Thursday, November 1, 2012

Nilimot Na Pag-ibig 10





photo by: truthsofme


Kamusta naman po ang lahat? At sa mga masugid na mambabasa ng blog page na ito.

Gusto ko lang pong pasalamatan ang mga taong sumusubaybay ng aking kwento kayo po ang inspirasyon ko upang ipagpatuloy ko ang aking pagsulat, syempre bukod sa LABS ko na syang nagbibigay ng kahulugan at kulay sa mundo ko. Ayiehhhh... kinilig naman ako... 

Gusto ko ring pasalamatan sila Lexin, si Knight-in-a-shining-armor, si lou, ericka, si brayan, si ronald, ang anak kong si demure at higit sa lahat yung mga anonymous silent readers. Na sumusubaybay sa kwentong ito. MARAMING SALAMAT!

Hindi ko na po papatagalin pa... ito na po ang Chapter 10 ng Nilimot Na Pag-ibig...


_____

Una po sa lahat ay nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko na nagpush sa akin na sumulat dahil sa totoo po frustrated writer ako pero dahil sa mga friends ko na nagbigay ng insipirasyon at encouragement ay sinubukan ko muling magsulat since gusto ko rin nman.

Next, I would like to thank truthsofme  for making the cover photo of my story.

Lastly, I would like to thank in advance all the visitors of this blog page who will read my story.

Thank you.

Disclaimer: 

This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.

Comments and any kind of reactions are welcome.  

You have the freedom to express your feelings.

Enjoy reading!




"Kanina ka pa ba dyan tol?" ang tanong ko kay Christian.

Tinugon lang ako nito ng ngiti. Isang ngiti na nakakaloko.

"Hoy ang tanong ko kung kanina ka pa dyan hindi ko sinabing ngitian mo lang ako!" ang inis kong wika dito.

Ngunit tila bingi ito at napagkit lang sa kanyang mga labi ang nakakalokong mga ngiti, kaya naman hinayaan ko na lang sya at ako ay umalis na upang tunguhin na ang aming room.

Nang makarating ako ng room ay agad kong napagpasyahang maligo na lang tutal busog na rin naman ako kaya hindi ko na kailangan pang mag dinner.

Nang maayos ko ang damit na gagamitin ko ay agad kong kinuha ang toiletries ko upang makapaligo na. Hindi ko na inisip pa kung kasunod ko ba ang ungas o hindi. Sa totoo lang kasi ang lakas nyang mang asar, nakakabwisit!

Nang matapos akong maligo at nakapasok na ulit ng room ay nakita ko syang nakahiga ang parang may iniisip, hindi ko na sya pinansin bagkus ay nagbihis na ako at nagpatuyo ng buhok ng hindi ko pa rin sya pinapansin. Nang medyo tuyo na ang buhok ko ay humiga na ako at pumwesto't humanda sa pagtulog habang si Christian naman ay naligo na rin.

Habang naliligo si Christian ay hindi ko namalayan na nakatulog na pa ako.

Nasa kahimbingan ako ng tulog ng parang may dumampi sa mga labi ko hindi ko pinansin ito sa kadahilanang inakala kong panaginip lamang ito ngunit parang nagiging mapusok na mapagkalinga ang mga halik na ito agad pumasok sa isip ko si Lee. Kaya naman dali dali kong iminulat ang aking mga mata at ang makita ko si Christian na nakalapat ang kanyang mga labi sa labi ko ay nagulat sya. Kaya naman dumistansya sya ng makita nyang gising na ako.

"Tol anong ginagawa mo?" ang tanong ko.

"Tol alam ko na narinig kita kanina hindi GF ang tinatawag mong Labs.  BF mo sya narinig ko lahat ang pinag usapan nyo kaya pala hindi ka makasagot kanina ng sinabi kong GF mo ang tinutukoy mong  Labs." ang wika nito sa akin.

"Eh ano naman ngayon sa yo kung BF ko yung tinatawag kong Labs at hindi GF? At bakit mo ko hinahalikan?" ang galit kong tanong sa kanya.

"Tol kasi sa totoo lang bisexual din ako at nung nakita kita sa airport pa lang sa dubai alam kong gusto na kita kaya nga sa yo ako sumama." ang pag-amin nito.

"Tol walang problema don eh ang problema may karelasyon ako at ayaw kong masira kaming dalawa. Mahal ko ang taong tinatawag kong Labs at mahal nya ako. Kaya kung pwede lang tol matulog na lang tayo at kalimutan na lang natin yung nangyari." ang pagpapaliwanag ko dito.

"Sorry tol di ko lang kasi napigilan pero sana walang magbago sa yo sa pakikitungo sa akin." ang pagsusumamo nito.

"Wala na yun tol. Halika na at matulog na ulit tayo." ang wika ko dito ng may paniniguro.

At bumalik na nga kami sa pagtulog pero aaminin ko katulad ng nasabi ko sa naunang kwento ko about kay Christian... SAYANG!!! ahahaahaha. Kung wala lang akong karelasyon malamang may mangyayari ngayong gabi na toh. Pero.

"Tol..." ang mahina nyang tawag sa akin.

"Oh bakit?" ang tanong ko.

"Pwede ba kahit payakap na lang sa yo habang natutulog tayo?" ang tanong nito.

"Sige tol pero hanggan yakap lang ha. Alam mo naman na may karelasyon na ako." ang paniniguro ko dito.

Agad naman syang yumakap sa akin.

_____

Kinabukasan ay parang walang nangyari sa aming dalawa. Normal na nagbatian ng Good Morning, sabay nag-almusal, sabay nananghalian, at nag dinner.

Lumipas ang ilang araw ng pag hihintay namin sa visa namin ngunit wala pa ring magandang balita kaming natatanggap. Tuloy pa rin ang komunikasyon namin ni Lee at habang dumadaan ang araw ay lumalalim naman ang samahan namin ni Christian bagay na ikinakabahala ko sa kadahilanang ayaw kong magtaksil sa taong mahal ko dahil ayaw ko ring pagtaksilan ako ni Lee kaya hanggat maaari ay pinipigilan ko ang sarili kong ma fall sa taong nasa tabi ko lang.

Matapos ang magdadalawang linggo ay lumabas na rin ang visa namin katulad ng hindi inaasahan halos magkasabay lang dumating ang mga visa namin ni Christian na labis naming ikinatuwa dahil kung may maiiwan na isa sa amin ay lubos naming ikakalungkot. Umaga ng matanggap namin ang fax copy ng visa namin kaya naman napag pasyahan naming magsaya nung arw na nakuha namin ang visa namin. Nagpunta kami ng city center at naggala at kumain sa refreshment stall na kinainan namin dati. Nang mapagod ay bumalik na kami ng hotel.

Pagdating namin ng hotel ay napag pasyahan naming magpahinga muna sandali sa room namin.

Bigla na lang nangulit itong si Christian. Bigla akong binato ng unan kaya naman ginantihan ko ito binato ko rin ito ng unan at nagharutan ng akala mo ay magkasintahan kami. Nang mapagod kami ay tila sabay naming naisip na gusto naming kumain kaya nman agad kaming nagpunta sa palagi naming kinakain sa canteen na may videoke.

Umorder ng pagkain. At habang naghihintay sa aming pagkain ay nagsalang si Christian ng isang kanta.



Habang kinakanta ni Christian ito ay hindi ko makakailang tinatablan ako ng hiya sa pinapakita nyang gestures. Ikaw ba naman ang kantahan at paminsan minsan makikita mong nakatingin sa yo at kikindatan ka sabay bibigyan ka ng malokong ngiti.

Hindi ko malaman sa sarili ko ng mga oras na yon kung ano ba yung nararamdaman ko. Alam kong napalapit na rin ako kay Christian ngunit ayaw kong bumitaw sa iniwan kong pangako kay Lee. Kaya kahit na alam kong may nararamdaman na ako kay Christian ay pinili ko pa rin na maging magkaibigan na lang kami.

Nasa ganoong pag iisip ako ng pukawin ni Christian ang aking atensyon.

"Hoi ang lalim ng iniisip mo ha!" ang pabiro nitong wika sa akin.

"Ah eh.... wala yun." ang tangi ko na lang nasambit.

"Sigurado ka ha. Mukang ang lalim kasi ng iniisip mo." ang tila nag-aalala nitong wika sa akin.

"Oo sigurado akong OK ako." ang tipid kong sagot.

Sa wakas dumating din ang aming pagkain gutom na kasi kami parehas. Kaya naman ng maibigay sa amin ang aming pagkain ay agad naming nilantakan ito na tila magkagalit sa kadahilanang walang pag uusap ang namagitan sa aming dalawa. At gaya ng dati pagkatapos kumain ay nagpahinga ng konti at bigla na namang kinuha ang songbook upang mamili ng kakantahin. Ilang saglit pa ay nakakita na ng kakantahin ang loko. Nang maibigay na ang number ng kakantahin nya sa operator ay may ibinulong sya sa akin.

"Para sa yo ang kakantahin ko sana magustuhan mo." ang may paglalambing nitong bulong sa akin.



Nang magsimula syang kumanta ay dama ko sa kanyang tinig na parang bibigay ito ano mang sandali. Dama ko sa bawat linya ng kanyang kanta na sinsero sya sa nais nitong iparating sa akin ngunit hindi ko naman maitatanggi na may puwang na sa puso ko para kay Christian ngunit hindi pwede, hindi maari, ayaw kong bumitiw sa pangako ko kay Lee. Mahal ako ni Lee at mahal ko sya hindi pwedeng masira ang pagsasama namin dahil lang nagpadala ako sa tukso. Tinignan ko si Christian. Bakas sa kanyang mga mata ang lungkot hindi ko maiwasang masaktan sa aking nakikita.

Nang matapos ang kanta ni Christian ay agad na akong tumayo at nagpatiunang umalis hindi ko alam kung bakit naging ganon ang reaksyon ko pero isa lang ang alam ko, hindi ko pwedeng sirain ang tiwala ni Lee sa akin. Nang makalabas ako ng canteen ay hindi ko na nilingon pa kung nakasunod na sya sa akin basta ang nasa isip ko ay makaalis agad ako at makarating na sa room namin.

Kung kakausapin ako ni Christian sasagot ako at kung hindi mananatili na lang akong tahimik. Ito ang ideyang nabuo sa aking isipan upang umiwas sa katotohanang may nararamdaman na nga ako para sa kanya.

Nang makarating ako ng room ay agad akong nahiga. Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na si Christian.

"Ron anong problema mo bakit mo ko iniwan?" ang takang tanong nito sa akin.

"Wala." ang tipid kong sagot.

"Wala eh halos patakbo kang lumabas ng canteen? Ano bang pinagkakaganyan mo?" ang tanong ulit nito sa akin.

"Wala nga ih. Gusto ko ng matulog." ang medyo inis ko ng sagot dito.

Bigla itong tumabi sa akin at niyakap ako mula sa likuran.

"Ron please wag ka nmang ganyan. Di ko alam kung may kasalanan ako sa yo at bigla na lang ganyan ang kinilos mo. Di ko alam kung saan ka nagalit. Please tell me ano bang ginawa ko at ganyan na lang ang naging reaksyon mo." ang pagmamakaawa nitong wika.

Hindi ako umimik bagkus ay nagtulug-tulugan ako.

"Ron please naman magsalita ka." ang nanginginig boses nyang wika.

May kurot sa puso ko ang napakinggan kong tinig ngunit nanatili akong walang kibo.

Inalis niya ang pagkakayakap at tumayo siya sa may paanan ko.

"Ron ano ba magsalita ka naman!" ang may kalakasan nyang boses.

Hindi ko alam kung bakit ayaw kong magsalita ng mga oras na yun.

"P**a naman Ron masalita ka!" ang galit na tinig nito.

Bigla akong tumayo at lumapit sa harap nya.

"Gusto mo bang malaman ang totoo, ha?!" ang may kataasang boses kong tugon sa kanya. "Pwes ito ang katotohanan Christian!" ang may diin kong banggit.

"Makinig kang mabuti sa lahat ng sasabihin ko sa yo!" ang pigil emosyon kong wika dito.

"Tol...."



Itutuloy...

2 comments:

Anonymous said...

pansin ko may mali lang sa unang part ng kwento mo kc yong Kish Island nasabi mo na iraq, yong lang nmn pero I enjoy reading it!

iamDaRKDReaMeR said...

thanks po at napansin nyo yun... actually it's in iran... typo error... salamat po sa pagbasa... ^_^

Post a Comment