Story Cover Created by: MakkiPotpot
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com
Blog: ZildjianStories
FB Group: facebook/ZildjianStories
Author's Note:
Narito na naman ako at bitbit ko ang Chapter 12 ko. HAHA Alam kong sobrang delayed ng Chapter na ito guys at humihingi ako ng paumanhin sa inyo. Sadyang maraming karumaldumal na bagay ang mga nagaganap ngayon sa akin kaya di ako makapag-focus. Pero syempre, may magaganda rin naman pero akin na lang muna iyon. HAHAHA
Pasasalamatan ko nga pala ang mga taong nag-iwan at sumuporta sa Chapter 11 ko na sina –
Har, _iamronald, Lawfer, Frostking, --Makki--, Russ, Rascal, Jubert, Caranchou, Xtian, Mark13, Edmond, TheLegazpiCity, Roan, Lexin, Jaycee, youcancallmeJM, Arsteve, Yuan, -J (Doppelganger), Foxriver, Franklin Alviola, Flexible Guys (Pat), JR, akosichristian, and Arc. (Pati na rin po sa ilang Anonymous na hindi nag-iwan ng kahit na anong palatandaan kung sino sila. LOL) – Maraming thank you guys and hope to see you again in this Chapter!
Enjoy Reading y’all and keep the damn comments coming! Chapter 13 will be posted this coming Saturday kaya `wag na kayong magtampo sa akin. HAHA
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Maki Delgado
Hindi magawang i-iwas nii Maki ang kanyang
tingin kay Jay habang mahimbing itong natutulog. Maraming bagay ang tumatakbo
sa kanyang isipan. Isa na doon ay ang katotohanang nagustohan niya ang
presensiya nito buong gabi sa loob ng kanyang silid. Sa katunayan,
napakahimbing ng kanyang naging pagtulog dahil doon.
Batid niyang malaki ang tampo
nito sa ginagawa niyang pagpapasunod dito . Matapos ang kanilang pag-uusap kahapon
nang tanghalian ay sa kanyang kapatid na ito dumikit at nakipagk’wentuhan. Ni
hindi nga nito nagawangtapunan siya ng tingin hanggang sa maghapunan sila. Nang
nasa k’warto naman sila ay wala itong ibang ginawa kung hindi ang kalikutin ang
cellphone nito. Alam niyang ang kanyang kabiral ang ka-text nito pero pinili
niyang hindi ito sitahin dahil batid niyang lalo lamang titindi ang inis nito
sa kanya.
“Bakit ba kasi hindi ka na lang
sa akin nagkagusto. “ Pabulong niyang naisambit.
Maingat niyang ini-ayos ang
kumot nito at mataman itong tinitigan. Walang makakapagsabi na sa likod ng
napaka-amo’t inosente nitong mukha ay naroon at nagkukubli ang pag-uugali
nitong lubos na nagpasakit ng kanyang ulo sa mga taong nagdaan. He can’t help himself but to reminisce the
past. Ang panahon kung saan kailangan pa niya itong kaladkarin para pumasok
lamang ito ng eskwelahan. Ang pag-tutor niya rito na palaging na-uuwi samatindi
niyang pagka-asar. Ang mga kapilyuhan nito at mga gulong pinasukan na siyang
palagi niyang inaayos ng palihim para hindi nito isipin na ayos sa kanya ang
mga ginagawa nito.
Napangiti siya ng mapait sa mga
ala-alang iyon. Those were the days na pareho pa ang kanilang nararamdaman sa
isa’t isa ngunit ngayon, nagbago na ang lahat. At mahirap mang tanggapin ngunit
ang mga pagbabagong nangyayari ay nagmula sa kanya. Because now, hindi na isang
kababata o kaibigan ang tingin niya rito kung hindi ang taong bubuo sa kanyang
pagkatao.
Aaminin niya, hanggang ngayon
ay hindi parin siya sanay sa nararamdaman niya. Naroon pa rin ang mumunting
takot. Ngunit hindi niya kayang baliwalain
siya ng kanyang kababata. Ayaw niyang mabaling sa iba ang atensyon nito. Dahil
noong nangyari iyon, kahit pa man sa loob lamang ng ilang araw, ay talagang
nabulabog ang kanyang sistema.
“Kailangan ko lang palang
makitang may ibang tao kang pinapahalagahan para ma-realize ko kung ano kaba
talaga sa akin. Kung sana noon ko pa ito nalaman, hindi sana kita hinayaan pang
makilala ang Janssen na iyon.”May bahid ng paghihinayang niyang naiwika.
Ang laki ng kanyang sinayang na
pagkakataon. Ngunit masisisi ba niya ang kanyang sarili? At kung nagkataon
ngang nalaman niya agad kong ano ito sa kanya, magagawa niya bang mapanindigan
ito noon?
“No. I don’t think so.” Siya na
mismo ang sumagot sa katanungang nabuo sa kanyang isipan. “Baka nasira pa niyon
ang samahan namin.”
Bahagya itong gumalaw at
nagpalit ng posisyon parahap sa kanya.Agad naman siyang umayos ng pagkakahiga
ngunit dala marahil ng paggalaw niya ay tuluyan itong nagmulat ng mata at
nagsalubong ang kanilang mga tingin.
“Bakit?”May pagka-antok nitong
naitanong.
“A-Anong bakit?”Ang tila
nag-panic niyang tugon.
“Bakit ka nakatingin?”
“Hindi ako nakatingin sa’yo
`no.”May pagka-defensive niyang tugon rito.
Ngumiti ito sa kanya habang
bakas pa rin sa mga mata nito ang pagka-antok. Mukhang ang ala-ala ng
pagka-inis nito sa kanya sa nagdaang araw ay tulog pa rin.
“Ang cute talaga ng Janssen
ko.”
Napakunot-noo siya sa tinuran
nito. Tama ba ang pagkakarinig niya? Tinawag siya nito sa pangalan ng kanyang
karibal?
“Tulog lang muna tayo inaantok
pa ako, eh.” Muli nitong wika kasabay ng pagkayap nito sa kanya. “Mahal na
mahal kita Janssen.”
Tama nga ang pagkakarinig niya!
Tinawag siya nito sa pangalan ng kanyang karibal! Agad na nagpintig ang kanyang
tenga na sinabayan naman ng pag-ahon ng isang napakatinding selos. Hindi para
sa kanya ang magandang ngiting iyon kanina, iyon ay para sa kanyang karibal na
inaakala nitong siyang katabi pa rin nito sa pagtulog.
Maharas niyang ini-alis sa
pagkakayakap ang kamay nito na siya namang dahilan para tuluyan na itong
magising. Dali-dali rin siyang bumangon
mula sa pagkakahiga.
Kita niya ang pagtataka sa mga
mata nito.
“Bumangon kana riyan.Mag-aalas-singko
na.”Malimig niyang wika rito.
“M-Maki?” Ang tila parang
naguluhan pa nitong sabi na siya namang lalong ikina-inis niya.
Imbes na sagutin ito at
ipaliwanag sa nangungulap pa nitong utak ang sitwasyon ay minabuti na lamang
niyang lumabas ng k’warto. Mas mainam iyon dahil baka hindi na niya mapigilan
pa ang sarili at tuluyan ng sumabog sa harap nito.
Aaminin niyang na-insulto siya,
nasaktan sa kaalamang kahit siya ang nasaharap at kasama nito ay wala pa rin sa
kanya ang atensyon nito. Ang magpapatunay niyon ang nangyari kanina lamang.
Ibig sabihin ay kahit sa pagtulog ay ang kinahuhumalingan pa rin nito ang nasa
isip.
Damn it! Hindi niya mapigilang mapamura sa pinaghalong selos at
inis na nararamdaman. Akala niya ay kapag nawala na sa kanyang landas ang
kanyang karibal ay sa kanya na muli mababaling ang atensyon nito pero mukhang
nagkamali siya.
“Sineryoso mo talaga ang
pagsama kay Jay sa bukid nila, ah.” Bati ng kanyang ina sa kanya ng magsalubong
sila sa kusina.
Hindi siya tumugon. Nagti-tense
ang muscle niya sa ibayong selos. Baka kung ano pa ang mapansin nito kung
magsasalita siya. Ang tipo pa naman ng kanyang ina ang klase ng taong madaling
makabasa ng isipan kahit sa pamamagitan lang ng tono ng boses.
“Inihahanda ko na ang almusal
niyo at ang babaunin niyo mamaya. Maligo na muna kayo. Paniguradong pagkatapos
niyo ay nakahanda na rin ako. Teka, gising na ba si Jay?”Muling wika nito.
“Gising na po ako Tita. Good
morning.”Ang biglaang pagsulpot nito mula sa kanyang likuran.
“Aba! Matatawag ko ba itong
himala, Jay?” Nakangiting pagbibiro naman dito ng kanyang ina.“Siya, maghanda
na kayo para ma-aga kayong maka-alis. Maki, doon ka na lang sa k’warto namin ng
papa mo maligo para hindi niyo na kailangang maghintayan.”
Tumango siya sa kanyang ina
saka bumaling kay Jay.
“Bilisan mo ang kilos mo ng
hindi tayo mahuli.Wala akong balak paghintayin ang mga tauhan niyo.” Malamig
niyang wika rito saka siya muling pumanik sa kanyang silid para kumuha ng
tuwalya. Kailangan niya ang malamig na tubig. Baka sakaling makatulong iyong
mabawasan ang pagkairita niya.
“Masama ba ang gising ng isang
`yon?” Ang narinig pa niyang wika ng kanyang ina.
Dumating sila sa bukid na
pagmamay-ari ng mga magulang ni Jay na walang naganap na usapan sa pagitan
nilang dalawa. Ni walang lumabas na kahit na anong pagrereklamo mula sa bibig
nito kahit pa man talagang minadali niya ito kanina. Marahil ay alam nitong
wala siya sa tamang timpla sa araw na iyon.
Talagang tinamaan siya ng
matinding pagkairita dahil sa nangyari. Ngayon lamang siya nakadama ng gano’n
na kahit ang malamig na tubig nang maligo siya kanina ay hindi nakatulong para mapalis
iyon.
“Ang aga niyo naman ho sir Jay,
sir Maki.” Bati sa kanila ni mang Ben. Ang matandang siyang pinagkakatiwalaan
ng kanyang tito Arturo. “Tumawag sa akin si sir Art, at nasabi nga niyang kayo
ang ipinadala niya.”
“Si papa talaga.” Nakasimangot
na wika ni Jay. “Ang hilig niyang gumawa ng desisyon na biglaan at hindi
nagtatanong sa akin.”
Napangiti ang matanda rito.
Alam na alam na nito ang ugali ng kanyang kababata. Simula’t sapol talaga ay
wala itong interes na pamahalaan ang mga negosyo ng mga magulang nito.
“Sir Jay, p’wede naman ho
kayong ditona lamang sa loob ng bahay para hindi kayo mainitan. Tutal narito
naman si sir.Maki.Ipagluluto pa kayo ng manang Elma mo ng masarap na pagkain.”
Ang bahay na tinutukoy nito ay
ang bahay kung saan lumaki ang ama ni Jay kasama ang dalawa pang kapatid nito
na ngayon ay nasa ibang bansa na. Ang ancestral house ng mga Iglesias na siyang
tinutuluyan nila kapag naroon sila sa malawak
na haciendang iyon.
“Hindi po.Sasama po siya sa
atin.”Mariin niyang wika.
“Pero baka kasi ––.”
“Kaya ko po siya isinama rito
para maturuan siya sa mga dapat niyang gagawin sakaling siya na po ang mamamahala
rito Mang Ben.” Pagputol niya sa iba pa nitong sasabihin.
“Ayos lang po Mang
Ben.”Nakangiti namang wika rito ng kanyang kababata.“Hindi po magandang
kinu-kontra si Maki kapag ganitong masama ang gising niya.”May bahid ng
sarkasmo pa nitong dagdag.
“Pasensiyahan niyo na ho ako.”
Hinging paumanhin naman sa kanya ng matanda.
Sa katunayan, ayaw niyang may
ibang taong nadadamay sa tuwing mainit ang kanyang ulo. Sa kanilang
magkakaibigan ay siya ang pinakamagaling mag-control ng sarili. Pero sadyang
hindi niya magawa iyon ngayon. Marahil ay tama nga si Nico, he should learn how
to control his temper dahil baka iyon pa ang makasira sa kanya at sa mga plano
niya.
“Saang banda po ba tayo
magsisimula Mang Ben?.” Ang sa halip ay naitanong niya sa matanda patukoy sa
ilang hektaryang niyogan ng mga Iglesias.
“Doon sa may malapit sa ilog.”
“Gano’n po ba?Kakailanganin ko
nga po pala ang listahan ng mga tauhang kinuha niyo. Iyon po ang bilin sa akin
ni Tito Arturo.”
“May problema ho tayo sa bagay
na iyan. Lumampas sa bilang na inaprobahan ni sir Art ang mga tauhan natin
ngayon.”
“Paano po nangyari iyon?”
“Dahil nagsara ho ang poultrysa
kabilang baryo na siyang pinagkakakitaan ng ilang taga rito.Ngayon, umaasa
silang tatanggapin ni sir Art ang kanilang serbisyo dahil talagang wala na
silang iba pang pinagkakakitaan.”
“Ilan po ba ang nadagdag?”
“Sampong katao ho. Pero hindi
ko pa sila pinagsisimula. Minabuti ko munang hintayin kayo at hayaang kayo ang
magdesisyon.”
Napatango-tango siya. Hindi na
siya ngayon nagtataka kung bakit ito ang pinagkatiwalaan ng kanyang Tito Art sa
ilang hektaryang lupain ng mga ito.
Bumaling siya kay Jay na sa mga
oras na iyon ay panay ang kalikot sa cellphone nito marahil ay umaasang
makakakuha ito ng signal.
Napailing siya. Wala talaga
itong interes kapag tungkol sa negosyo ng magulang nito ang pinag-uusapan.
“Stop it Jay.” Ang tila
tinatamad niyang saway dito.
Agad naman itong sumunod at
muling ibinulsa ang cellphone nito.
“Ano ang masasabi mo sa
problema ni Mang Ben?” Seryoso niyang tanong rito.
“Problema?Anong
problema?”Takang tanong naman nito.
Napabuntong hininga siya.
Sinasabi na nga ba niya’t wala itong ni isang narinig sa pinag-usapan nila ng
katiwala ng mga ito, eh. Nagsayang pa siya ng oras na magtanong.
Bumaling siya sa katiwalang
napapangiti na lamang ng pilit.
“Samahan mo po kami sa mga
taong iyon Mang Ben. Gusto kopo silang maka-usap muna.”
“Sige ho.”
Masasabi niyang napakalawak ng lupain ng mga Iglesias at hanggang ngayon, kahit nakailang punta na siya roon ay hindi niya pa rin mapigilang mapahanga. Hindi rin niya maiwasang mangarap na sana, dumating ang panahon na mabibigyan niya rin ng lupaing pagkakakitaan ng kanyang mga magulang para hindi na kailangan pa ng kanyang ama na magtrabaho sa malayong lugar. Iyon talaga ang kanyang pinag-iipunan kaya naman nag-invest siya sa coffee shop ng kanyang kaibigan.
Noon, may mga pagkakataon na
kina-iinggitan niya si Jay at ang tinatamasa nitong ginhawa. Subalit habang
lumalaon at nakikita niya ang epekto ng pagkakaroon nito ng lahat-lahat ng
walang kahirap-hirap ay nagbago iyon. Hindi niya gusto ang buhay na naka-upo
lamang at walang ginagawa. Mas gusto niya iyong kahit kaunti lang ay
nakakatulong siya sa kanyang mga magulang.
“Naroon ho sila.” Kapagkuwan ay
wika ni Manong Ben habang itinuturo sa kanila ang kumpol ng mga taong nasa
isang pinasadyang silungan.
Lumapit sila sa mga ito.
“Magandang umaga ho.” Bati sa
kanila ng mga ito.
“Kilala niyo naman siguro ang
nag-iisang anak ni sir Art, si sir Jay.Kasama niya ang kanyang kaibigan para
siyang mamahala sa magaganap na pagha-harvest ngayon, si sir Maki.”
“Actually, kaming dalawa ni Jay
ang mamahala hindi lamang ako.” Pagtatama niya kay Mang Ben.“Balita ko, ay
nagsara ang pinagta-trabahuan niyo kaya kayo nandito ngayon.”
“Oho sir.Umaasa ho kami na sana
ay tanggapin niyo ang serbisyo namin. Wala na ho talaga kaming ibang mapagkakakitaan
at halos hindi na namin napapakain ng tama ang mga pamilya namin.” Ani ng isa
na sa tantiya niya ay tatlong taon ang tanda sa kanya.
“Kahit po hindi na kapareho ng
sahod sa mga nauna sa amin ay ayos lang po sir. Ang importante lang naman ay
may maiuwi kami sa mga pamilya namin.” Sabat naman ng isa.
“Hindi magiging patas iyon.”
Ang hindi niya inaasahang pagsali sa usapan ni Jay. “Kung kukunin natin sila ay
nararapat lamang na pantay ang magiging bayad nila. Pare-pareho rin lang din
naman ang magiging trabaho nila hindi ba?”
“Hindi tayo basta
makakapagdesisyon sa bagay na iyan.Hindi sila kasama sa inaprobahan ng papa mo.
Ibig sabihin, walang budget para sa kanila.”Ani naman niya rito.
Bumaling ito kay Mang Ben.
“Sa tingin niyo po ba ay makakasama
sa atin ang magdagdag ng tao Mang Ben?”
“Hindi ho. Sa katunayan ay
malaki ang maitutulong niyon para lalong mapadali ang lahat.”Tugon naman dito
ng matanda.
“So, ibig sabihin, walang pong magiging
problema kung tatanggapin natin sila?” Ang tila naninigurado nitong tanong sa
matanda.
“Ah… Eh..Hindi po kasi ito
naaprobuhan ng ama niyo.”Sa hitsura ni Mang Ben ay masasabi niyang gusto nitong
matulungan ang mga kabaryo nito. Kaya lamang ay ayaw nitong magdesisyon ng
walang pahintulot sa amo nito.
“`Yon lang po ba ang problema?”
Muling pang-uusisa ni Jay dito.
Tumango dito ang matanda bilang
pagtugon.
“Kung gano’n po, ako na po
mismo ang mag-a-aproba sa kanila.”
“Jay?” Ang hindi niya
makapaniwalang nasambit. “Hindi mo p’wedeng basta na lamang silang paasahin.
Paano kung hindi pala sangayon ang papa mo patungkol sa bagay na ito? Wala
silang sasahurin pag nagkataon.”Protesta niya.
Hindi naman yata tama na
basta-basta na lamang ito magdedesisyon.Ano ba ang tingin nito? Laro lang ang
lahat? Papagtrabahuin nito ang sampong katao na walang kasiguraduhan kung
mababayaran ba ang mga ito.
Bumaling ito sa kanya.
“Hindi ba’t ikaw na rin ang
nagsabi, pinadala tayo ni papa rito para tayo ang mamahala ng lahat.Ibig sabihin, pati ang mga
ganitong problema ay tayo ang magdedesisyon. Besides, hindi makakasama ang
gagawin natin. Nakatulong na nga tayo ng sampong tao na wala ng ibang
napagkakakitaan, mapapabilis pa ang pag-aani natin.”
May punto ito at hindi niya
inaasahan na kahit papaano ay may simpatya pala ito sa mga taong kapos. Mas
nasanay o mas tamang sabihing mas na-expose siya sa pag-uugali nitong tanging
ang sariling kailangan at gusto lamang nito ang mahalaga. At marunong rin pala
itong magdesisyon.
“What assurance can you give to
them na may makukuha sila sa pagta-trabaho nila? They can’t just rely into your
words. Baka sa huli, gulo ang kalabasan nito Jay.” Gusto niyang makasigurado
dahil siya man ay nais ring makatulong sa mga ito.
“You can have my bank account.
Kapag hindi sila binayaran ni papa, doon mo kunin ang ipambabayad natin sa
kanila.”
Hindi niya alam pero sa isang
iglap ay nawala ang pagkainis niyang nararamdaman dito. Bagkus ay napalitan ito
ng ibayong tuwa. Kung dahil ba iyon sa pagkabilib niya sa pinakitang paninindigan
sa desisyon nito ay hindi niya alam.
Bumaling siya kay Mang Ben na
nakangiti. Ang kauna-unahang ngiti niya sa araw na iyon.
“Isama nyo po silang sampo sa
listahang ibibigay nyo po sa akin Mang Ben.”Wika niya rito saka niya binalingan
ang mga ito.“P’wede na kayong magsimula. Mas maaga ay mas maganda para makarami
tayo ngayong araw.”
Nang marinig iyon ng sampo ay
ibayong pasasalamat ang ginawa ng mga ito sa kanya lalo na sa kanyang kababata
na napapakamot na lamang sa ulo habang nakangiti. Kita niya sa mga matanito ang
ibayong tuwa sa naibigay nitong tulong. Siya man, sa kaibuturan ng kanyang puso
ay naroon ang sayang walang pagsisidlan sa ipinamalas nito.
Naging mabilis ang oras nila sa
bukid. Lahat ay naging abala sa kanya-kanyang trabaho. At himalang walang
pagrereklamo siyang nakuha mula sa kababata. Bagkus, nagawa pa nitong
makipagbiruan sa mga tauhan nito. Pagsapit ng tanghalian ay dinala ng anak ni
Mang Ben ang kanilang pagkain kasama na roon ang ipinaghanda sa kanila ng
kanyang ina. Iyon ang pinagsaluhan nilang tatlo.
“Hindi ko alam na may natitira
pa palang katinuan sa utak mo.” Pagbasag niya ng katahimikang namagitan sa
kanila nang iwan sila ni Mang Ben para kumuha ng malamig na tubig.
“At hindi ko rin alam na kapag
badtrip ka pati matanda ay pinapatulan mo.” Tugon naman nito sa kanya.
“Wala akong ma-alala may
pinatulan akong matanda ngayong araw.” Maang-maangan naman niyang tugon.
“Sa susunod, kung ayaw mo lang
na niyayakap kita, huwag ka na lang makipagtabi sa aking matulog.”
Nangunot ang kanyang noo rito.
“Ano ang pinagsasabi mo?”
Takang tanong niya.
“Hindi ba’t iyon naman ang
dahilan kung bakit kanina pa umuusok iyang ilong mo? Dahil aksidente kitang
niyakap kanina.”
Ano raw? Iniisip nito na kaya
masama ang mood niya ay dahil sa pagyakap nito sa kanya? Saang libro naman nito
nakuha ang gano’ng kahibangan?
“Kung iniisip mong
pinagsasamantalahan kita, p’wes nagkakamali ka. Malikot lang talaga akong
matulog `no!” Pagpapatuloy pa nito.
“Wala akong gano’ng iniisip!”
Depensa niya sa kanyang sarili. “Tsaka, saan mo nakuha ang ganyang paniniwala?”
“Oh bakit, iyon naman talaga
ang totoo diba? Noon pa man, kaya ayaw mong makipagtabi sa akin dahil takot
kang gapangin kita.”
“At saan mo naman nakuha ang
mga ganyang paniniwala? Ayaw ko lang na hindi ka maging kumportable sa pagtulog
mo kaya binibigay ko sa’yo ang k`warto ko.” Nagsisimula na rin siyang mapikon
dahil sa mga pamamaratang nito sa kanya.
“Mukha mo! May pakumportable-kumportable
kapang nalalaman. Halata namang wala kang tiwala sa akin, eh. Kaya nga ayaw na
ayaw mong doon ako tumuloy sa bahay-tamabayan natin kasama si Janssen dahil
inaakala mong gagapangin ko siya.”
Napuruhan siya kasi iyon naman
talaga ang inisip niya. Pero masisisi ba siya nito. Eh, halos ito ang
pinaka-polluted ang utak sa kanilang magkakaibigan.
“Kita mo. Hindi ka
nakapagsalita kasi totoo.” May panunumbat nitong muling wika. “Wala kang tiwala
sa akin. Iniisip mo na kapag binigyan mo ako ng pagkakataong madikit sa’yo, eh,
pagsasamantalahan na kita.”
“Hindi totoo yan.” Mahina pero
mariin niyang tugon.
“Kaibigan kita Maki, wala pa
sina Lantis ay magkaibigan na tayo. Sa tingin mo ba magagawa kong gapangin ang
kabababata ko?”
“Sabi ng hindi totoo `yan! Ano
ba?!” Hindi na niya napigilan ang sarili. “Gusto mo ba talagang malaman kung
bakit mainit ang ulo ko kanina, ha? Dahil nagseselos ako! Nagseselos ako sa
Janssen na `yon dahil kahit ako na ang katabi mo, siya pa rin ang tumatakbo
diyan sa lintik na isipan mo!”
Itutuloy:
43 comments:
umpisa na ang paglalambing ni MAKI hahaha
lagot! umamin sya ng d sinasadya. haizt maki, d kna nag iisip ng tama. pag selos tlaga ang umiral, nawawala na sa wisyo ang taong involved
oh geez, umain na siya ahaha yes! anyway I love the song Clap clap as much as i love this chapter :]
"i won't this little things slip out on my mouth... but if its you it's true they add up to.... im in love with you...." ayun oh! go maki-maki! ang tanong?
naku naku si jay-jay oh! halatang sinadya ang Janssen oh! hahahahahaah ang saya talaga! Huli ka maki-maki!
kanya-kanyang karumalduhan ang gingawa nilang dalawa! nakakatuwa! nag pu-pulis-pulisan ang dalawa! naghuhuli sa isa't isa oh! naks!
nice one poy!
Ow May Gad! Hahahaha! Naku Jay ha! Feeling ko nga rin sinadya nyang banggitin ang pangalan ni Jansenn! Grabe oh! Bulilyaso ba ang Plano mo maki-maki?! Tsk! Hahaha! This is very exciting! Zek naman! Gawin mo nang friday ang posting ng Chapter 13 as in bukas na hahaha! Demanding ako ah! Hehe... Sorry! This made my day ! Matagal ko tong hinintay! Excited na ako sa magiging reaksyon ni jay! Grrrrr I want more hahaha... Thankz Zek!
Pat
Tagasubaybay
BOOOOOOOOOOOOOOMMMMMMMMMMMM!!!!! umamin na s maki kay jay!! whahahaahah anu kaya reaction ni jay..hmm mawindang kaya xa???? nxt chap na kua z
Al Fredo
ibng bng sbhn nun snusubukan ni jay c maki?
sana humaba kc parang ang ikli ng chapter na itetch...anyways cant w8,next chap na pls..gL mr author
di ko napigilan mapamura dun sa last part... ayan na, nagkalabasan na!.. ayyiieee
ano na mangyayari? waaahhhh! next chapter na sir.. puuhhllleeaaassseee hahahaha excited e
nice one again sir..the best
Dev Nic
Eh di umamin ka rin Maki!
Ang ganda ng revelations this chapter. I wonder if they will out-devil each other in the subsequent chapters.
- Edmond
BITIN...anu ba yan grabe naman mambitin ang mama..kung kelan ok na..nice one puy..keep it up
_iamronald
"Sabi ng hindi totoo 'yan! Ano ba?! Gusto mo ba talagang malaman kung bakit mainit ang ulo ko kanina, ha? Dahil nagseselos ako! Nagseselos ako sa Janssen na 'yon dahil kahit ako na ang katabi mo, siya pa rin ang tumatakbo diyan sa lintik na isip mo!"
Echos. hahaha.
good job kuya zeke.. :)
-J
Hahaha sa wakas umamin narin si maki maki..hahaha kinilig ako dun..
Ganun ba talaga yun? Pag sa harap ng taong mahal mo nawawala ka sa tamang wisyo?
I love this part!!!
:))
Boom! Di na tlga siya nkapag pigil. :)
boom!!!!! Ayun sa wakas inamin na din maki yahoooooo!!!!!
hala...sumabog na! Tsk tsk! Talagang di na nakapagpigil! Di na pwedeng bawiin..nasabi na! Haha..
-caranchou
oh eh di kasing-bagsik ng atomic bomb ang nalaman mo ngayon Jay..
hahahaha...
waahh.. i like it when Maki is pikon.. hehe
God bless.. -- Roan ^^,
akala ko inamin ibinulong lang pala sa srili.....heheheeheheheheee
napa..AAAYYYYYYYYY!!na lang aq..sa pag-amin ni Maki..!!hehe
kilig...:)
^more kilig moments ah sa next chapter....hehehe
nice chapter....ito na ang simula tlga ni Maki-maki...:)
_Niccolo^25_(sana nmn author natatandaan mo na aq..hehe)
Yun na d na maawat ... nxt na weeeeeeeee
O MY GOOD AMALAYER hahaha...
Ano bang problema mo ate! May pinagaralan akong tao! Hahaha! Amalayer! ;)
jajajaj.. ang kuuuLeeeeettt :> jejej.. nyc 1 maki bOy :p naduLas kRin.. can't w8 sa magiging reakSon ni jay.. :) cguRado.. sabOg un! :
humaygad!!! ganda talaga... nxt chap na,
wouh ..... ai oh pasabog
waapaaak! ayos ang banat ni maki maki!
akala ko matatapos ang 1 week ng wala syang nagagawang move eh..
nice chapter.. ^_^
Oh god! heto na ba????? :D
-nawala ang pagod kong nagduty sa ER sa nabasa kong ito! thumbs up sir Z!!!!!! cant wait for your next post
Trending n talaga ito, BITIN NAMAN
yuan
ang ganda next chapter na po :)
ayy umamin na c maki the pogi!!! yahoo!!!
hala ayan na si MAKI.. go go go go..
-rhaj
wahhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!
baliw na sa kakiligan...next next na...hehehe
Oh my. Nakakaloka itong part na to ah. Haha
am fallen for you, finaly my heart gve in.. Ejeje! Bawat sentence ninanamnam ko talagang bsahin. Ahaha. Clap clap clap.
Marky
at hayun ka ma ki maki..nadulas ka tuloy..hehehehhehe.. tnx Z
hello zild!
For the past month wala akong ginawa kundi ang magbasa sa mga storya na ginawa mo para makahabol at makapagcomment, so ito magcocomment na ako...
Congrats sa lahat ng stories mo, bukod sa mga kilig moments, may aral kang napupulot. Galing din ng pagkakasulat. iba iba ang istilo. Keep up the good work Zild at sana tuloy tuloy na ang paglalabas mo ng mga chapters para mas masaya!hehe
-Lance
BITIN!!!!!! ayan na nagka-aminan na.
sana mapost na yung comment ko.
nasaan na ang next installment? Kainip mag hintay ha.
yehey!!!sasablay ang plano ni maki!haha...siya pa ang mahuhulog ke jay. Ke jay na walang kamalay-malay...
huli ka na maki!^^
-monty
paktay yan na nga naiicip kapag talaga galit ang tao nawawala sa tamang wisyo. I hope this will not ruin maki's plan mukhang mahihirapan na makabawi si maki.
can't wait for the next chapter zild....
have a great day and keep on writing.
Pag-ibig nga naman! -arc
Post a Comment