photo by: truthsofme
Kamusta nman po ang lahat ng mga mambabasa ng blog page na ito? Sana po ay ok naman po kayo.
Ito na po ang chapter 8. Sana po ay magustuhan ninyo.
Pahabol lang, I would like to take this opportunity to thank all the readers na nagkocomment sa kwento maraming salamat dahil sa inyo ginaganahan akong lalong magsulat.
_____
Una po sa lahat ay nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko na nagpush sa akin na sumulat dahil sa totoo po frustrated writer ako pero dahil sa mga friends ko na nagbigay ng insipirasyon at encouragement ay sinubukan ko muling magsulat since gusto ko rin nman.
Next, I would like to thank truthsofme for making the cover photo of my story.
Lastly, I would like to thank in advance all the visitors of this blog page who will read my story.
Thanks.
Disclaimer:
This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.
Comments and any kind of reactions are welcome.
You have the freedom to express your feelings.
READ AT YOUR OWN RISK!
Enjoy reading!
"Jusko di pa man mukang makakalimot ako na may karelasyon ako ha. Oh tukso layuan mo ako." ang tanging naisatinig ko sa aking isipan.
Kasi naman sino ba naman ang hindi matutunganga sa kanya unang una mapapansin mo agad sa kanya ang kanyang mga malamlam na mata na lalo pang gumanda dahil sa makapal nyang kilay, matangos na ilong, at mapupulang labi na parang nag aaya na halikan ito. Hayzzzzz.
"Papunta ka rin ba ng Qeshm?" ang muli nyang tanong sa akin.
"Ah eh, Oo naghihintay na lang din ako ng boarding time." ang aligaga kong sagot.
"Nice at least may kasabay na ako papunta don mag-isa lang din kasi ako. Kung pwede sana sabay na lang tayo. By the way ako nga pala si Christian and you are?" ang paghingi nya ng pahintulot na sumabay sa akin at pagpapakilala na rin.
"Oo naman mag-isa lang din naman ako kaya pwedeng pwede kang sumabay. Im Ron short for Ronald." ang pag sang ayon ko at pagpapakilala ko na rin.
Nagkwentuhan kami ng kung anu-ano ni Christian. Feeling close na rin ako that time. ahahahaha...
At dumating na rin ang boarding time at syempre since magkasabay na nga kami ni Christian ih magkatabi na rin kami sa plane.
Nag mag take off ang plane continue kami sa pag uusap hindi na rin namin namalayan na palanding na rin pala ang plane.
"Sana magkasama tayo sa room." ang untag ni Christian.
"Huh.. ah eh..." ang tanging naisagot ko.
"Sabi ko sana magkasama tayo sa room." ang pag-ulit nito.
"Ah oo. Pwede nman kung irerequest natin." ang sagot ko ng makabalik ako sa real world.
"Sige ako na ang mag rerequest." ang sabi nito sabay bigay ng matamis na ngiti.
Hindi ko malaman kung ano ang mararamdaman ko ng mga sandaling iyon. "Jusko ilayo mo po ako sa tukso." ang bulong ko sa sarili.
Gabi na ng makarating kami ng hotel. Hindi ko inakala na halos isang oras din ang layo ng airport sa hotel. Ang lakas makapagod ng byahe, kasi nman rough road!!! kainis!!!
Agad naman kaming pumila ni Christian sa reception. Sya ang nauna sa akin upang sya na nga raw ang magrequest na magkasama kami sa room. Ibinigay na namin ang passport namin sa hotel staff na nangongolekta at nung tinawag ang pangalan ni Christian
"Sister can we stay in one room together?" ang tanong nya sa reception sabay akbay sa akin.
"What is his name?" ang tanong ng receptionist.
"Ronald Santos." ang sagot ko.
Agad na hinanap ng receptionist ang passport ko at niregister ako sa same room ni Christian.
"Ayan tol magkaroom mate tayo." ang excited nyang wika.
Nang makuha na nmin ang susi ay agad naming tinungo ang room na naka assign sa amin. Matapos maiayos ang gamit namin ay nag-aya na akong kumain.
"Tol kain muna tayo nagutom ako sa byahe at sa pag pila sa reception kanina." ang pag aya ko sa kanya.
"Sige tol nagugutom na rin kasi ako." ang pagsang ayon nito sa akin.
Agad naman naming tinungo ang nag iisang kainan dito. Kanya kanya kaming order.
Simple lang ang maliit na kainan na ito may videoke machine para sa mga Pilipino na mahilig kumanta.
Nang makatapos kaming kumain ay hiniram ni Christian ang songbook at naghanap ng kakantahin nya.
"Aba at may balak ka pang kumanta ha." ang wika ko dito na sinagot lang nya ng ngiti dahil busy sya sa paghahanap ng song.
Walang gaanong kumakanta kaya naman ng makapili sya ng kanta ay agad nyang ibinigay ang number ng kakantahin nya sa operator ng machine.
Aaminin ko ang ganda ng boses nya grabe nakakapang laglag ng panga. Nang matapos yung kanta nya akala ko isa lang ang pinili nya aba humirit pa ng isa.
Jusko bakit ba nman sa dinami dami ng kanta yan pa ang napili, kasi naman one of my favorite songs yan. Hayssss... Ang nakakainis pa dito habang kumakanta titingin pa. Ang awkward ng feeling that time. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya bakit ako napatitig bigla. "Hayss Ron may Labs kang iniwan at babalikan pa sa UAE magtino ka at isa di mo pa alam ang sexual preference nyan baka bigla ka na lang layuan nyan pag nalaman nyang BISEXUAL ka." ang sabi ng isip ko.
Anyways ng matapos syang kumanta ay lumabas na kami at naggala gala muna kahit na wala nman mapupuntahan dahil malayo din ito sa mall.
Ano ba naman tong isla na toh wala man lang malapit na mapupuntahan.
Nasa gitna kami ng pag uusap ni Christian ng biglang nakareceive ako ng message galing kay Lee.
"Mahal kamusta ka na jan? Ok ka lang ba? If you have time tawag ka ngayon para malaman kong OK ka." ang text message na nareceive ko.
"Sino yan?" ang tanong naman ni Christian.
Tila hindi ko alam ang isasagot ko.
"Ahmmm.." ang tila di matuloy tuloy na salita ko.
"Ok lang kung ayaw mong sabihin, besides wala nman akong karapatang tanungin kung sino yan." sabay bigay ng napakagandang ngiti.
Hindi ko malaman kung namula ba ako o namutla ng sandaling yon.
"Tara punta tayo ng payphone may tatawagan lang ako." ang aya ko sa kanya.
"Sige tol ikaw na lang hintayin na lang kita sa room." ang pagtanggi nito.
"Ok sige, kitakits na lang later." ang tangi kong nasabi sa kanya.
Pagdating ko ng phone booth ay konti lang ang tao kaya nman nakakuha agad ako ng pwesto. Agad kong idinial ang number ni Lee.
"Hello Labs." ang wika ko.
"Mahal kamusta ka na jan? Ok ka lang ba? May naging kaibigan ka na ba jan? Kumain ka na ba?" ang sunod-sunod na tanong nito sa akin.
"Ano ka ba Labs isa-isa lang ang tanong di ko alam kung ano ang uunahin kong sagutin ih." ang natatawa kong sagot sa kanya.
"Kasi naman Mahal miss na kita." ang malambing nyang tugon.
"Ayun naman, sa palagay mo ba di kita miss? Syempre miss din kita noh. Wag kang mag-alala sa akin may nakasabay ako dito ka room mate ko nga now kasabay ko ding kumain kanina. Labs OK lang ako dito wag mo akong alalahanin." ang mahaba kong tugon sa kanya.
"Ok sige Mahal. Basta mag-ingat ka lagi at bukas subukan mong mag online kung hindi ako online baka si Jane online yun kausapin mo na lang si Jane tapos tawagan ko na lang sya." ang pagpapaalala nito sa akin.
"Ok po." ang maiksi kong tugon dito.
"O sige na Mahal baka mahal na babayaran mo jan. Ingat po ha. I miss you and I love you." ang malambing nyang wika.
"I miss you and I love you more." ang tugon ko dito at sabay na nga naming binaba ang tawag.
Pagkabayad ko sa counter ay agad akong bumalik ng room upang makapag pahinga na.
_____
Pagdating ko ng room ay wala si Christian (Villa type yung bahay so may limang rooms ito dalawa sa baba at tatlo sa taas, dalawang banyo, isa sa baba at isa sa taas, sa taas na kwarto kami na assign ni Christian). Since hindi ko sya makita napagdesisyunan ko ng maglinis ng katawan upang matulog. Tinungo ko ang banyo sa ngunit may tao kaya nman tinungo ko ang banyo sa baba upang makapaglinis na ng katawan.
Nang matapos ako ay agad akong umakyat upang makapag pahinga na. Pagpasok ko ay naabutan ko na si Christian na nakahiga na. Sya siguro yung tao kanina sa banyo, naka sando lang ito ay boxer shorts hindi sya nag blanket kaya nman makikita mo dito ang kinis ng kanyang kutis.
"Hayzzzz. Oh tukso layuan mo ako. Please lang bumalik ka na lang bukas." ang bulong ko sa sarili.
"Oi tol jan ka na pala." ang wika nito.
"Oo, ikaw pala yung nasa banyo kanina." ang tugon ko.
"Oo tol ako nga. Sana tinawag mo na lang ako para sabay na lang tayong naglinis ng katawan." sabay bigay ng pilyong ngiti.
"Ok ka lang? Ano naman ang iisipin ng mga makakakita kung sabay tayong lalabas ng banyo? At isa pa ano naman ang nasa isip mo at nasabi mo yan?" ang sunod-sunod kong tanong.
Ngunit isang matamis na ngiti lamang ang aking natanggap na sagot mula sa kanya.
Again, hindi ko malaman kung namumula ako o namumutla sa gesture na ginawa ng mokong na toh.
"Ganon ba ka obvious ang kilos ko para magpakita sya ng kakaibang kilos sa akin?" ang bulong ng aking isipan.
"Siga na tol tulog na tayo napagod ako sa byahe ih." ang maiksi kong wika sa kanya.
"Goodnight Ron!" ang untag nito.
"Goodnight tol!" ang sagot ko lang.
Agad ko namang niyakap ang unan upang makatulog na.
"Tol pwede ko bang patayin ang ilaw di kasi ako makatulog ng bukas ang ilaw." ang pagtawag sa akin.
"Sige lang tol kaya ko naman matulog kahit bukas o patay ang ilaw." ang sagot ko dito.
Agad naman nitong pinatay ang ilaw at natulog na kami.
Kalagitnaan ng aking pagtulog.
"Tol, tol...." ang tila may pilit na gumigising sa akin.
Itutuloy....
Agad ko namang niyakap ang unan upang makatulog na.
"Tol pwede ko bang patayin ang ilaw di kasi ako makatulog ng bukas ang ilaw." ang pagtawag sa akin.
"Sige lang tol kaya ko naman matulog kahit bukas o patay ang ilaw." ang sagot ko dito.
Agad naman nitong pinatay ang ilaw at natulog na kami.
Kalagitnaan ng aking pagtulog.
"Tol, tol...." ang tila may pilit na gumigising sa akin.
Itutuloy....
0 comments:
Post a Comment