Kamusta po sa inyong lahat? ^_^
Natutuwa po ako sa mga taong sumusupport sa akin sa story na ito. Kaya muli, maraming maraming salamat po. :)
Pangalawa po ay, gusto ko humingi ng pabor. Hahaha! Pa follow naman po ng blog.. Heheheh. Sige na :P Hahaha!! And nga pala guys, you can add me up on fb pa din. We have a growing community sa fb and I hope ay i-add nyo ko ng mai-add ko din kayo sa ating group. We will be having events soon so sana sumali po kayo. :) Ito po ang link ng aking fb acct. :) http://www.facebook.com/kenji.bem.oya PAKIUSAP lang po na magpakilala lang kayo upon adding para ma add ko na kayo agad sa group :) Thanks!! So.. ito na!!
Pangatlo, ay gusto ko pasalamatan ang aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno, alphongx, zapfyre_01, -Dylan-, jumpin rooftops, Coffee Prince, KYLE DEXTER RIVERA, Dante Espinosa, Mon Tee, Lexin, PIP, akosichristian, rc, Vice Ganda, dylan of jeddah, Kierl Ynez, ireneomercado, MICO, cef, Jordan Rey, -john el-, juanes, rascal, Acnologia, YUME, yahiko, =KierBurry=, Izteepen, -mans-, alfredo eufemio, twilightminds, gian, London, Francis Louigie Aviso, jii, LeonardCruzL@yahoo.com, Vintoy122092, A D A N, giantantrum, popoy, jayemx57, ziedrick garcia, XxXjinXxx, devi, dee azrael, iamkljan, Karen Paulino, readymymouth, Mike Ballarta, Marshy, Mr. Brickwall, gallegoK, Bert, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.
COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.
Naglakad kami papunta sa lugawan. Ngunit sa daan papunta doon ay hindi ko naman inaasahan ang makikita. Mga tambay na nagiinuman.
“Oh, Cyrus! Tagay muna dre!”, sigaw ng isang tambay.
“Sige dre, anong oras na, inuman pa din?”
“Hindi naman dre! Malamig lang. Masarap mag inom.”
Napatingin ako sa isa sa mga tambay. Alam kong nakita na ako nito ngunit hindi ako pinansin.
“Oh Cedric. Dito ka pala.”, pagpansin ni Nikko sa tambay na sinasabi ko.
“Uy.”, tipid na sagot nito.
“Kilala mo pala yan, pare?”, tanong ng isang tambay kay Cedric.
“Oo. Kaibigan ni Cyrus.”, tanging tugon nito.
“K-kamusta?”, pagtanong ko.
“Ok lang.”, tipid pa din nitong sagot.
“Aah. Sige, mauna na kami.”, nasagot ko na lang.
Nakalakad na sana kami ng bigla ulit akong tawagin ni Cedric.
“San ba kayo pupunta? Anong oras na, ha!”, medyo inis na sabi nito.
“Kakain lang.”, sagot ko.
“Wala namang restaurant dyan, ha! Lugawan, meron pa.”, sarkastikong sabi nito. Ramdam ko ang inis sa tono nito. Hindi ko alam pero nabadtrip ako.
“Alam ko. Taga dito din ako, eh. Doon nga kami pupunta, eh.”
Hindi ko na pinansin pa ang sinagot ni Cedric. Basta naglakad na lang kami ni Nikko.
“Problema non?!”, galit din na sabi ni Nikko.
“Eh bat galit ka?”, pagbibiro ko. Kunwari ay di ako apektado at inis.
“Ang yabang nun, ah. Di ko nagustuhan ang tono nun, ah!”
“Lasing lang yun. Hayaan mo na.”
“Akala mo kung sino, eh.”
“Hayaan mo na sabi. Tara, kain na lang tayo.”, pag ngiti ko.
Umorder kami ng dalawang lugaw at isang tokwat baboy para sakanya. Babayaran ko na sana ito ng hinawi naman ni Nikko ang kamay ko.
“Ako na. Please.”, ngiti nito.
“Salamat.”
Habang kumakain kami ay halata pa din ang gutom kay Nikko dahil naka isa pang order ito ng Lugaw, dalawang itlog at isa pa ulit tokwa’t baboy.
“Yan ba ang nabusog kanina?”, pagbibiro ko.
Nagbigay lang ito ng malokong ngiti.
Habang kumakain naman kami ay nakatanggap ako ng text. Nang buksan ko ay galing ito kay Cedric.
“ANG YABANG MO NA, AH!”, capital na sabi nito.
“Ano nanaman ba ang problema? :(”
“Palungkot lungkot ka pa. Eh, kasama mo naman yang manliligaw mo! Plastik!”
Sa nabasa ko ay umakyat naman bigla ang dugo ko. Pero ayaw ko siyang patulan lalo na lasing ito ngayon.
“Ah ganun ba. Ok. Goodnight din. Ingat.”, pagrereply ko.
“Si Cedric ba yun?! Ano sabi?!”, pagbabanta ni Nikko.
“Oo. Siya nga. Wala, ingat daw at maraming adik sa paligid.”
“Talaga lang, ah.”
“Mabait yun.”
“Mabait o pinagtatanggol mo lang dahil may gusto ka sakanya?”
Napakunot ang noo ko sa narinig.
“Ano ulit sabi mo?!”, pagtotono ko.
“I’m sorry. Nadala lang.”
“Bilisan mo na nga dyan. Inaantok na ko.”
Dumaan kami sa ibang ruta para hindi naming madaanan ulit sila Cedric. Baka kasi magkaron pa ng gulo. Ngunit mukhang gulo din talaga ang hanap ni Cedric. Mukhang alam nito na sa kabilang daanan kami dadaan. Malayo pa lang ay nakita ko na ito.
Tatalikod na sana ako ngunit naglakad papunta sa amin si Cedric.
“Oh, saan kayo pupunta?”, maangas na sabi ni Cedric.
“May nakalimutan lang. Sige, kita na lang tayo bukas.”, pagpapaalam ko sabay hila kay Nikko. Nagpapapigil din si Nikko pero hinablot ko na ito.
“Talaga lang, ha. Porket ba may kasama ka nang iba. Iniiwasan mo na ko?!”, maangas nanaman nitong sagot.
Naramdaman ko ang pagbalikwas ni Nikko. Hinarap nito si Cedric.
“May problema ba, pare?”, maangas ding tanong ni Nikko kay Cedric.
“Huwag mo ko ma pare pare. Hindi tayo kumpare.”
“Ganun ba. Sige. May problema ba?!”, ani ni Nikko.
“Aba, matapang! Baka nakakalimutan mong nasa teritoryo kita.”
Lumapit ako kay Cedric at kinausap ito.
“Ced, ano bang ginagawa mo? Please, naka inom ka. Tama na.”
“Oh, bakit? Kinakamusta ko lang naman kayo ng manliligaw mo, ah!”, sagot nito.
“Ced, please. Mag usap tayo bukas.”
“Hindi ba pwede ngayon?!”, maloko at sarkastikong tugon ni Cedric.
Nakita kong lumapit ang mga tambay na kainuman nito. Mukhang nakakaamoy na ng away. At sa mga sitwasyong ganito, alam ko na ang mangyayari. Kawawa si Nikko dito kahit pa malaki ang katawan nito. Sanay ang mga tambay sa away. Kaya naman agad kong nilapitan ang mga ito.
“Par, tulungan niyo naman ako. Tropa ko yan si Nikko. Please, balato niyo na sakin, oh.”, pakikiusap ko.
“Ano bang problema?”, maangas na tanong ng isa sakanila. Si Tommy.
Nagulat na lang kami ng makarinig kami ng palitan ng sapak. Paglingon naming ay nagrarambulan na si Nikko at Cedric. Agad naman kaming tumakbo para umawat.
Sinubukan kong awatin sila Cedric at Nikko. Ngunit sadyang malakas din ang dalawa. At naging napaka agresibo pa ni Cedric dahil sa tama ng alak.
“Ano ba!! T-tama na!!”, pilit kong pag awat sa dalawa. Ngunit sadyang parang bingi na ang dalawa. Naki awat na rin ang mga tambay at sinubukang pigilin ang dalawa.
“Shet!!!”, pagsigaw ko. Naramdaman ko na lang ang sarili ko na tumumba. Naramdaman ko agad na maga ang labi ko. At pag hawak ko dito ay pumutok nga ito dahil may dugo sa kamay ko. Nasapak ako ni Cedric.
Doon naman parang natauhan ang dalawa. Bigla itong huminto sa pagsusuntukan at pinukaw ang tingin sa akin.
Agad na lumapit si Nikko at Cedric upang makita kung anong nangyari sakin.
“Cyrus…”, alalang tawag sakin ni Cedric at hinawakan ang mukha ko para makita ang sugat.
“Taena naman kasi!!!”, pagalis ko sa kamay nito.
“Sorry. Di ko sinasadya.. Cyrus.. Sorry talaga…”, pagmamakaawa nito.
“Ano bang problema mo?!!”, pasigaw at galit kong tugon dito.
“Cyrus.. Sorry na…”
“Sorry mo yang mukha mo!!”, galit na sabi ko sabay hila kay Nikko palayo.
Tahimik lang na sumunod sa likod ko si Nikko. Hindi ito nagsasalita. Ako naman ay ramdam pa rin ang pamumula sa galit.
Pagkarating na pagkarating naman naming sa bahay ay di ko napansin na halos kasunod lang pala namin si Tommy. Inabutan ako nito ng yelo.
“Sensya na pare, ha.”
Tinanguhan ko lang ito.
“Hindi, pare. Pasensya na talaga. Hindi ko nga alam kung bakit nagkaganun yun. Nagpaalam lang na may bibilhin. Eh ang tagal kaya sinundan na namin.”
“Sige, salamat.”, tanging tugon ko.
“Pare, pasensya ka na rin ha. Dayo ka pa naman.”, paghingi din ng paumanhin ni Tommy kay Nikko.
Si Tommy. Siya ang kababata ni Cedric. Isa sa mga pinaka maloko sa aming lugar. Kilalang tambay pero huwag mong ismolin. Dahil kahit manginginom ito ay skolar ito ng aming bayan. Despite his cocky attitude ay matalino ito. Kilala din ito sa isa sa may pinaka maraming kaibigan sa amin.
Naghilamos ako at tinanggal ang dugo sa baba ko. Pagkatapos naman ay nilapat ko ang yelong binigay ni Tommy at dali daling umakyat sa kwarto ko. Tahimik naman na sumunod lang si Nikko.
“Ah… C-Cy-rus..”, nahihiyang tawag nito sa akin. Tiningnan ko ito ng hindi kagandahan. Napayuko naman ito agad.
“Sorry…”, halos mag crack naman ang boses nito.
“Ano ba kasing pumasok sa isip mo at nakipag away ka?!”, galit kong tugon.
“Eh nasapak ako, eh…”, pagpapaliwanag nito. Doon ko naman napansin na may konting galos at sugat ito. Kumalma naman agad ako at lumapit sakanya.
“Pasensya ka na rin. Pero sana, di ka na nakipag away…”, kalma pero medyo inis ko pa ding sabi.
“Ito ba? Wala to.”
Napansin ko nga na halos kaunti lang ang galos ni Nikko. Bigla ko naman naisip kung ano nangyari kay Cedric. Pagnaaalala ko kasi ang katawan ni Cedric at kay Nikko. Alam ko na kung anong nangyari.
“Nakipag away pa kasi.”, mahina kong sabi.
“Sorry.”
“Wala na kong narinig kung di sorry.”
Pagkagising kinabukasan ay nakita kong gising na si Nikko at nakatingin lang sa bintana. Nagulat ako kaya naman umupo na ako agad.
“Hala! Anong oras na?!”, taranta kong tanong.
“Ahm, mag aalas dos na.”, casual na sagot nito.
“Patay! Yung paninda ko!”, taranta kong tayo at agarang pagbibihis.
“Bat kasi di mo ko ginising?”, taranta kong bihis.
“Oh, teka.”, paghablot nito bigla sa kamay ko.
“Ano?!”
“Wala bang Good Morning?”, ngiting sabi nito.
Natawa naman ako bigla.
“Good Morning.”, ngiti ko.
“Ayan… Edi mas maayos. Tsaka baka gusto mo muna maghilamos bago tayo umalis?”
“Tayo?”
“Oo naman! Alanamang iwanan mo ko dito?”
“Wala ka bang trabaho?”
“Pinapaalis mo na ba ko?”
“Loko! Hindi! Kaso paano trabaho mo?”
“Wala. Nakatawag na ako sa opisina. Sinabi ko na hindi muna ako papasok ngayon.”
“Huh? Bakit?”
“Nabugbog ako, eh.”
Naalala ko muli ang nangyari kagabi.
“Parang di naman.”
“Pinapaalis mo lang ata ako, eh.”
“Ang drama mo! Oh siya, tara na! Kaso huwag ka magrereklamo sa init, ha!”
Nagtatawanan kaming bumaba ng bahay. Ngunit pagbaba na pagkababa namin ay agad nabawi ang tawanan. Nakita ko si Cedric. Nakaupo sa kainan.
“Cyrus…”, nahihiyang tawag nito.
“Bakit?”
“Pwede ba tayo mag usap?”
“Ano yun? Bilisan mo at magtitinda pa ako.”, malamig kong tugon.
Humarap ito sa akin at nakiusap. Doon ko lang napagmasdan ang inabot ni Cedric sa suntukan nila ni Nikko. Tama nga ako. Mukha ngang napuruhan ito.
Napatingin ako kay Nikko.
“Hintayin kita sa labas.”, sabi ni Nikko.
Umupo ako sa lamesa at kumuha ng tubig. Napansin ko naman na hindi pa rin nagagamot ang mga sugat ni Cedric. Napatingin ako sa orasan, 2:15 na ng hapon. Shit.
“Kamusta yung sugat mo?”, tanong nito.
“Ito sugat pa din.”
“Cyrus, pasensya ka na. Hindi ko talaga sinasadya.”
“Ano ba naman kasi pumasok sa isip mo?!”
“Hindi ko nga din alam, eh. Hindi ko din alam…”
“Anong hindi mo alam?”
“Cyrus, lasing kasi ako, eh.”
“Hoy! Huwag mo idahilan sakin lasing ka at wala kang matandaan! Baka ako ang sumapak sayo ngayon!”
“Hindi yun. Hindi ko lang alam bat galit ako kagabi.”
“Ako din.”, malamig kong tugon.
“Sorry na… Please…?”
Tiningnan ako mata sa mata ni Cedric. Kita ko ang sinceridad sa mga mata nito. Nakaramdam din ako bigla ng awa dahil sa inabot nito.
“Okay na yun.”, naisagot ko.
Nagulat na lang ako ng bigla akong yakapin ni Cedric. Hindi ko maintindihan. Oo, mahal ko ang taong ito at masaya ako. Kaso hindi naman ito ang hiniling ko. Hindi ngayon. Hindi na may Geoff pa sa buhay nya.
“Sorry talaga. Hinding hindi na kita sasaktan ulit.”, nagccrack na sabi nito.
“You already are..”, mahinang sigaw ng utak ko.
Tiningnan ko muli ang kabuuan ni Cedric. Kita ko ang mga sugat nito sa mukha at braso. Kaya naman sinabihan ko ito na hintayin ako at umakyat naman ako para kumuha ng panlinis sa sugat nya.
“Huwag na.”, nahihiyang sabi nito.
“Huwag ka na lang malikot.”, medyo malamig kong tugon.
“Okay lang ako…”
“Isa.”
“Opo.”
Ginamot ko naman ang sugat nito. Hindi ko naman maalis mapansin na habang ginagamot ko ang sugat niya ay nakatitig ito sa akin. Mga titig na naglalaman ng kung anong mensahe.
Nang matapos ko ito gamutin ay hinawakan nito ang kamay ko.
“Salamat. Huwag kang mawawala sakin, ha…”
Napatango lang ako ng bahagya at ngumiti..
Pagkatapos gamutin ang mga sugat ni Cedric ay agad naman kaming umalis na ni Nikko. Anong oras na din at papasok pa ako mamaya.
“Maaaiiiiiiiiiiisss!!!”, giliw kong sigaw sa kalye.
“Ang cute ng pagsigaw mo ng mains, noh? May tono, eh!”, natatawang sabi ni Nikko sat wing sumisigaw ako ng aking paninda.
“Maaaiiiiiiiiiiisss!!!”, sigaw kong muli.
“Iba talaga, eh!”, tawa nitong muli.
“Pupunahin mo na lang ba ang pagsigaw ko o tutulungan mo ko?”, tawa ko namn sagot.
Mag aalas quarto na at halos may isang odsenang mais pa akong hindi natitinda. Nanghihinayang naman ako dahil sayang naman din ang kikitain ko.
“Uwi na tayo.”, malungkot kong sabi kay Nikko.
“Oh, bakit? Di pa ubos to, oh. Konti na lang naman. Sayang!”
“Eh papasok pa ko mamaya, noh!”, malungkot ko pa ding tugon.
Naglalakad na kami pabalik ng tanungin ako ni Nikko.
“Ilan kayo lahat sa bar?”
“Huh?”
“Basta, ilan?”
“Kasama banda, onse kami lahat.”
“Edi solve! May meryenda na sila mamaya!”
“Ano?!”
“Gusto mo maubos yang paninda mo, diba?”
“Oo naman.”
“Edi bigay mo sa mga kasama mo sa trabaho!”
“Hoy! Kaya nga ang tawag dito paninda. Hindi ito libre!”
“Alam ko!”
“Ano?!”
“Ang SLOW mo naman! Edi papakyawin ko na lahat!”
“ANO?!”, gulat kong sabi.
“Oo.”, pag ngiti nito.
“Huwag na, ano ka ba! Kinse ang isang mais ko noh! Eh ilan to.. isa, dalawa… oh, trese pa toh, oh!”, pangangatwiran ko.
“Oh, eto tatlong daan.”
“Hoy! Trese lang to! Bat ang laki ng binigay mo!”
“Tip!”
“Ano to, bar? May tip?!”
“Ayaw mo?!”
“Hindi naman sa ganun…”
“Oh, siya. Tara na. ibalot mo na lang yang mga mais at dalhin natin sa trabaho mo mamaya.”
“Natin?”
“Oo naman! Diba nga, empleyado na ko don.”, tawa tawang biro nito sa akin.
Dahil na rin sa kasama ko pa din si Nikko ay hindi sumabay sa akin si Cedric papasok. Ngunit habang nasa daan ay napansin ko naman na walang humpay ang pagtetext nito sa akin. Paulit ulit na tinatanong kung ano daw ginagawa naming at kung nasaan na kami.
Dumaan muna kami sa isang kainan at pinagmeryenda ako ni Nikko bago pa man din kami tumuloy papunta sa bar. Pagpasok ko naman ay sakto lang din ang oras kaya hindi ako nalate.
“Aba! Yan na ba ang bagong Cedric?”, bungad na asar samin ni Rovi.
“Tumigil ka nga Rovi! Kararating ko lang!”
“Oh, akala ko tapos na ang regla days mo?”, pang aasar pa nito lalo.
“Oh, ito! Mais! Meryenda!”
“Wow! Sosyal! May pameryenda ka na ngayon, ha!”, pangiinis ni Rovi at ng iba pang banda.
“Loko! Galing kay Nikko yan!”
Paglingon ko sa isang table ay nakita ko agad si Cedric. Nakatalikod lang. Hindi nanaman ako pinansin. Tiningnan ko naman si Nikko at sumenyas na wag gagawa ng gulo. Ngumiti naman ito.
As usual, ang routine ko na pagaayos at paglilinis muna ang inatupag ko habang naka upo at naghihintay lang sa akin si Nikko.
Nang matapos kami makapaglinis ay pumwesto na ulit ako sa bar habang nasa harap ko naman si Nikko. Ngunit bigla akong kinabahan. Nakita ko kasing palapit si Cedric. Huwag naman sana dito sila magrambulan.
Napansin ni Nikko ang pagkagulat ng tingin ko kaya nilingon nito ang tiningnan ko. Ngunit kalmado lang itong umupo.
Dire-direcho, umupo sa tapat ng bar si Cedric at tumingin kay Nikko. Ako naman ay kinakabahan.
“Salamat sa mais.”, nahihiyang sabi ni Cedric kay Nikko. Kami naman ni Nikko ay parang nagulat.
“Huh?”, sigaw ng utak ko.
“Wala yun.” Casual na sagot ni Nikko.
Tumayo na si Cedric at tumingin sakin at binigyan ako ng isang matamis na ngiti. Nginitian ko naman din ito at tumango. Agad kong kinuha ang cellphone ko.
“Salamat. :)”, pagtetext ko kay Cedric.
Wala pang ilang saglit ay nagreply ito.
“Basta ikaw.”
Kahit na alam kong mali, ay kinilig pa din ako sa text nay un ni Cedric.
Dumaan pa ang mga araw at naging maayos naman ang lahat. Though hindi talaga nagpapansinan sila Nikko at Cedric ay hindi na ito gumawa pa ulit ng gulo. Sa estado naman ni Nikko sa buhay ko, hindi ko pa din alam. Hindi ko alam kung nanliligaw ba ito o kung gusto ko na nga din ba ito. Siguro ay kahit papano ay napalapit na ako kay Nikko. Lalo na sa mga pinapakita nito. Ngunit hindi ko din alam. May mga times kasi na parang biglang hindi ko siya kilala. May mga tingin ito sa akin na hindi ko maipinta o maipaliwanag. Si Cedric naman, hindi ko rin siya maintindihan. Kakaiba ang mga kinikilos nito. Hindi naman sa binibigyan ko ng kahulugan ang mga kilos nito dahil lang sa nasabi ko na ang nararamdaman ko, ngunit ibang iba talaga sa pinapakita nya noon sa akin at ngayon.
“Cyrus!!!”, sigaw ni Mang Berto.
“Andyan na po!”, sagot ko.
Oras na. Oras nanaman para umalis papuntang trabaho. At yang sigaw nay an ang hudyat na andyan na si Cedric at sinusundo na ako.
“Oh, monay.”, ngiting bati nito sa akin.
“Nanaman? Napapadalas tong panlilibre mo ng meryenda, ha! Baka wala ka na sa pamilya mo, ah!”
“Monay lang naman yan.”, ngiti nito.
“Salamat. Ay teka, painnumin ko lang si Tatang gamot. Tatlong araw na kasi itong nilalagnat. Hindi ko nga muna pinapasok sa trabaho nya, eh.”
“Sige lang.”, ngiti ni Cedric.
Agad akong kumuha ng basong may tubig at kinuha ang gamot sa ibabaw ng ref para painumin si Tatang. Agad ko namang inupo si Tatang ng makalapit ako dito.
“Tang, gamot po.”
“Nako anak, salamat, ha. Pasensya ka na rin at hindi kita matulungan ngayon.”, mahinang sabi ng Tatang.
“Wala ho yun. Magpagaling lang kayo. Ibibili ko ho kayo ulit ng lugaw pag-uwi ko.”
“Nako, anak. Huwag na. Siya nga pala, may ibibigay ako sayo. Kunin mo nga yung kahon ko sa aparador.”
Agad naman akong tumayo at kinuha nga ang kahon. Agad naman itong binuksan ni Tatang at inabutan ako ng isang kwintas.
“Oh, Tang. Kwintas ko to, ah! Saan niyo ho nakita? Ang tagal nitong nawala.”, sobrang saya ko lang na sambit kay Tatang.
“Nawala? Eh hindi naman nawala yan, eh. Tinago ko lang naman yan. Bata ka talaga, oo.”
Napaisip ako sa sinabi ng Itang. Alam kong nawala ko talaga yun noon. At alam kong halos halughugin ko na ang bahay ngunit hindi ko ito nakita. Doon ko naalala, hindi nga pala ako nagtanong. Baka nakita ito ni Tatang na nahulog o nakakalat kaya tinago nya ito at ngayon na lang ito naalala.
“Ah basta, Tang. Maraming maraming salamat po.”
“Magiingat ka bata ka, ha. Tandang tanda ko pa nung unang kinupkop kita.”, ngiti ni Mang Berto.
“Ako din.”, nakangiting sabat ni Cedric.
“lalo naman ho ako Tang. Hinding hindi ko makakalimutan ang pagpapalaki na ginawa nyo sa akin.”, nakangiti kong tugon.
“Pagpapalaki? Ikaw talaga bata ka.”
0 comments:
Post a Comment