Photo by: Justyn Shawn
Una po sa lahat ay gusto ko lamang po kamustahin ang lahat ng sumusubaybay ng Anino Ng Kahapon? Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa kwentong aking isinulat, nawa po ay nagustuhan ninyo.
Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong mahalaga sa akin dahil sya po ang gumawa ng cover photo ng kwento at nagbigay ng some ideas sa chapter na to. Maraming salamat Justyn Shawn. My one and only Labs. Less Than Three.
Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, and artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac, Lexin, robert_mendoza@yahoo.com, rascal, ALDRIN, Acnologia, Marshy, sa asawa na first time na nagcomment at bumasa sa gawa ko Justyn Shawn at syempre sa mga anonymous silent readers.
Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:
Facebook: https://www.facebook.com/arn.5HK
Twitter: https://twitter.com/iamDaRKDReaMeR
_____
Disclaimer:
This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.
Comments and any kind of reactions are welcome.
You have the freedom to express your feelings.
Read at your own risk!
Enjoy reading!
"Don't worry nandito na ako at hindi na kita iiwan pang muli. Mahal na mahal kita Ron at hindi magbabago ang feelings ko para sa yo." ang sarap pakinggan ng mga salitang ito.
“Ron please, kahit ngayon lang hayaan mo akong damayan kita.” Ang pilit na pagsusumamo nito.
“Bakit Lee, kung dadamayan mo ba ako ngayon maibabalik mo si Christian? Mapapaglinaw mo ba ang isip nya para makinig sa paliwanag ko? If you can, then stay. If not, just leave.” Ang malamig kong tugon sa kanya.
Wala na ngang nagawa pa si Lee kundi iwanan ako sa sitwasyong punit muli ang aking pagkatao. Saan ba ako nagkamali at nagawa kong masaktan ang taong nagmamahal sa akin, ang taong naging tanging lakas ko nung sandaling mahina ako, ang taong naging saya ko nung panahong nalugmok ako sa kalungkutan?
Bumalik ako sa buhay na alak lang ang naging sandigan ko upang makakuha ng lakas. Nawalan muli ng direksyon ang buhay ko. Ilang beses kong sinubukang kausapin si Christian upang ipaliwanag ko ang tunay na pangyayari ngunit hindi pa rin sya handang pakinggan ang panig ko nanatili syang bingi sa bawat paglilinaw ko sa nakaraan.
At si Lee, lalo itong nagpursigi na mapaamo akong muli. Ngunit naging manhid na ako sa pagmamahal. Mas pinili kong maging mapag-isa kasama ang alak. Kung maaga ko lang pinapasok sa buhay ko si Christian at hindi ako nabuhay sa nakaraan malamang masaya pa rin kaming magkasama ngayon. Kung hindi ko hinayaan ang sarili ko na malugmok sa kahapon siguro masaya pa rin kami ni Christian ngayon. Puro panghihinayang na lang ang naging takbo ng buhay ko. Tanging pagluha na lang ang naging hobby ko. Lagi na lang akong nagbabalik tanaw sa nakaraan kung saan masaya ako sa piling ni Christian dahil dito na lang ako nagiging masaya. Kung yun nga ang tamang depenisyon ng mga ngiti na minsan na lang gumuhit sa aking mga labi.
"Ron... Ron... Ron..." ang tinig ni Lee habang ginigising ako. “Nasa bus station na tayo ng Abu Dhabi.”
Panaginip lang pala ang lahat. Bakit? Sana totoo na lang. Masaya na ako eh. Yakap ko na sya at yakap na nya ako. Bakit bumalik na naman ako sa katotohanang wala sya?
“Tara na Ron para makapag pahinga ka na ng maayos sa bahay.” Ang pag-aya ni Lee sa akin.
Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo upang makababa na ng bus. Pagkababang pagkababa agad kaming kumuha ng taxi upang makauwi.
Ilang saglit pa ay narating na namin ang tinutuluyan ko. Agad kong binuksan ang kwarto ko ngunit bakit parang bukas ang pinto. Ako lang ang may susi nito at si…
“Kanina pa kita hinihintay. San ka ba galing?” ang boses ng taong nadatnan ko sa loob ng kwarto ko.
Natulala ako sa aking nakita. Kung panaginip man ito hindi ko na nanaisin pang gumising. Agad kong nilapitan ang taong matagal ko ng inaasam na makita at makasamang muli at sa paglapit ko sa kanya agad ko itong niyakap ng buong higpit ngunit hindi ito tumugon bagkus nadama ko ang tila panlalamig sa kanyang katauhan.
Noon ko lamang naalala na kasama ko pala si Lee ng mga oras na iyon. Kumalas ako mula sa pagkakayakap kay Christian at tinignan ang kanyang mukha. Bakas dito ang labis na kalungkutan at galit. Agad pumatak ang mga luha ni Chrisitian ng ibaling nya ang tingin mula sa pintuan ng kwarto patungo sa akin.
Nagulat na lang ako sa sumunod na ginawa ni Christian. Isang mabilis na kamao ang dumapo sa mukha ni Lee na aking ikinagulat.
"Ang kapal din naman talaga ng mukha mo! Matapos mong iwan at saktan si Ron eto ka ngayon pumapapel na naman. Para ano? Saktan syang muli?" ang galit na sigaw ni Christian matapos lumapat ang kanyang kamao sa mukha ni Lee.
Biglang bumaling sa akin si Christian. Kitang kita sa kanyang mga mata ang sakit.
"Ron hindi pa ba sapat na sinaktan ka ng taong ito? Hindi pa ba sapat na halos kinalimutan mo na ang sarili mo dahil sa mga pagdurusa na dinulot nya sa yo? Patuloy ka pa rin bang magpapakatanga sa kanya? Mahal kita Ron kaya kita hinyaang mag-isa ng sandali dahil sa pag-aakala kong mabibigyan ng kasagutan ang lahat ng tanong mo na matagal mo ng hinahanapan ng kalinawan. Masakit na sobra."
"Christian let me explain." ang pagsusumamo ko habang patuloy ang pag-agos ng luha sa aking mga mata.
"Explain? Again? Naisip mo man lang ba ang damdamin ko sa yo? Did you ever think that I never left you even in the times that you were down? Pinahalagahan mo ba ako Ron? Palagi na lang kitan iniintindi. Ako na lang ba lagi ang iintindi? Paano naman ako? Kaylan mo ako matatanggap ng buo sa puso mo?"
"Tol pakinggan mo muna si Ron!" ang sabat ni Lee.
"Hindi ikaw ang kinakausap ko kaya manahimik ka dyan!"
"Budz..." ang panimula ko. "From the day you left for vacation walang araw na hindi kita naalala, walang oras na hindi kita na miss. Malaki na ang naging parte mo sa buhay ko. You were the only person who stand beside me in all my struggles. Ikaw ang nagbalik ng ngiti sa mga labi ko. Ikaw ang nag-paalala sa akin kung paano muling magmahal." hindi pa man ako tapos sa aking pagsasalita ay pinutol itong muli ni Christian.
"Enough Ron! Ayaw ko ng marinig ang lahat ng bagay na yan. Siguro nga tama na ang pagiging tanga ko sa yo. Mahal kita pero hindi ko na kayang isakripisyo pa ang natitirang butil ng pagkatao ko. Kung gusto mong balikan ang manggagamit na yan you're free to do so!" sabay talikod at nagmamadaling umalis ng kwarto ko si Christian at bago pa man sya umalis ay itinulak nyang muli si Lee ngunit nanatili lamang syang kalmado.
"I love you Christian." Ito na lang ang huling salitang lumabas mula sa aking bibig.
“Ron…” ang tawag sa akin ni Lee.
“Iwan mo muna ako. I need to be alone!” ito lang ang tanging hiling ko kay Lee.
“Bakit Lee, kung dadamayan mo ba ako ngayon maibabalik mo si Christian? Mapapaglinaw mo ba ang isip nya para makinig sa paliwanag ko? If you can, then stay. If not, just leave.” Ang malamig kong tugon sa kanya.
Wala na ngang nagawa pa si Lee kundi iwanan ako sa sitwasyong punit muli ang aking pagkatao. Saan ba ako nagkamali at nagawa kong masaktan ang taong nagmamahal sa akin, ang taong naging tanging lakas ko nung sandaling mahina ako, ang taong naging saya ko nung panahong nalugmok ako sa kalungkutan?
Bumalik ako sa buhay na alak lang ang naging sandigan ko upang makakuha ng lakas. Nawalan muli ng direksyon ang buhay ko. Ilang beses kong sinubukang kausapin si Christian upang ipaliwanag ko ang tunay na pangyayari ngunit hindi pa rin sya handang pakinggan ang panig ko nanatili syang bingi sa bawat paglilinaw ko sa nakaraan.
At si Lee, lalo itong nagpursigi na mapaamo akong muli. Ngunit naging manhid na ako sa pagmamahal. Mas pinili kong maging mapag-isa kasama ang alak. Kung maaga ko lang pinapasok sa buhay ko si Christian at hindi ako nabuhay sa nakaraan malamang masaya pa rin kaming magkasama ngayon. Kung hindi ko hinayaan ang sarili ko na malugmok sa kahapon siguro masaya pa rin kami ni Christian ngayon. Puro panghihinayang na lang ang naging takbo ng buhay ko. Tanging pagluha na lang ang naging hobby ko. Lagi na lang akong nagbabalik tanaw sa nakaraan kung saan masaya ako sa piling ni Christian dahil dito na lang ako nagiging masaya. Kung yun nga ang tamang depenisyon ng mga ngiti na minsan na lang gumuhit sa aking mga labi.
Si Christian…
Nagpaalam ako sa pinatatrabahuhan ko na magleleave ako upang hanapin ang sarili ko dahil sa mga pangyayari sa amin ni Ron. Masakit na marinig mula sa taong mahal mo na may puwang pa rin sa puso na para sa taong naging sanhi ng kanyang paghihirap at pighati. Ibinigay ko ang lahat para makalimutan nya ang taong minsan ng dumurog ng kanyang pagkatao ngunit parang may kulang pa rin. Halos wala ng natitira pang pag-ibig sa aking sarili. Ibinuhos ko ng lahat sa kanya. Panahon na siguro upang bigyan ko naman ng saya ang sarili ko.
Matapos ang isang buwan kong bakasyon at makabalik ako napagdesisyunan kong lumipat ng matitirhan dahil tuwing nakikita ko ang apat na sulok ng aking kwarto ay naaalala ko ang mga masasayang araw na kasama ko si Ron. Nagresign din ako sa aking pinapasukan upang makalayo na sa lahat ng alaala ni Ron. Maswerte na rin na nakakita agad ako ng malilipatan. Ngunit may kulang sa aking pagkatao. Isang parte ng aking buhay ay wala. At ito ay si Ron. Kaya naman napag desisyunan ko na puntahan ito sa kanyang bahay sa Abu Dhabi.
Maaga akong nakarating sa bahay nila. Hindi ko sya tinawagan upang supresahin sya. Nakatayo ako sa may pintuan nila ng biglang bumukas ito at iniluwa si Jane.
“Oh Christian, anong ginagawa mo dyan? Wala si Ron nagpunta ng Dubai para bisitahin ka kasi alalang-alala na sayo dahil hindi ka man lang nag text kahit isa para sabihin sa kanya na ok ka.”
“Ah, ganon ba? Pwede bang pumasok hintayin ko na lang sya sa kwarto nya.”
“May susi ka ba don? Kasi wala akong duplicate nun.”
“Meron binigyan nya ako.”
Matapos ang usapan ay nagpaalam na si Jane na papasok na sya at agad naman akong nagtungo ng kwarto ni Ron upang makapagpahinga. Halos walang ipinagbago ang kanyang kwarto malinis pa rin ito kahit na medyo maliit. Yung tipong sakto lang para sa isang tao.
Sobrang excited na akong makita, mayakap, at mahagkang muli ang taong bumuo ng pagkatao ko. Ano na kaya ang itsura nya ngayon? Tumaba kaya sya? Pumayat? At kung anu-ano pang katanungan ang pumapasok sa aking isipan hanggang sa nakatulog ako sa pag-iisip.
Nagising ako ng may narinig akong yabag papunta ng kwarto ni Ron. Laking gulat ko ng ipinakita ng pintuan si Ron.
“Kanina pa kita hinihintay. San ka ba galing?” ang alala kong tanong dito.
Tila nagulat si Ron ng makita niya ako. At laking gulat ko na lang ng bigla niya akong yakapin ng napakahigpit punung-puno ng pagkasabik. I was about to return his gesture ng mapatingin ako sa pintuan at nakita ko si Lee. Ang pagksabik ko ay biglang napalitan ng panlalamig at nakaramdam ako ng galit. Ibinalik ko ang tingin kay Ron ngunit napuno ng tanong ang aking isipan. Bakit sa dinami dami ng taong makakasama ni Ron ay si Lee pa? Nagkabalikan na ba sila nung umalis ako? Bakit magkasama sila ngayon? Ano na ang meron sa kanila?
Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at bigla ko na lang inundayan ng sapak si Lee.
"Ang kapal din naman talaga ng mukha mo! Matapos mong iwan at saktan si Ron eto ka ngayon pumapapel na naman. Para ano? Saktan syang muli?"
Sobrang sakit ang aking naramdaman. Nakita ko si Ron ng patuloy ang kanyang pagluha. Nadudurog ang puso ko tuwing nakikita kong umiiyak sya pero mas nasasaktan ako ngayon.
"Ron hindi pa ba sapat na sinaktan ka ng taong ito? Hindi pa ba sapat na halos kinalimutan mo na ang sarili mo dahil sa mga pagdurusa na dinulot nya sa yo? Patuloy ka pa rin bang magpapakatanga sa kanya? Mahal kita Ron kaya kita hinyaang mag-isa ng sandali dahil sa pag-aakala kong mabibigyan ng kasagutan ang lahat ng tanong mo na matagal mo ng hinahanapan ng kalinawan. Masakit na sobra."
“Christian let me explain.” Ang pagsusumamo nito sa akin ngunit imbis na pakinggan sya ay agad kong pinutol ang kanyang sasabihin.
"Explain? Again? Naisip mo man lang ba ang damdamin ko sa yo? Did you ever think that I never left you even in the times that you were down? Pinahalagahan mo ba ako Ron? Palagi na lang kitan iniintindi. Ako na lang ba lagi ang iintindi? Paano naman ako? Kaylan mo ako matatanggap ng buo sa puso mo?"
"Tol pakinggan mo muna si Ron!" ang sabat ni Lee.
"Hindi ikaw ang kinakausap ko kaya manahimik ka dyan!"
"Budz..." bigla nitong simula. "From the day you left for vacation walang araw na hindi kita naalala, walang oras na hindi kita na miss. Malaki na ang naging parte mo sa buhay ko. You were the only person who stand beside me in all my struggles. Ikaw ang nagbalik ng ngiti sa mga labi ko. Ikaw ang nag-paalala sa akin kung paano muling magmahal." hindi pa man sya tapos magsalita ay pinutol ko na dahil hindi ko makakayanan ang susunod pa nyang sasabihin na mas pinili na nya si Lee kaysa sa akin.
"Enough Ron! Ayaw ko ng marinig ang lahat ng bagay na yan. Siguro nga tama na ang pagiging tanga ko sa yo. Mahal kita pero hindi ko na kayang isakripisyo pa ang natitirang butil ng pagkatao ko. Kung gusto mong balikan ang manggagamit na yan you're free to do so!" sabay talikod at nagmamadaling akong umalis ng kwarto at bago pa man ako tuluyang makalabas ay binalya ko si Lee at tila kalmado lang ito sa aking ginawa, walang reaksyon.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng bahay nila Ron ay hindi ko na pinigilan pa ang sarili kong umiyak inilabas ko ang lahat ng sama ng loob ko ang sakit na nararamdaman ko. Bakit nya nagawa sa akin ito? Bakit kaylangan kong masaktan ng ganito? Bakit hindi kami pwedeng sumaya? Ito ang ilan lang sa mga katanungan ko sa aking sarili. Mahal ko si Ron, sobrang mahal, ngunit hindi mabubuo ang pagsasama naming kung palaging may Lee na nakakabit sa pagmamahalan naming dalawa. Kaya kong isakripisyo ang pansarili kong kasiyahan para lang lumigaya si Ron. At kung ikaliligaya nya ang balikang muli si Lee ay ibibigay ko ito sa kanya kahit pa ako ang magdusa.
Ilang beses na rin akong tinawagan ni Ron ngunit nanatili akong matigas upang dinggin ang kanyang paliwanag. Hindi ko pa rin kasi kayang marinig mula sa kanya ang mga salitang “Sorry Christian nagkabalikan na kami ni Lee.” Hindi ko kakayanin kung maririnig ko ito kaya mas minabuti ko pang magmatigas tuwing tumatawag sya.
“Mahal kita Ron, mahal na mahal.” Ito ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya na matagal ko ng hindi nasasabi. Ngunit sa tingin ko ay hindi ko na muli pang maisasatinig ito sa kanya.
Si Lee…
Hindi ko malaman kung ano ang mararamdaman ko ng muli ko syang makita. Kahit pa itago ni Ron sa akin halata sa kanyang mga mata na umiyak sya. Hindi ko alam kung ano ang kanyang pinagdaraanan ngayon at kung ano man ito ay kailangan kong malaman.
Agad ko itong nilapitan at inalalayan hanggang makapasok ng building. Sa loob ng elevator ay hindi ko na napigil pa ang aking sarili niyakap ko sya ng ubod ng higpit upang iparamdam sa kanya na nandito lang ako para sa kanya, na mahal ko sya, mahal ko pa rin sya.
Ganito ba si Ron ng iniwan ko? Ganito ba naging kamiserable ang buhay nya nung nilayuan ko sya? Halos madurog ang puso ko sa nakikita ko sa kanya. Hindi ko inaakala na ganito pala sya pag nasasaktan. Gusto kong bumawi sa kanya dahil sa nagawa kong pananit sa kanya at sa panahon ngayon tanging ang pagdamay sa taong dating minahal ko ang maaari kong magawa.
Alam kong naging masyadong mabigat ang araw na ito para kay Ron kaya naman ng magpaalam syang matutulog na ay hindi ko na sya pinigilan pa. Hindi na nya nakuhang magpalit ng damit bago matulog.
Ang sarap pagmasdan ni Ron sa kanyang pagkakahimbing. Tila walang problemang dinadala ngunit bakas ang lungkot. Muli ay nadurog ang puso ko. Naisip ko kung gaanong naging miserable ang buhay nya ng iniwan ko sya. If I could turn back the hands of time, I will not do anything that would hurt him. Kaya lang huli na yata ang lahat para sa akin. Meron na syang ibang minamahal. Siguro makukuntento na lang akong makita syang maligaya sa piling ng taong nagmamahal sa kanya at mahal nya.
Kinabukasan ay iprinisinta ko pa rin ang sarili ko na ihatid sya dahil alam kong wala si Ron sa kanyang sarili at hindi ko hahayaang may mangyari sa kanyang masama.
Pagkadating namin ng bahay nila ay nakita ko si Ron na tila natulala at biglang tumakbo sa loob. May tinig akong narinig mula sa loob ngunit di ko sigurado kung sino kaya naman agad ko syang sinundan. Nagulat ako sa aking nakita. Si Christian yakap yakap ni Ron.
Sa pagkakatayo ko sa may pintuan ay nakita kong nakatitig sa akin si Christian. Dama ko ang namumuong galit na makikita mo sa kanyang mga mata. At ang sumunod na pangyayari ay ang paglapat ng kamao nito sa aking mukha.
Wala akong magawa gusto kong gumanti ng sapak kay Christian but I don’t want to make the situation more complicated. I feel sorry for Ron. And I know this time it is still because of me. Ako na naman ang may kasalanan bakit sya nasasaktan. At bago pa tuluyang umalis si Christian ay tinulak ako nito. And there I heard Ron saying: "I love you Christian." Words Christian never heard dahil na rin sa pagmamadali nitong makaalis.
Lumapit ako kay Ron ngunit pilit akong tinaboy paalis. Pilit kong ipinagsiksikan ang sarili ko sa kanya upang madamayan sya sa panahong ito ngunit naging matigas ito. Wala akong magawa kundi sundin na lang ang kanyang kagustuhan. Ang iwanan sya sa pinakamababang parte ng kanyang buhay.
Alam kong ako ang naging sanhi ng lahat ng sakit na nararanasan ni Ron. Kaya naman hindi ako titigil hangga’t hindi ako nakakabawi sa lahat ng aking nagawa sa kanya.
“Babawi ako Ron. Gagawin ko ang dapat at nararapat upang sumaya ka.”
What Hurts the Most – Rascal Flatts Song Lyrics
Itutuloy…
0 comments:
Post a Comment