Story Cover Created by: MakkiPotpot
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com
Blog: ZildjianStories
FB Group: facebook/ZildjianStories
Author's Note:
Salamat naman at kahit papaano ay nagawa kong tapusin ang Chapter 10. Sa mga taong humihiling na pahirapan ko pa si Maki, `wag kayong mag-alala at talagang mahihirapan si Maki sa k’wentong ito. Pero syempre, dahil light approach ang k’wentong ito, imbes na ma-inis kayo ay baka matawa pa kayo. HAHAHA
Tapos syempre! Heto na naman ako at sa mga taong pasasalamatan ko dahil sa pagbibigay nila ng comment sa chapter 09 ko.
YoucancallmeJM, Jaycee Mejica, Ron, --Makki--, TheLegazpiCity, Har, Frostking, Shin21me, Coffee Prince, Flexible Guys (Pat), -Rom-, Edmond, -J, AkosiChristian, Arvie Rufo, Robert_Mendoza94, Lawfer (Katanashi), Foxriver, PaulFabian (Na miss kita! Welcome Back), Dev Nic, Arc, Lexin, Yuan, Nino (Welcome Aboard), Franklin Alviola, Rascal, Niccolo_25 (Welcome back! Na Miss din kita!), Russ (Ever Supportive), and of course Andy at sa isang Anonymous na di nagpakilala. – Maraming thank you guys sa pagbibigay niyo ng panahong mag-comment. It really means a lot to me you know. HAHAHA
Enjoy Reading Y’all and Keep The Damn Comments Coming! Mas maraming comments, mas ginaganahan akong magpatuloy. :D Hanggang sa susunod na Chapter!
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Hindi pa rin maitago ni Maki ang tuwa kahit nakauwi na siya sa bahay nila. Pinawi niyon ang kaninang pagkainis na naramdaman niya nang makita ang mga itong magkasama. Maski ang kanyang kapatid na nahawaan na sa pagiging maligalig ng kanyang kababata na ngayon ay minamahal na niya ay napansin ang kanyang kakaibang sigla.
“Mukhang may ginawa kang karumaldumal kuya, ah.” Pagpansin nito sa kanya nang magsalubong sila nito sa sala.
“Ikaw lang ang mahilig sa mga gano’ng gawain, Ely.” Tugon naman niya rito ngunit hindi pa rin mapalis ang ngiti sa kanyang mukha. “Asan nga pala si Mama?”
Tinaasan siya nito ng kilay na sinabayan pa nito ng pamemewang. Lalo lang tuloy itong nagmukhang isang ganap na tsismosa na palagi niyang nakikita sa palengke.
“Hindi ako naniniwala kuya. Nagiging ganyan lang ang ngiti mo kung meron kang ginagawang kapilyuhan at karumaldumal. Tulad na lang noong paiyakin mo ang kaklase kong may crush sa ’yo at gawin mong katulong si kuya Jay sa coffee shop nina kuya Nico. And speaking of coffee shop, p’wede ko na bang ipagyabang sa mga kaklase ko na isang stockholder na rin ng Kero’s Café ang kuya ko?” Mahaba na halos hindi na humihingang wika nito ni hindi nito binigyan ng pansin ang kanyang katanungan. Pambihira, tuluyan na nga itong nahawa sa mga kaibigan nito at sa kababata niya.
“Wala akong naaalala sa mga pinagsasabi mo.” Kaila niya. “’Tsaka, `wag kang magkakamaling gamitin ang pangalan ko sa coffee shop. Hindi porke’t isa na ako sa may-ari ay obligado akong ilibre ang mga kaibigan mong ang tingin sa kape ay softdrink. "Asan si mama?”
Napalabi ito at napasimangot. Mukhang tama nga ang sapantaha niyang balak nitong gamitin siya para makalibre doon. Isa rin kasing ligaw na langaw sa coffee shop ng kanyang mga kaibigan na ngayon ay masasabi niyang coffee shop niya na rin ang kanyang kapatid.
“Nasa palengke.” Ang nagtataray na wika nito.
Nginisihan niya ito para lalong inisin.
“Bagay sa ’yo ang hitsura mo ngayon. You look terribly great. Tuloy mo lang `yan, Ely. Baka sakaling may magkamali na sa ’yong manligaw.”
Lalo itong napasimangot.
“Napakasama mo! Hindi ang hitsura ko ang problema, kung hindi ikaw! Kung hindi mo pinagbabantaan ng kung anu-ano ang mga dumadalaw sa akin dito sa bahay, matagal na sana akong masaya sa piling nila! I hate you!” Bakas ang pagkapikong bulalas nito.
“You shouldn’t hate me. Ako ang nagbibigay ng mga luho mo baka nakakalimutan mo, Ely. At huwag mong isisi sa akin ang karuwagan ng mga manliligaw mo. Besides, if they’re really that serious in courting you, kahit sampong ako ay hindi sila agad magpapagulat.”
“Ewan ko sa ’yo! Kaya ka ipinagpalit ni kuya Jay kay kuya Janssen dahil masama kang tao. Tingnan mo si kuya Janssen, g’wapo na nga, mabait pa at napaka-sweet. Ikaw, g`wapo ka nga, though I really don’t agree with it pero ang ugali mo naman tinalo pa ang demonyo.”
Aba’t loko `tong kapatid niyang `to, ah! Tama bang ikumpara siya sa demonyo. At ano raw? Kaya siya hindi magustuhan ni Jay ay dahil sa ugali niya? Ano ba ang mali sa ugali niya? Mali ba ang manindigan sa kung ano ang tama?
“Huwag mo akong sisimulan, Ely.” Ang biglang niyang pagseryoso. Wala siya ni isang nagustuhan sa mga sinabi nito. Bagkus, pinainit muli niyon ang kanyang ulo sa nakikita niyang pagpanig nito sa kanyang karibal.
“ Totoo naman, ah!” Ang hindi naman patinag nitong sabi.
“Gano’n? Sige, simula ngayon, doon ka na sa Janssen na iyon manghingi ng pera pangtustos sa mga galaan niyo ng mga kaibigan mo at doon ka na rin sa kanya humingi ng pambili mo ng mga damit at kung anu-ano pa. Simula ngayon, wala ka nang aasahan sa akin.” Walang bahid niya ng pagbibirong wika dahil hindi talaga siya nagbibiro sa mga oras na iyon.
“Ay hala si kuya hindi na mabiro. Ikaw talaga, napakasensitive mo. S’yempre ikaw lang ang nag-iisang g’wapo at mabait sa paningin ko, `no. Ni hindi nga nangalahati sa ’yo ang Janssen na iyon, eh.” Biglang bawi nito na sinamahan pa nito ng pag-angkla sa kanyang braso.
Pinangunutan niya ito ng noo.
“Promise!” Muling wika nito sabay muwestra na animo’y nanunumpa. “Shit! Ang g’wapo talaga ng kuya ko. Kaya marami sa mga kaklase ko ang nahuhumaling sa ’yo, eh. Ang totoo nga niyan, naiinggit na sa ’yo ang mga boys namin kasi ikaw lang palagi ang ibinibida ng mga girls, eh. Ang hot mo raw kahit hindi mo sila pinapansin. Hmmm!! Ang bango-bango mo kuya. Ito ba ang pabangong binigay sa ’yo ni kuya Jay?” Pambobola pa nito sa kanya saka lalo pang yumakap sa kanyang braso. Ganito ito kapag may nagagawang kasalanan. Idinadaan siya nito sa pambobola at paglalambing.
Inalis niya ito mula sa pagkaka-angkla sa kanya.
“Sa susunod na mas panigan mo ang Janssen na iyon, asahan mong hindi ka lang mawawalan ng sustento galing sa akin, itatanggi pa kitang kapatid ko.” May pagbabanta niyang sabi.
“Uy… Si kuya affected. Ibig sabihin ay nagseselos ka kay kuya Janssen?” Muling panunukso nito. Pambihira talaga itong kapatid niya. Basta’t may makita itong kakaiba sa kanya ay hindi talaga nito palalampasin. “Kung gano’n kuya inaamin mo na bang may pagtingin ka talaga kay kuya Jay?”
“At ano naman sa ’yo kung meron?” Pabalang niyang tugon rito. May plano siya kung bakit hindi niya itinanggi sa kanyang kapatid ang katotohanan. Balak niyang gamitin ang pagiging madaldal nito sa kanyang mga plano. Kung papaano, siya na ang nakakaalam niyon. Doon naman siya magaling, eh; ang gamiting advantage sa kanya ang lahat. Kaya nga siya binansagang great manipulator.
“Oh my God!” Eksaheradang napatakip ito ng bibig. “Sanasabi ko na nga ba! Hindi nga ako nagkamali ng pag-assess sa behavior mo kay kuya Jay.” Ang halatang tuwang-tuwa pa nitong dagdag.
Napatakip siya ng tenga nang magpakawala ito ng matinis na tili.
“Ang sakit sa tenga!” Reklamo niya. “Pero Ely, make sure na hindi muna ito malalaman ni mama at ni papa. Hayaan mong ako ang magsabi sa kanila.” Ang dagdag pa niya.
“Bakit naman? Hindi mo ba alam na nanghihinayang si mama nang malaman niyang may jowa na si kuya Jay at hindi ikaw iyon.”
Napakunot-noo siya. Ano raw? Nanghihinayang ang kanyang ina na ibang tao ang nakakuha sa kanyang kababata? Iyon ba ang nabakasan niyang panghihinayang nito kaninang umaga nang magkausap sila?
“What do you mean?” Gusto niyang makasigurado. Pero umaasa siyang `yon nga iyon dahil kung magkataong ayos na pala sa kanyang ina ang lahat, mapapadali ang kanyang mga plano.
Ngumiti ng ubod ng tamis ang kanyang kapatid sa kanya. Isang senayales na maganda at paborable sa kanya ang maririnig dito.
“Actually kuya, pareho kami ni mama na may hinala sa ‘yo. Kung pagbabasehan kasi sa circle of friends mo, hindi nalalayong matulad ka sa kanila na alam mo na, iyong piniling magmahal ng hindi normal sa mata ng lipunan. Nakadagdag pa sa paghihinala namin ang closeness niyo ni kuya Jay at kung papaano ka maging over protective kay kuya Jay. Believe me kuya, kung para sa ’yo ay isang normal na gesture lang ng isang kaibigan ang pinaggagawa mo, p’wes sa mata ng ibang tao you look like a control freak boyfriend to kuya Jay.”
“And?” Sa dinami-rami ng mga pinagsasabi nito, wala ni isa roon ang gusto niyang marinig.
“Anong and?” Takang-tanong naman nito.
“Ano ang reaksyon ni mama? I mean, how did she accept those thoughts?” Yamot niyang wika.
“Well, sa umpisa s’yempre nalungkot si mama kasi wala na raw siyang aasahang apo sa ’yo. But somehow she managed to accept it. Lalo na nang makita niya kung papaano ka nagfre-freak-out tuwing may ginagawa si kuya Jay na kakokohan. Ikinatuwa niya ang pagiging over protective mo kaya hayon, natanggap na lang niya.”
Sa totoo lang, imbes na maliwanagan siya ay lalo pa siyang naguluhan dahil sa pinagsasabi ng kanyang magaling na kapatid. Pero wala na siyang balak pang usisain pa ito. Sapat na sa kanya ang kaalamang hindi magiging problema sa kanyang ina ang nararamdaman niya sa kababata.
“That’s better then.” Kapagkuwan ay wika niya. “Mas kokonte ang mga aalalahanin ko.”
Hindi muna siya magdidiwang. Nagsisimula pa lamang ang lahat at hindi pa niya gaanong saklaw ang kalalabasan ng kanyang mga binabalak. Saka na siya magdidiwang ng husto kung mapagtagumpayan na niya ang lahat.
Humakbang na siya patungo sa hagdanan. Parang lalo siyang nakadama ng antok at pagod nang mabawasan ang kanyang alalahanin. Hindi kasi siya gaanong nakatulog sa nagdaang gabi dala ng matinding pag-iisip sa kanyang mga gagawin.
“Biglang walkout?” Sita ng kanyang kapatid sa kanya. “Mamaya ka na umakyat kuya. K’wentuhan mo muna ako kung papaano mo na-realize na gusto mo na pala si kuya Jay. Ang daya mo naman!”
Liningon niya ito.
“Pagod ako, Ely. At wala akong sasabihin pa sa ’yo. Pakisabi nga pala kay mama na hindi na ako magdi-dinner. Ipagtabi na lang niya kamo ako ng pagkain para bukas paggising ko, may makakain ako.” Babawi siya ng tulog. Dahil nagtagumpay naman ang una niyang plano, isama mo pa ang napakagandang balita mula sa kapatid ay nasisiguro niyang makakatulog siya ngayon ng mahimbing.
“Hmpff! Ang daya!” Nakasimangot nitong sabi.
“Good night sis.” Iyon lang at tuluyan na siyang pumanhik.
Kinabukasan, nasa kalagitnaan si Maki ng isang napakagandang panaginip nang bulabugin iyon ng sunod-sunod na malalakas na katok. Sa pagkagulat ay napabalikwas siya sa kanyang higaan at muntik pang mahulog kung hindi lamang siya nakahawak sa headboard ng kanyang kama.
S’yempre biglang nasira ang napakagandang mood sana niya sa araw na iyon. At walang ibang dapat sisihin kung hindi ang talipandas na ngayon ay wala pa ring tigil sa pagsira ng kanyang pintuan.
“Sandali!” Pasigaw niyang sabi saka padabog na bumababa sa kanyang kama. Sisiguraduhin niyang makakatanggap ng isang napakalakas na batok ang kung sinumang sumira ng kanyang araw.
Agad niyang tinungo ang pintuan at pinagbuksan ang kung sinumang walang magawang sumira ng kanyang tulog. Ngunit agad na naglaho ang init ng kanyang ulo at pagkakunot ng kanyang noo nang mapagbuksan niya ang hindi inaasahang tao.
“J-Jay?” Nautal siya sa pagkabigla. Hindi niya inaasahan ang presensiya nito lalo pa’t alam niyang sa bahay tambayan nila ito tumutuloy ngayon kasama ang kanyang karibal. “Anong ginagawa mo rito?”
Hindi ito nakatugon . Nanatili itong nakatayo na parang may nakitang hindi nito dapat makita. Doon lamang niya na-realize kung saan nakatutok ang mga mata nito at iyon ay sa kanyang halos hubad niyang katawan. Naka-boxer short lamang siya at walang pang-itaas na damit. Bihira siyang matulog ng gano’n. Ngunit dala ng matindig pagod at antok sa nakaraang araw ay kinatamaran na niyang maghalungkat ng damit sa kanyang cabinet.
Imbes na ma-ilang sa pagtitig ni Jay sa kanyang katawan ay para pa siyang natuwa. Dahil ba nakuha niya ang atensyon nito o dahil sa nakita niyang paghanga sa mga mata nito?
“H-Hindi pala nalalayo ang katawan mo kay Janssen.” Kapagkuwan ay wika nito.
Dapat ba siyang matuwa sa sinabi nito o ma-insulto? Pati ba naman sa tikas ng katawan ay karibal niya pa rin si Janssen?
“Mas maganda ang katawan ko sa kanya.” Nakasimangot niyang tugon dito.
“Yeah, kita ko nga.” Parang wala sa sarili naman nitong pagsang-ayon habang nakatitig pa rin sa kanyang katawan.
Tama ba ang narinig niya? Sinang-ayunan nito ang kanyang sinabi ng walang pag-aatubili? Naglandas ang mga mata nito pababa. Doon na siya biglang natilihan dahil buhay na buhay ang bagay na naroon. Dali-dali niyang itinakip ang dalawa niyang kamay sa naroon.
“Teka! Huwag ito.” Bigla niyang naiwika dala ng pagkataranta. Para naman itong biglang natauhan dahil nagbawi ng tingin.
“Ah.. Eh… Magbihis ka nga muna! Ano ba `yan!” Kita niya ang pamumula sa magkabilang pisngi nito bago ito tumalikod sa kanya.
Napabungisngis siya sa inasta nito. Mukhang may panibagong alas siya rito. At hindi siya p’wedeng magkamali, paghanga ang nakita niya sa mga mata nito kanina habang nakatingin sa kanyang katawan. Dali-dali niyang tinungo ang kanyang cabinet at kumuha roon ng short. Sinadya niyang hindi magsuot ng damit na palagi niyang ginagawa noon kapag naroon ito sa kanyang k’warto.
“P’wede ka nang humarap.” Nakangisi niyang wika.
Sumunod naman ito.
“Magdamit ka.” Pautos nitong sabi.
Tama siya. Bothered ito sa katawan niya. Sabagay, hindi pa siya nito nakikitang topless. Hindi naman kasi siya sanay na nagtatanggal ng damit kahit noong mga panahon na napagti-tripan nilang mag-beach.
“Mainit hayaan mo na.” Pagdadahilan niya. “Bakit ka nga pala nandito?` Di ba dapat kaulayaw mo sa mga oras na ito ang KASINTAHAN mo?” Sinadya niyang bigyang ng emphasis ang salitang kasintahan.
Biglang lumungkot ang ekspresyon ng mukha nito. Tuloy-tuloy itong pumasok sa kanyang k’warto at naupo sa gilid ng kanyang kama. Siya naman ay nakasunod lang ng tingin dito.
“Nakapag-decide na siya Maki.” Malungkot nitong sabi. “At ayaw niya akong sumama sa kanya.”
Nagbalak itong sumama sa Cebu? Mabuti na lang pala at hindi pumayag ang karibal niya. Kung nagkataon ay mabubulilyaso ang lahat ng plano niya.
“Mabo-bored lang daw ako roon dahil magiging busy siya sa trabaho. Pero noon pa ito, eh. Kahit noong nagkakamabutihan na kami sa chat. Sa tuwing sasabihin ko sa kanya na pupuntahan ko siya ay ayaw niya. Palagi niyang dinadahilan na hindi raw niya ako mabibigyan ng atensyon kasi sobrang abala siya sa trabaho. Ayos lang naman sa akin iyon, eh. Ang gusto ko lang naman ay iyong nakikita ko siya kahit papaano.”
So, kaya ito nagpunta sa kanya ay dahil nagkatampuhan ang mga ito. At ngayon, naghahanap ito ng taong mapaglalabasan ng sama ng loob. Dapat ba siyang magpakita ng simpatya rito para lalo itong mapalapit sa kanya? O babatukan niya ito dahil may mga naging desisyon pala ito noon na hindi nito ipinaalam sa kanya.
“Isang Linggo lang siyang mawawala, Jay. At tama siya, hindi niya mabibigyan ng panahon ang makipaglandian sa ’yo dahil may trabaho siya roon. At kailan ka pa nagdesisyon nang hindi sinasabi sa akin?”
“Matagal na ang isang Linggo. Kung kailan nasanay na ako na siya palagi ang nakikita ko paggising ko ay heto’t bigla na naman siyang mawawala. Sana pala hindi na lang ako humingi ng pabor kay Dave. Tungkol doon sa pagpunta ko sa kanya sa Cebu, sasabihin ko naman sa ’yo iyon kung pumayag siya, eh. Kaso palagi naman niya akong tinatanggihan.” Depensa naman nito.
Napatutok siya rito. Gano’n na ba talaga ito ka-attached sa Janssen na iyon na kahit ang isang Linggo ay napakatagal na rito. At hindi niya maitatangging nakaramdam siya ng selos kay Janssen. Kung siya ba ang mawawala ng isang Linggo ay hahanapin siya nito?
Malamang hindi. Hangga’t nasa kay Janssen ang buong atensyon nito ay baliwala ako sa kanya. Kahit isang buong taon akong mawala o kahit nga di na ako magpakita ay hindi ako nito hahanapin. Siya na mismo ang sumagot sa nabuong katanungan sa isip niya.
“Sinadya kong umalis ng walang paalam ngayon. Gusto kong ipakita sa kanya na wala talaga akong balak na magpa-iwan dito. Kung pupunta siya ng Cebu, dapat isama niya ako.”
Ito ang isa sa kinaiinisan niyang ugali nito. Masyado itong mapilit sa mga bagay na hindi p’wede. Pero kailangan niyang makaisip ng paraan para mapigilan ito. Paano kung madala ng ginagawa nitong pagtatampo-tampuhan ang Janssen na iyon at mapilitang isama si Jay? Masisira ang lahat ng mga plano niya.
Hindi p’wede!
“Huwag ka nang magpumilit na sumama. `Di ba sa susunod na Linggo na ang kasal nina Rachelet at Rex? At abay nila tayo. Huwag mong sabihing hindi mo sila sisiputin?”
“P’wede namang kayo na lang nina Nico ang pumunta. Sabihin niyo na lang na may sakit ako at hindi ako makakadalo sa kasal nila.” Pagrarason nito.
“Baka nakakalimutan mong ikaw ang dati nilang katrabaho at hindi kami. C’mon, hindi mo ba kayang maghintay ng isang Linggo sa Janssen na iyon? Nakapaghintay ka nga ng ilang taon tapos heto isang Linggo lang hindi mo magawa? Adik ka na ba sa kanya o naka-adikan mo na ang ginagawa niyo gabi-gabi?” Double purpose ang huling sinabi niyang iyon. Una ay para makumpirma niya kung may ginawa na ba ang mga itong karumaldumal at pangalawa ay kung hanggang saan pa lang ang nagagawa ng mga ito.
“Grabe ka naman! Hanggang halikan at yakapan pa lang ang nagagawa namin `no! Hindi gano’ng tao si Janssen! Nirerespeto niya ako.”
Napataas ang kilay niya rito.
“Ang tanong, ikaw ba nirerespeto mo siya?”
Binato siya nito ng unan na madali naman niyang nailagan.
“Hangga’t hindi ko pa nasasabi sa kanya ang buong katotohanan ay wala akong balak na makipag-sex sa kanya `no! Ibibigay ko lang ang katawan ko sa kanya kapag nasiguro kong kahit sa kabila ng mga ginawa ko ay matatanggap pa rin niya ako.”
“Saan mo nakuha ang ganyang paniniwala? Bago `yan, ah.” Nang-aasar niyang tugon rito.
Muli siya nitong binato ng unan na kanya lang namang sinalo at inihagis pabalik dito. Sininghot nito iyon.
“Ang pabango na binigay ko sa ‘yo na pala ang ginagamit mo. Kala ko ba ayaw mo sa amoy niyon.” Komento nito.
“Iba pala ang dating niya kapag dumidikit na sa katawan. Nagustuhan ko kaya ‘yon na ang ginagamit ko.” Tugon naman niya. “Teka nga, `wag mong ibahin ang usapan. Bakit ayaw mo pang makipag-sex sa Janssen na iyon? `Di ba patay na patay ka sa kanya?” Gusto niyang masiguro kung hanggang saan ang paninindigan nitong hindi muna magpaubaya.
“Dahil hindi pa ako nakakasiguro kung hindi nga ba niya ako iiwan.”
Kahit papaano pala ay may katinuan pang natitira sa utak nito. Takot itong magpaubaya dahil hindi pa ito sigurado kung ano ang mga p’wedeng mangyari kapag nalaman ng Janssen na iyon na pinagplanuhan ng kanyang magaling na kababata ang pagkakakilala ng mga ito.
“Maki, gusto kong sumama talaga sa kanya.” Muling pagbabalik nito sa naunang paksa.
“No. Hindi ka sasama. Nangako na tayo kina Rachalet na tayo ang magiging abay sa kasal nila. At kapag nagpumulit ka pang sumama sa Janssen na iyon, kalimutan mo na ang kasunduan nating hahayaan kitang ikaw ang magsabi sa kanya ng buong katotohanan.”
“Bina-blackmail mo ba ako?” Ang hindi nito makapaniwalang sabi.
“Bakit, hindi ka pa ba sanay? Kung gano’n masanay ka na dahil iyon ang paborito kong armas sa ’yo.”
“Napakasama mo talaga! Sinasabi ko na nga ba’t isang malaking pagkakamali na dito ako sa ’yo nagpunta. Sana doon na lang ako kay Lantis for sure maiintindihan pa ako niyon.”
“Too bad sa akin ka dinala ng mga paa mo. Tara sa baba, samahan mo akong mag-almusal.” Wika niya rito saka ito iniwan para hindi na maka-isip pa ng irarason sa kanya. Hindi siya makakapayag na masira ang kanyang mga plano na nagsisimula ng gumanda ang takbo.
Itutuloy:
33 comments:
wahh.. too bad at nabitin ako.. hehehe peace author.. hmmm malapit na ang twist sa pagbabalik ni janssen.. hehehe..
wah.. meganun.. nice one.. next na ko author.. hehehe.. atat lang po.. sorry
black mail >_>
munyu tlaga maki
ayan na naman si Sir Pabitin e... hahahaha!
napapaisip talaga ako kung ano yung magiging twist ng story na'to..
thanks sir sa update, ang ganda.. next chapter pls =))
~Dev Nic
Kinilig,natawa.nainis..ito lang ang naramdaman ko ngayon..hahahha
Good job author..
Go Makki!!!
you can do it,ikaw na talaga!!!
Ikaw na talaga ang Hari ng pamba-Blackmail,hahaha...
:j
Papa Z,
Kakatuwa si Ely, kaabang abang na talaga
Yuan
Kung binago lng ni maki yung ugali niya malamang nahulog na c jay sa kanya. :)
hehehehe..tuloy mo lang maki..hahahahahaha...y dont u rape jay?heheheh 4 sure papatulan ka nun......:)
sarap naman pakingan ng "CONTROL FREAK BOYFRIEND".... heheh zilds...may comment na ako at pangalawa pa.... heheh
-NINZ
hahaha natakam naman si jay sa borat ni maki..super kilig..go go go super MAKI,^_^nxt chap na pls...robz here
weee paganda na ng paganda yung story... haha nakakalimutan ko lng lage mg bigay ng comment :)) ang gwapo naman pla ni MAKI ee.. go maki.. kaso be careful :))
Lokong Ely, di maalis sa isip ko ang salitang "karumaldumal" hehe..
bagay kay maki maki pagiging salbahe, lalong nagiging pogi,hakhak.. ^_^
Wow, I didn't see this twist coming ha. First si Ely, tapos si Jay.
I wonder bakit ayaw ni Janssen isama si Jay sa Cebu. Something fishy going on here, hehehe.
And ayos, nai-connect mo pa rin yung characters dun sa Make Believe dito sa kwento mo.
- Edmond
gabda pala ng site mu
marky
bitin... nakakinis! hehehe... shet.. hot talaga si Maki.. sa pic pa lang eh... hhehehe... ganda... gumaganda ang takbo ng story!!!!!!!!
GO na! update na :p peace
waaaah kabitin naman Zildj...BUT!!!!!! Its getting more and more good and hot؛.good thing there's picture of the 3 guys...so i can picture them talking in my mind while i'm reading it...
bitin..pero gusto ko yung usapan nina jay jay at maki maki..hahaha..kakakilig si maki maki..ang sarap sarap niya..akin ka nalang..hahaha..
-J
kiligness.. sweetness.. haay..!!
great job..!!
God bless.. -- Roan ^^,
Ohhh Please! Hahaha...late na ako nakapagbasa! Maki, naimagine ko ung katawan mo! Haha ang halay naman tumingin ni Jay! Nabitin ako ng slight Zek pero oks lang... :) Salamat....
Pat
Tagasubaybay
habang tumatagal lalong nakakabitin ah.. hands down! galing!
-ron
which is which? waaaaaah! baka alam na ni janssen yung karumaldumal na gnawa ni jayjay? revenge? hmmm...
si ely! nakakatuwa!
KARUMALDUMAL NA PANGYAYARI ANG AKING AABANGAN POY! NICE ONE!
dapat pala maghubad nlng lagi c maki-pogi eh.. hehe
~anung lihim ang tinatago ni jansen? .. Haha btw ung picture nya familiar ewan ko kung san ko nakita .. Hehe
~ngaun lang napacoment .. Minaraton ko chapter 6 to 10 ng the devil beside me .. Busy na ult kc sa school .. Godbles po!:)
ps~d q makita ung group mu kya sa fb .. Haha
~~JAYVIN
Wowwww!!!!! Bitinnnnn !!! Hahhaa nice mr author.. Sana inde makasama si jay sa cebu.
-rom-
Bow ako sa yo.... Nice one!
Raymund of Bacolod
Sa ganda ng mga series ni Kuya Z.... Pwede na siyang mag simula ng teleserye lalo na at konektado ang mga ito sa isa't isa na talagang mapapaisip ang sinumang magbabasa o manunuod dahil sa mahihirapan kang hulaan ang susunod na kaganapan sa pagkat kahit ilang beses mong basahin o panuorin ang series ay di mo mamememorize ang behavior ng bawat isa. Tulad ni Renzell Dave na pumayag sa plano ni Maki. O kaya ang pagiging matulungin ni Nicollo kay Maki at kung anu anu pa.
~More power to this series!~
SuperBazor
hayun oh..ever supportive its me..hehehe.
bitin sir Z...
JAYVIN: http://www.facebook.com/groups/zildjianace/ heto ang link niya. :)
salamat sa update poy...kahit late lagi ang comment ko lagi ko naman binabasa kahit gabi..cnxa na talaga..pero ito na yata ang pinaka sweet sa lahat gusto ko yung flow ng kwneto..keep it up poy..
_iamronald
keep up the good fight maki...
bubunga din yan, santol nga lng...hahaha
Haaaay grabe late ko na to nabasa! Whew!
Posted na rin ang chapter 11! Haiist! Salamat Zek!
Nakakatuwa ang mga plano ni Maki! Talagang naaayon sa oras at panahon at pagkakataon ang lahat! Haha kawawang Jay! Walang lusot hehehe...
Ill be reading Chapter 11 now! Keep safe all!
Pat
Tagasubaybay
hahaha..natawa nmn aq sa mga pinagsasabi ni ely...
Minsan gusto qng maawa ke jay.c maki kc eh..hehe
-monty
Post a Comment