Una sa lahat, nais kong pasalamatan ang ampalayang Zephiel sa pagbibigay ng Author Rights sa blog niya...
Pangalawa; yung napadpad sa blog ko na naghahanap sa ibang parts ng kwento, pasensya na sa pagtago ko ng mga parts, ayoko lang kasing magmukhang "phishing" ang dating ng pagsubmit/pagpost ko ng kwento dito... Sana maintindihan mo :) Salamat pala sa pagbisita sa abang lungga ko hehe...
Pangatlo; sam1308, Charlette Paul, clark, Mr. Brickwall, Chris, Cute Smile euse, VAN, Master_lee#027, DownDLine, Coffee Prince, =dereck=. foxdriver, koalabear, JAZZ0903, Roan ^^,, at ang dalawang anon... Maraming samalamt sa comments :)
Will You Wait For Me? (Part 2)
“Sir Takahashi, kayo pala!” bati ko sa bagong dating sa studio.
“Ako
nga, sino pa bang ineexpect mo? Ako ang may-ari nito natural na nandito
ako. Isa pa, ilang beses ko bang sasabihing Hiro nalang, masyado kang
pormal.” pabirong sagot ni sir Takahashi. “Kayo anong ginagawa niyo
dito?” dugtong pa nito.
Siya
si Mr. Hiroki Takahashi, ang mentor ko sa photography. Nuong bagong
bukas pa lang kasi ang studio niya at wala pang branch ay lagi akong
pumapasyal dito upang tumingin-tingin. Tinanong niya kung mahilig akong
kumuha ng pictures, sabi ko oo. Pinasubok niya akong kumuha ng pictures
ng isang vase tapos ay nagustuhan naman niya ang mga kuha ko. Binigyan
niya ako ng training nang libre, sayang daw kasi may potential daw ako.
“Nagpa-print
ng pictures natural, alangan namang bumili kami ng gamot dito o kaya
naman ay lagari.” Ganting sagot naman ni Jayson, salubong ang mga kilay,
nakasimangot.
Tinignan
ni sir Hiro si Jayson. “Aba… Galing mo nang sumagot ah. Relax lang,
masyado kang hot!” nang-aasar ang tono niya’t ginulo ang buhok ni
Jayson. “Kaya ka nabubukulan eh.” Dugtong pa nito, marahil ay dahil sa
gasa sa ulo ni Jayson.
Ewan
ko ba sa dalawang ito, kapag nagkasalubong sila, ang isa galit ang isa
naman namimilosopo’t nang-aasar lalo. Natatawa nalang ako sa kanilang
dalawa, para silang aso’t pusa.
“Hey!” bati naman sa’kin ng isa pang pumasok, si sir Jethro, ang best friend at kasosyo ni sir Hiro.
“Sir Jethro! Gumugwapo tayo ah!” sambit ko.
“Inspired lang.” tapos at tumingin siya kay sir Hiro, nagngitian.
“Tara na! Male-late na tayo!” inis na wika ni Jayson sabay hila ng kamay ko.
Bago
pa man ako tuluyang makalabas ay nakapagpaalam ako kina sir Hiro at sir
Jethro. Dinig ko pa ang isinagot ni sir Hiro na “Ingat kayong
mag-syota!”
“Buwisit!” bulong ni Jayson.
“Narinig ko yun!” sambit kong natatawa.
“Sige tumawa ka pa Moy.” wika niya sa nagbabantang tono’t pinanlakihan ako ng mata, nakakatakot.
“Bakit
kasi asar na asar ka kina sir Hiro?” tanong ko habang naglalakad kami
papuntang sakayan na ‘di naman malayo mula sa studio.
“Sinong
‘di maaasar ginagawa niya tayong katulad nila?!” sagot niya’t humarap
sa akin, di maipinta ang mukha. Galit nga ang mokong.
“Katulad
nila?” tanong ko sa kanyang may pagtataka. Wala akong makitang masama
sa dalawang yun, ano kaya ang ibig niyang sabihin?
“Wala!” tumalikod na siya’t sumakay na sa jeep papuntang university. Sumakay na rin ako.
Pinupuno
pa ang jeep, mainit, nasa side pa naman ako na naaarawan. Dumukot ako
ng barya sa bulsa ko sabay abot sa driver, “Manong bayad po, dalawa!”
“Dito ka nga!” wika ni Jayson sabay hila sa akin sa kabilang side na masikip naman.
“Sikip na dito ehh.” Reklamo ko dahil kalahati nalang ng pwet ko ang naka-upo.
“Di
ka naman naaarawan” sagot niya. Kinuha niya ang panyo niya at
sapilitang isiniksik sa likod ko. “Yan, baka ubuhin ka pa, pawis na
pawis ka.” Dugtong pa niya. Tinignan kami ng babae sa harapan ko tapos
ay nagtakip ng panyo sa bibig pero halata namang natatawa.
“Wag
ka nga! Ginagawa mo akong bata!” singhal ko kay Jayson. Nakakatuwa yung
ginawa niya pero nahiya din ako, baka kung anong isipin ng ibang
nakakakita.
“Wag
mong tatanggalin yan, sisikmuraan kita sa mukha!” banta niyang pabiro.
Hinayaan ko nalang. Umusog siya paharap. “Umupo ka nang maayos.” Sabi pa
niya. Naka-upo nga ako ng maayos dahil sa pag-usog niya.
“Salamat.” Ang naitugon ko. Ngumiti lang siya.
Nakarating
kami ng university at naghiwalay na kami dahil magkaiba ang building ng
College of Engineering at College of Education. Bago pa man kami
maghiwalay ay hinabilin na niyang magkita kami sa canteen at lunch time.
Dumiretso na ako sa building namin.
“Giaaaaaannnn!” tili ng classmate ko nang makita akong paparating kung kaya napalingon sa’kin ang lahat nang nakarinig sa kanya.
“Eskandaloso
ka talaga kahit kelan Romel.” Gigil na wika ko. Nahihiya ako sa tuwing
may mga nakatingin sa akin kung kaya naiinis ako sa ginawa ni Romel.
“Na-miss lang kita. Hehehe…” malanding sabi pa nito.
“Layuan
mo ang boyfriend ko kung ayaw mong manghiram ng mukha sa palaka!” banta
naman ni Diana na lumabas pa ng room namin upang salubungin ako.
“Sinasalubong ko lang para sa’yo friend.” Sagot naman ni Romel.
“Ganun
ba? Salamat friend, pero akin lang siya bawal ang sawsaw.” Tugon naman
ni Diana sabay pulupot ng kamay sa baywang ko na sinuklian ko naman ng
pag-akbay at mabilis na halik sa pisngi na dahilan upang mapatili sa
kilig si Romel at iba pa naming classmates na babae.
“Pasok
na tayo hon.” Paanyaya ko sa kanya. Pumasok na kami sa room at tumabi
muna ako sa kanya habang di pa nag-uumpisa ang klase. “Kamusta ang
pag-reresearch niyo kahapon?” tanong ko sa kanya pagka-upo.
“Hayun,
masakit sa ulo at nakakapagod mag-research gummy bear, basa lang kami
nang basa till night time.” Sagot ni Diana na bumubuntong hininga na
wari’y stressed.
“Kawawa
naman ang honey bunch ko pagod sa report.” Hinalikan ko siya sa noo at
hinaplos-haplos ang kanyang mahaba’t straight na buhok.
Kinuha
naman niya ang kamay ko’t pinisil-pisil, minamasahe. Gustong gusto ko
ang pakiramdam kapag ginagawa niya yun. “Eh kayo, kamusta yung program
kahapon? Balita ko na-aksidente daw si Jayson ah. Kamusta na siya?”
tanong pa niya.
“Okay
lang siya, nabukulan lang siya. Na-out of balance siya kaya siya
nahulog. May konting sugat lang siya sa noo, pero nakapag-pahinga naman
na siya kagabi kaya okay na siya ngayon.” Pagbahagi ko sa kanya.
“Naku,
ikaw gummy bear mag-ingat ka palagi, wag mong hahayaang masugatan ka sa
mukha.” Nag-aalalang wika niya sabay hawak sa pisngi ko.
“Get
back to your seats, this is not a lovers’ lane.” Biglang wika ng
adviser at professor namin sa Math01 na si Professor Yumul na
dere-deretsong pumasok at mabilis na naglakad papunta sa table niya.
Napilitan
akong tumayo na pero bago pa ako umalis ay hinalikan ko muna ulit sa
pisngi si Diana, dahilan upang mag-ingay sa kilig ang mga classmates
namin. “Mamaya nalang hon.” Bulong ko pa sa kanya. Naglakad na ako’t
umupo sa silya ko.
“Nananadya ka yata eh! Suntukan nalang tayo!” pabirong wika ni sir Yumul.
“Sir ligawan mo na kasi si Ms. Canda, bagay naman kayo eh.” Sagot ko naman sa kanya na natatawa.
Nagkataon
namang napadaan si Ms. Canda, ang professor namin sa Educ01, kausap ang
isa pang teacher habang naglalakad. Biglang namutla si sir Yumul,
nataranta siya’t nahulog ang chalk box niya’t nagkalat ang mga chalk sa
sahig. Itinapat ang index finger niya sa kanyang bibig upang sabihing
wag kaming maingay. Lalo naman kaming natawa sa katorpehan ni sir Yumul.
“Kengkoy
talaga yang si sir…” di maiwasang sabihin ni Jonathan na katabi ko sa
silya. Lima lang kaming lalaki sa class, ang isa ay full pledged bading
pa na si Romel.
“Hoy,
narinig ko yun! Minus 5 ka sa quiz!” sabi naman ni sir Yumul. Napakamot
nalang sa ulo si Jonathan habang lalo naman kaming natawa.
Itinuloy
na namin ang klase na punong puno ng tawa dahil kay prof. Katunayan
favorite subject na namin ang math dahil nabubuhayan kami ng dugo dahil
kay sir Yumul na patawa kahit na nagseseryoso.
Natapos
na ang tatlong subjects namin sa umaga’t lunch break na namin. Sabay
kaming pumunta ng canteen ni Diana, naglalakad na magkahawak-kamay.
Nakabuntot naman sa amin sina Romel at Theressa na mga close friends ni
Diana. Pagkadating namin sa canteen ay nakita agad namin si Jayson na
nakapila sa counter. Pumila na rin kami.
“Patay
gutom! Di mo man lang kami hinintay!” pabiro kong sabi nang dumaan sa
gilid namin si Jayson na kakatapos lang magbayad, di pala niya kami
napansin. Dala niya ang tray ng pagkain niya. Nakita ko yung dalawang
Samba sa tray at kinuha agad yung isa.
“Oy
Moy, gutom na kasi ako eh. Kuha nalang ako ng table natin para may
maupuan na kayo agad.” Sagot naman niya bago tuluyang umalis upang
humanap ng pwesto.
“Sige Moy.” tanging naisagot ko.
“Nag-gi-gym ba si Jayson?” tanong ni Diana sa’kin.
“Hindi, bakit?” sagot-tanong ko naman.
“Maganda kasi ang katawan niya. Ikaw gummy bear bat di ka mag-gym?” suhestyon niya.
“Sa
kakasayaw at basketball kaya gumanda katawan niyan. Busy kasi ako eh,
kaya di ako pumupunta ng gym. Pag may time hon, sige mag-gi-gym ako.”
sabi ko nalang pero wala talaga akong balak. Sinabi ko lang yun para
hindi siya mangulit… Pero pwede din, baka, ewan, basta pag sinipag ako.
Matapos
umorder at makapagbayad ay pumunta na kami sa table kung saan kumakain
na si Jayson. Nagsimula na din akong kumain habang sila’y
nagkukuwentuhan. Hindi ko kasi ugali ang magsalita habang kumakain,
galit-galit muna sabi nga.
Magkausap
sina Theressa at Romel habang sina Jayson at Diana naman ang magkausap.
Natutuwa ako dahil magkasundo ang dalawang taong malapit sa puso ko,
ang best friend ko at ang girl friend ko. Sa iba kasi may nangyayaring
selosan sa best friend at syota, kesyo nawawalan daw ng time sa isa,
hirap kayang magbalanse. Kaya masaya ako’t di ko nararanasan yung may
isakripisyo.
Matapos
kumain ay kinuha ko yung baso upang uminom ng tubig, di sinasadyang
nasagi ko yung alternative ko sa favorite kong ferrero rocher, ang
samba, na gumulong at nahulog sa ilalim ng mesa. Kinuha ko yun at
napansin kong parang mga batang naglalaro ang mga paa nina Diana at
Jayson. Aapakan nung isa tapos gaganti yung isa. ‘Di ko maiwasang matawa
sa ginagawa nila.
Matapos
kumain ay nagbalik na kami sa classroom, si Jayson nama’y sa
building nila. Isang tipikal na araw lang ang nangyari, pasok, break,
kuwentuhan with friends, konting lambingan namin ni Diana… Matapos ng
klase ay hinihintay kami ni Jayson sa gate. Hinatid muna namin si Diana
sa sakayan nila. Bago siya sumakay ay binigyan ko muna siya ng mabilis
na halik sa labi. Nakita kong umiwas ng tingin si Jayson, naiinggit
siguro.
“Moy, nasaan yung mga girl friends mo?” tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta naman sa sakayan namin pauwi.
“Busy yung mga yun.” Walang buhay niyang sagot.
“Moy sana hinintay mo ang isa, para may kasama ka’t nilalambing ngayon.” Sabi ko naman.
“Bahala sila Moy, di naman nila sinabing hintayin ko sila eh.” Sagot niya habang tumatawid kami ng kalsada.
Palagay
ko nga’y wala nga siyang mahal sa mga girl friend niya ngayon. Parang
wala siyang gana eh. Nagpatuloy kami sa paglalakad nang bigla niyang
hawakan ang kamay ko’t hinila ako papasok ng isang pamilihan. “Oh, bakit
tayo nandito?” taka kong tanong sa kanya.
“Sumunod ka nalang Moy!” sabi niya. Wala na nga akong nagawa kundi ang sumunod.
Binitawan
niya ang kamay ko’t pumasok kami sa super market. Napansin kong parang
may sinisundan siya. Sinuri ko ang mga galaw niya pati ang direksiyon ng
mga tingin niya. “Hayun, kaya naman pala… Nakakita lang ng sexy parang
asong sumusunod-sunod na!” pasimple kong wika. Maganda yung babae,
mahaba ang buhok, maputi, may kalakihan ang dibdib at pwet, tipong bote
nga ng coke. Naka-blouse ito at nakasuot ng hapit na maong na pantalon na
may mahabang hiwa mula sa ilalim ng hip pababa na tinatalian lang ng
shoe strings para di magbuka, pero kita pa rin ang balat ng hita at
binti niya.
“Hehe wag ka nga! Minsan lang naman ‘to Moy.” Sagot niya. Napailing nalang ako.
Pumunta
kami sa toiletries section dahil duon tumigil yung babae. Namimili ng
mga skin care products yung babae. Bigla itong lumingon sa’min ni
Jayson, tinignan kami mula ulo hanggang paa. Di ko naman siya masisisi,
para nga kaming mga stalker sa ginagawa namin.
Nataranta
naman si Jayson, bigla siyang humawak ng produkto at tumingin sa’kin.
“Effective kaya sa’kin to Moy?” tanong niya. Nagpapalusot para hindi
siya paghinalaan nung babae.
Humagalpak
naman ako, halos hindi ako makahinga sa katatawa. “Oo Moy… Magiging
effective sa’yo yan!” sabi kong hirap na hirap dahil sa pagtawa.
“Anong nakakatawa?” kunot-noong tanong ni Jayson.
“May monthly period ka pala? Effective yan, try mo.” biglang sabi nung babae na nasa likuran na pala ni Jayson.
“H-ha?”
tangi niyang naisagot. Tinignan niya ang hawak niya’t namula ng todo
ang muka nang makita niyang sanitary napkin pala ang hawak niya. Parang
nandiri pa siya’t pahagis na ibinalik yun sa shelf.
“Bakit niyo ako sinusundan?” tanong ng babae, nakataas ang isang kilay at salitan kaming tinitignan ni Jayson.
Tumahimik
lang ako’t nagpipigil ng tawa. Di ako maka-get over sa napkin. Si
Jayson naman ay pinagpawisan sa noo, halatang kinakabahan. Pero nagawa
pa niyang makasagot. “’Di ka namin sinusundan ah!” Pagtanggi niya.
“’Di
ako naniniwala.” Sagot naman ng babae. “I’m Evette, Eve for short.”
Pagpapakilala niya’t inilahad ang kamay. Nakipagkamay naman kami ni
Jayson at nagpakilala. “So bakit niyo nga ako sinusundan.” Muling tanong
ni Eve.
“Ahh… Ehh…” natatameme na si Jayson.
“Alam
kong type niyo ako pero… I can only go out with one of you. Ayoko ng
threesome eh. So, sino sa inyong dalawa?” Nagulat kami sa sinabi ni Eve,
nagtinginan kami ni Jayson. May mga babae pala talagang ganito,
liberated na straight forward kung magsalita. Di ako sanay.
“A-ako.” sagot ni Jayson na may kabadong ngiti.
“Alright,
let’s go Jayson.” Sabi ng babae sabay bigay sa basket ng pinamili niya
kay Jayson. “See you around Gian.” Paalam pa niya sa’kin bago tumalikod.
Parang bibe kung maglakad, hanep kumendeng!
“Kita nalang tayo sa bahay niyo mamaya Moy.” Nakabungisngis na wika ni Jayson bago tuluyang sumama sa Eve na yun.
Naiwan
akong napapa-iling nalang. Talaga tong best friend ko, torpeng babaero…
Nagpasya na akong umuwi na, tutal wala naman talaga akong bibilhin.
“I’m home nay!” sigaw ko pagkapasok ko ng bahay. Sinalubong naman ako ni nanay na nagpupunas ng kamay sa suot niyang apron.
“Oh,
‘di kayo sabay umuwi ni Je-je?” tanong agad ni nanay. Nasanay kasi
siyang lagi kaming magkasama ni Jayson after school. Pag ‘di ako umuwi,
malamang kina Jayson ako tumuloy.
“May gagawin pa yun nay kaya nauna na ako. Pero dito yun matutulog.” Sabi ko habang paakyat ako ng hagdan.
Pagpasok ko ng kuwarto’y nagbihis agad ako ng pambahay. Nahiga ako sa kama. Now what to do? Wala akong alam gawin. Kung nandito si Jayson magkukulitan kami. Kaso wala nga siya. Haay…
Naisipan
kong tawagan si Diana. Sa mga oras na yun tiyak na naka-uwi na siya.
Bumaba ako sa sala, inangat ang handset ng telepono at di-nial ang
number ng bahay nila.
“Hello?” sagot ng nasa kabilang linya.
“Good afternoon po. Si Gian po ito, nandiyan po ba si Diana?”
“Naku Gian, wala pa siya eh. Tumawag ka nalang mamaya ha?”
“Sige po, tita. Thank you po.”
“Sige.”
Nakakapagtaka, bakit wala pa siya? Kinuha ko ang cellphone ko at di-nial ang number niya.
“Hello gummy bear!” sagot ni Diana. Dinig ko ang busina ng mga sasakyan sa background.
“Honey bunch nasan ka na?”
“Gummy bear ‘di kita marinig. Nasa sasakyan pa ako, traffic eh. May nasiraan ata.”
“Ganun ba? Tawagan mo ako pag nakauwi ka na ha?”
“’Di talaga kita marinig gummy bear. Mamaya nalang.”
“Sige hon, ingat ka. I love…” Ibinaba niya ang linya.
Haay…
Pati si Diana hindi ko makausap. Naiinip ako. Bumalik ako sa kuwarto
ko. Nagpasya akong maglaro nalang ng online game. In-on ko ang pc at
ni-launch ang client. Nag-log in at sinimulan na ang paglalaro. Wala
naman na akong gaanong gagawin online dahil max level na ang character
ko. Naglaro lang ako ng naglaro ng PVP at ‘di ko na namalayan ang
paglipas ng oras.
Nag-exit
na ako sa nilalaro ko nang magsawa ako, medyo madilim na din. Pagtingin
ko sa oras ay 6:24 na. Ilang minuto pa bago mag-dinner kaya nagpasya
akong buksan muna ang facebook ko. Pagkalogin ko ay may nakita agad
akong link na shinare ng isa sa mga friends ko, ang sabi’y “Very Scary!”
Naisipan kong i-click yun. Nagbukas ang bagong tab, ang kakalagay ay
hotel 626. Kailangan daw ang webcam at mic kaya sinuot ko ang headset ko
at inilagay din ang web cam.
Isa
pala itong laro. Nilaro ko lang ito, naaaliw ako’t natatakot lalu na
dun sa bahaging kailangan kong kunan ng picture yung anino sa banyo.
Nasa part na ako nung batang natutulog na kailangang nasa tamang tempo
lang yung music. Nagfocus ako upang hindi magising yung bata.
Naglalakad… Dinig na dinig ko sa headset ko ang bawat yabag…
Nakaka-kaba. Parang sasabog ang dibdib ko sa kaba’t di ko na napansin na
yung bola ay nasa far left na pala, ibig sabihin masyadong maingay na
ako maglakad. Nagising yung bata at tumambad sa aking harapan ang tyanak!
Kasabay nun ang pagbukas ng pinto, may pumasok sa madilim kong kuwarto.
Nagulat ako’t napasigaw.
“Nyaaaaaaaah!!!” napatayo ako ngunit na-out of balance ako. Natumba ako kasama yung silya.
Binuksan niya ang ilaw. “Anong nangyari sa’yo?” natatawa niyang tanong. Nakatayo lang siya sa tabi ng switch sa tabi ng pintuan.
Tumayo
ako’t inayos ang sarili. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko, malamang
ay namumula ako. Inayos ko din ang silya at inilapag ang headset sa
harap ng monitor. “Wala!” sagot kong may inis. Ikaw ba naman ang gulatin
ng ganun, ‘di ka ba maiinis?
Tumawa ng tumawa si Jayson. “Nakita mo sana ang hitsura mo Moy, muka kang palakang naka-salampak sa sahig!”
“Ewan
ko sa’yo!” inis kong wika. Pinatay ko na din ang pc at umupo ako sa
kama, hindi ako makatingin sa kanya dahil sa pagkapahiya.
“So galit ka na niyan?” Tumatawa pa rin siya. Parang nananadyang mang-inis.
“Ay hinde! Tuwang tuwa nga ako oh!” sarkastiko kong sagot.
“Ito naman… Sorry na.” malambing niyang wika. Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako.
Hindi ako umimik. Iginalaw ko ang balikat ko upang matanggal ang kamay niya.
“Hindi mo ba ako mapapatawad Moy?” wika niya’t andiyan na naman ang puppy eyes niya.
Hindi ulit ako umimik.
“Matigas
ka na ha?!” singhal niya’t itinulak ako kaya napahiga ako. Hinawakan
niya ang dalawang kamay ko’t pumatong sa’kin, inilock niya ako’t ‘di ako
makagalaw dahil na rin sa mas malakas ang pangangatawan niya sa’kin.
“Bitawan mo nga ako! Ang bigat mo!” sigaw ko.
“Patawarin mo muna ako.” sabi niyang nakangiti.
Di
ako sumagot. Pinagsalubong ko ang mga kilay ko upang ipakitang galit
ako pero sa loob-loob ko ay natatawa na ako sa pinag-gagagawa niya.
“Matigas ka talaga ha?!” sabi niya’t bigla akong hinalikan. Nanlaki ang mga mata ko nang magkadikit ang mga labi namin.
Itutuloy...
21 comments:
OMG!
YUN NA!
ahahaha! ano kayang magiging intial reaction ni Gian? mapapatulala? magagalit? mamumula? XD
ang astig ng transition .. eheheh!
looking forward for more kilig moments .. ;)
Thanks kuya Law ~
Eto na part 2. Natawa talaga ako sa napkin haha. Ang adik lang. Hirap hulaan ng magiging flow ng story. Ayun hinalikan na. Alam na!
Van ^^,
again....
OOOPPSSS!!!
:)
haha ang cute talaga ng story
Thanks po kuya Law!!
-carlo8-
wooohh..parang may twist...
Yan ang gusto ko sayo je-je e! nice one!
:)
time to sleep na. 2:22am n pla.
salamat author.. nakangiti akong matutulog. hehehe.
nyt2. ^^
Woah!!!!!!!
-cnjsaa15-
wow! ano ito? kiss and make-up? hahaha! nive! salamat po sa pagupdate agad! sobrang ganda po talaga! nxt na! hahaha!
another interesting story to read...
wow.. bitin..
hehe..
-ylden
Ang ganda nung story. Haha. Nakakaexcite naman. :] Can't wait fir the next update.
wahhh! I like it! hehehehe next n author! hehehe
heheheh..okie nice......weired nga lang ung gf ni ian......hahhaha
heheh nice1
I like the way na maramiing twist and pampagulo tong story diko mahulaan if sinu ung talagang may gusto sa kaila dalawa ehehe keep up the good work.........nice story
........hmmm.....
bakit kasi ilabas na yng nararamdaman at matapos na.....
gagmit pa ng babae para panakip butas lng.....
ayun me kiss na magigising na ang sleeping feelings ni GIAN..
PASILIP PA LNG ITO AH..MALAMANG MADAMIMG AMPALAYA AKONG KAKAININ NITO.. HAHAHAHAHAH
JAZZ0903
huh
ahh type mo ang ampalaya hehe..nice one author..
hahaahahahaah ayan na
-yume
hahahahahaha.. ano ba yan!!!!! kiss agad... hmmmpt!
Terrific ! Nyahaha
Post a Comment