by: Zephiel
email: zildjianace@gmail.com
Early ko pong ipopost ang Chapter 07 kahit bukas pa dapat
ang posting schedule nito kasi may inuman akong pupuntahan. HAHAHA
Sana ay magustohan niyo ang Chapter na ito inubos talaga ni
Dave ang laman ng 2MB kong utak pero okey na rin maski ako ay napapangiti sa
kalokohang pinag-gagawa ko rito kaya sana kayo din. Wala na muna akong maraming
sasabihin ngayon nagugutom na kasi ako at kailangan ko nang mag-timpla ulit
nang kape kaya hanggang dito nalang muna mga kabagang. Keep the comments coming
guys! Ingat tayo lagi – Zildijan
Makatiboy , Doppelganger Jay , Ezr0ck – Ang tatlong
itlog na walang sawa talagang hinintay ang posting nito kahit heto’t inabot ako
nang alas-dos ng madaling araw. Salamat sa inyo guys sa inyong tatlo dedicated
ang Chapter na ito kaya smile. Hugs and kicks! Hahaha
Danny - Salamat po sa email mo sa akin ngayon ko lamang siya nabasa at via Contact me mo pa siya pinadala kaya hindi ako sure kong binubuksan mo ang email na ibinigay mo doon kaya dito nalang kita pasasalamatan. Masaya ako't na gustohan mo ang mga gawa ko at sana ay magustohan mo pa ang mga susunod kong gagawin. Ingat ka diyan sa Hongkong.
Danny - Salamat po sa email mo sa akin ngayon ko lamang siya nabasa at via Contact me mo pa siya pinadala kaya hindi ako sure kong binubuksan mo ang email na ibinigay mo doon kaya dito nalang kita pasasalamatan. Masaya ako't na gustohan mo ang mga gawa ko at sana ay magustohan mo pa ang mga susunod kong gagawin. Ingat ka diyan sa Hongkong.
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
Matapos ang
palitan namin ng ngiti kanina nang madalitang Alex na iyon Well, hindi na siya maldita dahil ngitian na niya ako kaya pagiisipan
ko ang bagong itatawag ko sa kanya ay may kakaibang damdamin na pilit na
umaalipin sa akin ang kaso ay hindi ko ma-decipher ang damdamin na iyon kaya
isinangtabi ko nalang muna.
Nasa loob parin ako nang bar ngunit iniwan ko na itong abala
sa kanyang ginagawa ayaw ko na rin munang maasar ito sa akin sayang naman ang
ngiting binigay niya kanina kung mapapalitan ulit iyon ng pagkasuklam. Yeah
right suklam na suklam siya sa akin at sa tingin ko para hindi na humaba pa ang
kalbaryo niya sa akin ay pilit nalang niyang intindihin ang sayad ko. Mukha
talagang seryoso sa buhay ang isang yon tulad nalang ng sabi ni Red.
Gayon pa man hindi ko masasabing peki ang ngiting iyon na
sumilay sa kanyang palaging galit na mukha kahit ba dalawang beses ko lang
nasilayan yon matapos kasi naming magpalitan ng ngiti ay focus na ito sa
ginawagawa niyang trabaho at hindi na muli akong tinignan.
Mataman ko lang itong pinagmamasda mula sa aking kinauupuan.
Mukhang ang bar counter na nang naturang bar na iyon ang favorite spot ko dahil
ngayon dito na naman ako nakapwesto kung bakit, isa lang ang sagot diyan, sa
pwesto kong ito malaya kong nababantayan ng tingin si Alex na walang
makakahalata.
Minsan, di ko maiwasang mapangiti sa tuwing makikita ko
itong kinakagat ang dulo nang kanyang gamit na ballpen animoy hirap na hirap
ito sa kanyang ginagawang pag-compute sa lahat ng pumasok na pera sa bar ng
bayaw ko. Napakaganda sa aking paningin ang ganung gesture niya. Cute.
The `hell? San ko
napulot ang salitang iyon? Kelan pa ako na cute-an sa isang katulad kong
lalaki? Sita ng isang bahagi ng isip ko.
Half-half naman yan
kaya pwedi. Katwiran naman ng isa.
“Mukhang tuluyan na ata akong nabaliw.” Ang pabulong kung
wika.
Para namang umabot sa tenga nito ang sinabi kong iyon nang
mapalingon ito sa akin. He may be grumpy to me pero dahil rin doon nakuha nito
ang atensyon ko at mukhang naka adikan ko na ang pagpapapansin rito.
Sinuklian ko nang isang magandang ngiti ang tingin niyang
iyon inaakalang muli kong masisilayan ang magandang ngiti nito ngunit ayun at
bigo ako dahil muli lang nitong itinuon ang kanyang pansin sa ginagawa.
Again, I was been
ignored! Napapalatak kong sabi sa sarili.
“Ang aga naman atang paglalasing yan pinsan.” When I turned
to the person who distracts me I saw Ace greeted me with his evil smile. Tama, evil
smile iyon para sa akin dahil sa tuwing ngingiti ito sa akin ay alam kung may
kabulastugan itong naiisip.
“At anong masamang hangin ang nasinghot mo para lumabas ka
sa hawlang ginawa sayo nang boyfriend mong katulad mo rin ay sira ang ulo?” Oh
yeah! Isa si Ace sa mga taong effective ang pangaasar ko at ang mag-papatotoo
nito ay ang pagkunot ng mukha nito sa akin.
“Hindi ako ikinukulong ni Rome, masama ang mag-paratang nang
tao nakakamatay yon. At bakit ka nag tatanong kong bakit ako nandito? `Natural
na nandito ako kasi bar namin to.” Mataray nitong sabi sabay pukol sa akin ng
nakakamatay na tingin.
Ngising nakakagago lang ang isinagot ko sa kanya sabay tunga
nang hawak kong bote ng beer.
Ibinaling nito kay Alex ang kanyang tingin saka iniwan ako
para lapitan ito. Hindi ko masyadong marinig ang sinabi ni Ace rito nagtaka
nalang ako nang tumingin ito sa akin na nakakunot na naman ang mukha.
Nang makabalik si Ace sa akin ay nakaplastar na sa mukha
nito ang ngiting nakakagago.
“What did you tell him?” Bakas sa boses ko ang panunumbat
alam ko kasing may ginawang hindi paborable sa akin ang pinsan kong ito. Ace
maybe a reserved type but he can be evil depends on situation. Gustong gusto
nito ang makaganti sa pangaasar ko sa kanya at sa boyfriend niyang halatang
dead na dead sa kanya.
Bago ako nito sagutin ay um-order muna ito nang maiinum sa
barista nila. At imbes na sagot ay isang tanong ang ibinigay nito sa akin.
“Why are you so affected?” Nakangising wika nito sa akin.
Bakit nga ba ako affected? Siyempre nagpakahirap akong
paamuhin ang isang iyon tapos ngayon pakiramdam ko galit na naman ito sa akin
dahil may sinabing kagaguhan itong pinsan ko.
“Umayos ka Arl Christopher Earl kung ayaw mong balian ko
nang buto ang boyfriend mo.” May pagkaasar kung wika sa kanya na bago sa akin
dahil ni minsan hindi nito nagawang asarahin ako, laging ito ang naasar sa
akin.
Pinukol ko ito nang masamang tingin.
“Ano ang sinabi mo sa manager niyong iyon?” This is really
not me. Lantaran na akong nagpapakita nang interes sa manager na iyon at ang
masama pa nito ay sa pinsan ko pang may malaking kinikimkim na paghihiganti sa
akin.
Pero bago pa ako nito masagot ay saka naman ang pagdating ng
hinayupak nitong boyfriend. Binati pa ako nito na tinugunan ko lang ng isang
masamang tingin.
“Bakit badtrip si kuya Dave?” Tanong nito sa kanyang asawa slash ‘kuno’.
“Wag mo siyang pansinin. Halika sa labas hubby doon natin
hintayin ang iba may ikukwento ako sayo.” At walang anu-anong iniwan ako nang
dalawang kumag hindi manlang nagpasindak sa akin.
Ngalingaling ibato ko sa mga ito ang hawak kong bote sa
sobrang pagkaasar ayaw na ayaw ko pa naman na nalalamangan ako sa asaran kaya
sinundan ko ang dalawa para itanong kay Ace kung anong kabulasugan ang sinabi nito
kay Alex malakas ang kutob kong may kinalaman ito sa akin.
Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng bar nang makita ko
ang iba pang meyembro nang seventh bar. Napalatak ako nang maalalang sabado
ngayon at ngayon ang araw ng bonding ng mga hudyo.
Nakangising aso na sa akin ang dalawang baliw nang makalapit
ako sa mesa kung saan lagi nilang pinu-pwestohan kung nagiinuman sila.
“What?” Asar kong wika.
“Nothing!” Sabay na wika nang dalawa at sabay ring
humagikhik ang mga ito dahilan para lalo akong maasar. These two is obviously
annoying me at hindi maganda ito dahil ako lang dapat ang magaling sa larong
iyon.
“Magugunaw na ba ang mundo?” Bungad sa amin ni Angela. “And
hello Renzell Dave.”
“Dave.” Walang kabuhay-buhay kong pagtatama sa kanya.
“Himala! Naunang dumating ang dalawang laging late.” Wika
naman ni Tonet.
“Kaya nga ako nagtanong kung magugunaw na ba ang mundo. Dali
kunin niyo ang mga cellphones niyo at sabay sabay nating markahan sa calendaryo
ang himalang ito.”
Lahat kami ay natawa sa kagagahang sinabi ni Angela maliban
kay Ace na pinukol ito nang masamang tingin. Oo nga naman big deal sa lahat ang
nangyaring ito dahil ito ang unang pagkakataon na naunang dumating ang dalawa.
“Na bored lang si Wifey sa bahay natapos na kasi namin ang
linalaro namin sa ps3.” As usual ipinagtangol na naman ni Rome ang aking
demonyitang pinsan.
“Pahiram ako di ko pa nalalaro yon.” Wika naman ni Carlo.
“Ako muna pare, matagal ko nang hinihintay na matapos nila
yon eh.” Sabat naman ni Chad.
“Pockie ninja nalang ang laruin nyo astig pa. Di ba mahal?”
Sabat naman ni Red.
No wonder na naging magkakabarkada ang mga unggoy na ito
pare-parehong mga baliw at mga sira ulo hindi ko tuloy maiwasang isipin kung
ano ang nagustohan ng mga misis at mister ng mga ito at sila pa ang napiling
pakasalan at sa kasamaang palad mukahang nahawa na ang kambal ko sa mga ulupong
na to.
“At bakit ka nandito Renzell Dave?” Pagpansin sa akin ng
kambal ko.
“Bakit? Hindi ba ako welcome rito?”
“Bawal ang may sayad sa negosyo nang mahal ko baka malugi pa
ito.” Hindi ko talaga lubos maisip kong bakit sa mga kaibigan namin si Dorwin
ang binansagang anghel eh mukhang mas wala itong budhi kumpara sa akin.
Aalma pa sana ako nang sumunod sa labas ang isang waiter at
si Alex.
“Sir Red na evaluate ko na po ang lahat paki basa nalang po
nito.” Wika nito sabay abot ng isang folder sa bayaw ko.
“Salamat Alex maasahan ka talaga. Yung hinihiling mo sa akin
kanina sa text mo granted na yon enjoy your two weeks’ vacation.”
“Maraming salamat po sir Red.”
“Ikaw talaga Alex ilang beses ko bang sasabihin sayo na Red
nalang. Hindi naman nagkakalayo ang edad namin sayo.” Ngingiti-ngiti namang
wika nito.
Nakakunot noo ko itong tinginan. Bakit humingi ito nang two weeks’
vacation? Dahil ba sa pagod na ito sa kanyang trabaho at gustong mag-pahinga o
dahil sa pakikipaghiwalay ng boyfriend nitong mukhang paa?
Saan ka pupunta? Ang
gusto ko sanang isatinig kung wala lang sa harap ko ang mga boss nito. Ngayon
pa’t nagsisimula na ako nitong pansinin saka naman ito lalayo. Pero siguro
nararapat lang naman din na mag-pahinga ito hindi biro ang laging pagpupuyat nito
isama mo pa ang kasawian niya kamakailan lang.
“Ehem!” Malakas na tikhim na nagmula kay Rome.
Doon naputol ang pagtitig ko sa taong ngayon ay papasok na
ulit sa bar para tunguhin ang pwesto niya. Nang maibaling ko ang tingin ko sa
mga kasama ko sa lamesa lahat sila sa akin nakatingin na para bang isa akong kriminal.
“Sabi sayo hubby eh.” Wika ni Ace na sinabayan nito nang
nakakalokong ngiti sa akin.
Alam kung hindi makakabuting bigyan ko pa sila nang pansin
dahil sa mga oras na iyon ay asar na asar na ako hindi lang para sa pinsan ko
kung hindi pati na rin kay Alex. Bakit pa kailangan nitong makipagngitian sa akin
gayong lalayasan lang naman pala ako nito?
Teka nga Renzell Dave?
Bakit ka ba apektado sa pagalis niya? Napapailing nalang ako sa kung
anu-anong kalokohang nabubuo sa aking isip.
Kasalukuyang pinapanood ko ang naglalarong mga pamangkin ko
sa garden ng bahay ng lola’t lolo ko. Hindi ko man gustong um-attend sa family
day namin ay wala rin akong nagawa nang puntahan ako mismo ni Dorwin at
kaladkarin palabas ng kwarto ko. Hindi pa kasi napapalis ang kabadtripan ko
mula kagabi sa dalawang kumag na magkasintahan isama mo pang hindi manlang ako
nabigyan ng pagkakataong makausap ulit si Alex dahil sa presenya nang buong
meyembro nang seventh bar.
Naroon ang mga pinsan ko’t mga asawa nila sa isang mesa
abala sa paglalaro ng basaraha habang nagkukwentohan. Wala ako sa mood na
makinig sa mga kalokohan nila kaya pinili ko nalang na humiwalay at mag-kunwaring
may hangover.
“Lintik na buhay to.” Pabulong kong wika. Badtrip na badtrip
talaga ako.
“Anong drama mo?” Napatitig ako sa kambal kong tumabi sa
akin sa duyang gawa sa kahoy na kinapupwestohan ko.
“Drama ka diyan. Ikaw lang naman ang mahilig nun.” Tugon ko
sabay agaw sa hawak nitong baso nang coke adik sa coke ang kambal ko.
“Lokohin mo nalang lahat wag lang ako Renzell Dave.” At
binawi muli nito ang baso nang coke sa akin.
“Bumalik ka na ngalang doon sa asawa mong hilaw.”
Inaasahan ko nang dadapo ang mabibigat nitong kamay sa
bunbunan ko ngunit hindi nang yari ito napatingin tuloy ako sa kanya at doon ko
nakitang mataman pala ako nitong tinitignan. Seryoso ang mukha nito na animoy
pilit binabasa ang nasa utak ko.
“Is it possible?” Wika nito na ipinagtaka ko naman.
“What?”
“Wala.” Ang wika nito sabay tayo. Ang weird talaga nitong
kambal ko, minsan concerned at most of the time halos ilibing na ako nang
buhay.
I know I act strange lately at aware ako doon ang kaso hindi
ko alam ang rason kung bakit. Nangyari lang naman ang lahat ng ito nang
makilala ko ang malditang Alex na iyon. Ako ang tipong hindi basta-basta
nagkaka-interes sa mga bagay na wala naman akong mapapala but for Alex who gave
me this kind of feeling nakakatakot parang hindi ko na tuloy kilala ang sarili
ko.
Minabuti ko nalang umuwi tutal wala rin naman akong mapapala
kung magtagal pa ako itutulog ko nalang itong kabadtripan ko ngayon sa mundo mas
gugwapo pa ako.
“Mauna na ako sa inyo masakit pa talaga ang ulo ko.”
Pagpapaalam ko sa mga pinsan ko.
“Nandito ka pala?” Sarkastikong wika naman ni Ate Claire. “Hindi
ka kasi namin maramdaman ngayon.” Dagdag pa nitong wika.
“Wala ako sa mood makipagasaran sa inyong mga kurimaw kayo.”
Asar kong sabi sabay talikod sa kanila narinig ko pa ang ang iba’t ibang reaksyon
ng mga ito.
“Anong problema nun?”
“Aba! Mataray ang lolo niyo.”
“Si Dave ba talaga yon? Parang hindi eh.”
Iiling-iling nalang ako sa kalokohan ng mga pinsan ko.
Sabagay di ko naman sila masisisi hindi sanay ang mga ito na nagseseryoso ako
mas sanay silang inaasar ko sila.
Nang mapadaan ako sa isang grocery store pauwi nang bahay ay
may nahagip akong pamilyar na tao si Brian iyon at mukhang katatapos lang
mag-grocery ng kumag agad akong tumabi sa kalsada at pasigaw na tinawag ito.
“Uhuy! Kamusta ang buhay-buhay?” Bati nito sa akin ng
makalapit.
“Kasing gulo mo parin. Kelan ka pa natutong mag-grocery?”
“Kanina lang nang magising ako’t mabasa ang iniwang sulat ng
katulong namin na uuwi muna siya sa kanila dahil may sakit ang anak niya.”
“Ano ang feeling?” Pangaasar ko sa kanya.
“Okey lang, marami akong nakitang chikas at nakita ko rin sa
loob ang manager ng bayaw mo. Mukhang papakyawin ata ang buong laman ng pobreng
grocery store.”
Sa sinabi nitong iyon ay agad na napalis ang pagkayamot ko sa
mundo at napalitan ng kakaibang pakiramdam. Para akong battery na biglang na
recharge.
“Si Alex? Nasa loob pa rin ba siya?” Paninigurado ko.
“Oo bakit? Di ba hindi ka intersado sa pangalan niya bakit
mo naalala?”
Imbes na sagutin ang patutsada nito ay mabilisan akong
bumaba nang aking sasakyan.
“I-park mo nga muna ang sasakyan ko nang may silbi ka naman
sa akin.” Wika ko sa kanya at mabilisang tinungo ang loob ng grocery store.
Sumilay ang ngiti sa aking mukha at muling bumilis ang aking
puso habang hinahanap sa mga taong abala sa pamimili ang mukha ni Alex. And
there he is abala sa pamimili nang kung anu-ano at tama nga ang sabi ni Brian
mukhang balak nitong bilhin lahat ng produktong pweding mabili sa loob ng
grocery na iyon sa sobrang dami ng laman ng cart nito.
Dahan-dahan kahit may kaba akong lumapit sa kanya.
“Fancy meeting you here.” Ang bati ko sa kanya.
Halatang nabigla ito nang makita ang nakangiti kong mukha.
“Dave?”
The moment that he uttered my name I know that it will never
sound the same. Teka parang lyrics nang kanta yon ah. Naku! Basta talaga nasa
harap ko ang kumag na to kung anu-ano nalang kabalbalang pumapasok sa kokote
ko.
“Hi.”
“Anong ginagawa mo rito?” Muling nangunot na naman ng maamo
nitong mukha.
“Ayan ka na naman. Bakit ba kapag nakikita mo ako
awtomatikong nagsasalubong ang kilay mo?” May himig ng pagtatampo kong sabi.
I knew it! May crush talaga siya sa akin dahil nakita ko na
namang napataas ang mag-kabilang dulo nang labi nito he’s suppressing a smile
kasi nahihiya siyang ipakita iyon sa akin. Ganun naman talaga ang mga taong may
crush di ba?
Utuin mo ang sarili mo
Renzell Dave! Mukha ngang ikaw pa itong may crush sa half-half na yan eh! Kontra agad ng isang bahagi ng utak ko.
“Balak mo bang bilhin lahat ng laman ng grocery store na
ito?” I know corney pero yon lang ang kinaya nang utak ko sa mga oras na iyon.
Bumakas ang pagtataka nito sa kanyang mukha kaya naman
itinuro ko ang cart nitong punong-puno nang laman and boom! He smiled at me.
Itutuloy:
30 comments:
BITIN!!!! Chapter 8 na ...... hehehhehehehe.... hmmm lumalambot na si alex..... naamoy na ni dorb si dave hehehehehe
natuwa ako sa moments
OH HINDEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!
nakakabitin!!!! andun na eh..konti nalang eh..magkakaron na sila ng magandang conversation eh..biglang "itutuloy"..
GOSH! hahaha..
thanks sa update kuya zeke..bukas ulit..hahaha..
-Jay
hahaha .. tumpak ang isang bahagi ng utak moh Dave .. bwahahaha ... at kiya zek .. grabeh nman 3 nah itlog talaga? pero okey nah at least di bugok .. wahahaha .. hala kinilig akoh dun ah ..
Kilig nmn aq haha
halfhalf! LOL
cheeezzzzzyyyy chapter.. :D
i am so loving this story, wala ka pa ring kupas author.. nakakatawa ding maasar si Dave.. hehehe.. sana magtuloy tuloy na..
oh em eto na!
waaaaaaaaa kilig kilig nanaman.XD
Ikli! Haha ok lang. Next :-)
nagdadalaga na si Dave!!!
Si Alex naman masyado pagirl. Haha!
Wag ka na umattend ng inuman zephiel. Haha! Joke.
--ANDY
BITIN!
Buti na lang mabilis update. Galing. Now lang ako nakapag-comment. Nabasa ko lahat ng nagawa mo na. Pasensya na. hehe...
excited na ko sa next chapter... eto pinaka gusto ko so far. Kilig!
keep doing what you do, you're good at it, no, rather awesome!
gambatte ne!
naku dave malapit na ikaw mabuking ng kambal mo....at lalayasan k ni alex ng 2 weeks.... ha ha ha..ganun din sina ace mukhang alam na nila na nahuhumaling ka kay alex the maldita....at ikaw naman ang aasarin nila...next chapter na po.....wahhhhhh
ramy from qatar
Never failed to put a smile on my face every chaper of your story. Keep it up Zepie.
Single ka... Single ako... Baka pwede tayo? (parang title lang ng kwento ah!)
Miss you Zepie!
Ang bait niyo naman hehehe nag-comment kayo :)) anyway salamat sa mga comments niyo guys. Masaya ako na nagugustohan niyo ang takbo nang storya :)
wow, spell CHEEEZZZY!!! hahaha,
dorwin: is it possble? (na bi din si dave, hahaha, hala ka dave, nahahalata ka na!)
next chap na author, i really like the flow of the story, sobrang keso lang hahah
-john el-
gusto ko ang character ng bida. Magaling Z. The best ka talaga. Nakakatuwa ang bawat kabanata.
Ang daming bago words na binibigay mo..hehehe..
Naeexcite na aq sa susunod na kabanata. Nahuhumaling na si Dave kay half half...hehehe.
next na..
every chapter of your works is really awesome. keep it up Z.
pasensya na kung ngaun lang nkapag comment,ngaun lang kz ako ngka oras. tska nka habol na ako. hahahahahha
God Bless!!!!!!!
kimbelnel here
and boom he smiled at me...naks naman...sweetttt.
Zepie... Mag comment uli ako ha?
Kung tama ang nasa isip ko Zep... I salite you kasi talagang pinag aralan mo mabuti ang story mo pati ang connection ng personality ni Dave kay Dorwin. Hindi ko lang matandaan kung nabasa ko ba or napannod ung ganito personality ng mga twins... Pero bilib talaga ako... Sa story mo proves that if one of the twin is gay there is a high chace that other one will also be gay... Kasi gawa ng genes nila. Hindi lang siguro agad nadevelop sa case ni Dave but soon it will lalo na kung meron magtriggered nun at si Alex na mga yun...
Nice research Zepie.... Hindi ka lang nagbibigay ng magamdamg story you also impart information that others are not aware of.
Keep on writing Zepie....
Signing off...
birds w/ the same feathers are birds...hehe
naaamoy na nila na may malansa sa paligid..
Take note. Kinikilig talaga ako.
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!! Ang kakulitan ni rome at ace eto nah ulit! XD At haha amoy na amoy na si Dave ng barkda! Haha! Humandakang kumag ka, kikiligin ka rin! XD
THANK YOU AGAIN KUYA Z! Bahala nang maging wagas na pasasalamat ko sa inyo, basta Thank you ho sa story mo!!
Nga pala kung kailangan niyo ng editor for the previous stories I'd be glad to help. DUn sa mga typos lang po ha, di rin naman kasi ako magaling rin sa tagalog grammar..hehe..nag-ooffer lang po ng help.hehe..you can reach me thru FB..Nixon John..basta friend na ho tau dun at nakamessage na ho ako sa inyo dati.hehe
-->nIx
-->nIx
parang mas bagay dito yung theme song ng "After All" hehe
iniisip ko kung ano yung issue ni Alex pero di wala kong maisip e
keep it up Z :)
Then boom! Hindi na ako makapaghintay para sa susunod na chapter.
- Tam
bwiset!!!! Kinilig ako ng wagas! hahaha!!
Astig nga yung pockie ninja coz I'm currently playing it! XD
ang ganda kuya!.
boom! and he smiled at me... Naks. Sarap ng feeling nun. Galing naman. :)
hahaha...kilig :)
ayeeee!!ibang level na ito!haha...ganun pala ang sitwasyon ng mga straight pag bumibiGAY na!?hahaha..i love them na just like red and dorwin!^^
-monty
Post a Comment