon kaya kumuha siya nang pagkain niya mag-isa.” Tila namang asar na wika ni Lantis.


“Eh para kanino yang isang platong yan?” Nakangiti paring wika ni Alex. Marahil ay hindi ito naniwala sa sinabi nang kaibigan.


“This is for Karupin.”


Gusto kong humagalpak nang tawa nang makita kong mapangiwi si Alex sa kabaliwan ng kaibigan nito. Doon na ako lumapit sa kanila.


“Kain na tayo?” Wika ko kay Alex nang makapalit ako sa kanila.


Nabaling naman sa akin ang atensyon ni Lantis at binigyan ako nito nang mapanuring tingin bago ako tinanguan at muling itinuon ang atensyon sa pagkuha ng pagkain.


“Sige, ako na kukuha nang pagkain natin samahan mo nalang doon sa mesa si Niccollo.” Nakangiti nitong sabi.


“Alright.” Isang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanya bago ko puntahan ang mesa kung saan nakaupo ang isang kaibigan nito.


Kakaiba talaga ang dalawang ito. Kung si Maki at Jay ay madaling pakisamahan itong Lantis at Niccollo naman ay tulad rin ni Alex na mahirap espelengin. Naabutan ko sa lamesa si Niccollo na linalaro-laro ang pusang dahilan ng laging bangayan nila ni Lantis. Mukhang wala itong balak tumayo para kumuha nang pagkain.


“Hindi ka pa ba kukuha nang pagkain?” Hindi ko maiwasang maitanong dito.


“Mamaya na siguro walang mag-babantay kay Kerochan.”


Ngalingaling batukan ko ito. Inuna pa talaga ang pusa kesa sa kanyang sikmura.


“Karupin.” Biglang sulpot ni Lantis. “Akin na yan at papakainin ko na.”


“Hindi, ako ang mag-papakain sa kay Kerochan. Bantayan mo lang siya at kukuha ako nang pagkain naming dalawa.” Sabay abot nito sa enosenting pusa.


Kung titingnan mo ang dalawang ito masasabi kong dinadahilan lang nila ang pagbabangayan para laging makuha ang atensyon ng isa’t isa. Parang kami lang ni Alex noon kailangan may asaran na mamagitan sa amin para lang makapagsimula nang usapan.


Walang duda mga kaibigan nga niya ito.


Nang dumating si Alex dala ang pagkain namin ay sabay-sabay na kaming kumain. Wala namang masyadong usapan ang naganap dahil sa laging pagbabangayan ng dalawa. Napapailing nalang si Alex sa mga ito habang ako ay lihim na napapangiti. Nakikita ko kasi sa kanilang dalawa ang sarili ko ang diskarte nilang una ko nang ginamit noon kay Alex.






Naging masaya ang pista nina Alex. Kasama ko sa mesa ang mga kaibigan nito’t sa kanila ako nakipaginuman. Dumating naman bandang gabi na sina Jay and Maki na tulad rin ni Alex ay pista rin sa kanila. Tanging si Lantis at Niccollo lamang ang taga ibang baryo sa kanilang lima.


Na puno nang tawanan at kulitan ang mesa namin dahil narin sa pagiging madaldal ni Jay katulad talaga ito ni Brian at Angela na malakas ang sense of humor dahilan para mawala ang pagkailang ko sa kanila. Sina Lantis at Niccollo naman ay nag-ceasefire muna sa kanilang bangayan at nakisaya sa bonding nilang mag-kakaibigan.


Doon ko rin napag-alaman na tulad ni Alex half-half din pala ang mga kaibigan nito. Lumabas na kasi ang mga tunay nitong kulay nang medyo matamaan na ang mga ito nang alak. Naging madaldal lalo si Jay at naging kakaiba naman ang turingan nina Niccollo at Lantis na nakalimutan na ata ang pinakamamahal nilang pusa.


Mga bandang alas-dyes na ata iyon nang gabi at ako man ay medyo tinamaan na rin ng alak dahil na rin siguro pagod ang katawan ko sa buong araw na iyon isama mo pang hindi ako pinatulog ni Alex dahil sa nangyari sa amin sa nakaraang gabi.


“Kanina pa kayo nagnanakawan ng tingin baka pweding i-share niyo naman sa amin kung ano ang meron sa tinginan niyong iyan?” Biglang wika ni Jay.


“Anong nakawan ng tingin pinagsasabi mo? Lasing kana siguro kaya kung anu-ano na napapansin mo.” Tatawa-tawa namang wika ni Alex.


“Napapansin rin namin iyon ni Niccollo. Di ba?” Wika naman ni Lantis na tinugon naman ni Niccollo nang isang tango at ngisi.


“Kayo nga diyan ang kakaiba ang kinikilos. Di ba hindi kayo dapat nagkakasando sa mga ideya niyo? So, ano ngayon ang drama niyo? Mortal enemy turned to be best couple?” Buska naman ni Alex sa dalawa.


Kita kong bahayang namula si Lantis habang si Niccollo naman ay napayuko marahil ay nahiya. Mukhang may namamagitan ngang kakaiba sa kanilang dalawa.


“Na tumbok mo sila.” Pabulong kong wika kay Alex.


“Mukha nga.” Balik naman nitong bulong na sinamahan pa niya nang nakakalokong ngiti.


“Bawal ang mag-Joint force. Isang napakalaking pandaraya iyan.” Nakangiti namang wika ni Maki nang makita ang bulungan namin ni Alex.


“Naks! Nagsalita naman ang hindi madaya. Eh yung tagay mo kanina pa pending eh. Natunaw nalang ang sampong yelo na linagay ko di mo pa iniinum.” Si Jay.


“Ako na ba? Di mo naman kasi sinabi agad.” Pangaasar naman ni Maki dito. “Maiba ako Alex kelan matatapos ang bakasyon mong ito? Bakasyon nga ba ito o honeymoon?” Malokong wika ni Maki na ikinangisi ko naman. Ayos talaga itong mga kaibigan niya nasasabayan ang sayad ko.


“Eh kung ipakain ko kaya itong lalagyan ng ice sayo nang makita mo ang hinahanap mo.” Asar namang wika ni Alex na ikinatawa naming lahat.


“Relax, relax umuusok na naman iyang ilong mo eh. Seriously hanggang kailan ang bakasyon mo?” Nakataas pang kamay na wika ni Maki.


“Two weeks ang hinihingi kong bakasyon kay sir Red.”



“Aba, two weeks, mukhang mahaba-haba pa pala ang bakasyon mo mabuti kapa. Kami kasi sa makalawa na ang balik namin sa mga trabaho namin kaya dapat lang na sulitin natin ang gabing ito. Di ba mga kalugo?” Sabay Taas nito nang kanyang tagay na sinundan naman namin.


“Atleast di ka malulungkot kahit wala na kami since na sasamahan kanaman ni Dave.” Malokong ngisi ang ibinigay ni Jay sa aming dalawa.


“Hanggang bukas lang si Dave dito may mga obligasyon rin naman siya sa kanila.” May nahimigan akong lungkot sa boses nito kahit pa man nakangiti ito nang sabihin iyon. Ako man ay medyo nakaramdam rin ng lungkot dahil hanggang pista nga lang pala ako sa kanila.


Kung kailan naging maganda na ang samahan namin ni Alex saka naman ang uwi ko pabalik sa magulong mundo ko. Paniguradong hindi na ulit ako mabibigyan ng ganitong pagkakataon na ma-solo si Alex pero, tama naman siya, may mga obligasyon akong naiwan sa mundo ko na kailangan kong tapusin dahil nakaasa ang mga iyon sa akin –ang kompanya at ang mga plano nang mga lintik na Engineer namin na hanggang ngayon kailangan pa nang supervision ko bago ma-aprobahan.






Mag-aala-una na nang madaling araw nang mag-siuwian ang mga kaibigan ni Alex. Matapos mapagusapan ang tungkol sa pag-alis ko ay hindi na nangulit pa ang mga kaibigan nito. Walang ni isa ang nagbigay ng komento nang sabihin ni Alex na mauuna akong bumalik sa kanya bigla kasing binago ni Jay ang paksa nang usapan.


Kahit pa man nakikitawa’t nakikigulo sa kulitan sa mga kaibigan niya si Alex ay hindi ko magawang paniwalaan na masaya siya. Para kasing nagiba ang aura nito na hindi ko maintindihan. Pagdating talaga kay Alex ay nagiging sensitibo ako lalo na kung tungkol sa nararamdaman niya.


“Pweding tabi ulit tayong matulog ngayon?” May himig nang pakikiusap kong sabi habang tinutulungan ko siyang iligpit ang mga plato’t baso na ginamit namin.


Wala na akong pakialam kong anu man ang iisipin niya sa pakiusap kong iyon basta’t ang gusto ko lang sa huling pagkakataon ay makatabi ko siyang matulog para mayakap ko siya ulit bago manlang ako umalis.


Natuwa naman ako nang tumango ito.


Hinintay ko siyang matapos hugasan ang mga natitirang platong naiwan ni nanay Marta at sabay na kaming pumasok sa kanyang kwarto. Pareho kaming tahimik habang mag-katabi sa kanyang kama para kaming nagpapakiramdaman na ewan.


“Alex?” Tawag ko sa kanya nang hindi na ako makatiis sa nakakabinging katahimikang namayani sa amin. “Sabihin mo lang kung ayaw mo pa akong umuwi at hindi ako uuwi.”


“Wala akong karapatang pigilan ka Renzell Dave.”


Sa sinabi niyang iyon ay napayakap ako sa kanya. At sa tulong na rin nang mumunting ilaw ay nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.


“Binibigyan kita nang karapatang pigilan ko.” May bahid ng panunuyo kong wika. “Sabihin mo lang at hindi ako aalis mamaya.”


Umiling ito. “Alam kong kailangan ka na nang kompanya niyo. Sobra-sobra na ang perwisyo ko sa iyo ayaw ko nang dagdagan pa.”


“Pwedi ko namang.…”


Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang siilin ako nito nang halik.


“Mag-kikita pa naman tayo pagbalik ko doon di ba?” Nakangiti na nitong sabi, Wala na akong nagawa basta’t ngumiti na ito hindi ko na magawang mag-protesta pa kaya napatango nalang ako.


Lalo lang tuloy akong nahuhulog sa kanya. Ang pagiging maalaga niya at pagiging maalalahanin niya ay ang mga katangian na hindi ko makita noon sa mga nakarelasyon. Alam kong ayaw pa ako nitong umuwi. Tulad ko ay gusto pa nitong namnamin ang pagkakataong ibinigay sa aming dalawa para mas lalong makilala at mas lalong mahalin ang isa’t isa pero hindi niya pinili ang pangsarili niyang kapakanan. Inuna niya ang mga taong naghihintay sa akin ang mga taong nakadependi sa akin sa mundo ko.


“Hihintayin kita sa pagbalik mo.” Ang nasabi ko nalang kapag kuwan.


“Basta’t siguraduhin mo lang na pagbalik ko hindi na kayabangan ang ibubulaga mo sa akin kung ayaw mong ignorahin ulit kita.” Nakangiti nitong sabi.


“Promise.” Nakangiti ko na ring sabi at muling naghinang ang aming mga labi.


Alam kong hindi pa ngayon ang tamang oras para sabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko. Pero sa pamamagitan ng mga halik ko sa kanya ipinaramdam kong may taong mag-hihintay sa pagbabalik niya na may taong handa siyang mahalin ng totoo sa tamang panahon at sa tamang pagkakataon.










Itutuloy:

39 comments:

Legazpi City said...

Comment ko para sa author...cute mu po kuya..

Anonymous said...

Kakilig naman! Mabuti naman Renzell Dave at inamin mo na sa sarili mo na 'PAG-IBIG' nga yang nararamdaman mong kakaiba para kay Alex.

Salamat sa update!

-Jake of Cebu-

--makki-- said...

hmm.. naamoy ko na may masamang mangyayari sa paghihiwalay nila Dave and Sonja..

awww! sweet chapter!

RJ said...

waaah ganda ng chapter na to :D di ko inasahan yung "binibigyan kita ng karapatang pigilan ako"

sana pagbalik pa lang ni Dave makipaghiwalay na siya kay Sonja.

para sayo Z - http://www.youtube.com/watch?v=C27GRLkk-Gg - isa sa mga paborito kong kanta :)

Anonymous said...

Ayieeee kilig much

KV

Anonymous said...

yey!!...
MU nah cLa!!...
weLL, dats wat i thnk...
hehehe...

the best kah tLga kuya Z...
ur updates reaLLy made my day compLete...
im a LittLe bit sad dhiL mgtatapos nah ang story...
as the saying goes, aLL good things must come to an end...


- edrich

russ said...

naks naman ang sarap ng true love..bukas bukas bukas again author..huh..

-ShalnarK- said...

I love it! Back to reality na ulet! Sana mhaba pa ang kwento n to haha. Ganda ee.

Zildjian said...

R.J: Salamat sa video baka gamitin ko ito sa nalalapit na making love ata (HAHAHA DI SIGURADO) ni Dave at Alex.. WAhihihihi thank you!!!


ShalnarK: As much na gusto ko siyang pahabain ay mawawala lang ako sa plot ko hehehe.. Gusto ko lang talaga siyang gawing simple since na ubusan ata ako nang ideya sa 9 mornings ko :))


Russ: Hahahaha try ko mag-post bukas ng gabi Russ para naman bago ako umalis ng manila ay marami-rami kayong mababasa. :D


Edrich: Naku! Salamat naman sa papuri manong Edrich at salamat sa pagbabasa :D


K.V: Wahihihi kinilig siya oh! :D ma-iinlove na yan! :P


Jake of Cebu: Ang hirap talagang espelingin ni Dave noh? :D pero sana mas ma enjoy nyo pa ang susunod na Chapter. :D

Anonymous said...

ganda kuya..medyo tahimik ang daloy ng kwento ngaun although may kulitan pa din..sobrang sweet at meaningful ng mga lines. :)) keep it up kuya z!!

-->nIx

Anonymous said...

zild ayos :)

next next. :)

-kokey

singledon said...

i loveeeeetttttt it zzzzzzzz. wag mo namang tapusin agad. malulungkot ako. sarap tlaga pag may tao magcare sa iyo.

Anonymous said...

wahhhhhh... shit kinilig ako ..... sarap basahin.... love is in the air.....

makati_boy

Gerald said...

So nice, very light ang plot. Para ka lang naglalakad sa ulap walang mabibigat na problema, walang bumabahang luha. Ang sarap basahin at ang sarap magmahal at minamahal. Nakakawindang sa kilig.

Anonymous said...

so touching talaga ang mga salita ni alex the maldita para kay dave.... naku pano yan dave kapag malaman ni alex the maldita na may karelasyun ka na girl,,, si sonja....abangan ko talaga yan


ramy from qatar

Anonymous said...

bumigay na talaga ang bataan. hahahah

taga_cebu

Anonymous said...

tama nga naman si Renzell Dave, matutu lang tayo i-appreciate ang existence ng mga taong katulad ni Alex at malalaman at ma-rerealize natin na "TAO" din sila na may damdamin. Nilikha sila ng Dios hindi para alipustahin at apak-apakan kundi mas dapat bigyan ng malalim na pang-unawa, pagmamahal at kaukulang respeto. At kahit kailan hindi naging mali ang magmahal ng katulad nila, na sya namang hindi maintindihan at maunawaan ng karamihan. Salamat sa Dios sa chapter na ito, pinagliwanag mo ang kaisipan ng makakabasa nito,

kaya ayaw na ayaw kong iwan mga obra mo kuya zild eh..


Beucharist......

Anonymous said...

Woaaaah!!! Ooooohhhaaaahhhh! Grrrrrrr! What can I say?! Haha. Perfect!!! Ihhhhhhhh para akong nanunuod ng movie habang binabasa ito ahah..


Pat

Anonymous said...

hay ang sweet! sarap nmn ng chapter n to! thanks Z!



drewspc4000

Anonymous said...

haha ang tagal ko naghintay sa chapter na to! Sulit naman.

Zephiel, pls pls pls, si nicollo at lantis ang isunod mo na gawan ng story, interesado ako sa pusa nila. Hahaha! Ang cute eh.

--ANDY

jaecee said...

Kilig ako author now lng ako comment pero lahat ng story mo nabasa ko na... Ito na ata ang kinilig ako kahit simple lng ang mga lines... Keep it up author... Sana makahanap na ako ng partner ko...

Lawfer said...

i hv ths feeling na my problema pgblik sa manila...
anyway, gnda, rmdam sa kwento ung kung anu mang intnatago(o tnatago nga ba?) ng author...knilig aq...:3

ok na ok na sna, seryoso nq...kaso nsamid aq at npahagalpak sa “since of humor”

x.x

Anonymous said...

oo nga cute nun chapter na ito kakakilig nagpapapigil si papa Dave ahihihihi

- ecko

Anonymous said...

Tama kakilig nga talaga lalo na ung part na pagbibigay nang karapatan ayeeeeeee aheheheh

- ecko

Almondz said...

hindi pa sila tsuk tsuk? tntntnt

Zep, may nabasa ako...kaw na magcorrect hehe

Migz said...

ang saya naman ng story.. sana tuloy tuloy na.. kaya lang siyempre, i am sure may "twist"... huwag lang masyado author ha.. a never ending thank you..

Zildjian said...

Almondz: Ano ba yon hehehe typos ko ba yan or grammar lapses na naman? HAHAHA natural na sa akin yan Papa Almondz :D ayiieeee :)) pero salamat yaan mo't i proof read ko siya ulit maya pagnakarefresh na utak ko :)



Migz: Hihihihi... May masamang balak ako kay Renzell Dave wahihihii



Guys salamat sa mga nag-comment di ko muna kayo iisa-isahin kasi naman sabaw pa isip ko hehehe pero thank you nang marami talaga. :D

Zildjian said...

Katanshi: Wahahaha talaga? Since of humor? Pakshet di ko nabasa yan.. wahahahaha sorry naman hahahaha.. aayusin ko na...

Jamespottt said...

Ahaha. Ang ganda!
Naku, siguro sa next chapter na papasok yung nabasa ko sa Pagpapaalam nang mga characters sa after all the the right time. Gulo na naman yun!

your_prince said...

tagal ko to hinintay,hahaha nice! ^,^

ezr0ck said...

wow hah!! caring pala ang malditang yun .. parang akoh lang eh noh .. hehehe anyway pano nah ang GF ni Renzell Dave ..? may magaganap nang away pag-balik ni Alex .. ^^ I'm sure surpresa nah nag-pakita si sonja kay dave ..

Anonymous said...

naihi ako sa sobrang kilig! :))

wastedpup said...

Super Ganda. Anu na kaya mangyayari sa susunod. Kakainggit ang umuusbong na pag iibigan nila. Si Sonja at ung BF ba ni alex ang magiging twist? Naman. Hahaha. Galing mo Z. Keep it up. :)

Anonymous said...

Love it !! love u na Renzell <3

Anonymous said...

Love it !! love u na Renzell <3

foxriver said...

my first time to comment..im so in love with the two hahaha. Ur rite mr. Author dnt make it too long and the plot will suffer. Ur AWESOME!

Anonymous said...

Keep it up Mr. Author. I'm simply carried away everytime new chapter is posted.... Kudos!

Raymund :)

Lawfer said...

lol kala q cnaja m xD

Anonymous said...

ang charot charot na ni dave naun ha!?nakakatuwa kc ok na sila ni alex!^^
lalo na nung finally inamin na niya sa sarili nya na mahal na nya c alex!!!hihihi

-monty

Post a Comment